You are on page 1of 2

READ-LIPS

Mga Hakbang:

1. Ang magkatipan o kaya ay grupo ng magkkaibigan ay maaaring maglaro nito.


2. Ang isa sa kanila ang magsisilbing “taya”. Sa pamamagitan ng pagbigkas ng walang boses o
anumang tunog , ay dapat na mahulaan ng kanyang katipan/kasamahan ang mga limang (5)
salita sa loob ng sampu (10) minuto.
3. Maaaring mag-pass ng tatlo (3) beses ang katipan/mga kasama niya kung hindi mahulaan ang
pinapahulaan sa kanya/kanila ng “taya”.
4. Hindi pinapayagan na gumamit ng anumang body language o sign language. Bibig lamang ang
maaaring gamitin sa larong ito.
5. Makakatanggap ng premyo ang makakagawa nito.

KING AND QUEEN OF CUPS

Mga Hakbang:

1. Ang maglalaro nito ay pares ng magkatipan o pares ng magkaibigan.


2. Sa larong ito, kailangan na mai-balance ng magkatipan/magkaibigan ang mga styro cups sa
magkabilang dulo ng ruler, na nakapatong sa isang nakatayong kahoy.
3. Dapat na mai-balance ng manlalaro ang mga styro cups hanggang limang (5) patong. Ang
pagkakapatong ay dapat na mouth-to-mouth at tail-to-tail ng styro cups. Kung mapapanatili nila
na nakatayo hanggang sa panlimang patong ang mga styro cups hanggang limang (5) segundo,
ay magwawagi sila sa larong ito. Kung sakaling bumagsak ay uulit sila sa unang baiting at hindi
matitigil ang oras.
4. Dapat na sila ay gagawa nito ng sabay at hindi maaring magtulungan.

BLESSED 7 / LUCKY 7

Mga Hakbang:

Ang larong ito ay nabuo sa konsepto ng triathlon. Ang maglalaro nito ay grupo ng pito (7) kapatid sa
ibat’-ibang lokal. Dalawang grupo (o maaaring higit pa) ang magtutunggali sa larong ito.

1st Station - Sack race

Ang unang manlalaro sa grupo ay magsusuot ng sako sa station na ito at tatalon hanggang
makaabot sa 2nd station. Pag nasa 2nd station na sya ay maaari ng magsimula ang kasunod niyang
manlalaro.

2nd Station - Funny Ka

1. Ang mga manlalaro sa grupo nila ay nakapwesto sa station na ito para abangan ang naglaro
ng sack race. Ang kasunod na maglalaro sa grupo ang mag-aabang sa naglaro ng sack race at
tatakbo papunta sa starting line ng 1st station.
2. Sa station na ito, ang manlalaro ay magsusuot ng mga costume at tatakbo ulit patungo sa 3 rd
station.

3rd station - Sagutin Mo Na‘Ko

1. Sa station na ito ay sasagot ng tanong ang manlalaro. Pagkatapos niya masagot ito ng tama,
ay saka palang niya maibabalik ang mga costume na isusuot naman ng kasunod niyang
manlalaro.

Ang grupo ng mga kapatid na unang makatapos ang lahat ng miyembro sa grupo, ang siyang
magwawagi.

You might also like