You are on page 1of 2

Aralin 4 : Mga Paraan sa Pagtalakay sa mga Akdang Pampanitikan

Bigyan ng pagpapalawig ang mga salitang nasa ibaba. (20 puntos)

Ang guro ng Filipino bilang tagapagpadaloy ay may malinaw na layunin sa pagtuturo. Guro ang susi ukol
sa mabisang pagtuturo. Kung baga sa isang manggagamot, nararapat pulsuhan ng guro ang kanyang mga
mag-aaral, damhin at pakinggan ang tibok ng kanilang puso, pag-aralan ang sanhi ng kanilang
karamdaman bago lapatan ng kaukulang lunas.

Ang guro ang tinuturing ng mga estudyante bilang kanilang ikalawang ina’t ama. Bilang
tumatayong mga magulang , marapat lamang na kanilang malaman kung ano ang isinasaiip o nasasaloob
ng kaniyang mga estudyante upang matulungan niya ito o mabigyan man lang ng payo. Ang mga guro
ang isa sa ehemplo na tinitingala ng isang estudyante, kung ano ang kanilang sabihin ay pinaniniwalaan
ito ng kanilang mga mag-aaral, kaya kung paano sila umasal ay gayundin ang kanilang mga tinuturuan.
Isa rin sa mabisang pagtuturo at pagkatuto ng mga estudyante ay ang pagkakaroon ng koneksyon, kung
saan ang isang indibidwal ay malayang makapagsalita o makapagtanong sa kanyang guro batay sa
kanyang mga di nauunawaan o isinasaisip upang ito ay kanyang mas lalong maintindihan. Layunin ng
guro na di lamang turuan ng mga bagong kaalaman ang kanyang mga estudyante kundi plantsahin rin ang
mga gusot na paniniwala ng mga ito. Sa ganitong paraan, mas lalo pang magiging malinaw ang
patutunguhan ng kanyang mga estudyante.

Bigyan ng Pagpapalawig ang mga winika ng mga ss. Na kilalang tao. (15 puntos bawat isa)

1. Ayon kay Pahham (1980), malaki ang tungkuling ginagampanan ng guro sa pagpapaunlad ng
kakayahang taglay ng mga mag-aaral.

Bilang ikalawang magulang, guro ang siyang humihimok sa kanyang mag-aaral upang
paunlarin at ipakita ang kanyang mga kakayahan, talento at abilidad. Malalaman din niya kung
saang aspeto nangangailangan ng higit na atensyon ang kanyang mga mag-aaral. Gawain din ng
isang guro na huwag bitiwan at himukin ang mga ito na magpatuloy lamang sa paglinang ng
kanilang mga kakayahan. Para sa mga estudyante, guro ang isa sa kanilang modelo na kanilang
tinitingala at pinagkukunan din ng inpirasyon.Gampanin ng guro na alalayan ang kanyang mga
estudyante upang di lamang maipakita ang kanilang mga kakayahan kundi ay marating ang
kanilang mga pinapangarap na buhay.

2. Si Richards (1992) ay nagsabong ang epektibong guro ay malikhain. Ang kanilang klase ay
masigla, kawili-wili at lagging may bagong gawain. Hindi lamang ang magpunla at magkintal ng
impormasyon o prinsipyo ang hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais aymatulungan ang
mag-aaral na mapabuti ang kanilang buhay.

Ang bawat indibidwal ay mayroong kanya-kanyang kakayahan ng pagkatuto, hindi lahat


ay madaling makapagpunla ng kanilang mga inaaral. Marapat lamang na alam ng mga guro ang
kakayahan ng kanyang mga mag-aaral upang siya ay makapaglapat ng mga kaukulang
metodolohiya upang ang bawat isa ay kaniyang matulungang mag-aral at mapabuti ang
kalagayan. Nararapat rin naman na upang maging kawili-wili ang bawat talakayan ay magkaroon
ng ibat-ibang aktibidades na konektado sa aralin upang ang mga mag-aaral ay nasisiyahan habang
sila ay matuto. Sa pagiging malikhain ng guro upang makuha ang atensyon ng kanyang mga mag-
aaral ay siguradong magiging interesado pang lalo ang bawat isa na matutong mag-aral.
Halimbawa na lamang na kung ang isang guro ay magiging makwela sa harap ng kanyang mga
estudyante habang oras ng pag-aaral ay maari niyang makuha ang natutulog at namamasyal na
isipan ng mga ito.

3. Dagdag ni Hendricks (1998), nasusukat ang pagiging epektibo ng isang guro sa gawain, kaasalan
at saloobin ng kaniyang tinuturuan , Ito ang resulta ng kanyang gawain sa klase. Ito ang batas ng
edukasyon.

Katulad ng isang kasabihan na “Kung ano ang puno siya din ang bunga”, kapag ang guro at mga
estudyante ay nasa loob nang silid-aralan sila ay nagiging isa ng pamilya. Ang mga guro ang
kanilang nagiging batayan kung paano sila kikilos at aasal sa paaralan. Halimbawa na lamang na
kung ang isang guro ay papasok lamang sa silid para magbigay ng gawain at sasagutan lamang ito
ng kaniyang mga estudyante batay lamang sa kanilang pagkakaintindi at di pinag-iisipang mabuti,
malamang na ang aralin ay hindi makikintal sa isipan ng mga mag-aaral. Ngunit kung ang guro
ay isang propesyunal na kung saan kahit na anong mangyari ay papasok sa silid na di lamang
magbibigay ng gawain kundi ipapaliwanag rin ang aralin, malamang na mayroong mas malalim
na matututunan ang mga ito. Bilang isang guro, marapat lamang na turuan niya ang mga
estudyante na magisip ng mas malalim upang maensayo pa nito ang kanilang mga pag-iisip.

You might also like