You are on page 1of 3

Punzalan, Elijah Miguel S.

3CA1

“GUMISING KA NA, PAO”

Madalas ay tinatago ko lamang ang aking kapangyarihan sa mundo. Sa umaga, ako ay


isang huwarang magaaral na nakakakuha ng matataas na grado sa aking mga asignatura. Ngunit
ang hindi nila alam ay sa gabi, ako ay nakikipaglaban sa aking mga kalaban na iba’t iba ang hugis
at laki. Gusto ko sanang sabihin ang aking sikreto sa lahat, sa aking pamilya, lalong lalo na sa
aking kambal na kapatid, pero alam kong wala sa kanila ang makakaintindi sa aking sitwasyon.

Akala ko ay nasa dugo ito ng aming pamilya, pero nung lumalaki kami ng kapatid ko,
hindi naman siya nagpapakita ng mga kakayahan tulad ng akin. Kaya kong patigilin ang oras at
gumalaw ng Malaya rito. Ang kapatid ko ay walang ganitong abilidad o wala siyang pakialam
dito. Naipamalas ko lamang ito noong ako ay tatlong taong gulang, noong pababa ako sa
padulasan. Umakyat ako doon bilang isang ordinaryong batang lalaki at umalis bilang isang
bagong tao na may bagong buhay na haharapin. Nalaman ko lamang ito dahil sa pag abot ko sa
ibaba, naririnig ko ang mga sigaw ng mga bata na sinasabi ang pangalan ko habang ako ay
lumulutang galing lupa pataas. Ang aking tsinelas lamang sa baba ang naging isang ebidensya na
ako ay kahit kalian ma’y nagsimula sa lupa.

Hindi ko maalala kung kalian ko ginustong magkaroon ng aking kakayahan. Pinagdadasal


ko tuwing gabi at araw na nananalig na ang Panginoon ay nakikinig at buong pusong ibibigay
ang hiling ng isang batang lalaki, na kanya naming binigay sa akin. Napapaisip ako kung ano ang
iniisip ng Panginoon para dito, bakit niya ako pinili para sa ganitong buhay at tulungan na
puksain ang kasamaan sa mundo, ngunit ayaw ko naming tanungin ito sa kanya. Noong minsan
na ginawa ko ito, tumigil ang aking mga kakayahan na parang nasaktan ko ang Panginoon sa
aking pagtatanong. Pagkatapos nito, ako ay namuhay na muli ng wala ng tanong sa mga
kakayahan na Kaniyang binigay sakin at nangako na gagawin ko ang lahat sa abot ng aking
makakaya.

Lumalaban ako sa bagong halimaw kada gabi. Ang iba ay gumagapang pa mula sa mga
kanal, at ang iba naman ay nang gagaling sa ilalim ng aking kama. Mayroon na galing sa
kalawakan, at mayroon din na lumalabas sa kabinet ng aking kuwarto. Kahit kalian man ay hindi
ako nakaranas ng kurbata nan aka sabit sa likod ng akin pintuan ay magkakaroon ng anyo, at
kinailangan kong isalba ang aking kapatid na mahimbing na mahimbing ang tulog.

Gumagamit ako ng sandata na pwede kong ipanglaban sa mga ito, isa na rito ang
beysbol bat na nakatago sa ilalim ng aking kama o ang kapangyarihan ko upang makapagpatigil
ng oras para magbigyan pa ko ng sapat na panahon para makapag ayos ng isang patibong para
sa halimaw.

Ako ay may labinglimang taon upang labanan ang masasamang elementong ito na para
sa akin ay sapat na panahon upang ako ay makapagensayo ng maayos.
Isang gabi, nakarinig ako ng lalaking boses sa loob ng aking ulo na nagsasabing andoon
siya kasama ako. Lumingon ako sa aking paligid at Nakita ang isang malaking anino sa sulok ng
aking kuwarto. Nang tignan ko ito ng mas maayos, napansin ko na parang kamukhang-kamukha
ako nito, pero kabaliktaran. Ang kaniyang pananamit ay hindi kasing ganda ng kulay pula na
tulad na ng akin kung hindi medyo may pagkakulay kahel.

“Paano ka nakapasok sa aking isip?,” tanong ko sa kaniya.

Sabi niya habang nakangiti na para bang pamilyar ang boses na aking narinig, “Lagi
naman akong andiyan sa loob.”

