You are on page 1of 3

ORQUIA_ACTIVITY1(E

THICS).docx
ORQUIA, ANNDHREA S.

BSA-22

Sa paglipas ng panahon kasabay ng pabago bagong sakuna ang natatamasa, tanong ng


karamihan ganti ba neto ng kalikasan o para tayo’y magising na pahalagahan ang bawat oras na
ating sinasayang. Bawat sandali ng bawat tao ay limitado, sa hirap ng buhay kelangan magsikap
upang wakasan ang hirap. Nagsimula sa pag aaral upang maabot ang pangarap pero akala mo
tapos na ang hirap? Mali, dahil simula pa lang ng tunay na kalbaryo. Hindi matatakasan ang
tunay na kalagayan walang makakahula kung kelan ang katapusan pero sa paghampas ng alon sa
ating buhay tamang gabay ay diretso lang.

Sa kuwentong “Kilabutan” nabigyan diin ang katayuan ng pamumuhay ng karamihan at


patuloy na paghihirap sa gitna ng krisis na natatamasa ng ating bansa. Ang mensaheng gustong
ihayag sa kuwento ay ang masalimuot na binago para lang sarili ay mailigtas. Inilayo sa dating
nakasanayan upang wakasan ang paghihirap sa pandemikong kumakalat. Disiplina sa sarili at
panatilihing malinis yan ang unang tugon na dapat maisagawa at di maiiwasang “panic buying”,
maging handa sa bawat oras, kunin ang dapat na kailangan lamang. Pasuwertihan sa
puwestuhan, pagalingan sa pagbili ng pangangailangan at maging matipid sa bawat gastusin, eto
ang nararapat at dapat.

Sa panahong ito walang sinisino kahit ano pa katayuan mo lider ka man o mamamayan
pwede kang dapuan ng virus. Bawat tao naghihirap karamihan ay hindi alam kung paano
makakabangon pagtapos ng krisis na eto, may tulong nga ba o wala. Mga kumpanyang nawalan
ng saysay mga empleyadong puno ng takot sa kanilang serbisyo. Lahat ng tao asan nga ba
ngayon? Wala sa labas nasa “social media” ang bagong mundo. Nabanggit ang tungkol sa
“online shopping” at ibat ibang trabaho na kelangan ng “delivery service”, tunay ngang mahirap
pigilan ang sarili pero wala ka ng magagawa kase sila na mismo ang tumigil sa pagkilos. Kung dati
ay napakadaling mag “upload” ng masasarap na pagkaen sa mga restaurant ngayon kelangan
mong matutong pagsilbihan ang sarili, kung dati ay puro “movie” lang pinapanuod ngayon mga
paraan ng pagluluto at iba pang mga gawaing bahay na dapat nateng gawin.

Walang ibang inaasahan kung hindi ang gobyerno lamang, ekonomiyang di magtatagal
ay pabagsak na at kahit matapos man ang pandemikong eto nakaligtas nga tayo pero mas
hihirap naman an gating bansan sa pagbangon, paano nila maibabalik ang natigil na proyekto
kung ang pera ay gamit na. Siguradong hihirap at tataas ang bilihin pinaka nakakatakot ay ang
mawalan na ng tuluyan ng trabaho dahil sa kumpanyang nalugi na. Puno na nang takot ang tao,
sinisira na ng takot at kahit saan ay pinagaawayan na lahat ay gustong isuko na itigil ang lahat
kahit pag aaral ng estudyante at mga gurong hindi humihinto sa panibagong sistemang pasakit
sa kanila. Mga gurong puno ng dalangin at takot na matapos na, makabalik sa sitwasyong
maturuan ng maayos ang kanilang mga anak sa silid.
Sa huling bahagi ng teksto inilarawan na kung patuloy tayong padadaig sa takot at itigil
na lang ang lahat dahil sa krisis na ito paano na? Hindi dapat wakasan ang pag aaral dahil kahit
ganitong sitwasyon may mga bayaning guro na patuloy na gumagawa ng paraan para lang ang
utak ng anak ay magkalaman at hindi huminto sa pagkamit ng pangarap. Huwag hayaang
matapos na lamang, marameng sakripisyo na ang isinagawa wag pati kaalaman ay maging
basura na lamang. Mga gurong puno ng kagalakang magturo isang bayaning maituturing. Hindi
magtatapos ang nasimulan sa isang kasaysayan na lamang patuloy tayong mangarap kahit anong
delubyong maganap.

