You are on page 1of 3

METAPORA

Minsan sa isang malamig na umaga


Hinayaan kong maligaw ang aking kaluluwa at
sa isang bakuran, ako ay napunta

Ilang taon na rin akong paikot ikot sa bakuran na ito.


Nabaliktad ko na lahat ng mga bato,
nahawi ko na ang lahat ng mga damo.
Hinalughug ko na ang langit at lupa.
naglalakad, namamasyal , nagmamasid sa kapaligiran na Kanyang nilikha

Nakakita ako ng isang paru-parong napakaganda


nagkukulay ube ang pakpak, palipat lipat sa mga bulaklak at
Naisipan kong kausapin siya, “Napapagod ka rin ba?
Pansin ko sa mga ginagawa mo’y masayang masaya ka
Kahit gaano katirik ang araw, ikaw ay hindi naaantala
Palipad lipad sa hangin na para bang walang problema”

At sa pagsapit ng gabi,
sa ilalim ng karagatan ng mga butuin
habang hinehele ng huni ng mga kuliglig,
at hinahampas ng hangin na kay lamig

Sa kwarto, ako’y nag-iisa


at nagsusumiksik sa sulok ng kama
humihikbi sa mga basang unan
at patuloy paring hindi nakukumutan
nilalamon ng pait, nasisiraan ng bait,
walang araw at gabing lumipas na hindi nakakaranas ng sakit.
Saksi ang mga kumot ng ulap na sumasayaw sa hangin
Sa pulso ng aking damdamin.

Subalit aking napagtanto


Bago nakuha ng paru-paro ang malaperlas na pakpak nyang ito
dinaanan niya muna ang pinakamadilim at masakit na proseso
upang makamit ang pagbabago.
Paru-parong dating nilalayuan, kinakatakutan, at pinandidirian
Isang berdeng uod na gumagapang sa damuhan.
Na dalawang linggo ang paglilim sa kanyang tahanan
bago tuluyang mamamayagpag sa kapaligiran.

Katulad ng Paru-paro, ako rin ay may tahanan


Santa Isabel manila na aking paaralan
Sila ang nakatulong humubog sa aking pagkatao at isipan
hindi sila nagkulang at marami akong natutunan

Santa Isabel manila, kung saan ako itinadhana


Maraming mga taong hindi nais makasama
may mga tunay at merong peke na makakasalamuha,
ngunit nakatadhana upang makilala
Katulad ng paru-parong tinutugis sa parang ng mga ibon at gagamba.

Sa marahang na dalwang taon ay ang pag usbong ng sarili sa apat na sulok nitong silid
Katulad ng munting paru paro sa gitna ng bukid,
Pa unti unting natuto lumipad ng walang tumutulong
yung dating may gumagabay ngayon kaya nang sumulong
Katulad ng paru-parong minsan pinanghihinaan, natuto rin akong lumaban
At buksan ang sarili kong kulungan.

Kaya Sinta, bago mo makamit ang pagbabago


Kailangan mo munang dumaan sa malubak na proseso
Ngunit kailangan mo ng gabay ng Lumikha,
Katulad ng paru-paro, na nangangailangan ng araw upang magkaroon ng lakas sa umaga.
Ang init niya ang nagpapalambot ng mga naninigas na mga pakpak na dulot ng gabing
pangamba.

Kaya kung gusto mo ng pagbabago


Isipin mo ang buhay ng isang paru-paro
Na isang katutak na proseso ang dinaanan, para makamit ang kalayaan
Pagkatapos ng delubyo, idilat ang mata, mga luha’y punasan
Dahil darating ang panahon mamayagpag at bubuka rin ang makukulay mong pakpak
Salubungin mo palagi ang presensya ng araw, sa malamig na mundong iyong tinatahak.
Katulad ng munting paru-paro na paunti-unting lumaki at natuto.
Alpas, Sinta!
Wag ka magpapagapos. Piliin mong umalpas.

You might also like