You are on page 1of 2

JUBILEE B.

CABAAT
PS-23

DULOG FEMINISMO

BATAYANG BALANGKAS NG PAGSUSURI:


I. PAMAGAT
 A Second Chance

II. KARAKTERISASYON
 Popoy- Isang propesyonal na Engineer na kilala sa iba't ibang lugar
sa Pilipinas man o sa ibang bansa. Masipag at mapagmahal sa
kanyang asawa at talagang may pangarap para sa kaniyang
pamilya.
 Basha- Isang Propesyonal na Architect at asawa ni Popoy. Kasama
siya ng kanyang asawa sa pagpapatayo ng sariling construction
firm at pangarap nilang bahay. Nawalan sya ng anak ngunit patuloy
parin lumaban at mas naging matatag sa buhay.

III. BANGHAY
Tinanggap ulit ni Basha si Popoy pagkatapos siya nitong iwan ng
dalawang taon, pumayag siyang magpakasal dahil mahal na mahal
niya parin si Popoy. Pagkatapos ng kasal ay sadyang puno ng saya pati
ang pagsisimula ng pangarap nilang magasawa sa kanila pamilya at
nagtayo ng sariling construction firm na pinamunuan nilang dalawa.
Ngunit pagkatapos malaglag ang bata na dinadala sa sinapupunan nito
nagsimula na ring magkagulo ang kanilang pagsasama. Tumigil si
Basha sa pagtatrabaho upang makapagpahinga at sumubok manganak
ulit ngunit sa bawat pag-uwi ni Popoy mainit ang ulo nito at hindi
nagsasabi kung bakit. Pagkaraan ng ilang araw nalaman ni Basya na
lugmok na pala sila sa utang at milyon-milyon na ang nawawala sa
kanila. Nagalit sya kay Popoy at inako ang pagpapatakbo at gumawa
ng paraan para maisa-ayos muli ang kanilang kumpanya ngunit
kailangan nila itong isara. Nagkalabuan na ang mag-asawa at hindi
muna umuwi si Popoy kinagabihan at nakita ni Basha sa isang post na
may kasama itong babae sa bar at lasing. Inabangan ni Basha at
nakitang hinatid pa ito ng babae na siya namang nakilala ni Basha na
katrabaho nya ito at isa ring Engineer. Nang gabing yon ay nag-usap
sila at dun na naganap ang pagsuko at akmang pag-alis ni Popoy
patungo ulit sa ibang bansa upang hanapin ang kanyang sarili ngunit
nang dumating ang araw ng kanyang pag-alis. Si Basha ay nagtungo
sa simbahan kung saan sila nangako at nagpakasal hindi inakala ni
Basha na nasa likod nya si Popoy habang sila ay magkatawagan. Hindi
na ulit umalis si Popoy at mas piniling manatili sa kanyang mahal na
asawa.

IV. SINEMATOGRAPIYA
Kuwa lahat ng pangyayari pati ang pinangyarihan, gumamit ng
tunog na tila ba'y nanlulumo habang ginagawan ng paraan ni Basha
ang hindi pagbagsak ng kanilang kumpanya dahil kasabay nito ang
pagkalabo nilang mag-asawa. Maliwanag ang eksena upang makita at
ipokus ito kay Basha.

V. ISYUNG PANLIPUNAN
 Paghihiwalay ng dalawang mag-asawa kasal man o hindi.
 Kawalan ng tiwala
 Nabaon sa utang
 Pagkamatay ng isang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina.
 Pambababae
 Pagtakip sa katotohan.

VI. BISA
Isang malungkot ngunit puno ng aral lalo sa buhay ng mag-asawa.
Dito mahihinuha na dapat ang tiwala sa isa't isa ay hindi dapat mawala
na darating talaga sa punto na masasabi mong ayaw mo na pero nasa
desisyon mo kung susukuan mo agad. Nagpapakita na importante din
ang pagsasabi ng totoo upang maintindihan kang lubusan.

You might also like