You are on page 1of 2

GALLETO, ANJANETTE

UROT, GRACE ANGELEE CARMEL M.

BANGUNGOT

Alam mo ba, na gabi-gabi akong binabangungot? naghihingalo ako sa walang humpay na

kakatakbo. Tumatakas ako sa mabangis na halimaw. Ang mukha niya ay naglalaway, na parang

gutom na aso, mga mata niya ay nanlilisik na wari ay naghahanap ng mabibiktima, at mga pangil

niya ay naglalabasan na handang-handang mangagat kahit anong Segundo. Ilang buhay na rin

ang aking nakita na sa kanyang kamay ay nawaglit. Wasak ang mga dibdib, mga puso ay

dinukot, at ngatngat ang mga leeg.

Unti-unti niyang inaamoy at dinidilaan ang mga parte ng katawan ng kanyang biktima,

nilalasap ang bawat kagat. At dahan-dahang nilulunok ang katas ng mga ito hanggang sa ito ay

matuyoan. Paulit-ulit niya itong ginagawa sa lahat ng kanyang biktima. Ngunit ako ay hanggang

tinggin lang sa sulok, nagtatago takot na maisunod na pagpiyestahan din ang katawan.

Sa tuwing kaharap ko siya ay wala akong nagagawa. Katawan ko ay hindi na makagalaw,

tuhod ko ay nangangatog dahil sa halong takot at pagkaawa. Mga kamay ko ay nanlalamig na

para bang yelo sa frigider. Isip ko ay balisa. Tanong ko nga sa sarili bakit wala akong nagawa,

bakit wala akong magawa. Para akong nanonood ng pelikula na may katabing holdaper alam mo

yon na kahit pagsigaw ng tulong ay hindi ko talaga magawa o yung feeling na pipi ka,na hindi

makapagsalita kahit takot na takot ka na. Mga balahibo ko ay nagsisitayuan kahit hindi naman

malamig.

Lagi kong binubulong sa sarili na sanay magising na sa sigalot na pinasukan. Bakit ako?

Bakit ako binabangungot? Bakit sa lahat ng aking panaginip ay wala akong nagawa? wala akong
silbi! Bakit ba hindi matapos-tapos ang paghahabulan na ito. Bakit ba paulit-ulit? Mga pawis ko

ay nag uunahan sa pagdaloy. Kahit pikit kong mga mata ay may umaagos na tubig. Puso ko ay

kumukurot sa mga kilabot na aking nasaksihan na para bang tunay na nangyari sa buhay. Sa

tuwing may nabibiktima siya, bungisngis niya ay hindi mawari na para ba siyang nakapunta na

ng langit ang demonyo! Gusto ko siyang murahin. Gusto ko siyang saksak-saksakin. Gusto kong

ipaghigante lahat ng kanyang na biktima. Pero wala, wala akong nagawa.

Para kaming nagtatagu-taguan sa ilalim ng buwan na hindi malamanlaman kong sino na

naman ang magiging taya. Mga boses ay naririnig kahit saang sulok sa madilim naming

kinalalagyan. Hindi ko mawariwari ang lugar kung saan kami naghahabulan. Saan nga ba? Sa

susunod na hahabulin niya ako ay magiging handa na ako. Hindi na ako magiging pipi.

Alam mo sa susunod mananaginip ako ulit ako ng ganoon, dadalhin ko na ang

pinakamatalas kong sandata. Hindi na ako matatakot. Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay

biglang pumihit ang bintana at pumasok ang ilaw sa loob ng silid at bigla itong naghulma ng

isang anino ng isang halimaw at napagtanto kong ako lang pala mag isa sa kwarto.

You might also like