You are on page 1of 4

PANUKALANG PROYEKTO

HARANA KULASA

KATEGORYA NG PROYEKTO

Panglikom ng pondo, Pang-aliw

RASYONALE

Ang Musicians’ Circle ay isang organisasyon na binubuo ng estudyante ng Music

Strand na nais maipakita ang musika nilang isang paraan ng pagpapapahayag ng emosyon. Ang

malilikom na pondo ay para sa gaganaping outreach program ng aming organisasyon. Balak

naming magturo ng musika at magpakain ng mga bata sa napiling bahay ampunan.

Kinakailangan din naming ng pondo para sa transportasyon. Para makakuha ng pondo ay nais

gamitin ang aming talento sa pagtugtog ng instrumento sa pagbibigay saya sa may mga iniirog sa

darating na buwan ng pag-ibig.

DESKRIPSYON NG PROYEKTO

Ang proyektong ito ay magaganap sa buong buwan ng Pebrero taong 2020. Sa

proyektong ito ang mga miyembro ng Musicians’ Circle ay maghahandog ng musika sa mga

estudyante, guro at iba pang miyembro ng komunidad ng Sta. Eskolastika Maynila na nais

magpaharana ng kanilang kaibigan o ka-ibigan. Makikita ang booth ng Musicians’ Circle sa field

ng Sta. Eskolastika Maynila. Maaari silang pumunta dito para sabihin ang nais nilang kanta na

ipanghaharana at kung sino haharanahin. Mayroon ding miyembro ng Musicians’ Circle na

maglilibot para manghikayat ng mga tao na pumunta sa booth ng Harana Kulasa. Magpapaskil

din ng mga paskil sa palibot ng Sta. Eskolastika Maynila.


Ang proyekong ito ay gagamitin ang sumusunod na logo:

Ang magiging presyo ng bawat request ay:

Repertoire*

Package A (isang mang aawit at isang gitarista) Php 20


Package B (isang mang aawit, isang gitarista at Php 25

isang perkasyonista)
Package C (string quartet) Php 30
Package D (string quartet, perkasyonista) Php 35

Adisyunal:

Tsokolate Php 15
Bulaklak Php 30

*Ang mga kantang request na wala sa repertoire ng Musicians’ Circle ay kailangan magbayad

ng adisyunal 10 Php at mag-antay ng isang araw para maglahad ng oras na mapraktis ang kanta.
Ang proyektong ito ay gagawin ng mga miyembro ng Musician’s Circle, lalo na

sa mga gitara, piano, voice biyolin, biyola, cello, at double bass majors. Subalit, hindi lang sila

ang magtatrabaho, kung hindi ay ang buong Musician’s Circle. Ang ibang mga miyembro na

hindi tutugtog ng instrumento ay magtutulong sa pagmamahala ng reservation booth, paghawak

ng mga poster para makapagpalawak ng kaalaman tungkol sa proyekto, at pag-aayos ng capital

at ang perang lalabas sa proyekto na ito. Sila ay sasamahan at bibigyan gabay ng kanilang

supervisor na si Ginoong Kriss Eusebio. Upang maitupad ang proyektong ito, kakailangan nila

ang konsento ng principal ng Sta. Eskolasika Maynila na si Dr. Lim.

CONGENIENCY PLAN

MGA PROBLEMA POSIBLENG SOLUSYON


Nakakaabala sa mga guro na nagtuturo pa sa Sisiguraduhin na ang paghaharana ay malayo
oras ng pagtuturo sa mga silid-aralang na may nagaganap na
klase at sa oras lamang na walang klase ang
haharanahin
Maubusan ng tsokolate at bulaklak Maglalahad ng porsyento sa naipong pera ang
pabibili ng panibagong tsokolate at bulaklak
Gagamitin ng mga estudyante bilang pangbash Maglalagay kami ng disclaimer
o prank sa ibang tao
Masira ang mga idinikit na paksil sa Sta. Maglalahad ng porsyento sa naipong pera ang
Eskolastika pagpapaimprinta ng panibagong mga paksil
Hindi pwede sa oras na iyon ang miyembro na Ang bawat miyembro na manghaharana ay
manghaharana sa oras ng panghaharana magkakaroon ng pamalit na manghaharana
Naguluhan sa mga request at nagpatongpatong Maglalahad kami ng bilang na request na
ang mga request pwede tanggapin sa isang araw
Hindi nagawa ang nasabing request sa oras na Magtatala ng ibang oras/araw na gawin ang
itinakdang gawin request na may libreng bulaklak at tsokolate
BADYET

Produkto Presyo Bilang ng Produkto Total na Presyo

Bulaklak Php 75.00 5 bungkos ng Php 375.00

bulaklak
Tsokolate Php 130.00 5 pakete Php 650.00

Pagimprenta ng Poster Php 10.00 15 piraso Php150.00

Papel na pang print Php 1.00 15 piraso Php 15.00

TOTAL Php 1,190.00

PROPONENTS

Christine Marie O. Catelo Dr. Jonna Marie A Lim


Musicians’ Circle President High School Principal

Mr. Kriss V. Eusebio Ms. Tintin Javier


Musicians’ Circle Moderator Arts & Design Coordinator

You might also like