You are on page 1of 2
PANGANGAILANGAN SA LUPA AT KLIMA Itanim ang brocolli sa lupang banlik na sagana sa organikong bagay at may maayos patubig. Ang angkop na pH ng lupa ay 6.0-6.5. Itanim sa mga matataas at katamtaman ang taas na mga lugar na may temperaturang 15-22°C. Maaati ring itanim sa mabababang lugar sa buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero. PAGPILI NG BINHI ‘Ang mea komersyal na binhi ng broccoli ay Green King, Green Pia, Pinnacle, Shigemori, Sonata at Tender Green, Mahalagang pumili ng binhing angkop sa kondisyon ng lugar na pagtatamnan, may mataas ‘na pangangailangan sa pamilihan kung ipagbibili at ‘may panlaban sa mga sakit at peste, PAGHAHANDA NG LUPANG TANIMAN Araruhin at suyurin ang taniman ng dalawang beses. Para sa pagtatanim sa isahang hanay, gumawa ng mga tudling na may pagitan na 0.5 m. Para naman sa dalawahang hanay, ang pagitan ay 0.75-1.0 m. Maglagay ng 1 kg na binulok na dumi ng manok at 300 g na carbonized rice hull (CRH) kada metro kuwadrado at ihalong mabuti PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON: Mag-text'sa PhilRice text center'0920-911-1398 Bisitahin ang Pinoy Rice Knowedge Bank www.pinoyrice.com ‘ige_matters (twitter) | rice. matters (facebook) Isa sa pinakamahal na gulay sa Pilipinas ang broccoli (Brassica oleracea var. italica). Hiyang ito sa mga malalamig na lugar. Nagtataglay ito maraming bitamina A, C, calcium, iron, thiamine, riboflavin at niacin. Nakakatulong ito upang labanan ang kanser. Maaari itong ilaga, pasingawan, igisa 0 ilahok sa iba pang gulay. PAGPUPUNLA Maghanda ng 280 g na buto para sa isang ektarya. Gumawa ng kamang punlaan na may lapad na 1m. Haluanito ng 1 kg na binulok na dumi ng manok at 300 gna carbonized rice hull (CRH) kada metro kuwadrado. Basain ang punlaan gumawa ng mga mababaw na linya na may pagitan na 7-10 cm at pahalang dito. Itanim ng manipis ang mga buto at bahagyang takpan ng lupa. Takpan ng ipa ng palay, pinutol na dayami o cogon ang punlaan at diligan araw-araw o kung kinakailangan. Maglagay ng lilim kung tag-araw at bubong kung tag-ulan. Bawasan ang dalas ng pagdidilig at painitan ang mga punla 1 linggo bago ilipat-tanim. PAGLILIPAT-TANIM Maaari nang ilipat-tanim ang mga punta 3 linggo pagkasibol. Basain ang punlaan at maingat na bunutin ang mga punla gamit ang patpat na kahoy. Magtanim ng 1 punla sa tudling sa pagitan na 0.3, m. Diligan ang taniman bago at pagkata- pos magtanim. Maghulip kung may mga punlang namatay. Ang paglalagay ng plastic mulch ay nakakatulong upang makontrol ang pagtubo ng damo at mapanatili ang pagkabasa ng lupa. PHIRI NGG ORR) SEGRE 2 RR eR Sd PANGANGALAGA Magdagdag ng binulok na dumi ng hayop 0 compost kung kinakailangan. Magdilig ng manure tea at fermented plant juice (FP) isang beses sa isang lingo. Diligan and taniman ng 2-3 na beses sa 1 linggo. Tanggalan ng damo ang taniman upang maiwasan ang kumpetisyon sa sustansya at araw. Nakakatulong ang paglalagay ng plastic mulch sa pagkontrol_ng damo at Pagpapanatili ng pagkabasa ng lupa PAMAMAHALA SA SAKIT AT PESTE Karaniwang peste ng broccoli ang dapulak, diamond back moth at uod. Mag-spray ng katas ng sili (100 g dinurog na sili sa 16 Lng tubig) upang makontrol ang mga ito. Magtanim ng sibuyas, amarilyo, mais, zinnia, at cosmos sa paligid upang maitaboy ang mga ito at mapanatili ang dami ng mga kaibigang kulisap. Pagkatuba at pagkabulok naman ang mga karaniwang sakit ng broccoli. Upang maiwasan ang mga ito, gumamit ng malinis na binhi, panatinilihin ang kalinisan sa taniman at tanggalin ang mga halamang may sakit. », \ Dapulak 0 aphids rer Uod Pagkabulok o soft rot ee PAG-ANI Anihin ang broccoli kung buo na ang mga ito. Isama ang bahagi ng tangkay at dahon. Gawin ang pag-aani sa umaga para maiwasan ang pagbaba ng kalidad ng mga ito. Maglagay ng yelo na 5-10 cm ang kapal sa ibabaw ng mga naaning broccoli upang tumagal ang mga ito. Pag-aani ng brocoll Paglalagay ng yelo o top icing REFERENCES Department of Trade and Industry - Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development. 2009. Broccoli and Cauliflower Production Guide (Pulyeto). Information Bulletin No. 148-A. Tad-awan BA, Basquial DA, Orlang J. Cabbage Organic Production Guide (Pulyeto). Benguet State University (Bsu). Zvalo V, Respondek A. 2007. Vegetable Production Guide - Broccoli. Agra Point. Petsa ng pagdownload: Setyembre 14, 2015 mula sa www.perennia.ca. Ang mga impormasyon sa babasahing ito ay hindi pagmamay-ari ng PhilRice. Ang mga ito ay maaaring kinuha ng buo o isinalaysay sa sariling paliwanag mula sa pinaghalawan. ‘Ang copyright ay mananatili sa orihinal na pinaghalawan. BTS TOC T eT CL SMe eT Tey Peek Tee eR et) Tee Lee

You might also like