You are on page 1of 2

Pabor sa Online Class

Sa biglaang pagsulpot ng COVID-19, hindi mapagkakaila na maraming pagbabago ang


mangyayari sa atin. Ngunit hindi titigil ang mundo dahil may pandemiko, nararapat lamang na
ipagpatuloy ang pag-aaral dahil maaring magdulot ito ng masamang epekto kung walang hahalili sa
mas tumitinding pangangailangan ng ating bansa. Maaring hindi lahat ay may kakayanan makalahok
sa online class, paano naman ang iba na maaring matuto sa paarang ito. Sa katunayan, ayon sa
Hootsuite at We are Social, ang Pilipinas ang may pinakamahabang oras na paggamit ng Internet sa
buong mundo. Magiging kabawasan ba sa atin kung babahagian natin ng konting panahon ang pag-
aaral?

Hindi pabor sa Online Class

Ang pag-aaral ng online ay malaking problema para sa ibang tao. Paano na lamang ang
pamilya ng ibang estudyante na imbes sa pagkain mapunta ay nailalagak sa prepaid load upang
makapag-aral sila. Mahirap kumuha ng pera lalo na ngayon sa panahon ng pandemiko. Hindi lahat ay
makakayanan ang pag-aaral kapag ganito ng aspekto ang pag-uusapan. Hindi kayang suportahan ito
nang pangmatagalan, at ang isang buwan ay maikokonsidera ng matagal, ngunit hindi rin naman
natin masisisi ang pagiging praktikal ng tao at maaring ito pa ang dahilan upang sila ay mahinto.
Maari naman siguro tayong maghintay ng saglit na panahon upang makabangon. Ang iilang buwan
na pagpupumilit upang mabuksan kaagad ang klase ang siyang magsasara sa pangarap ng iilan.

1. Maging tiyak kung ano ang iyong layunin sa pagsulat ng liham. Dito kailangang may sapat
kang kaalaman ng mga uri ng liham. Kung nais mong maging pormal o ito ay gagamitin mo sa
iyong negosyo o kalakal, kailangang may kaalaman ka sa mga striktong ipinatutupad upang
maging maayos ang iyong ipapadalang liham.
2. Isulat mo na ang iyong mga nais na ipahiwatig sa iyong sinusulatan. Ito ang iyong "draft"
muna. Hindi mo muna kailangang maging strikto sa pagsusulat.
3. Isulat mo na ang iyong mga nais na ipahiwatig sa iyong sinusulatan. Ito ang iyong "draft"
muna. Hindi mo muna kailangang magi Ang iyong "draft" ang magiging gabay ng iyong
susunod na dapat gawin. Ito ay ang pag-sulat na ng iyong liham. Mag desisyon na kung
anong anyo ng liham ang nararapat gamitin. Ito ay naaayon sa kung anong uri ng liham ang
kailangan mo. Kapag napagdesisyunan mo na kung anong uri at anyo, maari mo nang
simulan ang iyong pangalawang "draft".
4. Pag natapos na ang iyong pangalawang draft at naiwasto na ang mga pagkakamali. Maaari
mo nang simulan ang iyong maayos na liham. Siguraduhing bago ito i-print, ay tingnan muli,
kung may pagkakamali pa. Pumili ng maayos na papel at siguraduhing hindi ito gusot o
madumi.
5. Ipadala sa nararapat na paraan ang iyong liham. Kadalasan ito ay nilalakip sa email o
ipinadadala sa koreo. Ang iba ay personal na dinadala ang liham sa tirahan ng sinusulatan.
Ang Schizophrenia o Eskisoprenya ay isang uri ng sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng paghina ng mga
prosesong pang-isipan at ng kakulangan ng mga tugon na nauukol sa emosyon. Ang mga karaniwang
sintomas nito ay kinabibilangan ng mga halusinasyon na naririnig at nakikita, mga delusyon na sila ay
inuusig o napakadakila, at mga hindi maayos na pagsasalita. Ang mga 30% hanggang 50% ng mga
meron nito ay walang kabatiran o sa ibang salita ay hindi nila tinatangap na meron silang
schizophrenia o ang paggamot nito.

Inaamin ko sa sarili ko, na ako mismo hindi perpekto, na sa mundong ‘to, nangangarap din lang na
mapaunlad yung sariling buhay ko. Isang pangarap na sana'y hindi na makulong sa inaakalang totoo.

Imulat ang sarili sa realidad, sa realidad na kung saan ang kahapon, ang nakaraan ay tila umuulit
lamang. Isang batalyon kung saan ang kalaban ay oras na kung iisipin ay malayo pa ang mararating.

Paano kaya kung buhay pa si Rizal, siguro mapapasabi na lang siya ng, "Ito nga ba ang pag asa ng
bayan?"

Karamihan ay naiinis sa sistema ng pag-aaral pero wala pa naman naiaambag sa lipunan. Puro
lamang reklamo, puro na lamang puna sa ibang tao. Gumagaya sa mga uso na hindi naman
magandang modelo at ehemplo.

Unti unti na tayong kinakain ng sistemang paulit ulit na lang. May ipaglalaban pa ba? Kung tayo
mismong kabataan pinaikot na sa sistemang ganyan.

Ikaw, ako, tayo, imulat ang sarili sa mga kaganapan. Huwag magpabulag sa mga kasinugalingan.
Lumaban! Kung may gustong makamtan. Ang tanong, meron pa ba tayong gustong makamtan?
Kailangan nating lumaban ng sabay dahil hindi ko kakayanin kung akong mag-isa lang.

You might also like