You are on page 1of 2

The Metamorphosis CDCC

Sta. Rita, Pinamalayan, Oriental Mindoro


Quiz blg. 1.1
Filipino 4
Pangalan:_______________________ Iskor: ______________

IV-Maaasahan Guro: Albert G. Bautista

I. Pagbasa

Nang minsang umuwi si Manuel L. Quezon para magbakasyon sa kanilang bahay sa lalawigan, kinausap sya ng
kanyang ama. "Manuel, pinagsikapan kong matustusan ang iyong pag-aaral. Nagasta ko nang lahat ang mga naipon ko at
nakapangutang pa ako. Tila wala na akong magagawang paraan pa. Ikaw na ang bahalang gumawa ng paraan upang
makatapos ka ng pag-aaral.

Nang bumalik siya sa Maynila , sinabi ni Manuel sa kanyang mga kaibigan at guro ang kanyang suliranin. Ipinaalam
din nya sa mga ito ang kanyang balak. Tinanggap ng mga ito ang kanyang balak. Namasukan siya bilang katulong sa
Unibersidad ng Sto. Tomas. Sa gayoy nakapag-aral siya ng libre at nabigyan ng tirahan sa unibersidad. Dahil ditoy
naipagpatuloy nya ang kanyang kurso sa pagka-abogasya.

Hindi nagtagal at nagsimula ang himagsikan. Iniwan ni Manuel ang pag-aaral at pangarap at siya ay sumapi sa mga
manghihimagsik na Pilipino laban sa pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Nang lumaon, nahirang siya bilang pangulo
ng ating bansa. Ito ay dahil sa ipinakita niyang pagmamahal sa kalayaan ng ating bansa.

A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang pangunahing suliranin sa kuwento?

__________________________________________________________________________________________________
__

2. Ano ang ginawa ni Manuel upang makatapos ng pag-aaral?

__________________________________________________________________________________________________
__

3. Ano ang pinakahuling pangyayari sa kuwento?

__________________________________________________________________________________________________
__

4. Ano ang paksa ng binasang teksto?

__________________________________________________________________________________________________
__

5. Bakit kinailangang mamaukang katulong ni Manuel?

__________________________________________________________________________________________________
__

II. Wika
B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
6. Ano ang tawag sa sunod-sunod na pangyayari sa kuwento?
a. Suliranin b. Tema c. Banghay
7. Anongelemento ng kwento ang tumutukoy sa aral na makukuha sa kwento?
a. Banghay b. Tema c. Tauhan
8. Ito ay tumutukoy sa mga karakter sa kwento.
a. Banghay b. Tema c. Tauhan
9. Tumutukoy ito sa kung kailan at saan nangyari ang kwento.
a. Tagpuan b. Tema c. Tauhan
10. Saang bahagi ng kwento nabigyan ng solusyon ang suliranin ng tauhan?
a. Simula b. Gitna c. Wakas
11. Ito ay ginagamit panawag sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari.
a. Pangngalan b. Pandiwa c. Pang-uri
12. Ito ay mga panngalang tiyak at nagsisimula sa malaking titik.
a. Pambalana b. Tahas c. Pantangi
13. Ito naman ay pangalang di tiyak at nagsisimula sa maliit na titik.
a. Pambalana b. Tahas c. Pantangi
14. Anong uri ng pangngalan ang konkreto at maaring mahawakan.
a. Basal b. Tahas c. Pambalana
15. Ito naman ang mga pangngalang nasa isip lamang at hindi konkreto.
a. Basal b. Tahas c. Pambalana
C. Kompletuhin ang mga sumusunod. Lagyan ng tsek ang uri ng pangngalan.

Pantingi Pambalana Tahas Basal

Manuel L. Quezon

lalawigan

ama

paraan

Unibersidad ng
Sto. Tomas

balak

pangarap

Pilipinas

pagmamahal

You might also like