You are on page 1of 3

DEPED BASIC EDUCATION

LEARNING CONTINUITY PLAN


(DEPED NCR) FAQs

ANO ANG BASIC EDUCATION LEARNING


CONTINUITY PLAN (BE-LCP)?
Ang BE-LCP ay ang tugon ng DepEd sa pangako nitong pangangalagaan
ang kalusugan, kaligtasan at pangkabuuang kabutihan ng mga mag-aaral,
guro at kawani habang isinusulong ang pagtaguyod ng edukasyon sa
ilalim ng mga health protocol na itinakda ng DOH at WHO.

ANO ANG CONTEXTUALIZED LCP?


Iba-iba ang mga konteksto ng bawat rehiyon sa ating bansa. Ang
contextualized LCP ay ang pagbibigay-kahulugan sa National
Learning Continuity Plan na isinesentro sa konteksto ng NCR upang
mas maging angkop para sa ating mga mag-aaral, guro, magulang,
komunidad at iba pang mga stakeholder sa ating rehiyon.

Ang contextualized LCP ay mag-iiba rin sa Division level dahil sa iba’t


ibang mga istratehiya at pamamaraan na mas angkop sa kondisyon
ng kanilang lokalidad.

PAANO MASISIGURO ANG


PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL?
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan upang masiguro ang
pagkatuto ng mga mag-aaral:
mga learners’ packet na ibibigay nang libre sa mga mag-aaral
pagtuturo at pagfafollow-up ng mga teacher sa pamamagitan ng
text-based apps tulad ng Messenger
digital online at offline na mga reference material tulad ng DepEd
Commons, LR Portal at mga educational website
paggamit ng TV at radio
mga lesson guide para sa mga magulang na makikita sa bawat
module
mga module na dinisenyo para sa mga magulang at guardian
tungkol sa pagbabasa at special education (SPED)
mga module na dinisenyo para sa Senior High School
DEPED BASIC EDUCATION
LEARNING CONTINUITY PLAN
(DEPED NCR) FAQs

ANO ANG NILALAMAN NG MGA


LEARNERS’ PACKAGE?
Ang laman nito ay nakadepende sa napiling learning delivery tool at
grade level ng learner, pero sa pangkalahatan, maglalaman ito ng mga
printed worksheet at iba pang kakailanganing kagamitan sa pag-aaral
habang ang mga mag-aaral ay nasa bahay.

KAILAN ANG ENROLMENT, BRIGADA


ESKWELA AT PAGSISIMULA NG KLASE
PARA SA SY 2020-2021?
Enrolment: Hunyo 1 – Hunyo 30, 2020
Brigada Eskwela: Hunyo 1 – Agosto 29, 2020
Pagsisimula ng Klase: Agosto 24, 2020

SINO ANG MGA STAKEHOLDER NA


KASAPI SA PAGBUO NG LCP?
Ang LCP ay resulta ng mga rekomendasyon, suhestyon at komento
mula sa iba’t ibang unit at field office ng DepEd; mga payo mula sa
Philippine Forum for Inclusive Quality Basic Education or Educ Forum at
Chairs ng Committees on Basic Education ng House of Representatives
at Senado; mga resulta ng online survey na nilahukan ng 700,000
na mga tumugon; at mga resulta ng survey para sa pagkahanda ng mga
teacher para sa distance learning delivery. Ang BE-LCP ay resulta ng
mga konsultasyon sa mga partner, adviser, legislator, executive, director,
guro, magulang, mag-aaral at ng publiko.

BAKIT ISINUSULONG NG DEPED ANG PAGTULOY NG


SY 2020-2021?
Naniniwala ang DepEd na kailangang ipagpatuloy ang edukasyon, anuman ang mga pagbabago
at mga pagsubok na ating hinaharap ngayon at sa mga darating na panahon. Higit sa lahat,
layunin ng DepEd ang maipagpatuloy ang pag-aaral ng ating mga mag-aaral para sa kanilang
maunlad at matiwasay na kinabukasan. Hinihikayat ang lubos na pagsuporta ng lahat. 
#ParasaBayan #ParasaBata #SulongEdukalidad
DEPED BASIC EDUCATION
LEARNING CONTINUITY PLAN
(DEPED NCR) FAQs

ANO ANG PROSESO NG ENROLMENT PARA SA


SY 2020-2021?
Tandaan: Ang unang dalawang linggo ng enrolment ay remote lamang sa pamamagitan ng
TOC (Text, Online, Call). Hindi maaaring pumunta muna sa paaralan sa unang dalawang linggo.
Bawat paaralan ay maglalabas ng impormasyon tungkol sa kanilang enrolment process.
Magtatalaga ng Enrolment Focal Person bawat grade level na maaaring ikontak ng mga
magulang at guardian upang i-enroll ang kanilang anak. Ang EFP ang magkokolekta ng mga
kinakailangang impormasyon mula sa mga magulang o guardian at gagabay sa kanila sa
pagpasa ng Learner Enrolment and Survey Form (LESF).
 
Ang mga magulang ng mga papasok na mag-aaral sa Grade 1-12 ay
ikokontak ng mga dati nilang adviser noong SY 2019-2020. Gagamitin nila

Gr. 1-12 ang mga contact information na nakapaloob sa SF 1 at data mula sa early
registration. Maaari ring ikontak ng mga magulang at guardian ang
Enrolment Focal Person (EFP) na nakatalaga para sa grade level ng
kanilang anak.

Kinder
Maaaring ikontak ng mga magulang at guardian ang paaralan kung saan
Transferee nila nais mag-enroll.
Balik-Aral

Maaaring ikontak ng mga magulang at guardian ang paaralan kung saan

ALS nila nais mag-enroll. Ang form na gagamitin sa pag-enroll ay ang ALS
Form 2 base sa DepEd Order No. 58, s. 2017.

SAAN KAMI MAAARING TUMUNGO KUNG


MAYROON KAMING KATANUNGAN ?
Maaari niyong ikontak ang Enrolment Focal Person (EFP) ng inyong paaralan o maaari rin
ninyong ikontak ang mga Oplan Balik Eskwela Focal Person ng inyong Division:

SDO Caloocan, Alistair Salvador, 09055144003 SDO Navotas, June Fermin Javier, 83327985
SDO Las Piñas, Ellaine Montas, 09981514003 SDO Parañaque, Marilyn Timtiman, 09173280455
SDO Makati, Maria Sofie Berondo, 09399357491 SDO Pasay, Maria Jacqueline Bernardino, 09176219131
SDO Malabon, Richell Cordevilla, 09062412228 SDO Pasig, Maria Carla de Leon, 09267409023
SDO Mandaluyong, Jon Daryll Mercado, 09952100335 SDO Quezon City, Maria Christina Marquez, 09452016005
SDO Manila, Aaron Tolentino, 09177284203 SDO San Juan, Allan Eliezer Mal-in, 09492016005
SDO Marikina, Agnes Franco, 09063486100 SDO Taguig-Pateros, Jose Abisado, Jr, 09503644268
SDO Muntinlupa, Randy Vargas, 88809935 loc 113 SDO Valenzuela, Carmelita Matus, 09993952729

You might also like