You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
 
 
 
 
 
 
 
 

I. MARAMIHANG PAGPILI
Panuto​: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang
na nakalaan sa bawat bilang.

__________1. Isa sa mahahalagang konsepto sa ​microeconomics ang konsepto ng demand. Alin sa mga sumusunod ang
pinakaangkop na kahulugan ng demand?
A. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa ​(willing) ​at kayang ​(able) ​bilhin ng mga konsyumer sa
iba’t ibang halaga o presyo.
B. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.
C. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay
makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan.
D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo.
__________2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang magpapaliwanag sa ipinapahiwatig ng graph sa ibaba kaugnay ng
Batas ng Demand?

A. Habang tumataas ng presyo, tumataas din ang ​quantity demanded​ ng konsyumer.


B. Habang tumataas ng presyo, bumababa ang ​quantity demanded​ ng konsyumer.
C. Malaki ang kakayahan ng konsyumer na bumili kapag mataas ang presyo.
D. Kapag mababa ang presyo ng produkto, hindi mahihikayat ang konsyumer na bumili nito.
_________3. Ang ​downward sloping​ na galaw ng demand curve ay nagpapahiwatig ng:
A. Kawalang ugnayan ng presyo at demand.
B. Positibong ugnayan ng presyo at demand.
C. Inverse na ugnayan ng presyo at quantity demanded.
D. Pagtaas ng presyo ng mga produkto at paglilingkod.
_________4. Sa ekonomiks, ang pagtugon sa walang katapusang pangangailangan ng tao ay tungkulin ng prodyuser.
Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?
A. ​demand B. produksiyon C. ekwilibriyo D. ​supply
_________5. Ang ​upward sloping​ na galaw ng ​supply curve​ ay nagpapahiwatig ng:
A. Kawalang ugnayan ng presyo at quantity supplied.
B. Positibong ugnayan ng presyo at quantity supplied.
C. Inverse na ugnayan ng presyo at quantity supplied.
D. Pagbaba ng quantity supplied kapag tumataas ang presyo ng mga produkto at paglilingkod.

1
_________6. Ito ay tumutukoy sa talaan o listahan na nagpapakita ng kaugnayan ng presyo at dami ng demand para sa
isang partikular na produkto o paglilingkod.
A. Demand Schedule C. Demand Function
B. Demand Curve D. Quantity Demanded

7-10. Suriin ang talahanayan sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin isa-isa ang mga tanong sa bilang 7-10.

Demand Schedule para sa Siomai

Presyo (P) Quantity Demanded (Qd)


