You are on page 1of 2

Bigas bilang sentro ng problema sa

agrikultura ng bansa
Sa aking magandang mahal na guro, magandang umaga at sa aking mga
masasayahin at kooperatibong mga kaklase nawa’y sa maikling sandali ay hayaan
niyong hiramin ko ang inyong mga taynga.

Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang
pinakamalalang problema ng ating lipunan sa ngayon? Korupsyon? Kahirapan? Sa
loob ng ilang pinuno ang dumaan sa ating bansa aking napag tanto na Hindi
nabibigyang pansin ng ating pamahalaan ang nangyayaring kakulangan ng bigas
sa ating bansa. Oo tama ka ng narinig maraming magsasaka ang matagal ng
humihingi ng tulong sa ating gobyerno. Nabibigyan nga ba sila ng sapat na
pansin? Sa aking palagay ay hindi.

Dahil sa kakulangan ng pansin para sa ating mga magsasaka, marami pa rin ang
mga mag sasaka na hirap pa din sa buhay hanggang ngayon, mga mag sasakang
hindi makaangat sa hirap ng buhay dahil sa murang halaga ng palay, sa halagang 7
pesos hanggang 10 pesos kada kilo nito mukhang hindi ata patas ang nangyayari
dito isipin niyo sino nga ba ang tunay na kumikita dito? Ang ating gobyerno? O
ang ating mga mag sasaka? Masakit isipin na nabibii natin ang bigas sa mataas na
presyo na halos umabot na ng 50 pesos per kilo at taon taon pataas pa ng pataas
ang presyo nito habang ang presyo ng palay ay nananatili parin sa murang halaga.
Nakaka bili tayo sa mga fast food chains ng kanin sa halagang 20 pesos kada isang
balot at sa mga karinderyang 10 piso kada baso samantalang sa murang halaga
lamang nila ito nakukuha. Kaya marami ng magsasaka ang umaayaw sa trabahong
ito at mas pinipiling humanap ng ibang pagkakakitaan, sa panahon ngayon pa unti-
unti ng bumabagsak ang supply ng bigas sa ating bansa at kinakailangan pa nating
kumuha ng supply galing sa ibang bansa.

Isa sa mga panguning dahilan ng nangyayaring kakulangan sa bigas ay ang korap


nating gobyerno. Ninanakaw nila ang mga pondo na para sana sa ating mga
magsasaka at para tumaas ang supply ng ating bigas napupunta nalamang sa
kanilang mga sariling bulsa ang mga ito, hindi ginagawa ng ating gobyerno ang
nararapat para sa ating mga mag-sasaka hindi nila kayang protektahan ang
karapatan ating mga magsasaka. Mas binibigyang pansin ng ating gobyerno ang
ibang bagay na wala namang ka kwenta kwenta tulad ng pagpapatupad ng “Sogie
equality bill”. Paano natin mareresolba ang nangyayaring problema sa ating bigas
kung hindi natin kayang bigyan ito ng pansin?
Ang mga nasabing halimbawa ay ilan lamang sa mga kaisipan na maaari kong
ibahagi sa inyo. Ilan lang ang mga ito sa mga pangunahing dahilan ng pag baba ng
supply ng bigas sa ating bansa.

Hahayaan nalang ba nating patuloy na mangyari ito? Bakit nga ba hindi


mabigyang ansin ang problemang ito? Kailan pa tayo kikilos upang hindi na ito
mas lumala pa.

Ako bilang isang estudyante, nais kong bigyan ng pansin ang nangyayaring
problemang ito at hindi hahayaang manatili ang ganitong sistema sa ating mga
mag sasaka. Tutulong ako hanngang sa abot ng aking makakaya, imbes na mag
pasikat sa social media ay mas bibigyang boses ko ang mga magsasaka natin
upang matuldukan ang problemang ito. Kailangan nating mag kaisa upang
makatulong sa ating kapwa Pilipino, dahil hindi lanang ako ang makikinabang dito
kundi tayong lahat at ang mga susunod pang mga henerasyon.

You might also like