You are on page 1of 13

Baybayin at Laguna Copperplate Inscription: Bilang bahagi ng

pag-aaral at pagpapaunlad sa Pambansang Wika tungo sa isang


Pambansang Nasyonalismo

Nikki Glen T. Berame


Ruth Ibarrientos
Yusoph Pangadapun III

Para sa FIL 155


Dr. Vina Paz
Unang Semestre, 2009-2010

INTRODUKSYON

Ang usapin ng isang pambansang wika sa Pilipinas ay lubhang naging kontrobersyal sa


ika-20 siglo ng kasaysayan nito. Sa bungad ng panahong nabanggit sinubok ng mga Pilipino,
dahil sa impluwensya ng mga Amerikano, na bigkisin ang sarili sa mga aspetong politikal at lalo
na ang kultural. Isa ang wika sa pangunahing naging balakid dito. Sa mga deliberasyon ng
malayang gobyerno partikular sa 1935, 1973, at 1987 na Konstitusyon, nabuo ang iba’t ibang
grupong may kanya-kanyang proposal at sari-sariling konsepto ng isang wikang Pambansa. Sa
mga tala at pag-aaral ng mga historyador ng wika (Constantino, et al., 1985; Bernabe, 1987; at
Gonzales, 1980), kinakitaan ng bias sa mga kinabibilangang etnolinggwistikong grupo ang
repleksyon ng mga sentimyento at oposisyon laban sa Tagalog, Pilipino, at maging sa Filipino.
Kaugnay din nito ang pagiging impluwensyal ng Maynila bilang sentro ng gobyerno na dahil
Tagalog ang wika, ito ang primaryong naging batayan ng wikang pambansa lalo na sa panahon
ng Commonwealth.

Maging sa kasalukuyang panahon, bitbit-bitbit pa rin ng wikang pambansa ang mga


nasabing kontrobersya. Hindi pa rin ganap na nareresolba ang mga pagtatalo tungkol sa wikang
pambansa habang mas dumarami naman ang problema sa pagsasaayos nito. Ang mga di
pagkakasundo sa pagitan ng Kagawaran ng Wikang Filipino (KWF) at Surian ng Wikang
Pambansa (SWP) ay isa sa mga naging bunga ng mga magulong usapan tungkol dito. Bilang
resulta, patuloy na nadaragdagan ang mga problema sa pagsasaayos ng wikang pambansa at ang
mga problemang dulot nito na dapat maresolbahan.

Ang mga nabanggit na usapin ang tila nagtalukbong sa isang katotohanang lubos na
eksklusibo ang mga wika ng Pilipinas sa isa’t isa. Sa katunayan, kahit sa ibang parte ng mundo
kung saan may mga bansa na halos pareho ng Pilipinas na multilingual din, nagkaroon ng mga
pag-aaral (hal. Greenberg, 1955 at Jakobson, Fant, at Halle, 1952) sa pagkakahalintulad ng mga
wikang mula sa mga multiracial na bansa, at tinawag itong language universals. Sa Pilipinas,
higit isang siglo nang nakararaan nang unang magsulat ang mga banyagang linguist tungkol sa
pagiging magkakamag-anak ng mga wika dito(Conant, 1908, 1911, 1912) at sa pagdaan ng ika-
20 siglo tungkol pa rin sa usapin ng wikang magkakaugnay ipinagpatuloy ng mga sumunod na
iskolar (Dempwolff, 1925; Dyen, 1947, at 1953; Constantino, 1965 at 1967; at Paz, 1981).1

Gayunpaman, may malaking kakulangan sa historiko-antropolohikal na batayan sa


pormulasyon ng wikang pambansa. Ang pagbubura sa sistema ng pagsulat ng baybayin maging
sa mga lumang gramatika ng sinaunang wika ng mga katutubo, at romanisasyon ng mga
pangunahing wika sa Pilipinas tulad ng Tagalog, Ilokano, Kapampangan, at mga wika ng
Bisayas ay nagbigay-daan sa kahirapan ng mga antropolohista at maging ng mga linguist sa pag-
uugat ng mga konkretong materyal at ebidensya na nararapat pag-aralan. Dagdag pa dito ang
pamamaraang prehispanikong pagsulat sa mga pinatuyong dahon, balat ng kahoy, o hayop, na
mga materyal na mabilis mabulok. Ang mga kakulangang ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit
hindi pinagtutuunan ng pag-aaral ang pre-kolonyal na kasaysayang Pilipino, kulturang Pilipino
bago ang pananakop at natural na pag-unlad ng mga wikang Filipino.

Ang pagkakadiskubre sa Laguna Copperplate Inscription (LCI) ay masasabing nagbigay


ng pag-asa sa nabanggit na pamamaraang historiko-antropolohikal na batayan ng wikang
pambansa. Sa mga panimulang pag-aaral ng mga inskripsyon, at ang kinalaunang pagkaka-
decipher, nabigyang ideya nito ang mga posibilidad ng pagkakaugnay ng mga wikang katutubo
1
Paz, 1995 p. 10
sa Pilipinas. Pinatatag nito ang nauna nang nosyon ng pinagmulang Malayo-Polynesian na inang
wika ng mga wika sa kapuluan na nagbago-bago din sa tinagal-tagal ng mga impluwensya ng
mga karatig-bansang Asyano.