Ela Ara Stephen
₱7 4 5 0
₱6 8 10 2
₱5 12 15 4
₱4 16 20 6
₱3 20 25 8

_________7. Kung ang halaga ng bawat piraso ng siomai ay ₱5, ang dami ng demand ni Ela para rito ay ______.
A. 4 piraso. B. 8 piraso. C. 12 piraso. D. 16 piraso.
_________8. Kung si Stephen ay may kakayahan lamang bumili ng anim (6) na piraso ang siomai, ang pinakamataas na
handa at kaya niyang ibayad ay ____________.
A. ₱ 3. B. ₱ 4. C. ₱ 6. D. ₱ 7.
_________9. Kung ang halaga ng siomai ay tumaas mula ₱ 3.00 tungong ₱ 5.00, babawasan ni Ara ang dami ng kanyang
demand para rito nang sampung (10) piraso. Ito ay dahil sa:
A. Batas ng Supply. C. kanyang mga inaasahan.
B. Batas ng Demand. D. pagbabago ng kanyang panlasa.
_________10. Kung si Ela at Stephen lamang ang bibili ng siomai, at ang halaga ng siomai ay ₱ 4 bawat piraso, ang
kabuuang demand nila para sa siomai ay_________________.
A. 10 piraso. B. 16 piraso. C. 6 piraso. D. 22 piraso.
_________11. Ito ay tumutukoy sa talaan o listahan na nagpapakita ng kaugnayan ng presyo at dami ng supply para sa
isang partikular na produkto o paglilingkod.
A. Supply Schedule C. Supply Function
B. Supply Curve D. Quantity Supplied
________12. Ayon sa Batas ng Supply:
A. Kapag mataas ang presyo, kakaunti lamang ang handa at kayang ipagbili ng prodyuser..
B. Kapag mataas ang presyo, marami o mataas din and bilang ng produktong handang ipagbili ng
prodyuser.
C. Kapag mababa ang presyo, marami ang handa at kayang bilhin ng mamimili​.
________13. Tumutukoy ito sa punto sa pinagsamang kurba ng demand at suplay na magkasalubong; o punto kung saan
ang quantity demanded at quantity supplied ay pantay o magkapareho.
A. Ekwilibriyo C. Surplus / kalabisan
B. Disekwilibriyo D. Shortage / kakulangan
________14. Upang masabing ​supply​, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng prodyuser ang isang uri ng
produkto. Halimbawa, may 15,000 piraso ng instant noodles ang kailangan. Ayon sa datos, mayroong 4
kumpanya ng noodles ngunit sa bilang na ito, 2 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 10,000 piraso ng
instant noodles kung ipagbibili ito sa presyong Php7.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang ​supply ​ng
instant noodles?
A. 2 piraso B. 4 piraso C. 10,000 piraso D. 15,000 piraso
________15. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo pantay ang dami ng ​quantity demanded s​ a
quantity supplied​. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?
A. Sa presyong ekwilibriyo, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais
bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser.
B. Sa presyong ito, may labis na ​quantity supplied ​sapagkat maaaring magtaas ng presyo ang mga
prodyuser upang tumaas ang kita.
C. Sa presyong ito, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man ang presyo, kaunti
na lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.
2
D. Sa presyong ito, hindi masaya ang konsyumer dahil ang labis na ​quantity demanded a​ y hindi napupunan
ng labis na ​quantity supplied.​
________16. Magreresulta sa isang kondisyon ng disekwilibriyo maliban kung may:
A. labis na suplay C. kakulangan sa suplay
B. labis na demand D. sapat na suplay upang tugunan ang demand.
________17. Alin ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang kandila at bulaklak sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay?
A. Dahil sa okasyon, tumataas ang ​demand ​ng mga konsyumer sa kandila at rosas. Ito ang nagbibigay-daan
sa paglipat ng kurba ng ​demand ​sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo ng mga ito.
B. Dahil sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay, nagkakasundo na ang mga konsyumer at prodyuser na
itaas ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.
C. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng kandila at rosas tuwing sasapit ang Araw ng mga
Patay sapagkat hindi matatawaran ang kanilang mga mahal sa buhay.
D. Tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay, itinatago ng mga prodyuser ang panindang kandila at bulaklak
upang lalong tumaas ang presyo nito.
________18. Alin ang tamang graph para sa talahanayang ito?
Presyo (P) QS
10 14
9 12
8 10

A. graph na nagpapakita ng isang ​supply curve


B. graph na nagpapakita ng isang ​demand curve
C. graph na nagpapakita ng pababang ​supply curve​ (dalawang linya na ang arrow ay pababa)
D. graph na nagpapakita ng pataas na ​supply curve​ (dalawang linya na ang arrow ay pataas)

19-20. Suriin ang mga sumusunod na datos at isa-isang sagutin ang mga tanong sa bilang 19-20.

________19. Gamit ang datos sa itaas, ano ang ​coefficient​ ng Elasticity ng Demand?
a. 12.5% B. 40% C. 4% D. 5%
________20. Sa nakompyut na ​coefficient ng Elasticity ng Demand sa bilang 19, ano ang uri o digri ng elastisidad ng
demand?
A. Elastic B. Inelastic C. Unit Elastic D. Perfectly Inelastic

