You are on page 1of 3

PROSTITUSYON

Makatao

Bilang tao ang prostitusyon ay masama dahil sa mga pwedeng sakit na makukuha natin
tulad ng AIDS o iba pang uri ng STD na pwedeng ikamatay ng isang indibidual. Ang pag
poprostitusyon ay nakakasama ng imahe di lang sa sarili, mga kapamilya pero sa bayan din at
mga organisasyon na kasali dahilan sa nakatatak sa imahe at pangalan ng tao na nagdadala nito.
Pero kahit na masama ito, may mga taong gumagawa parin nito hindi dahil sa kagustuhan kundi
dahil sa kakulangan sa pangaraw-araw na pangangailangan. May iba’t ibang pananaw ang mga
tao tungkol sa prostitusyon. Mayroong iba na nakikita ito bilang paraan upang makaraos sa
buhay. May iba naman ay nakikita ito bilang imoral na gawain. Mayroon ding iba na nakikita ito
bilang paraan upang maging maligaya. Dahil sa kakulangan sa pangangailangan, napipilitan na
pasukin ng mga tao (madalas kababaihan) ang pagpoprostitusyon. Labag man ito sa kanilang
damdamin, gagawin parin nila ito dahil sa paraang ito sila nakakakuha ng pera para sa pagkain,
pag-aaral, tirahan o kung ano mang bagay na kailangan nila. Ang iba naman ay pinapasok ang
pagpoprostitusyon hindi dahil sa kulang sila sa pera kundi dahils sa kagustuhan nila kumita.
Ginagawa nila ito upang suportahan ang kanilang mga libangan. Kahit na saan mang panig ng
pananaw natin ito tingnan ay hindi natin ito mabibigyan ng pinal na desisyon dahil ang bawat tao
ay may iba’t ibang pananaw sa naturang diskusyon.

Makabayan

Kahihiyan at Kapighatian: Ang Masalimuot na Kuwento ng mga Kalapating Mababa ang Lipad

“Ang prostitusyon ay isa sa mga pangunahing at laganap na mga isyu na sinusubukan lutasin at
ayusin ng pamahalaan ng Pilipinas sa loob ng maraming taon. Sa katunayan, ang bansa ay may
internasyunal na imahe bilang isang “sex destination,” at ito ay dahil sa presensya ng mga
Amerikanong militar sa panahon at pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.”

https://philippineone.com/kahihiyan-at-kapighatian-ang-masalimuot-na-kuwento-ng-mga-
kalapating-mababa-ang-lipad2/

Ang prostitusyon ay laganap sa ating bansa. Isa itong problema na matagal nang
sinusubukang maayos ng ating pamahalaan. Ayon sa artikulo ni Belonio (2017), ang bansang
Pilipinas ay nagkaroon ng imahe bilang destinasyon ng pakikipagtalik. Ito ay dahil sa pagdating
ng mga Amerikanong military sa simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig hanggang sa
pagkatapos nito. Ilegal man ang prostitusyon sa bansa ay marami pa rin ang sumasailalim sa
gawaing ito. Ayon sa artikulo, tinatayang 500,000 hanggang 800,000 ang bilang ng mga
prostitute at pinapalagay na kalahati nito ay menor de edad.

Bagama’t ilegal, ito ay sadyang pangkaraniwang hanapbuhay nalang sa kanilang


pananaw mapasaan mang lugar ay mayroon nito. Ito ay nagsisilbing serbisyo para sa lokal at
dayuhang parokya. Ayon sa Coalition Against Trafficking of Women, may pinapalagay na
15000 na banyagang Australyano na pumupunta sa lungsod ng Angeles taun-taon. Hindi lang
Australyano kundi mga Amerikano, Briton, at iba pang mga banyagang galing sa Europa ang
lumalahok dito.

Ayon sa dating U.S. Ambassador sa Pilipinas na si Harry K. Thomas Jr., 40 porsiyento ng


mga kalalakihang banyaga ang dumadayo sa Pilipinas dahilan sa tinatawag na sex tourism.

Mababasa sa artikulo na isa sa pinakasanhi ng pagpasok sa prostitusyon ay ang


kakulangan sa pera o kahirapan. Sa isinagawang survey, sinasaad na ang mga kababaihan na
pumasok sa prostitusyon dahil sa kagustuhan matulungan ang kanilang mga magulang ay
tumatayang 34 porsiyento, habang 28 porsiyento ng mga kababaihan ay pumasok sa prostitusyon
upang masuportahan ang asawa at 8 porsiyento para suportahan ang kanilang kapatid.

Madaming kaso ng prostitusyon ang nailathala sa Pilipinas. Layunin ng may-akda ng


artikulo na mamulat tayo sa malaking problemang hinaharap ng sarili nating bansa at kumilos
para masolusyunan ito.

Demokratiko

Ang prostitusyon ay isang uri nang trabaho na nagbibigay ng sekswal na serbisyo sa


ibang tao kapalit ng salapi. Matuturing din ang prostitusyon bilang isang sa pinakamatandang
propesyon na mayroon sa mundo. Marami ang naakit na pumasok sa mundo nang prostitusyon sa
kadahilanang malaki ang sahod na kanilang makukuha rito. Maraming kabataang Pilipino ang
naakit dito dahil na rin sa kahirapan na kanilang dirananas. Ang kahirapan ang pangunahing
dahilan kung bakit lumaganap ang prostitusyon sa Pilipinas dahil sa tingin ng nakararami na ito
ang kanilang magiging daan upang malagpas o makalabas sa mundo nang kahirapan. Itinuturing
din na dahil kung bakit pimapasok ang iba sa ganitong propesyon ay dahil sa na rin sa
kakulangan ng pagkakataong makapagtrabaho. Dahil sa kawalan ng trabaho ninais nilang
magtrabaho sa mundo nang prostitusyon ay para magkaroon sila nang trabaho at mabuhay ang
kanilang mga pamilya. Sa kabila nang mga dahil na ito ay iba rin na sapilitan lamang ang
pagpasok sa ganitong uri nang trabaho katulad nang mga naloko nang mga illegal recruiter. May
mga taong na naloko nang mga illegal recruiter na sila ay magkakaroon nang maayos na trabaho
ngunit sila lamang ay dadalhin sa mga bar na may prostitusyon at gagawing prostitute ang
kalamitang naloloko nang mga ito ay mga kabataan sa mga probinsya or sa mga mahihirap na
lugar. Ang prostitusyon sa Pilipinas ay matuturing na illegal, ang taong mapapatunayang sangkot
sa ganitong uri nang trabaho ay maaaring makulong ng 30 araw hanggang isang taon. May mga
batas tayong na nagbabawal sa paglaganap nang prostitusyon katulad lamang nang Anti-
Prostitution Act of 2010 at Anti-trafficking in Persons Act of 2003. Ang Anti-trafficking in
Person Act of 2003 ay nagsasaad na ang sinumaang lumahok sa prostitusyon ay maaaring
maparusahan ng hanggang habang buhay na pagkakakulong. Ang Anti-Prostitution Act of 2010
ay nabibigay proteksyon sa mga naging biktima nang prostitusyon. Maaaring may iba’t ibang
dahilan ang mga Pilipino kung bakit nila pinapasok ang mundo nang prostitusyon ngunit ating
tandaan ang prostitusyon sa ating bansa ay hindi legal at maaari makulong ang sinumang
lumahok sa ganitong propesyon.

You might also like