You are on page 1of 2

JUBILEE B.

CABAAT
PS-23

DULOG REALISMO

BATAYANG BALANGKAS NG PAGSUSURI:


I. PAMAGAT
 A Second Chance

II. KARAKTERISASYON
 Popoy- Isang Engineer at maabilidad na asawa,Nagtayo ng isang
construction firm upang matugunan ang pangarap na bahay para
sa kanyang pamilya at iba pang gastusin o pangangailangan.
 Basha- Isang Architect at asawa ni popoy na handang sumuporta at
magtiwala sa kanyang asawa, nangangarap na magkaroon ng anak.

III. BANGHAY
Bumalik si popoy pagkalipas ng dalawang taon sa Pilipinas at agad
na pinuntahan si Basha bilang pangako at nangakong hindi na aalis pa. Di
kalaunan ay ikinasal ang dalawa na puno ng pagmamahalan at tiwala sa
isa't isa. Sa una ay puno nang sigla ang kanilang pagsasamahan lalo't
magkasama silang nagtayo mg kanila sariling construction firm. Sila ay
nagtutulungan sa paggawa at pagkuwan ng mga kliyente at hindi biro ang
kanila trabaho dahil tanggap sila ng tanggap hanggang sa may mga
proyekto ng naiiwan. Nakunan si Basha dahil sa sobrang pagod at stress
sa trabaho kaya naman hinayaan at nagtiwala na lamang siya kay popoy
na maitakbo ito ng maayos. Dumating sa punto na lagi na lamang mainit
ang ulo bg kanyang asawa sa tuwing ito ay umuuwi ngunit ito ay hindi
nagkekwento kung bakit, nalaman ni Basha na milyon-milyon na pala ang
kanilang utak dahil sa mga proyekto hindi natapos at binawi.
Nagkalabuan ang dalawang mag-asawa at bumalik sa trabaho si Basha
upang ayusin eto ngunit kailangan na nilang isara ang kanilang kompanya
dahil baon na ito sa utang. Hindi na nila napatayuan ang kanilang lupa ng
pangarap na bahay na sila mismo ang nagdisenyo. Lahat ng pangarap
nila at tiwala ay biglang naglaho. Nagpasyang umalis si popoy at
magtungo ulit sa ibang bansa upang hanapin ang nawala nyang sarili
tulad ng ginawa niya noon. Walang nagawa si Basha ay hinayaan
ito,nagtungo sya sa simbahan kung saan sila nangako at nagpakasal
kasama ang kanilang mga kaibigan sa araw ng pag-alis ni popoy sa ibang
bansa. Bago pa man makarating si popoy sa airport nagbalik sa ala-ala
nya ang pangako na binitawan nya noon kay basha at kung gaano nya ito
kamahal. Pinuntahan ni Popoy si Basha sa simbahan at hindi na muling
umalis pa.

IV. SINEMATOGRAPIYA
Maliwanag sa umpisa na sumisimbolo ng kaligayahan at pag-asa at
kuwa ang kabuuan ng pangyayari at pinangyarihan. Ngunit nang
dumating ang suliranin kinunan ang kanilang paguusap sa madilim na
hagdan habang nakaupo si Popoy at umiiyak. May tunog na puno ng
kalungkutan na tugma sa emosyon ng dalawang bida at ang camera ay
nakafocus sa kanilang mukha.

V. ISYUNG PANLIPUNAN
 Paghihiwalay ng dalawang mag-asawa kasal man o hindi.
 Kawalan ng tiwala
 Nabaon sa utang
 Pagkamatay ng isang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina.

VI. BISA
Nabuksan ang pag-iisip sa katotohanan na sa umpisa lamang ang
saya na kapag dumating na ang bagyo sa buhay may mga pagkakataon
na kailangan mo magdesisyon para sa ikabubuti hindi lang para sayo
kundi para sa iyong makakasama,nasa iyo kung pipiliin mo ba siyang
iwan o mas pipiliin mong manatili at ayusin ng magkasama.

You might also like