You are on page 1of 16

PAUNANG SALITA

Ang Self-Learning Kit (SLK) na ito sa Edukasyon sa Pagpapakatao ay


sadyang inihanda para sa mga mag-aaral ng ikawalong baitang. Layunin
ng SLK na ito na matukoy ang kahalagahan ng pamilya at ang papel na
panlipunan at pampolitikal na gampanin nito sa lipunang kanyang
ginagalawan.

Ang nilalaman ng aralin ng SLK na ito ay magbibigay ng pagkakataon


na higit na mapalalim ang ugnayang umiiral sa pamilya at sa pamayanang
kinabibilangan bilang ugat ng pakikipagkapwa tao.
LAYUNIN:
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa isang pamilya na nagpapakita
ng pagtulong at pagsusulong sa mga karapatan nito sa lipunan.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang


panlipunan at pampolitikal na papel nito.
EsP8 PBIg-4.2

I. ANO ANG NANGYARI?

Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang pinapahayag ng pangungusap


ay tama at isulat ang salitang Mali kung ang pinapahayag ng pangungusap
ay mali. Isulat ang inyong mga kasagutan sa sagutang papel

___________1. Ang tao ay isang panlipunang nilalang.

___________2. Sa pamilya hindi dapat matutuhan ang tamang pakikibahagi


sa mga gawaing panglipunan.

___________3.Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang


maisabuhay ang mga positibong pagpapahalaga at birtud.

___________4. Ang pagiging bukas palad ay naipakikita ng pamilya sa


pamamagitan ng mga gawaing panlipunan.

___________5. Karapatan ng bawat Pilipino ang bumoto at maghalal ng


kanyang ninanais.
II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?
Ang papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya

Ang pamumuhay ng isang pamilya ay hindi lamang limitado sa loob


ng tahanan bagkus meron itong mga tungkuling nararapat gampanan sa
ating lipunan.

Mahalaga ang papel ng pamilya upang mahubog sa kanilang mga


kasapi ang pagkakaroon ng malalim na pag-unawa sa kanilang mga
tungkulin sa lipunan na siyang maghuhubog ng kanilang pakikisalamuha at
pakikibahagi sa lipunan na siyang magpapatingkad sa kanilang kaganapan
bilang mamamayan.

Mahalagang maunawaan ng bawat kasapi ng pamilya ang halaga


ng pagkakaroon ng kalayaan na magpahayag ng kanilang mga naisin,
iniisip at mga nararamdaman upang maingatan at mapahalagahan ang
ating mga karapatan bilang bahagi ng lipunan.

Mahalagang maituro at maisabuhay ng pamilya ang malayang


pakikilahok sa mga gawaing pamayanan na siyang magtataguyod ng
makabuluhang at aktibong ugnayan at ng pamilya at lipunan.
Ang Papel ng Pamilya sa Lipunan

Sa loob ng pamilya nagisismula ang pagiging bukas palad at ang


diwa ng bayanihan. Ngunit hindi sapat na panatilihin lamang ito sa pamilya.

Ang labis na pagkiling sa pamilya ay maaaring mangahulugan ng


paggamit ng posisyon at kapangyarihan para sa kapakanan ng pamilya.

Dapat ng mauna ang pagmamahal sa kapwa bago ang debosyon sa


pamilya, ang pagiging labis na makapamilya ay katumbas din ng pagiging
makasarili.

Sa loob ng pamilya dapat natutuhan ng tao na iwaksi ang pagiging


makasarili at magsakripisyo alang-alang sa kapwa. Ang pagiging bukas
palad ay maipakikita ng pamilya sa pamamagitan ng mga gawaing
panlipunan.

Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang


maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na naituro sa loob ng
tahanan.
Ang Papel na Pampolitikal ng Pamilya

Nilalang ng Diyos ang tao hindi upang mamuhay mag-isa bagkus


upang ang tao ay makibahagi sa mga gampaning pang lipunan gaya ng
pakikibahagi sa isyu ng politika.

Kaugnay nito mahalagang maunawaan ng pamilya ang mga


aspektong may kinalaman sa kanilang mga pangunahing karapatan at
kalayaan nito na makapagpahayag ng mga nararamdaman at mga
saloobin sa nagaganap sa kanyang lipunan mahalga din na matuiyak ng
pamilya na ang mga pamantayan at batas ay hindi makakasama sa
lipunan at mga mamamayan nito sa pamamagitan ng pagbabantay at
pagpapatibay ng kanyang mga legal na karapatan at kalayaan.
Ang mga sumusunod ay ilan sa Karapatan ng Pamilya

1. Karapatan ng bawat tao na magpamilya sa kabila ng kanyang


katayuan sa buhay.

2. Karapatan sa banal na sakramento ng kasal na siyang higit na


magpapatibay sa pamilya.

3. Karapatan sa kalayaang pumili at bumoto ayon sa kanyang saloobin.

4. Karapatang makapagpahayag ng mga isipin at opinyon ukol sa mga


isyu ng lipunan.

5. Karapatan sa pag anib sa ano mang sekta ng relihiyon.

6. Karapatan na hubugin ang mga anak ayon sa kanilang mga


paniniwala at mga kaugaliang pagpapahalaga.

7. Karapatan sa wasto at maayos na edukasyon.

8. Karapatan sa pagsali at makibahagi sa mga iba’t – ibang samahan sa


lipunan.

