You are on page 1of 241

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO

Kagawaran ng Filipinolohiya

1
PANITIKANG FILIPINO
GABAY SA KURSO

DESKRIPSYON NG KURSO:
Ang Panitikang Filipino bilang isang kursong Filipino sa Kolehiyo ay nakatuon sa
pag-aaral ng mga akdang Pampanitikang sumasalamin sa pamumuhay, kultura,
lipunan, pamahalaan at maging ng kasaysayan ng sambayanan/liping Pilipino.
Gamit ang Wikang Filipino bilang wika ng pagkatuto; nakatuon ang kurso sa pag-
aaral ng pasalita at pasulat na tradisyon ng ating panitikan. Babagtasin nito ang mga
yugto ng panitikan sa iba’t ibang panahon na may espesyal na tuon sa pag-aaral ng
mga akdang pampanitikang nakalapat at nakaugnay sa mga kasanayan ng iba’t ibang
larang at disiplina.
Tangan ng kursong ito ang mga sumusunod, una; pag-aaral, pagtalakay,
pagsusuri at pagkilatis ng iba’t ibang akda ng mga Pilipinong manunulat sa wikang
Filipino, banyagang wika at Bernakular na magiging salalayan sa pagsusulong ng
kaisipang Filipinolohiya. Pangalawa; ang pagbasa sa mga kontemporaryong mga
akdang pampanitikan na tangan ang malaya at progresibong kaisipan; pangatlo; ang
pag-aaral ng Panitikang Filipino bilang lente sa ating kasaysayan na may maka-
Pilipinong pananaw. At pang-apat; ang pagkakaroon ng produksyon at presentasyon ng
mga artikulong hinggil sa mga panunuri ng mga akdang pampanitikan.

INAASAHANG KALALABASAN:
1. Makapagtamo ng kaalaman sa mga umiiral na panitikan sa Pilipinas ayon sa
historikal na pag-unlad nito;

2. Nakapagtatalakay ng mga akdang Pampanitikan na sumasalamin sa iba’t ibang


aspekto ng pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at kasaysayan ng
sambayanang Pilipino.

3. Nakapagpapahayag ng may kabisaan ukol sa pasalita at pasulat na tradisyon ng


panitikang Pilipino.

4. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang wika;

5. Nakapag-uugnay ng mga kasanayan mula sa iba’t ibang larang at disiplina


tungo sa pagsusuri at pag-unawa sa iba’t ibang akdang pampanitikan.

6. Nakapagsusuri at analisa ng mga akdang pampanitikang likha ng mga


manunulat na Pilipino mula sa iba’t ibang wika – Filipino, Banyaga at Bernakular
tungo sa kaisipang Filipinolohiya.

7. Nakababasa at nakauunawa ng mga kontemporaryong akdang pampanitikan


tangan ang Malaya at progresibong kaisipan.

2
8. Kritikal na nakapagsusuri ng mga akdang pampanitikan gamit ang lente ng
maka-Pilipinong pananaw.

9. Nakabubuo ng papel/artikulo hinggil sa panunuri ng mga akdang pampanitikan.

10. Responsableng nakagagamit ng iba’t ibang platform para sa pagtatanyag sa


iba’t ibang panitikang Pilipino.

11. Naisasabuhay ang mga aral sa akda para sa mabuting paglilingkod.

12. Nagsisilbing kasangkapan sa pagpapalaganap ng Panitikang Filipino sa lokal at


globa na aspeto.

AWTLAYN NG KURSO:

Kabanata 1: Samu’t Saring kabatiran sa Panitikan


Kabanata 2: Mga Saligan sa Panunuring Pampanitikan
Kabanata 3: Mga Pananalig sa Teoryang Pampanitikan
Kabanata 4: Mga Paraan sa Pagtalakay sa Akdang Pampanitikan
Kabanata 5: Pagpapahalaga sa Akdang Pampanitikan
 Awit
 Komiks
 Miakling Kuwento
 Nobela
 Pelikula
 Sanaysay
 Tula

MGA MATERYALES NA GAGAMITIN:

Kabanata 1: Samu’t Saring kabatiran sa Panitikan

Kabanata 2: Mga Saligan sa Panunuring Pampanitikan

Elmer A. Ordoñez, “Protest Literature” nasa Manila Standard Today,


Pebero 3, 2007.

Edgardo B. Maranan, “Against the Dying of the Light: The Filipino Writer and
Martial Law” binasa ng may-akda sa mga estudyante at mga guro
sa University of London’s School of Oriental and African Studies
noong Setyembre 1999 na inilagay sa website na,
http://www.oovrag.com/essays/essay2007b-1.shtml.

3
Kabanata 3: Mga Pananalig sa Teoryang Pampanitikan

Arias, Suzette Marie A. at Pelonio, Edwin G. Jr. “Mga Teoryang Pampanitikan”


Central Bicol State University of Agriculture, Camarines Sur. 2015

Mag-atas, Rosario U. et. al. MASINING NA PAGPAPAHAYAG (RETORIKA).


Grandwater Publications and Research Corp. Makati City . Copyright 2007

Kabanata 4: Mga Paraan sa Pagtalakay sa Akdang Pampanitikan

Kabanata 5: Pagpapahalaga sa Akdang Pampanitikan

 Awit

Maceda T. Pagkatha ng Tunay at Totoo sa mga Lipunang Silensyo


(July-December 2015) Social Science Diliman

Navarro, R. (2001) Ang Musika sa Pilipinas: Pagbuo ng Kolonyal Polisi,


1898-1935. Humanities Diliman

Navarro, R. (2017) Apat ba Taong Pagsikat ng Nakapapasong Araw: Musika sa


Filipinas sa Panahon ng Hapon, 1942-1945. Plaridel

Navarro R. (January-December 2008) Ang Bagong Lipunan, 1972-1986: Isang


Panimulang Pag-aaral sa Musika at Lipunan. Humanities Diliman.
Salamat, M. (2018, December 14). In the Philippines, A Dam Struggle
Spans Generations, Inspires Songs of Unity For the Environment. Bulatlat
News, Mula sa https://www.bulatlat.com/2018/12/14/in-the-philippines-a-
dam-struggle-spans-generations-inspires-songs-of-unity-for-the-
environment/

 Komiks
 Maikling Kuwento

Ordonez, Rogelio L. "Kapayapaan sa Madaling Araw", Pluma at Papel


https://plumaatpapel.wordpress.com/2009/07/09/kapayapaan-sa-
madaling-araw/

Samar, Edgar Calabia "Pagsulat ng Maikling Kuwento" Mula sa:


https://www.facebook.com/watch/live/?v=273232570527367&ref=watch_
permalink

4
 Nobela
Bhaba, H., 2020. “Of Mimicry And Man: The Ambivalence Of Colonial
Discourse”. [online] JSTOR.org. Available at:
<https://www.jstor.org/stable/778467> [Accessed 23 May 2020].

Jameson, Fredric. “Third-World Literature in the Era of Multinational Capitalism”.


Social Text 15 (1986): 65-88. Print.

Lukacs, George. “The Theory of the Novel”. First Printing ed., Free Press, 1967.

Mojares, Resil. “Where in the World is the Filipino Writer?. PUP Professorial
Chairholder on Literary Studies, October, 2019.

Reyes, Soledad S. “From Darna to ZsaZsa Zaturnah: Desire and Fantasy”.


Anvil Publishing, 2009.

San Juan Jr., E., (2014). “Panitikan, Ideolohiya, Rebolusyon: Edukasyon at


Pedagohiya sa Bisa ng Nobelang ‘Desaparesidos’ ni Lualhati Bautista” ni
E. San Juan Jr. Mula sa Academia. Edu.
https://www.academia.edu/11779768/DESAPARESIDOS_Nobela_ni
_Lualhati_Bautista_Isang_Pagsipat_at_Interpretasyon_ni_E._San_Juan_
Jr

Samar, Edgar Calabia. “Unang Siglo ng Nobela sa Filipinas” (2009) ni


Virgilio S. Almario, mula sa Atisan Novels.

Tolentino, R. (2009). “Pag-aklas, pagbaklas, pagbagtas: politikal na kritisismong


pampanitikan”. University of the Philippines Press: Quezon City

 Pelikula
Carballo, B. (Prodyuser) & Bernal, I. (Direktor). (1982/2012). Himala [Digitally
restored].
Philippines: Experimental Cinema of the Philippines (ECP) & ABS-CBN
Corporation. Nakuha sa iWant, mula sa https://beta.iwant.ph/
movies/himala
-digitally-restored/400a8f82-5e16-4b09-b7aa-5e7ff9fca700

CNN (13 November 2008). Filipino film ‘Himala’ wins CNN APSA Viewers Choice
Award. Nakuha sa https://edition.cnn.com/2008/SHOWBIZ/Movies/11/13/
himala.asiapacificscreenawards/

5
Arguelles, R. (Prodyuser), Dalena, S. R. L. & Sicat, K (Mga direktor). (2012).
Himala
Ngayon. Philippines: Kino Arts & Creative Programs. Nakuha sa Cinema One
YouTube, mula sa https://www.youtube.com/watch?v=X56Ac94gPoY

Flores, P. & Young Critics Circle. (2009a). Karanasan sa panonood ng sine.


Sining ng Sineng Filipino. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino. pp.
3-12.

Flores, P. & Young Critics Circle. (2009b). Ang sine bilang anyo. Sining ng
Sineng Filipino. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino. pp. 15-23.

IMDB. Himala 1982 Awards. Internet Movie Database. Nakuha sa


https://www.imdb.com/title/tt0125144/awards

Lee, R. (2009). Si Tatang at mga himala ng ating panahon: Koleksyon ng mga


akda ni Ricky Lee. Lungsod Quezon: Writers Studio Philippines. pp. 94-
146.

Lumbera, B. et al. (1994). Philippine Literature. CCP Encyclopedia of Philippine


Art. Ed. Nicanor Tiongson. Vol. IX (Literature). Lungsod Pasay: CCP, pp.
17, 24.

Lumbera, B. (2000). Basahin ang sine. Writing the nation/Pag-akda ng bansa.


Lungsod Quezon: University of the Philippines Press. pp. 99-101.

Tolentino, R. (2009). “Domeyn ng panitikan: Kung hindi ngayon, kalian? Kung


hindi tayo, sino? Kung hindi rito, saan?”. Pag-aklas, Pagbaklas,
Pagbagtas: Politikal na Kritisismong Pampanitikan. Lungsod Quezon:
University of the Philippines Press. pp. 33-29.

 Sanaysay
Lumbera, B. Ang Sanaysay: Introduksyon. Sa B. Lumbera. R. Villanueva,
R. Tolentino, & J. Barrios (Eds.) Paano Magbasa ng Panitikang Filipino
(pp. 3-9). Lungsod Quezon: University of the Philippines Press.

Guda, Kenneth Roland A. Peryodismo sa Bingit: Mga naratibong ulat sa


panahon ng digmaan at krisis. Lungsod Quezon: University of the
Philippines Press, 2016, 95-129. Print.

Santiago. Lilia Quindoza (ed.). Mga idea at estilo: Komposisyong pangkolehiyo

6
sa wikang Filipino. Lungsod Quezon: UP Press at DFPP-UP Diliman,
1995. Print.

 Tula

Andang Juan. (2013, January 13). Ano’ng Tula?. Nakuha mula sa


https://arspolitika.wordpress.com/2013/01/10/anong-tula/

Añonuevo, R.[Roberto]. (2009, June 5). Kahulugan ng Talinghaga. Retrieved


from Alimbukad: https://dakilapinoy.com/2009/06/05/kahulugan-ng-
talinghaga/

Anonuevo, R. [Rebecca]. (2014). Language Poetry: Saan ang Mambabasa? In R.


Anonuevo, Talab: Mga Sanaysay sa Panitikan, Wika at Pagtuturo (pp. 122-128). Naga:
Ateneo De Naga University Press

Gappi, R. R. (2013, February 19). Hinggil sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino.


Nakuha sa https://arspolitika.wordpress.com/2013/02/19/hinggil-sa-
malikhaing-pagsulat-ng-tula-sa-filipino/

Guillermo, G. (2013, March 5). Ano ang silbi ng Makata?. Nakuha mula sa
https://arspolitika.wordpress.com/2013/03/05/ano-ang-silbi-ng-mga-
makata/

Macaraig, M. B. (2004). Sulyap sa Panulaang Filipino. Lungsod ng Maynila:


Rex Bookstore.
Montalban, P. (2018). KM64 Patikim Workshop: 24/7 na Karinderya ang Tula
[Powerpoint slides]. Nakuha mula sa http://facebook.com/km64
Montalban, P. (2020). Karapatang Sumulat, Sumulat Para sa Karapatan
[Powerpoint slides]. Nakuha mula sa http://facebook.com/km64

PLANO NG KURSO

7
WEEK KABANATA/PAKSA GAWAIN
1-2 Oryentasyon sa VMGO (Vision, Talakayan at pagsagot sa mga
Mission, Goals at Objective) ng inihandang aktibidades na
Unibersidad. makikita sa kabanata 1

Pagbibigay ng mga kahingian sa


kurso, pagtatalakay sa
kasaklawan ng mga paksain sa
klase at sistema ng paggagrado
(grading system).

Kabanata 1
3-4 Kabanata 2 Talakayan

Pagsagot sa mga gabay na


katanungan na makikita sa
kabanata 2.

5-6 Kabanata 3 Talakayan

Makapagsuri ng mga akdang


pampanitikan batay sa mga
sumusunod na balanagkas:

-Saligan
-Buod (Maikli lamang)
-Kahulugan ng pamagat
-Mga Teorya / Pananalig
Pampanitikang Napapaloob sa
Akda
-Implikasyon

Bilang ng akdang pampanitikan na


susuriin:
Maikling kwento (1)
Nobela (1)
Pelikula (1)
Dula (1)

7-8 Kabanata 4 Talakayan

8
9 PANGGITNANG PAGSUSULIT

10-17 Kabanata 5 Talakayan

 Awitin Pagsagot sa mga katanungan


tungkol sa kantang Un Potok na
likha ni Fr. Oliver Castor.

 Komiks

 Maikling Kuwento Pagbasa sa maikling kuwentong


“Kapayaan sa madaling araw” ni
Rogelio Ordoñez at pagsagot sa
mga kaakibat na katanungan.

Pagsagot sa mga inihandang


 Nobela katanungan tungkol sa nobelang
binasa.

Pagtukoy sa mga elemento ng


pelikula na inihanay sa
 Pelikula babasahing “Ang Sine bilang
anyo” mula sa Sining ng sine
Filipino na isinulat ni Patrick Flores
para sa YCC (2009b).

Panonod ng pelikulang Himala


(1982/2014) sa iWant
app;panonood ng dokumentaryong
Himala Ngayon (2014) sa
Youtube; o pagbabasa ng iskrip ng
Himala na matatagpuan sa libro ni
Ricky Lee (2009).

Pagsulat ng repleksyong papel

9
Pagbasa ng babasahing “Tungkol
kay Angel Locsin” p. 101-107, at
“Pangmomolestiya sa Pabrika” p.
 Sanaysay 113-116 mula sa Peryodismo sa
Bingit: Mga Naratibong Ulat sa
Panahon ng Digmaan at Krisis ni
Kennenth Roland A. Guda.

Paggawa ng sanaysay batay sa


sariling danas tungkol sa mga
sumusunod:
1. Kalagayan ng pamilya sa
ilalim ng ECQ.
2. Obserbasyon sa Freedom
of Expression sa panahon
ng pandemya.
3. Kalagayan ng mga mag-
aaral sa pagkakaroon ng
Online Class.

Bugtongan Challenge

Pagsulat ng maikling tula batay sa


piniling apat na larawan na may
dalawang saknong at may
 Tula sinusundaang tugmaan.

Panghuling pagtatasa tungkol sa


binasang tula.

18 HULING PAGSUSULIT O PAGPAPASA NG KAHINGIANG PAPEL

10
KABANATA 1

SAMU’T SARING
KABATIRAN SA
PANITIKANG
FILIPINO

11
Layunin:
1. Makapagtamo ng kaalaman sa mga umiiral na panitikan sa Pilipinas ayon sa
historikal na pag-unlad nito;

2. Nakapagtatalakay ng mga akdang Pampanitikan na sumasalamin sa iba’t ibang


aspekto ng pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at kasaysayan ng
sambayanang Pilipino.

3. Nakapagpapahayag ng may kabisaan ukol sa pasalita at pasulat na tradisyon ng


panitikang Pilipino.

4. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang wika.

5. Naisasabuhay ang mga aral sa akda para sa mabuting paglilingkod.

6. Nagsisilbing kasangkapan sa pagpapalaganap ng Panitikang Filipino sa lokal at


globa na aspeto.

KAHULUGAN NG PANITIKAN

I. PANIMULANG GAWAIN:

Panuto. Mula sa lahat ng iyong naging kabatiran at mga naging pag-aaral hinggil sa
panitikan, lagyan ng katumbas na salita ang akronim na PANITIKAN na sa iyong
palagay ay naglalarawan dito at ipaliwanag.
P -___________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
A -___________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
N -___________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
I -____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
T -___________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

12
I -____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
K -___________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
A -___________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
N -___________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

II. PAGTALAKAY:

Marami-rami na rin siguro ang mga narinig mo nang kuwento mula sa magulang,
lolo, lola, tiyo, tiya, pinsan, kamag-anak, kaibigan, guro, kaaway at iba pang tao. Hindi
na rin siguro mabilang ang iyong mga nabasa mula sa facebook, twitter, blog, o iba’t
ibang social media, maging sa mga libro, magasin, komiks, patalastas, peryodikit,
brosyur at iba pa. Kung oo ang iyong sagot, nagpapatunay lamang ito na hindi ka
makakatakas sa daigdig ng panitikan. Halos lahat ng galaw mo sa buhay ay nasa
impluwensiya ng panitikan.

Sinasabing ang Panitikan ay kabuuan ng mga akda, o ang disiplina ng pag-aaral


nito. Ngunit bago pa man naging isang disiplina, ang panitikan bilang isang natatanging
kabuuan o body of works ay umiiral na. Ito ay sa kadahilanang likas sa tao ang
magpahayag at lumikha. Naging bunga ang panitikan ng pagnanasa ng taong
makapagpahayag at maging malikhain.

Mula nang mapagtanto ng tao ang kahalagahan ng panitikan sa kanyang


pagkatao, nagsimula itong maging disiplina ng pag-aaral. Mula noon, ang dating
behikulo lamang ng ekspresyon at manipestasyon ng pagkamalikhain, ito ay naging
isang karunungang kailangan ng tao at ng kanyang sibilisasyon.

Sa kasalukuyan, ang pag-aaral ng panitikan ay isang pangangailangang pang-


edukasyon sa halos lahat ng antas ng pag-aaral. Ang pag-aaral nito ay
gumanap/gumaganap ng iba’t ibang tungkulin at iba-iba sa bawat panahon, sa bawat
lugar, sa bawat antas.

Sa ating kasalukuyang kaayusang pang-edukasyon, partikular sa antas-kolehiyo,


ang pag-aaral ng panitikan ay nakabatay sa dalawang pangunahing pemis: kognitibo at
kultural, bukod sa iba pa. Lunsaran ang panitikan ng pagpapaunlad ng mga
kasanayang kognitibo o pangkaisipan ng mga mag-aaral. Bukod dito, kasangkapan din

13
ito, partikular ang pag-aaral ng ating sariling panitikan, sa pagpapatibay ng sariling
kabansaan at pagkakakilanlan.

Hindi kaiba sa ibang disiplina, ang pag-aaral ng panitikan ay isang prosesong


debelopmental.

Kahulugan ng Panitikan
Sinasabing ang Panitikang Pilipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga
damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang
pampulitika at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.

Bakas na bakas sa kultura ng mga Pilipino ang pasalitang pagpapahayag ng


damdamin. Hindi natin maitatatwa na ang ating mga ninuno o marahil mga lolo at lola
ninyo ay nakaranas pa ng mga umpukan noong sila ay mga bata at nagbibidahan ng
kani-kaniyang pasiklab gaya ng bugtungan. palaisipan paligsahan ng tula, o kaya
nama’y pagkukuwento ng mga alamat, kuwentong bayan. Ang mga ito ay maihahanay
natin sa mga panitikang pasalita. Sa kasalukuyan, marami pa rin ang gumagamit at
sumisikat sa ganitong uri ng panitikang pasalita gaya ng spoken poetry at paligsahan sa
pamamagitan ng flip top.

Hindi rin matatawaran ang bugso nang hindi mabilang na naisulat na panitikang
Pilipino na umiiral sa ating bansa na naging bahagi na ng ating kasaysayan at
karamihan pa nga ay naging malaking ambag sa pagbibihis at pagbabago ng lipunang
Pilipino.

Ayon kina Lalic, E.D. at Matic, Avelina J (2004) Ang panitikan ng isang lahi ay
ulat na nagpapakilala ng pagkukuro at mga damdamin ng lahi nito. Sa panitikan ng
isang bansa mababakas ang mga kaisipan at mga bagay na nilulunggati,
kinahuhumalingan o kinasusuklaman ng lahi nito. Ang pagbabago ng kabuhayan ng
isang bansa ay nakaiimpluwensya sa panitikan nito.

Hindi maikakaila na napakalaking bahagi ng mga mamamayan ng Pilipinas ang


kabilang pananampalatayang katolisismo dahil sa impluwensiya ng mga panitikang
umiral sa bansa sa loob ng mahabang panahon, gayonpaman dahil sa pag-usbong iba
pang uri at klase ng panitikang panrelihiyon kung bakit lumaganap at lalo pang dumami
ang iba’t ibang sekta sa Pilipinas. Maging ang pamumuhay ng mga Pilipino ay
kinabakasan ng maraming pagbabago dahil sa impluwensiya ng panitikan.

Iba-iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa panitikan.


May mga nagsasabing ang panitikan ay talaan ng buhay. Ayon kay Arrogante (1983),
talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan
ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig ng kanyang
kinabibilangan at pinapangarap.

14
Ayon naman kina Salazar (1995), ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos
sa alinmang uri ng lipunan. Maaalalang nagsilbing titis sa mga Amerikanong may kulay
ang pagkakabasa nila sa Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe upang kanilang
ipakipaglaban ang kanilang pantay na karapatan sa mata ng batas at katarungan na
humantong sa kanilang tagumpay sa Digmaang Sibil sa Amerika. Pinukaw naman ni
Jean Jacques Russeau sa kanyang Social Contract ang isipan ng mga Pranses. Sa
pamamagitan ng akda ni Russeau, nabatid nilang sila’y biniyayaan din ng Diyos ng
karapatan at katarungan at natutunan nilang iyo’y kanilang ipakipaglaban. Nang patuloy
iyong ipagkait sa mga Pranses, ang pakikipaglaban nila sa katarungan at karapatan ay
humantong sa isang himagsikan sa Pransya, dito sa Pilipinas man ay makakatukoy ng
napakaraming katibayan kung paano pinakilos ng panitikan ang lipunan. Nagsilbing
inspirasyon sa mga katipunero ang mga akda ni Rizal upang maglunsad ng isang
himagsikan laban sa mga Kastila. Ang mapanghimagsik na dulang itinanghal noong
panahon ng mga Amerikano ay ikinapiit ng mga may-akda niyon at lalong nagpagalit sa
maraming Pilipino. Sinikil ng dating Pangulong Marcos ang laya sa pamamahayag
ngunit hindi niya napigilan ang paglaganap ng mga akdang naglalarawan sa
pagmamalabis ng kanyang administrasyon. Iyon ay isa sa maraming dahilan ng
pagwawakas ng kanyang pamumuno noong 1986 sa EDSA.

Ayon naman kay Webster (1947), ang panitikan ay katipunan ng mga akdang
nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong
anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw. Kung ang panitikan ay katipunan ng
mga akdang nasusulat, maituturing bang panitikan ang mga tula, tugaman, kasabihan,
awit at iba pang pasalin-salin sa bibig ng tao lalo na noong panahong bago dumating
ang mga Kastila sa ating kapuluan? Ang sagot ay oo, panitikan din ang mga iyon.
Kailangan bigyang-diin na ang kahulugan ni Webster ay modernong pagpapakahulugan
sa panitikan sa panahong ang tao ay marunong nang sumulat at sa panahong ang
panitikang pasalin-dila ay naisalin na sa anyong pasulat. Kung tutuusin, maging ang
palabuan ng salitang panitikan ay nagbibigay-diin sa pasulat na katangian nito.

Ang salitang panitikan ay nanggagaling sa salitang-ugat na titik, kung gayon,


naisatitik o nasusulat. Ngunit lahat ba ng nasusulat ay maituturing nang panitikan? Ang
sagot naman sa tanong na ito ay hindi. Kung babalikan natin ang kahulugang ibinigay ni
Webster, matutukoy natin ang iba pang pangangailangan upang ang isang bagay na
nasusulat ay maituturing na panitikan-malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo,
pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw.

Ayon kay Bro. Azarian sa kanyang Pilosopiya ng Literatura, ang panitikan ay


pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa lipunan, at pamahalaan, at kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang
Lumikha.

Ayon naman kay Jose Villa Panganiban (1954), ang paraan ng pagpapahayag
ay iniaayos sa iba’t ibang karanasan at lagay ng kalooban at kaluluwa na nababalot ng
pag-ibig o pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba.

15
Binigyang din nina Luz de la Concha at Lamberto Ma. Gabriel (1978) ng
katuturan ang panitikan bilang salamin ng lahi, kabuuan ng mga karanasan ng isang
bansa, kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan, at pangarap ng isang lahi na
ipinahahayag gamit ang piling salita sa isang maganda at masining na paraan,
nakasulat man o hindi.

Kung gayon, ano ang tunay na panitikan? Ang tunay na panitikan ay


pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan at panaginip ng sangkatauhan na
nasusulat sa masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng isang aestetikong
anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan,
natitiyak ang kawalang-maliw nito.

III. PANAPOS NA GAWAIN:


Panuto: May mga pahayag bang pasalita o kaya’y mga naisulat na akda na nagkaroon
ng malaking impluwensiya sa iyong paniniwala, pananampalataya o kaya naman ay
kung paano ka kumikilos o nabubuhay sa ngayon batay sa mga prinsipyong
pinaniniwalaan mo na iyong sinusunod? Isulat ang iyong kuwento.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

16
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________________________________

17
URI NG PANITIKAN

I. PANIMULANG GAWAIN:
Panuto: Sagutin nang mabilisan ang mga sumusunod na bugtong:

_________________________  Maikling landasin, di maubos lakarin.

_________________________ Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.

_________________________ Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.

_________________________ Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore.

_________________________ Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay,


kailangang ako ay mamatay.

II. PAGTALAKAY:

Maaaring mauri ang panitikan bilang Pasalin-dila o kaya’y Pasulat. Ito ay


Pasalin-dila kung naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao o
pagkukuwento. Samatalang naging Pasulat ang paraan ng pagsasalin ng panitikan sa
ibang henerasyon magmula nang matutunan ng tao ang sistema ng pagsulat.

Bago pa man sinakop ng mga dayuhan ang Pilipinas ay may mga komunidad na
tayong umiiral. May sariling Sistema ng pamahalaan, edukasyon at maging yaman ng
bayan na panitikan. Ang mga ito ay karaniwang nasa anyong pasalita. Bagama’t
maraming teorya na may mga akdang naisulat na rin sa mga dahon, kawayan, bato at
iba pa, pinaniniwalaang ang mga ito ay sinira, winasak at sinunog dahil sa
pagpapalaganap ng relihiyon, paniniwala at pananakop ng mga dayuhan. Ngunit dahil
hindi nila kayang sunugin at wasakin ang mga dila ng mga Pilipino ay nakuha pa ring
makapagtala at makapanatili ng marami sa ating mga pasalin-dilang mga panitikan
gaya ng: alamat, kuwentong bayan, epiko, mga awiting bayan, salawikain, karunungang
bayan, sawikain, at bugtong.

 Alamat – kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay;

18
 Kuwentong bayan - mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang
kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
Kaugnay nito ang alamat at mga mito

 Epiko - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o


mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga
tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Ilan sa mga halimbawa ay ang
Bidasari – (Moro); . Biag ni Lam- ang (Iloko); Maragtas (Bisaya) Haraya (Bisaya);
Lagda (Bisaya); Kumintang (Tagalog); at Hari sa Bukid (Bisaya)

 Awiting bayan -ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay
kinakanta o inaawit pa rin gaya ng Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay
Kubo, Atin Cu Pung Singsing, at Paruparong Bukid.

 Salawikain - nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga


ninuno.

 Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan.

 Bugtong – maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang


pahuhulaan.

Mula sa mga pasalitang panitikang ito natin masasalamin ang yaman ng


kulturang Pilipino. Hindi maisasantabi na ang mga prinsipyo mula sa mga salawikain,
pagmamahalan at pag-iibigan mula sa mga awiting bayan, kasama na rin ang ilang
kultura’t umiiral na kabayanihan ng mga ninuno sa pamamagitan ng mga kuwentong
bayan at mga epiko.

Samantala, laganap sa kaalaman nang nakararami na ang pag-usbong ng


panitikang pasulat ay umiral sa Pilipinas nang ang bayan ay nasa kamay ng mga
mananakop. Ito marahil ang dahilan kung bakit karaniwan sa mga akdang
pampanitikang pasulat ay nakapagbagong bihis sa bayan lalo na sa pananampalataya,
prinsipiyo at paniniwala. Binago rin ng mga panitikang ito ang Sistema ng pamumuhay
ng mga Pilipino na karaniwang ibinabatay sa mga nakatalang panitikan.

III.PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: Pagyamanin natin ang Panitikang Pilipino. Mayroon bang kuwento na


maaaring naisalin-salin mula sa iyong mga ninuno, kalahi, kababayan (sa probinsiya)
na hindi pa nailathala na iyong napakinggan? Magtanong-tanong sa mga kamag-anak
o kaya’y kakilala. Ikuwento ito dito bilang bahagi ng Yaman ng Panitikang Pilipino.

__________________________________(pamagat)

19
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

20
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

ANYO NG PANITIKAN

I. PANIMULANG GAWAIN:
Panuto: Manood ng isang Spoken Poetry (Youtube o anomang social media) at Ibuod
ang sinasabi ng tumula.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

21
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Batay sa anyo, ang panitikan ay maaaring mauri bilang Tuluyan/Prosa o Patula.


Tuluyan ang isang panitikan kung ito ay nasusulat sa karaniwang daloy ng
pangungusap at sa patalatang paraan. Samantala, ang panitikang patula naman ay
yaong nasusulat sa taludturan at saknungan. Ang mga taludtod ay maaaring may sukat
at tugma o dili kaya’y malayang taludturan na nangangahulugang walang sukat at
tugma.

II. PAGTALAKAY:

Mga Akdang Tuluyan o Prosa

Nobela – isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na


nagaganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at
nahahati sa mga kabanata.

Maikling Kwento – isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring


kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.

Dula – isang uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.

Alamat – ay mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.

Pabula – ay mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging


ng mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wri ba’y tunay na mga
tao.

Parabula – ay mga kwentong hinango sa Banal na Kasulatan.

22
Anekdota at maikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga
mambabasa. Maaari ring ito ay kinasasangkutan ng mga hayop o ng mga bata.

Sanaysay – ay isang pagpapahayag ng kuru-kuro o opinion ng isang may-akda


hinggil sa isang suliranin o paksa. Ang mga editorial na inilalathala sa mga pahayagan
at iba pang babasahin ay mga mahuhusay na halimbawa ng sanaysay.

Talambuhay – ay kasaysayan ng buhay ng isang tao.

Balita – ay paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan,


pamahalaan, sa mga lalawigan, sa ibayong dagat, maging sa industriya, kalakalan,
agham, edukasyon, palakas at pinilakang-tabing.

Talumpati – ay isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.


Ang talumpati ay nauuri batay sa iba’t ibang layunin. Ang isang talumpati ay maaaring
may layuning humikayat, magbigay impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran,
maglahad ng opinion o paniniwala o lumibang.

Mga Akdang Patula

Ang mga akdang patula ay may apat na uri: tulang pasalaysay, tulang
pandamdamin o liriko, tulang padula o dramatiko at tulang patnigan.

Tulang pasalaysay ay kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may


sukat at tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari at tauhan. Kung gayon, nasa
ilalim nito ang epiko, awit at korido.

Epiko – tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at


pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring
hindi kapani-paniwala.

Awit at korido ay mga patulang salaysay na paawit kung babasahin.


Pawang sa ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa mga salaysay nito.
Kinapapalooban ito ng romansa o pag-iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan
at kataksilan at mga pantakas sa karahasan ng katotohanan.

Tulang pandamdamin o liriko – mga tulang tumatalakay sa marubdob na


damdamin na maaaring ng may-akda o di kaya’y ng ibang tao. Nasa kategoryang ito
ang mga tulang awiting-bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral at oda.

Awiting-bayan ay maiikling tulang binibigkas nang may himig. Karaniwan itong


nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao, bunga
nito’y hindi na matutukoy kung sino ang ay may-akda ng maraming mga kantahing
bayan.

23
Soneto ay tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at
karaniwang naghahatid ng aral sa mambabasa.

Elehiya ay tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal

Dalit ay isang tulang inaawit bilang pagpuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.

Pastoral ay mga tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.

Oda ay isang tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay.

Tulang padula o dramatiko ay mga tulang isinasadula sa entablado o iba pang


tanghalan. Ang La India Elegante y El Negrito Amante ni Francisco Baltazar ay isang
mahusay na halimbawa nito.

Tulang patnigan ay mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang


isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan.

III. PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: Tunghayan ang pahayag ni Kim Chu sa youtube hinggil sa isyu ng ABS CBN
https://www.youtube.com/watch?v=o3OlCxCmSwc

“Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag
nag-comply ka na bawal lumabas. Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila inayos
mo yung law ng classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas.”
Ipaliwanag kung paanong umabot ang pahayag niyang ito na mula sa anyong
tuluyan ay naging isang awit o anyong patula. Ikuwento ang naging pag-unlad ng
simpleng pahayag na ito at nagkaroon ng sampung milyong views sa youtube.
Talakayin.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

24
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

DISPENSASYON NG PANITIKANG PILIPINO


I. PAUNANG GAWAIN:

Panuto: Ibigay ang iyong reaksyon halimbawang may nag post sa twitter, FB o anomang social media ng
ganitong uri ng Panitikan na tumutuligsa sa mga namumuno sa simbahan.

Amain Namin
Marcelo H. Del Pilar
Amain naming sumasaconvento ka,
sumpain ang ngalan mo,
malayo sa amin ang kasakiman mo,
quitlin (kitilin) ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit
Saulan mo cami (kami) ngayon nang aming kaning iyong inaraoarao(inaraw-araw)
at patauanin (patawanin) mo kami sa iyong pagungal (pag-ungol)
para nang pagpapataua (pagpapatawa) mo kung kami nacucualtahan (nakukuwartahan);
at huag (huwag) mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso
at iadya mo kami sa masama mong dila.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

25
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

II. PAGTALAKAY:

Dispensasyon ng Panitikang Pilipino

Hindi maitatawa na may malaking aral na makikita sa pagbalangkas ng Panitikan


ng bansa sa bawat panahon. Dahil sa sinasabing ang panitikan ay salamin ng lipunan,
maaari nating masalamin o makita ang kalagayan ng bansa batay sa panahong umiiral
ang panitikan.

