You are on page 1of 4

Barbosa, Elzie T.

ARC-2204

RA 9003: Batas Na Dapat Pang Paghandaan

Sa paglipas ng panahon ay naging isa sa pinakamalaking problemang kinakaharap hindi


lamang ng ating bansa kundi sa buong mundo ang pagkalat ng mga basura. Malaki ang naging
epekto nito sa pamumuhay ng mga tao sapagkat ito ay maituturing na isa sa mga dahilan sa
pagkakaroon ng polusyon sa lupa, tubig o sa hangin man. Kasabay ng pag-unlad ng ating bansa
ang syang pagdami ng mga basurang naitatapon sa kung saan-saan kaya ganun na lamang ang
epektong dulot nito sa kapaligiran maging sa ating kalusugan. Sa likod ng suliraning ito ay ganun
na lamang ang naging pangamba kaya isinulong ang Republic Act No. 9003 (RA 9003), o mas
kilala sa tawag na Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na nilagdaan ng dating
pangulo ng bansa na si Gloria Macapagal Arroyo. Bagamat maganda ang hangarin ay
maituturing kong hindi naging epektibo ang pagsusulong ng batas na ito.

Ang RA 9003 ay ang pambansang batas na karaniwang pinagbabasehan ng mga


barangay at iba pang lugar sa pagbabalangkas ng mga ordinansa at patakaran na may
kinalaman sa makakalikasan at praktikal na pamamahala ng basura. Ang konsepto at
panuntunan ng RA 9003 ay naayon sa sistema ng paghihiwalay, pagbubuklod, pagbabalik-
gamit, at pagresiklo ng basura. Ang tagumpay ng EWM (ecological waste management) ay
nakasalalay sa barangay at sambahayan at ang tunay na dapat mamuno sa pagtataguyod at
pagpapatupad ng sistemang EWM ay ang mga kapitan ng barangay kaya ganun na lamang ang
naging pangamba ng LGU sa tungkulin na naiatang sa kanila. Naging imposible at hindi
makatotohanan para sa kanila ang pagpapatupad nito sapagkat karamihan ay walang sapat na
pondo na siyang gagamitin nila sa mga proyekto na may kinalaman sa basura, tulad na lamang
ng basurahan at garbage truck, kabilang na rin dito ang mga taong mangunguna sa
pangongolekta ng basura. Isa rin sa mga problemang mahirap solusyonan ay ang mga taong
hindi sumusunod sa mga patakaran o mga taong walang disiplina. Malaking problema ito
sapagkat maaaring mauwi rin sa wala ang mga pinaghirapan ng mga namamahala kung patuloy
na lalabag ang mga tao sa mga patakaran. Kung patuloy ang pag suway ng mga mamamayan ay
maaari ring mag dulot ito ng mga mas malalang problema tulag na lamang ng pag apaw ng mga
tubig sa kanal at ilog na magdudulot ng pagbaha. Dahil doon ay mas madadagdagan pa ang mga
suliranin ng mga namamahala. Nguit kung ang bawat isa sa atin ay may susunod sa mga
patakaran, malaking tulong ito sa mga namamahala sa atin dahil hindi na tayo makakadagdag
pa sa kanilang mga pinuproblema. Marami tayong mai-aambag sa pagpapanatili ng kalinisan
tulad na lamang ng pag sama sa mga clean-up drive sa ating mga komunidad at maging isang
tagapag tanggol ng kalikasan.

Ayon sa Seksyon 49 ng batas, ang sinumang mapatunayang lumabag sa RA 9003 ay


maaaring pagmultahin nang hindi bababa sa Php 300.00 o isang araw na serbisyo sa komunidad
at hindi hihigit sa Php 1,000,000.00 o isang taong pagkabilanggo, ayon sa tindi ng paglabag.
Ayon naman sa Seksyon 52, ang sinumang Pilipino ay maaaring magsampa ng kaukulang
demanda ng walang bayad laban sa sinumang lumabag sa RA 9003. Samakatuwid, ang
sinomang magtapon ng basura sa kalye o sa anumang lugar na hindi pinahihintulutan ang
pagtatapon at magsunog ng kahit anong bagay, lalo na ang plastic, ay maaaring sampahan ng
demanda ng kahit sinong makakita sa kaniya. Ngunit kung ito ay naging epektibo, bakit marami
paring sumasaway ditto? Marami parin sa kasalukuyan ang nagtatapon ng kanilang mga basura
kung saan saan. Walang nagdedemanda o nagrereklamo kapag may nahuli sila sa aktong
pagtatapon ng basura dito. Marahil isa rin sila sa gumagawa nito, takot magsumbong dahil sa
kapahamakang maaaring mangyari sa kanila o kaya naman ay wala talaga silang pakialam sa
mga nangyayari.

