You are on page 1of 12

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 9

I. Layunin
1. Naisasalaysay ang daloy at pangyayari sa kabanata.
2. Naibabahagi ang sariling opinyon hinggil sa kulturang Pilipino na ipinakita
sa kabanata (Isang Handaan)
3. Nakasasagot sa mga hinihinging halimbawa na may kinalaman sa
kagandahang-asal.

II. Nilalaman
A. Paksa: Isang Hapunan
B. Sanggunian: Noli Me Tangere pahina 10-12
C. Mga kagamitan: Kagamitang Biswal, Mga larawan, Laptop, Projector

III. Pamamaraan
A. Preparasyon
Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral
Magandang umaga klas! Magandang umaga rin po!

Paki-ayos ang inyong mga upuan at


pulutin ninyo ang mga kalat. Opo Ma’am.

Bago kayo maupo ay siguraduhing


nakasuot ang inyong mga I.D sainyo. Opo Ma’am.

May mga lumiban ba sa klase sa araw


na ito? Wala po Ma’am.

Mabuti kung gayon. Umupo na kayo nang


maayos at magsisimula na tayo. Opo Ma’am.
B. Pagbabalik-aral
Kahapon ay tinalakay natin ang ikalawang
kabanata ng Noli Me Tangere. Ito ang
Si Crisostomo Ibarra. Sino na nga si
si Crisostomo Ibarra, Paul? Si Crisostomo po ay anak ni Don
Rafael Ibarra na kaibigang
matalik ni Don Santiago de
los Santos o mas kilala bilang
Kapitan Tiago.

Magaling! at para kanino ang salu-salong


iyon na inihanda ni Kapitan Tiago, Jamaica? Para po sa ligtas na pagdating ni
Crisostomo Ibarra mula sa ilang
taong pananalagi sa
Europa.

Tama! At bakit sa unang pagkikita nina Padre


Damaso at Ibarra ay nagkaroon agad ang
dalawa ng hindi pagkakaunawaan? Sapagkat iginiit po ni Padre
Damaso na hindi niya
kilala ang ama ni Crisostomo.

Tama! at ano namang kaugalian ang ipinakita


ni Ibarra sa salu-salo nang ipakilala ang sarili
sa mga taong naroroon? Jim? Kaugaliang galing Europa po. Ito
po ay nangangahulugang
pagbibigay galang
sa mga taong naroroon sa
piging.

Nauunawaan ba? May tanong pa? Wala na po.


C. Pagganyak
Mainam kung gayon. Sa palagay ko ay
handa na kayo sa panibagong aralin.
Ngunit bago ito mayroon muna akong
ipanonood sa inyong bidyo. Ito ay
mayroong kinalaman sa ating tatalakayin
ngayong araw. Handa na ba kayo? Opo Ma’am.

(Bidyo: )
D. Pagtalakay

Ngayong tapos na ninyong mapanood,


tungkol saan ang bidyo, Alex? Tungkol po sa kainang pamilya
nang sama-sama.

Tama! ito ang kulturang Pilipino


na bahagi ng ating pamumuhay.
Ano bang mayroon sa sabay-
sabay na kainan sa hapunan, Rex? Dito po nagkakaroon ng
pagkakataon na
magkausap- usap ang bawat
miyembro ng pamilya.

Tama! Dito tinatalakay ang mga nangyari


sa maghapon o sa anumang mahahalagang
bagay.
Ngayon naman ay tingnan natin ang kahalagahan
ng “hapunan” batay sa ikatlong kabanata ng Noli
Me Tangere, ang “Isang Hapunan”.
E. Pagtalakay
Bago natin talakayin ang mismong akda
ay alamin muna natin ang mga salita o
pangungusap na maiuugnay natin sa
“Hapunan”.

Magbibigay ako ng halimbawa, ang


hapunan ay dapat igalang sapagkat
dito pinagsasaluhan ang dulot ng
maykapal. Kayo, ano naman ang
ideyang maiuugnay ninyo, Cheska? Ang hapunan ay isang
paraan ng pagkakaroon ng
koneksyon ng bawat
miyembro ng pamilya sa isa’t
isa.

Salamat Cheska. Ano pang mai-


uugnay ninyo? Roger? Ang hapunan ay simbolo ng
selebrasyon sapagkat ito
ay tradisyon ng pamilyang
Pilipino.