Dispensasyon ng mga Katutubo


Hindi matatawaran ang kahusayan at kagalingan ng mga katutubong Pilipino sapagkat
hanggang sa kasalukuyan ay umiiral ang kanilang mga angking akdang nagiging
mayaman na hanguan ng kaalaman ng mga mamamayan sa kasalukuyang lipunan.
Bagama’t Karaniwang mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong,
epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; samantalang ang mga kwentong-
bayan, alamat at mito na anyong tuluyan. May mga katutubong sayaw at ritwal ng
babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.

Masasabing ang mga panitikan sa dispensasyong ito ay pasalin-dila. May


mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis
na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists)
sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating
sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.

Mababakas sa mga panitikan sa dispensasyong ito ang kalayaang makapag-isip,


makapamuhay, kabayanihan, katapangan, maging karangyaan o kaginhawaan sa
buhay ng mga ninuno. Ang mga ito marahil ang posibleng dahilan kung bakit maraming
nahumaling na mga bayan at pinagsamantalahang sakupin ang Pilipinas.

Dispensasyon ng mga Mananakop na Kastila


Sinasamsam ng mga dayuhang kastila ang yaman ng bayang Pilipinas nang sila’y
nakapamuno sa bansa. Upang magtagal ang pamumuno, pinilit nilang burahin sa
26
kaisipan ng mga Pilipino ang kanilang pinanggalingan sa pamamagitan ng pagsunog at
pagwasak sa mga akdang panitikan na kanilang pinaniniwalaan at ikintal sa kanilang
kaisipan na ang mga ito ay pumapanig sa diyablo.

Nilunod ng mga panitikang may paksang pananampalataya at kabutihang-


asal panahong ito. Samantalang nang huling bahagi naman ay ang pagmulat ng mga
Pilipino na naghatid sa paglalathala ng mga panitikang panrebolusyon.

Ilan sa mga naging instrumento ng mga kastila sa pagpapalaganap ng kanilang


pananapalataya ay ang dulang senakulo, santa cruzan at tibag; mga tulang gaya ng
mga pasyong inaawit. Itinanim sa kaisipan ng mga Pilipino ang konseptong maharlika o
dugong bughaw sa pamamagitan ng mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan
ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa – na nasa awit na Florante at Laura ni Balagtas
at mga dulang duplo at karagatan.

Lubhang kakaunti lamang ang nakasusulat sa panahong ito sapagkat bukod sa


napakamahal ng pag-iimprenta, tanging wikang Kastila lamang ang gamit sa pagsulat.
Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at
pagiging madamot ng mga Kastila. Nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; ang
Doctrina Christiana noong 1553 na kinapapalooban ng mga gawi at kilos kristiyanismo.

Bukod sa mga pagtuturo ng kristiyanismo, maging ang mga gawi at dapat na ikilos ng
mga Pilipino ay inilarawan din sa Urbana at Felisa. Sinusugan pa ng pagpapatibay ng
mga patakaran sa pamamagitan ng paglalathala ng mga peryodiko ng mga kastila.

Hindi naglaon, maraming Pilipino ang nagising mula sa pagkakaalipin sa mga dayuhan
kung kaya’t lumabas ang mga panitikang panrebolusyon. Karamihan sa mga panitikang
nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-
makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang
pamahalaan.

Dahil sa nakasusulasok na kalagayan ng mga Pilipino, Nagsisulat ang mga


Propagandista sa panahong iyon ng mga panitikang nagrerebolusyon. Nalathala sa
pahayagang La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 ang kanilang mga akda na
naglalayong“matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa
kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, at maisiwalat ang malubhang kalagayan ng
bansa sa ilalim ng pamamalakad ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at
demokrasya.”

Nauso ang pagkakaroon ng mga sagisag-panulat noong panahong ito bilang pagtatago
sa tunay na pagkatao dahil sa paghihigpit ng pamahalaan at nagbabadya ng
kamatayan sa sinomang mapatutunayang sumulat laban sa pamahalaan. Maraming

27
buhay ang naibuwis nang dahil sa panitikan noong panahong ito. Isa sa mga naging
patunay ay ang eksekusyon ni Dr. Jose Rizal.

Dispensasyon ng mga Mananakop na Amerikano

Sukang-suka na ang mga Pilipino sa pamumuno ng mga Kastila at pursigidong


mapatalsik ang mga ito kung kaya’t nagmistulang mga bayani ang mga Amerikano na
siyang sumagip sa mga Pilipino at nagpabagsak sa Espanya noong 1898.

Binigyan ng bagong bihis ang paraan ng pananakop sa panahong ito. ng dati-rating


ipinagkakait na edukasyon ang naging instrumento ng mga Amerikano upang paamuhin
ang mga Pilipino at tuluyang mahulog sa bitag bagong berdugo. Nakaramdam ng
pagkalinga ang mga Pilipino at nagmistulang big brother ang mga mananakop dahil sa
pagpapahintulot at pagtuturo sa mga ito ng mga kaalamang kinasasabikan ng
sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng mga gurong Thomasites.

Isinilang sa panahong ito ang mga maraming manunulat na Pilipino na nagsisulat hindi
lamang sa Wikang Tagalog kundi maging sa Wikang Ingles. Ilan sa mga nagsiusbong
na manunulat ay sina Cecilio Apostol, Claro M. Recto, Lope K. Santos, Jose Corazon
de Jesus, Jose dela Cruz, Severino Reyes, Zoilo Galang at marami pang iba.

Sa panahong ito tumingkad ang mga dula. Nang mga panahong nagnanais na ng
paglaya ng mga Pilipino sa mga Amerikano ay nag-usbungan ang mga dulang umuusig
sa kalapastangan ng mga mananakop. Ilan sa mga ito ay ang ‘Tanikalang Ginto’ ni
Juan K. Abad, ‘Kahapon, Ngayon at Bukas’ ni Aurelio Tolentino at ang ‘Hindi Ako
Patay’ na hindi nakilala ang mgay akda.

Dispensasyon ng mga Mananakop na Hapon

Bagama’t napakasama ng dating ng mga Hapon dahil sa naging marahas ang


pagbugso ng kanilang pananakop, hindi maikakaila na itinuturing itong gintong panahon
ng Panitikan ng Pilipinas sapagkat nabigyang laya ang mga Pilipino na gumamit ng
sariling wika sa pagsulat at ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles sapagkat ayaw
ng mga Hapon na mabahiran ng ideyang makakanluran ang mga akdang nililikha
bagkus ay hinikayat ang paggamit ng katutubong wika at karaniwang naisasanib sa
mga akda ang kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino.

Ilan sa mga babaeng manunulat na natanyag sa panahong ito ay sina Liwayway A.


Arceo at Genoveva Edroza-Matute. Siyempre, nabahiran din ng impluwensiya ng
panitikang Hapon noong panahong ito sa pamamagitan ng mga maiikling tulang ‘Haiku’ 
na may tatlong taludtod at 5-7-5 na pantig bawat taludtod; at ‘Tanaga’ na may apat na
taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7.

Dispensasyon ng Republika ng Pilipinas

28
Unti-unting bumangon ang mga Pilipino sa tulong pa rin ng mga Amerikano. Sa
pangalawang pagkakataon ay naging tagasagip ang mga ito tungo sa hinahangad na
kalayaan. Dahil sa ipinangakong pagsasarili ng Pilipinas, hindi mahahalata ang
pagiging kolonya ng bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga pinuno at lider ng
bansa sa katauhan ng mga Pilipino.

Naging masigla ang panitikan sa panahong ito at dahil higit na madali ang pagsulat at
paglimbag ay dumaloy nang husto ang mga akdang isinulat ng mga Pilipino. Bumuha
ng mga akda at dumami ang mga manunulat. Ilan sa mga unang manunulat sa
panahong ito ay sina: Alejandro Abadilla nan naging tanyag sa kaniyang mga
sanaysay,  Teodoro Agoncillo sa kaniyang mga Maikling Kuwentong Tagalog, at
pagpapatuloy ng panulat ni Genoveva Edroza-Matute. Lumaganap rin ang panitikan
mula sa iba’t ibang lalawigan.

Pinasigla pang lalo ang panitikan dahil sa pagkakaroon ng mga gawad o parangal sa
mga manunulat sa pamamagitan ng Carlos Palanca Memorial Awards for Litetature.

Dahil na rin sa panunuyot ng mga akdang higit na pumapaksa sa mga isyung


panlipunan, sinikap ng mga premyadong manunulat ang maglathala ng akda sa
pamamagitan ng sarili nilang pera upang dumaloy at sumibol ang de-kalidad na
maikling kwento sa Pilipinas sa pamamagitan ng “Mga Agos sa Disyerto” nina Efren
Abueg, Dominador Mirasol, Rogelio Ordoñez, Edgardo Reyes at Rogelio Sikat.

Nagkulay pula ang mga akdang gawa ng mga Pilipino noong panahon ng Batas Militar.
Nag-usbungan ang mga makabayang manunulat at karaniwang pumapaksa sa
karalitaan, pagsasamantala ng mga nanunungkulan, panggigipit ng mga nasa
kapangyarihan at Karapatan ng bawat mamamayan. Ilan sa mga manunulat noong
panahong ito ay sina Wilfredo Virtuoso, Pedro Dandan, Jun Cruz Reyes, Efren Abueg,
Benigno Juan, Ave Perez Jacob, Domingo Landicho, Edgardo Maranan, Lilia Santiago
at marami pang iba.

Lalo pang lumawak ang panitikang Pilipino dahil sa impluwensiya at pag-usbong ng


mga radyo at telebisyon. Lumaganap rin ang mga pelikula at daigdig ng musika. Naging
pangunahing libangan ng mga Pilipino ang sinehan samantalang naging instrumento
naman sa pagbabasa at libangan ng mga Pilipino ang komiks.

Hindi maitatatwa na dumami nang dumami ang mga manunulat at lumawak nang
lumawak ang mga paksa sa pagpasok ng Rebolusyon ng Edsa. Higit na naging malaya
at komersiyalisado ang panitikan. Mayroong mga edukasyonal gaya ng Batibot,
Sineskwela, Hiraya Manawari, Math Tinik, Epol Apple, Wansapanataym at iba pa.
Habang nahuhumaling naman sa mga dulang panradyo ang mga matatanda gaya ng
radio-drama ni Tiya Dely, Gabi ng Lagim, Matud Nila, Kapitan Pinoy, at iba pa.

29
Hindi na mapigilan pa ang tuluyang paglaganap ng panitikan Pilipino sa pagpasok ng
Internet. Lalong naging malaya at lahat ng uri ng talakayin ay madaling naibabahagi.
Hindi magpapahuli ang wattpad, blogging, video clipping at mga audio airing. Tuluyang
lumalaganap ang panitikan habang nagbabago nang nagbabago ang panahon maging
ang panlasa ng mga Pilipino sa pagbasa o pagtangkilik sa mga ito.

III. PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: Mula sa mga tinalakay hinggil sa dispensasyon ng Panitikang Pilipino ay


mapapansing nagbabago ang paksa at anyo ng mga panitikan depende sa
pangangailangan ng sambayanan. Halimbawang ikaw ay nabuhay sa isa sa mga
panahong ito (maliban sa kasalukuyan), sumulat ng isang akda (maaring nasa anyong
patula o tuluyan) na aakma sa pangangailangan ng panahong iyon.

______________________________(pamagat)

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

30
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

IMPLUWENSYA NG PANITIKAN
I. PANIMULANG GAWAIN:

Panuto: Mag browse sa internet o anomang libro at tunghayan ang iba’t ibang uri ng
gobyerno o relihiyon mayroon ang iba’t ibang bansa. (limitahan lamang sa 10)
1. Bansang ________________ - ________________________________
2. Bansang ________________ - ________________________________
3. Bansang ________________ - ________________________________
4. Bansang ________________ - ________________________________

31
5. Bansang ________________ - ________________________________
6. Bansang ________________ - ________________________________
7. Bansang ________________ - ________________________________
8. Bansang ________________ - ________________________________
9. Bansang ________________ - ________________________________
10. Bansang ________________ - ________________________________

II. TALAKAYIN:

Ang Impluwensya ng Panitikan

Ang panitikan ay may malaking impluwensya sa daigdig. Sa iba’t ibang panig nito, may
natutukoy na isa o ilang tanging akda na naghatid ng malaking impluwensiya sa kultura,
tradisyon, pamumuhay at kabihasnan ng tao. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

a. Banal na Kasulatan o Bibliya – ang nagging pinakabatayan ng


pananampalatayang Kristiyano sa buong daigdig.

b. Koran mula sa Arabia – ang pinakabibliya ng mag Muslim

c. Illiad at Oddysey ni Homer – kinatutuhan ng mga mitolohiya at alamat sa


Gresya.

d. Mahabharata – tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa Indiya.


Ipinapalagay itong pinakamahabang epiko sa buong daigdig.

e. Canterburry Tales ni Chaucer – naglalarawan sa pananampalataya at pag-


uugali ng mga Ingles noong unang panahon.

f. Uncle Tom’s Cabin ni Harrit Beecher Stowe – nagbukas sa mga mata ng


Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at nagging simula ng paglaganap
ng demokrasya sa buong daigdig.

g. Divina Comedia ni Dante - nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya


at pag-uugali ng mga Italyano noong panahon.

h. El Cid Compeador – naglalarawan sa katangiang panlapi ng mga Kastila at


kasaysayan ng Espanya.

i. Isang Libo at Isang Gabi – akdang nagmula sa Arabya at Persya.


Naglalarawan ito ng pamahalaan, kabuhayan at lipunan ng mga Arabo at
Persyano.

32
j. Analects ni Confucius – katipunan ng mga kasabihan at ideya na
pinagbatayan ng Confucius sa Tsina.

k. Aklat ng mga Patay – naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa


mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.

l. Awit ni Rolando – kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng


Pransya. Isinasalaysay ditto ang gintong panahon ng Kristiyanisno sa
Pransya.

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Sariling Panitikan

Napakahalaga ng panitikan sa isang bansa. Ito ang dahilan kung bakit isinama ang
pag-aaral nito sa kurikulum ng lahat ng antas ng pag-aaral. Ilan sa mga
kapakinabangang matatamo sa pag-aaral ng ating sariling panitikan ay ang
sumusunod:

a. Lubos nating makilala ang ating sarili bilang Pilipino at matatalos natin ang
minana nating yaman at talinong taglay ng ating pinagmulan;
b. Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating mga sariling tradisyon at
kultura, maging ng mga naging impluwensya sa atin ng ibang bansa na siyang
naging sandigan ng kabihasnang tinatamasa natin sa kasalukuyan;
c. Higit nating mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan, lalo na ang
pagpapakasakit ng ating mga ninuno upang ating tamasain ang kalayaan at
kapayapaang pinakikinabangan natin sa kasalukuyang panahon;
d. Mababatid natin ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng katangian ng mga
panitikan ng iba’t ibang rehiyon at matutunan nating ipagmalaki ang ating pagka-
Pilipino.
e. Matutukoy natin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating lahi nang sa gayo’y
mapag-ibayo pa ang ating mabubuting katangian bilang isang lipi at mapalakas
ang ating mga kahinaan bilang isang bansa at maiwasto ang ating mga
pagkakamali bilang isang indibibwal at bilang isang komunidad;
f. Mapapangalagaan natin ang ating yamang pampanitikan na isa sa ating
pinakamahalagang yamang panlipi;
g. Mahuhubog natin ang magiging anyo, hugis, nilalaman at katangian ng panitikan
sa kasalukuyan na siya naming magiging sanligan ng panitikan sa hinaharap;
h. Malilinang ang ating pagmamalasakit sa ating sariling kultura at maging ang
ating malikhaing pag-iisip na ilang sa mga mahahalagang pangangailangan
upang tayo ay umunlad bilang isang bansa.

III. PANAPOS GAWAIN:

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.

33
1. Paano naiimpluwensiyahan ng mga akdang pampanitikan ang bawat tao?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
___________________________________
2. Paano mo mailalarawan ang panitikan bilang instrumento sa pagbabagong bihis
ng mga pamahalaan o pananampalataya? ___________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________
3. Magtala ng mga bansang may mga akdang pampanitikan na hindi
pinahihintulutan makapasok o makarating sa kanilang lugar. Ano-ano ang mga
kaparusahang ipinapataw dito? ______________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________
4. Kung ihahambing mo sa mga kasaysayan ng Korea, China at mga bansa sa
Europe ang preserbasyon ng kanilang kultura at pananampalataya batay sa mga
panitikan ng kanilang bayan, masasabi mo bang mahalagang balikan at
halukayin ang ating mga sinaunang panitikan bilang tunay na pagkakakilanlan ng
lahing Pilipino? Ipaliwanag. ____________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________
5. Sumulat ng iyong refleksiyong sanaysay hinggil sa kahalagahan ng
Preserbasyon ng Panitikang Pilipino para sa sambayanang Pilipino.
_____________________________________________

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

34
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pangkabanatang Pagsusulit I

Pangalan: __________________________________ Seksyon________


Propesor: ____________________________ Petsa: _______ Iskor: ______

I. Punan ang patlang sa loob ng sumusunod na pahayag ng mga angkop na kataga upang
mabuo ang wastong diwa ng mga ito.

1. Ang anyo ng panitikan na _________________ ay nasusulat sa karaniwang takbo ng


pangungusap at patalatang paraan.
2. Ang panitikang _______________ ay nasusulat sa taludturan at saknungan
3. Ang ____________________ ay paglalahad nf mga pang-araw-araw na pangyayari sa iba’t
ibang aspeto n gating lipunan.
4. Ang parabola ay mga kwentong hinango sa ____________.
5. Ang _____________ ay maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga
mambabasa.
6. Ang editoryal ay isang mahusay na halimbawa ng ______________.
7. Ang _________________ ay isang salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
8. Ang _______________ ay tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang
minamahal.
9. Ang talambuhay na sinulat ng isang may-akda at tumatalakay sa kanyang sariling buhay at
tinatawag na _____________.
10. Ang ____________ ang pinakabibliya ng mga Muslim.

II. Piliin sa hanay B ang mga tinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.

35
Hanay A Hanay B

_____ 11. Nagsasalaysay ng gintong a. Bibliya


panahon ng Kristiyanismo b. Koran
sa Pransya c. Illiad at Oddysey
_____ 12. Batayan ng pananampalatayang d. Mahabharata
Kristiyanismo sa buong daigdig e. Canterburry Tales
_____ 13. Tumatalakay sa mitolohiya f. Uncle Tom’s Cabin
at teolohiya ng Ehipto g. El Cid Compeador
_____ 14. Kinatutuhanan ng mga mitolohiya h. La Divina Comedia
at alamat sa Gresya i. Isang Libo at Isang Gabi
_____ 15. Batayan ng Confucianismo j. Analects
sa Tsina k. Aklat ng mga Patay
_____ 16. Tumatalakay sa kasaysayan ng l. Awit ni Rolando
pananampalataya sa Indiya
_____ 17. Naglalarawan ng pamahalaan,
kabuhayan at lipunan ng Arabo
at Persyano
_____18. Naglalarawan ng pananampalataya,
at pag-uugali ng mga Ingles
_____19. Nagpapahayag ng moralidad,
pananampalataya at pag-uugali ng
mga Italyano
_____ 20. Nagbukas sa mga mata ng
Amerikano sa kapihan ng lahing
itim

III. Talakayin ang kahalagahan ng pag-aaral ng sariling panitikan. (21-50)

36
KABANATA 2

MGA SALIGAN SA
PANUNURING
PAMPANITIKAN

37
MGA PILING MGA AKDA AT
PAGKIKRITIKA

38
Layunin:
1. Nakapagtatalakay ng mga akdang Pampanitikan na sumasalamin sa iba’t ibang
aspekto ng pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at kasaysayan ng
sambayanang Pilipino.

2. Nakapagpapahayag ng may kabisaan ukol sa pasalita at pasulat na tradisyon ng


panitikang Pilipino.

3. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang wika

4. Nakapag-uugnay ng mga kasanayan mula sa iba’t ibang larang at disiplina


tungo sa pagsusuri at pag-unawa sa iba’t ibang akdang pampanitikan.

5. Nakapagsusuri at analisa ng mga akdang pampanitikang likha ng mga


manunulat na Pilipino mula sa iba’t ibang wika – Filipino, Banyaga at Bernakular
tungo sa kaisipang Filipinolohiya.

6. Nakababasa at nakauunawa ng mga kontemporaryong akdang pampanitikan


tangan ang Malaya at progresibong kaisipan.

7. Kritikal na nakapagsusuri ng mga akdang pampanitikan gamit ang lente ng


maka-Pilipinong pananaw.

ARALIN 1:
ANG SANAYSAY

Ano nga ba ang sanaysay?

Ayon sa makatang si Alejandro G. Abadilla ang sanaysay ay hango sa pahayag


na “Pagsasalaysay ng isang sanay” kung saan ito ay kakikitaan ng dalawang sangkap
ang “Salaysay” at “Sanay” – dalawang salita na pinaghanguan ng salitang sanaysay.
Marahil, ito ay bunga na rin ng pagkahilig ng mga Pilipino sa pagsasalaysay bilang
isang anyo ng pagpapahayag, samantalang ang sanay naman na binanggit sa aklat ni
Lilia Antonio, ay maiuugnay sa ‘pagiging sanay ng mananaysay sa paksang tinatalakay,
lalo na, ang paggamit ng kasanayan sa wika at gamit ng wika.

Tinalakay ni Lilia Santiago (2006), malimit na narration sa Ingles ang itinutumbas


natin sa salitang pagsasalaysay, subalit napakalawak kung susuriin ang sakop ng
salitang ito kung isasama o iuugnay sa iba pang uri ng pagpapahayag. Isang
halimbawa nito ang salitang kasaysayan na binigyan ng depinsyong “mga salaysay na

39
may saysay.”Sa kabilang banda, ang sanaysay ay may paglilinaw ng mga bagay-
bagay, paglalatag ng paninindigan upang humikayat o kumunbinsi sa iba ukol sa isang
punto. Maaring maglaman ito ng pagsusuri at pagmumuni, pag-uulat at pagpapaliwanag
o pangangaral o sermon.

Ang sanaysay ay isang uri ng akda na nasusulat sa anyong tuluyan na


karaniwang pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang
kinapupulutan ng ng aral at aliw ng mga mambabasa. Komposisyon itong taglay ang
tatak ng panlasa at hilig, reaksyon at palagay, saloobin at paniniwala, kalagayan at
katauhan, karanasan at kaalaman ng bawat may-akda (Arrogante, 2007).

Taliwas ang depinisyon ni Abadilla sa isang naunang tradisyon ng essay, na


siyang madalas na itinutumbas natin sa sanaysay. Sa tradisyong Europeo, na
pinagmulan ng anyo ng pagsulat ng essay, “pagtatangka” o attempts o eksplorasyon
ang unang nagging ibig sabihin nito. Ayon ito sa French writer ng 1500s na si
Montaigne na gumamit ng katagang “Essais” bilang pamagat ng kaniyang mga sulatin
tungkol sa mga personal at trivial na danas sa bias ng impormal; na wika at asta
(Santiago, 2006).
Dagdag pa niya, si Francis Bacon, manunulat sa Ingles ang nagpasimuno sa
mapanuring pagmumuni, analitikal, pilosopikal at impersonal na gamit ng essay.
Magmula kay Bacon, magagamit ang essay upang magpamansag ng malalim na
kabatiran, palaisipan at katuturan ng pag-iral. Kaya, sumulat ng mga pormal/impersonal
na essay ang mga makatang John Milton at Alexander Pope. Sa America, nakilala
bilang bihasang essayilst sina Oliver Wendell Homes. Ralph Waldo Emerson, si Samuel
Clemens o Mark Twain, na nagpatampok sa political satire bilang instrumento upang
labanan ang imperyalistang pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas. Sa deakada 60
naman nakilala si Susan Sontag bilang essayist na nagpanukala ng kakaibang pagsipat
sa sining sa kaniyang akdang “Against Interpretation” (1964).

Mga Uri ng Sanaysay

May dalawang uri ng sanaysay:

Ang sanaysay na pormal o maanyo - sanaysay na tinatawag din


na impersonal kung ito'y maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o
kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga
materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. Maayon rin ito kung
turingan sapagkat ito'y talgang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya
mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay.
Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di

40
kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at
walang halong pagbibiro.

Ang sanaysay na pamilyar o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa


pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksaing karaniwan, pang araw-araw at
personal. Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung
bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o
kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan
lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at
mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at madaling maintindihan.
Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang
panauhan. Subhetibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda
ang pananaw.

Sa websayt naman na purdue.edu inuri sa apat ang pagsulat ng sanaysay:

1. Sanaysay na naglalahad – isang uri ng sanaysay na nangangailangan ng


pagsusuri sa ideya, pagtataya ng mga patunay, pagpapalawak ng kaisipan, at
pagtakda ng pangangatuwiran ukol sa ideya o kaisipan sa malinaw at tiyak na
paraan. Ito ay ginagamitan ng paghahambing at pagkokontrast, paglalahad,
pagbibigay ng halimbawa, pag-aanalisa ng sanhi at bunga at iba pa.

2. Sanaysay na naglalarawan – sanasay na ginagamit sa paglalarawan ng isang tao,


bagay, lugar, pangyayari, damdamin, sitwasyon at iba pa. Ito ay uri ng sanaysay na
humihimok sa kakayahan ng mga mag-aaral na sumulat batay sa partrikular na
karanasan. Higit pa rito, hinahayaang ang mga manunulat na gamitin ang kalayaan
sa paglikha, layunin nitong magkintal ng imahe sa isip ng mga mambabasa.

3. Sanaysay na nagsasalaysay – Maaaring isipin na ito ay isang uri ng


pagkukuwento, ang ganitong uri ng sanaysay ay malimit na gumagamit ng
anekdota, karanasan at may pagkapersonal – hinahayaan nitong ang mga mag-
aaral na ihayag ang kanilang saloobin gamit ang pagiging malikhain.

4. Sanaysay na nangangatwiran – isang uri ng sanaysay na matamang nagsusuri


sa isang paksa, nangongolekta ng datos, nakalilikha at nakapagsusuri ng mga
ebidensya at nakapagpapatibay ng tindig o panig ng isang paksa sa tiyak na paraan
sa pagbuo ng argumento o pangangatwiran.

Katangian ng Mahusay na Sanaysay

41
Ang isang mahusay na sanaysay ay may mga sumusunod na katangian
(Santiago, 2006):

1. Kailangang may mahusay na ideya. Ang ideya pa rin ang nagdadala ng


sanaysay.Kahit napakapino ng wika, kahit napakabongga ng estilo kung hungkag
ang ideya, hindi pa rin magiging mahusay ang sanaysay.

2. Kailangang masinop at organisado. Dito magagamit ang mga kasangkapang


panretorika sa pamamahayag. matapos matiyak ang sentral na ideya, piliin din ang
sentral na layon at paraan ng pagpapalawig ng ideya. Ang pagsinop ay
nangangailangan ng disiplina. piliin lamang yaong mga ideya na isasangkot sa
talakay at iwasan ang pagpapahayag sa kung saan-saang paksain at pagkakaroon
ng maraming pag-iiba ng focus ng sanysay. Gayundin, mainam kung manatili sa isa
o dalawang paraan ng pamamahayag ang mga ideya.

3. Litaw ang sariling tinig. Isang napakahirap na hamon ito pero ang totoo, sa
sanaysay nasusubok kung mayroon ngang sariling estilo o tinig ang isang
manunulat.

4. Dapat may sariwang pagtingin o perspektibang inihaharap. Iba na ang sariwa. hindi
kinakaingang bago kundi sariwa. Tulad n g isda, makikilatis ang sariwa sa bilasa at
kahit paulit-ulit na tinatalakay ang ideya kung may panibagong pagtingin o
perspektiba mas katakamtakam ito.

5. Maging bukas sa mga pagbabago o puna. Ang kahingiang ito ay isang tatak ng
pagiging mahusay na manunulat. Bigotry ang tawag doon sa ayawa tumanggap ng
puna at posibilidad ng pagbabago sa pagtingin man o sa sinisiyasat, inihaharap na
sanaysay.

Ito’y malalagom gamit ang katagang MASIGABU, na tulad ng masigabo ang


palakpak sa isang sanaysay kung ito ay (Santiago, 2006):

MA May mahusay at sariwang ideya.


SI Masinop ang organisasyon at pagkakalahad.
GA Gamit ang sariling estilo at tinig.
BU Bukas sa mga posibilidad ng pagbabago.

Sa aklat naman ni Arrogante (2007), nagbigay rin siya ng mga katangiang dapat
taglayin ng isang mananaysay. Ito ay ang mga sumusunod:

 mabilis ang utak


42
 sensitibo sa kapaligiran
 may lagging tugon at hinuha sa interes ng buhay, ng tao, at ng mga bagay-bagay
 may kakayahang manuklas ng mga bagay-bagay na hindi nakikita ang panlabas
lamang
 malikhain at orihinal sa isip
 may mapiling panlasa
 may kalugurang mapagkakatiwalaan
 may kabatiran sa mga kaalamang makabago hinggil sa makataong kapakanan
 pamilyar sa mga mabubuting panitikan at iba pang sining.

Mga Halimbawa at Panimulang Pagsusuri ng Sanaysay

TULA: KAISAHAN NG KALAMNAN AT KAANYUAN


Alejandro G. Abadilla

ANG SANAYSAY, o makurong lathalain, ng kasamang Iñigo Ed Regalado, sana


ay nagbunga ng pagkikibit na lamang ng balikat (na madalas kong ginagawa mula sa
kamakailan) kundi sa ilang katangiang hindi bihirang taglayin ng isang karaniwang
lathalain, sanaysay, o anumang babasahing pampanitikan. Samakatuwid, mahihinuha
ninyo agad, hindi pa man na hindi ko tangkang sumagot sa kasamang Regalado, ni
makipagtalo kaya sa kanya sa isang paksang mandin ay siya ang may karapatang
sumarili (maliban kung anng kasamang Amado V. Hernandez na katulad din niyang
Makata ng Pamahalaan at lawriyado ay makihati sa kanya.

Datapwa, sa kabila ng kamalayang iyan, na maaga pa’y nais ko nang matalos


ninyo, ay hindi ko rin napaglabanan ang tukso, wika nga, at ito’y upang masabi ko
lamang naman marahil sa inyo ang mahalagang katotohanang tao lamang ako at isang
taong nabubuhay sa ilalim ng di-pangkaraniwang kalagayang dulot sa atin ng digmaan
sa bahaging ito ng daigdig. Ngayon pa’y inyo nang makukuro, sa gayon, na ang
paglabas kong ito (kung palabas nga) sa mapanganib na larangan ay dulot hindi ng
likas na sarili kundi manapa’y bunga ng di-pangkaraniwang kalagayan ng panahong
ginagalawan nating lahat.

43
Isa sa ilang katangiang nakatawag ng aking pansin ay ang mahalagang pahayag
ng kasamang Regalado na diumano, sa kanyang pakiwari ang puntahin ngayon ng
itinuturing na mga makabago ay ibagsak at lansaging ganap ang katutubong balangkas
ng Tulang Tagalog at palitan ng balangkas ng Tulang Inggles na hatid at naiwan sa atin
ng mga Amerikano. Sa di iilang pagkakataon, ang balangkas na tinutukoy at sinasabing
katutubo ay ang tugma at sukat, na mandin kung wala ang mga ito ang isang akda ay
hindi matatawag na tula sang-ayon sa wastong pagkilala ng sining.

Ang palagay ng kasamang Regalado, sa unang malas, di maikakait ay hindi


matututulan, sapagkat ako man naman ay naniniwalang panahon nla ito upang makilala
natin ang sarili at mga katangiang katutubo nating mga Pilipino. Subalit ang paratang
niyang diumano’y hangad ng mga makabagong lansaging ganap ang katutubong
balangkas ng Tulang Tagalog ay hindi ganap na totoo, kung totoo mang masasabi.

Hindi totoo, ang wika ko: una, sapagkat ang sinasabing katutubong balangkas sa
bisa ng tugma at sukat ay hindi sarili ng Tulang Tagalog kundi ng lahat nan g panulaan
sa daigdig. Kung tunay na ang mga makabago, sa kanilang kalayaan ay walang hangad
kundi lansagin ang katutubong balangkas ng panulaang pandaigdig, ay ano’t ang mga
makabago lamang ng panulaang Tagalog ang siyang pananagutin sa pagkakasala,
kung pagkakasala nga? Ang kapinsalaan, ng sinasabing pagkakasala, ay pandaigdig:
bakit ang mga makabagong makatang Tagalog lamang ang ibig panagutin? Kung ang
kabuuan ng mga mambabasa ay hukuman, ang hukumang ibig pahatulin ng kasamang
Regalado, sa malas ko’y walang kapangyarihang makapaglitis, kaya walang karapatang
makahatol, sapagkat maliwanag na lumalabas na ang usalin ay malaki kaysa larangan
ng kapangyarihan ng hukuman. Ikalawa: sapagkat ang sinasabing katutubong
balangkas ng Tulang Tagalog, sa bisa ng tugma at sukat, ay hindi kabuuan ng mga
katutubong balangkas ng Tulang Tagalog at ito’y sa katotohanang ang panulaan natin,
ayon sa patotoo ng mga mananalaysay, ay mayroon ding malayang taludturan na siya
ngayong kinagigiliwang gawin ng mga makabago. Kung ang ikalawang matuwid na ito
ay totoo, ay ano’t masasabing ganap na palgansag ang ginagawang pagbuhay lamang
sa mga katangiang katutubo n gating panulaan.

Hindi nagkakamali ang kasamang Regalado nang siya na rin ang magsabng “
ako’y sadyang naniniwala na ang kabaguhan ay isang bagay na di maiiwasan sa
mabilis na takbo ng pagkasulong.” Kung ang malayanng taludturan ay maipalalagay na
kabaguhan sa tulang Tagalog, ayon na rin sa pagtanggap ng kasamang Regalado, at
siya naman ay naniniwala na iyan ay isang bagay na hindi maiiwasan, ay ano pa kaya

44
ang pagtatalunan sa bagay naito? Hindi kaya maliwanag na hindi paglansag nni
pagwasak sa katutubong balangkas angn ginagawa ng mga makabago, lalo pa nga
kung isasaalang-alang ang katotohanang iyan man naman palang sinasabing malayang
taludturan ay hindi narin bago at bahagi pa nga ng katutubong balangkas ng Tulang
Tagalog.

TANGGAPIN NAMAN natin, alang-alang man lamang sa usapan, na ang


ginagawa ng mga makabago ay pagwawasak nga ng katutubong balangkas n gating
panulaan, at ang tinurang pagwawasak ay isinasakatuparan sa pamamagitan ng pag-
iwas sa tugma at sukat. Subalit nais ko naming sabihin sa inyo, na ang pagwawasak na
ito ng mga makabago ay makabuluhan, kaya mapaglikha at sapagkat mapaglikha, kaya
dakilang pagwawasak.

