You are on page 1of 2

EYAL MARK PABLICO

Dinadagsa ng mga turista, devotees at pilgrims ang makasaysayang Bell Tower at St.
Augustine Parish Church sa baying ito na itinayo pa noong 1590 at pinangyarihan ng madugong
rebolusyon ni Diego Silang , at attraction din ang miraculous image ni Apo Caridad o Our Lady
of Charity, ang tinaguriang Queen of Ilocandia

Ayon kay Pilar, katutubo sa Bantay at apat na taon na naglilingkod sa St. Augustine Parish
Church, ang mga turista ay galing sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas hanggang sa Mindanao
kabilang na ang mga dayuhan mula sa US, Europe,Italy at Asia batay sa Visitor’s Logbook na
kanyang iniingatan

Ayon sa mga ninuno na nakaukit sa kasaysayan dito, ang kinatatayuan ng mataas na


lumang torre ay dating bundok na ang tawag sa Ilokano ay “bantay” na dito hango ang
pangalan ng matulaing bayan na pinamumunuan ni Mayor Samuel Parilla. Ito ang nagsisilbing
watch tower ng mga katutubo at Kastila laban sa mga kaaway na lulan ng barko sa karagatan
ng Mindoro sa Bigan (Vigan City na ngayon)
EYAL MARK PABLICO

Tumutunog ang mga malalaking kampana sa torre sa madaling araw para magsilbing
hudyat sa pagsisimula na ng misa Maganda ang pagkagawa ng hagdanan mula sa pagpasok
ng gate pag-akyat sa Bantay Tower

Naitayo ang simabahan noong 1590 na pinamumunuan noon ni Fr. Montoya, OSA, bilang
parish priest na naipangalan kay St. Augustine. Nasira ang katedral noong WW 11 ngunit
muling itinayo noong 1950. Ang restored facade ay yari sa tinatawag na Neo-Gothic Design na
nahaluan ng Pseudo Romanesque elements.

Iniulat pa ng mga ninuno batay sa kasaysayan, na sa kinatatayuan ng simbahan naganap


ang madugong rebolusyon na pinamumunuan ni Diego Silang, asawa ni Heneral Gabrfiela
Silang noong 1763 nang nakipaglaban sila sa mga umaaliping Kastila.

Dinudumog din ang imahe ni Apo Caridad ng naitayo na ang kanyang Shrine sa harap ng
katedral dahil sa iniulat na milagro nito sa mga nakalipas na panahon. Ayon sa ulat, ilang mga
mangingisda ang nakakita sa lumulutang na imahen sa wooden box sa makasaysayang
Bantaoay River. Sa ilog na ito sa San Ildefonso, Ilocos Sur sumiklab noon ang pamosong “Basi
Revolt”.

Batay sa kasaysayan, may mga tao mula sa ibang bayan ang nagtangkang buhatin at
itakbo ang imahen ngunit di nila nagalaw na tanging ang mga mamamayan lamang sa bayan
ng Bantay ang nakakabuhat nito. Dito na sa St. Augustine Parish Church inilagak ang
milagrosong Imahen

You might also like