Sa papel na ito nais naming bigyang pagkilala ang sistema ng baybayin, gamit ang
Laguna Copperplate Inscription bilang daan sa pagtuklas ng baybayin at batayan ng mga
konseptong inilatag nina Dr. Cecilio Lopez at Dr. Ernesto Constantino tungkol sa unibersalidad
ng wika sa Pilipinas, at ang unibersal na nukleyus at pagiging linggwa franca ng wikang Filipino
na pinag-aralan naman ni Dr. Consuelo Paz. Sila ang mga prominenteng linguists ng Unibersidad
ng Pilipinas na nag-aral ng mga wika sa Pilipinas at mga istruktural na pagkakaugnay-ugnay ng
mga ito.

Makikita kasi na kulang sa arkiyolohikal na pag-aaral at pag-uugnay nito sa kasaysayan


ng wika at pagsasaayos nito ang mga batis tungkol sa wikang Filipino. Maaaring sabihin ng ilan
na sapat na ang mga istruktural na lapit sa pag-aaral ng kasaysayan ng wika ngunit sa aming
pananaw, ang kakulangan sa mga konkretong basehang arkiyolohikal (tulad ng LCI at baybayin)
ng pagkakaugnay ng wika ang isa sa naging mga dahilan ng mga pagtatalo at hindi pagtanggap
sa naunag hakbangin ng gorbyerno ng pagkakaroon ng wikang Pambansa.

Sa balangkas na ito maaari pang mabuksan ang isang suliranin na may kaugnayan sa
wika bilang tagapagbigkis ng bansa - ang pagsasaayos o istandardisasyon ng wikang Filipino. Sa
proseso ng pagsasaayos ng wika, maraming pananaw, pagkakaiba, at di pagkakasundo ang nabuo
at patuloy na nabubuo sa loob ng akademya. Kakulangan sa malinaw na batayan at siyentipikong
pag-aaral tungkol sa wikang Filipino ang pangunahing balakid sa isang wikang istandardays.
Tulad nga ng nabanggit na at patuloy naming idinidiin, naiwasan sana ang mga pagtatalo kung
malawak at malinaw na uugatin ang pagiging pamilya ng mga wika sa Pilipinas. Ang mga di
kalakihang pagkakaiba-iba kasi ng mga istruktura, tunog, at gamit ng mga wika sa Pilipinas ang
isa sa mga maituturing na balakid sa pag-usad ng istandardisasyon ng wikang Filipino, kaisahan
ng nga etnolinggwistikong grupo sa bansa, at sa diwang nasyonalismo ng mga Pilipino tungkol
pa rin sa isyu ng wika. Gayunpaman, kung kikilalanin lamang sana ang isang arkiyolohikal na
batis (ang LCI) na tinataglay ang pamamaraang katutubong na may kasaysayan at pagsisimula
ng mga wikang Filipino (ang baybayin), maaaring makabuo ng tiyak na batayan sa pagsasaayos
ng wikang Filipino.

TEORETIKAL NA BATAYAN

(Dr. Constatino at Dr. Paz unibersal na nukleyus ng wikang Pilipino)

MILYU
Ang Baybayin

Ang baybayin ay alam sa Unicode bilang Tagalog script o panitik na Tagalog, at isang
katutubong paraan ng pagsulat ng mga Pilipino (mga salitang katutubo sa kapuluan ng Pilipinas)
bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila. Ito ay hango sa Kavi na paraan ng pagsulat ng
mga taga-Java at iba pang bahagi ng Timog Silangang Asya. Ito ay bahagi ng sistema o
pamamaraang Brahmic (na nagsimula sa eskrito o sagisag na Sanskrit) at pinaniniwalaang
ginagamit noong ika-14 siglo.2 Ito ay patuloy na ginagamit nang dumating ang mga Kastila
hanggang sa huling bahagi ng ika-19 siglo.

Ayon sa mga pag-aaral sa Laguna Copperplate Inscriptions3 Ang pagkapanganak ng


baybayin ay sanhi ng impluwensya ng Sanskrito na lumaganap sa kalakhang Asya partikular na
sa Timog Silangang Asya na ayon sa mga tala ay nangyari noong 1000-1200 AD. Ito ang mga
panahon kung kailan nagsimula ang pagkalat ng mga sistema ng pagsulat at siyang pagtanggap
naman ng mga katutubong Pilipino sa isang paraang pasulat. Ang pag-usbong ng paraang pasulat
na tinanggap ay dahilan sa madalas na pakikisalamuha ng mga magkakaratig na isla ng Timog-
Silangang Asya. Ang impluwensya ng pagsulat na nakarating sa Pilipinas ay paniniwalaang
pangunahing nagmula sa Champa, Sumatra, Java, at Sulawesi dahil sa sistemang pasulat ng mga
ito na malaki ang lapit sa baybayin.