Ang balangkas, ang pamamaraan, o ang kaanyuan, kung baga sa tao, ay damit
lamang ng tula. Ano kaya ang masama sa isang taong nagbabagong-bihis lamang sa
kanyang kapamuhayan? Ang pagbabagong-bihis sa malas ko, ay kailangan: una
pagbagay marahil sa sumisibol niyang kamalayan; at ikalawa, pagkatakot marahil
mangamoy ang katawan na maaaring likhain ng basahan na niyang damit na
nagpuputik na sa dumi. At ang damit, sa kaisipan ng isanng taong umuunlad, kahit
gaano kamahal o kaganda ay nawaw;alan ng bisa sa mata ng ibang nagmamalas kung
iyon at iyon din ang nakikitang isinusuot araw-araw. At ang makata, palibhasa’y tao, ay
hindi makaiwas sa di-maiwasang katotohanang iyan sa kanyang buhay at
pakikipamuhay. Di natangi sa ibang kaguro, ang makabagong Makatang Tagalog, ay
ganyang isang nilikhang tumatangging maiwan ng panahon, isang kaluluwang aayaw
mangamoy dahil sa iyon at iyon ding damit na naluma na sa katawan.

Sa katotohanan, ang mga makabago ay wala naming ginagawang


katampalasanan sa sarili sa pagsusuot ng bagong damit. Ang ginagawa lang naman ng
mga makabago ay halinhan ang luma at marumi na, sa hangad marahil na ito ay
palabhan lamang at hindi upang was akin o ilagay kaya sa basurahan. Hindi nga kaya
ganyan lamang ang dapat gawin ng isang mai sumisibol na pag-iisip – magbago? Hindi
kaya ang pagbabagong ganito, kung pagwawasak ay makabuluhang pagwawasak? At
sapagkat makabuluhan, kaya mapaglikha at dakilang pagwawasak.

45
Ang isa pang bagay na nais kong ipatlig sa inyo ay ito: na pagwawasak man ang
pag-iwas sa sukat at tugma sa pagtula ay pagwawasak na mabuti sapagkat may
bagong balangkas na ibig itayo. Ang isang tunay na mamamayan ng daigdig ay may
katwirang huwag masiyahang mamahay sa luma’t sira-sira na niyang kubo kung may
kaya rin lamang siyang makapagtayo ng ibang naiiba at nababago. Ano ang masama
kung pagkatapos maigiba ang giring-giring na niyang kubong pawid at kawayan ay
makapagtayo siya ng isang bahay na kongkreto at maaliwalas pang pamahayan? Ano,
sa malas ninyo, hindi kaya mabuting di palak ang ganitong pagwawasak kaysa
pagbubuong walang kapara-pararakan, sapagkat walang binubuo kundi ang buo na?

Hindi ako salungat sa damdaming makalahi subalit nakalulungkot makitang ito’y


ginagawang luhuran lamang ng ibang tumatangging magpakilala ng kanyang matatag
na katauhan sa pagharap sa buhay.

SA AKING PAKIWARI, ang balangkas o pamamaraan sa tula ay hindi


mahalaga. Sa papatayin mang hayop, ang mahalaga ay ang kalamnan, at ito sa tula ay
ang damdaming matulain – yaong damdaming may hubog, may kulay at may tinig.
Datapwa’t higit sa damdamin ay ang makata sa kanyang sarili niyang kakanyahan na
iba sa lalong malapit niyang katulad. Ang makata, sa kanyang sarili, ay nag-iisang
batayan, nag-iisang balangkas at nag-iisang pamamaraan ng paglikha. At sa mga
sandaling siya’y nasa ilalim ng kapangyarihan ng damdaming ayaw nang magpatantan,
ang makata, ang tunay na makata ay may ganap na kalayaan sa pagpili ng mga
balangkas at pamamaraang naaangkop sa pagsasakatuparan ng lunggati
sapagpapahayag. Sa ang maibigan man niya sa mga sandaling yaon ng paglikha ay
angn luma o bagong pamamaraan bilang kasangkapan, ito’y hindi gaanong mahalaga.
Sapat na sa kanya ang damdaming nag-uumapaw sa puso at di masayod na damdamin
sa kaluluwa upang sa pamamagitan niya, ng sariling di hawa sa iba, ay makalikha
pagkatapos ng isang munting tula, isang tulang iba kaysa kapangalang nalikha sa bisa
ng mababaw na kapormalan ng kombensiyon.

Hindi kailangang hadlangan ang makata sa kalayaang dapat lubusang


pagpasasaan. Kung ang damdamin ng makata, samantalang hindi pa naibubulalas, ay
mayroon ng sukat at tugma, ay ano ang makahahadlangn sa kanya upang ibulalas na
may sukat at patugma? Datapwa, kung ang damdaming iyang nasa makata ay lalong
mabuting pahayag, sa ngalan ng guniguni, sa pamamagitan ng pag-iwas sa sukat at
tugma ng pinagkagawiang pagtula, ay ano ang makahahadlang sa kanya upang siya’y
magpahayag ng damdamin sa pamamagitan ng malayang taludturan?

46
Diyan ay maliwanag na ang tula ay wala sa pagkakaroon ng sukat at tugma, at
wala rin sa pag-abuso ng kakawag-kawag na damdamin sa kalayaan ng
pagpapahayag. Ang tugma at sukat ay hindi garantiya sa mabuting tula, at ang
paagbakli-bakli ng mga taludtod ay hindi rin katibayan ng mabuting malayang
taludturan. Ang tula ay tula sa anumang sukat ang ginagamit ng diumano’y makabago o
makaluma.

Bago ako magwakas ay nais ko paring sabihin sa inyo na ang daloy o ritmo, sa
tula ay siyang mahalaga – hindi yaong daloy na panlabas kundi yaong daloy na
panloob. At ang daloy na panloob ay ang pagkakaisa at natural na pagkaksundo ng
kulay, tinig at hubog ng damdamin ng makata, sa isang dako, at ng mga salita bilang
sangkap o mabisang sangkap sa pagpapahayag ng kagandahan sa kabila tungo sa
ikapagkakahulugan nito sa damdamin ng mambabasa.

Tula: Kaisahan ng Kalamnan at Kaanyuan

ni Alejandro G. Abadilla

(Panimulang Pagsusuri ni Jomar G. Adaya)

Mapagbuong Pagwasak

Ang sanaysay na ito ni Alejandro G. Abadilla ay lumabas sa Liwayway noong


Hulyo 8, 1944 bilang tugon sa kritisismo ni Iñigo Ed Regalado. Kilala si Abadilla bilang
modernista ng panulaan sa kanyang panahon kaya masisilayan sa sanaysay ang
pinanananigan niyang ideya sa pagsulat ng tula. Ang layunin niya’y magkaroon ng
kalayaan ang makata sa pagpili ng balangkas at paraan sa pagtula na nang mga
panahong iyon ay hindi maunawaan ng mga manunulat na itinuturing na haligi ng
panitikang Tagalog. Winika niya:

Ang makata, sa kanyang sarili, ay nag-iisang batayan, nag-


iisang balangkas at nag-iisang pamamaraan ng paglikha. At sa mga

47
sandaling siya’y nasa ilalim ng kapangyarihan ng damdaming ayaw
nang magpatantan, ang makata, ang tunay na makata ay may
ganap na kalayaan sa pagpili ng mga balangkas at pamamaraang
naaangkop sa pagsasakatuparan ng lunggati sa pagpapahayag…
Hindi dapat hadlangan ang makata sa kalayaang dapat lubusang
pagpasasaan..

Malinaw sa pahayag ni Abadilla mula sa kanyang sanaysay na ang makata ay


sentral ang ginagampanan sa malayang pagpapahayag ng mga sangkap at balangkas
ng tula. Hindi marapat pigilan ng sinuman, kahit pa ng mga maituturing na
establisyamento ng panulaan ang pagbabago ng mundo na kailan man ay hindi tumigil
sa pag-ikot upang higit pang matuklasan ang mga kalinangang sarili at pambansa. Ang
sanaysay na ito ay isang testamento ng paghuhugis sa bagong mukha ng panulaan
nang panahong iyon at pagpipinta ng tunay na kahulugan ng modernistang paniniwala
ni Alejandro G. Abadilla. Nilinaw niya na mali ang paniniwala ng mga kritiko na ang
makabago ay may layuning ibagsak at lansaging ganap ang katutubong balangkas ng
Tulang Tagalog at palitan ng Tulang Inggles na mula sa mga Amerikano. Ang tinutukoy
na balangkas at katutubo ng tula ay ang sukat at tugma na siyang batayan ng pagiging
tula ng isang tula sa pagkilala ng sining. Itinuturing noon na sagrado ang pagkakaroon
ng sukat at tugma ng tula kaya walang maaaring bumali lalo pa’t ang establisyamento
ng panulaan ay binalangkas ng mga matatandang makata na sumamba sa sagradong
katutubong balangkas.

Ipinaliwanag sa sanaysay na ang pagbabagong hangad ay hindi isang


pagwasak. Ikinumpara ni Abadilla ang usaping ito sa damit na kumakatawan sa
balangkas, pamamaraan o anyo kung saan ang pagbabago ay parang paglalaba ng
damit na luma at marumi na. Hindi nito hangad ang lapastanganin ang damit dahil kung
gayon nga, ang nilalapastangan ng mga makabago ay ang mga sarili rin nila. Kaya
bakit sila gagawa ng bagay na wawasak din sa damit na kanilang inalayan ng panata sa
mahabang panahon? Dagdag pa niya, ang isang mamamayan ay may katwirang huwag
masiyahang tumira sa luma’t sira-sirang kubo kung may kakayahan naman siyang
makabuo ng ibang naiiba at nababago.

Kung gayon, maaari nating sabihing mapagbuo ang pagwasak na ito, kung
pagwasak ngang maituturing. Mapagbuo sapagkat ang hangaring pagbabago ay hindi
upang burahin ang isang balangkas at anyo kundi pintahan ng bagong kulay at himig
tungo sa isang malayang pagpapahayag.

48
Ang Laman at Anyo

Nais linawin ni Abadilla na ang balangkas o pamamaraan sa tula ay hindi


mahalaga. Sa halip, ang kalamnan nito na tumutukoy sa damdaming matulain, yaong
damdaming may hubog, may kulay at may tinig. Gayondin ang halaga ng ritmo o daloy
na panloob na kabuuan ng pagkakaisa at pagkakasundo ng kulay, tinig at hubog ng
damdamin ng makata. Hiramin din natin ang pahayag ni Clodualdo Del Mundo sa
pagsusuri niya sa “Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla:

Ang tunay na tula ay kailangang matigib sa damdamin,


kinakailangang managano sa kabuuan nito sapagkat kung hindi
mapupuno sa damdamin, kailanma’y hindi maaaring mabitag sa mga
taludtod nito ang isang kagandahan. At ang gandang kinakailangang
mabihag ng mga taludtod at mga parirala sa isang tula’y yaong
nakapupukaw sa isang banal na damdamin. Iyan ang tunay na tula:
nananagano sa masisidhing damdaming gumigising sa kabanalan ng
isang panimdim.

Ang tinutukoy na damdamin ni Del Mundo ay uusbong sa kapangyarihan sa


pagpapahayag ng isang makata. Sa kanyang sariling sumpa nakasalalay ang matigib
na damdaming mangingibabaw sa isang obra upang tiyak na lumambong sa puso ng
mga mambabasa.

Malaki kung gayon ang papel na ginagampanan ng makata sa pagbuo ng


damdamin at balangkas ng anyo. Tulad ng nabanggit sa bandang unahan, ang makata
ay sentral ang gampanin sapagkat sa kanyang namumukod-tanging kakanyahan,
batayan, balangkas at pamamaraan ng paglikha, bumubukal ang tunay na anyo ng
isang makata. Ang makatang bukas ang kamalayan, maramdamin sa kanyang
mundong ginagalawan at makapangyarihan sa pagpapahayag ng mga kaisipang
kayang damhin ng lahat, subalit hindi kayang ipahayag ng pangkaraniwang tao.

Sa pagniniig ng mga nabanggit, tiyak na matitigib ang laman at makukulayan ang


anyo na magpapasilay sa tunay na kahulugan ng tula sa mundo ng panitikan. Ayon kay
49
Abadilla “Ang tula ay tula sa harap ng anumang sukat ang ginagamit ng diumano’y
makabago o makaluma.”

Ang Kamao ng Panulat ni AGA

Taong 1940 nang lumabas sa magasin na Liwayway ang tula niyang “Ako ang
Daigdig” na gumimbal sa panulaang Tagalog. Ang tulang iyon ay isang manipesto ng
kanyang paglihis sa tradisyon ng pagtula at pagkilos para sa pagbabanyuhay ng mukha
ng panulaan. Walang takot ang kanyang mga pahiwatig sa pag-alpas sa pagkakatali sa
sukat at tugma. Gayonman itinuring siya ni Clodualdo Del Mundo na namimilosopiya sa
anyong paberso sa kanyang tula. Isang pilosopo sapagkat hindi niya naipahayag ng
matapat at taimtim ang damdamin na katangian ng isang tula.

Ang paglaban sa sariling mundo ng sining ni Abadilla ay itinuturing niyang sining


ng pagpapatiwakal. Ito’y sa kadahilanang sa pagsuong sa disyerto, dadating ang
panahon ng pag-iisa at mauubos ang katas ng katawan hanggang sa lamunin ng
alikabok at manatili na lamang sa kasaysayan. Ayon kay Virgilio Almario sa kanyang
aklat na Pitong Bundok ng Haraya (2010), napakahirap maging dakila. Uulitin ko ang
wika ni Abadilla, sining ito ng “pagpapatiwakal”; isang “panata” para sa kalayaan para
kay Ka Amado at malimit na sinusukat ang katapatan at konsistensi pagkaraan ng
kamatayan. Kaya higit na dumarating ang mga gantimpala’t parangal kapag siguradong
hindi ka na makapagbabagong-loob (sapagkat patay ka na o ulyanin) para maging
inconsistent.

Hindi matatawaran ang halos 30 taong krusada ni Alejandro G. Abadilla tungo sa


paggiba sa tinatawag niyang “kastilyong-moog ng lumang institusyon” (Almario, 2010).
Subalit nakalulungkot isipin ang katotohanang, ang pagtanggap sa mga kaisipan ng
isang tao ay kinikilala na lamang kapag siya’y patay na. Ang mga naiwan niyang
kasaysayan ay buhay na patunay ng pagsusulong ng kamulatan sa anumang
sistemang umiiral. At ang lahat ng iyan ay makikita sa mga obra niyang bumalangkas at
bumago sa tradisyon ng panulaan.

50
Sa kabuuan, hindi pagsunod sa tradisyon ang mahihiwatigang tinig ng sanaysay,
kundi pagtatakwil sa sistema ng panulaan na hindi nagbigay ng sapat na kalayaan sa
makata upang lumikha.

Mga Gabay na Tanong sa Sanaysay ni Alejandro G. Abadilla

1. Ano ang nais patunayan ng argumento ni Alejandro G. Abadilla sa sanaysay?


2. Ano ang tinutukoy na kalamnan at kaanyuan ng tula?
3. Makatwiran ba ang ipinaglalabang pagbabago sa panulaan ng may-akda?
Ipaliwanag.
4. Sa kabuuan ng sanaysay, anong makabuluhang ideya ang nais ikintal sa mga
mambabasa?
5. Ano ang diskurso ni Alejandro G. Abadilla? Naglalahad ba siya? Naglalarawan?
Nagsasalaysay? Nanghihikayat? Ipaliwanag?

SULYAP SA TULA NG PANGASINAN


Renato R. Santillan

Isa sa matandang uri ng panitikan sa Pangasinan ay ang Anlong. Salitang mula


sa wika ng Pangasinan na ang ibig sabihin ay tula. Katulad din ng ibang tula sa wika ng
Filipinas nagsimula itong nagpasalin-salin sa bibig ng mga ninuno ng mga Pangasinan.
Gaya ng tula sa Tagalog, ang anlong ay may sukat at tugma rin. Gayundin, ang mga
paksain ay karaniwang pang-araw-araw na buhay ng isang taga-Pangasinan. Pansinin
ang halimbawa sa ibaba:

Walay manok kon taras


Bagsit a melamelag,
Bangno manongtongtong ak
Siber siber ed arap.

Kung susuriin ang sukat ng anlong sa itaas may pito itong pantig sa bawat
taludtod. Kung papansinin naman ang tugma nito, ang taras, melamelag, ak at arap
sang-ayon kay Dr. Jose Rizal ay nasa anyong malakas na katinig ang tugmaan.
Malinaw sa halimbawang ito na ang anlong ng Pangasinan ay walang pinagkaiba sa
tugmaan ng tula sa Tagalog. Gaya ng ibang wika sa Filipinas, umusbong ang panulaan
ng Pangasinan bago pa dumating ang mga Kastila. Subalit habang nasasakop ang
bansa ng mga dayuhan unti-unting napag-iwanan at naglalaho ang panulaan ng

51
Pangasinan sa iba pang wika ng Filipinas. Ito ang malaking paniniwala ni F. Sionel
Jose, Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura. Ayon sa kanya: “Pangasinan as a
literary language is waning.”

Nitong mga nakaraang taon, marami ang nagsasabing namamatay na ang


wikang Pangasinan. Isa na rito si Armando Ravanzo sa kanyang sanaysay nagtanong
siya: Is a Pangasinan A Dying Diealect? Ang tanong na ito ni Ravanzo ay bunga ito ng
madalang na ang nagsusulat sa wikang Pangasinan. Gayundin, ang mga bagong
henerasyon ng mga taga-Pangasinan ay hindi marunong magsalita sa nasabing wika.
Ni ang kanilang alam na pangalan ng kanilang wika ay panggalatok na hindi naman
dapat. Ang panggalatok ay galing sa dalawang salita na pinagsama: Pangasinan at
Katok. Kaya kung bibigyan ng kahulugan ang panggalatok – “Pangasinan na may sira
ulo.” Kaya buong tutol si Santiago Villafania na hindi namamatay ang wikang
Pangasinan. Wika niya:

“Maksil so pananisiak tan amtak ya dakel so onabobon ya ag empapatey


sa salita tayo. Balbaleg labat so impanguman na salitan Pangasinan no
ikumpara nen antis ya sinmakbit iray Kastila ed pampang na Caboloan.”

Sa pahayag na ito ni Villafania naniniwala siya na hindi namamatay ang wika ng


Pangasinan. Ang kaibhan lang ay hindi na nagagamit ang mga salitang luma sa halip
ay nanghihiram sila ng mga salita mula Ingles. Kung papansinin ang salita ng mga
kabataang Pangasinan, may halong wikang Filipino at kung minsan ay Ingles. Kaya
hindi siya pumayag na mabaon sa wala ang mga salitang nalilimutan na ng mga
bagong usbong na Pangasinan. Bunga nito, nabuo ang Malagilion bilang patunay na
hindi namamatay ang wikang kanyang nakagisnan, gaya ng nasasabi ng ilan. Isang
koleksyon ng tula (Soneto at Villanelle) na nasusulat sa Pangasinan ang kanyang
ginawa upang patunayan ang kanyang sinasabi. Nakuha ng aking atensyon ang aklat
na ito ni Villafania lalo na’t nasusulat ito sa Pangasinan dahil ako mismo ay nakaiintindi
ng Pangasinan.

Sulyap sa Anyo ng Malagilion

Ang aklat ni Villafania ay may pamagat na “Malagilion Sonnets tan


Villanelles.” Kung bubuklatin ang aklat na ito, naglalaman ng tatlong daang (300)
soneto. Pansinin ang soneto na nakapaloob sa Malagilion. Ayon sa UP Diksyonaryong
Filipino ang soneto ay tula na nagpapahayag ng isahan at kompletong ideya o
damdamin sa loob ng labing-apat (14) na taludtod na may mga tugmang naayon sa
sinusunod na modelo, gaya ng modelong Italyano na nahahati sa pangkat ng oktaba at
sinusundan ng sestet, o ng modelong Ingles na karaniwang binubuo ng tatlong quartet
at sinusundan ng isang couplet. Ang pamantayang ito ng soneto ay mahigpit na
52
sinusunod. Kung hindi man o sumunod sa dalawang anyo, naroon at naroon pa rin
itong tugmaan basta’t naroon pa rin ang labing-apat na taludtod. Alin man sa anyo ng
tulang soneto na walang tugma at hindi labing-apat ang taludtod hindi ito matatawag na
soneto. Ngayon pansinin ang isa sa soneto ni Villafania:

Sonito 1

(1) kawalaan mo natan Urduja? (a)


(2) anggapo’y makaamta no iner (b)
(3) so angisinopan da ed sika (a)

(4) say linget tan dala’n impaterter (b)


(5) tinmubo iran dika na dalin (c)
(6) pian nasakuban so angarian (d)

(7) agko amta no aya so bilin (c)


(8) bilang prinsisa na Caboloan (d)

(9) nabilang so istoryan nisulat (e)


(10) istoryan mangipakabat komun (f)
(11) no sika et tua o mito (g)

(12) bonga’y kanonotan na totoon (f)


(13) pinabli ran maong so luyag da (a)
(14) kanian say ngaran mo inako ra (a)

Sa sonetong ito ni Villafania, mapapansin na ang bawat taludtod ay mayroon


itong limang saknong at labing-apat na taludtod. Ang bawat taludtod nito ay may
tigsasampung pantig. Mayroon itong saknungan na 3, 3, 2, 3 at 3. Kung papansinin
naman ang unang taludtod kawalaan mo/ natan Urduja? mayroon itong limahing
sesura. Sa ikalawang taludtod kung susundin ang unang sesura ay mahahati ang tula
sa maka/amta para maging limahin ang sesura anggapo’y maka/amta no iner.
Lumalabas na mali ang hati ng ikalawang taludtod. Kung paghihiwalayin ang tula sa
sesura lalabas na ang ikalawang taludtod nito ay magiging ganito: Anggapo’y maka/
amta no iner. Lumalabas na ang unang sesura nito ay nagtatapos sa maka at ang
ikalawang sesura ay nagsisimula sa amta. Gayundin ang ikatlong taludtod ng tula.
Pansinin ang taludtod: so angisinopan da ed sika. Kung susuriin ang sesura ng
ikatlong taludtod lalabas ang ganitong hati: so angisino/pan da ed sika. Nahati ang
taludtod sa pagitan ng salitang angisino? at pan? Pansinin din natin ang tugmaan ng
tula. Mayroon itong ganitong tugmaan na a, b, a/ b, c, d/ c, d/ e, f, g/ f, a, a/ lumalabas
53
sa tula na walang tugmaan ang sonito 1. Kung titingnan mabuti, tama na sana ang
tugmaan ng unang saknong dahil ang unang taludtod nito ay tugma sa ikatlong
taludtod. Subalit sa ikalawang saknong hindi naman tugma ang mga taludtod nito. Hindi
naman ito tugmaang Italyano o Ingles at lalong hindi naman ito mono rhyme. Para
lalong mapagtibay ang aking mga pinagsasabi-sabi sa artikulong ito, pansinin pa natin
ang isa pang soneto ni Villafania:

Sonito 64

(1) wala’y no anton kebiew ed pagew (a)


(2) sanlabi lan ag pakaugipay (b)
(3) pannunnonot ko’d isabi’y agew (a)
(4) a pangikban yo’d lobir na bilay (b)

(5) asingger lan onselek so banwa (c)


(6) magano lan onkupit so matak (d)
(7) ompawil ak la’d podir a panggia (c)
(8) pamatanir yo’d bugtong ya anak (d)

(9) dia ed yarap yo’d say Makauley (a)


(10) piaet kon nagamoran yo’y tawen (a)
(11) anggan say pusok et mantagleey (a)
(12) maliket kon abete’y arapen (a)

(13) ta amtak wala kila’d akualan (e)


(14) na Impiniton Sankatageyan (e)

Sa sonetong ito ni Villafania, mayroon itong labing-apat na taludtod. Ang bawat


taludtod nito ay may tigsasampung pantig. Sa tulang ito ni Villafania ay may tugmaang
masasabi dahil sa unang saknong may tugmaan itong /a, b, a, b/, sa ikalawa ay may
tugmaang /c, d, c, d/. Sa ikatlong saknong ay may tugmaang /a, a, a, a/ at ang huling
saknong nito ay /e, e/ Kung susuriin naman ang sesura nito sa una hanggang ikaapat
na taludtod sa unang saknong mayroon itong limahing sesura. Samantala ang
ikalimang taludtod sa ikalawang saknong kapansin-pansin na nahati ang tula sa
salitang onselek. Kaya lalabas ang taludtod na ganito: asingger lan on/selek so
banwa. Ganoon din ang ikaanim na taludtod sa ikalawang saknong ng tula. Nahahati
ang taludtod sa salitang onkupit. Kaya ang magiging kalalabasan ng ikaanim na
tulodtod ay magano lan on/kupit so matak. Kung papansinin pa ang sesura ng
natitirang taludtod ng tula, ang ikasampu at ikalabindalawang taludtod ay walang
sesura. Sa kabuuan ng tula wala itong iisang sesura.

54
Hindi iisa o dadalawang ulit na nangyari na walang sesura ang tula ni Villafania.
Upang mapatotohanan ang aking sinasabi. Narito ang ilang mga halimbawang tula:

sonito 180

karaklan ed sa/ray kaugawan


ya agla ‘ra kab/kabat ed ngaran

sonito 181

aminsan mabo/lik ed dila yo


ira’y talurtur/ ya imbalikas
agay la’y bulas/las na ilalam
ed saray inko/rit yoran libro

sonito 165

si Arin Kasi/kis tan Alaos


si Arin Kasi/lag tan Dalisay

Hindi ko alam kung ano ang layunin ng may-akda sa ginawa niyang mga
sonetong walang sesura.Sadya bang hindi niya nilagyan ng sesura ang lahat ng
koleksyon niya ng soneto at villanelle? Kung papansinin naman ang ibang taludtod ng
kanyang tula ay may sesura naman ito.
May mga tugmaan sa soneto niya ay sumablay gaya ng halimbawa sa ibaba:

Sonito 158

panon takan aroen Pinabli? (a)


ipetek ko man ira’y sonata (b)
anlongen ko man ira’y sonito (c)
ag iraya onkana anganko (c)
ed puson agto amta’y ondengel (d)
ed saray dangoan na panangaro (c)

panoon takan pablien Inaro? (c)


yalay ko man ed sika ya’y egpang (e)
tan sinonito iran pilalek (f)
ag iraya onkana anganko (c)
ed puson anggapo’y pililikna (b)
tan sagiat ed sayan manangaro (c)
55
balet ta lapu’d sika so musia (g)
ligliwak lawas ya anlongen ka (g)

Sa unang saknong, hindi nagtugmaan ang mga huling salita ng mga taludtod
nito. Gayundin ang ikalawang saknong maliban sa ikatlong saknong na nasa
tugmaang /g, g/. Para lalong mapatunayan ang aking sinasabi basahin ang ilang soneto
niya at husgahan niyo kung tama an gang aking sinasabi. Isa sa mga tulang
nakapaloob sa Malagilion ni Villafania ay ang villanelle. Ang villanelle ay tulang liriko na
may labinsiyam na taludtod, may dalawang tugma lamang at inuulit ang ilang linya. Ang
una ay nauulit sa ikaanim, at ikalabindalawang taludtod. Samantala ang ikatlong
taludtod nito ay nauulit sa ikasiyam at ikalabinlimang taludtod. Sa huling dalawang
taludtod, pinagsasama ang una at ikatlong taludtod. Sa aklat ni Villafania mayroon
siyang koleksyon na limampu (50). Pansin ang halimbawa sa ibaba:

Villanelle 1: Talabay
“Education’s only,the Envelope –
Give,me,the,Letter.” – Jose Garcia Villa

(1) say talabay et sobri lambengat (A1)


(2) ya anggapo’y iyan ono karga (b)
(3) iter o yawat yo’d siak so sulat (A2)

(4) no iner inkorit ira’y bangat (a)


(5) pangoliran tan saray simbawa (b)
(6) say talabay et sobri lambengat (A1)

(7) anggapo’y balor a singa galat (a)


(8) singa dunong ya ag ikakana (b)
(9) iter o yawat yo’d siak so sulat (A2)

(10) tapian nagamoran so pirawat (a)


(11) a pangiwanwan ed inkapalsa (b)
(12) say talabay et sobri lambengat (A1)

(13) aya et nayarin naandipat (a)


(14) no ag niubol ono nilikna (b)
(15) iter o yawat yo’d siak so sulat (A2)

(16) ta wadtan ira’y tepet tan ebat (a)


(17) ed dorongawa’y bilay dia’d talba (b)
56
(18) say talabay et sobri lambengat (A1)
(19) iter o yawat yo’d siak so sulat (A2)

Sa halimbawang ito na villanelle mapapansin na ginamitan ni Villafania ng


epigraph ang tula na kinuha niya sa tula ni Jose Garcia Villa. Mayroon itong labinsiyam
na taludtod. Kung titingnan ang tula, nasunod ni Villafania ang tuntunin ng villanelle.
Gaundin mayroon itong tugmaang /a, b, a/ mula sa unang saknong hanggang ikalimang
saknong. Sa ikaanim na saknong ay /a, b, a, b/. Ang bawat taludtod nito ay may
tigsasampong pantig. Pansinin naman ang sesura nito. Sa unang taludtod ganito ang
hati: say talabay et/ sobri lambengat. Nahati ang taludtod sa pagitan ng salitang et at
sobri. Sa ikalawang taludtod nito ganito ang hati ng taludtod: ya anggapo’y i/yan ono
karga. Nahati ang taludtod sa pagitan ng salitang iyan. Tama ang sesura ng unang
taludtod subalit mali naman ang sesura ng ikalawang taludtod. Sa ikatlong taludtod
tama ang sesura samantala ang sesura ng ikaapat na taludtod ay mapapansing nahati
sapagitan ng salitang inkorit. Kaya ang magiging kalalabasan ng inkorit ay inko? at
rit? Lumalabas na mali ang sesura nito. Tingnan pa ang mga sumunod na taludtod
saka husgahan sang-ayon sa alituntunin ng pagsulat ng tulang may sukat at tugma
lalo’t villanelle ang anyo nito. Magbigay pa tayo ng villanelle na makikita sa Malagilion ni
Villafania. Pansinin ang villanelle 4 na may pamagat na Urduja. Kinuha ko ang anim na
taludtod nito:

(1) agay la’y binta na impanlupam (a)


(2) postura ka na kinalakian (a)
(3) aya so ipapatnag na matam (a)

(4) dia ed ritmo na sayiao ya tagam (a)


(5) tewek ira’y amin ya talawan (a)
(6) agay la’y binta na impanlupam (a)

Kung susuriin ang tugmaan ng villanelle 4 nasa iisang tugmaan ito. Mayroon
itong sampung pantig sa bawat taludtod. Sa una at ikalawang taludtod, tama ang
sesura nito dahil sa unang taludtod nahahati ito sa pagitan ng salitang binta at na.
Gayundin sa ikalawang taludtod nasa pagitan ng salitang ka at na. Mali naman ang
sesura ng ikatlong taludtod dahil nahahati ito sa salitang ipapatnag (ipa/patnag). Sa
ikalawang saknong, may tamang sesura ang ikaapat na taludtod at ikaanim na taludtod.
Samantalang ang ikalimang taludtod ay mali ang sesura nito. Dahil nahati ang taludtod
sa salitang amin (a/min). Sa kabuuan, karamihan sa villanelle sa Malagilion ay walang
sesura ngunit natupad nito ang pag-uulit-ulit na taludtod na kailangan sa isang
villanelle.

Sulyap sa Nilalaman ng Malagilion


57
Isa sa kapansin-pansing nilalaman ng aklat ni Villafania na Malagilion ay ang
mga hinaing niya sa mga kapwa Pangasinan. Sabi niya, wala ng nagmamalasakit sa
wikang Pangasinan. Pansinin ang soneto 136

singa bukbukor ko’y mibabakal


ed saray kailalaka’y biklat
ya angakamo’y dila’y Pangasinan.

Kung susuriing mabuti ang saknong ang tinitukoy na personang ko’y sa taludtod
na: singa bukbukor ko’y mibabakal ay dalawa ang pakahulugan una ay ang taong
taga-Pangasinan na nagmamalasakit sa wikang Pangsinan at ang pangalawa ay ang
may-akda. Sa tingin ng may-akda ay nag-iisa siyang nagmamalasakit sa wikang
Pangasinan. Bunga nito, lalong humihina ang wikang Pangasinan dahil sa
impluwensiya ng mga wikang Ingles at Filipino. Kaya nga wika niya sa soneto 128:

dia’d inkasil da ra’y dayon musia


kinmuyep so masnag a liwawa
ed muling na musia’y Pangasinan

Sa saknong na ito, ang liwawa na tinutukoy rito ng may akda ay pag-asang


babangon ang wikang Pangasinan. Ayon sa kanya nawala ang pag-asang ito ng
dumating ang mga dayo at ang pag-iisip ng mga taga-Pangasinan ay pinalitan ng
kanilang mga paniniwala at kultura .Sa soneto 114, mapapansin na ang mga bagong
henerasyon, lalo na sa mga lungsod ay Tagalog ang kanilang gamit.

balet saray tobun-balo natan


dia ed binmungayabong ya siudad
dinmalin tan binmato’y dila ra
salitan Tagala’y pilatek da

Ayon pa sa kanya ay nakalimutan hindi lang ang wika ng Pangasinan kundi ang
lumang pangalan nito. Mapapansin ito sa soneto 104. Ang tinutukoy niya ritong lumang
pangalan ay Caboloan.

agko la namngel irama’y dangoan


tan simponia na kakawayanan
nen alingwanan da lan bitlaan
so daan ya ngaran mo pinabli.

58
Bunga nito, ang mga tulang nalikha bago dumating ang mga Kastila ay tuluyan
ng nawala. Gayundin ang mga tumutula ay kasabay na naglaho ng Caboloan. Makikita
ito sa soneto 94 at villanelle 23.

Sonito 94

amigmig la’ra’y egpang na anlong


tan saray tekep na pangoliran
da’ra’y sinaunan umaanlong
a simmulming dia ed Caboloan

villanelle 23

naandi la’ra’y anlong a ditso


tan saray tagaumen a daan
aborak la’ra’d egpang a nitso

Magkagayon man, malakas pa rin ang loob ni Villafania na muling babangon ang
wikang Pangasinan dahil naniniwala siya na buhay pa rin ang panitikan ng Pangasina n.
Naniniwala siya na ang magpapabangon ay ang kagaya niya manunulat. Hanggat may
nagsusulat sa wikang Pangasinan na gaya niya hindi kailan man mamatay ang wika ng
Pangasinan Ito ang kanyang sinabi sa villanelle 46 at soneto 248

Villanelle 46

say bilay na tawir a salita


say pansiansia’y dilan Pangasinan
wala’d mabunan litirarura

sonito 248

inmalagey so balon awiran


ya amasimbalo ed ulupan
ya natogiop ed panaon aman

Malakas ang kaniyang loob na ibigay ang mga aklat na bunga ng mga
reklamasyon ng pag-iisip na nagpapatunay na buhay ang panulaan ng Pangasinan sa
kaniyang pangunahing kritiko na si Virgilio Almario. Makikita ito sa soneto 164.

