You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Quezon
Lopez West District
Lopez

Lopez West Elementary School Bldg.1

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN I


Ikatlong Markahan

I. LAYUNIN
Sa pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral sa Unang Baitang,
Seksyon Acacia ay inaasahang:

1. Natutukoy ang kahalagahan ng paaralan sa bawat mag-aaral.


2. Naipakikita ang kahalagahan ng pag-aaral
3. Nakikiisa sa pangkatang gawain

II. PAKSANG ARALIN


A. Aralin: Ang Kahalagahan ng aking Paaralan
B. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide
Teacher’s Guide
Learner’s Module pp. 30-32
C. Kagamitan: Mga larawan, cartolina, envelop
D. Integrasyon sa Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Paaralan

III. PAMAMARAAN
Gawaing Pangguro Gawaing Pang mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Ang lahat ay tumayo para sa ating
panalangin.
Amen.
2. Pagbati
Magandang umaga mga bata!

Maari na kayong umupo. Magandang umaga din po naman.

3. Balik-Aral Salamat po!


Bago natin simulan ang ating
bagong aralin. Alamin muna natin
ang ating pinag-aralan kahapon.
Ano nga ang pinag-aralan natin
kahapon? Ma’am ang pinagaralan po natin
kahapon ay ang tulang “bata pa
Tama! tungkol saan ang tulang ako”
iyon?
Ma’am tungkol po sa isang bata na
hindi nakakapasok sa paaralan.
Mahusay! Bakit nga ba hindi siya
nakakapasok sa paaralan?
Ma’am dahil po sa kahirapan.
Magaling!
B. Panlinang na Gawain

1.1 Paunang Pagtataya

Ano-ano ang mga pangarap ninyo


paglaki ninyo? (Sasagot ang mga bata)

Ano ang gagawin mo upang matupad


ang inyong mga pangarap? Ma’am mag-aaral po ng mabuti

Mga bata mayroon akong ipakikila


sa inyo katulad ninyo siya ay pitong
taong gulang din. Ang pangalan niya ay
Marco, batiin nga ninyo siya ng isang
magandang umaga. Magandang umaga sa iyo Marco!

Ngunit ikaw at si Marco ay


mayroong pagkakaiba. Nais mo bang
malaman kung ano? Opo ma’am.

Kung ganoon ay basahin natin ang


maikling kwento ng buhay ni Marco.
Gusto na ba ninyong marinig ito? Opo ma’am

1.2 Paghahawan ng Balakid

Ngunit bago natin simulan ang


kuwento ni Marco. Alamin muna natin
ang iba’t ibang salita na maari nating
mabasa sa kuwento. May inihanda
akong mga letra. Pupunan ninyo ang
mga nawawalang letra sa mga salita
upang mabuo ang mga salitang ito, Opo ma’am
maliwanag ba?

1. Paaralan – lugar kung saan


pumapasok ang mga mag-aaral upang
mag-aral.
2. Pangarap – ang mithiin sa buhay.
3. Punong-bayan – Ang namamahala sa
isang bayan.
4. Propesyon – kalagayan ng isang tao
sa lipunan.

Basahin nga natin ng sabay sabay.

2. Paglalahad
Narito ang kuwento, ang pamagat
ng kuwento ay “Ang pangarap ni Marco”
sa panulat ni Tala Pasko. Ano nga ang
pamagat ng kuwento? Ma’am ang pamagat ng kuwento ay
“Ang pangarap ni Marco”
Ano ang gusto mong malaman tungkol
kay Marco? Ma’am ano ang pangarap ni
Marco?
Bago natin simulan ang kuwento ano
nga ang mga dapat tandaan habang
nakikinig sa isang kuwento?
Ma’am huwag maingay
Ma’am makinig ng mabuti\
Ma’am huwag makipagkuwentuhan
Inaasahan ko na habang binabasa ko sa katabi.
ang kuwento inyong tatandaan ang
inyong mga sinabi.

