You are on page 1of 2

PRAYER SERVICE

HOUSE STAFF CHRISTMAS PARTY and FAREWELL RITE FOR MANG MARIO
December 23, 2013

I. Introduction:

“Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at din a
lalakad sa kadiliman.” -Juan 8: 12

Aspirant Cherry: Sinisindihan natin ang kandila ng advent wreath bawat lingo upang isagisag ang nalalapit
na pagdating ngating tagapagligtas, ang Ilaw na darating sa sanlibutan na magpapalaya sa mga taong
nabubuhay sa kadiliman. Nawa’y ang bawat ilaw ng advent wreath maging sagisag ng pag-asa, at masayang
inaasahan sa bagong langit at bagong mundo kung saan ang pagmamahal ng Panginoon ay nasa sa atin.
Higit sa lahat nawa’y ang liwanag ng bawat kandilang ito’y maging sagisag ng pag-unlad ng Espiritu ng
Diyos satin para tayo ay maging karapat dapat na tumanggap sa Kanyang pagdating.

II. Lighting of Advent Candles


Candle Assignments: 1st Candle (Violet) – Ate Flora
2nd Candle (Violet) – Kuya Isagani pls. form 1 line near
3rd Candle (Pink) - Kuya Larry the advent candles
4th Candle (Violet) – Kuya Cres

 Ang panahon ng Adviento ay naririto, una, upang tayo ay maging alerto sa mga palatandaan ng panahon
at sa pagdating ng Messias. (Ate Flora will light the 1st Candle)
 Itong pagiging alerto ay magdudulot ng paghahanda. (Kuya Isagani will light the 2nd candle)
 Sa ating paghahanda, tayo ngayon ay mapagpasensiyang magaantay ng may maligayang pag-asa (Kuya
Larry will light the 3rd candle)
 Habang tayo ay patuloy na nagaantay sa pagsilang ng banal na Sanggol. (Kuya Cres will light the 4th
candle)

Aspirant Cherry: Ang misterio ng Incarnasyon ay nangyayari din sa atin kapag ang kataastaasang Langit –
Ang Diyos mismo – ay bababa sa kailaliman – sa ating dalisay na puso. Ang Diyos na “Ako ay Ako” ay
naging “Emmanuel” na ibig sabihin ay “Kasama natin ang Diyos”. Kaya ngayon, ating papurihan at
pasalamatan ang Diyos sa pagtupad niya sa kanyang mga pangako sa ating buhay.

III. Pagbasa ng Ebanghelyo (Jessa Mae)

Pagbasa mula sa aklat ni San Mateo (Mateo 1: 18-24)

Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang
magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nalaman ni Maria na siya’y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng Espiritu Santo. Subalit dahil isang taong matuwid si Jose na kanyang mapapangasawa, at
ayaw nitong malagay sa lubos na kahihiyan si Maria, binalak niyang hiwalayan si Maria nang palihim.
Ngunit habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng
Panginoon. Sinabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang
sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo. Magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang
ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta,
“Tingnan ninyo; Maglilihi ang isang berhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong
Emmanuel.” Na ang kahulugan nito’y “Kasama natin ang Diyos.”

Nang magising si Jose, sinunod nga niya ang utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan niya si Maria. Ngunit
hindi niya sinipingan si Maria hanggan magsilang ito ng isang anak na lalaki. At Jesus nga ang ipinangalan ni
Jose sa sanggol.

IV. Panandaliang Katahimikan

V. Panalangin ng Bayan

Tugon ng Bayan:
Malugod ka naming sinasalubong at tinatanggap,
Panginoong Jesucristo
1. Irene: O Panginoon, ikaw ang lahat saamin at binibigay mo ang lahat ng aming pangangailangan; ang
aming kinabukasan ay nasa iyong kamay. Manalangin tayo.

2. Ruffa: Nagpapasalamat kami Panginoong Diyos dahil pinunan mo ang aming mga buhay ng
maraming biyaya. Patuloy mo kaming bigyang ng mabubuting puso at mabubuting gawa upang hindi
lamang kami tumanggap ng iyong liwanag kundi maibahagi din ito sa iba. Manalangin tayo.