Napaisip ako sa sinabi niya at noong nagkaroon na ko ng hinala, tinanong ko siya, “Ikaw
ba si Peter?” Yan ang pangalan ng aking kakambal. Naisip ko ito dahil may sabi-sabi na ang
kakamabal mo lamang ang pwedeng kumausap sayo gamit ang pagiisip. Tinignan niya lamang
ako at binigyan na para bang nakangisi na ngiti sa gilid ng kaniyang bibig. At doon, para akong
nabigyan na ng sagot kahit siya ay hindi umimik.

Ngayon, ako ay labingwalong taon na. Hindi ako masyadong kilala sa paaralan namin,
ngunit kami ni Peter ay may grupo ng magkakaibigan at mga kakilala. Pumupunta kami sa mga
handaan at may mga magagandang kasintahan. Wala na kaming ninanais pa sa kung anong
mayroon sa buhay naming ngayon pero para sakin, magiging mas maayos siguro kung sabihin
ko na sa kanila ang aking kapangyarihan at bigyan ng parangal sa mga nagawa ko na para sa
bayan. Mas pinili ko na lamang na hindi ito sabihin muli dahil alam ko na ang pag giging kilala sa
lipunan ay may karagdagang din kapahamakan para sa akin dahil lahat ay kilala na ako, kasama
rito ang mga taong may masasamang loob.

Gising ako nung kinagabihan at tignignan ko si Peter na tulog na tulog sa kaniyang kama.
Gusto ko siyang tanungin sa nangyari nung isang gabi.

“Ikaw ba yon, Peter?” sabi ko sa kanya. Hindi niya ko pinansin at binigyan lamang ako ng
hibik. Sinubukan ko muli magtanong, “Ikaw ba yung nasa kuwarto ko nung isang gabi?”.
Gumising siya at tumugon sa akin, “Matulog ka na, Pao.” Ramdam ko sa boses niya na irita siya
sa aking pagising sa kanya dahil sa aking mga tanong. Pero kailangan ko talagang malaman kung
siya ba talaga yon kaya’t tinanong ko siya ulit, “Peter, kailang kong malaman.” Hindi na niya ko
sinagot. Bumangon ako at binuksan ko ang kabinet sa kanyang kuwarto upang maghanap ng
mga ebindensya na siya talaga yung nakita ko nung isang gabi pero wala akong nakita.

“Gumising ka na, Pao.” Sabi sakin ni Peter. Nagulat ako at tinanong siya, “HA? Anong
sabi mo?” na may tonong nalilito sa nangyayari. “Ang sabi ko, matulog ka na, Pao!” sinabi niya
ng may diin sa akin. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko nang magising hangga’t sa nagising
na ako ng tuluyan.
Pag mulat ko ng mata ko, naririnig ko ang aking ina sa tabi ko. Si Peter naman ay nasa
kabilang dulo ng aking kama hawak ang aking kamay. Ang tangina bagay lamang na nakikita ng
aking mga mata na nabibigyan ng pokus ay ang drawing sa tabi ng aking kama. May nakasulat
dito na, “Peter and Pao, and magkapatid na superhero” na may dalawang lalaki na magkahawak
kamay sa gitna. Ito ay ginamitan ng krayola na ang soot kong kasuutan ay kulay pula at kahel
naman ang kay Peter.

Ang aking tatlong taong gulang na kambal ay kinausap ako. “Ginawa ko yan para sayo,
Pao. Dahil alam kong gusto mong maging isang superhero pag laki mo!” Naguguluhan pa rin ako
sa kung anong mayroon sakin. Kinausap ako ng nanay ko at sabi niya, “Pao, alam mo ba kung
nasaan ka?” Tumingin ako sa kaing paligid. Tahimik at ang naririnig ko lamang ay ang tibok ng
akin puso at ang tunog galing sa makina para sa puso.

“Nakatulog ka lang ng mahimbing, anak. Nahulog ka sa padulasan at natamaan ang ulo


mo ng malala kaya ikaw ay nakatulog.” sabi sakin ng nanay ko habang nakangiti at may luha sa
kaniyang mga mata. Habang nakahiga ako sa aking kama, hinawakan ko ang kasuutan kong
pang ospital at tinignan ang guhit ng aking kambal ng may ngiti sa aking mga labi.

You might also like