You are on page 1of 1

Repleksiyon

Sinimulan ang sinaunang yugto gamit ang mitolohiya. Dito ko natutunan ang mga iba’t

ibang alamat na pwede kong ikumpara sa panahon ngayon na aking dinadanas. Mayroon din

dito ang iba’t ibang diyos at diyosa na minsa’y nagmahalan na nagpapasagana sa aking

imahinasyon. Isa sa mga kuwentong ito ay ang Cupido at Psyche. Dito, aking natutunan na ang

pagmamahal ay magpakailanmang makapangyarihan. Dito ko natutunan na ang pagibig ay

nangangailangan ng tiwala sa minamahal at ito ay laging may pagsubok. Isa rin sa mga

maiikling kuwento ay ang storya nina Wigan at Bugan. Dito ko natutunan na maging

mapaghintay at mapagkumbaba na may oras para sa iba. Isa rin sa mga maiikling kuwento ay

ang Kuba ng Notre Dame, nagturo sakin na wala sa itsura ang pagmamahal, na lahat ay may

pagsubok, na mayroong kayang gawin ang lahat para sayo, at handa kang mamatay kapag

dumating ang araw na mawala sayo ang taong mahal mo.

Sinimulan ang pangawalang tugto gamit ang storya ni Samson at Delilah. Natutunan ko

dito na lahat ng malakas na kapangyarihan ay mayroon ding kahinaan. Lahat ng tao ay gustong

makaalam ng sikreto na iniisip nila ay makakatulong sa kanila. Dito ko natutunan na hindi lahat

ng mahal mo ay dapat mo lang pagkatiwalaan. Dito ko natutunan na minsan ang pinaka-

magparamdam sayo ng matinding pagmamahal ay siya rin ang magiging dahilan ng pabagsak

mo. Dito ko rin natutunan na kahit anong mangyari ay dapat kang manalig at magdasal sa

Diyos sa araw ng iyong kahinaan upang bumalik ang iyong ninanais na lakas.

Sa nobela ng El Filibusterismo na tinalakay ng pang-apat na yugto, dito ay aking napag-

aralan ang buhay noong sinaunang panahon. Dito ko ntutunan na kapag alam mo ang

karapatan mo, ipaglaban mo. Dito ko din natutunan na kaya mong gawin ang lahat para lang sa

minamahal mo. Dito ko natutunan na lahat ng tao ay may karapatan na mamuhay sa paraan na

gusto nila.

You might also like