You are on page 1of 1

Isa sa mga napapanahong isyu hindi lamang sa ating bansa kundi sa ibat ibang panig ng mundo

ang paglaganap ng isang sakit na nakukuha sa kung tawagin ay novel coronavirus o mas kilala sa
tawag na COVID 19. Ito ay nagmula sa Wuhan, China noong Disyembre 2019 at sa kasalukuyan
ay mayroon na itong kumpirmadong kaso mula sa ibat ibang bansa. Ang sakit na ito ay
nakukuha kapag nagkaroon ng direktang ugnayan mula sa mga taong infected kapag sila ay
umubo o bumahing. Ang pagkakaroon ng lagnat, ubo at kapos sa paghinga ay ang mga sintomas
nito. Sa katunayan maging sa ating bansa ay mayroon na ding kaso ng COVID 19 kung kayat
naging abala ang mga opisyal upang maprotektahan ang publiko. Nagkalat ang ibat ibang
opisyal upang magmonitor sa ibat ibang lugar ng sa gayon ay maiwasan ang lubhang pagkalat
nito. Sa kasalukuyan umakyat na sa 380 ang kumpirmadong nagpositibo sa kasong ito
samantalang 17 naman ang nakarecover at 25 na ang mga nasawi. Sa mabilis nitong paglaganap
ay naging mas mahigpit ang kalakaran sa ibat ibang lugar. Ipinatupad ang Enhanced Community
Quarantine o ECQ at ang 1 meter social distancing lalo na sa mga lugar na may matataas na
populasyon. Ngunit sa pagkakaroon ng lockdown sa ibat ibang lugar ay lubhang napakarami ng
naapektuhan lalo na at hindi sila nakapaghanda sa sitwasyon na ito. Madami ang dumadaing at
umaalma na baka hindi sila sa virus mamatay kundi sa gutom. Patuloy namang gumagawa at
naghahanap ng paraan ang mga opisyal ng gobyerno upang unti-unting matugunan ang
hinanaing ng sambayanan. Mapalad na lamang at sa likod ng kakulangan ng mga kagamitan
katulad ng facemask ay may mga mabubuting loob na ipinagpapatuloy ang produksyon nito at
ginawang prayoridad ang mga frontliners na itinunuring nga nating mga modern heroes
sapagkat sa likod ng pandemya na ito ay pinipili parin nilang pagsilbihan ang sambayanan kaysa
talikuran ang kanilang tungkulin para sa sariling kaligtasan. Sa kasalukuyan ay naitala na
mayroon ng 300,097 na kaso ng coronavirus sa ibat ibang parte ng mundo kung saan 12, 895 na
ang nasawi sa 169 bansa na may kaso nito. Sa ngayon ay patuloy paring naghihigpit ang mga
opisyal upang agarang masugpo at ng hindi na lumala ang sitwasyon at minabuting mamalagi
na muna sa mga bahay bahay ang bawat tao. Sa likod ng ito ay makakamtan parin natin ang
isang bansang COVID 19 free kung tayong lahat ay makikiisa sa mga panukala at magdarasal na
sana ay maging maayos na ang lahat.

You might also like