You are on page 1of 8

CREATIVE WRITING

Six word stories

To my love
-smiles are fading but please…. stay.
Good or Bad?
-I smoke, I drink, I pray
Isang kasinungalingan
-hindi ako masaya, ngunit nakangiti ako
Personal Essay-Writing chuchu

Isa siguro sa mga pinakamasayang sandali sa buhay ko noon ay yung panahong tinuruan ako
magsulat. Papel at lapis, ang isa sa mga talaga namang kinahiligan ko noon, sulat dito, sulat doon
hangga’t sa mapagod ang aking mga kamay. Syempre lahat ng ito nagsimula sa pagsusulat ko ng aking
pangalan hangga’t sa tinuro na sa akin ang iba’t iba pang alpabeto. Halos wala ata akong kapaguran noon
sa pagpapakita sa lahat na marunong na akong magsulat. Sa pagtungtong ko naman sa eskwelahan ay mas
lalong humusay ang kakayahan ko na magsulat, simula sa paisa-isang alpabeto ay natuto na ako na
magsulat ng iba’t ibang mga salita. Habang tumatagal, mas natutunan at nakikita ko ang kagandahahan ng
pagsasaayos ng mga salitang aking sinusulat. Habang tumatagal mas nagiging makabuluhan ang
pagsusulat para sa akin. Nakita ko ang katothanan na ang mga salita ay talaga nga namang
makapangyarihan. Ang pagsusulat ay walang hangganan. Simula sa pagsusulat ng aking pangalanan,
maari rin isulat ang lahat ng aking nasa isipan at aking nasa kalooban. Nakatulong sa akin ang pagsusulat
na maipakita at maiparinig sa iba ang aking mga ideya maging ang aking kakayahan na maipadama ang
aking nararamdaman ukol sa mga bagay bagay sa ating kamunduhan. Bilang isa manunulat ngayon,
masasabi ko na umunlad talaga ang aking kakayahan sa pagsusulat sapagkat hindi ako tumitigil sa
paglilinang ng kakayahan na ito, at talaga namang bukas lamang ako upang mas matuto pa. Masasabi ko
na sa ngayon ay hindi pa rin akong ganoong kagaling sa pagoorganisa ng mga salita, ngunit sa bawat
piyesa na aking sinusulat, sinisigurado ko na ang lahat ng ito ay may kabuluhan. Higit pa rito, ninanais ko
na sa lahat ng aking sinulat at isusulat, ay makita ng tao ang aking nais iparating at makapulutan nila ito
ng aral na hinding hindi nila malilimutan. Ang pagsusulat na nagsimula lamang sa aking pangalan, at
pagsasanay sa iba’t ibang alpabeto, ay isa ng pagsusulat na instrumento at daan sa pagtulong sa sarili ko
maging sa ibang tao.
Personal essay-childhood chuchu
Noong ako ay Grade 7, naging bago ang lahat para sa akin. Kalilipat ko lamang nito sa St. Scho
kung kaya’t ang lahat ay nakakapanibago simula sa uniform, sa kapaligaran at lalong lalo na sa mga tao
na nag-aaral rin dito. Ngunit, agad naman akong nakapag-adjust sapagkat mayroong akong mga kamag-
aral na ginusto ako kaibiganin, lahat nga sila ay dati ng mga mag-aaral dito. Palibhasa, nasa grupo ako ng
mga kilalang tao, kung kaya naman mas naging palagay ang aking loob sa paggalaw ko sa aming
paaralan. Hindi ko itatanggi na may halong kayabangan ang aking pagkatao nun sapagkat nakilala agad
ako sa aming paaralan. Hindi naman masama ang aking imahe bilang estudyante at kaklase, sapagkat isa
nga akong tao na sobrang masiyahin tipong mabubuo ang araw mo dahil sa mga biro at nakatutuwa ko na
pagkatao. Isa pa sa mga kinamamanghaan sa akin noon ay ang malakas kong pagkatao (strong
personality) kung saan wala akong takot sabihin ang saloobin ko at ang kakayahan ko na humarap sa mga
kahihinatnan ng mga ginagawa ko. Ngunit wala sa aking isipan noon na ito pala ang magiging rason ng
pagtalikod sa akin ng mga malapit ko na kaibigan. Sila ay biglang lumayo lahat sa akin dahil masyado
daw akong kampante sa sarili ko at sa mga sinasabi ko. Pakiramdam ko daw ay tama lahat ng sinasabi ko
kung saan nalilimutan ko ng isaalang-alang ang damdamin at opinyon ng ibang tao. Ang masakit lamang
ditto ay nauna nila akong layuan kaysa sabihin sa akin ang dahilan na ganun nga. Masakit lamang para sa
akin na sa lahat ng oras na iyon ay ganoon pala ang tingin nila sa akin. Sa panahong ito, masasabi ko na
marami ang nagbago sa akin. Simula noong pangyayari na iyon ay natutunan ko na maging sensitibo sa
ibang tao lalong lalo na sa kung anng nararadaman nila sa tuwing ako’y mga biro o mga sinasabi. Natuto
na ako making sa kanilang mga saloobin at opinyon ukol sa mga bagay bagay bago ako magdesisyon sa
isang gawain. Higit pa rito, natuto rin ako magpatawad sa mga tao na nakasakit sa akin. Kahit ano pala
ang mangyari, kahit na nalungkot ako ng sobra, nagalit at nasaktan; mas nakakagaan pa rin sa loob kung
marunong umintindi at magpatawad. Natutunan ko rin na magtiwala sa kung ano ang binibigay sa akin ng
ikot ng tadhana sapagkat sa huli alam ko na mayroon akong matutunan rito na makapagbabago sa kung
sino at ano ako. Nandito ako ngayon, masayihan pa rin tulad ng dati, malakas pa rin ang loob ngunit mas
mabuti na ang pakikitungo sa ibang tao at sa kanilang mga opinyon dahil sa mga nangyari noon sa akin.
Tanggapin natin na ang lahat ay dapat lamang maging bukas sa pagbabago sapagkat ito ang mas
makabubuti sa kung sino at ano tayo sa mundong ito.
POEMS

