You are on page 1of 9

Awit ng Pag-Ibig

Likha ni

Der Neath Q. Divingracia


Mga Tauhan:

Anya Martinez- panganay na anak ng pamilya, may sakit na polio

Mark Martinez- isang ama na nagtuturo sa isang pampublikong paaralan

Estudyante

Guard

Guro
Unang Tagpo: (Nagtatakbuhan ng mabilis ang mga tao sa may kalsada, ang iba

ang naghahabol sa traffic. Maming mga estudyante ang dumadaan habang binibilang ang

mga oras papunta sa paaralan. Si Anya ay dahan dahang naghahanda ng kanyang mga

gamit habang nag aayos sa kanyang sarili at inihanda ang kangang crutches. Napatingin

sya sa kabila dahil akala niya ay nandon ang kanyang ina)

Anya: Maaaa…

(napahinto nlnag sya ng pagsilp nya ng tingin ay ang kanyang ama ang kanyang Nakita.

Nagkatinginan sila ng mata pero hindi kinya ni Anya at binaba nlang niya ang kanyang

ulo)

Mark: Oh, wala ang mama mo ditto, maagang umalis. Ano naman ang problema mo?

(nagtatanong na may kasamak galit at pagtataka kay Anya. Maaga pa pero nakasimangot

na ang dating dahil masyadong mainitin ang ulo)

(Biglang natulala si Anya dahil malimit lang naman syang kinakusap ng kanyang ama.)

Anya: Aaaahhhh… Opo, waala lang. Mauna napo ako.

(habang kinukuha ang bag at inilagay sa kanyang likuran sabay ang pag candong ng

kanyang crutches palabas ng pinto)

Mark: Aba dapat lang, at pag nagkita tayo sa paaralan, huwag kang lalapit sa akin ipagpalagay

mo nalang na hindi mo ako nakita o kakilala man lang.

(Hinid na lumungon si Anya at itinuloy nya ang kayang lakad palabas ng bahay habang

nahihirapan a kanyang bag na may kabigatan at pilit na kinakaya ang kanyang

sitwasyong kahit na sya ay nahihirapan.


Ikalawang Tagpo: (Nakarating na sa paaralan si Anya at nung pagpasok nya sa gate ay

nakasalubong nya ang guar na kilala din ng knayang pamilya)

Anya: Magandang Umaga po kuyaaa…

(sabay ang magandang ngiti ni Anya at ang kanyang progresibong galaw na pilit na

pinapakita na kagaya rin sya ng iba)

Guard: Magandang araw Iha, umagang umaga pa pero ang saya na ng aura mo.

( nakangiti at makikita ang magandang loob na ipinakita sa bata)

Anya: Syempre naman kuyaaa, una na muna ako baka nagsisimula na ang flag ceremony

Guard: Mag-inga ka sa paglakad at ikakamusta mo nlanag ako kay Sir Martinez malimit

na syag dadaan sa main gate.

(Napangiti nlang si Anya sabay lakbay at hindi na niya sinagot ang sinabi ng guard.

Papunta na sya sa kanyang klase ngunit makikita sa kanyang mukha ang kaba at pagmamadali a

paglalakad)

Ikatlong Tagpo: (Dahan dahan na ang lapag ng kanyang paa ng malapit na sya sa silid aralan na

kanyang pinapasukan. Inihanda muna nya ang kanyang sarili at inayos ang kanyang isinuot

nauniform)

Pagpasok nya ay bigla syang natingala sa kanyang naabutan. Nag iba ang pagkakayos ng mga

iniupuan ng kanyang mga kaklase. Pumasok sya ng walang ka duda duda dahil inaakala nya na

nagsimula na ang klase at baka nagkakarron lang ng pangkatang gawaain)

Pagpasok niya ay nabigla sya sa kanyang nakita, ang kanyang guro ay si G. Martinez
(Umupo siya ng dali dalian dahil hindi naka ang guro. At tinignan sya ng kanyang ka klase na

parang may kahulugan ang tingin. Kinausap ni Anya ang kanyang katabi.

Anya: Diba si Ma’am Gomez ang guro natin, bakit biglang nag iba.

Estudyante I: Sabi niladi muna makakaturo si Ma’am dahil nagbakasyon sa Amerika. So ayon si

Sir Martinez ang ipinalit. Ang swerte mo nga, tatay mo ang guro natin.

(Hindi na sumagot si Anya at napabuntong hininga nalang.)

Ang ingay ng mga estudyate dahil sari saring trabaho ang kanilang ginagawa. Nakaakit ito sa

pang dinig ni Sir Martinez at sinabihin ang mga bata habag nakababa lang ang kanyang ulo dahul

sya any nagsusulat

Mark: Mga bata huwag kayong mag ingay, may tinatapos pa akoang trabaho.

MGA BATA: Opo Sir

(Nawala bigla ang kanyang tingin sa kanyang ginagawa at nang nakasilip sa may harapan ay

nakit nya ang kanyang anak)

Sir Martinez: (nakatingin kay Anya) Oy! ikaw’ng bata ka, Bakit ngayon ka lang? Sa susunod

hindi ko gusto na may mahuli sa aking klase. Magbabawas ako ng puntos at kahit ano pa ang

sasabihin ninyo ay hindi ko tatanggapin iyon.

(Natulala lahat ng mga estudayante at napatingin sila kay Anya. Alam ng lahat na anak siya ni G.