Sonito 164
59
(para ed si Virgilio S. Almario)

anlemlemew so liknaa’d pagew


nen yawat ko’d sikayo so libron
Pinabli tan arum ni’ran anlong

anggano wala so panduarua


ompano gaygayen yo’d palian
ta nidatek lanti’d Pangasinan

anggaman ontan emben yo natan


so balikas na musian abangonan
ed abayag ya impakalingwan

aya met so ebat ko ed kuanyo


ya riklamasion na kanonotan
para ed saya’y lapag a nasion

ta say litiraturan panrihion


wala la’d tambib na ibolusion

Ang hinaing na ito ni Villafania ang siyang manggigising sa mga natutulog na


mga kababayan niyang may pagmamalasakit sa wikang Pangasinan. Kaya isang
malaking hamon sa mga taga-Pangasinan lalo na sa mga manunulat na kailangan
nilang kumilos para sa muling pagbuhay ng panitikan ng Pangasinan.

Sa kabuuan ang Malagilion ni Villafania ay sumasalamin sa kung ano ang


mayroon ang tula ng Pangasinan. Nahusgahan ko na ang anyo ng Malagilion at ang
nilalaman nito. Maaring ang aking paghuhusga ay may kulang pa subalit
pinapangatawanan ko ang aking mga binitiwang paghuhusga batay sa abot ng aking
kaalaman at natutuhan sa panuluaan. Maaring may mga hindi pa ako nakikita sa aklat
ni Villafania. Para lalong masuri ang aklat niya, hinahamon ko mga kapwa ko
Pangasinan na kritiko. Suriin ang aklat ng Malagilion at husgahan niyo sang-ayon sa
inyong kaalaman sa panitikan ng Pangasinan.

Sulyap sa Tula ng Pangasinan ni Renato R. Santillan


(Panimulang Pagsusuri ni Karen G. San Diego)

Ang muling pagtingin sa tula ng Pangasinan ay nagpapakita ng pagtindig sa


pinaniniwalaan na ang wikang Pangsinan ay hindi namamatay bagkus ito ay dumaraan
60
sa pagsubok nang pagbabago at pagiging malikhain na siyang pangunahing katangian
ng wika. Nagbabago sa aspetong kaalinsabay ng pamamayagpag ng teknolohiya at
pandaigdigang wika ay hindi maiiwasang masanggi ang wika at kultura ng Pangasinan.
Nariyan na ang mga lumang salita ay nalilimutan na dahil sa hindi ginagamit gayundin
na ang mga lumang salita ay inaangkupan ng bagong bihis upang iakma sa
kasalukuyang panahon na nasa katangian ng pagiging malikhain.

Ang mga anlong o tula ng Pangsinan ay nagpapatunay na mayaman ito sa


karanasan at buhay na buhay ang kahusayan sa pagpapabatid ng kultura at mga
ideyang kanilang kinagisnan.

Isang patunay na patuloy na pamamayagpag ng tula ng Pangasinan ay ang


koleksyon ng tatlong daan (300)soneto at villanelle. Maihahalintulad din ang Magalion
sa anyo at estilo ng mga tula sa Tagalog.

Ang pagiging mahusay ni Santillan sa wikang Pangasinan ay walang


pinapanigan sa pagtingin. Ito pa nga ang nagtutulak sa kaniyang mapatunayan sa mga
mambabasa lalo na ang kaniya niya taga-Pangasinan na buhay na buhay at patuloy na
pumapaimbulog na wikang sinuso at namana pa nila sa kanilangninuno. Isa rin siya sa
nagsusulong ng adhikaing muling patatagin at pausbungin ang wikang nagpaging tao
sa kanila. Bilang patunay, inilahad niya ang soneto at villanelle ni Santiago Villafania na
siksik sa mga tulang magpapabangon muli sa wikang anaakala ng karamihan na patay
na at nabaon na sa limot.

Sa anyo ng Malagilion, sinikap ipaliwanag ang pisikal na aspeto nito. Na tulad sa


wikang Tagalog na may tugmaan, mga saknong at mga taludtod na nagpapakita ng
kagandahan ng kultura ng mga taga-Pangasinan. Pagpapatunay lamang na sa
pagtahak sa tuwid na landas ng tula ay hindi lamang sa Tagalog makikita ang
itinatagong yaman at husay ng mga may-akda. Bagkus, lutang na lutang ito sa mga
anlong.

Lutang na lutang sa akdang ito ang pagpapatunay na buhay ang wika ng


Pangasinan.

Sa pagtingin ng awdyens, hindi maiwasang makita ng mga bukas na mata ang


pag-aangat ng may-akda sa wika at kultura ng Pangasinan lalo na sa larangan ng tula.
Higit sanang mauunawaan ang nais ipahayag ng mga tula kung ito ay naisalin sa
Tagalog dahil kung ang babasa nito ay mga hindi taga-Pangasinan ay tiyak na hindi
babasahin ang bahagi ng akdang ito. Binibigyang puwang din ng may-akda ang lalim ng
kaniyang pagnanais na itama ang mga maling akala sa pagbulusok ng wikang
Pangasinan. Bagkus, ito ay kaniyang itinataas sa paglalayong ipabatid na ang wikang
61
kabilang sa pangunahing wika sa Pilipinas ay hindi kailanman mamamatay.
Kaalinsabay nito, tila mo ang wikang Pangasinan ay napagod sa paglipad na ibon kaya
naman ito ay namahinga sa pamamayagpag at naghanap ng mapagkakanlungan at
mag-aalaga sa kaniya. Kumbaga, sandaling nagpahinga pero hindi nawala. Maiuugnay
din natin ito sa showbiz, ang mga artistang sumikat at nakilala sa kanilang kahusayan
sa pagganap at pag-arte ay namahinga muna sa pagtatrabaho. May mga balitang
lumabas na kesyo sila ay nabuntis, nanganak, nangibang-bansa na at marami pang iba.
Pero kung susumahin, namahinga lamang sila sa gulo ng mundong ginagalawan nila.
At muli,magbabalik sila sa kanilang kinagisnang mundo upang ipakita na sila ay ang
mga bago (refreshed) at handa na uling suungin ang mundong minsan na nilang iniwan.
Hindi mo kailanman mauunawaan ang hatid na nilalamn ng mga tula kung hindi mo
ganap na batid ang wikang ginagamit.

Hindi naman porke wala ng nagsusulat sa wikang ito ay patay na ito. Lalo na at
sa kasalukyang panahon ay ipinapatupad ang K-12 kung saan gagamitin ang wikang
bernakular sa pakikipagtalastasan sa antas ng elementarya kaya naman ito ang
magbibigay daan upang mahalin at tangkilikin hindi lamang ng mga Pangasinense
gayundin ang iba pang nagsasalita ng bernakular na wika ang wika at panitikan ng
Pangasinan. Ito ang magtutulak sa lalong pagpapaunlad ng kulturang kinagisnan ng
mga Pangasinense. Kaya naman, hindi na masasabing namamatay na wika ito kundi ito
ay pagpupursigeng mapalawak pa at muling maitayo ang bandera ng panitikang
kikilalanin pa ng mga kaapu-apuhan ng mga ninunong nagsikap mapaunlad at
mapayabong ang kulturang kinasanayan.

Ang pinakalayunin ng akdang ito ay himukin ang mga Pangasinense na


ibanyuhay ang panitikan at kulturang Pangasinan hindi lamang sa kanilang sariling
bayan bagkus kahit saang lupalop/bahagi ng mundo. Kumbaga, huwag kalimutan ang
wikang siyang bumuhay sa kanila na dapat alagaan hindi lamang sa isip, sa salita at sa
gawa. Naglalayon itong gisingin ang mga nahihimlay na diwa ng mga taong sangkot sa
o silang tinatawag na tagapagsulong ng kahusayan at kadakilaan ng wika. Panahon na
upang higit na tutukang mabuti at hagurin ng watsong kakinisan ang panitikan. Kung
maibabalik lang ang dating bugso ng interes sa pagsulat ng mga tula, awit, sanaysay sa
ay tiyak na mayamn na mayamn na ang wikang inaakala ng karamihan na nawala na
sa sirkulasyon ng bansa. Nakapanghihinayang na ang panitikang nagbuklod sa
mamamayan nito ay mawawala na parang bula nang hindi man lang nakikilala ng mga
taong taal na taga-Pangasinan. Hiramin natin ang kantang, “Kung maibababalik ko
lang, ang dati mong pagmamahal pakaiingatan ko at aalagaan pa, ganiyan sana ang
maging perspektibo ng mga nilalang sa tabi-tabi.

Ang pagsasawika ng ideya ay sing tatag ng kaniyang pananamplataya na ang


wikang Pangasinan ay patuloy na nabubuhay sa paarang tahimik at bigla na lang
62
sasamulat na tulad ng bulkanm na tahimik sa umpisa ngunit unti-unting nag-iipon ng
lakas upang ipabatid ang kalakasan ng wika. Alalaong-baga, nagpapakita lamang ito ng
pangungumbinseng ipagpatuloy ang naudlot na pagpapalaganap ng wika. Kung
mahihikayat lamang natin ang mga bata na pag-aralan at linangin pa ang kaalaman sa
Pangasinan, tiyak na mag-uumalpas ang kahusayan ng Pangasinense. Hindi ba at
uliran at dakila ang kilala mo kung saan at anong uri ng panitikan mayroon ka? Kaysa
mag-aral ng banyagang wika na hilaw sa iyong puso’t damdamin. Natural na natural sa
may-akda ang paglalabas ng hinaing sa kinahantungan ng wikang Pangasinense na
noon ay tinitingala ngunit ngayon at tinutudla. Hindi ko rin naman mauunawaan kung
bakit kailangan ng sesura gayong kung ang titingnan ay may tigsasampung (10) pantig.
Kumbaga, ang sesura ay nagpapakita ng pahilis na paghahati ng pantay na bilang ng
pantig.

Nawa’y ang akdang ito ang magpanibago sa pananaw ng mga taong pilit na
ibinabaon sa limot at huwisyo ang literaturang nagpaging sa atin. Literaturang kung ako
ang tatanungin ay magiging sandata sa pakikipagsapalaran sa daigdig ng katotohanan
at pag-asa.

Ang pag-ibig sa sariling dugo’t laman ng buhay ang siyang instrumento sa pag-
unlad hindi lamang ng iyong bayan kundi ng iyong sarili. Bago mo pag-aralan ang
panitikan ng iba, pag-aralan mo muna ang panitikan mo upang hindi ka maging
mangmang sa sarili mong teritoryo at sa sarili mong kaligiran. Amayamay so ibabagak
diad salita, iner so mansimula? Sa pinanggalingan natin, hindi masamang lumingon
dahil ang paglingon ay tanda ng paggalang sa pinagmulan.

Kultura ko, pag-aaralan at pakamamahalin ko!

Kumbaga sa multo, unti-unti itong susulpot hindi para takutin ka kundi upang
ipaaalala sa iyo na “Hoy, buhay ko yang kinakalimutan mo”. Patuloy kitang mumultuhin
at uusigin hanggang sa ikaw ang magsawa at lumingon sa iyong pinanggalingan.

Ang kultura ng tao ay dumaraan sa dilim ngunit unti-unting mahahawi ito tulad ng
lunar eclipse na sandaling iimbulog sa iyong kinang subalit aalpas pa din ang awit ng
buhay na puno ng pagbabanyuhay sa soneto at villanelle.

Mga Gabay na Tanong sa Sanaysay ni Renato R. Santillan:

1. Sa tingin mo, anong nais ipabatid ng may-akda?


2. Masasabi mo bang namamatay o patuloy na yumayabong ang wikang
Pangasinan lalo na sa larangan ng panitikan? Ipaliwanag.
63
3. May mga bagong kaisipan bang inilatag tungkol sa tulang Pangasinense ang
sanaysay ni Santillan?
4. Paano nilinang ng may-akda ang kaniyang argumento sa sanaysay?
5. Ano ang himig o estilo ng sanaysay?

ARALIN 2:
ANG DAGLI AT MAIKLING KUWENTO

Ang Dagli

Ano ba ang dagli? Para kay Agoncillo, ang dagli ay sumulpot noong 1902 sa
pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos
at namayani hanggang 1930. Maikli ang dagli, “hindi lalampas sa tatlong papel” pero
“hindi taal na maikling kwento”. Tila ang pinupunto ni Agoncillo ay ang mababang
katangian ng dagli sa usapin ng kasiningan, dahil ito’y pumapaksa “sa tahasang
nanunuligsa, lantarang pangangaral, karanasan sa pag-ibig at mga akdang inihahandog
sa mga paraluman.” Masalita ang mga dagli, na nagbigay-kongklusyon para kay
Agoncillo na isipin na bahagi lamang ito ng natural na ebolusyon tungo sa “taal na
maikling kwento.” Batay sa mga konteksto ng dagli, ito ang mga katangian ito ay ang
mga sumusunod (Tolentino at Atienza, 2007):

1. Maikli dahil nakabatay sa domestiko at politikal na realidad; kinakailangang


makaagapay, para rin sa mas sustenidong interes sa pagbabasa at pakikinig.
2. Temporal o may panahon lamang ang halaga, kadalasan sa kagyat na panahong
may mainit na balita mula sunog hanggang sa mga patakaran ng Amerikanong
opisyal.
3. Kinathang realidad, bilang subersyon sa matinding sensura sa panahon;
gayunpaman, may mimetikong katangian pa rin sa kaganapan kahit pa parodya ang
marami sa mga dagli.
4. Gumagamit ng mga editoryal na interbensyon sa pagsulat. Binibigyang direksyon
tungo sa papuri (kung romantikong dagli) o panlalait (makabayan); may target itong
layunin sa pagkakasulat, kadalasan ay pagdadambana sa napupusuan o kritisismo
sa kapaligiran; masasabi na madiskurso ang dagli dahil sa paghalaw nito ng mga
iba’t ibang bagay sa puntong nais ipaliwanag; nabibigyang-diin ang manunulat
bilang panlipunang kritiko.

64
5. Partisano, may kinikilingan, kadalasan, pag-ibig ng lalakeng may-akda sa babae o
ang tapat sa sarili sa nagbabagong kaayusan.
6. Moderno sa reperensiyang ginagamit at sa wika. Ikinatutuwa ng mga lingguwista at
ikalulungkot ng mga purista sa wika.

Ang Maikling Kuwento

Ano nga ba ang maikling kuwento? Maraming kahulugan ang maikling kuwento
batay sa iba’t ibang ibinigay ng mga kilalang tao. Ito ang ilan sa mga sumusunod.

Ayon sa aklat ni Herbert Montgomery na pinamagatang “Plot To Sell” na ito’y


isang namumukud-tanging karakter na nakaharap sa isang suliraning tila imposibleng
malutas ngunit makahahanap din ng solusyon at malulutas iyon ayon sa kanyang
sariling kaparaanan. Batay naman sa ama ng maikling kuwento si Edgar Allan Poe, ito’y
isang akdang pampanitikan na likha ng guniguni at salamisim na nakasalig sa buhay na
totoong naganap o kaya’y magaganap pa (Duque, 2004).

Kung pag-uugnayin dalawang kahulugang ibinigay ng piling manunulat, ang


maikling kuwento ay isang akdang pampanitikan likha ng masining na pag-iisip na may
namumukod-tanging karakter na haharap sa isang suliraning kailangang hanapan ng
solusyon na nakasalig sa realidad buhay. Bagamat ang maikling kuwento ay isang
likhang-isip tiinitiyak naman nito na magbibigay larawan sa totoong buhay ng ating
lipunang ginagalawan. Ikinikintal sa isip ng mambabasa ang maikling kuwento ng
karanasan na maaaring naganap na, magaganap at ginaganap pa lamang. Madalas na
mapagkamalan na ang maikling kuwento ay nagbibigay lamang ng kaaliwan sa
mambabasa upang magpalipas ng oras ngunit higit pa sa mang-aliw ang naibibigay
nito. Nag-iiwan dapat ng aral sa mambabasa ang maikling kuwento upang ang
sinomang makabasa ay magkaroon ng kamalayang-panlipunan.

Mga Mahahalagang Sangkap ng Maikling Kuwento

Ayon kay Reynaldo Duque (2004), ang maikling kuwento ay may mga
mahahalagang sangkap upang masabing ang isang akda ay maikling kuwento. Ang
mga mahahalagang sangkap ay ang mga sumusunod:

1. TAUHAN (Character): Nalalaman sa sangkap na ito kung ano ang ginagampanang


papel ng bawat tauhan kung isa sa mga ito ay protagonista (bida) at antagonista
(kontrabida). Dito rin malalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento
upang maipamalas at maipadama ang ipinapahiwatig na mensahe o kaisipan na
nais iparating ng akda.

65
2. TAGPUAN (Setting): Dito nakasaad ang lugar at panahon ng pinangyayarihan ng
mga mahahalagang aksyon o mga pangyayari kung kailan at saan naganap ang
kuwento.

3. BANGHAY (Plot): Tumutukoy sa pagkakasunud-sunod na mga pangyayari ng isang


kuwento. Ang pagkakasunud-sunod na mga pangyayari ay mahalaga sapagkat ito
ang magsisilbing gulugod na magbibigay buhay sa isang maikling kuwento o
anupamang mga akdang pampanitikan.

Ang banghay ay may bumubuong mga elemento:

a. Panimulang Galaw:  Dito na nakasalalay ang interes ng mambabasa kung ito


ba’y kailangang pagbuhusan ng panahon na basahin. Dapat na ang panimula ng
maikling kuwento ay nakapagbibigay agad ng hikayat sa tao upang maging
kawili-wiling basahin at matiyak na tatapusin ng mambabasa na basahin ang
kuwento.

b. Umiigting na galaw: Ang interes ng mga mambabasa ay dapat na mapanatili ng


manunulat. Sa bahaging ito'y paiigtingin pa lalo ang damdamin ng mga
mambabasa upang madala sila sa higit na mataas na antas ng pananabik.

c. Krisis:  Ito ang pinakatampok o pinakamadulang bahagi ng kuwento. Nahahaplos


ang damdamin ng mambabasa dahil krisis na daranasin o dinadaranas ng
tauhan sa kuwento. Sa bahaging ito nagiging mabilis ang galaw ng mga tauhan
at nagiging mabilis ang aksyon ng kuwento.

d. Kasukdulan: Ito ang pinakamatinding bahagi ng akda, tumataas ang


kapanabikan kapag nasa bahagi na nito ng kuwento ang mambabasa.
Mababasa sa kuwento na ang pangunahing tauhan, ay malalagay sa panganib o
sitwasyong kailangan na niyang kumilos upang bigyan ng solusyon ang
kinakaharap na suliranin.

e. Realisasyon o Wakas - Ito ang huling bahagi ng banghay ng kuwento. Dito


malalaman ng mambabasa na lubusan nang naisakatuparan ng pangunahing
tauhan ang solusyon sa kinaharap na suliranin. Samakatwid nabigyang linaw na
ang mga suliraning naisalaysay sa ilang bahagi ng kuwento.

4. TEMA (Theme): Ang tema ang pangkalahatang kaisipang o lagom na nais


palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento. At ang kaisipang ito ang
binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging
tema ang mga sumusunod:
66
a. palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan
b. obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao
c. paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong
daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda.

Mga Uri ng Maikling Kuwento

Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng maikling kuwento (Duque, 2004):

1. Kuwento ng Romatikong Pakikipagsapalaran (story of romantic adventure) –


kuwento ng pag-ibig at romansa na kinasasangkutan ng mapanaganib na
pakikipagtunggali. Sa ganitong KUWENTO, ang pagkawili ay nasa balangkas sa
halip na sa mga tauhan.

2. Kuwento ng Madulang Pangyayari (story of dramatic event) – sa uring ito, ang


pangyayari ay totoong kapuna-puna at makabuluhan at nagbubunga ng isang
kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga taong nasasangkot. Sa ganitong
kuwento higit na nakatuon ito sa mahahalagang pangyayari kaysa sa tauhan at
banghay.

3. Kuwento ng Kababalaghan (horror story) – nabubuo ang ganitong uri ng kuwento


dahil sa paniniwala ng mga tao sa mg bagay-bagay na kataka-taka. Kadalasan
pumapaksa ang mga kuwentong ito sa mga lamang lupa tulad ng aswang, multo at
iba pa.

4. Kuwentong Pangkatauhan (character story) – ang nangingibabaw sa kuwentong


ito ay ang katauhan ng pangunahing tauhan tulad ng aksiyon, pananalita, pag-iisip o
kasinuhan ng pangunahing karakter ng kuwento.

5. Kuwento ng Katutubong Kulay (story of local color) – ang binibigyang diin ng


manunulat sa ganitong uri ng kuwento ay ang tagpuan, kaugalian, paniniwala at
gawi ng mga tao sa isang tiyak na pook, gayundin ang pananalita o ginagamit na
wika.

6. Kuwento ng Tagumpay (success story) – Pinapakasa nito ang naranasang hirap,


pagdurusa at pagtitiis ng protagonista (bida) patungo sa tagumapay. Samakatwid
nagwawkjas ang kuwento sa masaya o maligayang tagpo.

67
7. Kuwento ng Trahedya (story of tragedy) – kabaligtaran ito kuwento ng tagumpay.
Nagwawakas ito sa malungkot na wakas dala ng masalimuot karanasan.

Mga Halimbawa ng Dagli at Panimulang Pagsusuri

PAGSASAMANTALA
Isaias G. Estrella

Takang-taka ang maraming nakakikilala kay Manuel kung bakit siya ay naibig ni
Tonia! Manghang-mangha rin naman ang mga kaibigan ni Tonia kung bakit niya naibig
si Manuel! At ang lahat ng nakakikilala sa dalawang ito, mula nga noong umabot sa
kanilang pandinig ang gayong pagkakaibigan ay sino ang hindi mapapalatak at di
matatawa? Si Tonia ay maganda at kaipala ay wala nang tatalo sa kanyang
kagandahan sa kanilang pook na tinitirahan, at bukod sa riyan ay totoong
mapanghamak lalo at nakikilala niyang isang hamak na empleyado lamang ang liligaw
sa kanya. Nais niyang ang kanyang maging kaisangpalad ay isang doktor o kaya’y
isang abogado, at sa naggagandahang lalaki na nagsisiligaw sa kanya ay wala man
lamang mapili, paano’y ang mga ito’y walang maipagmamalaking kayamanan bagang
sukat sagisagin sa karangyaan upang kagandahan ni Tonia ay makamit ng isa man
lamang sa kanila.

Ngayo’y sa dakong huli ay kabala-balita na lamang na sila ni Manuel ay malapit


nang pag-isahing palad sa darating na mga araw. Ngunit bakit naibigan si Manuel ng
ating mapanghamak na dalaga, gayong kung sa kapangitang lalaki ay wala nang tatalo
kay Manuel. Si Manuel ay bulutonggo, pilas ang labi, harang ang tainga, sulipat ang
mata, at sarat ang ilong na walang-walang kagandahang maipagmamalaki sa ibang
nagsisiligaw kay Tonia. Bakit nga nagustuhan ni Tonia si Manuel? Ah, si Manuel ay
abogado at mayaman at iyan ang naging pangunang dahilan kung bakit naibig nga ni
Tonia. Si Tonia ay hindi tumatanaw sa kagandahan, hindi siya tumatanaw sa
kadakilaan ng isang pag-ibig kundi siya nasisilaw sa salapi at sa katangian ng isang
namimintuho.

Hoy, Igno tingnan mo nga iyang anak ni Aling Tumasa, malapit na palang ikasal
kay Manuel na bulutong. Sukat ba namang maibig ni Tonia ang tinamaan ng hanging
Manuel na iyan!

“Bah, ngayon pag di ka marunong magsamantala ay mamatay ka ng gutom.


Tama ang ginawa ni Tonia na ibigin si Manuel, sapagkat bubuhayin siya sa karangyaan
at kasaganaan.” Ang usapan ng dalawang magkaibigan na nakakikilala sa dalawang
paksa ng usapan natin.

68
“Ngunit isang mahiwagang paraan lamang ang ginawa ng ina ni Tonia kung bakit
naibig ng kanyang anak ang bulutongtong iyan.”

“At ano ang ginawa?” tanong ng isa sa nag-uusap.

“Sapagkat si Manuel ay mayaman ay kung ano-ano ang hinihiling ng ina ni Tonia


sa binata. Sapagkat nalalaman ni Manuel na walang makaiibig sa kanya ay paunlak
naman ng paunlak hanggang mabundat niya ang mag-ina sa pagsasamantala nito sa
kanyang bulsa. At ang ganyang mga ina ay dapat sumpain. Dapat silang sumpain sa
kanilang pagsasamantala at labis na pag-iimbot sa mga magsisiligaw sa kani-kanilang
anak.

Pagsasamantala ni Isaias G. Estrella


(Panimulang Pagsusuri ni Arvie DC. Tolentino)

Pinapaksa ng dagling ito ang pagkasilaw ng tao sa karangyaan kahit pa ang


maging kapalit nito ay huwad na pag-ibig. Dahil na rin sa kahirapan ng buhay kumakapit
sa patalim ang sinomang tao upang sila’y makaranas ng magandang buhay. Sa akdang
ito kitang-kita ang pagiging mapagsamantala ng ina at ng anak na si Tonia. Dahil nga
sa kagandahang pisikal ni Tonia at hindi sa ugali, marami ang nagkakagusto sa kanya
kung kaya ang kagandahang iyon ang ginagamit niya upang manamantala. Sa paanong
paraan niya ito ginagawa? Kapag isang ordinaryong lalake ang nanligaw rito o isang
lalakeng walang maipagmamalaking yaman tiyak ang katakut-takot na panghahamak at
panlalait nito. Dahil ang nais niyang lalake ay may propesyon o isang edukadong
mayaman. Masasabing ang pinag-ugatan ng ugaling mapagsamantala ni Tonia ay
galing sa ina nito, sa madaling sabi namana niya ang ugali ng ina o naimpluwensiyahan
na. Tila ibinebenta niya ang kanyang anak sa isang lalakeng magbibigay ng kanilang
kasaganahan sa buhay. Si Manuel na isang abugado na mayaman subalit dahil sa
pisikal nitong kakulangan ay sinamantala lalo ng ina ni Tonia na mahuthutan ito.
Sapagkat nalalaman ni Manuel na walang magkakagusto sa kanyang babae ay siya
namang panghuhuthot ng ina ng babae sa bulsa ng lalake. Hanggang sa nalaman na
lamang ng ibang tao na ikakasal na pala si Tonia kay Manuel na ikinagulat naman ng
iilan sapagkat alam ng mga ito ang pag-uugali ng mag-ina na hindi basta-basta papatol
sa isang lalakeng hindi naman makapagbibigay ng kanilang karangyaan kasama pa
ang ugali nilang mapanlait sa kapwa. Sa katapusan ng akda nabuo ang kongklusyon
nang pagkasuklam ng mga tao sa mag-ina dahil sa pagsasamantala sa kahinaan ng
tao. At naging paksang diwa pa rito na ang isang taong nagigipit ay natutong
magsamantala.

69
Kapansin-pansin agad ang nais ipahiwatig ng dagli, na hindi sapat na dahilan
ang pagsamantalahan ang tao sa kahinaan nito upang makamit lamang ang
magandang buhay na hinahangad. Nais ng may-akda na imulat ang tao sa
kagandahang-asal ng pagiging tapat o pagkakaroon ng kadakilaan sa pag-ibig at hindi
dapat masilaw sa pera o anomang yaman kung ang magiging bunga ay may
nasasaktang tao. Kung kaya sa akdang ito pinapalutang din na dapat magkaroon ang
tao ng magandang pananaw sa buhay.

Dahil ang akda ay panahon pa ng hindi tayo ipinapanganak (1930) kakikitaan ng


ilang pagkapuristang tagalog na mga salita. Masasabing madali pa ring maunawaan
ang akda dahil popular pa rin naman ang pagsasawika ng mga ideya. Naisawika ng
maaayos ang mga ideya upang mailahad ang mga kaisipang kailangang matanggap ng
mambabasa. Ang mambabasa na siyang magiging tagatanggap ng mga ideya ay
maiuugnay puso’t diwa ang usaping panlipunan tungkol sa akda kahit ang taong
nakapagitan ay magkalayo subalit napaglalapit pa rin ang konteksto nito dahil
nangyayari pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon ang akdang ito.
Mga Gabay na Tanong sa Dagling Pagsasamantala ni Isaias G. Estrella:

1. Ano ang pinapaksa ng dagling pinamagatang Pagsasamantala?


2. Paano inilarawan ang mga tauhan sa dagli?
a. Kalagayan sa buhay
b. Paniniwala
c. Ugali
3. Paano ipinahayag ang mga kulturang Pilipino na nakapaloob sa akda?
4. Paano sumasalamin sa ating lipunan ang akda?
5. Ano-anong mga suliraning panlipunan ang nakapaloob sa akda at paano ito
mabibigyang solusyon?

KARERA

Jomar G. Adaya

Kumakaripas ang mga paa, nag-uunahan ang hininga sa pagsuot sa makitid at


liko-likong eskinita. Pinapatag ng mga mabibigat ngunit mabibilis na yabag, ang bako-
bakong daan marating lang ang labasan. Tangan ng kamay ang hinihingal na
manlalakbay. Mahigpit ang pagkakahawak ng mananakbo, sa swerteng pambato ng
looban. Sa kanilang husay kasi nakasalalay ang pusta ng buong barangay. Pustang
panawid-gutom. Pustang pambayad-utang. Pustang inaasam na dumoble, panawid
hanggang gabi. Pustang tinayaan ng dasal nang sila’y pagkalooban.

70
Kunsabagay, walang dapat ipangamba. Kabisado na niya ang kalangitan ng
Maynila. Tunay na batser itong alaga. Kumbaga sa yoyo, bumabalik sa palad. Balikin
kung tawagin ng mga paslit na madalas sa bubungan. Yun nga lang, ang yoyo may pisi,
makokontrol mo anumang sandali.

Ito kasing si manlalakbay, isang buwan munang sinanay. Inihagis sa kanto,


hanggang makarating sa Quiapo. May swerte nga talaga’t may husay. Ni minsan hindi
nadagit o naligaw. Muli’t muling bumabalik sa tahanan niyang maliit, sa ibabaw ng
kalawanging bubong ng kapitbahay.

Kumakaripas ang mga paa. Nag-uunahan ang hininga. Ilang lundag at hakbang
na lang. Heto na ang pinish layn sa tapat ng opisina ng barangay.

Kumakabog ang dibdib ng mga tagalooban. May tumitili. May humihiyaw. May
nagmumura. May mga kaluluwang pigil ang paghinga.

Hinto. Saglit na sandali!

Manhid na pala’t nanginginig ang pawisang kamay nitong mananakbo. Hindi


inaasahang dumulas si manlalakbay sa kanyang kamay. Patay! Hayun! Malayang
ikinampay ang pakpak patungo sa kalangitang inari niyang tunay. Lumipad papalayo sa
mundong puno ng sigalot. Kasamang nilipad ang pag-asang makaramdam ng langit,
ang mga kaluluwang ipinusta ang huling sentimo ng paghinga.

Hinto. Saglit na sandali!

May bumasag ng trip.

“Malas lang! Bawi na lang neks taym!”

71
Karera ni Jomar G. Adaya
(Panimulang Pagsusuri ni Andremel King S. Tolentino)

Ang dagling ito ay tumatalakay sa simple ngunit maaksyon na


pakikipagsapalaran na may halong konting drama at pangarap ng isang mananakbo o
“runner” – sila ang mga nagpapakawala at humahabol sa mga pangarerang kalapati na
minsan ay nanggagaling pa sa malalayong pook ng Pilipinas upang ilaban ng pustahan.
Masasabing simple sapagkat mga pangunahing pangangailangan lamang ang nais
mabigyan ng pansamantalang solusyon ng mga taong dito’y umaasa tulad ng pagkain
sa buong araw (at sa susunod pa), pambayad sa utang, pamasahe o kaya’y dagdag-
puhunan upang makapusta ng mas malaki sa susunod na pakikipagkarera at maraming
nakasalalay pang iba.

Mahirap ang maging isang “runner” ng mga nagkakarerahang kalapati.


Porsyento lamang ang kanilang nakukuha sa tuwing mayroong magpupustahan,
mapalad kung alaga niya mismo dahil buo nitong maiuuwi ang premyo kung sakaling
manalo . Nasa bigkas na ng kanilang mga labi ang salitang “h’wag mo akong ipahiya,
manalo ka” at “bigyan mo naman ako ng swerte” habang hinihimas-himas ang
paliliparing kalapati. Laging nasa panganib ang buhay sa paghahabol at pagsubaybay
sa nagaganap na hagaran at ungusan sa himpapawid. Ang drama ay kumporme sa
pagkapanalo o pagkatalo…walang kasiguraduhan, nasa pagpagaspas ng mga pakpak
ng kalapati lagi ang kasagutan.

Layunin ng manunulat sa dagling ito ang paglalagay ng puwang sa mga isipan


ng mambabasa ng buhay ng mga “runner” o mananakbo. Na tulad ng kalapati ay
nagnanais din silang makalaya May mga nag-aakala na ang pag-aalaga ng kalapati ay
isa lamang payak na libangan at sinasabing para lamang sa walang hanap-buhay…
kung minsan kaakibat nito ang kasabihang “malas” daw ang mag-alaga ng kalapati,
dahil nakababagal daw ito sa pagpasok ng swerte. Subalit, pinasubalian ang maling
kaisipan na ito gamit ang malinaw na paggamit at pagpili ng mga salitang angkop
upang matapat na itampok ang kanyang mga “bida” sa obra.

Bagamat may paggamit ng code o simbolismo sa pagtukoy ng mga kasangkot ay


madali lamang maunawaan ang daloy at gaya ng kahulugang taglay ng dagli, hindi
nakababagot basahin at makakaramdam ang babasa nito ng pananabik at interes sa
susunod na magaganap. Payak ang mga salitang ginamit subalit hindi kumawala sa

72
pagtalakay sa isyung panlipunan na hindi minsan nabibigkas ng mga tagapagbalita sa
dyaryo, radyo o telebisyon man. Umaangkop ang dagli sa kapanahunan natin na kahit
sa paanong paraan, sa hindi tradisyonal na paraan ng paghahanap-buhay basta
makagawa lang ng paraan na malamanan ang kumakalam na sikmura.

Minsan maihahalintulad natin sa mga kalapati ang pag-abot natin sa ating mga
mithiin sa buhay. Sinisimbolo rin nito ang kalayaan, ang kalayaan na makalipad at
magampanan ang papel nito sa kalikasan bilang ibon. Ganito rin ang mga mananakbo,
umaasam din sila na makalaya o makatakbo papalayo sa kasalakuyang estado kahit
minsan lang, na makapamuhay man lang ng hindi sumasala sa pagkain at sa
pamamagitan ng paglasap ng katiting na tagumpay bunga ng masugid na pagsubaybay
at paghabol sa kalapating may dala ng kanilang kapalaran.