II. TAMA O MALI

3
Panuto: ​Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ​T ​kung ang pahayag ay wasto at ​M
naman kung di-wasto.

__________21. Ang pamilihan ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami
niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa at kaya
niyang ikonsumo.
__________22. Ang mga prodyuser ang siyang nagsisilbing tagapagtustos ng mga serbisyo at produkto upang ikonsumo
ng mga tao.
__________23. Sa ilalim ng isang monopolyo, iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o nagbibigay serbisyo
kung kaya’t walang pagpipiliang pamalit o ​alternative​ ang mga mamimili.
__________24. Ang konsepto ng ​copyright ​ay tumutukoy sa pagpapalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto at
serbisyo na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito.
__________25. Sa uri ng pamilihang tinatawag na monopsonyo, walang kapangyarihan ang mamimili na
maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan.
__________26. Ang konsepto ng kartel ay nangangahulugang pagkakaroon ng ​alliances of enterprises.​
__________27. Ang ​supply​ ​ang nagsisilbing hudyat o senyales sa prodyuser kung ano ang gagawing produkto.
__________28. Mayroong tatlong pangunahing aktor​ ​sa pamilihan ang konsyumer, prodyuser, at ang produkto.
__________29. Ang ​price freeze​ ay kilala rin sa katawagan bilang ​maximum price policy ​o ang pinakamataas na presyo na
maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang kanyang mga produkto.
__________30. Price floor ang tawag sa patakarang ipinasusunod ng pamahalaan na nagbabawal sa pagtataas ng presyo
ng mga produkto sa pamilihan sa panahon ng ​emergency g​ aya na lamang ng kalamidad.

III. PAGSUSURI: LABIS? KULANG? o SAKTO?


A. ​Panuto: Suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay
nagsasaad ng ​surplus​, ​shortage,​ o ekwilibriyo. Isulat ang titik ​L kung ang pahayag ay nagsasaad ng
surplus/kalabisan, ​K ​kung shortage/kakulangan at ​E​ kung nagsasaad ito ng ekwilibriyo.
__________31. Wala pang kalahating araw ay nabenta na lahat ang panindang ​home​-​made​ ​pancake ​ni Jessa Mae.
__________32. Nagkasundo sina Thea at ang kanyang suking kostumer na si Enzo sa halagang Php4 bawat piraso ng ​ice
​candy​ at sa dami na 25 piraso.
__________33. Dahil sa semestral break, naging matumal ang benta ng buko juice ni Mang Brandon.
__________34. Limampung kilo ang ​supply n ​ g karne ng baka sa Manaoag Public Market at limampung kilo rin ang
​demand n ​ g mga mamimili para rito.
__________35. Dahil sa biglaang pagsuspinde ng klase kaninang umaga dulot ng bagyo, napanis lamang ang mga
panindang puto ni Aling Julienne.
__________36. Handang bumili ng dalawang dosenang pulang rosas si Nille para sa kanilang anibersaryo ni Heinz ngunit
isang dosena lamang ang natitirang suplay sa kanyang suking tindahan na Aldren’s ​Flower Shop.
__________37. May naihandang 45 piraso ng hamburger si Sunshine ngunit 53 piraso ang handang bilhin ni Franklin.
__________38. Biniling lahat ni Ventor ang mga tindang biko ni Clara.
__________39. Sampung kilo ng tilapia ang kailangan ng mga mag-aaral ng Grade 9-Rizal para sa kanilang ​luncheon boodle
fight​, ngunit mayroon lamang natitirang supply na apat na kilo nito sa palengke​.
__________40. Mayroong panindang 20 piraso ng sumbrero si Camille. Dahil sa mainit na panahon, nabili lahat ang
kaniyang paninda.
__________41. Gumawa ng dalawampung pirasong ​graham balls​ si Roan at kanyang ibinibenta sa halagang tatlong piso
bawat piraso. Binili lahat ni Ohmar ang mga panindang ​graham balls​ ni Roan dahil paborito niya ito.

B. ​Panuto: Suriing mabuti ang mga market schedule sa ibaba. Tukuyin kung ang sumusunod na schedule ay
nagsasaad ng ​surplus​, ​shortage,​ o ekwilibriyo. Isulat ang titik ​L kung ang pahayag ay nagsasaad ng
surplus/kalabisan, ​K ​kung shortage/kakulangan at ​E​ kung nagsasaad ito ng ekwilibriyo.

MARKET DEMAND PARA SA POLO SHIRT

Quantity Presyo Quantity SITWASYON (Sagot)


Demande (P) Supplied * ​L = ​surplus/kalabisan
d (Qs) * ​K ​= shortage/kakulangan
(Qd) * ​E ​= ekwilibriyo

4
42. 1 1,000 9
43. 2 900 8
44. 3 800 7
45. 4 700 6
46. 5 600 5
47. 6 500 4
48. 7 400 3
49. 8 300 2
50. 9 200 1

 
 
 
 
 
 
 
 

If you need answer key, like our page ​https://www.facebook.com/kto12Curriculum/​ ​and give us your
email and request in a private message.

 
 
 

You might also like