TALUMPATI

Magandang araw sa inyong lahat, ilang araw ang lumipas at pamumuhay naten ay
biglang nagbago, mga kapwa Pilipino alam kung batid niyo ang pagbabago. Tila isang panaginip
lang na masaya tayong nag-aaral, namamasyal, nagtatatrabaho pero dahil sa pandemikong
COVID19, upang tayo ay makaligtas ang ating gobyerno ay nagsalita at nagpasya ng isang
“Enhance Community Quarantine”. Sa pagsugpo sa virus kailangan magpaalam sa nakasanayan
sa mga panahong kasama ang mga kaibigan nagiinuman, kumakaen at nagaaral. At dahil nga sa
biglaang pagbabago ay naging perwisyo marame ang nagsakripisyo, marame ang nawalan ng
trabaho at ang ilan ay hindi na alam kung saan kukuha ng kakainin araw-araw. Gobyerno ang
siyang paggasa nalang ng karamihan hinihintay tulong para sa kanilang pangangailangan,
nakakapanibago mang isipin na ang dating nakasanayan ay biglang pangarap na lamang.

Sa kapwa kong mag-aaral, ilang buwan ang kailangan para makabalik sa ating mahal na
mga paaralan at sa bawat pagsubok hindi tayo tumigil sa pagaaral. Oo mahirap man ang
sitwasyon ng ating bansa pero ginawan eto ng paraan para kahit papaano ay nakakapag patuloy
pa din tayo sa pag aral upang matapos ang natitirang oras at aralin ng semestro. Dahil sa gitna
ng krisis isinailalim na lang sa “Online Class” ang bawat gawain sa pagtatapos. Mahirap kase
may ilang mga mag-aaral na hirap sa paggamit ng internet ang ilan ay walang sapat na pera para
makasabay sa bawat tungkuling naihanda ng mga guro. Malungkot isipin na akala naten bago
magtapos ang semestro ay muli nateng makikita ang isa’t-isa pero hindi na pala, inilahad na ng
ating gobyerno na matatagalan pa ang pagsugpo sa virus kaya naman matatapos an gating
semestro na sa bahay lang.

Sa mga mahal naming mga guro na patuloy kameng binigyan ng gabay at wag sumuko sa
pangarap na matapos ang semestro. Parang kelan lang na masaya pa tayong binabati sa
pagpasok ng silid ng paaralan at nakangiting binibigkas “Good morning ma’am/sir”. Alam kong
mahirap para sa mga gurong mag-adjust sa ganitong uri ng trabaho na maging kontento sa
“online class” pero nanatili kayong matatag sa bawat oras. Sa mga daraang pang araw patuloy
parin ang pagmimithi at ating mga guro ay hindi titigil sa pagturo ng kanilang layunin para sa
ating mga estudyante. At sa darating na pagwawakas ng kwarantin ay muli tayong sisimula at
ipagpapatuloy ang mga natigil.

Ang bawat kalsada na puno ng saya at ingay ng mga nagdadaanang sasakyan ay tila
ngayong isang “ghost town”. Mga bungisngis ng bawat mamayan at usapang walag humpay ng
magtotropa ngayon mga naka-maskarang mga takot lumapit sa isa’t isa. Mga sundalo’t pulis ang
may ari ng kalsada nasa gera na nga ba? Eto ang tanging solusyon sa pandemikong COVID19.
Nawala na ang mga sigla, nalubog sa utang, nalubog sa takot at pangambang baka tayo ay
nahawa na. Mahirap diba pag biglaang naglaho ang mga tunay na sigla ng mundo, tahimik pero
nakakatakot.

Dalawang buwan na ang lumilipas pero di parin tapos ang kalbaryo dumadame ang
apektado, nadadagdagan ang nasasawi. Mga bagong bayani, “frontliners” kung tawagin, mga
taong depensa sa virus kahit sila man ay apektado, napalayo sa mga mahal sa buhay,
diskriminasyon ang natanggap imbis na pasasalamat. Subalit pwede ng aba ibalik sa normal
ibalik sa dating sigla ang bawat kalyeng naabando na o tuluyang magpaalam na lamang at
harapin ang nasa harapan. Kaya naten to sumunod tayo sa gobyerno lahat ng tao nahihirapan
kahit sino tinatamaan ng virus. Maging metatag tayo sa bawat galaw at tuntunin mawala man
ang dating nakasanayan ay lagging may paraan para bumangon muli.

You might also like