You are on page 1of 1

1. Kahirapan . Ang pagiging prostitute ng isang tao ay maaring voluntary o involuntary.

Masasabing
voluntary(ginusto) kung ang isang tao ay nag pasya na pasuking ang pagiging prostitute na maluwag sa
loob o sa medaling salita ay ginusto nya ito dahil na rin sa kahirapan. Karamihan sa mga prostitute ay
nanggaling sa mahihirap na pamilya at pinapasok ang pagiging prostitute sa madali ang pera dito.

Masasabi namang ito ay involuntary kung siya ay pinuwersang maging isang prostitute ang isang
halimbawa ay ang mga biktima ng sindikato. Na pinangangakuan sila ng malaking sahod at di alam na
pagiging prostitute ang kanilang magiging trabaho.

Ang mga sindikatong ito ay kalimitang nambibiktima ng mga babaeng taga probinsya kung saan kokonti
ang kamalayan ng mga tao at madali silang maloko. Hindi lang sa Pilipinas dinadala ang mga babae
minsan ay nagiging biktima sila ng human trafficking sa ibang bansa

2. Akulturasyon (acculturation). Dahil sa pagiging expose natin sa mga banyaga ay di malayong tayo
ay ma impluwensyahan nila at dahil doon ay mas nagiging liberated ang mga tao ngayon dito sa
Pilipinas. Naaapektuhan dito ang mga pananaw ng mga tao tungkol sa mga bagay bagay na pang moral.
Kagaya ng pagiging birhen ng isang babae ay di na masyadong na bibigyan ng kahalagahan at mas maaga
ng namumulat ang mata ng kabataan tungkol sa sex na nag bubunga ng masmataas na pursyento ng
premarital sex sa mga panahong ito.

3. Tourism (turismo). Ang pag dami ng turista dito sa bansa ay nangangahulungang masmadi ang
magiging biktima ng prostitusyon dahil sa mga turistang nag hahanap ng kakaibang karanasan sa sex.
Kagaya ng mga pedophile gumagawa sila ng mga organisadong sex den kung saan dito nila ginagawa ang
mga kahalayan.

You might also like