Mula sa Matandang Malay na naging lingua franca ng pakikipagkalakaran at Matandang


Java na naging wikang opisyal naman ng mga opisyal na dokumento at/o kasulatan noong 900
AD masasabing nagmula ang Baybayin. Binibigyang ebidensya ng nahanap na Laguna
Copperplate Inscription ang pag-unlad o ebolusyon ng Baybayin.

Mula sa tatlong sistemang pasulat nabuo ang baybayin ng mga sinaunang Pilipino. Ang
salitang baybayin sa wikang Tagalog ay nangangahulugan ng pagbigkas o pagsulat ng mga titik
ng isang salita, o "to spell" sa wikang Ingles. Ang sistema ng pagsulat ay may kahalintulad sa
sistemang abugida4 na gumagamit ng pagpaparis ng katinig at patinig. Bawat titik, kung isulat sa
payak na anyo, ay isang katinig na nagtatapos sa patinig na "A". Upang isulat ang isang katinig
na nagtatapos sa ibang patinig, maaaring maglagay ng kudlit sa ibabaw (kung nais isama sa
patinig na "E" o "I") o sa ilalim (kung nais isama sa patinig na "O" o "U").

Katangi-tangi ang pre-kolonyal na paraan na pagsulat ng mga Pilipino dahil sa mga


maaalon at malambot na pagkakurba nito na nagpapakita ng kinalakhang uri ng pamumuhay ng

2
Morrow, 2002
3
artipak na natagpuan at pinag-aralan ni Antoon Postman na nakasulat sa mga katutubong sagisag, bago pa man
maimbento ang Matandang Tagalog. Makabubuting tingnan ang pag-aaral ni Antoon Postma tungkol sa Laguna
Copperplate Inscription.
4
Sistema ng pagsusulat ng Brahmic na pamilya ng mga wika sa Timog at Timog-Silangang Asya.
mga katutubong Pilipino bilang austro-polinesio5. Ang baybayin ay may sistemang syllabary6
kaya’t kung papansinin ang labing-apat na titik nito ay ba, da, ga, ha, ka, la, ma, na, nga, pa sa,
ta, wa , at ya. Sa pamamamagitan ng kudlit ay maaaring magbago ang patinig (a, e-i, o-u) na
kadikit ng katinig sa bawat letra. Ang paglagay ng kudlit ay naaangkop lamang sa mga katinig, at
hindi maaaring gawin sa mga patinig. May sariling mga marka ang mga patinig. May isang
simbolo lamang para sa D o R. Sa orihinal na anyo ng baybayin, ang isang nagsosolong katinig
(isang katinig na walang kasamang patinig) ay hindi maaaring isulat.

Sa pagdaan ng panahon, nagkaroon ng iba’t ibang varyasyon ang baybayin. Nagkaroon


ng iba’t ibang bilis at proseso ng pag-unlad ang mga wika sa Pilipinas. Maging ang etno-
linguwistikong grupo na mayroon nang sistemang pasulat noon ay nakagawa ng kanya-kanyang
paraan sa pagsulat. Ang baybayin Kapampangan7 na may kakayahang tumugon sa isang
nagsosolong katining (na sa baybayin Tagalog ay hindi maaaring maisulat) at sa kaibang bigkas
ng wikang Kapampangan ang isang patunay dito.

Sa pamamagitan ng baybayin, naging mahusay sa pagsulat at pagbasa ang mga


katutubong Pilipino. Sa pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas, agad nila itong napansin.Sa
katunayan, agad silang nag-angkat ng limbagan upang agarang maisalin ang Katekismo ni Padre
Belarmino sa Tagalog(1593) at sa Ilokano(1621). Bilang nakasanayan na sa pagsulat ng
baybayin, isinulat ang mga ito sa bloke ng kahoy. Hindi lamang ang mga katutubo sa Luzon ang
naging mahusay sa pagsulat at pagbasa. Nagpatotoo rin si Padre Pedro Chirino, isang Hesuita na
naglingkod sa Bisayas at Luzon (1590s), sa kahanga-hangang karunungan sa pagbasa at pagsulat
ng mga katutubo sa Bisayas—“higit 100% sa mga kababaihan ang marunong bumasa at
sumulat….nangangahulugan itong mas mahusay pa ang mga katutubong Pilipino kaysa sa kahit
anong nasyon ng ika-20 siglo.” (Scott, 1968)

Fig3. Alpabetong Tagalog sa mga gawa ng tatlong manunulat

Sinabi naman ni Miguel de Loarca,


isang encomendero sa Panay (1582), na wala
umanong manuskrito ang mga Bisaya;
umangkin umano ang mga ito ng sariling paraan ng pagsulat ilang taon pa lamang ang lumilipas.
Sinabi naman ni Francisco Colin (1663) na mula sa mga Tagalog ang inangkin na sistema ng
pagsulat ng mga Bisaya. Makalipas ang isang siglo, itinala ni Juan Delgado (1751) na “halos
lahat ng mga tao sa Bisaya ay marunong nang sumulat at bumasa sa kanilang mga titik.”8
Gayunpaman, hindi gaanong malinaw at mapagkakatiwalaan ang mga talang ito dahilan sa
5
Ang mga austro-polinesio ay kilala bilang mga mahusay na manlalayag dala ng kinalakhang lugar. Sila ay ang mga
taong nakatira sa mga arkipelago at isla sa dagat Pasipiko.
6
Sa sistemang syllabary, ang isang titik ay katumbas na isang pantig (syllable).
7
O Pamagkulitan
8
Binanggit sa Ignacio Villamor, La Antigua Escritura Filipina.
atrasado na ang pakikipag-ugnayan nila sa mga Bisaya kung ihahambing sa panahon ng
pakikisalamuha nila sa mga Tagalog.

