Professional Documents
Culture Documents
Retirement Welcome Address
Retirement Welcome Address
Alam po nating lahat na ang pagreretiro ay isang pagtatapos, ang dulo ng isang
karera… At sa araw na ito ay opisyal pong matutuldukan ang panunungkulan sa LGU
San Manuel, ng isa nating kaibigan, ate, nanay, o anuman pong maaari nating
maitawag sa kanya, at higit sa lahat, ng isang haligi ng institusyong ito na nakapag-
ambag ng hindi matatawarang paglilingkod at dedikasyon para sa ating minamahal na
LGU… Alam din po nating lahat na ang alaalang ating pinagsamahan, maganda man
po o hindi kaaya-aya ay magsisilbing alaala para kay Ma’am Anggie na maaari niyang
baunin, balik-tanawin at siyang magbibbigay-ngiti sa kanyang kanyang mga labi sa
mga pagkakataong kanyang maaalala ang napakagandang pagsasamahang kanyang
nabuo sa bawat isa sa atin.
Kung kaya’t sa ngalan po ng LGU San Manuel Employees Association, isa pong
karangalan para sa akin na i-welcome kayong lahat sa pagdiriwang na ito. Panigurado
po na ang palatuntunang ito ay mag-iiwan ng napaka-espesyal na marka sa ating lahat,
higit lalo sa superstar ng pagdiriwang na ito, si Ma’am Anggie.