“SILAKBO”

Sabi nila ikaw na lang ang maaring kapitan,


Naniwala ako kung kaya’t ito ako ngayon nasa harapan mo.
Sabi nila ikaw ang tutupad sa kahilingan,
Naniwala ako kung kaya’t ito ako ngayon nasa harapan mo.

Subalit bakit wala kang imik?


Ni isang salita, walang nalabas sa iyong bibig.
Pwede ba? Sumagot ka naman.
Ikaw na lang kasi ang tutulong sa akin, diba?

Ano? Naririnig mo ba ako?


Nakikinig ka pa ba?
Sige na naman oh, parang awa mo na
ngayon na lang ulit, pagbigyan mo na ako.

Sabi nila ikaw na lang ang maaring kapitan,


Totoo nga, salamat at nariyan ka pa rin
Sabi nila ikaw ang tutupad sa kahilingan,
Totoo nga, salamat sapagkat hindi mo ako tinalikuran.

Sa aking pag talikod, ika’y nanatili


Sa aking pagkalimot, ika’y umintindi
Sa aking pagbabalik, ika’y nakangiti
Salamat, Panginoon pagkat sa’king mga nagawa
Ako’y tinaggap at minamahal mo pa rin.
SALIMISIM

Marinig ko lamang ang tinig mo


Kabog ng aking dibdib ay tila hindi na wasto
Marinig ko lamang ang mga yabag ng paglapit mo
Pintig ng aking puso ay tila hindi na mahinto hinto

Sa tuwing ika’y aking katabi at kasama


Sarili’y di mapakali, di alam kung anong nadarama
Ang init ng ‘yong yakap, kaginhawaan ang dala dala
Ang paglapat ng ‘yong halik saki’y mananatili’t maaalala

Kahit inaantok na’y mananatiling gising


Makausap ka lamang magdamag, gabi’y puno ng lambing
Kahit ano ay gagawin upang ika’y pasiyahin
Oh aking mahal, pangako sayo’y tutuparin

Subalit sa paglipas ng araw, buwan at taon


Aking napagtanto na ‘di maligaya sa lahat ng panahon
Galak at ngiti’y unti unti ng naglalaho
Ikaw at ako ay unti unti na rin na naglalayo
lumbay;

Pagkatao’y linalamon ng kalungkutan


Sarili’y hinihila ng kadiliman
Walang kasama na sino man
Pagpatak ng luha’y unti unting nararamdaman

Mag-isa at tulala sa isang sulok


Isipan na kay gulo, hindi alam saan itututok
Tila libo-libong oras na ang lumipas
Pero lungkot sa aking mukha’y ayaw kumupas
FLASH FIC