Patuloy na pinag-aralan ng mga paring Kastila ang baybayin. Sa kanilang pag-aaral, nakatagpo
sila ng iba’t ibang titik at paraan ng pagsulat kaiba sa inaasahang mas unipormeng pamamaraan
na kinasanayan nila. Dahil dito, naipalagay nila na may iba’t ibang uri ng baybayin, at iba-iba
ang mga titik nito.

Fig5. Talaan ng baybayin

Sa umpisa, nagdulot ng kalituhan sa kanilang pag-aaral ang mga nasabing pagkakaiba.


Gayunpaman, ang mga tunay na suliraning kinaharap nila ay 1) ang kakulangang umangkop ng
baybayin sa nagsosolong katinig o 2) ang kumplikadong paraan ng Kapampangan baybayin sa
pag-angkop sa kakulangan ng Tagalog baybayin at ang 3) pagiging isa ng “e at i” at “o at u” sa
salita ng mga Pilipino. Halimbawa na lamang:

La Me sa at La Mi sa bu (g) ko (s) at buko

Bilang tugon sa unang suliranin, naisip ni Padre Francisco Lopez na gamitin ang virama
(+) bilang bagong kudlit na kakatawan sa isang nagsosolong simbolo-katinig. Taong 1620 nang
iapagamit ito ni Padre Francisco Lopez sa mga katutubo. Lubhang nahirapan dito ang mga
katutubo kaya’t humina ang kanilang kagalingan sa pagbasa at pagsulat. Bukod pa dito, bumaba
rin ang bilang ng mga marunong magsipagbasa at magsipagsulat.
Sa kabilang banda, hindi nabigyan ng katulad na tugon ng mga Kastila ang ikatlong
suliranin sa paggamit ng babayin. Dahil dito, romanisasyon sa pagsulat at pagbasa ang naisip
nilang paraan. Hinikayat at pinilit nilang gamitin ng mga katutubo ang alpabetong roman kaysa
sa baybayin. Tinanggap ito ng mga katutubo, ngunit ayon sa tala ni Pedro Andres de Castro sa
kanyang Ortografia Tagala, makaraan ang 150 taon ng romanisasyon: “sila [ang mga katutubo],
matapos itong pagpupuri [sa romanong sistema ng pagsulat] ay napagdesisyunang hindi nila ito
maaaring isali sa kanilang paraan ng pagsulat dahil kaiba ito sa ‘intrinsikong’ katangian at
kalikasan ng kanilang wika na si Bathala ang mga kaloob at sisirain nitong lahat ang sintaks,
‘prosodiya’, at baybay ng wikang Tagalog sa isang bigwas lamang…” (Scott, 1968). Dito na
tuluyang bumaba ang bilang ng mga katutubong marunong bumasa at sumulat.

Sa kabila ng matibay na paninidigan, wala rin naggawa ang mga Pilipino kundi sumunod
sa matinding pamimilit ng mga Kastila. Matapos ang daantaon na paggamit ng baybayin at
pagkalinang nito base sa sinasalitang wika, at higit sa dalawang siglong paggamit nito maging sa
panahon ng mga Kastila, tuluyan rin nawala ang sistema ng pagsulat ng baybayin. Dito na
namatay ang baybayin dahilan upang mawala ang isang napakahalagang historiko-antropolohikal
na batayan sa wikang Filipino. Nawala ang isang tiyak na basehan sa pag-aaral ng pagsisimula,
pre-historikong debelopment, at natural na pag-unlad ng mga wikang Filipino na bumubuo sa
wikang Filipino.

Gayunpaman, apat na baybayin ang ginagamit pa rin sa hanggang sa kasalukuyan: ang


baybayin ng mga Hanunoo, Buid, Tagbanua at Pala’wan.

MGA KONTEMPORANYONG LANDAS


TUNGO SA IISANG KODIPIKASYON

Maikling Rebyu ng sitwasyong pangwika at mga probisyon

Bilang tugon sa mga pinagdaanang kahirapan sa pagbuo ng iisang pambansang wika,


maraming politikal na tunggalian ang naganap kung saan ang mga prubisyon ay dumaan sa mga
debate at mga pag-aaral na hindi rin nasolusyonan sa kinalaunan ang problemang kinaharap.
Nagdulot pa nga ito ng mga di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga eksperto at mga iskolar ng
wika dahil sa pagkakaiba ng mga opinyon at kinalabasan ng pag-aaral. Naganap ito lalo na sa
panahon ng malayang pamahalaan sa loob at matapos ang panahon ng mga Amerikano. Nitong
mga nakraang dekada, nagkaroon ng mga pagtatalo sa batayan, ispeling, at istandardisasyon ng
wika ang mga organisasyon sa wika. Partikular sa usaping politikal ang Komisyon ng Wikang
Filipino (KWF) at ang Sentro ng Wikang Pambansa.

