You are on page 1of 2

9.

Kailan ginagamit ang kwantitibong disenyo ng pananaliksik at


kwalitatibong disenyo ng pananaliksik? Magbigay nang tig-limang gamit
ng kwantitibo at kwalitatibong disenyo ng pananaliksik.

1.) KWANTITATIBONG PANANALIKSIK


Ang kwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa sistematiko at empirikal na
imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng
matematikal- estadistikal- at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng
komputasyon. kadalasang ginagamitan din ito ng mga nasusukat at nakabalangkas na
pamamaraan sa pananaliksik gaya ng sarbey- eksperimentasyon- at pagsusuring
estadistikal.

HALIMBAWA:
1. Grado ng ikalabing isang Baitang ng Maasin National High School at  ang oras ng
paggamit ng social Media.  

2. Grado ng mga estyudyante sa ikalabong dalawa ng senior High school sa paaralan


ng Ipilan National High School at ang kanilang Tesda Asssessment.

3. Distansya ng tahanan ng mga estyudyante at ang kanilang academikong


performance sa paaralan ng Pulot National High School.

4. Paglikum ng survey sa iba’t-ibang requirements tulad ng tabulation at pag kalap ng


datos

5. Karaniwang singil sa isang pasahero sa pampasaherong jeep(taong 2015, sa piso)

2.) KWALITATIBONG PANANALIKSIK


Ang kwalitatibong pananaliksik naman ay kinapapalooban ng mga uri ng
pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang paguugali at ugnayan ng mga
tao at ang dahilan na gumagabay rito. Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng
paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak na
kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura-
institusyon- at ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat.
HALIMBAWA:
1. Persepsyon ng mga studyante tungkol sa mga guro ng Senior High School

2. Dahilan ng pagliban sa Klase ng mga Ikasampung Baitang ng paaralan sa Brookes


Point National High School

3. Epekto ng paggamit ng Cellphone sa Pag-aaral ng mga kabataan

4. Gustong malaman ng ibang principal kung ano ang ginagawa ng isang


principal kung bakit mas maraming nakuhang award ang ibang principal.

5. Ang pagsasaalang alang ng mental health at kung paano ito naaapektohan


ang pang araw-araw na buhay ng mga studyante.

References: https://brainly.ph/question/1109929 , https://brainly.ph/question/533798

You might also like