You are on page 1of 2

KABANATA IV

RESULTA, INTERPRETASYON AT PAGSUSURI NG MGA DATOS

HALIMBAWA: MATRIX 1
Pangunahing Impormasyon ng mga Tagatugon
Tagatugon Edad Kasarian Pangkat Bilang ng oras ng
paglalaro sa bawat
araw
1 15 Lalaki Amethyst 5
2 17 Babae Diamond 8
3 16 Lalaki Ruby 4
4 14 Babae Amber 7
5 15 Lalaki Pearl 10

MATRIX 1
Ang tagatugon blg. 1 na may edad 15, lalaki mula sa pangkat Amethyst ay naglalaro ng “on-line games”, 5
oras kada araw, samantalang ang tagatugon blg.2 edad 17,Babae, mula sa pangkat Diamond ay 8 oras, ang
tagatugon blg.3, 16, Lalaki, mula sa pangkat Ruby ay 4 na oras, ang tagatugon blg.4, edad 14, Babae mula sa
pangkat Amber ay 7 oras at ang Tagatugon blg. 5, lalaki mula sa pearl naman ay 10 oras kada araw na
naglalaro ng “on-line games”.

MATRIX 2
Mga dahilan ng paglalaro ng “on-line games”
Tagatugon “Mga dahilan ng paglalaro ng “on-line games”
1 Ito ang usong laro ngayon sa mga kabataan kaya
gusto kong maranasan ito.
2 Isa ito sa mga mabisang libangan kapag walang
ginagawa.
3 Magandang pampalipas ng oras upang hindi
masyadong mag-isip ng mga problema.
4 Nagbibigay ito ng kasiyahan sa tuwing maglalaro ng
“on-line games.
5 Nagiging kuntento ang aking pakiramdam sa tuwing
nakakapaglaro ako ng “on-line games”.

MATRIX 2
Mga dahilan ng paglalaro ng “On-lines games”
Ang tagatugon blg.1 ay nagsabing “ito ang usong laro ngayon sa mga kabataan kaya gusto kong maranasan
ito” habang ang mga tagatugon blg.2 at 3 ay nagsabing maganda at mabisa itong pampalipas ng oras at
libangan upang hindi masyadong mag-isip ng mga problema samantalang an gang tagatugon blg. 4 naman ay
nagsabing ito ay nagbibigay ng kasiyahan sa tuwing naglalaro ng “on-lines games” at ang tagatugon bilang 5
naman ay nagiging kuntento ang pakiramdam sa tuwing naglalaro ng “on-line games”.

MATRIX 3
Mga epekto ng paglalaro ng “on-lines games”
TAGATUGON Mga epekto ng paglalaro ng “on-line games”
1 Hindi nakatutulong sa mga gawaing bahay.
2 Hindi nagagawa ang mga takdang –aralin sa paaralan.
3 Nakababawas ng oras sa pagtulog.
4 Humihina ang kakayahang makapagpokus sa mga
aralin sa paaralan.
5 Palaging napapagalitan ng mga magulang.

MATRIX 3
Ang tagatugon blg. 1 ay nagsabing hindi nakatutulong ang paglalaro ng “on-line games”sa mga gawaing bahay.
Ang tagatugon blg.2 naman ay hindi nagagawa ang mga takdang-aralin sa paaralan samantalang ang
tagatugon blg.3 ay nababawasan ang oras ng pagtulog habang ang tagatugon blg. ay humihina ang
kakayahang makapagpokus sa mga aralin sa paaralan at Ang tagatugon blg. 5 ay palaging napapagalitan ng
mga magulang.

You might also like