You are on page 1of 6

Iris Mariel Mendoza Caguimbal

June 7, 2016  ·    · 


Unang linggo ko sa UP, alam kong mahihirapan na akong pagsabayin ang pag-aaral at tungkulin ko sa Kanya. Tinanong ko sa
sarili ko, alin ba ang mahalaga sa dalawa? Parehas namang mahalaga. Oo mahalaga parehas. Pero di naman pupuwedeng
isakripisyo ko ang para sa Ama.
Luluwas para mag-aral, uuwi para tumupad. Linggo, linggo, sa loob ng 5 taon.
Minsan, kinukulang na talaga sa oras, sa kain, sa tulog, pati ligo minsan di ko na magawa. Naiiyak na lang ako minsan habang
nanalangin ng tahimik…“Ama, sana umabot po ako sa drill, …. sana makaabot po ako ensayo, …sana makaabot po ako sa
panata, … sana di po ako mahilo sa koro, .. sana po mapostpone ang exam, sana po mawalan ng pasok …sana di magsabay yung
ganito sa tupad, …sana pumasa kahit di na nakapag-aral”
Lagi Niyo po ako dinidinig. Palagi. Every. Single. Time. Kinikilabutan na nga lang ako. Ganun ba ako kabait at lagi Niyo na lang
ako pinagbigyan? Enebeee. :’(
Ngayon, heto na naman po, at muli Niyo na naman akong pinagbigyan:
MA, PA. WE MADE IT PO. GA-GRADUATE NA ANG INYONG ANAK.
I cryyyyyyyyyyyyyyyy. Cry with meeeeeeeeee ^#&$*(&!#*%*#
Makakatulong na po ako sa bahay! (If you know what I mean HO HO HO.)
At dadating din po sa puntong di niyo na kailangan magtrabaho, kami na po ang bahala diyan!
Salamat po sa lahat, kayo ang karapatdapat magsuot ng Sablay na to!
SALAMAT PO AMA, SA INYO PO LAHAT NG KAPURIHAN! Pangakong sa tungkulin ay lalo pang magtatalaga at
gagamitin ang aking natapos ayon sa kalooban mo, Ama!
Sa mga patuloy pang nagsisipag-aral, totoo na kapag ipinagpauna mo yung para sa Diyos, Siya na ang bahala sa kung anong iwan
mo. Hindi ka malulugi. Hindi talaga, Higit pa diyan ang babalik sa iyo. Promise yan. Huwag na huwag pabayaan ang tungkulin.
Number 1 yan lagi. Number 2 ang pag-aaral. Saan ba nakukuha ang kailangan sa pag-aaral, di ga’t sa Kanya din naman?
“Tunay na karunungan ay galing sa Ama.” ika nga sa awit.
--------------------
UP. It's been one hell of a ride.
Alam mo ba, sa ‘yo ko naexperience ang pinakamapait na yugto ng buhay ko? Pero sa huli, narealize kong kinailangan talaga
kitang maranasan. You have no idea how much you have transformed me.
Yes, I lost some things in the process, but I still gained everything in the end.
Thank you for the experience, UP.
Malayong lupain, akin mang marating.
Di magbabago ang damdamin!
#Servethepeople
#IskolarNgBayan
#KabataangIglesiaNiCristo
#Mangaawit
Love Wins
June 8, 2016  · 
Pafall
(MedjoLongStory) 1st year college ako at 3rd year college ka. Hey there, R. 2 years age gap natin. Nameet ko muna mga
kaibigan mo bago kita nameet. Kasi nga baguhan palang ako dito sa London. Tinanong mo pa name ko at kung san ako nakatira,
syempre dahil friends na tayo sinabi ko na. Parehas pala tayo ng sasakayang bus from school. Ayun tumatagal na eh
nagkakatuwaan na tayo. Sabay tayong nagtetake ng bus papunta sa school. Pag pauwi kasama pa natin ung isa pa nating kaibigan
na si M, diba. Tapos nagtetexan pa tayo nun. Mas close mo pa nga ako kesa sa ibang kaibigan natin eh. Ang kulit kulit ko diba ?
