You are on page 1of 26

Ang Basurang

Halimaw

letsreadasia.org
Mahilig mangolekta ng
mga bagay si Bishu. Araw-
araw ay naglalakad siyá sa
buong Baryo Bubble Hill,
namumulot ng mga láta,
bote, at papel. Hindi niya
itinatápon ang mga ito.

1
Káyang gumawa ni Bishu
ng mga bágong bagay
mula sa mga nakolekta
niya. Gumawa siyá ng kotse
para sa kaniyang laruang
elepante, isang tatlong-
matang halimaw, at isang
eroplano.
Ngunit si Bishu lámang ang
nangongolekta sa Baryo
Bubble Hill. Lahat silá ay
itinatápon ang mga basura
sa Lambak Prickly Rock.

2
Punong-punô ng basura
ang lambak at bawat
araw ay palaki nang palaki
ang bunton. Isang araw,
nagising si Bishu sa aninong
lumitaw sa Bubble Hill.
Naging bundok na ang
basura! Batid ni Bishu na
may kailangan nang gawin,
ngunit ano?

3
Bumalik si Bishu sa kaniyang
buról upang mag-isip.
Nagsimula siyáng gumupit
at pumilas, pumukpok, at
magdikit ng mga bagay.
Isang bagong imbensiyon
ang nalilikha. Isang
mákináng ginagawang mga
bagong bagay ang basura!

4
Maaaring maglagay si
Bishu ng kahit anong uri
ng basura sa isang dulo ng
mákiná: mga bangsî (istro),
mga talì, mga lastiko, kahit
ano. Pagkatapos, gagawin
ito ng mákiná na bagong
bagay: isang lampaso, isang
pogo stick, o kahit na mga
kendi at tsokolate!
Buong araw na nagpapások
si Bushi ng basura sa
mákiná. Ngunit lumiit ba
ang bundok ng basura?

5
Hindi! Lalo pa itong
tumaas kaysa dati. Bakit
nagkaganoon?
Napagtanto ni Bishu na
napakaraming basura ang
itinatápon araw-araw ng
taumbayan sa lambak kayâ
hindi niya ito malilinis nang
mag-isa. Kailangan niya ang
tulong para may maganap
na pagbabago.
Kayâ lumakad siyá upang
kausapin ang taumbayan
at ipakita sa kanilá ang

6
kaniyang mákiná.

7
Habang pababâ ng buról,
nasalubong niya ang ilang
táong magtatápon ng
kaniláng basura sa lambak.
Huminto siyá at kinausap
silá. ’Huwag po kayóng
magtápon ng basura sa
lambak. Punong-punô na
ito!’
Sumagot si G. Caker
Panadero. ’Saan ko naman
ito itatápon, sa ilalim ng
aking kama?’
’Palagay ko, itatápon ko

8
na lang ito sa aking mga
drawer,’ dagdag ni G.
Redwood Karpintero.
’Maaari bang ilagay ko na
lang ito sa ilalim ng kama
mo at sa loob ng kabinet
mo?’ tanong ni Gng. Noura.

9
Tahimik na tumawa si Bishu
at nag-alok ng isa pang
idea. ’Maaari po ninyong
itápon ang mga ito sa
aking mákiná! Matutuwa
kayó sa sopresang inyong
matatanggap!’ Ngunit di
silá interesado. ’Tumabi ka
diyan,’ sabi nilá sabay tulak
kay Bishu. ’At dalhin mo na
ito. Walang silbi sa amin ang
mákiná mo.’

10
Galít na galít, madiin na
kinuyom ni Bishu ang
kaniyang mga kamao
hanggang mamuti ang mga
ito. Bumalik siyá sa lambak
na determinadong alisin
ang bundok ng basura kahit
na gawin niya itong nag-iisa.
Ngunit nagulat siyá...