Sa isinagawang rebisyon ng KWF noong 2001 nakita ng komisyon na kapag iniharap sa


maraming spelling variants ang mga mag-aaral, nagkakaroon ng malaking kalituhan sa paggamit
ng Filipino dahil sa kawalan ng malinaw na tuntunin nito. Ang suliranin sa istandardisasyon ay
maaari ring isa sa mga dahilan kung bakit mababa ang tingin dito ng mga edukado. Ang pasulat
nitong anyo ay kinakitaan din ng kabagalan, gayundin ang pagsasalin ng mga banyagang libro
tungo sa sariling wika para sa edukasyon at akses ng mga di-nakapag-aral ng Ingles. Sa
iminungkahing rebisyon ng KWF, inasahan nitong makaka-ambag sa mas madaling paggamit ng
wika upang mula sa dayalektikal na varyant ay magkaroon ng mga tanggap na pamantayan na
mas magpapatatag pa sa pagiging nukleyo ng lingua franca na ito.

Ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, S. 1987 na nagtakda ng pagdaragdag ng walong


bagong letra sa ABAKADA (C, F, J, Ñ, Q, V, X, Y, Z), ay hindi sinang-ayunan ng SWP dahil sa
mga puntong teknikal at kultural. Ayon sa kanila, ang paggamit ng 8 bagong letra ay dapat
lamang ilimita sa mga pangngalang pantangi, teknikal na terminolohiya, at mga salitang may
pang-kulturang kahalagahan. Ang 20-letrang ABaKaDa (o baybayin) lamang ang dapat gamitin
sa mga karaniwang salita. Sa bahagi ng KWF, ang rebisyon ay nakabatay sa simplisidad ng
wikang Filipino bilang kalakasan nito - kung anong bigkas, siyang sulat. Gayunpaman, kulang pa
rin sa fleksibilidad ang wika. Hindi ito tulad ng wikang Ingles na sa fleksibilidad ng mga baryant
ng ispeling nito (hal. mga iregular na pandiwa), na nagbibigay ng kalakasan nito sa mga likas na
gumagamit nito at maging sa mga nag-aaral nito. Makikitang kung ipipilit ang fleksibilidad na
ito sa wikang Filipino, lalabas na banyaga ang wika at hindi likas sa tunay na diwa ng Filipino
bilang lingua franca. Sa mga dayalekto ng Pilipinas, lubhang hindi magiging katanggap-tanggap
ang ganitong uri ng fleksibilidad. Dagdag pa rito ang katotohanan na ng mga hiram na salita ay
mas mainam sa monolingual at/o sa mga nagsisimula pa lang mag-aral ng gramatikang Filipino,
ngunit hindi katanggap-tanggap sa mga edukado, bilingual, at/o multilingual (Nolasco, 1988).

Tinutulan rin ang rebisyon dahil ang mga patnubay na lumabas noong 1976 at 1987 ay
naglilimita sa paggamit ng mga dagdag na 8 letra. Sa bagong rebisyon ng KWF, pinaluluwag ito.
Ang ponemikong pangangailangan ng mga dagdag na letra (f, j, v, z) at mga salitang may
pangangailangan na higit pa sa tunog nito (tulad ng c, n, q, x) ay may pangunahing gamit ng
pagbaybay ng mga salitang may katanggap-tanggap na pagsasa-Filipino (hal. figurasyon,
fragmentasyon, fetisismo). Gayundin ang mga salitang hiram na sa nakalipas ay binago na at
nakasanayan na ang paggamit (hal. Pebrero-Febrero, pantasya-fantasya). Ngunit ano ang
pamantayang ito na inilalatag ng SWP at ano ang akademikong batayan ng kanilang pagtutol sa
rebisyon? Ito ay isa lamang sa maraming palaisipan at mga di-pagkakatugma ng mga batayang
akademiko at siyentipiko pagdating sa usapin ng ispeling at gramatika.

PAGSUSURI

Sa politikal na usapin ng wika tulad ng mga probisyon sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng
Pilipinas hanggang sa nabanggit na probisyon sa dekadang lumipas, napatunayan ang malaking
pangangailangan sa patuloy na paghahanap sa sariling landasin na hindi na nakaangkla sa
Kanluran. Hindi maaaring ang pamamaraan ng mga Pilipino ay palaging nilalayon ang pag-
angkop sa Kanluran dahil ito’y nangangahulugan ng kawalan ng bait sa sariling kaakuhan, na
hindi maitatangging napakalaking salik sa mga suliranin ng bansa. Sa kabilang banda, hindi
naman dapat itakwil ang lahat ng impluwensya ng Kanluran sapagkat hindi maiaalis ang
katotohanang binuo ng mga karanasang ito ang katauhan ng bansa.