Hilig ko mambasag, pick up lines tapos magsabi ng jokes. Tapos after how many months bigla kang nag confess sa akin..sabi mo
nahulog ka na at maghihintay ka hanggang sa makapagtapos tayo ng pag aaral at pag 18 na ako tska kita sasagutin. Nag pinky
swear pa tayo sa isa't isa na walang iwanan at magtatapos tayo ng pag aaral at makakahanap ng magandang trabaho at gagawin
natin yun ng magkasama. As time pass by, nahulog na din pala ako sayo. Wala ka pang experience sa mga relationships diba
kaya talagang panay ka tanong sakin kasi may experience ako. Hanggang sa ayon , naging MU tayo. Hindi alam ng barkada
except si M, diba. Lumalabas labas tayo, pictures dito pictures doon. Basta ang saya saya natin.. sobra. Pero bakit ganon ? Nung
isang araw na magkasama tayo diba ang saya natin nun. Niyaya pa nga kitang gumala . Pero nung pauwi na tayo sabi mo may
sasabihin kang importante sakin. Kinabahan naman ako nun. Naglalakad na tayo kasi ihahatid mo ako sa bahay namin.
Tinanong mo bigla kung anong nararamdaman ko sayo.. Sabi ko love. Eh kasi un naman talaga eh. Ilang beses nga tayo mag sabi
ng 'iloveyou' sa isa't isa sa isang araw eh. Tapos bigla ka nalang nagmura. Naguguluhan ako sayo hindi ko alam kung bakit
parang galit ka pa. Tska bigla mong sinabi na parang may mali.. bigla akong mapahinto. Ano naman kaya ibig sabihin nun. Sabi
mo i-concentrate mo muna ung pag aaral mo. Na kailangan mong umiwas sa akin. Hindi naman madaling umiwas eh. . Diba
sabi natin sa isa't isa na magtatapos tayo at tutuparin natin mga pangarap natin pag naka graduate na tayo ? Bakit bigla mo nalang
akong pinapalayo sayo? Sabi mo pa na ituring nalang kitang kaibigan nung parang dati lang na walang hatid hatid at hindi na
sabay papuntang school. Tska na biglang tumulo ung luha ko.. sa harapan mo pa. Niyakap mo ako, pinupunasan mo luha ko at
sorry ka ng sorry. The next day, monday.. may pasok. Kailangan ko na palang pumunta sa school ng mag isa kasi wala ka nang
maghihintay sakin sa labas nh bahay namin. Kailangan ko na palang buhatin tong mga libro kong mabibigat dahil wala ka naman
nang pwedeng magbuhat nito, mag isa ko nang pumupunta sa mga classes ko dahil wala ka nang kinakasama ko.. hindi naging
madali para sakin to.. dahil sanay akong nandyan ka palagi sa tabi ko. Pag nakikita kita pag lunch na salo salo tayong
magkakaibigan, ang sakit isipin na parang ang dali sayong mag adjust kasi para sakin hindi eh. . Pauwi na tayo, hindi na tayo
magkatabi sa bus. Nasa likod kita at katabi mo si M. Nagtext ka bigla. nagsosorry ka kasi pansin niyang ang pale ko kanina pa at
maga pa ang mata ko. Sorry ka talaga ng sorry at sabi mong sana i-consider ko din ung studies mo. Oo naiintindihan naman kita.
Syempre kailangan ng pag aaral. Kaso sana cinonsider mo din ung feelings ko. Hindi ka pa pala handa eh. Sana sinabi mo ng mas
maaga hindi ung nagpadalos dalos kang ipa-fall ako nang wala ka naman palang balak saluhin ako. . Kasi ang sakit eh . Sobrang
sakit...
Ms. B
17 Female
London, UK
https://www.pup.edu.ph/downloads/students/

You might also like