9. Karapatan upang ipaglaban ang mga batas na siyang nag-iingat sa


karapatan ng higit na nakakarami.
III. ANO ANG NATUTUNAN?
GAWAIN 1

Panuto: Punan ang sumusunod na talahanayan ayon sa inyong opinion at


pag unawa ukol sa papel ng pamilya sa lipunan at pampolitikal na
tungkulin nito. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

Panlipunan Pampolitikal
1.

2.

3.

Mga gabay na tanong:

1. Batay sa iyong pagsagot nararapat ba na gampanan ng pamilya ang


mga sumusunod na sagot?

2. Sa iyong palagay mga magulang lang ba ang dapat gumawa ng mga


papel at gampaning ito?

3. Papaano mo maisasagawa ng madalas ang mga ito?

Ang rubric sa pagwawasto ng mga gabay na tanong sa gawain 1 ay


matatagpuan sa pahina
GAWAIN 2

Panuto: Punan ang mga sumusunod na pangungusap ayon sa iyong


papel na ginagampanan sa lipunan at pampolitikal. Isulat ang inyong
mga sagot sa sagutang papel.

1. Ang karapatan ko ay mahalaga dahil


__________________________________________.
2. Mamahalin ko ang aking kapwa dahil
__________________________________________.
3. Konsyensiya ang dapat kagamitin sa aking pagboto dahil
__________________________________________.

Mga Gabay na Tanong:

1. Bakit kailangan makibahagi ang pamilya sa mga panliupunan at


pampolitikal na gampanin?

2. Bakit mahalagang maipaglaban natin ang ating mga karapatan?

3. Paano maisusulong at mababantayan ng ating pamilya ang ating


mga pangunahing karapatan?

4. Ano ang kahalagahan ng papel ng pamilya sa lipunan?

Ang rubric sa pagwawasto ng mga gabay na tanong sa gawain 2 ay


matatagpuan sa pahina
GAWAIN 3

Panuto: Papaano gagampanan ng pamilya ang kanyang panlipunan at


pampolitikal na papel sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang inyong
mga sagot sa sagutang papel.

1. Pakikiramay sa namatayan
2. Pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad
3. Pakikiisa sa panahon ng Eleksyon
4. Pakikipaglaban sa mga pangunahing karapatan pangtao.

Mga Karagdagang Katanungan:

1. Ano ang halaga ng pakikibahagi ng pamilya sa mga nabanggit na


sitwasyon?

2. Ang iyong pamilya ba ay aktibo sa mga gawaing panlipunan? Bakit?

3. Bilang miyembro ng pamilya papaano mo isasabuhay ang mga papel


mo sa lipunan at sa mga gawaing pampolitikal?

Ang rubric sa pagwawasto ng mga gabay na tanong sa Gawain 3 ay


matatagpuan sa pahina
PAGPAPAYAMANG GAWAIN

Panuto: Sagutan ang mga sumunsunod na tanong ng pagpapayamang


gawain at isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang iyong dapat gawin upang mapaunlad ng iyong pamilya ang
kaniyang papel sa lipunan at pampolitikal?

2. Bilang miyembro ng pamilya papaano mo dapat isabuhay ang mga


pagpapahalaga sa inyong karapatan?

3. Sa iyong palagay papaano mo hihikayatin ang bawat kasapi ng


pamilyana makibahagi sa ma gawaing panlipunan at pampolitikak?

Ang rubric sa pagwawasto ng mga gabay na tanong sa Gawain I ay


matatagpuan sa pahina
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY
1 2 3
Walang kaugnayan ang May malapit na May malinaw na
naging kasagutan sa kaugnayan ang sagot kaugnayan ang sagot
tanong. sa taong. sa tanong.
SANGGUNIAN
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO BAITANG 8

Modyul para sa Mag- aaral, Pahina 15

Gabay sa Pagtuturo, Pahina 1-3


This material was contextualized by the Department of Education
Schools Division of Bulacan
Learning Resource Management and Development Center
San Miguel National High School

SCHOOLS DIVISION OF BULACAN

JOSE NIÑO P. BAUTISTA


Writer

LILIBETH S. ECHEVARRIA
Contributor / Head Teacher III – EsP Department

MARCIANO V. CRUZ, JR.


Principal IV

AGNES R. BERNARDO, Ph.D.


EPS-ADME Focal Person

GLENDA S. CONSTANTINO JOANNARIE C. GARCIA


Project Development Officer II Librarian II

RAINELDA M. BLANCO, Ph.D.


Education Program Supervisor – LRMDS

GREGORIO C. QUINTO JR., Ed.D.


Chief Curriculum and implementation Division

ZENIA G. MOSTOLES Ed. D., CESO V


School Division Superintendent
School Division Superintendent
SINOPSIS:

Pinag-aaralan natin ang tungkol sa kahalagahan ng pagtalakay sa


mga papel na panlipunan at pampolitikal na pamilya. Ito ay paksang
nararapat pag-ibayuhin ng bawat kasapi ng pamilya upang higit na
maprotektahan ang mga pangunahing karapatan ng bawat isa.

Mahalagang mabigyan diin ang paksang ito upang malabanan ang


mga banta sa integridad at moralidad ng pamilya.

Ating tunghayan ang Self-Learning Kit na ito upang matahak ang


landas patungo sa isang magandang pamumuhay sa pamamagitan ng
pagsasagot sa mga gawaing nakapaloob dito.

You might also like