Katulad ng nasabi ni Asnah Haji Omar, ‘ang lingguwist na Malaysian na namuno sa


pagdidisenyo ng magkasamang Alfabetong Malaysian-Indonesian, ang nagpapatunay na
kailangang lumampas sa mga lingguwistikong batayan at kilalanin ang mga di-lingguwistikong
inovasyon o sosyo-politikal na batayan’, at siyaring ‘nagbabala laban sa paglabag ng mga
prinsipyo ng simplisidad,ekonomiya, at praktikalidad sa pagdevelop ng mga bagong disenyo ng
alfabeto... ang pagpapanatili sa isa-sa-isang tumbasan ng tunog at simbolo’ (KWF, 2001). Ito nga
ang pinagbatayan ng KWF sa Bagong Revisyon ng Alfabetong Filipino na nababagay nga naman
sa kagalingang umangkop ng wikang Filipino. Gayunpaman, ang siyang pagpapasok ng bagong
simbolo para sa isa-sa-isang tumbasang tunog ang naging sanhi ng kalituhan sa mga paaralan at
maging sa mga edukadong tao na sinasabing “nakakatawa” ang bagong baybay ng mga salita.
Kung mas mapadadali nga ang pagbabasa dahil sa bagong revisyon na ito ng KWF ngunit
magiging dahilan naman ito ng pagiging katawa-tawa ng wikang Filipino sa mata ng mga
mamamayang Pilipino lalo na sa isang bilingguwal, na patuloy na magbibigay impresyon sa
wikang Filipino bilang mas mababa sa wikang Ingles—napaiilalim, kabuntot, at nanghihiram na
lang sa wikang Ingles—lalabas na hindi pa rin nga tunay na tugon ito sa sosyo-politikal na
suliranin ng wika sa ating bansa.

Ang ganoong kakatwang pagtingin ng mga Pilipino sa bagong baybay, at ang pambabatas
dito ng maraming bilingguwal ay maiuugat sa katulad na hindi pagtanggap ng mga katutubong
Pilipino sa reporma sa pagbaybay ni Padre Andres Castro noong 1783. Kayang umangkop ng
baybayin (o ang ABaKaDa), lalo na’t napatunayang ang f at j ay mga katutubong letra rin.
Maaaring ikatawan ng S ang Z at X. Ang C at Q naman ay maaaring tumbasan ng K. Sinasabing
ang mismong simplisidad ng Filipino ang kahinaan nito dahil kulang ito sa fleksibilidad upang
umangkop sa pangwikang panghihiram at inovasyon ( KWF, 2001). Sumakatwid, pag-angkop
para sa ‘panghihiram’ ang puno’t dulot ng lahat ng pagbabagong ito sa pagbaybay. Naiwaksi na
naman ang isang katutubong yaman—ang ABaKaDa, ang natatanging bakas ng Baybayin.

Gayunpaman, hindi naman ito nangangahulugan ng pagsasa-Filipino sa lahat ng salitang


dayuhan. Tulad nga ng nabanggit na, hindi maitatapon ang katotohanang malaki ang kanluraning
impluwensya sa mga Pilipino. Ang hiram na salitang wala sa kulturang Pilipino katulad ng ice
cream ay hindi na dapat pang gawing ‘ays krim’ sapagkat una, nagdudulot lamang ito ng
kalituhan sa mga tao na tanggap na ang ice cream bilang ice cream at hindi ays krim. Kung
naging matatag na sa kulturang Pilipino ang mga dayuhang pangalan katulad ng TV at ref,
mabuti nang huwag nang pakialaman ang mga ito. Sa halip, dapat na isinaFilipino na ang mga
salita sa unang pagpasok pa lamang ng mga ito sa kamalayang Pilipino. Maaaring hindi nga
naggawa ang pagsasa-Filipino ng mga dayuhang salita, ngunit siguradong maaaring isagawa ito
sa hinaharap.

Gayunpaman, ang mga salitang katulad ng ‘komperens’, ‘atityud’, ‘dumebelop’ at iba


pang salitang may katutubong katumbas ay huwag nang ipilit dahil maaari namang gamitin ang
‘pagpupulong’, ‘asal o pag-uugali’ (depende sa itinatakbo ng pag-uusap) at ‘gumawa,
lumikha,kumatha,o luminang’ (depende pa rin sa takbo ng pag-uusap). Bakit kikitlin ang
katutubong wika na mayroon na ang wikang Filipino dahil lamang sa “pag-angkop” sa dayuhang
konsepto? Pahiwatig lamang ito na malayong mangyari ang isang Filipinong “pinagsama-
samang mga wika sa Pilipinas” dahil iyon mismong katutubong salitang mayroon at kilala na ay
ipinagpapalit pa. Sa labis na pagtuon sa dayuhang wika, sa panghihiram nito at labis na pag-
angkop wikang Filipino dito, papaano pa mapapansin ang ibang wikang Filipino na
paniguradong maraming kaalamang maaaring ipantapat sa mga dayuhang kaisipan? Sabi nga ni
Dr. Jose Rizal, “Each people has its own tongue, as it has its own way of thinking...One and all
you forget that while a people preserves its language, it preserves the marks of liberty, as man
preserves his independence while he holds to his own way of thinking. Language is the thought
of the people” (Guerrero, 1969).

