You are on page 1of 8

Konting rebyu para sa ating tinalakay noong Huwebes.

✓ PANTAONG
SINING ~ mga araling nauukol sa tao o mga araling pantao. ✓
ANTROPOLOHIYA ~ tumutukoy sa pag - aaral sa pinagmulan ng iba't -
ibang lahi ng tao. ✓ ARKIYOLOHIYA ~ tumutukoy sa mga gawain ng tao
sa pamamagitan at pagsusuri sa mga materyal na kultura. ✓
KASAYSAYAN ~ pag - aaral sa mga nakaraan o sistematikong kalipunan
ng mga impormasyon hinggil sa nakaraan. ✓ LINGGWISTIKA ~
tinuturing na siyentipikong pag - aaral sa wika. ✓ WIKA ~ isang bahagi
ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw - araw. ✓ LITERATURA ~
nagmula sa salitang Latin na "Littera" na ibigsabihin ay titik o letra. Ito
ay maaaring gawa gawa o fiction at batay sa katotohanan o nonfiction.
✓ PILOSOPIYA ~ nagmula sa dalawang salita, "Pilo o Philia" ibigsabihin
pagmamahal at "Sopiya o Sophia" kahulugan ay Karunungan, ito ay
mapagkilatis na pag - aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na
maaaring itanong sa sangkatauhan. ✓ TATLONG PANGUNAHING
SANGAY NG KARUNUNGAN (1) Likas na Agham (Natural Sciences) - pag
aaral ng pisikal na mundo at phenomena nito. (2) Agham Panlipunan
(Social Sciences) - pinag - aaralan ang aspekto ng tao sa mundo at
nakatuon sa pagsasaliksik at pagteorya tungkol sa parehong pinagsama
at indibidwal na mga asal. (3) Pantaong Sining ( Humanities) -
paglalahad ng kanilang mga pananaw sa buhay na nauukol sa tao o mga
araling pantao.

Ang panitikan ngayon ay 'di na gaanong tinatangkilik. Paunti na ng


paunti ang nais sumulat ng mga akdang-pampanitikan at kaunti na rin
ang gustong magbasa ng mga ito. Mas gugustuhin na siguro ng mga
kabataan ngayon ang mga palabas o pelikula sa telebisyon kaysa ang
magbasa ng mga akdang-pampanitikan. --------Ang panitikan din ngayon
ay gumamagamit na ng salitang balbal o salitang kalye tulad ng "Bes"
"Erpats" at iba pa. At Ang mga ginagamit na literature ngayon ay Isa na
din sa pinagkukuhanan NG impormasyon katulad nalang NG internet ,
Ito ay napapanahon , nakakatulonh na mas mailabas Ang mga idea o
kaisipan NG mga tao

Ano nga ba ang sarbey?

Ang survey ay isa sa pinakapopular na metodo sa pag aaral na kung


saan ang mananaliksik ay pumipili lamang ng sampil sa malaking bilang
ng populasyon

Bukas na katanungan (open ended) Ginagamit upang mabatid ng


nagsasagawa ng pag-aaral kung ano ang nararamdaman ng tao
Halimbawa: *Ano ang iyong naranasan sa panahon ng ECQ? *Sa iyong
palagay... *Ano ang iyong pakiramdam sa ginagawa mo ngayon? *Bakit
ka tinatamad maligo?

Mga katanungang maraming pagpipilian (multiple choice) Maaaring


magbigay ng isa o maraming kasagutan ang mananaliksik depende sa
panutong kanyang ibinigay. Ang respondente ay maaari ring makapili ng
iisa o maraming kasagutan mula sa mga kasagutang ibinigay ng
mananaliksik Halimbawa *ano ang iyong kasarian? _lalaki _babae
_nalilito pa *Ano ang nais mong gawin natapos mag senior high? _mag-
aral ng kolehiyo _magtrabaho _bumuo ng pamilya _bumuo ng pamilya
habang nag aaral _magtrabaho habang bumubuo ng pamilya _kahit
anong maaaring gawin *Ilang beses ka dumumi sa isang araw? _1× _2-
3× _3-5× _kada pagtapos kumain

Mga katanungang Iskalang Ordinal (ordinal scale questions) Hinihingi sa


talatanungang ito sa mga respondente na iranggo ang mga baryabol na
kasama o kaya naman ay mamili ng sagot sa mga set ng baryabol.
Halimbawa: Sa paghahanap ng trabaho ay may mga katangiang dapat
na hanapin ng isang mag a-apply sa kanyang pagtatrabahuhan (iranggo
ang mga sumusunod na mga katangian mula sa 1 hanggang 5 na ang 1
ang pinakamahalaga at ang 5 ang hindi masyadong mahalaga)
_Positibong working encironment _pasahod _mga benepisyo _mga
bakanteng oras _mapanubok na workload