3. Manilyn: Ipagkaloob mo, O Panginoon na kami’y maging marapat na myembro ng iyong pamilya.
Nawa’y hindi kami maging makasarili kundi maging kasiyahan, inspirasyon at determinasyon ng ibang
tao. Sana’y pag-ibig, respeto at kabutihan ang manaig sa aming mga puso. Manalangin tayo.

4. Myla: Para kay Ate Flora na nagdiriwang ng kaarawan niya ngayon, Nawa’y punuin Mo siya ng iyong
pagpapala at patuloy na basbasan ang mga mabubuti niyang gawa. Hangad namin ang lahat ng
makabubuti sa kanya at sabay kaming humihiling sa nais ng kanyang puso. Manalangin tayo.

5. Mario: Pagpalain mo kami Panginoon at punuin mo kami ng iyong Espiritu Santo para ikaw ay tunay
na madama namin. Buksan mo ang aming mga puso at isipan para lubusan naming maintindihan ang
iyong mga mensahe at mga turo. Manalangin tayo.

VI. Farewell Rite and Tribute to Man Mario


Novice Grace: Tayo po ay natitipon din upang bigyan ng parangal at pasasalamant ang isang tao na
nagging bahagi na ng ating buhay. Siya ay naging katuwang at katulong namin sa mga panahong hinuhubog at
tinatahak ang araw-araw na pagsubok at hamon ng buhay ditto sa Formation House. Si Mang Mario ay
tinuturing naming napakahalagang biyaya ng Diyos sa amin. Lubos po kaming nagpapasalamat sa taus-pusong
paglilingkod na kanyang inialay; Sa walang sawa at kapaguran niya sa trabaho; Sa tapat at totoong serbisyo at
kanyang kabaitan na kanyang ibinahagi sa paglipas ng maraming taon

Para bigyan ka ng parangal at papuri sa sampung taon mong serbisyo bilang empleyado ng St.
Scholastica’s Formation House, Tinatawagan po namin sina Sister Rita at Sister Josefa.

VII. Pagbasbas sa Pamilya ni Mang Mario ng Holy Water


Sister Rita: Nawa’y patuloy na pagbuklurin at Paunlarin ng Panginoon nating Diyos ang Pamilyang ito.
Punuin Mo sila ng pagkakaintindihan, pagmamahalan at pag-susuporta sa isa’t isa. (Sprinkle with Holy Water).

VIII. Pagdarasal ng AMA NAMIN

IX. Personal Prayer and Commitment of Staff


Aspirant Cherry: Mahal naming Panginoon, ngayong pasko, ang aming mga regalo ay nakabalot na,
mga dekorasyon at palamuti ay maayos na, mga plano ay nakahanda na. Higit sa lahat ang aming mga puso ay
handa ng tumanggap sa iyo. Tanda ng aming pagtanaw ng utang na loob, tanggapin n’yo po ang aming pangako
at pasasalamat sa pamamagitan ng pagtanim ng halaman. Sila ang magsisilbing buhay na saksi sa mga naisulat
naming mensahe para sa iyo.

X. Closing Prayer
Sabay-sabay na dadasalin: Panginoon naming Diyos, saksi ang mga halamang ito, kami ay taimtim na
nangangako na mamuhay ayon sa iyong kagustuhan at para sa ikaluluwalhati mo. Igagalang po namin ang bawat
isa dahil ginagalang ka namin. Kami po ay nangangako na hindi maging pabigat sa bawat isa kundi mahalin ang
bawat isa tulad ng pagmamahal ninyo sa amin. Hindi namin itatrato ng iba ang aming kasamahan na magdudulot
ng galit o sama ng loob, kundi maging mabuting Kristyano sa aming pamilya at kapwa.
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo
Kapara noong unang una ngayon at magpakailan man at magpasawalang hanggan. Amen.
Sa ngalan ng Ama, Anak at ng espiritu Santo. Amen

You might also like