Sa usapin pa rin ng panghihiram, mainam ito ngunit nararapat na nakaayon nito sa


hinihingi ng panahon at marapat na muling balikan at amyendahan ang (1) pangangailangan at
(2) mga pamantayan sa pagsasakatutubo ng mga hiram na salita. Sa panghihiram, hindi
kailangan na lahat ay isinasa-katutubo. Sa panghihiram naroon ang layunin na angkinin ang mga
salitang hindi gamit sa isang katutubong wika ngunit ang mga obhetong nirerepresenta nito ay
bahagi ng danas ng mga taong may pangangailangan nito. Gayunpaman, bilang pagkilala sa
pinanggalingan nitong salita marapat na panatilihin ang orihinal nitong ispeling. Ang pahayag na
ito nakadepende pa rin sa mga elemento tulad ng (1) popularidad at katanggapan ng salitang
hinihiram, (2) katagalan ng gamit base sa orihinalidad, at (3) pag-ayon ng panghihiram sa
pamantayan ng katutubong wika.

Bilang paghahalimbawa, pansinin ang salitang ‘teknolohiya’. Kung susundin ang sistema
ng syllabary ng Baybayin, mas “katanggap-tanggap” ito kaysa salitang ‘teknoloji’. Sa unang
nabanggit na anyo ng salita, wala itong hiram na letra at masasabing mas kakikitaan ito ng
pagiging natural o katutubo at mas maka-Pilipino (at maaari pang maisulat ito sa anyong
Baybayin). Gayundin ang salitang ‘kumperensiya’, kaysa ‘komperens’, at marami pang iba.

Ang iisang pamamaraan ng kodipikasyon ay posibleng maabot kung makakatagpo ng


isang sistematikong pamantayan ng katanggap-tanggap na pagsasa-katutubo. Kung ito’y
isasagawa, maaaring mangailangan ng panibagong sarbey o malalimang pag-aaral kung ano ang
mga magiging modernong pamantayan sa pagpili ng mga salitang isasa-Filipino (kasama ang
istandardisasyon ng gramatika at ispeling). Nangangahulugan rin ito na hindi na kailangan pa
ang pagbabago/pag-istandardize ng mga salitang banyaga ngunit malaki na ang katanggapan sa
wika dahil sa katatagan at katagalan ng paggamit nito (hal. fiesta, piyesta, o pista?). Malaki ang
magiging papel ng iba’t ibang media at mga paaralan sa tunguhing ito.

MGA PAGLALAGOM AT REKOMENDASYON

Nais ipakita ng papel na ito ang salimuot ng dulot ng labis na panghihiram-pag-angkop


ng wikang Filipino sa isang dayuhang wika. Isang pagbubukas lamang ito sa ibang posibilidad
bukod sa labis na panghihiram at mga hindi pagkakasundo kaugnay ng salimuot nito—sa pag-
aaral ng baybayin bilang arkiyolohikal na batayan sa pag-aaral ng unibersal na katangian ng mga
wikang Filipino. Hindi iba-iba ang mga baybayin sa Pilipinas. Varyasyon lamang ito. Kung
susuriing mabuti, makikitang varyasyon lamang sa pagsulat o handwriting ang mga
pagkakaibang ito, na maging sa kasalukuyang panahon ay nangyayari.

Tunay ngang malayo pa ang wikang Filipino sa Niponggo ng mga Hapon, sa Hangeul ng
mga Koreano, at sa Bahasa ng mga Malay at Indones. Ang pag-aaral at pormulasyon ng mga
pamantayan sa wikang Filipino ay hindi pa umaabot sa siyentipikong paraan. Puro lamang teorya
at pagtataya ang kasalukuyang paraan sa pagmodernisa ng wikang Filipino. Kung may
pagsasagawa man ng siyentipikong pag-aaral sa larangan ng wikang Filipino, hindi naman ito
napalalalim kaya’t marupok pa rin ang batayang sandigan ng mga pagpapatupad na kaugnay ng
nasabing pag-aaral. Kailangan nating tandaan na naimbento ng mga Koreano ang Hangeul9 dahil
sa labis na pagpapahalaga sa siyensya. Bukod pa dito, kulang rin ng pag-uugat sa kultural na
kasaysayan at/o arkeyolohikal na batayan ang mga pag-aaral sa wikang Filipino, tulad nga ng
pagtalakay sa wikang Filipino nang malayo sa pre-historikal na kasaysayan nito. Mahalagang
tandaan na naimbento ng mga Hapon ang kanilang Katakana10 dahil sa pagbabalik sa kanilang
Hiragana. Higit sa lahat, kulang na kulang sa pagsasaliksik via sarbey ang sistema ng pag-
iistandardays ng wikang Filipino. Kailangang tandaan na sangkatutak na sarbey ang isinagawa
ng mga tagapagtaguyod ng Bahasa bago tuluyang na-istandardays ang Bahasa.

