You are on page 1of 1

Bandera ng Pilipinas sa Gitna ng Kalawakan

Namamayagpag parin ang mga imbensiyon ng mga Pilipino sa larangan ng pakikibaka sa


teknolohiya, mapa-robot ay tinitingala. Hindi naman nabigo ang bansa sa inuuwing parangal at
pagkikilala sa mga produktong tatak Pinoy. Ngunit, paano pa kaya kung ang bansang kinikilala ay
dagdagan pa ng ahensiya na may kinalaman sa Agham at Teknolohiya?

Pinirmahan na ng kasalukuyang pangulo na si Rodrigo Roa Duterte ang kasunduang


pagpapatayo ng ahensiya na Philippine Space Agency (PhilSA) na may kabuuang 2 bilyon sa taunang
pondo noong Agosto 8, 2019. Ang nasabing proyekto ay itatayo sa Clark Special Economic Zone na may
lawak na humigit 30 hektarya.

Dahil dito bumuo ang ahensiya ng PhilSA upang mapalawig pa ang magandang produkto sa
bansa, ang Space- Cable at Space Faring sa taong 2020. “ I know that the Space Faring angle seems
ambitious but we shouldn’t dismiss the possibility too quickly” ani pa ng Ahensiya. Sa ngayon may 72
government space agencies ang nagtratrabaho at isa na doon ang China National Space Administration
(CNSA).

Humambalos ang Tsina sa kanilang Ahensya ng Teknolohiya dahil sa kanilang spacecraft at space
station na may kabuohang 11 na manlalawak. Sa Timog-silangang Asya , umarangkada din at hindi nag
pahuli ang Indonesia’s National Institute of Aeronotics and Space o Lapan Indonesia. Sa katunayan
noong 1963 ang Lapan ay umabante sa pinaka oryentadong ahensiya dahil sa kanilang mga raketa at ng
Indonesian airforce.

Sa kabila nito ay pinirmahan na ng Philsa ang R.A 1163 na naglalayong maging isa ang lahat ng
mga transaksiyon at aplikasyon ng Agham at Teknolohiya. Sa presentasyon ni secretary Dela Peña sinabi
niya na napasailalim ang ahensiya ng DOST o Department of Science and Technology sa Philsa. Nag-
imbes ng humigit 7.48 billion sa space-related research and development kasali sa budyet ang 15 na
space related programs at mga proyekto na ibinigay ng mga unibersidad sa buong bansa.

Sa ilalim ng batas, magiging panunahing ahensiya ang Philsa sa lahat ng mga aktibidad na may
kasakupan sa kabuohang pag-aaral kagaya ng kalawakang syensya teknolohiya at mga aplikasyon
maging mga pag-aaral na isasagawa ng DOST ay nasa ilalim din ng ahensiya. Nasa ahensiya din ng pag-
aaral ng klima, Space Industry Capacity Building, Education and Awareness maging International
Cooperation ay napasailalim din.

“This landmark bill will pave the way for the Philippines to join other nations which have their
own space agencies. We are no longer by standards when it comes to technology. We can now do
things” ani pa ni sec. Dela Peña. Nangangahulugang itatayo ang bandera ng Pilipinas sa larangan ng
teknolohikal na pag-aaral at mala-kalawakan na imahinasyon at parangal ang itatayo sa gitna ng buwan
na kasabay ang pagsigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas”.

You might also like