Kuwento Pangarap Na Lang

You might also like

You are on page 1of 1

Pangarap Na Lang)

         May isang babaeng naghahangad ng magandang relasyon sa isang lalaki ngunit ang
pangarap niyang ito ay hindi pa natutupad. Naiingit siya sa mga nakikita niyang mga
magkasintahan na hawak-kamay pang naglalakad sa kanyang harapan. Hangad niya na
isang araw ay dumating na ang lalaking hindi siya sasaktan at hindi siya pababayaan. Ayaw
na niya ng relasyong siya pa ang obligadong umintindi sa bawat tampuhan at bawat 'di
pagkakaintindihan. Mayroon siyang kaibigan, siya si POKNAT. Si Poknat ay matagal ng
may gusto sa kanya, si PANGS. Ang mga katangian ni Poknat ay mahahalintulad sa
simpelng lalaki, payat, gwapo, may kaya, ngunit babaero. Ayaw sa kanya ni Pangs, ngunit
sa pagpapa-cute ni Poknat, sa konting banat ng linya ng pag-ibig, at sa mga effort ni
Poknat, nahulog ang loob niya dito. Alam niyang masasaktan siya dito ngunit nagpatuloy pa
rin siyang pasukin ang pakikipagrelasyon kay Poknat. "Pangakong ikaw lang, at ikaw lang
babaeng iibigin ko, Pangs." Ito ang mga matatamis na salitang umukit sa kanyang utak.
Naging masaya ang mga araw na nagdaan, hanggang sa isang raw nakita ni Pangs na may
kasama si Poknat na ibang babae. Nagdilim ang paningin ni Pangs. Pinuntahan niya ang
dalawa. "Excuse me." sabi ni Pangs. "Boyfriend mo rin siya?. Naks, demanding pala
boyfriend natin!. Gusto ng dalawa. Ang kapal ng muka." Hindi nakapagsalita ang dalawa at
walang anu-ano'y umalis na si Pangs. Masakit, pero kailangang tanggapin na wala na
talagang matinong lalake sa mundo. Kung mayroon man, sana dumami ito. Kawawa ang
mga babaeng nagmamahal ng totoo. Kawawa rin ang mga lalaking hindi marunong
makuntento.

You might also like