Mga Gabay na Tanong sa Dagling Karera ni Jomar G. Adaya:

1. Ano ang pangunahing konsepto o kaisipan ng dagli?


2. Paano nakaimpluwensiya ang pamagat ng akda sa nilalaman nito?
3. Iugnay ang dagli sa mga sumusunod:
a. Lipunan
b. Sosyo-ekonomiko
c. Politika
4. Batay sa nabasang dagli, ipaliwanag ang pagkakapareho ng mananakbo at ng
manlalakbay.
5. Paano ginamit ang wika sa ganito kaiksing akda? Ipaliwanag.

Mga Halimbawa ng Maikling Kuwento

at Panimulang Pagsusuri

HANDOG SA KANYANG INA


Rogelio R. Sicat

73
TREINTA SENTIMOS. Tatlong maliliit at bilog na sensilyo. Iyon din ang
halagang sa loob ng nakaraang linggo’y kumakala-kalansing sa kanyang bulsa. Ano
ang mabibili ng treinta sentimos na iyon?

Halos nakadikit ang kanyang mukha sa salaming eskaparate ng bazaar.


Nakatutok ang kanyang tingin sa isang pamaypay. Nakabihadhad iyon, marikit ang
disenyo, isang babaeng nakabalintawak. Sa lahat ng panghandog na nakikita niya –
lighter, bag, losyon, pitaka, huwego ng kagamitang pampaganda – iyon lang ang
pinakamura: P3.50. Binura ang dating P5.00 sa tag na nakatali sa puluhan ng
pamaypay. Baratilyo ang sinasabi ng malalaki at mapupulang titik sa kartelong nasa
ulunan niya.

Mura, naisip niya. At maganda pa. Tiyak na magugustuhan ni Inay. Ngunit treinta
sentimos nga lamang ang kanyang pera, at bukod sa sabon, mumurahing pabango,
polbo o suklay, ano pa ang mabibili niya?

Muli niyang pinagmasdan ang pamaypay. Mukhang matibay ang tela. At pino
ang pagkakayari. May panghihinayang siyang lumayo, nakadukot ang kanang kamay
sa bulsa ng pantalon, kipkip ng kaliwa ang dalawang walang takip na notebook at isang
manipis na libro.

Siguro, kung uumpisahan ko ng mag-ipon, naisip niya. Tumingin siya sa ibayo ng


lansangan. Mayroon nang nagtitimpalakang neon ang karatula ng mga tindahan, na
kung pumikit o dumilat ay waring naghahagaran sa pagtuturo sa pangalan ng bazaar.

Noong isang taon, isang dosenang panyo ang ibinigay ko sa kanya. Limang piso yata.
Ang ganda, Ben! Saan ka kumuha ng – sa’n mo nga pala nabili? Sa Avenida. Iyong
pera, ibinigay po ng Itay. Ibili raw ng regalo para sa iyo. Natuwa ang Inay. At ang Itay.

Nakatungo siya habang naglalakad. Ngayon niya higit na dapat na bigyan ng


handog ang kanyang ina. Hindi lamang dahil kaarawan nito. May sakit ang kanyang ina
at pihong matutuwa ito kapag binigyan niya ng handog. Nais niyang makitang muli na
natutuwa ang kanyang ina. Katulad noong bigyan niya ito ng panyo.
Kamakailan lamang inilabas ng ospital ang kanyang ina. May isang buwang
tumigil doon dahil sa pulmonya. At nang dumating ang kanyang ina, halos pangkuhin na
ito ng kanyang ama nang ipanhik sa bahay.

Payat at maputla ang kanyang ina. Malalim ang dati-rati’y laging nagniningning
na mata. Mahaba an gang nakalugay at walang kintab na buhok. Ibig niyang maiyak.

74
“Payat ang Inay, ano Ate?” tanong niya sa nakatatandang kapatid. Apat sila. Siya
lang ang lalaki at bunso pa. Labing-apat na taon.

“Kaya magpakabait ka.” Bahagya na niyang narinig ang sinabi ng kapatid.

Nakarating siya sa dulo ng Avenida. Nagtatawiran ang mga tao at tumawid siya.

Tumigil ang kanyang mga hakbang sa tapat ng isang tindahan ng alahas. At


dahil gabi na, ang mga nakatanghal na mga relo, singsing, pulseras, kuwintas at iba pa
ay tila lalong gumaganda at nagiging mamahalin sa tama ng ilaw. Palipat-lipat ang
kanyang tingin, hindi mapagwari kung alin ang pinakamaganda at pinakamahal.

Sana’y mayaman ako, nasabi niya tuloy sa sarili. Bibilhin ko’ng lahat ito.
Ipababalot ko nang maganda. At pag-uwi ko, gugulatin ko ang Inay.

Happy birthday, Inay, sasabihin niya at hahawakan ang ina.


Handog ko sa iyo. At ilalabas niya ang isang napakalaking kahon.
Bakit kay laki naman yata, Ben? Ano ba ito?
Buksan mo.
Dahan-dahang bubuksan ng kanyang ina ang kahon. Siya naman ay magmamasid-
masid lamang, tila nagwawalang-bahala. Walang ano-ano, pagkabukas ng kahon,
titingalain siya ng ina. Hindi makapaniwala.
Sa’n mo kinuha ito, Ben? Ang dami, Ben! Ang gaganda!

Ang ligayang idinudulot ng pangarap na yao’y kagyat na naputol nang masalat


niya ang tatlong diyes sentimos sa bulsa. At di niya namamalayan, napahakbang siya
palayo sa eskaparate. Nanlabo ang kanyang paningin. Nakabingit at nagbabantang
malaglag ang luha sa kanyang pilikmata.

Ayaw niyang umuwi hangga’t wala siyang maiuuwing handog. Kahit paano,
makakikita siya. Kailangan niyang makapagbigay. Walang maibigay ang kanyang mga
kapatid. Sinabi ng kanyang Ate na naubos na ang naipon ng kanyang ama sa
pagpapagamot sa kanyang ina. At ang kanyang ama, makapagbigay man ito, ay hindi
marahil lalabis sa isang supot ng kahel, sa isang kahong biskwit – at sangsupot ding
gamot.

Naglakad pa siya ng naglakad, nagyo’y hindi na tumitingin sa mga eskaparate.


Ayaw na niyang tumingin. Nahahabag lamang siya sa kanyang sarili – sa kanyang
sarili.

75
Pasado alas otso na nang maisipan niyang umuwi. Hahanapin siya – o maaaring
hinahanap na – ng kanyang ama. Ngunit naisip niya, madali na ang magdahilan. Kahit
ngayon lamang siya uuwi sa gayong oras. Madaling gumawa ng dahilan.

Naglakad lamang siya pauwi. Wala siyang naramdamang pagod. Mabagal ang
kanyang mga hakbang ngunit iyo’y hindi sa hapo. Tuwing makalalampas siya sa isang
kanto, habang nalalapit na sa inuuwiang apartment, ang nadarama niya’y
pagbabantulot. Uuwi siya ngayon, walang dalang ano mang handog.

Happy birthday, Inay. Tila hindi pa niya masasabi iyon. At nasa isip niya,
pararaanin na lamang niya ang araw na iyon, ang gabing iyon na tila pangkaraniwang
araw at gabi.

Nang kumaliwa na siya sa kantong kinatitirikan ng kanilang apartment, ay


pinukaw siya ng isang tinig na kung gabi’y madalas niyang naririnig: Baluuuut!

Saglit siyang napahinto. Muli niyang kinapa ang kaliwang kamay ang treinta
sentimos. At sinalubong niya ang magbabalot.

“Ilan?”
“Balot sa puti?”
“Balot sa puti.Ilan?”
“Isa.”
Naghalungkat sa basket ang magbabalot. Inabot sa kanya ang isa.
“Ang asin?”
“Siyenga nga pala.”
“Pahingi ng supot.
Tiningnan siya ng matagal ng kausap.
“Isa lang ang bibilhin mo’y -”
“Pahingi ng supot.”

Pagkabayad ay lumakad na siya. Kaiba kaysa kangina, sinaniban na siya ng


kaunting ligaya. Hawak-hawak niya ang supot. Mainit pa ang laman niyon at naisip
niyang iyo’y magugustuhan ng kanyang ina.

Ngayo’y hindi na niya naiisip ang napipitang pamaypay o ang napapangarap


niyang hiyas. Isang balot: sapat na iyon.

Ang kanyang ama ang nagbukas ng apartment nang kumatok siya. Kaagad itong
tumingin sa orasang pandingding pagkakita sa kanya. Alas otso’y medya na.

76
“Sa’n ka nanggaling?” tanong ng kanyang ama.
“May basketbol sa eskuwela, Itay. Nanood ako.”

Hindi niya pinansin ang nag-uusisang titig ng ama. Halos hindi rin niya narinig
ang pagtatanong nito kung kumain na siya. Pagkababa ng mga gamit, pumanhik siya.
Dahan-dahan.

Pagdating sa itaas, nakita niyang nakaawang ang pinto. Naaamoy niya ang
gamot. Patiyad siyang lumapit at sumilip. Nakita niyang nakatagilid ang ina, nakaharap
sa dingding, ang suot na putting pantulog ay pinapaninilaw ng lampshade sa ulunan.

Patiyad siyang lumapit sa kama. Tulog ang kanyang ina. Matagal niyang
natitigan ang hapis na mukha nito. Nakaumbok ang buto sa pisngi. Maputla ang labi, tila
mabagal ang paghinga. Idinampi niya ang labi sa buhok ng ina. Pagkaraan, maingat
niyang inilagay sa tabi ng unan nito ang maliit na supot.

Nanaog siya. Nag-iinit ang kanyang katawan. Maya-maya lamang, makikita ng


kanyang ina ang balot kung sino ang naglagay ng naroong supot. Hindi siya kikibo.
Tatahimik lamang siya, maligayang matutulog. Kahit papaano, nabigyan na din niya ng
handog ang ina.

Nakahiga na siya nang marinig niya ang pagulat na pag-uusap sa kuwarto ng


mga magulang. Nabigla ang tinig ng kanyang ina at siya’y nagtaka. Nakarinig siya ng
yabag na papalapit sa silid. Bumukas ang pinto at sumungaw ang mukha ng kanyang
ama. Nakangiting kinawayan siya nito.

“Ben, halika,” anito

Nag-alangan siyang bumangon. Pagdating sa pinto, inakbayan siya ng ama.


Pumasok sila sa silid ng ina. Nakaupo ito sa kama at pinupunasan ang ibaba ng unan.
Hawak ng kaliwang kamay ang napisang balot.
“Ikaw ba, Ben, ang naglagay rito ng balot?” tanong ng kanyang ina. Hindi siya nakakibo.

“Tingnan mo nga’ng ginawa mo. Nabasa tuloy ang likod ko!”

Hawak ang nabasang supot, pinupunasan ngayon ng kanyang ina ang kama.
Parang may naaagnas sa kanyang dibdib.

“Ikaw raw ang huling pumasok dito,” patuloy ng kanyang ina. “Bakit hindi mo na lang
ipinatong dito?” At itinuro ang kalapit na mesita. Nagpatuloy ito sa pagbulong-bulong.

77
Tingnan mo nga’ng ginawa mo. Nabasa tuloy ang likod ko.

Ibig maiyak ni Ben. “Ako nga po ang naglagay diyan,” amin niya. “Kasi po, wala
akong maibigay sa inyo nagayon.”

Natigil sa pagpupunas ang kanyang ina. Napatingin ito sa kanya. Nakita niya ang
biglang pagbabago ng mukha nito. Umurong siya, ibig maiyak. Ngayo’y nakita niyang
nakatingin ang ina sa basing supot at nakaakma ang daliring piliin ang makakain doon.

Handog sa Kanyang Ina ni Rogelio R. Sicat


(Panimulang Pagsusuri ni Andremel King S. Tolentino)

Sa akdang Handog sa Kanyang Ina na obra ng tanyag na manunulat na si


Rogelio R. Sicat tumatampok sa payak na hangarin ng isang anak sa kanyang
magulang- ang kanyang ina. Si Ben, katulad ng mga batang mapangarapin na may
dalisay na pagmamahal sa puso ay kapapansinan na hindi alintana ang kanyang edad
sa pag-asam na makagawa ng paraan upang mapasaya ang ina…ang mabigyan ito ng
handog, ang sa palagay niya ay ang tanging paraan upang mapasaya ang kanyang ina
na dumaranas ng sakit. Subalit, kulang ang kanyang dalang pera para maibili ng
kanyang nagugustuhan para sa kanyang ina. Dahil dito, nawawalan na siya ng pag-asa.
Kaya sa halip na marangyang pamaypay o mamahaling palamuti sa katawan ay 1
pirasong balot ang tanging nabili ng treinta sentimos na laman ng kanyang bulsa.
Karaniwan na ang ganitong uri ng kuwento sa iba pang akdaing nailathala sa panahong
kinabibilangan nito at sa kasalukuyang panahon. Ngunit kaiba sa laging inaasahan na
“happy ending” na istorya, sa huling bahagi ng kuwento ay makikita na imbes na
matuwa ay nagalit pa ang kanyang ina na ikinabasag ng kanyang puso sa
pagkakabigla.

Layunin ng akdaing ito na ilahad ang bahaging hindi napapansin ng marami, na


may mga magulang na “bulag” sa maliliit na ginawang kabutihan ng kanilang (mga)
anak. Bagamat hindi sinasaktan ng pisikal, ang damdamin at isipan ang nakakadama
ng hapdi. Totoo na ang pagmamahal ng magulang sa kanilang (mga) anak ay hindi
mapapantayan at walang hindi sasang-ayon sa katagang ito. Pinapatunayan ito ng
nakasanayan na daloy ng unibersal na relasyon ng magulang sa anak o anak sa
magulang…ang hindi mapuputol at matibay na ugnayan nila sa isa’t isa. Walang duda
na nang dahil sa pagmamahal ng magulang sa (mga) anak ay nagagawa nito ang
imposibleng bagay kabilang na rito ang paglabag sa kung ano tama at dapat. Idagdag
din rito ang pagbibigay agad ng paghuhusga na hindi man lamang inalam ang tunay na
motibo tulad ng paglalagay ni Ben ng supot na naglalaman ng balot sa ulunan ng
kanyang ina bilang pasalubong at laking gulat na lamang niya ng kagalitan siya nito sa
78
kabila ng pag-alala niya rito at pag-iisip sa kung anong bagay ang maaari niyang
maibigay man lang at magpasaya sa kaarawan nito.

Hindi mahirap basahin at unawain ang maikling kuwento na ito sapagkat ang
bawat isa sa atin ay madaling makakaugnay (makaka-relate) sa sitwasyon at pagkilos
na ginagawa ng bawat tauhan. Nabigyang linaw ang mga ideya na nais ilahad at
maayos na nabalangkas ang daloy ng mga kaganapan. Kung iuugnay ito sa ating
kasalukuyang panahon ay malaki ang pagkakahawig nito sa maraming pamilya na
dumadaan sa ganitong uri ng relasyon.

Ang “domestic” na pananakit ay hindi lang natin maikukulong sa konteksto ng


pisikal na pananakit o pang-aabuso. Minsan ay mas masakit pa ang berbal na
pananakit at mas matagal itong maghilom kaysa pangkaraniwang pasa o sugat. Ang
epektong dulot nito ay walang sinoman ang makakasukat. Gamit ang mga ideyang
taglay ng maikling kwentong ito, inimumulat ang mga mambabasa na magkaroon ng
sensitibong pananaw sa bawat aksyon at salitang binibitawan.

Mga Gabay na Tanong sa Maikling Kuwentong Handog sa Kanyang Ina:

1. Anong pagkamulat ang ibinigay ng teksto sa iyo?


2. Ano ang pangunahing konsepto okaisipan ng maikling kwento?
3. Paano nakaimpluwensiya ang pamagat ng akda sa nilalaman nito?
4. Iugnay ang maikling kwento sa mga sumusunod:
d. Lipunan
e. Sosyo-ekonomiko
f. Politika
5. Paano binuo ng may-akda ang bawat pahayag sa kuwento? Ipaliwanag.

MULTO NG ISANG TRAHEDYA


Arlan M. Camba

“Coed, HINOLDAP… PATAY!”

Gumimbal sa buong kampus ang masamang balitang ito. Naging laman ng


maraming pahayagan ang krimen at naging usap-usapan ang brutal na kinasapitan ng
naturang estudyante sa kamay ng mga holdaper.

Isang working student, patungong eskwelahan galing sa pinapasukang trabaho


ang naturang biktima. Sumakay ito ng FX taxi at bumagtas sa kahabaan ng Ortigas
Extension. Hindi pa nakakalayo ang sasakyan ay sumakay ang tatlong kalalakihan. Isa
79
sa harapan, katabi ng drayber, isa sa panggitnang upuan at ang isa ay sa hulihan.
Mag-aalasais na ng hapon ang mga oras na ‘yon. Manaka-nakang binabalutan na ng
dilim ang buong kalangitan. Hindi pa man kumakanan ang FX taxi patungong Imelda
Avenue ay nagdeklara na ng holdap ang mga salarin. Agad-agad na nilimas ng mga
holdaper ang mga pera, relo at cellphone ng mga biktima. Mabilis na tumakas ang mga
salarin ngunit bago lubusang makaalis, nagpakawala ang mga ito ng isang putok mula
sa isang 9 mm kalibre ng baril. Tumama ang bala sa katawan ng biktima. Tinamaan
ang atay na naglagos hanggang sa kanyang baga. Dinala ito sa pinakamalapit na
ospital ngunit hindi pinalad na maisalba pa ang kanyang buhay.

Binalot nang pagkabigla, lungkot at panghihinayang ang iniwan ng naturang


trahedya. Pagkabigla sa walang saysay na pagkamatay ng biktima, lungkot sa
napakaaga at walang katuturang pagkitil sa kanyang buhay at panghihinayang
sapagkat ang kanyang kasawian ay nangangahulugan din ng kamatayan ng kanyang
mga pangarap.

Nang pumasok ako ng araw na iyon ay nagimbal ako sa katahimikan sa loob ng


silid-aralan. Bakas sa mukha ng aking mga estudyante ang matinding pagdadalamhati.
Ang iba ay kababakasan ng matinding kalungkutan, ang ilan ay hindi mapigilan ang
maiyak at maluha sa pagkawala ng isang kaklase na itinuring na rin nilang kaibigan,
kaharutan at kakulitan sa mga panahong sila ay magkakasama.

“Sir, patay na po si Shiela… hinoldap po at saka binaril!”


“Sino…?” Tanong kong may halong pagkabigla.
“Sir, si Shiela… si Shiela Buenafe… ‘yung klasmeyt naming laging late sa sa
klase natin…”

May kung anong bumara sa aking lalamunan. Hindi ko magawang


makapagsalita. Parang may kung anong bagay na nagpapaimpis sa aking sikmura.
Nakapanlalambot ng pakiramdam. Sandali akong lumabas ng silid para makalanghap
ng hangin. Mabigat ang hakbang ng aking paa papalabas. Lumilipad ang aking isip,
patda at halos hindi makapaniwala.

Paisa-isang nagsingit-singit sa sulok-sulok ng aking gunita ang malinaw na


larawang iyon. Hindi kataasang babae, hindi kaputian at hindi rin kahabaan ng buhok;
ngunit kapansin-pansin sa kanya ang mga matang punong-puno ng pag-asa at
pangarap; kababanaagan ng kasiglahan, pagpupursige at determinasyon.

Estudyante ko siya sa panggabing iskedyul sa dalawang Major Subject ng


kursong Edukasyon. At dahil nga isang working student, madalas siyang ma-late.

80
Kung kailan nasa kalagitnaan ako ng paglelektyur ay saka siya papasok ng silid na
hindi lang miminsang nagiging dahilan ng pagkaantala ng aming liksyon.

“Ms. Buenafe… late ka na naman…!” Ang madalas kong paninita sa kanya.


Pamumulahan siya ng mukha. Waring nahihiya at ang tanging itutugon niya sa akin ay
isang matipid na ngiti kasabay ng sabing; “sir, hindi na po mauulit…”

Ngunit ang mga pangako ay hindi lang tatlo o ilang beses pa na napako. Naging
kalakaran na sa loob ng klase ang pagiging late ni Ms. Buenafe. Kung baga, nasanay
na kami. Minsan, inaantabayanan pa namin ang kanyang pagdating. At madalas ang
kanyang pagiging late ang nagiging sentro ng katatawanan. Siya ang aming nagiging
object of laughter. Kapag nararamdaman naming paparating na siya at papasok na ng
silid, papalakpak nang malakas ang buong klase. Magugulat at mabibigla si Ms.
Buenafe. Para siyang isang artistang binigyan ng standing ovation matapos ang isang
matinding performance. Pero sa kanya, wala lang… deadma lang… kakaway pa ang
ale at saka magba-bow…!

Ngunit kahit anong tindi ng pagiging late ni Shiela, kailanman ay hindi siya um-
absent. Kahit 15 minutes na lang before the bell, papasok pa rin siya at ako ay
kakausapin.

“Sir, pasensya na, late na naman ako.”


“Oo nga eh, dapat dropped ka na!” Tugon ko.
“Wag naman sir. Hindi po ako makakapag-aral kung hindi po ako
magtatrabaho… sir, please…!

“Aba’y dapat matuto kang mag-prioritized…! Ano bang mas uunahin mo, ang
mag-aral o magtrabaho? Hindi pwedeng laging ganyan! Lagi mo na lang sinasakripisyo
ang subject ko…ano ang tingin mo sa klase natin… bakasyunan?!” ang mariin ngunit
mahinahon kong sabi sa kanya.

Iyuyuko lamang ni Shiela ang kanyang ulo. Mananahimik. Pinakikinggan lamang


ang sermon ko. At pagkatapos, buong pagpapakumbabang hihingi siya ng sorry
kasabay ng pagsasabing “sir, babawi po ako…”

Ewan, pero kailanman ay hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya. Siguro ay


dahil may bahagi sa kanya na nakikita ko ang aking sarili, o marahil ay dahil sa angkin
nitong likas na talino at abilidad. Hindi man siya nakakapasok ng tamang oras sa klase
ko, sinisigurado naman ni Shiela na nagagawa niya ang lahat ng assignments at
requirements sa aking subject. Nagagawa niyang maipasa ang mga quizzes at exams.
Nakakasagot sa mga
81
graded recitations; bagaman pumapalya sa ilang group work at class discussion; dama
mo ang kanyang pagpupursige, makikita mo ang kanyang determinasyon. Sa kanyang
maliit na paraan pinagsusumikapan niyang punan ang kanyang mga pagkukulang. At
sa kabila ng pagbabanat ng buto upang makapag-aral, tiyak kong isa siyang taong
punong-puno ng pangarap.

Gabi, nagpasya akong sadyain ang kinaroroonan ng lamayan. Matarik ang lugar
na aking tinalunton. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang kulumpon ng mga taong
naglalamay. Nasa dulo ng putol na daan ang kinaroroonan ng lugar. Nagtutumpukan
ang mga tao, kanya-kanyang umpukan sa bawat mesa habang abala sa paglalaro,
panonood at “pagmimiron” sa mga nagsusugal. Sa isang panig ay makikita ang ilang
grupo ng mga kabataang nagkakatuwaan at nagkakantahan. Ngunit ang mas
nakakatawag pansin ay ang manaka-nakang bulong-bulungan at alingasngas ng mga
makakati ang dilang pinagpipiyestahan ang tunay na kinasapitan ng kaawa-awang
biktima.

Dahop ang lugar, walang rangyang maipagmamalaki. Sabihin pa ngang ito nga
ay isang iskwater. Ang mga nakatira dito ay umaasa sa awa ng gobyernong ipagkaloob
sa kanila ang kapirasong lupang kinatitirikan ng kanilang tirahan. Ang kabuuan ng
lamayan ay niyuyungyungan ng malaking tolda na sadyang inilagay upang
pananggalang sa init ng araw at kung sakaling bumuhos ang malakas na ulan. Salamat
sa kapitan ng baranggay (na ang pangalan ay nakasulat pa sa malapad na tolda) na
matatakbuhan at mahihingan ng tulong sa mga pagkakataong katulad nito.

Pasintabi akong pumasok ng bahay. Nabungaran ko ang isang babaeng


namumugto ang mata at halos napabayaan ang sarili simula nang mangyari ang
trahedya. Tantiya kong siya ang ina. Humigit kumulang sa apatnapu at limang taon
ang edad na lalo pang pinatanda ng mga gatlang makikita sa kanyang mukha.
Kapansin-pansin ang nanunuyo at nangunguluntoy na balat, ang naghuhumindig na
ugat sa bisig at kamay na tanda nang matagal-tagal na ring pakikipagbuno sa mga
labada. Sinalubong niya ako ng isang “pilit na ngiti” kasabay ng mahinang anas na
“tuloy po kayo,” pinaupo niya ako at pagkatapos ay inalok ng biskwit at malabnaw na
kape.

Hindi ko maiwasang igala ang paningin sa loob ng kabahayan. Sa harap ay


naroroon ang puting kabaong. Kapansin-pansin ang tatlong sisiw na nanginginain sa
ibabaw nito. Sinasabi at pinaniniwalaang ito daw ang uusig sa mga budhi ng sinumang
responsable sa krimen. Umaasa na makonsensya at sumuko sa batas upang
mapanagot sa ginawang kawalanghiyaan. Sa magkabilang dulo ng ataul ay
nakatambad ang ilang piraso ng bombilyang nagbibigay ng liwanag at tila mga
gwardyang nagbabantay sa katawang nakahimlay sa loob ng ataul. Mayayabong at
82
makukulay ang mga “korona.” Koronang hindi ipinuputong sa mga hari at reyna kundi
koronang nakalaan lamang para sa mga patay.

Sa gitnang bahagi ng ataul ay nakapatong ang isang larawan. Kuha ito sa


kanyang pagtatapos sa hayskul. Litaw na litaw ang kanyang ganda sa suot niyang
puting-puting toga. Ngunit ang nakakatawag pansin ay ang kanyang matipid na ngiti na
pinaningning ng kanyang matang punong-puno ng pag-asa at pangarap ngunit ngayon
ay dinupilas ng malagim na karahasan.

Tumambad sa may pintuan ang isang lalaki. Matangkad ngunit may kapayatan.
Nakasumbrero ito. Nangungupas ang suot na polo. Nagnanasnas ang kupasing
maong na pilit binagayan ng de-gomang sapatos. At ang braso’y nangingintab sa
pawis na tinatamaan nang malamlam na sinag buhat sa liwanag ng bombilya. Humpak
ang pisngi na ang mukha’y pinagiging barumbado ng makapal na tubo ng balbas at
bigote. Ang mga mata’y tigib ng malalim na damdamin. Panatag ang kaanyuan ngunit
naroon ang tinitimping galit na anumang oras ay maaaring magsilakbo, maaaring
kumulo at sumambulat.

Agad nitong binungaran ang bangkay ng anak. Hinimas-himas pa ang puting


kabaong. Animo’y kinakausap at inaalo ang nakahimlay na katawan ng anak. Maya-
maya’y naulinigan ko ang hikbi at hibik ng pinipigilang damdamin; hanggang ang
damdami’y kumawala sa pagpalahaw. Bumulanghit sa pagnguyngoy ang amang
ninakawan ng pag-asa, ang anak na katuparan ng kanyang pangarap, ang anak na
kahulugan ng kanyang buhay at ang sumatutal nang lahat-lahat niyang pagsisikap.
Humahagulgol ang ama sa kapaitang sinapit nang walang kalaban-labang anak sa mga
kamay ng mga buhong na kriminal. Anong klaseng damdamin ang umaalimpuyos sa
kanyang pagkatao?

Ang kakarampot na kinikita mula sa pag-eekstra bilang tagahalo ng semento sa


isang konstruksyon at ang araw-araw na pagtanggap ng mga labada ng kanyang
maybahay ay kanilang tinitiis at binabata upang igapang ito sa pag-aaral, upang maging
bahagi sila ng pagsasakatuparan ng mga pangarap ng anak, upang kahit papaano’y
makapagtapos ito; magkaroon ng pag-asa at mabigyan ng kahit kaunting dangal ang
kanilang pagkabusabos at paghihirap. Ngunit ngayo’y nagsaklob ang langit at lupa.
Wala nang natira ni katiting na pag-asa, wala nang nalabi kundi karahasan at
pagdurusa.

Matagal-tagal din bago napahupa ang eksenang iyon. Dama ang lungkot at
paghihinagpis ng isang pamilyang naghahanap ng katarungan sa tinamong trahedya.

83
Nagpasya na akong umuwi, ngunit bago tuluyang magpaalam, makailang ulit ko
pang sinilip ang bangkay ng aking estudyante. Wala na ang mga tingin, wala na rin ang
mga ngiti at ang naroon ay ang kalunos-lunos na kaanyuan ng isang biktimang hindi
matanggap ang tinamong napakaagang kamatayan. Waring naghahanap ng hustisya
sa walang saysay at walang kapararakang pagkamatay. At naitanong ko sa aking sarili;
“may kahulugan pa ba ang budhi at konsensya sa katuturan ng buhay kung ang
pumatay ang magiging kasagutan sa nararamdamang kagutuman?”

Umalis akong halos nagugulumihanan. Sa daan papauwi, nagsusumiksik pa rin


sa utak ang katanungang iyon. Sa sulok ng isip ay naroroon ang agam-agam at
pagkatakot. Nangangamba na wala nang kaligtasan ang mga oras at sandali ng pag-
iisa. Walang pinipiling oras ang karahasan. Ang masamang elemento ay naririyan
lamang, naghahanap nang tamang pagkakataon upang sumalakay, sumila ng
mabibiktima at isakatuparan ang masamang balakin hanggang magwakas sa
nakapanlulumong trahedya.
Hindi ako nakatulog ng gabing ‘yon. Pabiling-biling ako sa higaan. Maging sa
pagtulog ay naroon ang takot na baka bukas ay hindi na magising. Bumangon ako sa
pagkakahiga, ayaw akong dalawin ng antok. Kinuha ko mula sa ibabaw ng tokador ang
aking cellphone. Binuksan iyon sa pag-aakalang baka may matanggap na message.
Pagkatapos ay binuksan ko ang phonebook; ini-scroll ito pababa. Hindi nakaligtas sa
aking paningin ang pangalang SHIELA B., nakarehistro rin ang numero ng kanyang
cellphone. Hindi ako maaaring magkamali, ito ang cellphone number ni Shiela
Buenafe; ang aking estudyante, ang walang iba kundi ang nag-iisang biktima ng
madugong holdapan. Naalala kong ibinigay niya sa akin ang kanyang numero isang
buwan bago maganap ang nasabing insidente; at ang sim card kung saan nakarehistro
ang numerong iyon ay kasama sa mga cellphone na nilimas ng mga holdaper.

May kung anong bagay na pumasok sa aking isip. Hindi ko namalayan ang
pagpindot ng mga daliri sa cellphone patungong create message. Nag-text ako ng
mensahe at isinend sa numero ni Sheila. Bahala na kung may mag- reply, hindi ako
umaasa. Ang mahalaga ay nasabi ko ang mensaheng gusto kong sabihin. Ngunit sa
isang saglit lang ay nag-ring ang cellphone. Binuksan ko ito at nag-appear ang
pangalang SHIELA B.. May bahagyang takot akong naramdaman. Pinindot kong muli
ang cellphone; binasa ang message at agad akong nag-reply. Hindi ko inaasahang ang
sasagot sa akin ay ang mismong mga holdaper na may tangan sa cellphone ni Sheila.
Ilang beses pa kaming nagpalitan ng mensahe. Maiksi, ngunit malaman ang kabuuang
takbo ng aming pag-uusap…

AKO: d’re bkt nman ganun? hinoldap mo n nga, bkt nman pinatay mo pa?!!!

84
HOLDAPER: SORI N LANG BAY… GNUN TLGA ANG BUHAY… WG KNG
MG-ALA2… IKW NMAN ANG ISU2NOD KO!

AKO: ikw ang bhla… syang lng tlga ung bata, estudyante un! mraming pngarap
tpos pinatay mo lang!

HOLDAPER: BAGAY LNG UN SA KNYA…IKW…PNAPAHANAP N KTA… KW


N ANG ISU2NOD KO…!

AKO: gnun b? nsa syo yn, cguro nman may konsensya kp… pro bago un gusto
kong mgpkila2 syo… ako nga pla si SHIELA BUENAFE…ung hinoldap at pnatay mo
nung isang araw!!!

Wala akong alam kung anong klaseng takbo ng pag-iisip meron ang katulad
nilang mga kriminal. Iniisip ko tuloy kung meron pa bang takot na natitira sa kanilang
katawan o may sumbat pa ba ang kanilang budhi o talagang wala na silang mga
konsensya. Ngunit nang magpakilala akong ako si Sheila Buenafe na hinoldap nila at
pinatay, hindi na sila nagtangkang sumagot o mag-reply man lang!

Matapos ang pangyayaring iyon ay pinilit kong maging normal ang lahat.
Maging sa loob ng eskwelahang pinapasukan ay minabuti ko at ng aking mga
estudyante na iwasang pag-usapan ang mga bagay na patungkol sa naturang trahedya.
Ngunit ilang linggo lamang ang nakalipas, nakatanggap ako ng balita na isa sa tatlong
suspek ang nasukol sa isinagawang follow-up operation ng mga operatiba.

Isang lalaki na nasa pagitan ng dalawampu’t walo hanggang tatlumpu’t limang


taong gulang ang nadakip ng mga pulis. Nutoryus ito sa kanilang lugar sa kasong
pagnanakaw at patung-patong ang kinakaharap na kasong robbery at hold-up w/
homicide. Ayon sa paunang imbestigasyon, siya ang primary suspect. Siya rin ang
trigger man; ang kumalabit ng gatilyo ng 9mm na kalibre ng baril na umutas sa buhay
ng kaawa-awang biktima.

Magandang balita ito para sa lahat sapagkat magkakaroon na rin ng hustisya


ang pagkamatay ni Sheila. At ang pagkadakip sa naturang salarin ang magiging daan
sa tiyak na pagkahuli sa dalawa pang natitirang suspek.

Masaya ako sa tinatakbo ng kaso ngunit mayroong bagay na nagpapabagabag


sa akin. At ang pagkabagabag na ito ay naramdaman ko simula ng madakip ang
pangunahing suspek na kinilala lamang sa alyas na Bong Baho.

85
Ang alyas na Bong Baho ay hindi na naiiba sa akin. Ito ang alyas ng isang
kababata at kakilala na kapanabayang nagtutulak ng kariton sa pagdyadyaryo at
pagbobote. Noon ay laman kami ng mga kalsada. Magkakasama kaming naghahanap
ng mga tumpok ng basura na aming kakalkalin upang mamulot ng plastik, bakal, bote,
garapa, karton at tanso na aming ipagbibili sa junk shop ni Tambong. Libot namin ang
kalsada ng buong Rosario, De Castro, St. Joseph, Junction, Manggahan, Santolan,
Ugong at ilang kalye sa Marikina. Laman kami ng mga subdibisyon ng mga lugar na ito
sa pag-aakalang makaka-jackpot ng “mina” sa basura na kadalasang ang kinauuwian
ay ang pakikipaghabulan sa mga gwardya at kung minsan ay pinapahabol kami sa
naglalakihang mga aso. Nakita ko pa nga kung paano sagpangin ng police dog ang
binti ni Bong habang palundag na umaakyat ng pader. Sa halip na bigyan ng paunang
lunas ang tinamong pinsala ng mga gwardyang nakahuli sa kanya; pinagsusuntok pa
nila ito at pinaggugulpi.