Ang Pangarap ni Marco


Sa panulat ni Tala Pasko

Si Marco ay anak ng isang karpIntero, samantalang ang kanyang


nanay naman ay may sakit. Araw-araw siyang pumupunta sa paaralan. Sa
kanyang daan patungong paaralan, nagsimula ang kanyang mga pangarap. Sa
istasyon ng pulis, nakita niya ang mga taong naka-asul, balang araw gusto rin
niyang maging isang pulis. Pagdaan naman niya sa munisipyo ay nakita niya
ang kanilang masipag na punong-bayan. Naisip din niyang maging katulad nito
upang tumulong sa kanyang mga kababayan. Hindi pa nakakalayo ay
nadaanan naman niya ang isang hospital sa kanilang bayan. Nakakita na siya
ng doktor noon kaya’t ninais din niyang maging isang doktor lalo na ngayong
nagkasakit ang kanyang ina, gusto niya itong pagalingin. Nang makalampas
siya ay nakita niya ang trak ng bombero na galing sa kabilang bayan na
tumulong umapula ng sunog doon, “Ano kaya kung isa ako sa kanila?”
kaniyang naisip. Nang makarating siya sa paaralan ay nakita naman niya ang
kanyang dating guro, kaya’t binati niya ito ng magandang umaga. Noon pa
lamang ay gusto na din niyang maging isang guro at magturo sa mga batang
katulad niya. Ngunit paano matutupad ang alinman sa kanyang mga pangarap
na propesyon kung nagtutungo siya sa paaralan hindi upang mag-aral kung
hindi upang magtinda ng turon at banana Cue.

3. Pagtatalakay

Ngayon ay aalamin ko kung tunay


nga bang naintindihan nyo ang binasang
kuwento.

Ano nga muli ang pamagat ng kuwento? Ma’am ang pamagat po ng kuwento
ay “Ang pangarap ni Marco”

Sino ang tauhan sa kuwento? Ma’am si Marco po.

Ano-ano ang mga trabaho o propesyon Ma’am pulis


na nabanggit sa kuwento? Punong-bayan
Doktor
Bombero
Guro
Magagaling! Ano ang nabanggit sa
kuwento na pinagkaiba ninyo kay Ma’am so Marco po ay hindi nag-
Marco? aaral.

Tama! Hindi tulad ninyo na nasa


paaralan, si Marco ay hindi nag-aaral.
Ano lamang ang ginagawa niya araw- Ma’am si Marco ay nagtitinda
araw sa paaralan? lamang ng turon at banana que.

Sa tingin mo matutupad ba ang alinman


sa mga pangarap ni Marco kung hindi Ma’am hindi po.
siya nag-aaral?

Kung ganoon ano ang kahalagahan ng Ma’am ang paaralan po ang


paaralan para sa mga batang katulad tumutulong upang matupad namin
ninyo? ang aming mga pangarap sa buhay.

Ma’am hindi po kami magkakaroon


Ano ang mangyayari sa inyo paglaki ng magandang trabaho.
ninyo kung hindi kayo mag-aaral sa
paaralan?

Mahusay!
4. Pagtuturo at Paglalarawan

Mayroon akong dalawang larawan.

Alin kaya sa dalawa ang taong nakapag-


aral? Ilarawan mo nga siya Ma’am ang taong nakapag-aral ay
nagkakamayroon ng maayos na
trabaho at magandang buhay.
Alin naman ang larawan ng taong hindi
nakapag-aral? Ilarawan mo siya.
Ma’am ang taong hindi nakapag-
aral ay madungis at hirap sa buhay.
Magaling!

5. Kasanayang Pagpapayaman

Ngayon naman ay may inihanda akong


mga larawan sa ilalim ng inyong mga
bangko at kung ikaw ay may makuhang
larawan, tukuyin mo kung ito ba ay
mangyayari sa iyo kung hindi ka
nakapag-aral o kung ikaw ay nakapag- Opo ma’am!
aral sa paaralan. Maliwanag ba?

Kapag ako ay Kapag ako ay


nag-aral hindi nag-aral

6. Kasanayang Pagkabisa

Ngayon mga bata ay susubukin ko


ang inyong natutunan, magkakaroon
tayo ng pangkatang gawain. Ngunit bago
tayo magsimula ano ang mga dapat
tandaan kapag gumagawa ng isang
pangkatang gawain? Ma’am makiisa po sa gawain
Ma’am huwag po masyadong
maingay.
Inaasahan kong makikita ang ko ang Ma’am sumunod sa mga panuto.
inyong mga binanggit habang
gumagawa ng pangkatang gawain.