NANG AKO’Y GUMISING


Nagising na lamang ako mula sa isang malakas na ingay na nagmumula sa ibaba ng aking
kuwarto. Hindi ko alam kung ano ito ngunit dali dali akong tumakbo sa baba upang tignan kung
ano at saan nanggaling ang malakas na ingay na iyon. Nagulat na lamang ako sa aking nakita…..
ang aking ama ay nasa sahig, nakahilata. Hindi ko alam ang aking gagawin, natulala ako. Hindi
ko magalaw ang aking mga kamay. Hindi ako makalapit dito. Tulong…. Tulungan niyo ako...
Yan lamang ang nasa isipan ko ngunit pagkalipas pa ng ilang segundo at tsaka pa lang ako
natauhan. Tumakbo agad ako ng pagkabilis bilis palapit sa katawan ng tatay ko na walang malay.
Punong puno ang sahig ng dugo, dumadaloy ito mula sa kanyang ulo, sa kanyang katawan, at sa
lapag ng aming bahay. Sigaw ako ng sigaw, puno ang paligid ng aking boses kasisigaw ng
“Tulong! Tulungan niyo ako parang awa niyo na!! Ang tatay ko… Tulong..”. Nang madala ang
aking tatay sa ospital, doon sinabi na dead on arrival ang pasyente. Halos gumuho ang mundo ko
nun, hindi ko alam kungpanong tutugunan ko ang sitwasyon. Sunod-sunod pumatak ang aking
mga luha mula sa aking mga mata, napayakap na lamg ako sa aking ama na walang malay at
wala ng buhay. Bumalik lahat ang lahat ng aming mga pinagsamaham mula noong bata pa akon.
Naalala ko ang lahat ng ginawa niya para sa akin. Kung paano siya naging mabuting ama at
mabuting kaibigan sa akin. Ang ingay na aking narinig kanina ang dahilan ng pagkamatay ng
pinakamahalagang tao sa akin. Ang ingay na narinig ko kanina ay ang dahilan ng pagkawala ng
aking ama. Ang ingay na narinig… ang ingay na narinig ko kanina ay putok ng baril… baril ng
mga walang awang pulis na nagsasabing criminal ang aking ama. Kasabay ng pagiyak ng aking
puso ay ang pagiyak ko ng hustisya para sa tatay ko.
Sa Isang Iglap
Noong oras na tinalikuran at sa araw na iniwan mo ako. Nagbago ang lahat. Tangina. Ilang araw, ilang
linggo at ilang buwan ako hindi magkaundagaga makalimutan ka lang. Halos mabaliw na ata ako kasi
kahit anong gawin ko hindi pa rin kita malimut limutan. Naginom na ako gabi gabi, nagpakalasing
makalimutan ka lang, pero... puta paggising ko ikaw at ikaw pa din ang naiisip ko. Halos hindi na ako
kumakain nun dahil nawalan na ako ng gana para sa lahat.... ni huminga nga ata gusto ko na itigil nung
mga panahon na iyon dahil sa kagustuhan ko na mawala yung tanginang sakit na nararamdaman ko...
Diba parang ang tanga tanga ko lang talaga? Dahil lang sayo nagkakaganun ako. Halos mawalan na ako
ng buhay dahil lang gusto kita malimutan? Noong mga panahon na yun, hindi ko man lang pinansin yung
mga magulang ko, at mga kaibigan ko na nagaalala para sa akin. Hindi ko pinansin. Hindi ko pinakinggan
yung mga sinasabi nila kasi gusto ko... gusto ko gawin ang lahat makalimutan ka lang.

Sa ilang araw na yun nakatulala lang ako. Magisa sa kwarto. Minsan umuupo ako sa tapat ng bintana,
nakatingin lang sa mga tao na dumadaan, at sa langit hanggang sa dumilim. Maya’t maya kinakatok ako
ng mga magulang para lang tingnan kung okay pa ako. Tuwing oras ng kain, iniiwanan nila ako ng
pagkain sa lamesa ko pero hindi ko naman nagagalaw. Sa ilang araw na yun, halos maubos na ata yung
tubig sa katawan ko kakaiyak. Sa ilang araw na yun, halos hindi ako gumagalaw sa kama ko ni hindi ako
nakakaligo dahil wala na talaga akong gana. Hirap pala pag sobra yung sakit na nararamdaman mo. Ang
hirap nung sobrang nalulungkot ka, kasi hindi mo na alam yung nangyayari sa paligid mo. Ang hirap.
Ang hirap kalimutan yung ilang taon na pinagsamahan natin. Sabi mo kasi hanggang tayo sa dulo diba?
Malapit na nga tayo ikasal eh, tangina naman… Bakit naman sa kung kailan handa na ako para sa lahat,
kung kailan ikaw na yung alam ko na kasama ko hanggang sa pagtanda tsaka mo pa ako iiwan ng ganun?
Ang sakit lang kasi talaga. Ang sakit maiwan at talikuran sa araw na handa na ako sa lahat.

Pero alam mo ang saya saya ko na ngayon, parang wala na lahat lahat ng yan para sa akin. Dumating na
yung araw na sa pagpikit ko, hindi na ikaw yung naiisip ko. Wala na rin yung sakit na nararamdaman ko.
Sa isang iglap nagbago ang lahat... dahil sa araw na iyon, nawala na ako.

You might also like