Napakaraming posibilidad sa wikang Filipino sa halip ng panghihiram na lamang. Ang


baybayin ay isa sa mga ito. Kailangang pag-aralan ang baybayin. Kailangan itong hukayin
sapagkat katulad nga ng pagpapahiwatig na sa Introduksyon at Milyu, nandito ang leksikal,
sintaktiko, at iba pang katangian ng wikang Filipino at kaisahan ng mga wikang Filipino na
maaaring hindi pa natin natutuklasan. Malakas ang paniniwala ng aming grupo na sa
pamamagitan ng maka-agham na pagtaya sa baybayin, mas marami pang matututunan hindi
lamang sa wikang Filipino kung hindi sa mga wikang Filipino. Higit sa lahat, paniguradong
maraming katutubong kaalaman sa pagmomodernisa at pag-istandardays ng wika ang
9
Inimbento ni Haring Sejong bilang pag-angkop ng mga Koreano sa pagbabasa at pagsulat kaysa sa masalimuot na
sistema ng wikang Tsinoy, na nailibag noong 1446.
10
Paraan ng pagulat ng mga Hapon para sa panghihiram ng mga salitang dayuhan
mahahalaw dito (hal: ang Pamagkulit11 ng mga Kapampangan). Dahil dito maaaring sabihin na
sa Baybayin (at mga kasalukuyang nalinang na baryason nito tulad ng Kapampamangan, atbp.)
hindi imposibleng buhayin ang katutubong paraan na ito, katulad na lang ng pagbuhay ni Eliezer
Ben-Yehuda sa Ebreo12 na ngayo’y pambansang wika ng Israel.

Ang LCI ang unang dokumentong nakasulat sa isang wikang mula sa iba’t-ibang bahagi
ng kapuluan na may unipormadong paggamit. Nakasaad sa dokumento ang isang panlipunang
gawain na may kinalaman sa pagpapatupad ng hustisya. Sa pagbanggit ng dokumento sa mga
lugar ng Tondo, Pila at Pulilan sa palibot ng Look ng Maynila at ang Medan, Indonesia,
masasabing malaganap at mayaman ang sistemang nabuo ng pakikipagugnayan sa pamamagitan
ng isang wika na naiintindihan. Isang ebidensya nito ang pagiging isang nasusulat na dokumento.
Gayundin, nabigyan diin ng ebidensyang natagpuan sa pagkatuklas ng kasalutang ang mga
ugnayang kultural sa pagitan ng mga nagsasalita ng Tagalog nang mga panahong ito at iba't
ibang mga kabihasnan sa Asya, katulad ng gitnang mga kaharian ng India at ang imperyo ng
Srivijaya, isang paksa sa kasaysayan ng Pilipinas na hindi gaanong alam. Patunay ito sa mga
naunang pag-aaral hinggil sa pagkakaugnay ng wikang matatagpuan sa Pilipinas sa mga sangay
ng wikang umusbong mula sa nukleyus nitong Malayo-Polynesian.

Ito rin ay maaaring magsilbing mga batayan ng mga nagging pag-aaral nina Dr.
Constantino at Dr. Paz tungkol sa unibersalidad at pagkakaroon ng isang unibersal na nukleyus
ng wikang Filipino. Sa mga halimbawang ibinigay sa itaas, ang pagkakaugnay ng mga karakter,
mga hugis ng pagsusulat na may baryasyon sa iba’t iba pang artipak na nakuha sa buong
kapuluan, mga tunog nito (bagama’t hindi tiyak ng buong-buo), ay magsasabing malaki ang
katotohanan ng mga batayan para sa pagkakaroon ng isang Wikang Pambansa.

Dahil dito, marapat na isaalang-alang sa pagtuturo ng wika ang pagkakaroon ng mga


diskusyon hinggil sa kasaysayan ng mga pagkakaugnay na ito, gamit ang mga artipak tulad ng
LCI. Ito ay upang mabigyan ng ideya lalo na ang mga kabataan sa makalumang panahon kung
saan ang mga ninuno ay nagkakaintindihan sa isang wika pareho sa pamamaraan ng pagsulat at
pananalita. Ito ang basehan ng lingua franca sa kasalukuyang Wikang Pambansa kaya kahit
anong argumento ang ilatag ng mga konserbatibong etnolinggwistikong grupo, mayroon nang
laganap na de facto na wika.

Sa mga ebidensyang nailatag ng papel na may kinalaman sa Baybayin bilang batayan,


makikita na hindi imposible ang pagkakaroon ng isang pambansang wika dahil mayroon na ito
base sa nasulat na kasaysayan. Ang hamon ay kung paano ang magiging pormulasyon ng
panibagong mga patakaran sa wika, gramatika, ispeling, atbp., na may kinalaman sa
kasalukuyang danas at pangangailangan ng modernong Pilipino. Sa usapin ng panghihiram tulad
ng nabanggit na, ang panghihiram ay hindi nangangahulugan ng lagiang pagsasa-katutubo.
Nararapat na sa panghihiram laging may kaakibat na responsibilidad ng pagkilala sa
11
o Baybayin Kapampangan (tingnan ang Milyu, talata 12)
12
ngayo’y Modern Hebrew
pinanggalingan nito, at kung paanong kikilanin ang katanggapan sakaling makita ang
pangangailangan ng pagsasa-katutubo.

Gurrero, Leon Maria. The First Filipino, a biography of Jose Rizal. Manila : [Vertex Press],
1969, [1963].

Scott, William Henry. A critical study of the prehispanic source materials for the study of
Philippine history. Manila : University of Santo Tomas Press, [c1968]

You might also like