Naging tampulan ng tukso kay Bong ang karanasang iyon. Malimit na ito ang
dahilan ng kanyang pakikipagbabag at pakikipag-away sa pang-aalaska at pang-aasar
ng kanyang mga kababata. Simula noon ay naging palaiwas si Bong. Hindi na siya
sumasama sa amin at madalas ay gumagawa siya ng sariling “diskarte” sa pamumulot
ng basura.

May kakatuwang ugali itong si Bong; tuwing hapon bago ibenta sa junk shop ang
mga napulot na plastik at bote ay ugali niya na maligo at sumisid sa mabaho at kulay
itim na tubig ng Manggahan Floodway saka didiretso sa junk shop ni Tambong na
basang-basa at nakakapit sa katawan ang mabaho at masangsang na amoy ng
pinagpaliguan. “Bong Baho” ang naging palasak na tawag sa kanya simula noon.

Naging mahigpit hanggang sa ipagbawal na sa mga magbobote ang pumasok sa


loob ng mga subdibisyon. Naging todo-bantay ang mga gwardya dahil sa mga
napabalitang nakawan kung katanghaliang tapat at patay ang oras at ang mga
kasambahay ay kasalukuyang nagpapahinga. Hindi naman kalakihan at mamahalin
ang mga nawawala at ninanakaw na bagay; ‘ika nga ay small time lang. Kakatuwang
isipin na ang mga butas na kaldero, kaserola, kawali, sandok at takure ang
pinagdidiskitahang “pitikin” at “umitin” ng sinasabing magnanakaw.

Hanggang isang araw, naging usap-usapan sa junk shop ni Tambong ang


pagkakahuli kay Bong Baho habang papatalon sa isang pader ng niloobang bahay bitbit
ang isang sandok at takip ng kaldero. Sa mga gwardya pa lang ng subdibisyon ay
katakut-takot na na panggugulpi at pambubugbog ang kanyang naranasan. Hanggang
sa Barangay Hall ay pilit na pinaamin kay Bong Baho na siya ang responsible sa iba
pang nangyaring nakawan. Hindi naman niya itinanggi ang gayung mga akusasyon. At
nang tanungin kung bakit niya ginagawa ang gayung bagay; walang kagatul-gatol na
86
sinabi niyang kailangan niya ng pera. Ang bawat kilo ng napagbentahang aluminum na
kaldero, kaserola, kawali, sandok at takure ay malaking tulong para ipanustos sa gamot
ng inang may tuberkulosis.

Batay sa pagsisiyasat ng mga nag-imbestiga, hindi nagawang ibenta ni Bong


Baho ang lahat ng mga ninakaw na bagay. Ang mga ito ay kanyang itinago at tinipon.
Isinilid sa mga sako na nakatali sa kung tawagin ay mga “taeng-bakal” (palasak na
tawag sa namuong pinagtunawan ng bakal) na nasa ilalim ng mabaho at maitim na
tubig ng Manggahan Floodway.

Pinagdusahan ni Bong Baho ang krimeng iyon. Isang linggo matapos makalaya,
namatay ang kanyang ina sanhi ng maraming komplikasyon. Magmula noon ay hindi
na siya napagkakakita sa aming lugar. Hindi na rin siya naglalabas ng kariton sa
pagbobote. Hanggang lisanin ko ang lugar na iyon, lumipat ng matitirhan at
makapagturo; wala na akong balita sa kanya na naging kababata at kakilala.

Batbat pa rin ng pagkabagabag ang aking nararamdaman. Mabilis ang tibok ng


aking puso. Nagsasala-salabat ang mga katanungang naghahanap ng kasagutan.
May gustong maapuhap sa buong pagkatao ng naturang suspek. Binabagabag ako ng
kasalukuyan. Gusto kong bumalik sa nakaraan nang sa gayu’y ‘wag akong sumbatan
ng aking hinaharap.

Dali-dali akong nagtungo sa istasyon ng pulis. Sa may information desk, nag-


usisa ako sa kalagayan ng suspek. Ipinabasa sa akin ang isang log book na
naglalaman ng impormasyon ng naturang kriminal: DOGOMEO BAUI Y BAUTISTA
a.k.a “BONG BAHO”: CASE # 4283030, ROBBERY, HOLDAP W/ HOMICIDE.
Lalo akong kinabahan. Parang binabayo nang makailang ulit ang aking dibdib. May
kung anong damdamin ang lumulukso sa aking pagkatao. Agad itinuro sa akin ang
kinaroroonan ng selda. Sinamahan ako ng isang unipormadong pulis. Parang may
tumutulak sa akin ngunit mabigat ang mga paa sa paghakbang.

Patuloy ang pagkabog ng dibdib. Habang papalapit ay nakaramdam ako ng


pagkaalinsangan. Namumutil-mutil ang aking pawis. Sumasalubong ang masangsang
na amoy mula sa selda. Kumakapit sa ilong ang amoy ng pawisang katawang
nakukulob sa maalinsangang kulungan. Sa tantya ko ay may isa’t kalahating metro ang
lapad nito na may habang lima hanggang walong metro ang sukat. Isa itong malaking
nitso. Humigit-kumulang sa dalawampung preso ang nagsisiksikan sa loob ng
kulungan. Ang iba ay nakahiga, ang iba ay nakatayo at ang karamihan ay
nakasalagmak sa sahig habang hubad ang damit pantaas. Pinagtitiyagaan ang
hanging pumapasok sa siwang ng tarangkahan ng selda.

87
“Bong Baho, may dalaw ka!”

Pabulyaw ang pagkakasabi ng pulis. Ang mga preso ay parang mga dagang
nagpulasan kasabay nang pagbaling ng tingin sa pulis na hindi naman katabaan ngunit
nakausli ang malaking tiyan.

Sandali ko munang ikinubli ang sarili sa gilid ng pader. Kahit paano ay may
tensyon akong nararamdaman. May namumuong takot sa dibdib na ang haharapin ay
isang mamamatay tao; isang magnanakaw, isang kriminal. Ngunit ang kadahupan sa
sagot sa mga tanong ng nakaraan ay tila mga barenang nagpaparindi sa aking sintido.
Bumabaon sa isip ang mga larawang iyon. Nakapagpapangilo ang mga eksenang
nagpapaalala ng aking nakaraan.

Huminga ako nang malalim. Humugot ng lakas ng loob. Humakbang akong


paharap sa selda. Nabungaran ang isang lalaking nakayuko; hawak sa magkabilang
kamay ang rehas na bakal. May kapayatan ngunit namimintog ang mga masel.
Kapansin-pansin ang mga tattoo na nakaguhit sa braso, binti at sa hubad na katawan.
May mahabang peklat sa kaliwang bahagi ng tagiliran. Bagaman nakayuko, aninag ang
bukol at pasa sa kanyang kanang pisngi. May sariwang sugat siya sa ibabaw ng
kaliwang kilay.

Iniangat niya ang kanyang ulo. Nagtama ang aming paningin. Hindi ito
nagbitaw. Nagtatanong ang aking mata. Nag-uusisa. Hinahanap sa kanyang tingin
ang kasagutan. Walang pagdadamot na nagpaubaya siya ng mga ganting titig.
Malalim at matalim ang kanyang mga titig; at hindi ko man lamang siya kinakitaan ng
pagkabigla. Walang katinag-tinag. Nananatili siyang kalmado. Ngunit sa kanyang
balintataw ay masasalamin ang matinding poot na ikinikimkim. Nag-aapoy ang kanyang
mga mata. Nag-aalab. Naglalagablab ang damdaming ikinukubli nang matagal na
panahon. Napapaso ako sa kanyang tingin. At bago tuluyang matupok ng kanyang
mga titig; ako na ang bumasag ng katahimikan.

“Kamusta Bong?” Ang halos pabulong at banayad na tanong ko sa kanya.

Patuloy pa rin ang pagkabog ng aking dibdib. Nag-aabang ng maaari niyang


isagot. Sumandaling katahimikan. Bahagya siyang yumuko. Iniwas ang mata sa akin.
At ang inaasahang tugon sa ipinukol kong tanong ay sinagot nang marahan ngunit pikit-
matang pag-iling. Nagngangalit ang kanyang panga. Nagtitiim ang kanyang bagang.
Muli niya akong tinitigan. Mata sa mata. Sabay hagod nang mapanukat na tingin sa
aking kabuuan; “mula ulo hanggang paa, mula paa hanggang ulo.” Umatras siyang
papalayo sa selda. Bumitaw ang dalawang kamay sa pagkakahawak sa rehas na

88
bakal. At sa ikalawang pagkakataon ay muli niya akong hinagod ng tingin ngunit
ngayon ay mas mapang-usig; “mula paa hanggang ulo, mula ulo hanggang paa…!”

“Boss, Tsip… hindi ko kilala ‘yan… pwde n’yo na ‘yang pauwiin!”

Matigas ang kanyang pagtanggi. Nakakarindi sa pandinig na lalo pang


nagpabilis sa pintig ng aking puso. Bumaling ako ng tingin sa pulis; kapwa kami
nabigla. Muli kong itinapon ang tingin kay Bong. Ngayon ay mapanudyo ang kanyang
ngiti… hindi ngiti kundi ngisi ng isang taong nanunukso, nanunuya, nang-aasar.
Tumalikod siyang tinalunton ang dulo ng selda at hindi na muling lumingon pa. Halos
patakbo akong napakapit sa selda. Dalawang kamay na napahawak sa rehas na bakal.
Gusto ko siyang pigilan ngunit naumid ang aking labi. Hindi ako nakapagsalita. May
kung anong bagay na humarang sa aking lalamunan. Nakaramdam ako nang
matinding kahihiyan sa buong pagkatao. At habang sinusundan ko ng tingin ang
papalayong kababata’t kakilala ay nakita ko ang sariling ibinilanggo sa mga sumbat ng
mga multo ng isang trahedya.

Multo ng Isang Trahedya ni Arlan M. Camba


(Panimulang Pagsusuri ni Arvie DC. Tolentino)

Bawat tao ay may kanya-kanyang multo sa buhay. Marami ang hindi maaaring
ibaon sa limot kung kaya nagiging sugat na ito ng alaala. Ang kwento’y pumapaksa sa
isang taong minumulto pa rin ng kahapon. Marami sa kanyang alaala ang hindi pa rin
mawaglit sa isipan dahil sa trahedyang dinanas ng pangunahing tauhan sa kwento.

Isang guro ang pangunahing tauhan sa kwento. Nagimbal siya sa isang balita
tungkol sa trahedyang sinapit ng kanyang estudyante. Pinatay pagkatapos pagnakawan
ang kaawa-awang estudyante. Ang estudyante niyang iyon ay isang working student na
kadalasan ay tampulan ng tukso o sentro ng atraksyon dahil sa madalas nitong
pagkahuli sa klase. Hindi inakala ng pangunahing tauhan na ang kumitil sa buhay ng
kanyang estudyante ay isang kababata na naging kasakasama niya sa kanyang
kabataan. Nasukol naman ng awtoridad ang kababata ng pangunahing tauhan at
nagkaroon siya ng pagkakataon na ito’y sadyain sa piitang kinalalagyan. Subalit hindi
siya kinilala bilang isang kababata nito kung kaya’t humantong iyon sa pagiging
bilanggo ng trahedya.

Kung palulutangin ang paksang diwa ng kwentong ito kababakasan ito ng iba’t
ibang multo trahedya na na nakaangkla sa mga tauhan ng akda. Trahedya ang maging
89
biktima sa krimen na humantong sa kamatayan hindi lamang ng katawang-lupa kundi
kamatayan rin ng pangarap upang maiahon sa kahirapan ang sarili kasama ang mga
mahal sa buhay. Patuloy na magmumulto ang pangarap na iyon sa mga naiwang mahal
sa buhay ng estudyante. Ang krimen na kinasangkutan ng isang tauhan sa kwento ay
nagdulot din ng trahedya sa buhay nito, dahil ang pangyayaring iyon ang magpapaalala
sa tauhan na isa siyang kriminal na kumitil sa isang kaawa-awang estudyante. Dahil sa
ginawang krimen na iyon magiging tatak na nito ang panghuhusga sa kanya ng lipunan
bilang isang masamang indibidwal. Isang malaking trahedya sa buhay ng pangunahing
tauhan ang malaman na ang mga taong naging bahagi ng kanyang buhay ay bumuo ng
isang di malilimutang tagpo na magpapaalala sa kanya upang multuhin pa lalo ng
kahapon. Mapapansin ang kabalintunaan sa buhay ng tao na sa dinami-dami ng taong
magiging biktima ng krimen ay ang kanyang estudyante na madalas pa niyang
mapagalitan at sa dinami-dami ng gagawa ng krimen ay ang dati niya pang kababata.

Bawat akdain ay may mga layunin na nakapaloob. Sa akdang pinamagatang


“Multo ng Trahedya” layunin sa akdang ito na masalamin ang realismo o tunay na
kalagayan ng ating lipunan. Pinadadama sa mambabasa ang malungkot para sa ibang
tao, pinapakita sa mambabasa kung ano ang hindi nakikita ng kanilang mata at hindi
kayang ipaliwanag ng kanilang isip. Samakatwid ang kalungkutan ay natural na
nangyayari sa tao dahil sa kalungkutang iyon ay magkaroon ng malaking dagok sa
damdamin ng mambabasa na magpahalaga sa mga tao habang ito’y nabubuhay pa.
Layunin din ng akda na bigyan ng babala ang mambabasa na mag-ingat sa panahong
ito dahil hindi natin hawak ang bawat sandali dahil sa patuloy na pagdarahop ng lipunan
ay nakakagawa ng kasamaan ang mga indibidwal na bumubuo sa lipunan.

Kung babasahin ang akdang ito kakikitaan ng magaan na paggamit ng Wikang


Filipino. Ang dayalogo ng bawat tauhan ay akma sa kanilang pananalita batay sa
kalagayang panlipunang nailarawan ng may-akda. Mas magaan ang paglalarawan ng
mga tagpo, pangyayari at kilos ng mga tauhan dahil ang mga katagang ginamit ay
karaniwang ginagamit sa diskurso ng nakararaming tao.

Kung sakaling mabasa ito ng isang mambabasa na panatiko ng iba’t ibang


akdang pampanitikan lulutang ang iba’t ibang tugon o reaksyon ng mga ito. Karaniwan
ang tugon ay sasabihing ay makapagdamdamin ang kabuuan sapagkat hanggang sa
dulo ng akda ay kakikitaan ng pagdurusa ng lahat ng tauhan. Lutang na lutang rin ang
tiyak na tugon na may suliraning panlipunan ang akda na kadalasan ay nasaksihan na
ng mambabasa o nabalitaan sa iba’t ibang kaparaanan. Tiyak din na ang pagtanggap
ng mambabasa ng panitikan sa akdang ito ay magsasabing ang estilo ng
pagkukuwento ay may mabilis na daloy ng mga pangyayari at hindi paliguy-ligoy.
Maaaring mayroon ding kaayawan ang mambabasa sa akdang ito o maaaring
magkaroon ng sariling kuru-kuro kung paano ba dapat ang naging takbo ng kwento.
90
Kadalasan ang wakas ng kwento ang nakikita na nais na mabago. Ang mga bitin na
tagpo sa pagwawakas sa kwento ay kinaaayawan ng nakararami sapagkat nais nilang
matapos ang kwento na may tiyak na wakas. Ang ilan naming mambabasa ay
kinahihiligan ang nabibitin na kwento o sa Ingles kung tawagin ay “open ended.” Sa
pagwawakas ng kwento nabibigyang pagkakataon ang mambabasa na maghinuha ng
mga posibilidad na mangyayari na ibinitin ang wakas ng may-akda.

Mga Gabay na Tanong sa Maikling Kuwentong Multo ng Isang Trahedya:

1. Naging matagumpay ba ang paggamit ng wika ng may-akda sa paglikha ng mga


diyalogo sa kuwento? Ipaliwanag.
2. Ano ang pinapaksa ng maikling kuwento?
3. Paano inilarawan ang mga tauhan sa kuwento?
a. Kalalagayan sa Buhay
b. Paniniwala
c. Ugali
4. Paano sumasalamin sa ating lipunan ang maikling kuwento?
5. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng kuwento?

ARALIN 4:
ANG DULA

Ang dula ayon sa batikang manunulat na si Rene O. Villanueva (2006) ay “Isang


anyo ng malikhaing pahayag.” Ibig sabihin, sumusulat tayo ng dula para magpahayag; o
dahil may ibig tayong sabihin. Hindi kinakailangang mahalaga, dakila, napapanahon o
monumental ang gusto nating sabihin. Ang mahalaga, malinaw sa atin na meron tayong
gustong sabihin, ano man iyon. Sa dula ang pangunahing kailangan ay aksyon at
usapan.

Bukod sa ang dula ay isang pahayag, pansinin na ang dula ay isang malikhaing
pahayag. Ano ba ang tinatawag na malikhain? Malikhain ang isang pahayag kunmg ito
ay makintal at mapagparanas. Sa Ingles, impressive and evocative. Makintal: tumitimo,
bumabaon sa sinumang makaranas ng pahayag. Mapagparanas: may kakayahang
magpadama, maranasan ng nakakita o nakarinig. Magagawa ito sa pamamagitan ng
paggamit sa ilang batayang sangkap ng dula: tauhan, banghay, o tema.

91
Sa dula, kailangang maipakita ang nagaganap o pangyayari na parang
nagaganap ito sa unang pagkakataon. Dula ang tanging anyo na hindi
nanganagilanagn ng pananaw (point of view) o tagapagsalaysay. Bagaman may mga
dualng gumagamit ng narrator, lalo na sa mga dulang pambata, may kakayahan ang
dula (na siyang ikinatatangi nito sa ibang anyo ng malikhaing pagsulat) na ipahayag
ang karanasan nang walang nagsasalaysay. Sinasabing ang dulang kailangang
gumamit ng ng tagapagsalaysay, karaniwan, ay itinuturing na mahina ang pagsasadula.

 Inilahad naman sa websayt na wikipilipinas.org na ang dula ay isang uri ng


panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng
isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.
……………………………………………… 

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa


totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan.
               
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na
tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat
ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at
batay sa isang iskrip.

Batayang Sangkap ng Dula

Tinukoy ni Villanueva (2006) ang ilang batayang sangkap ng isang dula:

1. Tauhan (Character) – siya ang kumikilos sa dula. Kapag may tauhan, may
pangyayari. May magaganap na pagbabago.

2. Banghay (Plot) – ito ang estruktura o kabuuan ng mga pangyayari sa dula; ang
kabuuan ng pagkilos ng isang tauhan mula simula hanggang katapusan ng dula.

3. Tema (Theme) – ito ay may kaugnayan din sa pahayag (kaya napakaimportante ng


gusting sabihin sa dula!) pero ispesipiko at mas tiyak ang anyo kaysa pahayag. ang
tema ay maaaring moral lesson, premise o insight.

a. Ang tema bilang moral lesson ay may kinalaman sa paghuhusga sa gawi, ugali,
o halagahan: maaaring tama o mali o tamang ugali o halagahan.

92
b. Ang premise naman ay isang kaisipang kailangang patotohanan ng mga
pangyayari sa dula. Hindi kailangang patotohanan ay isang katotohanang
unibersal. Ang dula mismo ang magpapatotoo sa piniling premise.
c. Ang insight ay isang kagyat na pagkatanto tungkol sa isang pangyayari o
tauhan.

Iba pang sangkap ng dula ayon sa websayt na wikipilipinas.org:

a. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa
dula

b. Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin;
mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa
simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring
magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula

c. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning


nararanasan

d. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban


sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit
sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula

e. Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa


sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o
kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian

f. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa


mga tunggalian

g. Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin


at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin
at tunggalian sa panig ng mga manonood

Para kay Rene Villanueva (2006), mahalaga ang tauhan bilang sangkap ng dula.
Isinaad nga sa itaas na ang tauhan ang siyang kumikilos sa dula, kapag may tauhan
may pangyayari at may magagnap na pagbabago. Para makalikha ng isang tauhan,
talong bagay ang kinakailangan: pangalan, edad at kalagayan sa buhay. Matapos
tukuyin ang tatlong katangian na magbibigay ng indibidwalidad sa tauhan, kailangang
gawing dramatiko ang tauhan. Isunod naman ang kaniyang mithi, balakid at kapalaran.
93
Ang mithi ay isang kongkretong bagay na gustong makamit ng tauhan. maaring ito’y
isang makapagtapos ng pag-aaral, maghiganti atbp. Kailangang maging kongkreto ang
mithi sapagkat ang pagtukoy sa tunay na mithi ng tauhan sa dula ay kaakibat ng
pagtukoy sa kung ano ang magpapaligaya sa tauhan.
Pagkatapos nito’y isunod ang kapalaran, ditto pagpapasiyahan ng manunulat kung
ano ang kahihinatnaty ng mga tauhan sa dula.

May apat na kapalaran ang maaaring kahantungan ng tauhan. Maaring makamit niya
ang minimithi at lumigaya; Hindi makamit ang mithi at hindi lumigaya; Makamit ang
kanyang mithi ngunit hindi liligaya; o Hindi makamit ang mithi pero magiging maligaya.

At ang huli, ang pagtukoy sa balakid o anumang bagay na hadlang sa minimithi ng


tauhan. Karaniwan, tatlo ang uri ng balakid: Panloob, Panlabas o Pangkapaligiran.
Psychological. Physical. Social. Environmental. Ang nasabing mga balakid ay
kakatawanin ng isa pang tauhan sa dula.

Isa sa pinakamahalagang aspekto sa poagmumuni ng dula - ang pagbabago ng


tauhan. Sapagkat ang dula, higit sa anupaman, ay tungkol sa pagbabago. Mula sa
isang pananaw, pagpapahalaga o attitude ng tauhan tungo sa panibagong pananaw,
pagpapahalaga o attitude.

Mga Halimbawa at Panimulang Pagsusuri ng Dula

ISANG DAKILANG MAMAMAYAN NG REPUBLIKA


Rene O. Villanueva

MGA TAUHAN:
LOLA, 76 anyos, maitim, tindera ng turon at banana cue
ELSA, estudyante
MANGGAGAWA 1
MANGGAGAWA 2

TAGPUAN:

Gabi, kasalukuyan. Sa isang maliit na puwesto ng banana cue sa may Recto.Ilang


hakbang mula sa panulukan ng Recto at Bilibid Viejo, katapat ng terminal ng Victory
Liner, may maliit na pondahan ng banana cue at turon. Sa bukana ng tindahan na hindi
hihigit sa dalawang dipa ang lapad at luwang, maymahabang lutuan ng turon at banana
cue. Nakapastong ditto ang isang kusinilya at nagtambak ang mga dahon ng saging at
piling-piling na binalatang saging na saba. Hindi kailangang makita o maaninag ng

94
manonood ang mga ito sa pagsisimula ng dula. May gaserang ilawan sa isang
tabi.Nakaupo sa harap ng pondahan ang matabang matanda. Maaaring may mga taong
nagdaraan sa harapan, pero walang pumapansin sa kanya. Gabi na. Sa simula, tila
wala sa sariling nilalapirot ng LOLA ang isang maliit, parihabang tuwalyang puti, na
halos kulay-libag na sa pawis at alikabok; habang panay ang pahid niya sahumuhulas
na pawis sa mukha’t leeg. Kausap ang manonood.

LOLA:
Wala pa ba? (Hawak ang gasera, sisilip siya sa magkabilang tabi.) Lintek! ang tagal
naman. Sibsib na ang dilim a. Sigurado namang me nagreport na sa kanila.Me nalilihim
ba sa Maynila? Lalo dito sa kahabaan ng Recto. Dito pa sa terminal! Kahit kulay at
amoy ng utot mo, ke gumagapang pa ‘yan o nagririnyego; siguradong bistado ng lahat,
mula Avenida hanggang simbahan ng Santa Cruz. E wala naman akong balak
magtago. Ano, bale? Hindi naman ako naghahanap ng sakit ng ulo ni katawan.
Mamaya tugisin pa ako ng mga parak. E di natelebisyon pa ako. Mas malaking
iskandalo, ‘pag nagkataon! Gaya nung tarantadong umakyat diyan sa poste ng koryente
sa may Quezon Blvd. Unti-unting liliwanag ang entablado. Makikita natin ang isang
LALAKI na tumatawid sa mga kawad ng koryente. Halatang kinakabahan o natatakot. O
weno? E di pinagpistahan siya ng mga usyoso. Kaya iniligpit ko ang mga paninda ko
para makiusyoso. Ay, mali! Dinala ko pala ang mga paninda ko, at doon ako sa
mismong tapat niya naglako ng turon at banana cue. ‘Daming tao e! Tatayo ang LOLA.
May dalang basket na pupunta sa tapat ng LALAKI tumatawid sa mga kawad ng
koryente. Lilinga-linga na parang sinisino ang mga mamimili habang pasigaw-sigaw ng
kanyang inilalako. Turon! Turon! Bagong luto, may langka! Banana cue kayo riyan!
(Titingala at mapapapalatak.) …………………………………………………………

Siyempre, hindi tuloy nakatalon-talon ‘yung gago. Nalito sa sobrang dami ng matang
nakatutok sa kanya. Nahiya siguro sa dami ng bungangang nang-uudyok sa kanya.
(Sisigaw.) “Tarantado, talon!” Isa-isang darami ang mga usyoso. May istambay. May
galing sa opisina. May makikisigaw. Lahat ay nakatingala. Makakarating sa dulo ang
LALAKI, tatalungko. Kung ano-ano ang isinisigaw ng mga usisero para tuluyang
tumalon ang tarantado: (Sisigaw ang LOLA na tila iba-ibang tao ang humihiyaw.)

“Ano pang hinihintay mo? ‘Yung mga kamera? Si Mike Enriquez?”


“Hindi na darating ‘yon! Nasapawan ka ng coup!”
“Me malaking rali sa Mendiola, tanga!”
“Siyempre, uunahin nilang tutukan ang Malacanang.”
“Lundag na!”

95
“Talon!” (Papalakpak.) Pero hindi nakatalon ang tarantado, hanggang sa halos maging
sindami na ang mga usyoso ng tao kung pista ng Nazareno. Hanggang sa abutan na
siya ng ambon. Itatalukbong ng LALAKI ang dalawang kamay sa kanyang ulo. Saka
magsisimula uling tumawid sa kawead ng koryente. Hanggang sa magdatingan na nga
‘yung mga taga-radyo at telebisyon. E di lalong nangatog ang gago. Lalong napahiya
ang walanghiya! Talagang hindi mo magagawang magpakamatay kung halos ang
buong Maynila ang nakatingala at naghihintay sa paglundag mo.
Sigurado merong pang nagdarasal na madulas ka sana, para sulit naman ang
pamimitig ng leeg nila. Walang puso ang mga tao e. Kaya hindi ako naniniwalang
talagang magpapakamatay ‘yung gago. Kung magpapakamatay ka, magpapakahirap
ka pa bang umakyat sa poste ng koryente? Ang kamatayan,kailangang madali. Hindi
pinagtatagal, para walang hirap. – Turon! Turon! Banana cue, bagong luto!
Maninimbang ka pa ba sa mga kable? Kung magpapakamatay ka, bakit do’n pa? Mas
madaling lumundag sa overpass, di ba? Semento din naman ang babagsakan mo.
Kung hindi mabagok ang ulo mo sa semento, tiyak na wala kang ligtas sa mga
dumarating na sasakyan. (Hahagikhik.)

Pero … hindi rin nga pala; dahil wala sa tiyempo ang pag-akyat sa poste ng
tarantado.Hapon na. Paano kang lulundag sa oras na ‘yon, e hapon na nga? Di hindi ka
nga masasagasaan! Kapag gano’ng oras, mas mabagal pa sa pagong ang usad ng
mga sasakyan. Hindi ka rin puwedeng mabagok sa semento. Wala kang puwang na
makikita sa sobrang dami ng dikit-dikit na sasakyan. Bamper to bamper! (Hahalakhak.)
Pinakamasuwerte na ‘yung bumagsak ka sa salamin sa harap ng isang sasakyan.-
Turon! May langka, mainit pa! - Puwedeng madurog ‘yung salamin at matusok ka ng
matutulis at matatalim na bubog. ‘Yon e kung masasalalak ka. Pero dahil yayatot-yatot,
singnipis ng istik ng banana cue ang parilya ng gusgusing tarantado, mabuti kung
lumusot siya sa salamin! Baka damputin lang siya sa kandungan ng drayber o pasahero
sa unahan. E di ba mas napakalaking malas naman! Hayun, nakumbinsi ring bumaba
ng mga pulis. Sayang! ‘Buti na lang naubos ang turon ko.
……………………………………………………………………………………………

Isang pulis ang aakyat sa hagdan ng bumbero at aabutin ang kamay ng LALAKI.
Bababa ang LALAKI. Saglit na magdidilim. May kukuha sa roller sa puwesto habang
malilinis ang ag-aalisan ang mga usyoso. Babalik si LOLA sa tindahan niya. Muling
uupo at hahawakan ang gasera. Palinga-linga.

Kaya plis, plis lang… Pakiabatan nga ninyo ‘yung mga parak ‘pag dumating. Sandali na
lang. Baka makalingatan ko at hindi mapansin. Magliligpit-ligpit muna ‘ko. Tatayo para
magligpit, pagkuwan ay magbabago ang isip. Babalik sa pagkakaupo. Sabagay hindi
naman ako aalis dito. Wala naman akong gagawin. Wala akong pupuntahan. Sa loob

96
ng halos dalawampung taon mula nang mabili ko kay Tandang Kanor ang puwestong
ito nandito lang ako lagi. Mula madaling araw. Ni hindi pa sumisikat ang araw, ni hindi
pa nakapaghihilamos ‘yung dispatcher diyan sa Victory. Maririnig ang ingay ng mga bus
sa terminal habang inaayos ang puwesto. Aalis at LOLA, pagbalik may bitbit na piling-
piling na saging na saba.

Tuloy-tuloy ‘yong busina, ungol ng makina hanggang hatinggabi, matapos linisin at


igarahe ang pinakahuling bus na galing sa Baguio o Bataan, narito lang ako sa tapat ng
terminal. Magbabalat ng mga saging. Bobombahin ang kusinilya. Maghahanda sa
pagluluto ng turon at banana cue.Nagbabalat ng saba. Nagbobomba ng kalan para
maisalang ang kawali. Nagpapainit ng Minola. Nagbubuhos ng kalahating kilong asukal
na pula sa mainit na mainit, halos kumukulong cooking oil. Hanggang sa mag-arnibal
ang asukal. Hanggang sa maglubid-lubid ang arnibal na pula. Saka ko ibubuhos isa-isa
ang piraso ng saba. Saka ko hahaluin ko nang hahaluin ang arnibal para bumalot sa
bawat piraso ng saging. Kapag naluto, hahanguin kong lahat sa planggana. Bahagyang
palalamigin. Saka tuhuging tatlo-tatlo sa istik na kawayan, Sa matulis, makinis na istik
ng kawayan.

Isa o dalawang MANGGAGAWA ang bibili ng turon. Kakainin ang binili sa puwesto.
Makaraang makakain, aalis ang dalawa.

MANGGAGAWA 1:
‘La, me luto ka na?

MANGGAGAWA 2:
Lumiliit yata ang saging n’yo ‘La.

LOLA:
Bakit? Kaninong saging ba ang hindi lumiliit? Kung ayaw mo, mag-Jolibee ka! At may
malalantakan na kahit sinong humihilab ang tiyan. Ayaw n’yo pa ba no’n, sa halagang
limang piso, makakaraos na kayo? (Muling mauupo.)

Kaso, kahit anong sikap ang gawin ko, kahit anong sipag, mula noong mabili ko ang
puwestong ito kay Tandang Kanor, hindi ako makaraos. Panahon pa ni Marcos ‘yon!
Tuwing magbabago ang administrasyon, umaasa kaming bubuti ang buhay kahit
paano, kahit katiting. Pero nagdaan si Marcos, si Cory, si Ramos, si Erap, hanggang sa
tukayo ko, gano’n pa rin. Konting mabusog, problema na naman kung saan dudukot ng
susunod na isusubo. Ganon nang ganon; kahit bago pa maging presidente si Marcos,

97
gano’n na. Hindi nga lang dito ang puwesto ko noon. Sa tirahan namin sa may
Gastambide, malapit sa eskwelahan. Katulong ko pa si Elsa, ang panganay ko.

LOLA:
Kung saan-saan ka na naman siguro dumaan, ano? Ba’t tanghali ka na?

ELSA:
Me pinagawa pong project ‘yung adviser namin e.

LOLA:
Sige, balutin mo na ‘yang mga turon. Mayamaya lang may maghahanap na riyan.

LOLA:
Pangarap ko sanang maging titser si Elsa. Pero hayun, sa tarantadong kapitbahay lang
namin bumagsak.…………………………………………………………

LOLA:
Kaso, hindi lang matigas ang buto no’ng Erning na ‘yon; yayatot-yatot e saksakan ng
kati. Sabi ko na kasi sa anak ko, ‘wag mong patulan ‘yan. May mukha nga, pero libag
lang sa uten ang kayamanan. Makati pa sa gabi, maniwala kayo!

LOLA:
Kabi-kabila ang kabit. Me weytres, me modista, pumatol pa pati sa tisika na nasa Saudi
ang asawa. Sabi ako nang sabi kay Elsa na mag-iingat siya, dahil baka kamukat-mukat
e uubo-ubo na rin siya at kapag dumura e meron nang kimpal-kimpal na dugo. Pero
alam n’yo ‘yang anak ko, kundi saksakan ng bingi, saksakan ng tanga o saksakan ng
tigas ang bao! Wala pang sambuwang pinayagan ko siyang tumao sa pondahan, ayun,
nasungkit na ni Payayot. Sanlinggong dinala sa Laguna, nang bumalik buntis na. Naku!
Maisusumpa mo talaga kahit me Santo Kristo ka sa dibdib! At hindi pa nagkasya na
magkaasawa ng batugan. Sampu! Sampung sunod-sunod ang pagbubuntis. Isip mo,
mga namamanata sa Nazareno kung gumawa ng bata. Buti na lang at sa sampung apo
kong iniluwal sa Dr. Reyes, anim lang ang nabuhay. At sa anim, tatlo naman ang
tinamaan ng peste. ‘Yung dalawa e tinigdas o tinamaan yata ng brongkitis kaya bago pa
magtatlong taon e salamat-sa-Diyos, natepok agad. Bakit naman kayo napa-
Susmaryosep? Dib a talaga naming mas masuwerte sila kung tutuusin? Maikling
panahon lang ang tiniis na hirap, e ako? Ni parehong hindi pa nga nakakalakad nang
matatag ang dalawa; ‘yon naman lalaki, nasilat sa manhole, minsang malakas ang ulan.
Sabi ko na kasi, huwag pinalalabas ang bata sa gabi, ang titigas ng kukote!
Nagmamarakulyo pa kapag sinasabihan, kaya hayun, sabi ng kapitbahay na huling
nakakita, nadupilas sa manhole na me nakatusok lang na bakal. Baha na kasi, hindi
siguro napansin ng bata ‘yung bakal na nakatusok sa butas. Ano naman ang
maaasahan ninyo sa batang lilimang taon? Lalo kung nakatakas lang para maglaro.

