parAilianish,wordprc
i!
GABAY SA PAGTATANIM NG
PANGANGAILANGAN SA LUPA AT KLIMA.
Itanim sa lupang banlik na sagana sa
organikong lupa at maayos na patubig
tubig. Ang angkop na pH ng lupa ay
6.06.5. Itanim sa mga matataas at
katamtaman ang taas na lugar na may
temperaturang 15-22°C. Maaari ring
itanim sa mabababang lugar sa buwan ng
Nobyembre hanggang Pebrero.
PAGPILI NG BINHI
‘Ang mga komersyal na binhi ng cauliflower ay CHL
313, Montblanc, Silver Cup 40, Snow Queen, White
Island at White shot. Pumili ng binhing angkop sa
kondisyon ng lugar na pagtatamnan, may mataas na
pangangailangan sa pamilihan at may panlaban sa
mga sakit at peste.
PAGHAHANDA NG LUPANG TANIMAN
Araruhin at suyurin ang taniman ng 2
beses. Para sa pagtatanim sa 1 hanay,
gumawa ng mga tudling na may pagitan
na 0.5 m. Para naman sa 2 hanay, ang
Pagitan ay 0.75-1.0 m. Maglagay ng 1 kg.
na binulok na dumi ng manok at 300 g
nna carbonized rice hull (CRH) kada metro
kuwadrado at ihalong mabuti
a PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON:
Mag-text'sa PhilRice text center'0920-911-1398
oe
Bisitahin ang Pinoy Rice Knowedge Bank www.pinoyrice.com
‘ige_matters (twitter) | rice. matters (facebook)
Ang cauliflower (Brassica oleracea var botrytis) ay
itinatanim sa malalamig na lugar. Ang nagkumpol na
bulaklak nito ay maaaring pasingawan, igisa or iburo.
Sagana ito sa bitamina C, K, calcium, at potassium na
mabuti sa kalusugan. Maliban sa mga ito, nagtataglay
rin ito ng mga phyto-chemicals na napatunayang may
kakayahang labanan ang sakit na kanser.
PAGPUPUNLA
Kailangan ng 280 g na buto para sa isang
ektarya. Gumawa ng kamang punlaan
na may lapad na 1m. Haluan ito ng 1 kg
na binulok na dumi ng manok at 300 g
na carbonized rice hull (CRH) kada
metro kuwadrado. Basain ang punlaan
gumawa ng mga mababaw na linya na
may pagitan na 7-10 cm at pahalang
dito. Itanim ng manipis ang mga buto at
bahagyang takpan ng lupa. Takpan ng
ipa ng palay, pinutol na dayami o cogon
ang punlaan at diligan araw-araw o kung
kinakailangan. Maglagay ng lilim sa
tag-araw at bubong kung tag-ulan.
Bawasan ang dalas ng pagdidilig at
painitan ang mga punla 1 lingo bago
ilipat-tanim.
PAGLILIPAT-TANIM
Maaari ng ilipat-tanim ang mga punla 3
linggo pagkasibol. Basain ang punlaan at
maingat na bunutin ang mga punla
gamit ang patpat na kahoy.
PHIRICNGG ORES) SEES 2 MRR eR SER Re
PANGANGALAGA
Magdagdag ng binulok na dumi ng
hayop 0 compost kung kinakailangan.
Magdilig ng manure tea at fermented
plant juice (FP) isang beses sa isang
lingo. Diligan and taniman ng 2-3 na
beses sa 1 linggo. Damuhan ang taniman
upang maiwasan ang kompetisyon sa
sustansya at araw. Nakakatulong ang
Paglalagay ng plastic mulch sa
pagkontrol ng damo at pagpapanatili ng
pagkabasa ng lupa.
PAMAMAHALA SA SAKIT AT PESTE
Ang mga karaniwang peste ng
cauliflower ay dapulak, diamond back
moth at uod. Mag-spray ng katas ng sili
(100 g dinurog na sili sa 16 L ng tubig)
pang makontrol ang mga ito. Magtanim
ng sibuyas, amarilyo, mais, zinnia, at
cosmos sa paligid upang maitaboy ang
ito at mapanatili ang dami ng mga
igang kulisap.
Ang mga pangunahing sakit_ng
cauliflower ay pagkatuba at pagkabulok.
Upang maiwasan ang mga ito, gumamit
ng malinis na binhi, panatinilihin ang
kalinisan sa taniman at tanggalin ang
mga halamang may sakit.
NU
as Sens
dapulak o aphids
uod pagkabulok o soft rot
PAG-ANI
Maaari nang anihin ang cauliflower kung
buo na ang mga nagkumpol na bulaklak
nito. Gumamit ng malinis na kutsilyo at
putulin ang tangkay at dahon subalit
magtira ng bahagi ng mga ito. Gawin ang
pag-aani sa umaga para maiwasan ang
pagbaba ng kalidad ng cauliflower.
Maglagay ng yelo na 5-10 cm ang kapal
sa ibabaw ng mga naaning bulaklak
upang tumagal ang mga ito.
REFERENCES
Department of Agriculture, Forestry and Fisheries.
2012, Production guideline: Cauliflower (Brassica
oleracea var. botrytis). Directorate Agricultural
Information Services, Department of Agriculture,
Forestry and Fisheries. South Africa. Petsa ng
pagdownload: Setyembre 14, 2015 mula sa
www.nda.agric.za/docs/Brochures/PG_cauliflower.pdf.
Department of Trade and Industry - Philippine Council
for Agriculture, Forestry and Natural Resources
Research and Development. 2009. Broccoli and
Cauliflower Production Guide (Pulyeto). Information
Bulletin No. 148-A,
Rudrappa U. 2015. Cauliflower nutrition facts. Petsa ng
pagdownload: Setyembre 14, 2015 mula sa
www.nutrition-and-you.com.
Tad-awan BA, Basquial DA, Orlang J. Cabbage Organic
Production Guide (Pulyeto). Benguet State University
(Bsu).
2valo V, Respondek A. 2007. Vegetable Production
Guide - Broccoli. Agra Point. Petsa ng pagdownload:
Setyembre 14, 2015 mula sa www.perennia.ca,
‘Ang mga impormasyon sa babasahing ito ay hindi
pagmamay-ari ng PhilRice. Ang mga ito ay maaaring
kinuha ng buo o isinalaysay sa sariling paliwanag
mula sa pinaghalawan.
‘Ang copyright ay mananatili sa orihinal na pinaghalawan,
BTS TOC T eT CL SMe eT Tey Peek Tee eR et) Tee Lee