You are on page 1of 1

Tao – nilalang ng Diyos, pagibig, babae para sa lalaki, kabutihan laban sa kasamaan.

Maraming nagsasabi na lahat ng bagay ay may kasagutan, o pangsayantipikong explanasyon. Pero bakit
magpahanggang ngayon ay marami pa ring katanungan ang hindi pa rin nabibigyan ng kasagutan?
Marahil, dahil iba-iba tayo ng interpretasyon, may sari-sarili tayong pagiisip. Yung iba talagang wala pang
mahanap na sagot kasi hindi pa nila natutuklasan kung ano ba talaga ang gusto nila. Yung iba naman
alam na nila ung sagot pero pilit paring nagbubulagbulagan. Tila sinasabay nila ang kanilang pagiisip sa
paginog ng mundo – paikot ikot. Kailan ka gigising? Hanggang kailan ka magpapaikot?

PAGIBIG- likas sa tao ang magmahal, wagas na pagmamahal. Walang hinihiling na kapalit.Yung tipong
gagawin mo lahat makita mo lang siya na masaya. Pero paano kung yung kaligayahan na iyon eh hindi
ikaw ang makakapagbigay? Pipiliin mo bang iwan ang taong pinakamamahal mo? o mas gugustuhin
mong ipagpilitan ang sarili mo? Nagbabakasakaling maging baliktad ang ikot ng mundo. Anuman ang
piliin mo alam mong sa huli ikaw pa rin ang masasaktan. Ikaw pa rin ang talo! IKAW! IKAW! Mali. AKO!
Oo AKO! Tulad mo isa rin ako sa taong walang direksyon sa pagmamahal. Magpapaanod sa nagngangalit
na agos ng dagat ng walang proteksyon. Anumang oras maaring malunod.

You might also like