Martinez. Alam ni Anya na siya ang tinitignan ng kanyang mga kaklase. Binaba nalang nya ang

kanyang ulo pilit na pinapatakbo sa kanilang isipan na wala lang namanag nanyari. Tumahimik

ng ilang sandal at tumayo si G. Martinez at may sinasabi sa mga bata


G. Martinez: Bukas ko nalang sisimulan ang aking klase dahil kinulang na tayo sa oras. May

ipapagawa nalang para bukas. Magdala kayo ng litrato sa inyong pamilya at ibabahagi ninyo ito

gamit sa malikhaing pamamaraan.

(Tumayo ang lahat at inayos ang kanilang mga gamit. Lumabas ang mga estudyante galling sa

kanilang silid aralan upang pumunta sa kanilang sunod na klase. Inayos ni Anya ang kanyang

gamit at lumabas nganunit sa paglabas nya may naiwan na tingin sa loob ng silid aralan sa may

bandang harapan malapit sa pisara na nakaupo ang kanilang guro na si G. Martinez na kanyang

Ama)

Habang papunta na sila sa kanilang susunod na klase, may mga tambay na estudyante na

nakatayo sa kilid at magchichismisan at may narinig si Anya.

: Baka siguro hindi siya kinilalang kanyang ama dahil ganyan sya

: Baka siguro hindi siya mahal ni Sir Martine dahil ang bagal nya diba, tignan mo

(Bumukal ang dugo ni Anya at napuno na ya ng puot kaya binilisan nya ang kanyang paglalakad

kahit napakahirap ng kansyang sitwasyon. At sa pagliko nya na may kalapitan na sa kanyang

patutuluyan ay may nakita syang mga lalaki nanakatingin sa kanya.

: pssst, pssst, Miss? Saying pre, magandan naman kaso may polio.

:tskkk tssskkk reject! Ay pre wag mo tong bastusin Tatay nya guro natin

:Tatay nya? Ano? Di naman sya kinilala nun….

(Mas lalaong napuot si Anya at nararamdaman na nya sa kanyang sarili na tumatass na ang

kanyang temperature. Di na nya tagala kaya. Tutulo na ang kanyang luha. Kaya nakapag dsisyon

nalang sya na umuwi sa kanilang bahay)


Ikaapat na Tagpo: Bahay

(Tinulungan sya sa nagmamaneho ng tricycle pababa sa harapan ng kanilang

bahay. Agad nyang inabot ang kanyang bayad at dumiretso na sa may gate. Sinilip nya ang

bahay ngnit wala pa itog tao. Nasa palengke pa ang kanyang Lola at siya lang mag isa doon.

Pumunta siya sa kanyang kwarto at napahiga sa nakakapagod na araw na kanyang dinaanan.

Umiyak sya at napasigawng dahil sa galit at sakit na kanyang nararamdaman.

Anya: AHHHH BAKIT PA AKO NABUHAY? BAKIT AKO PA ANG NAGKAKAROON

NITO? BAKIT AKO PA? Ayoko na

( Nagwala siya sa loob ng kanyang kwarto. Hinila nya ang kanyang aparador at kinuha nya ang

kanyang journal at may isinulat siya.

Ika9 ng Setyembre 2017,

Isang araw na puno ng sakit, ng puot ng galit. Hindi ko alam ko ano bang kasalanan ang naimpok

sa mundo kung bakit napakasungit ng mga tao sa paligid ko. Sa kasawiang palad nagbanggan

naman ang aming landas ng taong matagal ko ng gusting makausap. Di ko alam kung ama ko ba

talaga sya dahil ikinakahiya nya ako sa harap ng ibang tao. Sa bahay malimit lang niya akoang

kinakausap o minsang pinagsasabihan. Hindi ko aakalain na siya pala ang papalit sa aking guro

na nagbabakasyon. Siguro magmula ngayon, ay araw araw ng madadagdagan ang sakit na aking

nararamdaman dahil hindi ako kampante pag siya ay nasa aking harapan o di kaya pag nasa

paligid man lang.

Ang sarap siguro kapag masaya ka, diba? Yung tipong ramdam mo ang pagmamahal ng pamilya

mo. Hayst! Kailan kaya uuwi si mama? Kumusta na kaya sya doon.Ilang lingo na ang lumipas

ngunit hindi ko pa naririnig na may tumatawag sa telepono. Si papa naman? Kasalanan ko ba


ang nagging sitwasyon ko? Bakit ako nagkaganito? Kung naagapan lang sana ang ito nung bata

pa ako o di kaya kung hindi nagkamali ang nars sa pagbibigay ng bakuna ko di sana ako nagging

ganito. Ano ba to? Parusa? Wala naman akoang ginawang masama sa mundong ito?

Matagal na akong pagod. Ayoko na. Gusto ko ng mawala sa paningin ng walang tao. Wala

naman akong silbi, palaging tinatawanan at pinaglalaruan.

(Pininunasan nya ang luha na nanggaling sa kanyang mga mata. Inabot nya ang kananyng

crutches at siyay tumayo at dahan dahang naglalakad patungo sa may salamin. Hinarap niya ang

kanyang sarili

Anya: Kung si lang sana ao nagging ganito, ang ganda ko siguro. Siguro mamahalin ako lahat at

hindi ikakahiya. Bukas may pinagagawa pa syang pagbabahagi tungkol sa pamilya daw. Ano ba

talagang gusto nya, na ipamukha sa akin na wala akong silbi, hiya at Karapatan.

Ikalimang Tagpo: Paaralan

(Oras na ng pasukan. Naghahabulan ang mga estudyante baka mabawasan sila ng puntos kay G.

Martinez. Mas napahinga sila ng Malaki dahil pagdating nia doon ay wala pa ang guro.

Makalipas ng limang minuto dumating na siya at nagsintayuan ang mga estudyante at binati sya)

Estuyante: Magandang umaga po G. Martinez, ikinagagalak po naming Makita kayo ngayong

araw.

You might also like