You are on page 1of 1

Kurso: FIL_501 Linguistika sa Filipino

Term: Ikalawang Semestre


Taong Akademiko: 2019-2020
Propesor: Dr. Alvin Rom De Mesa
Inihanda ni: Bernaditha B. Nierva

MGA TEORYA SA PINAGMULAN NG WIKA


1. Saykolinggwistika- Ang pag-aaral sa kalikasan ng linggwistika na may
kaugnayan sa mga salik sikolohikal kaugnay ang pagpapahayag at pag-unawa
ng tagapagsalita at tagapakinig.
3 Pangunahing Pinag-aaralan sa Linggwistika:
A. Language Comprehension
-pag-unawa sa sinasalita at sinusulat ng ibang tao.
-ang pag-unawang pangwika ay kinapapalooban ng kasanayan, mga
hakbang, kaalaman at mga pag-aayos upang makabuo ng kahulugan
mula sa mga nakasulat o nakalimbag at komunikasyong di-berbal.

B. Language Production
-produksiyon ng pasalita o pasulat na wika.
-ito ay naglalarawan sa lahat ng yugto ng pagkakaroon ng konsepto at
pagsasalin ng konsepto sa linggwistikang anyo.

C. Language Acquisition
-ay proseso na kung saan natatamo ng tao ang kakayahang maunawaan
ang wika, at makalikha at magamit ang mga salita at pangungusap para
sa komunikasyon

2. Pedagodyikal na Gramar- ano mang deskripsyon o presentasyon ng mga


tuntunin ng wika na nakatuon sa estudyante at may layuning magabayan at
mapaunlad ang proseso ng pagkatuto ng wika. Tinutulungan nito ang mga
estudyante tungo sa higit na makahulugan at komunikatibong pagkatuto ng wika
na ang pormal na katangian at tuntunin ay tinitiyak at maingat na inilarawan ng
deskriptibo/linggwistik na gramar.

Halimbawa 1:
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. (MALI)

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga katanungan. (TAMA)

Halimbawa 2:
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga pangungusap sa ibaba.

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga pangungusap sa ibaba.

You might also like