You are on page 1of 2

Fairey D.

Porciuncula November 21, 2018


12-St. Chelidonia Ms. Rish Cuario
HUMSS

Reflection paper: It’s the (Non-) System, Stupid! : Explaining ‘Mal-development’ of Parties in
the Philippines

Kung tutuusin, ano nga ba talaga ang tunay na layunin ng partidong pampulitika? Mula
sa isang pagsusuri, ang partidong pampulitika ay tinutukoy na isang kabuuan na siyang
isinasakatuparan ang mga mahahalagang tungkulin sa pagpili ng kandidato, leadership
formation, interest aggregation at agenda development. Ang partidong pampulitika rin ang
nagsisilbing instrumento para sa mabuting pamamahala o good governance sapagkat ito ay
tumutulong na lumutas ng mga suliranin lalong lalo na sa aspetong panlipunan. Kung isasaalang-
alang ang mga ito, masasabi na malaki talaga ang naitutulong at maaring maitulong ng partidong
pampulitika sa isang grupo ng tao, o distrito maging sa iisang bansa. Gayunpaman, kung
tititgnan ang realidad, nagagampanan at naisasagawa nga ba talaga ng mga partidong
pampulitika ang kanilang mga tungkulin?

Ang partidong pampulitika ay may iba’t ibang prinsipyo o alituntunin na kanilang


itinataguyod, ito rin ang dahilan kung bakit nabubuo ang isang partido sapagkat ang bawat
indibidwal na ito ay nagkusang-loob na lumahok dahil sa iisa nilang adhikain. Subalit, bakit
parang ang paglahok sa partidong pampulitika ay para na lamang sa personal nilang interest o
para na lamang sa sarili nilang benipisyo? Bakit imbis na ito ang daan upang
maimpluwensiyahan ang iba tungo sa mas mabuting pamamahala, ito pa ang nagiging dahilan
kung bakit nadadagdagan ang mga katiwalian na nagaganap sa gobyernong humahawak sa
sambayanan? Sa Pilipinas, malinaw na nakikita na ang paglahok ng ibang mga indibidwal ay
hindi dahil sa prinsipyo na pinaglalaban nito ngunit para lamang sa personal nilang interest na
makilala ng tao. Makikita din na ang ilan miyembro ay hindi nagpapakita ng katapatan na dapat
ipinaglilingkod sa isang partido sapagkat kapag hindi na sila nakikinabang sa partidong kanilang
kinabibilangan sila ay lumilipat na lamang sa iba na sa tingin nila ay mas makabubuti sa imahe
na kanilang pinanghahawakan.

Mapapansin rin na ang pakikisapi sa isang partidong pampulitka ay ginagamit upang


malamangan ang ibang katapat sa eleksyon. Ang pakikianib sa isang partido na puno ng kilalang
mga politiko o naman kaya matutunog na pangalan sa sambayanan ang masasabing mayroong
mas malaking pagkakataon na Manalo o maupo muli sa gobyerno. Mula rito, muling umiikot ang
katanungan sa isip kung ang mga tao ba sa ating gobyerno ay nariyan para sa bayan o sadyang
nagpapakitang tao lamang para sa sariling kasiyahan at kapakinabangan.

You might also like