You are on page 1of 3

III. MGA REAKSYION Sa pagpapatupad ng House Bill No.

8858 Lowering of Age

Criminal Liability M. M. Mm m may layong ibaba sa siyam na taong gulang ang may

pananagutan sa batas ay samu’t saring reaksiyon ang ibinigay ng mga iba’t ibang grupo at

indibidwal. Karamihan sa mga reaksiyon ay negatibo dahil sa iba’t ibang pananaw na

pinapanigan ng mga grupo o indibidwal na nagtatanggol sa karapatan ng mga bata.

Ayon sa UNICEF Philippines, Child Rights Network at Philippine Action for Youth

(PAYO), hindi maaaring ibaba ang minimum age sa criminal liability ang mga menor de edad

dahil nakalagda ang Pilipinas sa United Nations Convention on the Rights of the Child at

kinakailangang sundin ng gobyerno ang mandatong protektahan ang karapatan ng mga bata na

taliwas sa prinsipyo ng criminal law (Mill, 2017, February 17). Ang pag-iisip ng mga bata ay

maituturing pa lamang na immature kaya’t marami ang tumututol sa pagpapababa ng edad ng

magkakaroon ng pananagutan sa batas. Ipinaliwanag ni Education Secretary Briones (ABS-

CBN, 2019, January 22), ng grupong Karapatan (Phil Star, 2019, January 21), ang UNICEF

(ABS-CBN News, 2019, January 22), ang Psychological Association of the Philippines at ang

Humanitarian Legal Assistance Foundation (Mill, 2017, February 17) na hindi pa ganap ang

pag-unlad ng mga bata kung kaya’t hindi maaring ibaba sa siyam na taong gulang ang

minimum age sa criminal liability. Bagama’t masasabing may kakayahan na silang matukoy

kung ano ang tama at mali, kulang pa rin ang kanilang kapasidad dahil sa murang edad ay hindi

pa ganap na makita ang pangmatagalang epekto ng kanilang mga desisyon. At base raw sa

mga pag-aaral, maituturing pang immature ang isip ng mga kabataan hangga’t hindi sila

umaabot sa edad 22 para sa mga babae at 25 sa mga lalaki (Filipinews Today, 2019). Ilan sa

mga mambabatas o opisyal sa bansa at mga netizens ang mariing tumututol rin sa

pagpapababa ng edad na maaaring makulong. Hindi sang-ayon ang karamihan sa mga

senador na ibaba sa siyam na taong gulang ang mga magkakaroon ng pananagutan sa batas

ngunit ang iba naman ay mas gusto nilang gawin umanong labin dalawang taong gulang ang

mga menor de edad na pwedeng managot na sa batas (Filipinews Today, 2019 at ABS-CBN
News, 2019, January 22). Inilarawan ni Senador Hontiveros (Mill, 2017, February 17) at ni

Callamard (ABS-CBN News, January 22) na “death sentence” o “death proposal” para sa mga

bata ang naturang panukalang ibaba ang minimum age sa criminal liabilty. Kuwinestiyon naman

ni Tanya (Twitter, 2019, January 20) ang hustisya at pagpapakatao sa naturang panukala dahil

ipinapasa ang pananagutan sa mga bata para sa pagkukulang ng mga nakatatanda na

patnubayan, protektahan at alagaan sila. Sabi naman ni Yang (Twitter, 2019, Januray 21) na

ang pagpapababa sa siyam na taong gulang ay hindi solusyon sa problema. Ang mga bata ay

biktima lamang ng kahirapan at pananamantala ng mga matatandang criminal kaya’t dapat na

isakdal ang mga drug lords at drug syndicates at huwag ang mga bata. Ilang mga netizens rin

sa facebook ang nagsasabing ang batas na ito ay isang malaking hadlang upang makamit ng

mga bata ang kanilang mga pangarap at magsisilbing palatandaan na hindi pinapahalagahan

ng bansang ito ang mga karapatan ng mga batang Pilipino (Facebook, 2019) Sa kabila ng

mga negatibong reaksiyon at mga komento, ang pagpapababa sa MACR ay gusto ni Pangulong

Duterte dahil isa ito sa mga ipinangako niyang pagbabago noong nakaraang eleksyon (De la

Cruz, 2019) at ito ay suportado ni Senador Gordon (Filipinews Today, 2019). Sa halip na

ibaba ang edad ng magkakaroon ng pananagutan sa batas ay dapat na mas bigyang pansin ng

mga nasa kinauukulan kung paano mapabuti ang kalagayan ng mga bata lalong lalo na ang

mga nasasangkot sa maling gawain. Ayon sa Commission on Human Rights (ABS-CBN News,

2018, November 12) at Senador Gatchalian (ABS-CBN News, 2019, January 22), dapat

pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pagpapatupad ng R.A. 9344 para sa rehabilitasyon at

sapat na intervention bukod sa pagpapakulong sa mga batang lumabag sa batas. Naniniwala

rin si Akbayan Representative Villarin (Mill, 2017, February 17), ang Pilipino Star Ngayon (2019,

January 23), ang Phil Result (2019, January 23) at Radyo La Verdad (2016, August 4) na hindi

ito ang solusyon sa pagsugpo ng krimen sa bansa at hindi edad kundi kahirapan sa buhay na

siyang sanhi ng problema at nagtutulak sa ilang bata na gumawa ng krimen ang siyang

pagtuunan ng pansin ng gobyerno at palakasin na lamang ang naturang batas para


makapagbagong buhay at paunlarin ang rehabilitation centers sa bansa at para

makapagbagong buhay ang mga bata.

You might also like