98
Siyempre, nagtatampisaw ‘yon sa tubig. Iisipin pa ba no’n kung ang tinatapakan niya’y
me disgrasyang naghihintay? Hayun, kinabukasan na napulot sa dulo ng imburnal.
Akala n’yo ba porke tatlo lang ang mga anak nila e bumuti-buti sila? Hesus! (Luluhod
saka nakadipang lalakad nang paluhod sa palibot ng tindahan.)

Panguinoon! Kung hindi ka pa nagsasawang tumunghay sa suson-susong kamalasan


namin, di sana’y hindi mo hinayaan ang lahat nang ito? Ano ba’ng problema? Lingo-
lingo naman akong nagsisimba. Kung Pista ng Quiapo, oo nga at hindi ako nakikihila sa
ipinuprusisyong Poong Nazareno. Nakikipunas lang ako ng panyo sa mga paa ng
Mahal na Hesuskristo; pero hindi ako pumapalya, kahit anong lagay ko, sa unang misa
sa araw ng pista, kahit saksakan ang dami ng tao sa loob ng simbahan. Bukod sa lagi
kong hinihintay ko ang pagdaraan sa gabi ng prusisyon, ha! Sa dulo ng tanghalan,
lalabas ang NAZARENO na may pasan-pasang krus hanggang sa tuluyang lumabas.

LOLA:
Nagsasakripisyo nga ako sa paghihintay sa mga deboto mo, baka akala mo? O di ba,
‘pag Pista ng Quiapo, mga alas-kuwatro pa lang tumitigil na akong magluto ng turon at
bababana cue. Baka sabihin mo naman, puro pagkita na lamang ng pera ang nasa
tuktok ko. Kahit natitiyak kong mabiling-mabili ang turon at banana cue sa oras na ‘yon.
Alam mo bang ‘yon ang paraan ng pagtitika ko para sa iyo, Mahal na Nazareno, para
kapag dumaaan ang prusisyon, walang laman ang isip ko kundi sana ay matanaw ang
Poon, na tulad naming ay nakabayubay sa krus. Hinuhubad ko ang aking delantar at
tinitipon ang lahat ng barya ko’t perang papel sa isang boteng plastik, para maluwag
akong makatayo sa gilid ng daan, hindi nag-aalalang baka ako madukutan o
masalisihan ng mga mapagsamantala; para maluwag akong makakaway sa Kanya, sa
Nazarenong nasa itaas ng platapormang kinukuyog ng mga nagmamamakaawang
sindami ng langgam. Kuyog ng mga langgam, gaya ng mga mumo ng namuong arnibal,
na natapon sa lupa!
Hindi pa ba sapat na sakripisyo ‘yon? Alam n’yo ba kung magkano ang kitang
nawawala sa akin sa pag-aantabay sa prusisyon? Halos dos siyentos pesos din, Mahal
na Poong Nazareno! Pero naiintindihan ko, kahit hindi mo kami iniibsan ng bigat. Kahit
natutunghayan mo, ngunit hindi pinapatid ang lubid-lubid naming hirap. Lubhang
marami kang inaalala. Ako man ang nasa lagay mo, matuturete rin ako sa dami ng
nagsusumamo sa iyo. Saka sabi mo nga, hindi laging dapat naming iasa ang lahat sa
iyo. Malapit man ang Quiapo, masyadong malayo ang langit para sa aming mga daing.
Pero sino’ng aasahan naming mag-aangat at hahango sa amin sa aming kapalaran?
Ang gobyerno? Mas malayo sa Quiapot ang Malakanyang. Asa kami nang asa sa
tuwing magpapalit ng presidente. Asa kami ng asa sa mga bagong pangako. Bababa
ang presyo ng galunggong. Tataas ang kita. Minsan nangyayari, pansamantala; pero di-
magtatagal, balik uli sa dati ang lahat. Balik sa lagpas-ngusong tubig ng hirap. Kaya

99
wala na kaming ginawa kundi ang suminghap-singhap. Kaya nagpapasalamat na rin
ako sa iyo, Mahal na Poon. Mapalad kaming biniyayaan mo ng dalawang malalakas na
braso. Patunay ang mga bisig na ito, na hindi mo ako pinababayaan dahil binigyan mo
ako mga kamay, para huwag nang umasa sa iba, para tubusin ang aming mga
sarili.Para makakawag-kawag upang manatiling nakalulutang sa malawak na dagat ng
buhay. Maglalatag ng patung-patong na diyaryo si LOLA sa lupa, mahihiga. Kahit
sisinghap-singhap. Kahit mahigit sitenta anyos na ako, at ang totoo’y hapo na. At ang
talagang gusto ko’y umidlip kahit man lang isang oras lang tuwing hapon, sa halip na
magtalop ng bunton-buntong piling ng saging na saba, at masalab sa init ng apoy ng
kalan at kumukulong mantika. Naniniwala ako - mapalad ako. Mapalad kami!.
……………..………………….................

Mayroong mga taong walang paa. May mga tigmak sa sakit kaya di-nakakilos at
makapaghanap-buhay. May mga naputulan ng braso; may kulang-kulang ang daliri; ang
iba’y dahil sa walang kabagay-bagay na dahilan. Pero ako, ang iyong pinagpalang si
Lola Goya; sa kabila ng walang katapusang paghilab ng mga taon ay hindi mo
hinayaang mapigtaan ng lakas. Malalakas pa rin ang aking mga bisig. Salamat,
Panginoon! Kaya lang, di mo naman siguro ikagagalit kung aamining kong paminsan-
minsan, naiisip kong nang wisikan mo ako ng grasya, sana’y nilubos-lubos mo na. O
kahit idinawit mo na rin sa grasyang basbas mo sa akin ang kaisa-isa kong anak na
Elsa. Si Elsa ko na pinagsikapang huwag matulad sa akin sa masadlak ang buong
buhay sa pagtatalop ng saging na saba at patutuhog ng banana cue. Hindi na baleng
hindi ko siya napagtapos na high school kaya hindi siya naging titser (tanggap ko
namang medyo bopol ang anak kong iyon); hindi baleng hindi mo siya inagaw sa kamay
ng Erning na ‘yon (matigas talaga ang uilo ng batang ‘yan; kaya kahit anong pangaral
labas-masok lang sa tenga). Pero sana (masama bang isipin, Diyos ko?) na nang
kinuha mo ang tatlong anak nila, bakit hindi mo pa nilubos at kinuhang lahat?

Bakit may tatlo ka pang itinira?

Hindi. Huwag po ninyong isiping sinasabi ko ito para usigin kayo. Hindi ko kayo sinisisi.
Kita naman ninyo, ano bang ginawa ko nang maghiwalay si Elsa at ang asawa niyang si
Erning? Nang iwanan ng anak ko ang tatlong nilang anak sa poder ko? Kahit lagpas ng
sitenta ang edad ko, at walang sinomang katuwang sa buhay. Oo nga, namura ko si
Elsa nang itambak ang tatlong bata sa bahay dahil hahanapin daw si Erning, pero
tinanggap ko rin ang tatlo kong apo. Hindi lang sa naaawa ako at wala namang ibang
mag-aaruga sa tatlong bata. Ang totoo, tuwing makikita ko ang aking mga apo, lalo ang
bunsong si Edita, na kamukha-kamukha ng ina noong maliit pa, naiibsan ako ng pagod.
At kahit tila lagging nilalagnat ang katawan ko at namimigat ang mga pang di ko na
halos maihakbang gustiog-gusto kong haplusin ang kulot na buhok ng pinakabunso
kong apo, ng aking apo na magtatatlong taon, at hindi pa nakatatayo nang matatag, ni

100
hindi pa nga nakapagsasalita nang diretso. Pautal-utal lang; pero tuwing darating ako
ay sinasalubong ako ng “Yoya, Yoya.”
……………………………………………………………………………………………

At totoong luwalhati ang mga salitang iyon para sa akin. Kaya kahit humuhulas ako sa
pawis, kakargahin ko ang bunso kong apo. At ilalapat ko ang ulo niya na tila
nakapatong sa laging nanlalambot na leeg (kaya siya madalas tinutuksong Engot ng
mga walang pusong kapitbahay namin). At hahaplusin ko ang ulo niya at likuran,
hanggang sa humimlay siya sa malapad, nagmamantika, ngunit amoy-arnibal kong
dibdib.…………………………

Si Edita, ang bunso kong apong si Edita. Ang sakitin kong apo.Magdadalawang lingo na
siyang paulit-ulit na inuubo at nilalagnat. Madalas ko namang pinaiinom ng am.
Binabanyusan ng malamig na tubig para bumaba ang lagnat. Hinihilot ko ng manzanilla,
o ng Minola na may dinikdik na luya, ang katawan at mga biyas, gabi-gabi bago
matulog. Pero lagi pa ring nilalagnat. Minsa’y mainit na mainit, parang sinisilaban ang
buong katawan. Kaya magdamag na ingit nang ingit. Kahit ipaghele ko. Kahit yugyugin
habang karga ko. Kahit kantahan pa ng pampatulog. “Ili-ili, tulog anay; wala diri imo
nanay …”

Pero ingit pa rin nang ingit, anoman ang gawin ko. Hanggang sa hindi ko na magawang
iwanan sa bahay, dahil sino ang mag-aasikaso sa kanya? Ni hindi ko naman alam kung
saan hahagilapin ang ina niya. Wala akong kahit kapirasong balita kay Elsa. Nasaan na
kaya ang batang iyon?
Kaya kahit malaking istorbo si Edita sa pagtitinda ko, napilitan ako isama siya sa
puwesto. Kahit na dahil sa kanya ay malaki ang ibinagal ng kilos ko at malaki ang
nawala sa araw-araw na kita ko. Paano ako makapagtatrabaho nang maayos
samantalang may ingit nang ingit sa tabi ko. Kahit pasusuhin ko ng am, na minsa’y
hinahaluan ko ng pulang asukal para tumamis o kaunting asin para maiba ang lasa.
Ingit nang ingit. Kung medyo malakas-lakas at hindi gaanong mataas ang lagnat, wala
namang nasasabi kundi “Yoya, Yoya.” Hindi rin siya umiiyak kahit anong taas ng
lagnat.. O baka sa sobrang hina niya, ni hindi na makuha ng mga mata niya ang
umiyak. Ingit lang nang ingit. Alam kong dapat noon ko pa siya dinala sa ospital. Pero
kailangan ng pera ‘pag dinala ang maysakit sa ospital; ‘pag niresetahan ng gamot…
Pero, nasaan ang pera?..............................................................................................

Kaya pinagtiisan ko na lang kahit hindi ako makakilos nang maayos ‘pag kasama siya.
Hindi ako makapagtalop ng saging nang tuloy-tuloy. Minsan, kumukulo na ‘yung
mantika, hindi ko pa maibuhos ‘yung asukal. O lumamig na yung mga naipritong saging
pero di ko pa rin sila maituhog sa istik. Minsan, may mga drayber o pasaherong bumibili
101
pero hindi ko agad maasikaso. Hanggang kaninang tanghali, nakasalang pa naman
‘yung mga turon. Biglang umiyak. Sabi ko “Sandali lang apo. Teka, hahanguin ko lang
ang turon. Madaling masunong ‘yung wrapper ng lumpia e. ‘Pag nasunog e malaki ang
malulugi sa atin.” At hinango ko nga ang mga turon, hinango ko at inilagay sa
planggana. Saka isa-isa pinagpatong-patong sa bilaong may saping dahon ng saging
para maihanda sa pagbebenta. Nang makita ko ang bunso kong apo, tumitirik ba
naman ang mata! Diyos ko po, Panginoon! Nang hawakan ko, nanlalamig ang buo
niyang katawan. Ano’ng gagawin ko? Hindi ko naman maisusugod sa ospital. Pa’no ko
iiwanan ang tindahan? Diyos ko, Diyos ko! Mabilis akong nag-apuhap ng solusyon.
Walang aasahan kundi ang sariling mga kamay, Panginoon!
………………………………………………

Hinawakan ko siya sa dalawang paa. Hinablot sa higaan ng pinagsapin-saping dahon


ng saging, na sinapnan ko ng maruming daster. Hinawakan ko siya sa dalawang paa
saka inihampas ang ulo sa gilid ng daan, sa sementadong gilid ng daan. Ni hindi ko
narinig na umingit ang apo ko. Wala, kahit munting pagibik… Sigurado akong may
nakakita o nakapansin. Sa dami ba naman ng nagdaraan? Tiyak, darating ang mga
pulis. Kundi magmilagro at mismong ang Nazareno ang sumundo sa akin.
…………………………………………

Makaraan ang ilang sandali, sisilbato ang sirena mula sa sasakyan ng mga pulis at
isang puting liwanag ang tututok sa tindahan at kay LOLA. Tatayo siya, pasalubong sa
liwanag habang hawak ang nanlilimahid na puting tuwalya parang ihinahaplos sa di
natin nakikitang Poon. Saka pupulutin sa bandang likuran,at kakargahin, yayapusin ang
bangkay ng batang tatatlong taon, basag ang bungo, at naliligo sa natuyong dugo.
……………………………

TELON
Enero 26, 2006.

Isang Dakilang Mamamayan ng Republika


ni Rene O. Villanueva
(Panimulang Pagsusuri ni Mayluck A. Malaga)

Ang dulang “Isang Dakilang Mamamayan ng Republika” ni Rene O. Villanueva


ay umiikot sa buhay ng pangunahing karakter na kilala sa tawag na Lola Goya,

102
isinalaysay niya ang kanyang naging buhay bilang isang tindera, ina, lola at bilang isang
simpleng mamamayan.

Nagsimula ang kanyang kuwento habang animo’y batang di mapakali at naiinip


at tila may hinihintay.

Ikinuwento niya ang kanyang buhay at karanasan habang nagtitinda ng banana


cue at turon sa kanyang puwesto na nabili niya kay Mang Kanor, mula sa
pagkukuwento sa tangkang pagpapakamatay ng lalaki na umakyat sa poste ng
koryente subalit hindi rin natuloy dahil na rin sa mga usisero’t usisera. Ang pag-aasawa
ng kanyang anak na si Elsa labag man sa kanyang kalooban, ang pagkakaroon niya ng
sampung apo subalit sa kasamaang palad ay tatlo lamang ang nabuhay at ang pag-
iwan ni Elsa ng kanyang tatlong anak upang hanapin ang kanyang asawang si Erning.

Kasabay ng pagsasalaysay ng bida sa kanyang buhay, sinalamin din ng kuwento


ang mga problemang kinahaharap ng isang simpleng mamamayan na nakikibaka sa
kahirapan ng buhay, isyung politikal, pag-uugali, paniniwala at kulturang Filipino.

Ang buhay ni Lola Goya, sa edad na mahigit sitenta ay walang ipinagbago. Halos
20 taon nang nagtitinda ng banana cue, ang pakamatay ng kanyang mga apo dahil na
rin sa walang pambili ng gamot at pampaospital. Patunay lamang sa lumalalang
problema ng lipunan na hanggang ngayon ay wala pang matibay na solusyon.
Pagdating naman sa isyung politikal nariyan ang hinaing ni Lola Goya sa pamahalaan,
magpalit man ng administrasyon ay wala pa ring ipinagbago ang takbo ng kanyang
pamumuhay. Isa rin sa itinampok sa dula ay ang kultura nating mga Pilipino; ang
pagmamahal sa kapamilya at ang “strong family ties” na ipinakita sa pagtanggap at
pagkupkop ni Lola Goya sa kanyang mga apo bagama’t hindi siya pabor sa
kinahinatnan ng kanyang anak na si Elsa. Ang pagiging positibo nating mga Pilipino at
ang pagsandig sa Panginoon anuman ang dumating na pagsubok sa buhay. Ang
pagkahilig natin sa pakikiusyoso sa mga nangyayari sa ating paligid at ang kaisipan na
panlalamang sa kapwa at ang pangungurakot para mapabuti ang buhay ay ilan lamang
sa mga inilarawang masamang katangian ng ilang Pilipino.

Gamit ang pinagsamang “satire” at trahedya nilayon ng dulang ito pagsuriin ang
mga manonood ukol sa buhay nang hindi nakatitisod ng damdamin. Maging ang
pananalitang ginamit ay magagaan at madaling maintindihan. Nakatulong din nang
malaki ang ang mga karanasan sa buhay ni Lola na isinalaysay sa kuwento upang mas
maging kapanipaniwala at epektibo ang paghahatid ng mensahe sa mga manonood.

Sa pamamagitan din ng monologo at “soliloquy” naipakita ang tunggalian ng


tauhan laban sa kanyang sarili tulad ng desisyon ni Lola Goya na ihampas ang ulo ng
103
kanyang apo sa semento bilang agarang solusyon sa problema sa halip na isugod ang
sa ospital. Ito ang lalong nagpamulat sa kaisipan ng mambabasa sa kahirapang
dinaranas ng marami sa mga Pilipino hanggang ngayon at upang matakasan ang
problemang ito, gumagawa tayo ng mga bagay na labag sa ating kalooban.

Ang “Isang Dakilang Mamamayan ng Republika” ay isang dulang nag-ugat sa


karanasan at buhay ng simpleng mamamayan na araw-araw ay nakikibaka para
magtamasa ng kaginhawaan sa buhay. Dakilang maituturing ang sakripisyong ibinigay
ng pangunahing tauhan para sa kanyang mga minamahal. Malungkot man ang naging
katapusan ng dula, nagtagumpay naman ito sa pagkikintal sa isipan ng mga
mambabasa o manonood ng aral ukol sa pagmamahal, pagpapakumbaba, at pananalig
sa Maykapal na ipinakita ni Lola Goya – isang dakilang mamamayan ng republika.

Mga Gabay na Tanong sa Dula ni Rene O. Villanueva:

1. Ano-ano ang iba’t ibang suliraning kinaharap ng pangunahing tauhan?


2. Sumasang-ayon ka ba sa ginawang solusyon ng pangunahing tauhan sa
kanyang mga suliranin? Bakit?
3. Ano ang ideya ng may-akda hinggil sa pagiging isang dakilang mamamayan?
4. Ano ang naramdaman mo matapos mabasa ang dula? Ipaliwanag.
5. Ano ang iplikasyon ng dulang ito sa iyo bilang isang Pilipino, bilang isang
mamamayang naninirahan sa Republika ng Pilipinas?

ANG MGA PILIPINO SA SANDWICH ISLANDS


(Prize Winner, Filipino Migration to Hawaii Centenial Literary Prize 2006)
Romeo P. Peña

MGA TAUHAN
PIKAKE, isa sa mga sakada noong 1906 na bumalik sa kasalukuyan
MIULANG, estudyante sa kolehiyo
DOC, isang Pilipino na ipinanganak sa Hawaii
PINAKBOY, Pilipinong naninirahan sa Honolulu kasama ang asawang Filipina
CEZANNE, anak ng isang Hawaiian-born Filipina

GLEN, isang Filipino-American citizen sa Hawaii

104
Si Pikake ay naglilibang ng sarili sa makasaysayang Puuhonua O Honaunau Park na
kung saan itinayo noong 1550 na nagsilbing lugar ng mga talunang mandirigmang
Hawaiian at ang mga lumabag sa sagradong tuntunin sa Sandwich Islands.

(KAKANTA)

Filipino at Hawaiian

Kay tagal kong hinahanap


Ang bayang pinapangarap
Para sa aki’y isang biyaya (glorya)
Dito’y may kaligayahan
At may kasaganahan
Napansing may paraiso

Ngunit parang ‘di mawari


Ang lumbay ay ‘di mapawi
Dahil malayo sa pamilya
Di ko sukat akalaing
Magiging kaibigan pala natin
Ang mga islang Sandwich

Filipino at Hawaiian
Ipinagpala ng Maykapal
Filipino at Hawaiian
Akin ngang pinakamamahal….

Ang mga magiging kaututang dila ni Pikake ay magsisirating na. Mauuna si Pinakboy at
pagkaraan ay si Doc at si Cezanne. Kasunod ay ang estudyanteng si Miulang pati si
Glen Kanaohi.

(MAGSISIMULA NANG MAGSALITA SI PIKAKE)

PIKAKE: Hay buhay! Ako si Pikake! Ang ganda ng pangalan ko no?


LAHAT: Owws?
PINAKBOY: Pikake ano?
PIKAKE: Ahh? Wala! Basta Pikake.
LAHAT: Nge! Walang apelyido?
PIKAKE: Hindi ko na kasi matandaan kasi biruin mo noong Disyembre 20, 2006?
Tama ba? Ay mali! 1906 pala. Isa ako sa labinlimang unang dumating dito
sa mga islang Sandwich.
105
LAHAT: Sandwich???
DOC: Teka! Teka! Alam ko ‘yan ahh? Parang nabasa ko na ‘yan sa Honolulu
Star-Bulletin noon, Sandwich Islands ba kamo?
PIKAKE: Sandwich Islands! Sanwits sa tagalog at emparadados sa malalim na
tagalog.
DOC: Teka alalahanin kong mabuti! Bago pa mang tawaging Hawaii ang mga
islang ito, noong 1778 dumating ang British explorer na si Captain James
Cook at siya ang nakatuklas dito. Dahil sa kanya, nabalangkas at
nailahathala ang heograpiya ng mga islang ito at tinawag niyang
Sandwich Islands bilang parangal sa padrinong si John Montagu, 4th Earl
of Sandwich.
PIKAKE: Magaling! Detalyado at mismong mismo.
PINAKBOY: Ano naman ang ginawa mo at ang mga kasama mo dito sa Sandwich
Islands noong 1906, aber?
PIKAKE: Hmmm…(MAGPIPIHIT NG LEEG AT ITO’Y LALAGUTOK) Aray! Ang
sakit ng leeg ko, lumagutok! Tila lanai ito.
LAHAT: Lanai???
PIKAKE: It means stiff-necked! Ano ba kayo? Naturingang naninirahan sa
Sandwich Islands, simpleng salita hindi alam ang kahulugan.
CEZANNE: Malay namin, tse! Yabang!
PIKAKE: Sa’n na ba ‘ko? Nandirito pa rin pala ako! Eto hirap eh, balikan ba daw
ang past? Basta isang pangkat kami noon galing sa Pilipinas…..
(KAKANTA)
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa….

…..at alam n’yo kung ano ang tawag sa amin? Kami’y mga sakada!
MIULANG: Eh ano naman ‘yun?
PIKAKE: In long! Kami’y mga magsasaka at mambubukid. In other words, kami’y
nagtatanim at nag-aani ng mga tubong ginagawang asukal! Gets?
MIULANG: Gets, gets ko na!
PIKAKE: Hindi lang ‘yan! Hindi lang ang kayumangging kagaya ko ang nagsi-
migrate sa Sandwich Islands para magtrabaho sa bukirin ng tubo. Take
note! Nandyan din ang mga Portuges, Tsino, Hapon at Koreano, pero
aminin? Mas cute ang mga kayumangging gaya ko kaysa sa kanila.
106
GLEN: Kaya pala! Sabi mo may Portuges, Tsino, Hapon, Koreano at kayo, ibig
sabihin sa inyo nagmula ang wikang Hawaiian Pidgin?
PIKAKE: Tumpak! Mismo! Dahil bilang mga manggagawang nagmula sa iba’t ibang
lahi ay umisip kami ng paraan kung paano mauunawaan ang isa’t isa.
Kaya hindi dedmahan to the max, slight lang!
CEZANNE: Slight lang pala ha!?
PIKAKE: As in slight lang, okay? Kaya nag-imbento kami ng wika base sa aming
wikang kinagisnan na madaling maunawaan ng marami. At siyempre
isinama namin ang wikang Hawaiian at Hawaiian English.
MIULANG: Naks naman! Kahit pala may amnesia ay tanda pa rin ang iba. Ayos!
PIKAKE: Hep, hep, hep! Wala akong amnesia, short term memory lang naman!
CEZANNE: Ganun din ‘yun!
GLEN: Sa ngayon talagang Hawaiian at Hawaiian English ang opisyal na wika
dito sa sinasabing Sandwich Islands.
PIKAKE: Oh yes! Totoo nga ‘yan, hindi na ako kokontra, mahirap na baka
mabodyak pa ako dito. Pero in fairness! Nabalitaan ko lang sa KITV na
Tagalog ang pumapangatlong wikang sinasalita dito sa Sandwich Islands
at pang-apat ang Japanese. Sa’n ka pa? Todo na ‘to, to the highest level.
MIULANG: Marami na rin pala tayong mga Pilipino rito, biruin mo! Todo na talaga ito!
PIKAKE: Ang balita ko pa, nabasa ko lang ito sa dyaryong Hawaii Filipino Chronicle
kailan lang. Aba, talagang tayong mga Pilipino mahilig sa pulitika kasi sa
natandaan ng utak ko ay tatlumpu’t pitong tupa, este Pilipino pala ang
kandidato kasama na ang kasalukuyang nakaupo noon sa puwesto ang
tumakbo sa nakaraang 2002 Primary Election.
MIULANG: Ha? Ganun na kadami? Hanga talaga ako sa’ting mga Pilipino, malalakas
ang loob!
PIKAKE: Teka, teka, teka! May napapansin ako! Tila mula sa umpisa ako na ang
nagsasalita, hindi ata pwede ‘yan! Kayo naman! Kwento n’yo buhay n’yo!
LAHAT: Hay!!! Nakahalata rin.
MIULANG: Sige ako muna!
CEZANNE: Gusto ko ako muna!
PINAKBOY: Ako na lang!
DOC: Nag-aaway pa, me first!
GLEN: Ako huling nagsalita, kaya ako muna!
MIULANG: Ako na sinabi! Wala kayong magagawa sisimulan ko na.
LAHAT: (MALIBAN KAY PIKAKE) Naku naman….
PIKAKE: Sige nga, mabuti pa simulan mo na! Lights, camera, action!
MIULANG: Ah ganito kasi, noong bata pa ako dito na ako pinag-aral sa Hawaii, doon
sa Punahou School. Nagtiyagang magtrabaho sa tubuhan ang aking mga
magulang para makapag-aral ako. At ngayon, yehey! Nasa ikaapat na

107
taon na ako sa University of Hawaii System, West O’ahu campus at
ipinagmamalaki kong Pilipino ang mga magulang ko at Pinoy ako!
LAHAT: Pinoy tayo!

(KAKANTA ANG LAHAT)


Pinoy ikaw ay pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang-iba ang pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo
Pinoy ako
Pinoy tayo…

MIULANG: At ang ikinatutuwa ko ay? Ipinagdiriwang kahit dito sa Sandwich Islands


ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas at mga pestibidad tuwing bakasyon!
Hooray!!!
PIKAKE: Bongga! Encantadia, ay mali Etheria, este Pilipinas pala!
DOC: It’s my turn! Cezanne ako muna ha?
CEZANNE: O sige, sige ikaw muna!
PINAKBOY: Sinong nagbigay ng pahintulot na siya na?
CEZANNE: Hayaan mo na, pagbigyan na natin siya.
PINAKBOY: Okay fine! Whatever!
DOC: Papayag ka rin pala, sige simulan ko na. Tayong mga Pilipino kapag may
pagkakataon ay ‘di talaga natin pinapalampas. Like my Dad, na pumunta
dito 60 years ago na kabilang sa tinawag nilang sakada ’46 kasi dumating
noong 1946. Nakapagpundar ng dalawang palapag na bahay dahil sa
pagsusumikap sa tubuhan. Dinala niya si Mommy dito at hayun na!
LAHAT: Anong hayun na???
DOC: Hayun na, atlast nabuo ako!
LAHAT: (TAWANAN) Hahahaha….
DOC: Anong nakakatawa?
PINAKBOY: Wala lang! Nag-eexercise lang ng bibig.
DOC: Nakilala namin ang mga kapitbahay at natutunan naming makisalamuha
sa kanila kahit iba’t ibang lahi sila. And “we live happily ever after.”
PINAKBOY: Ano kayo! Kinasal magkakapitbahay?
DOC: Tao lang! Ang sasabihin ko sana’y “we all stay and live together.”
PINAKBOY: Kala ko kasi hayop ka, joke lang! Peace!
DOC: May the peace of the Lord may also with you!
PINAKBOY: Okay!

108
(KAKANTA)
It’s my turn to make it now
Just relax, listen carefully
We’re still young “hindi supot”
There so much we need to know….

LAHAT: Ohh, common!


PINAKBOY: I should note that, ang aking asawa ay one hundred percent na Filipina,
galing siyempre sa Pilipinas at nanirahan kami doon limang taon ng
nakakaraan. At ngayon kami ay lumipat na sa Honolulu. Inggit ka Miulang
no?
MIULANG: Hindi ako naiinggit no! ‘Di maghahanap ako ng Filipina, alam ko naman
na marami rito sa mga islang Sandwich.
PINAKBOY: Aminin, inggit siya?
MIULANG: Hindi kaya, sabi nga Pinoy ako kaya hindi ako maiinggit.

(KAKANTA)
Hoy!
Pinoy ako
Buo ang aking loob
May agimat ang dugo ko
Hoy!
Oh! Pinoy ako
May agimat ang dugo ko
Oh….

PINAKBOY: Tuloy ko na nga, masasabi ko ang karamihang dumarating dito sa


Sandwich Islands ay mga ilokano na mula sa hilagang bahagi ng Luzon at
mga bisaya sa timog na bahagi ng arkipelago. Tulad ng mga lolo at lola na
kasama ko na ngayon. Katatawag nga lang sa akin, kumakain sila sa
restoran.
GLEN: Sosyal! Nabanggit mo na rin ang restoran, alam n’yo ba na dahil sa husay
nating mga Pilipino ay mayroon na rin ditong Goldilocks, Red Ribbon at
Jollibee? Sa Jollibee bida ang saya! Kaya doon mo na sila pakainin.
PINAKBOY: Oo nga noh, bright idea! Dahil dyan isang palakpak paikot para sa iyo.
(PAPALAKPAK PAIKOT)
CEZANNE: Singitan na lang, e di pasingit na rin! Kasi si Mega nagconcert-tour noong
nakaraan at sinamahan pa nga siya ni Sen. Pangilinan, nakakakilig!
Binisita nga tayong mga kababayan dito sa Hawaii.
PIKAKE: Ayy! Kelan ‘yon? Sayang di ko napanood. Miss na miss ko pa naman si
Mega.
109
CEZANNE: Ako nga rin e! Sobra as in!
PIKAKE: Di bale na lang, marami pa namang ibang sikat na mang-aawit, musician
at artistang Pilipino ang nagko-concert-tour dito sa Sandwich Islands.
Aabangan ko na lang!
CEZANNE: Oo sige abangan natin, sabay tayo manood ha? Para libre ako sa
pamasahe… yes, yes, yow!
PIKAKE: Yes, yes, yow ka dyan! Mag-isa ka!
CEZANNE: Naman e…
PIKAKE: Sige na nga, kiss muna!?
CEZANNE: Wag na lang, sa tv na lang ako manonood!
PIKAKE: Joke lang ‘yon, eto naman hindi na mabiro.
PINAKBOY: Hmm… Hmm… Hindi pa nga ako tapos e!
LAHAT: Sige tuloy!
PINAKBOY: Nalaman kasi ng mahal kong asawa na dito sa Sandwich Islands kapag
may nakilala siyang mga kapwa Pilipino ay kadalasang ilokano o bisaya
ang mga ito. Kaya wikang Filipino ang sinasalita niya.
MIULANG: Hanga na ako sa asawa mo!
PINAKBOY: Salamat! Pero mananatili siyang asawa ko, walang sulutan ha? Kasi mas
bata ka baka patulan ka niya.
MIULANG: Sinabi mo pa! Pero hindi ko magagawa ‘yon, ang sagwa!
PINAKBOY: Haay! Nakakagutom!
GLEN: Nabanggit mo ang pagkain, karamihang tao dito sa Sandwich Islands ay
alam ang lutong ilokano dahil sa mga maliliit na restorans ng mga ilokano
ngunit hindi pa nila alam ang tunay na lutong Pilipino.
PINAKBOY: Sana matikman rin nila ‘yong mga luto natin, di ba?
GLEN: Mas maganda! Alam n’yo bang kumain ako noong nakaraan sa Golden
Coin Restaurant dito sa Hawaii, tinulad sa Goldilocks Bakery and
Restaurants. Masarap ang mga pagkain pero may pagkakaiba pa rin kung
pagkukumparahin.
PINAKBOY: Lalo mo akong ginugutom!
LAHAT: Gutom na rin kami!
PINAKBOY: Sarap ding magpalamig noh?
LAHAT: Saan naman?
PINAKBOY: Sa mall ang naiisip ko, noong nandun pa kasi kami ng asawa ko sa
Pilipinas ay madalas kaming pumunta sa SM, Gateway, Robinson at
minsan sa Shang-rila.
LAHAT: Talaga???
MIULANG: Wala ka na bang maikwento, puro na lang sa asawa mo?
PINAKBOY: Galit ka?
MIULANG: Hindi, nagtatanong lang naman. (MAHINAHON)

110
GLEN: Wala rin namang halos ipinagkaiba, dito sa Sandwich Islands may mga
mall din, nandyan ang Ala Moana, Pearlridge at Kahala Malls.
PINAKBOY: Kung sabagay, ayos na rin. Mayaya nga si sweetheart mag-mall mamaya.
CEZANNE: Idea lang ‘yan ng maraming pera!
PINAKBOY: Eh di mag-iipon!
CEZANNE: Akala ko ba ngayon ka magyaya para mag-mall?
PINAKBOY: I changed my mind!
CEZANNE: Akala ko ba tatlo o higit pa ang pinagtatrabahuhan mo?
PINAKBOY: Mismo! Oo! Alam mo namang wala para sa akin ang pagsasakripipisyong
tulad no’n at lagi pa akong nagpapadala sa mga kamag-anak ko sa
Pilipinas.
CEZANNE: Oo nga noh…
PINAKBOY: Kaya nga dakilang lugar ang Sandwich Islands para tirhan kahit medyo
mahal mamuhay dito ay masaya naman!
CEZANNE: Oo naman!
GLEN: Aba! Ako naman ang magkukwento. Walang kokontra, walang aangal.
Ang umangal….
LAHAT: Eh ano?
GLEN: Wala lang! Kasi dati nakatira pa ako sa San Francisco. Marami nang
Jollibee Filipino fast-food restaurants doon, nagulat nga ako dahil napasok
na pala ng bubuyog na happy ang Sandwich Islands at pati Filipino
Channel meron na rin . Natutuwa rin ako na mga ilokano ang nakararami
dito sa Islands of Aloha.
MIULANG: Islands of Aloha?
GLEN: Tawag din ‘yan sa Hawaii, minsan pa nga State of Aloha.
MIULANG: Aba! Aba! Aba! Daming alam nitong Hawaiian na si Glen Kanaohi!
GLEN: Hoy! Hindi lang ako Hawaiian, Pilipino rin ako!
MIULANG: Okay! Pilipino rin pala!
GLEN: Tuloy nawala na ako! Ah! Nakararami nga ang mga ilokano, natatandaan
ko pa nga ‘yung mga kaibigan ng girlfriend ko mga ilokano. Pero kahit
puro ilokano sila ay hindi niya nakakalimutan ang tagalog at marunong pa
rin siyang mag-bisaya. Natutunan niya rin mag-ilokano dahil sa kanila.
MIULANG: Nagbabakasyon ka rin sa Pilipinas?
GLEN: Aba! Oo naman! Maayos na rin ang mga highways at natatanaw din ang
naglalakihang shopping malls na parang nagpapakilala na mayaman pa
rin ang Pilipinas.
MIULANG: Kung tunay ka ngang Pilipino, pwes sagutin mo ito! Si Marcos ba ay
kapampangan, bisaya o ilokano?
GLEN: Ha? Ang dali naman!
LAHAT: Yabang!
MIULANG: Ano sagot?
111
GLEN: Ewan? Malay ko kay Marcos?
LAHAT: Hindi pala alam!
PIKAKE: Teka, teka, teka! Ako ang nakakaalam kasi nandito na ako nang
nabalitaan kong umiskapo si Pangulong Marcos sa Pilipinas at dito sa
Sandwich Islands nagtago ang lolo mo. Saan ba naman siya pupunta e di
sa tinitirhan ng kapwa ilokano niya! Samakatuwid, siya’y isang loko-loko,
este ilokano pala.
MIULANG: Alam mo na ngayon?
GLEN: Now I know!
DOC: Teka lang, duda talaga ako sa’yo kung Pilipino ka rin.
GLEN: Pagdudahan daw ba?
DOC: Dito ka sa Sandwich Islands lumaki?
GLEN: Oo!
DOC: Bumibisita ka lang sa Pilipinas?
GLEN: Oo!
DOC: E di hindi ka Pilipino?
GLEN: Eto na sinasabi ko eh, pagdudahan na lahat ‘wag lang ako. Ano gusto
mong gawin ko para mapatunayan ko?
DOC: Ahmm….
GLEN: Gusto mo kantahin ko ng mala-Victor Wood o Eddie Perigrina ‘yung
Lupang Hinirang na Pambansang Awit natin?
DOC: Baka mapahiya ka lang?
GLEN: Pwes! Manood ka’t makinig, in english watch and learn este listen pala.
(KAKANTA)
Bayang magiliw
Perlas ng silanganan
Alab ng puso sa dibdib mo’y buhay
Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting
Sa manlulupig, di ka pasisiil….