11
...naging kakila-kilabot na
halimaw ang bundok ng
basura!
Pakanta-kantang papunta
ng baryo ang halimaw: ’Ako
ang basurang halimaw,
malaki at nakatatákot na
halimaw, may mga lamok
at langaw, pati maiitim
na daga, alam mo na.
Kasa-kasáma ko silá at
nangwawasak saanman ako
pumunta.’

12
Ngunit hindi takót sa
halimaw si Bishu. ’Di kita
papayagang magkalat
sa paligid!’ sigaw niya.
’Káya kang pigilin ng aking
mákiná.’
Nagsimula siyáng humugot
ng basura sa tagiliran
ng basurang halimaw at
isinuksok ito sa kaniyang
mákiná. Dumaklot siyá
at nagsuksok, daklot at
suksok, ngunit kahit na
gaano karami ng basura

13
ang kaniyang dinadaklot,
hindi ito nababawasan.
Di nagtagal, napágod na
si Bishu. Napaluhod siyá,
malápit nang sumuko.

14
Maya-maya ay may narinig
na papalapít na mga tinig
si Bishu. Tumingala siyá at
nakita niya ang taumbayan
na patungò sa kaniya.
Nakita nilá ang halimaw at
napagtanto niláng panahon
na upang kumilos.

15
Nagbigay ng bágong lakas
kay Bishu ang kaniláng
pagdating. Mabilis siyáng
tumindig at itinuro sa kanilá
ang gagawin. ’Tahimik po
kayóng pumunta sa likuran
ng basurang halimaw at
humugot ng basura nang di
niya namamalayan.’
Ipinakita niya sa taumbayan
kung paano maglagay ng
basura sa mákiná, at mabilis
na kumilos ang lahat. Kahit
ang mga batà ay nagdala ng

16
mga pusa upang palayasin
ang mga daga!

17
Nagtulong-tulong ang lahat,
at sa wakas, nagsimulang
lumiit ang basurang
halimaw.

18
Sa huli, napasigaw ito sa
sakit, ’Ako ang basurang
halimaw, maliit at takót
na halimaw. Nasaan ang
mga langaw at lamok? Saan
nagpunta ang maiitim na
daga?’

19
20
Sina G. Caker Panadero,
G. Redwood Karpintero,
Gng. Noura, at ang lahat
ay patuloy sa kanilang
ginagawa. Pagkaraan ng
ilang oras, tanging payat
at maliit na halimaw ang
nátirá. Inilágay ito ni Bishu
sa kaniyang mákiná at tik-
klik-klak, tuluyan nang
naglaho ang basurang
halimaw!

21
Pagkatapos, umugong at
gumiwang ang mákiná.
Pumutok ito at nagsabog
ng mga kahanga-hangang
bagay.
Masayang humiyaw ang
lahat at nagpasalamat kay
Bishu. ’Di namin magagawa
ito kung wala ka,’ sabi nilá.
’At di ko rin po magagawa
ito kung walang kayó,’
tugon niya.

22
Ngayon, kung dadaan
kayó sa Baryo Bubble
Hill, makikita ninyo ang
mákiná ni Bishu sa gitna
ng liwasan. Araw-araw,
dinadala ng taumbayan
ang kaniláng basura upang
maging kamangha-mangha
at bagong bagay, at di na
nagbalik ang bundok ng
basura.

23
Wakas

24
Brought to you by

Let’s Read! is an initiative of The Asia Foundation’s Books for Asia program that fosters young readers
in Asia. booksforasia.org

To read more books like this and get further information about this book, visit letsreadasia.org

Original Story
The Garbage Monster, author: Layla Audi . Published by 3Asafeer, https://digitallibrary.io/en/books/details/1347 © 3Asafeer.
Released under CC BY-NC-SA 4.0.

This work is a modified version of the original story. © The Asia Foundation, 2019. Some rights reserved. Released under CC
BY-NC-SA 4.0.

For full terms of use and attribution, http://creativecommons.org/licenses/by-nc-sa/4.0/

Contributing translators: Reynald Ocampo

You might also like