Unang Grupo
“KULAYAN MO”
Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng maaaring mangyari kapag kayo
ay nakapag-aral sa paaralan. Bilugan naman ang larawan na nagpapakita ng
maaring mangyari kung hindi nakapag-aral.

Pangalawang Grupo
“PILIIN MO”
Lagyan ng tsek ang larawan na nagpapakita ng maaring magyari kapag kayo
ay nakapag-aral at ekis naman kung ang larawan ay nagpapakita ng
mangyayari kung hindi ka nakapag-aral.

Ikatatlong grupo
“BUUHIN MO AKO”
Buuhin ang puzzle pieces na nasa envelop. Idikit ito sa cartolina. Ilarawan ang
inyong nabuong puzzle
Tanong: Ito ba ay mangyayari kung ikaw ay nakapag-aral o mangyayari kung
hindi nakapag-aral?

Ikaapat na grupo
“IGUHIT NATIN”
Iguhit sa loob ng kahon ang iyong mararamdaman kapag kayo ay
nakapagtapos ng pag-aaral.

Ikalimang grupo
“MAG-USAP TAYO”
Gamit ang dayalogo, ipakita ang usapan ng mga taong nakapagtapos ng pag-
aaral
Guro: Kamusta na kayo?
Pulis: Mabuti naman po guro, heto isang magiting na pulis na
Doktor: Ako naman po ay isang magaling na doktor na
Bombero: Isa ako sa nagpapatay ng sunog ma’am
Mayor: Ako naman ang namamahala ngayon sa bayan, aking guro
Isa pang guro: Mabuti naman pala kayong lahat, natutuwa ako na naturuan ko
kayo dati.
Taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral: Mabuti pa kayo, ako ngayon ay
nagbabasura lamang at hirap na hirap sa buhay.

7. Paglalahat

Ano nga ang kahalagahan ng paaralan


para sa mga batang katulad ninyo? Ma’am mahalaga po ang paaralan
upang marating naming ang aming
mga mithiin at pangarap sa buhay.
Ano ang mangyayari kung ang isang
bata ay hindi nakapag-aral? Ma’am hindi po matutupad ang
aming mga pangarap na trabaho at
propesyon.
Magagaling! Ang paaralan ang tutulong
sa inyo upang matupad ang inyong mga
pangarap sa buhay. Dito tayo
nagsisimulang matututong bumasa,
sumulat at bumilang na siyang daan sa
ating pangarap.
8. Pagpapahalaga

Ngayon, mahalaga ba ang paaralan sa


batang tulad mo? Opo ma’am

Bakit ito mahalaga? Ma’am marami po tayong


natututunan at ito ang daan upang
matupad an gating mga pangarap
sa buhay.
9. PAGTATAYA

Iguhit ang kung ang pangungusap ay nagpapatunay na ang paaralan ay


malalaga at naman kung hindi.

__________1. Ang paaralan ang nagturo sakin bumasa at


sumulat at gumuhit.

__________2. Ang paaralan ang dahilan ng pagiging


mahirap ko paglaki ko.

__________3. Ang paaralan ang daan upang ako’y maging


isang mabuting pulis.
__________4. Ang paaralan ang aking magiging gabay upang ako ay maging
isang mahusay na guro sa hinaharap.

__________5. Ang paaralan ang magiging daan upang ako ay


maging isang magbabasura lamang.

10. TAKDANG ARALIN

Gumupit mula sa lumang libro, magasin at diyaryo o kumuha mula sa internet


ng larawan na nagpapakita ng iyong pangarap na propesyon paglaki mo.

Inihanda ni:

KRYSTAL C. MANZANO
Student Teacher
Grade I-Acacia
Iniwasto ni:

MARICEL B. VILLASOTO
Cooperating Teacher

Binigyang Pansin:

BERNADINE R. MASCARDO
Teacher III

Inaprubahan ni:

MARLON M. RAÑESES, Ph. D.


LWES Bldg. I
Principal III

You might also like