Tama! Magbigay ka pa nga ng isa,


Rojo? Ang hapunan po ay mahalagang
pagkakataon para sa
pasasalamat sa
maghapong gabay ng
panginoon.
Salamat! Ngayong may una na kayong
kaalaman hinggil sa hapunan, tayo
nang talakayin ang ikatlong kabanata,
“Ang Hapunan”. Ngunit bago ko kayo bigyan
ng ilang minuto sa pagbabasa, narito muna
ang ilan sa mga gabay na tanong na
ating sasagutin sa pagtalakay sa akda.
(Ipapaskil ng guro ang mga tanong sa pisara).

Ayan.. Nga pala, nasa mga kagrupo ninyo


na ba kayo? Opo Ma’am.

Magaling! mayroon kayong limang minuto


para magbasa, matapos nito ay magkakaroon
tayo ng kwen-dugtungan. Bawat grupo ay
magkwekwento hanggang matapos. Matapos
makwento, ibabato ko na ang mga gabay na
tanong at kung sinumang grupo ang makasasagot
ay siyang magkakaroon ng karagdagang puntos.
Maliwanag ba? Opo.
(Matapos ang limang minutong pagbabasa).

Ayan.. umpisahan natin ang pagkukwento sa


grupong ____, na pangungunahan ni
Rain Camille. Nagsimula po ang kwento sa
isang hapunan sa bahay ni
Kapitan Tiago. Nang
papunta na po ang mga
panauhin sa hapag- kainan,
pareho pong gustong
umupo nina Padre Damaso at
Padre Sibyla sa panguluhan.
Parehong nagbigayan ang
dalawa ngunit bakas sa
mukha ng mga ito na iba ang
nais nila sa sinasabi nila.
Nagkaroon ng pagtatalo ang
dalawa at hindi na nila napansing
wala pang upuan ang may-ari ng
bahay na si Kapitan Tiago.

Magaling! Itutuloy ng grupong _____, na


pangungunahan ni Rona. Iyon nga po, hindi inalok nina
Padre Sibyla at Padre
Damaso si Kapitan Tiago. Sa halip ay
si Crisostomo Ibarra ang
nag-alok dito. Ngunit
tinanggihan ito ni Kapitan
Tiago at sinabing huwag daw
po siya alalahanin. At ang
sumunod na nga po ay ang
paghain ng tinola na ipinaluto ni
Kapitan Tiago para kay Ibarra. Sa
di inaasahang kaganapan, ang
napunta po kay Padre Damaso
ay ang leeg at matigas na pakpak
ng manok samantalang napunta
kay Ibarra ang pitso, hita at
malalaking bahagi ng
manok. Humigop lamang po
ng sabaw si Padre Damaso at
padarag na ibinagsak ang
kaniyang mga kubyertos.

Tama! Nadismaya si Padre Damaso sapagkat


Lahat ng gusto niyang parte ay na kay Ibarra.
Ipagpatuloy na ng grupong _____, na
pangungunahan ni Reister. Habang kumakain po ay natuon
ang usapan kay Ibarra.
Naitanong ni Laruja
kung ilang taong nawala sa
Pilipinas si Ibarra. At doon ay
tinanong kung nalimot niya
po ba ang bayan. Matapos nito
ay nagpatuloy ang mga
karanasan ni Ibarra at ang
kanyang mga natutunan sa ibang
bansa kabilang ang wikang
kanilang sinasalita. Dito ay
natanong din ni Laruja, kung
anong bansa ang pinaka-
nagustuhan ni Ibarra at kung
anong mga natutunan niya dito.

Salamat. At ang huling tagpo ay ikukwento


ng grupong____, na pangungunahan ni
Joshua. Nung narinig nga po ni Padre
Damaso iyung mga
kasagutan ni Ibarra ay minaliit
siya nito sa harap ng maraming
tao. Nagtimpi si Ibarra.
Nagkaroon ng tensyon sa
pagitan nila. Ibinaling na
lamang po ni Ibarra ang pagsagot
sa pagsasabi na, siya (Ibarra) at
Padre Damaso ay magkakilala na
noon pa mang bata pa lamang
siya sapagkat nakakasalo nila ito
ng kanyang amang si Don
Rafael sa kanilang hapag
Pagkarinig po ni Padre Damaso
ay nanginig ito
samantalang si Ibarra po ay
nagsimula nang magpaalam.
Tinangka siyang pigilan ni
Kapitan Tiago ngunit
nangako itong babalik na lamang
kinabukasan. Nang makaalis si
Ibarra ay sinabi ni Padre Damaso
na epekto ito ng pag-aaral ng
isang Indiyo sa ibang bansa.