Mga katanungang may iskalang interbal (interval scale questions) Ito


ang pinakakaraniwang uri ng talatanungan. Mahalaga sa ganitong uri
ang espasyo sa bawat opsyon, ito man ay sa anyo ng bilang o kaya ay ng
interpretasyon. Halimbawa: Ibigay ang antas ng uyong pagsang-ayon sa
teleseryeng Ang Probibsyano gamit ang sumusunod na iskala: 4-mataas
3-sumasang-ayon 2-hindi sumasang-ayon 1-mataas ang di pagsang-
ayon

Mga katanungang kinabibilangan ng isakalang ratio (ratio scale


questions) Ang mga katanungan sa ganitong uri ay madaling sukatin
(measurable). Ang iskalang ito ay may totong zero (true zero) at
kaylangang ilahad sa ordinal na pamamaraan at may lawak(ranges).
Halimbawa: * Ilang oras ka nanonood ng telebisyon sa isang linggo? *
Gaano kalaki ang iyong buwanang kita? sa mga katanungang ito ay
maaari kang magsagot ng wala (totoong zero)

Sa dalampasigan ng dagat Maynila Luneta ang tawag ng mga Kastila, Ay


doon binaril ang kaawa-awa Pobreng Filipino, martir nitong lupa.
Naramay sa dusa ang ating tanggulan Panganay na Burgos at bunsong si
Rizal, Sa inggit at takot ng prayleng sukaban Pinatay at sukat walang
kasalanan. Hindi na inisip ang kanilang buhay Kung ito'y matapos; tapos
din ang layaw 'Paris na nga ngayon, ang kinasapitan Kaming Pilipino'y
kusang humiwalay. O mga kalahi! Lakad pagpilitang Tunguhin ang
bundok, kalawakang parang Gamitin ang gulok at sibat sa kamay At
ating ipagtanggol lupang tinubuan Huwag manganib, Inang Pilipinas Sa
kahit anumang itakda ng palad 'Di kami tutugot hanggang 'di matupad
Itong Kalayaang aming hinahanap!

Ito ay napaka halaga sa tao dahil ang siyensiya ay ang ang iyong mga
kaalaman o karunungan sa isang bagay at ang teknolohiya naman ay
nasusukat ang iyong sarili sa pag diskubre ng mga iba pang
pamamaraan. Malaki ang naitutulong nito sa isang tao dahil mas na 'bu-
boost' nito ang pag iisip ng tao sa pag gawa ng mga bagong bagay at
mag tumataas ang 'critical thinking' ng isang tao.

Para sa akin malaki ang naging ambag ng ating teknolohiya at siyensya


sa buhay ng tao dahil sa teknolohiya mas lumawak ang kaisipan at mas
napaunlad pa ng mga siyentipiko ang kanilang kakayahan na makabuo
ng mga bagay na bagong diskubre . Malaki rin ang naitulong ng
teknolohiya dahil mas napagaan at napadali ng teknolohiya ang gawain
natin sa araw araw . Halimbawa nalang nito ang pagpapadala ng sulat ,
noong unang panahon umaabot pa ng linggo o buwan para makarating
ang mga sulat pero ngayon segundo lang ay matatanggap na natin ang
mensahe na gustong iparating .

METODONG IMRaD SA SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA I- INTRODUKSIYON-


problema, motibo, layunin, background, at pangkalahatang pahayag:
Bakit isinasagawa ang pagaaral? Ano ang mga tanong na dapat sagutin?
Ano ang pinatunayan ng hipotesis? M- METODO- mga modelo at
panukat na gagamitin, ano, kalian, saan, paano gagamitin ang material.
Sino sino ang sangkot? R- RESULTA- ng ginawang empirical na pag-
aaral. Tama ba ang hipotesis? Ipapakita ito sa pamamagitan ng mga
tsart, graph, plot, at iba pang graphic organizer. a- ANALISIS- ng
isinasagawang pag aaral batay sa resulta. D- DISKUSYON AT
KONKLUSYON- ito ng isinagawang pag aaral. Ano ang implikasyon ng
resulta? Bakit? Ano ang maitutulong nito sa lipunan sa hinahaharap?
May mga paglabag ba ito sa etika? Makabuluhan ba ito? Masasabi bang
malaking kontribusyon ito sa sangkatauhan? ILAN SA MGA SULATING
AKADEMIKO SA SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA ANG MGA SUMUSUNOD:
a. Teknikal na Report b. Artikulo ng Pananaliksik c. Instruksyonal na
polyeto o handout d. Report Panlaboratoryo e. Plano sa Pananaliksik f.
Katalogo g. Teknikal na Talumpati o papel na babasahin sa
komperensiya h. Report ng isinagawang Gawain (Performance Report)

You might also like