You are on page 1of 4

Kabanata Xix

Mga Karanasan ng Isang Guro

Ipinasa ni:
Jedu Emmanuel Panit
Grade IX - Navarro
Ipinasa kay:
Bb. Audalen Paliza
Kabanata XIX: Mga Karanasan/Suliranin ng isang

Guro.

II. Buod

Nagpunta si Crisostomo Ibarra kasama ang guro sa isang lawa

na kung saan pinaglamayan at itinapon ang labi ng kanyang ama.

Doon, ikinuwento niya ang mga nagawa ng Don Rafael sa kanya

kaya't ganon na lamang kalaki ang utang na loob ng guro kay

Don Rafael.

Ikwinento rin ng guro ang kanyang mga karanasan at suliranin

sa pagtuturo. Magulang, estudyante, paaralan, kagamitan sa

pagaaral at si Padre Damaso, Sila ang mga suliranin na kanyang

nabanggit na nagpapahirap sa kanyang pagtuturo at pananatili

sa eskwelahan. Lahat ng kanyang ginagawa na alam niyang

makakabuti sa mga mag-aaral upang mas matuto ay taliwas sa

kagustuhah ng magulang at lalo na ni Padre Damaso. Wala rin

siyang magawa dahil kapag siya'y nakipaglaban dito, alam

niyang mawawalan siya ng trabaho.

Sa pagtapos ng pagkukwento ng guro kay Ibarra, sinabi ni

Ibarra na tutulungan niya ang guro sa abot ng kanyang

makakaya lalo na't may pupuntahan siyang pagtitipon.


III. Repleksyon/Reaksyon/Opinyon

Sa aking kabanata, natutunan ko na magmula pa lamang noong

nakaraang panahon hanggang sa kasalukuyan ay kahirapan at

masasamang salita pa rin ang nakukuha ng mga guro. Isama pa

natin ang mababang sweldo sa kabila ng mahabang oras na

kanilang ginuguol sa eskwelahan. Kahit ganito ang natatamo ng

mga guro, hindi pa rin sila tumitigil sa pagbabahagi ng kanilang

kaalaman, mahaba pa rin ang kanilang pasensya at nasunod pa

rin sa mga nakakataas sa kanila.

Ako'y nalungkot sa sinapit ng guro na kahit ginagawa niya ang

lahat na kaniyang makakaya ay gano'n pa rin ang kanyang

sinapit. Hindi makatarungan ang kanyang sinapit dahil ang

kaniyang ginagawa ay tama at marapat lamang ngunit kahit

positibo ang kanyang ginagawa, negatibo pa rin ang kaniyang

natatanggap.

Sa kasalukuyan, kaya siguro maraming guro ang pumupunta ng

ibang bansa dahil alam nila na ang sweldo doon ay mataas, at

binibigyan sila ng pansin. Hindi katulad sa bansa natin na

mababa ang sweldo ng mga guro, naiisipan siguro ng mga guro

na kapag sila ay nagturo ng ibang bansa, makakakuha sila ng


nataas na sweldo, at matututukan sila ng gobyerno. Iyon ang

hiling ng ating mga guro, na sana'y mapansin naman sila at

matanggap ang dapat nilang makuha, at ayun naman ang dapat

gawin ng gobyerno, ang bigyan sila ng dapat at ituring sila ng

kung ano ang nararapat.

You might also like