Ang pambansang batas na ito ay naaprubahan noong taong 2000 pa lamang ngunit bakit
hanggang ngayon ay isa pa rin ang basura sa malaking problemang kinakaharap natin? Isa ito sa
mga dahilan sa mga sakunang nararanasan natin gaya ng pagbaha at pagkalason ng lupa at
dagat na nakakaapekto sa ating kalusugan. Ayon sa pahayag ni  Bening Batuigas sa Pilipino Star
Ngayon  noong Agosto 10, 2019 , “Tuwing tag-ulan, o kung may bagyo o habagat, ang
pangunahing problema sa Metro Manila ay baha. Dahilan nito ay basura na nakabara sa mga
imburnal at maging sa mga ilog. Kitang-kita ito sa kahabaan ng Manila Bay partikular na riyan sa
baywalk. Pruweba ito ng kapabayaan ng ating mga kababayan. Tama ang kasabihan na kung
ano ang itinapon, babalik din sa’yo. Ang masaklap nito sobra-sobra pa ang ibinabalik na
perwisyo dahil pagbumaha ay paralisado na ang mga kalye at pagkaanod ng ilang kabahayan na
malapit sa mga ilog. Sa oras ng baha tiyak na hindi makakapasok sa mga trabaho at maging ang
mga estudyante ay mawawalan ng pasok. Kaya bukod sa pagkagutom, nagiging mahina sa
kaalaman ang ating mga anak dahil kulang sa oras ang kanilang pag-aaral.’’

Ang mga dayuhang bansa ay ginawa ring tapunan ng sarili nilang basura ang Pilipinas.
Ayon naman sa pahayag ni Bong s. Sarmiento noong Enero 3, 2019, mahigit 5,000 tonelada ng
mapanganib na basura mula South Korea ang kamakailan-lamang ay natuklasan sa Pilipinas, na
nagtatala sa pinakabagong kaso ng dayuhang pagtatapon upang pukawin ang kasamaan sa mga
opisyal ng Pilipinas at mga grupo ng environmentalist habang ang isla ng bansa ay nahihirapan
solusyonan ang sarili nitong malalaking problema sa basura.

Ang nakakalason na pagtuklas, na ginawa sa tahanan ng Pangulong Rodrigo Duterte ng


Mindanao, ay kumakatawan bilang pangatlong beses na sa mga nakaraang taon na ang Pilipinas
ay inihayag bilang isang tapunan ng mapanganib na basura ng mga dayuhang bansa. Ang South
Korea, isa sa pinakamalakas na kaalyado at pinakamataas na namumuhunan sa Maynila, ay
naging salarin sa ikalawang pagkakataon.

Ang makalalasong basura ng South Korea ay ipinagkatiwala sa Verde Soko Philippines


Industrial Corp, isang kumpanya na tinutukoy sa plastic recycling. Ipinahayag ng kompanya na
ang kargamento, na ginawa noong Hulyo, ay isang “plastic synthetic wastes”, ngunit natagpuan
ng mga opisyal ng customs ang iba pang uri ng basura, kabilang ang basura mula sa ospital at
mga adult diaper.

Ang kumpanya ay hindi pa nagsisimulang mag-recycle ng operasyon dahil sa


kontrobersiya ngunit inaangkin na ang natuklasang mapanganib na basura ay “raw na
materyales” para sa pagproseso sa mga plastic na pellets at briquettes na maaaring maipadala
pabalik sa South Korea o China upang makagawa ng mga plastic na upuan at mga lamesa.

Pinaninindigan ng Verde Soko na ang lahat ng mga kinakailangan ng pamahalaan upang


mag-set up ng isang recycling plant sa isang economic zone sa lalawigan ng Misamis Oriental ng
Mindanao ay legal. Hindi ito ang unang pagkakataon na ang Pilipinas ay pinagtapunan ng mga
umaangat na bansa. Sa loob ng limang taon na nakalilipas, ang Canada ay nagtapon ng mahigit
sa 100 container vans na puno ng mga plastic bottles, plastic bags, basura ng bahay, mga
ginamit na adult diapers, sanitary napkin at mga basura ng ospital sa Maynila. Ang mga basura
ay naturingan bilang “mapanganib” sa ilalim ng Republic Act 6969, o ang mga nakakalason na
Substances at Mapanganib at Nuklear Waste at Control Act of 1990.

Sa halos dalwampung taon na nakalipas ay wala parin halos pagbabago na nakikita sa


suliraning ito kaya masasabi ko na mas paghigpitin at gawing makakatotohanan ang
pagpapatupad ng mga batas na kagaya nito. Marapat na isaalang alang din nila ang kakayahan
ng mga tao upang makasunod sa ganitong panuntunan o kaya ay iangkop lamang sa kakayahan
ng isang lugar o pamayanan ang pagpapatupad ng ganitong batas. Maganda man ang hanagarin
ngunit dapat lahat tayo ay makiisa ng sa gayon ay maging possible ang pangarap na inaasam
asam sa ating bansa.

You might also like