` Ayan.. palakpakan ninyo ang inyong mga


sarili. (palakpakan)

Ngayon ay dumako naman tayo sa mga gabay


tanong. Bakit pinag-aagawan nina Padre
Sibyla at Padre Damaso ang panguluhang
upuan o kabisera, samantalang may iba
pang pwesto kung sakali? Group ____. Ang pag-upo po kasi sa
pwestong iyon ay
nangangahulugang

pinakamataas kumpara sa mga


panauhing nakaupo rin duon.

Magaling! ano pang dahilan, group ____. Tulad po ng sa bahay po. Ang
nauupo po sa kabisera ay
Tatay o Ama, sapagkat siya po
ang pinakamakapangyarihan
sa loob ng bahay. Ganun
din po sa hapag-kainang
iyon, ang pag-upo po sa panguluhan
ay nangangahulugang
ikaw ang
pinakamakapangyarihan sa lahat.

Tama! Susunod na tanong ay, Ayon kay


Ibarra, sariling wikang ginagamit ng mga
bansang narating niya. Ano ang nais niyang
ipahiwatig tungkol sa Pilipinas, group___? Nais niya pong gamitin din ng
Pilipinas ang kanyang
sariling wika. Hayaang ang
mga dayuhan ang mag-aral ng
ating wika, hindi yaong tayo
ang mag-aaral sa kanilang
wika sa ating sariling lugar.

Tama! Sapagkat kung ating susuriin ngayon


mas gamitin na ang ibang wika kaysa sa sariling
pagkakakilanlan nating mga Filipino.
Susunod ay ang, bakit nasabi ni Padre Damaso
na dapat ipagbawal ng pamahalaan ang
pagpapadala ng isang Indiyo sa Europa dahil
sa masamang epekto nito, group ____. Kung makikita po kasi sa kilos ni
Ibarra, nakita ni Padre
Damaso ang narating ni
Ibarra kabilang dito ang
kanyang edukasyon.
Nasabi ni Padre Damaso na hindi
dapat nakapag-aaral ang mga
indiyo upang hindi matuto ang
mga ito na lumaban sa halip ay
maging sunud-sunuran na
lamang sa kanila.

Magaling! Ayan klas, may tanong ba? Wala po Ma’am.


F. Paglalahat
Ano ang kaugaliang Pilipino na makikita sa
hapunan na nasa kabanata ang makikita
pa rin sa mga hapag-kainan hanggang sa
kasalukuyan, Rosell? Iyon pong agawan po sa ulam ng
mga magkakapatid. Ito po ang
maituturing na sakit
sapagkat dito po nawawala ang
respeto sa kainan.

Tama! anu-ano pa? Iyun pong pag-upo sa kabisera


ng
pinakamakapangyarihan sa
bahay. Iyon pong Tatay.
Magaling! may tanong ba? Wala po.
IV. Ebalwasyon
Gamit ang larawan, pupunuan ng bawat pangkat ang mga bilog na nakaguhit
sa manila paper. Ilalagay dito ang mga dapat tandaan ayon sa magandang
asal sa hapag-kainan. Matapos mapunan ay ipapaskil ito sa pisara upang
mabigyan ng puntos ng guro.

Rubriks sa
Pagmamarka
10 puntos-
Nakapagbibigay ang 10 na dapat tandaan ayon sa
magandang asal sa hapag-kainan.
8 puntos- Nakapagbibigay ng 7-9 na dapat tandaan ayon sa
magandang asal sa hapag-kainan.
6 puntos- Nakapagbibigay ng 5-6 na dapat tandaan ayon sa
magandang asal sa hapag-kainan.
4 puntos- Nakapagbibigay ng 3-4 na dapat tandaan ayon sa
magandang asal sa hapag-kainan.
2 puntos- Nakapagbibigay ng 1-2 na dapat tandaan ayon sa
magandang asal sa hapag-kainan.

V. TakdangAralin
Basahin ang kabanata 4-7 ng akdang Noli Me Tangere. Isulat ang
mahahalagang tauhan na mababanaggit.

Binigyang pansin nina: Inihanda ni:


G. Ryan B. Baltazar Virgielyn D. Nicolas.
Master Teacher II Gurong Nagsasanay

G. Ryan M. Aguinaldo
Teacher III

You might also like