PIKAKE: Mahusay! Kahit huwag mo ng ituloy dahil napatunayan mo ng Pilipino ka


talaga. Ayos, mala-Victor Wood ang dating.
GLEN: Salamat! Salamat! Ano Doc, hanga ka no? Naniniwala ka na?
DOC: I’m not convinced! Kung masasabi mo kung sino ang sumulat n’yan
maaaring Pilipino ka nga.
GLEN: Aba! Ang dali-dali, si Julian Felipe ang sumulat niyan!
DOC: Tama! Ngayon masasabi kong Pilipino ka rin.
GLEN: Pahiya kunti, bukas bawi!
LAHAT: Hahahaha…. (MAGTATAWANAN LAHAT MALIBAN KAY CEZANNE AT
DOC)
DOC: Pahiya ka dyan!
112
PINAKBOY: (MAPAPANSIN NI PINAKBOY NA TAHIMIK AT TULALA SI CEZANNE)
Cezanne! Galaw-galaw baka ma-stroke!
MIULANG: (SUSUNDAN ANG PANG-AASAR NI PINAKBOY) Oo nga galaw-galaw
baka ma-stroke, nagbreak kayo ng boyfriend mo noh?
CEZANNE: Kapal nitong Miulang na ‘to! Mula pagkabata daw nandito na sa Hawaii
pero ‘nung kelan lang hindi makanta-kanta ang state song.
MIULANG: Aba! Aba! Aba! Hinahamon ako, nag-voice lesson na ata ako. Ibahin mo
ako ngayon. Dati ang alam ko lang ay ang Lupang Hinirang na kahit
nandito na ako sa Hawaii, ‘yon ang itinuro sa akin ng magulang ko.
Ngayon sisiw na sa akin ang Hawai’i Pono’i, gusto mo mala-Raymond
Kane pa e?
CEZANNE: Raymond Kane?
MIULANG: Wala ka na ‘don, idol ko ‘yon!
CEZANNE: Tama na satsat, nagmamayabang baka ‘di naman kaya?
MIULANG: Okay! Makinig kang mabuti dahil baka ma-inlove ka sa boses ko!
CEZANNE: (MAGSASALITA SANA NG “KAPAL” PERO MAPIPIGILAN NI MIULANG)
Kap….
MIULANG: (IDADAMPI ANG HINTUTURO SA LABI NI CEZANNE) Oops! Wag na
mag-react! Sisimulan ko nang kantahin ang Hawai’i Pono’i na isinulat
noong 1874 ni King David Kalākaua at nilapatan ng musika ni Captain
Henri Berger.

(KAKANTA)

Hawai‘i pono‘ī
Nānā i kou mō‘ī
Ka lani Ali‘i,
Ke Ali‘i

Hawai‘i's own true sons


Be loyal to your chief
Your country's liege and lord
The chief

Hui:
Makua lani ē
Kamehameha ē
Nā kaua e pale
Me ka ihe
Chorus:
Father above us all

113
Kamehameha
We shall defend in war
With spears

PINAKBOY: Galing mo dude! Mabuhay ka!


MULANG: (SISIGAW) Mabuhay ako! I’m a proud Filipino-American citizen dito sa
Hawaii!
CEZANNE: Parang senior citizen lang kung umasta!
PINAKBOY: Umiinit ata ulo natin Cezanne ha? Yelo gusto mo?
CEZANNE: He! Tumahimik ka Pinakboy, pangalan pa lang pinagsamang pinakbet at
baboy.
LAHAT: (TAWANAN) Hahahaha….
PINAKBOY: Oohh! Ms. Beautiful, kahit tunog Pinoy ang pangalan ko, ipinagmamalaki
ko rin na Filipino-American citizen din ako dito sa Hawaii.
CEZANNE: Owws!
PINAKBOY: Baka gusto mo, ako naman ang kumanta? Baka matanggal ang sungit mo
kapag marinig mo golden voice ko?
CEZANNE: Isa ring mayabang!
PINAKBOY: Hindi ako mayabang, Pilipino ako kaya hindi ako ganun. Sabi nga ni idol
Mike Enriquez, pawang katotohanan lamang, walang kasinungalingan,
hindi kita tatantanan!
CEZANNE: Ewan! May nalalaman ka pang ganyan!
PINAKBOY: Hawai’i Aloha o kung tawagin ng iba dito sa Sandwich Islands ay Ku’u
One Hanaui na kinakanta ng mga katutubong Hawaiian pati na rin ang
mga nakatira dito. Pagkakaalam ko isinulat ito ni Lorenzo Lyon na isang
Christian minister. Eto na, umpisahan ko na para mawala init ng ulo ng isa
dyan. Mala-Bobby Moderow itong style ko.
CEZANNE: Bobby Moderow ka pang nalalaman!
PINAKBOY: Tahimik na!

(KAKANTA)

E Hawai‘i e ku‘u one hānau e


Ku‘u home kulaīwi nei
‘Oli nō au i nā pono lani e
E Hawai‘i, aloha ē

O Hawai‘i, O sands of my birth


My native home
I rejoice in the blessings of heaven
O Hawai‘i, aloha.

114
Hui:
E hau‘oli nā ‘ōpio o Hawai‘i nei
‘Oli ē! ‘Oli ē!
Mai nā aheahe makani e pā mai nei
Mau ke aloha, no Hawai‘i

Chorus:
Happy youth of Hawai‘i
Rejoice! Rejoice!
Gentle breezes blow
Love always for Hawai‘i.
LAHAT: (MALIBAN KAY CEZANNE) Pang-Pinoy Pop Superstar ang boses,
walastik!
PINAKBOY: Anong masasabi mo sa akin Cezanne?
CEZANNE: (MAHINAHON AT HINDI NA PAGALIT) Oo na, magaling ka kumanta pati
na rin si Miulang.
PINAKBOY: Dahil dyan, salamat!
MIULANG: Thank you very much also!
PIKAKE: Bakit ba kasi mainit ang ulo mo?
CEZANNE: Hindi pa kasi ako nakakapagkwento e! Kanina pa, lagi na lang sila.
LAHAT: Kaya pala!
CEZANNE: Hayan! Magkukwento na ‘ko! Naniniwala talaga ako na masisipag
magtrabaho ang mga Pilipino dito sa Hawaii.
LAHAT: Talaga?!
CEZANNE: Oo naman! Ang dad ko ay Pilipino at ang mom ko ay Hawaii-born Filipina.
Kinikilig nga ako sa love life nila kasi ayaw ng nanay ni mom o ni lola kay
dad kasi mambobola lang daw. Kaya ‘yun nagtanan sila at napilitan silang
ipakasal dito sa Hawaii, mahal na mahal kasi nila ang isa’t isa.
PIKAKE: How sweet naman!
DOC: Anong sweet dun Pikake?
PIKAKE: Basta! Sweet ‘n sour gusto mo?
DOC: Ayoko nga!
PIKAKE: Hay! Ang buhay kong si Pikake dito sa Sandwich Islands, bilang isang
sakada, matuwid, masaya at naging masagana. Totoo nga, “Ua Mau ke
Ea o ka ‘Āina i ka Pono”.
GLEN: Aba motto ‘yan dito sa Sandwich Islands ha! In english, “ The Life of the
Land is Perpetuated in righteousness.”
LAHAT: Correct!
PINAKBOY: Hep! Hep! Hep! ‘Di ata patatalo ang motto ng ating lupang pinagmulan,
“Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan at Makabansa, parang tayo!
LAHAT: Tama ka dyan, walang mintis, sakto!

115
MIULANG: Sa ingles, “For the Love of God, People, Nature and Country.”
LAHAT: Mahusay!
MIULANG: Parang tayo nga, naninirahan dito sa Hawaii pero pusong Pilipino pa rin
tayo dahil lumililingon pa rin tayo sa bansang ating pinagmulan.
PIKAKE: Tama ka dyan Miulang! Kahit maituturing na natin na “Hawaiian Land in
Asian Hands,” Hindi pa rin natin dapat kalimutan ang ating Pambansang
Bayaning si Dr. Jose Rizal!

W A K A S
Ang Mga Pilipino sa Sandwich Islands ni ni Romeo P. Peña
(Panimulang Pagsusuri ni Mayluck A. Malaga)

“Sandwich Islands” o “State of Aloha,” malimit na inuugnay sa naggagandahang


beaches, maririkit na dilag at siyempre sa mas kilalang tawag – Hawaii.

Ang dulang may isang yugto na pinamagatang “Ang mga Pilipino sa Sandwich
Islands” ay nagpapakita ng magandang relasyon ng mga Pilipino sa ibang nasyon,
partikular ng Pilipinas at Hawaii. Nagsimula ang kuwento sa pag-uugnay ng nakaraan
sa kasalukuyan na ipinakita sa pakikipagsapalaran ni Pikake isa sa mga sakada na
dumating sa Hawaii noong 1906 na bumalik sa kasalukuyang panahon. Kasabay ng
kanyang pagbabalik ay baon niya ang mga alaala nang nakalipas na kanyang inilahad
sa dula.

Mapapansin na umikot ang dula sa mga bagay-bagay tungkol sa Hawaii at


maging sa Pilipinas dahil ang mga tauhan sa kuwento ay mga Pilipinong naninirahan sa
Hawaii. Isinalaysay ang kasaysayan, kultura ng Hawaii na hindi maihihwalay sa
kasaysayan at kulturang Pilipino. Pati ang tungkol sa politika, edukasyon, ekonomiya ay
tinalakay rin.

Magpatawa, manlibang at manghikayat ang pangunahing layunin ng dula


habang ipinasisilip sa mga manonood ang buhay ng mga Pilipinong naninirahan sa
Hawaii.

Kaiba sa tradisyonal na paraan ng pagsulat ng panitikan ang estilong ginamit sa


dula, “conversational” ang daloy ng pananalitang ginamit, kaya magaan at madaling
maintindihan ng manonood. Hinaluan din ito ng musika o mga tugtuging kilala pa rin
hanggang sa kasalukuyan upang magbigay sigla sa dula, pati ang kilos at pananalita
ng mga tauhan ay kakikitaan din ng komedya na nagpasigla sa paglalahad ng dula.

116
Gumamit ang may-akda ng higit sa isang wika (wikang Filipino, Ingles, wika sa
Hawaii) para mas lalong maging epektibo at kapani-paniwalang nasa Hawaii mismo ang
atmosperang hatid ng dula sa manonood.

Masasabing ang dulang ito ay magiging daan upang mas maunawaan at


mapahalagahan ng mga manonood hindi lamang ang kultura ng Hawaii pati na rin ang
kultura ng Pilipinas at mapagtibay ang pundasyon ng ating gunita sa pinagmulan ng
ating bayan. At higit na maipagmalaki ang pagka-Pilipino.

Mga Gabay na Tanong sa Dula ni Romeo P. Peña:

1. Sa ano-anong katangian nagkakatulad at nagkakaiba ang Hawaii sa Pilipinas?


2. Bakit mahalaga na hindi makalimutan ang nakaraan o ang pinamulang lugar ng
isang tao katulad ng inilahad ng mga pangunahing tauhan sa kuwento?
3. Nagtagumpay ba ang may-akda na ihatid ang mensaheng nais niyang iparating
sa mambabasa? Sa paanong paraan?
4. Ano ang kahalagahan ng dulang ito sa tulad mong Pilipino?
5. Bilang isang Pilipino paano mo maipagmamalaki ang iyong lahi?

ARALIN 5:
ANG TALUMPATI

Sa mga taong may katungkulan mababa man o mataas ay hindi naiiwasan


mahilingang magbigay o bumigkas ng isang talumpati. Sa mga dinadaluhang okasyon
o mga pagtitipon kailanman at saan man ay maaaring hingan ng talumpati ang
dumadalo.

Ano ang Pananalumpati?

Ayon kay Jose Villa Panganiban, ang pananalumpati ay magalang na


pagsasalita sa harap ng isang publiko hinggil sa isang mahalaga at napapanahong
paksa. Malimit gamitin ang salitang pagdidiskurso bilang kasingkahulugan. Mga kauri,
ngunit hindi kasingkahulugan ng pananalumpati ang pagpapanayam, pagbigkas o
pamimigkas, pakikipagtalo o debate at pakikipag-usap.

Mga Hangarin ng Pananalumpati

117
a. Magbigay-kabatiran - kabatiran sa mga bagay na hindi pa alam ng publiko
b. Magturo - ituro sa publiko ang nararapat na paraan o paniwala hinggil sa isang
kaisipan
c. Manghikayat - hikayatin ang publiko sa katotohanan at kabutihan ng isang kaisipan
d. Magpaganap o Magpatupad - ng nararapat na ganapin o tuparin, gaya ng
pagpapaboto sa isang kandidato, pagpapaambag sa isang kawanggawa,
pagpapagawa ng isang bagay na mabuti at kailangan, at iba pa
e. Manlibang - hangaring dapat maging laging kakambal ng unang apat sapagkat ang
bawat talumpati, anuman ang hangarin, ay dapat makawili

Tatlong Bagay ang Dapat Isaalang-alang sa Pananalumpati:

a. Ang mananalumpati na dapat maghanda ng mabisang


b. talumpati na bibigkasin sa at dapat kalugdan ng
c. publiko na dapat pakinggan at bagayan sa sandali ng pagtatalumpati.
Mga Uri ng Talumpati

a. Dagliaan o Biglaan (impromptu). Ang mananalumpati ay di binibigyan ng


pagkakataong makapaghanda. Kabud na lamang tinatawagan.

b. Maluwag (extemporaneous). Ang mananalumpati ay may inihandang sasabihin at


may panahong mapag-aralan ang publiko at makagawa ng balangkas ng talumpati,
ngunit hindi nagsasaulo.

c. Handa (prepared set). Sadyang inihanda at sinulat ang talumpati upang basahin o
sauluhin sa pagbigkas.

Mga Dapat Tandaan Upang Maging


Kaakit-akit ang Pagbigkas ng Talumpati

a. Kasiglahan ng mananalumpati sa kaniyang pagbigkas


b. Kasanayan sa pagharap sa publiko; kasanayan sa pagbigkas ng talumpati
c. Pagpapalagay na ang pagtatalumpati ay isa lamang pakikipag-usap
d. Pagsupil sa nerbiyos - ang mananalumpating ninenerbiyos ay dapat munang mag-
alis ng nerbiyos
e. Masidhing hangad na maiparating ang kahulugan ng sinasabi sa pang-unawa ng
nakikinig.

Tatlong Katangiang Dapat Taglayin ng Paksa ng Talumpati:

118
a. Napapanahon - maaaring hinggil sa isang kasalukuyang pangyayari, o
sa hinaharap na may kabuluhan sa publiko

b. Kapaki-pakinabang sa publiko - dapat pag-aralan ang mga katangian at


pangangailangan ng publiko

c. Katugon ng layon ng talumpati - laging alalahanin ang limang layunin. Dapat


magbihasa sa pagpili ng wasto at bagay ng paksa ang mananalumpati. Magmasid
at magsuri sa pananalumpati ng mga kinikilala at batayog na orador.

Pagyayari ng Talumpati:

a. May simula sa dapat kahalataan ng hangarin ng mananalumpati.


b. May katawan, na nagtataglay ng kalamnan ng talumpati.
c. May pangwakas na nagpapakilala ng kaganapan ng talumpati.

Mga Hakbangin sa Pagbabalak sa Pagsulat ng Talumpati:

a. Paghinang ng tiyak na layunin


b. Paghinang ng panggitang diwa
c. Pagbabanghay (outlining)
d. Pag-uugnay-ugnay ng mga sangkap
e. Pag-aayos

Mga Sangkap ng Talumpati:

a. Mga katunayan (facts)


b. Mga kuru-kuro (ideas)
c. Mga damdamin (feelings)

Pamamaraang Ginagamit sa Pagwawakas ng Talumpati

a. Paglalagom (summarizing)
b. Pagdiriin (emphasis)
c. Pamumukaw ng damdamin (arousing of emotion)

Mga Halimbawa at Panimulang Pagsusuri ng Talumpati

119
PASINAYANG TALUMPATI SA BANSA NI PANGULONG JOSEPH EJERCITO
ESTRADA
Quirino Grandstand, Rizal Park, Manila
Hunyo 30, 1998

Magandang hapon sa inyong lahat.

Papalubog na ang liwanag, at malapit nang kumagat ang dilim. Gayunpaman, ngayong
hapon ay nagsisimula na ang isang bagong araw. Ang araw ng lahing Pilipino. Ang
araw ng masang Pilipino.

Sa wakas, mamumuno na sa ating masa ang isang gaya nila, isang kaibigan at kapatid,
isang kapwa --- na alam kung ano ang ibig sabihin ng maging maka-masa.

Noong huling tumindig ako dito sa Quirino Grandstand, kasama ko sina Pangulong
Cory Aquino at Cardinal Sin, at napakarami ng nanindigan para sa demokrasya.
Nakapiling ko rin kayo, at tayong lahat ay napabilang sa mga tunay na kaibigan ng
demokrasya. Kaya papaano masasabi na ako raw ay mala-diktador? Noong huli akong
tumindig doon sa lumang gusali ng Senado, labindalawa lamang kami.

Nguni't ---

Labindalawa na lumalaban sa mala-higante at makapangyarihang bansa; Labindalawa


na lumaban sa pamahalaang patuloy na nagpa-alila sa banyagang kapangyarihan;
Labindalawa na lumaban sa public opinion;

Subali't labindalawa na nanindigan para sa kalayaan at dangal ng ating bansa.

Pero mayroon pa ring nangahas na pagdudahan ang ating prinsipyo!

Marahil, ninais kong tapusin sa lalong madaling panahon, ang ilang isyu na matagal
nang bumubulabog sa bayan.

Bakit? Upang wakasan na ang lahat ng bagay na dapat nating ilibing sa limot ng
kasaysayan.

Sa aking pagmamadali, maaring hindi ko na inisip, na kailangan pang lumipas ang


mahaba-habang panahon upang maghilom ang sugat ng ilan, at ang sugat ng bayan.

Tanong ko ngayon: mayroon pa ba kayang sinaktan at nilait nang higit pa sa akin?


Mayroon pa ba kayang binastos sa peryodiko o sa radyo o sa telebisyon ng higit?
120
Huwag na lang ako: kahit ang aking ina ay lubhang nasaktan dahil sa mga insultong
ipinukol sa kanyang anak.

Ako ay tao lamang, at hindi po madaling magsabi --- forgive and forget, kalimutan na
lang. Nguni't kailangan kong tapusin ang yugtong ito; at sa akin ay tapos na, nasa likod
na natin, at hindi na dapat pag-usapan.
Pagkat dapat lamang na ako ay makisama sa lahat ng ating mamamayan, kasangga
man o katunggali, kaibigan o kalaban.

Bakit? Sapagka't iisa lamang ang ating bayan, iisa lang ang ating landas, at kung hindi
tayo magsasama-sama sa isang tunay na bukluran, kanino pa kaya, at kailan pa, kundi
ngayon?

Ngayon na --- sapagka't ang hinaharap ng bansang Pilipino ay lubhang mabigat,


lubhang malalim. Ang regional currency crisis ay paghamon hindi lang sa ating mga
bangko o mga negosyante, kundi sa bawa't pangkaraniwang mamamayan.

Kaya sasabihin ko sa inyo ngayon, at sa buong mundo: Hindi tayo nag-aalinlangan, at


hindi tayo nakakalimot.

If I have seemed impatient, it was because you and I wanted peace, and only peace.
We must put yesterday behind us, so that we can work for a better tomorrow. I do not
say: let us forget the past. No, I don't. But I ask that we should not let the past get in the
way of a future that requires cooperation to achieve peace and prosperity for the least
of us.

Matagal nang naghihintay ang lahat para sa isang bagong umaga. Heto na, ngayon na,
ang panahon ng masang Pilipino.

Panahon na upang mapabilis ang pag-angat sa kabuhayan ng masang Pilipino.

Panahon na upang magkaroon ng lalong malaking bahagi, sa yaman ng ating bansa,


ang masang Pilipino.

Panahon na upang sabihin: isang daang taon pagkatapos ng Kawit, limampung taon
pagkatapos na kilalanin ang ating kasarinlan sa panahon ni Presidente Roxas, pitong
taon pagkatapos tayong tumalikod sa foreign bases, eto na, narito na, araw na natin
ngayon.

Alam nating hindi ito madaling gawin. Malubha ang lagay ng ekonomiya. Dapat lamang
pagtuunan ng matagalang pansin ang pagsasa-ayos sa pambansang kabuhayan.
121
May mga nagsasabi: hindi raw maaaring madaliin ang mga gawaing ito. Unahin daw
muna ang ekonomiya. Wala akong reklamo diyan, pero ang tanong ko: Mayroon pa
bang ibang paraan upang mai-angat ang kabuhayan ng mga mamamayan? Hindi ba
puwedeng sabay-sabay?Bakit ang masa ang laging huli at laging nalalamangan, kapag
ang pinag-uusapan ay ang kaunlaran ng ekonomiya?

Noong tinatalakay ang mga reporma na ikabubuti ng mga negosyante, halos wala
tayong narinig na nagreklamo sa kanila, na masyadong mabilis at malupit ang mga
pagbabago. Gayunpaman, hindi ba pawang katotohanan lamang na ang
pangkaraniwang mamamayan ang pumasan sa malulupit na epekto ng liberalization at
globalization?

Gustuhin natin o dili, ang hamon ng kompetisyon ay kailangan nating tugunan.Ituturing


natin itong pagkakataon, nguni't kailangang palakasin ang pambansang ekonomiya at
palawakin ang pakinabang ng nakararami.

Sa anim na taon ng pamamahala ni Pangulong Cory Aquino, naitatag ang pundasyon


upang muling lumakas ang ating ekonomiya. Sa pangangasiwa ni Pangulong Ramos,
nagsimulang magluwal ng dibidendo ang ekonomiya para sa malalaking negosyante.

Ngayon naman, ang maliliit ay dapat makinabang sa ating pagsisikap. Sana, sila
rin.Sana, sila naman ay maka-bahagi.

Progress must not be measured by the number of vacation houses of the rich.

Huwag naman sanang masamain, ng ilan sa ating mga mayayaman ang mensaheng
ito. Mula't sapul, sila ang nakinabang --- at hanggang sa ngayon ay makikinabang pa
rin, sapagka't gagawin natin ang lahat upang maibalik ang katahimikan sa ating bayan,
ang katahimikan na kailangan upang umunlad ang ating kalakalan.

Kaya sa ating mga maliliit at mahihirap, narito ang pangako ni Erap: kayo ang unang
makikibahagi sa biyaya mula sa ekonomiya, at mula sa pamahalaan.

Sa abot ng aking makakaya, bibigyan natin ang masa ng disenteng tahanan, sapat na
pagkain, at pag-asa sa hinaharap. Pag-aaralin natin ang kanilang mga anak, at
aalagaan natin ang kanilang kalusugan.Sa kanilang mga pamilya, ihahandog natin ang
katahimikan, hanapbuhay at dangal sa araw-araw.

Sa kasawiang palad, dumating ang panahon ng masang Pilipino habang ang


ekonomiya ng buong Asya ay bumabagsak. Wala tayong magagawa. Kailangan nating
122
maghigpit ng sinturon, at ipagpaliban muna ang sapat at maagang gantimpala sa ating
pagsisikap.

Sa aking mga kababayan, ito ang aking masasabi: sa inyong pagsasakripisyo, ako ang
mau-una, at ako ang inyong kasama. At sa paglasap sa mga gantimpala ng ating
pagsisikap, hindi kayo mahuhuli.

While I ask you to share these sacrifices with me, I will not impose any more on you
when it comes to meeting my duties and responsibilities as president. It is my job now,
and I will do it.

Walang dahilan upang lumaganap ang krimen sa ating lipunan; mangyayari lang ito
kung ang gobyerno mismo ay kumukupkop sa mga kriminal. Walang organisasyon o
gawaing kriminal na kayang lumaban sa pamahalaan, kung ang pamahalaan ay tapat
sa pagnanasang durugin ang kriminalidad.

We know that the major crimes in this country are committed by hoodlums in uniforms.
We know they are protected by hoodlums in barong tagalog, and acquitted by
hoodlums in robes. We know that the most damaging crimes against society are not
those of petty thieves in rags, but those of economic saboteurs in business suits; the
dishonest stockbrokers, the wheeling-dealing businessmen, influence-peddlers, price-
padders and other crooks in government.

Ipinangangako ko ngayon: gagamitin natin ang buong kapangyarihan ng pamahalaan


upang labanan ang krimen --- maliit man o malaki. Walang makalulusot.Walang itatangi.
I will use all the powers of government to stamp out crime, big and small.

There will be no excuses, and there will be no exceptions. I have sent friends to jail
before, and I can send them again.

No government is so powerless that it cannot protect its citizens, especially when they
are victimized by government agents.

No government is so helpless that it cannot prosecute criminals, especially when the


officials are criminals operating in the open.

Hindi makatarungan na sa isang bansang karamihan ay nagugutom at walang


hanapbuhay, ang kaban ng bayan ay winawaldas at ninanakaw. Ang likas-yaman ay
pinaghahati-hatian ng malalakas sa gobyerno.

123
So let me tell you today: There are things that a real government, even in the worst
economic conditions, can do.

This government will do it.

Kaya nating sugpuin ang lumalaganap na krimen. Ginawa ko ang magagawa ko noong
ako ang tagapangulo ng PACC. Gagawin ko ngayon ang lahat, ngayong Pangulo na
ako. At walang sinumang makapipigil sa akin.

What I did in PACC, I will now do, and more, as President of the Philippines. And when
I succeed this time, nobody, nobody, nobody can clip my powers!

Kaya pa rin ng pamahalaan ang magbigay ng mahahalagang serbisyo: mga lansangan,


mga paaralan, mga health centers, sapat na bilang ng mga pulis at sandatahang lakas
na sadyang katahimikan ang likha at alaga. Gagawin natin ito.Magagawa ng gobyerno
ang lahat ng ito, huwag lamang saksakan ng nakawan at pork barrel.

Hindi mapapakain ng pamunuan ang lahat ng mga nagugutom sa ating bansa. Pero
uusigin natin ang sinumang kukupit sa pondo na nakalaan sa pagbili ng pagkain.

Hindi kaya ng gobyerno na pagbigyan ang lahat ng mga lugar na nangangailangan ng


kalsadang konkreto at aspaltado. Pero hindi natin palalampasin ang sinumang
magnanakaw ng perang nakalaan sa paglikha ng mga tulay at kalsada.

Hindi kaya ng pamahalaan na agad pabalikin ang milyun-milyong overseas contract


workers, at bigyan sila ng hanap-buhay sa ating bayan. 'Ramdam natin ang
kalungkutan at pighating dala ng paghihiwalay, subali't pangako natin sa kanila na 'di
pababayaan ang pamilya at mga anak nila rito.At lalong 'di natin kaliligtaan ang
kapakanan nila sa ibang bansa.

Hindi kayang bigyan ng sapat na edukasyon ang lahat ng mga kabataang Pilipino, tulad
nang itinadhana ng Saligang-Batas. Pero hindi natin palalampasin ang sinumang
magwawaldas sa pondong nakalaan para sa mga libro at paaralan.

I appeal to the coming Congress to search its conscience for a way to stand behind me,
rather than against me, on the pork barrel issue. I appeal to every legislator: Let us find
a way to convert pork into tuition subsidies in both public and private schools. Let us
use it to better the lives of our people, rather than to improve our chances of re-election.

There are crimes that I will make my personal apostolate to punish:


--- low crimes in the streets, by rich and poor alike;
124
--- high crimes on Ayala Avenue and Binondo;
--- graft and corruption throughout the government, whether in the executive, the
legislative or the judiciary.

Ngayon pa lamang, ang mga kamag-anak ko ay nilalapitan na ng kung sinu-sino. Kung


anu-anong deal at kickback ang ipinangangako.

Binabalaan ko sila: ang kanilang inilalapit ay ebidensiyang gagamitin ko sa pag-usig sa


kanila, kapag itinuloy nila ang kanilang maruming balakin. Tandaan nila ito.Lalong
mabuti, maghanda sila. Huwag nila akong subukan!

Sa aking administrasyon, walang kaibigan, walang kumpare, walang kamag-anak.

Hindi naman napakabigat ng mga ipinangako ko. Simple lang ang aking hinahangad. At
simple rin ang ating hinahangad, subali't pagkatagal-tagal nang hindi natutupad. Nais
kong maihatid ang kapayapaan sa ating buhay, at katiwasayan sa ating lipunan.

Nais kong isa-ayos ang gulo sa ating mga lansangan, at itatag ang katarungan sa ating
mga institusyon.

Nais kong bigyan ng bagong lakas ang ating ekonomiya, at patas na pagsasabahagi ng
mga bunga nito.

Nais kong isipin ng bawa't Pilipino, mahirap man o mayaman, na ang pinakaligtas na
lugar sa buong mundo, ay ang kanyang lupang tinubuan.

I want every Filipino, rich or poor, to feel, that the safest place in the world for him, is his
own country.

At sa dakong huli, umaasa akong mapagsasama-sama ko ang lahat ng mga Pilipino,


upang matamo nila ang kapangyarihan na buhat sa nagkakaisang hangarin. Sa
ganitong pagkakaisa, maiiwasan natin ang krisis sa ating rehiyon, at makakamit natin
ang pangarap ng ating sentenyal.

Kalayaan.

Kalayaan sa isang mapang-aping kahirapan.

Isang bayang ligtas sa takot, at ang lahat ay pantay-pantay sa pagkakataon.

125
Nasa diwa at puso ng bawa't Pilipino ang kalayaan. Sa bansang ito, isang daang taon
na ang nakararaan, nasulyapan sa Asya ang unang liwanag ng kalayaan.

Samahan ninyo si Erap, upang bigyan natin ng kakaibang ningning ang kalayaan sa
buhay ng masang Pilipino.

Nitong huling labindalawang taon, malimit tayong nanawagan sa kapangyarihan ng


sambayanan, sa people power, alang-alang sa demokrasya, at sa kaunlaran, at sa iba't
ibang bagay.

Ngayon, ang kapangyarihan ay nasa kamay na ng bayan. Wala nang dahilan upang
ipagkait pa sa nakararami at sa maliliit --- ang magandang kinabukasan.

Sa wakas, bayan ko, atin na ang tagumpay. Isa sa inyo ang ngayon ay Pangulo na.

Ito na ang hinihintay na bagong umaga. Narito na ang ating panahon.

Walang tutulong sa Pilipino, kundi kapwa Pilipino.

Maraming salamat po.

Pasinayang Talumpati sa Bansa


ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada
(Panimulang Pagsusuri ni Mayluck A. Malaga)

“Huwag ninyo akong susubukan!”

“Walang kaibigan, walang kumpare, walang kamag-anak,”

Ilan lamang ang mga pahayag na iyan ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada sa
kanyang Pasinayang Talumpati na tumatak sa isipan ng madlang Pilipino. Talumpating
gumamit ng pangangatwirang umaapela sa emosyon at isipan ng nakikinig kung kaya
makailang beses ding pinalakpakan, pinag-usapan at hinangaan ng mga tao.

Nagsimula ang kanyang talumpati sa kanyang pagsasalaysay sa nakaraang


pangyayari sa kanyang buhay na nagpapakita ng kanyang paninindigan at kababaang
loob. At mga karanasan na sasalamin sa kung ano at paano siya bilang isang indibidwal
at bilang pinuno ay naghahangad ng kapayapaan para sa nasasakupan. Ilan dito ang
pagtindig niya kasama ang dating Pangulong Cory Aquino at Kardinal Sin para sa

126
demokrasya, ang pagtanggap niya sa hamon bilang Senador at Pangalawang Pangulo
para ipaglaban ang pagkakapantay-pantay, karapatang-pantao, pagsugpo sa kahirapan
at iba pa.

Tinalakay rin ang kanyang mga plataporma at gagawin bilang Pangulo ng Pilipinas,
ang pagpokus sa edukasyon, pabahay at trabaho para sa mahihirap at pangakong
laging uunahin ang kapakanan ng masang Pilipino.

Makikita sa kanyang talumpati ang layunin nitong mapaniwala at mabigyan ng


bagong pag-asa ang mga nakikinig sa pamamagitan ng bagong pamunuan – sa
kanyang pamumuno. Maging ang tono, pagpili ng mga salita at paggamit ng wikang
Filipino ay naging lakas ng talumpati upang maabot ang nasabing layunin.

Hindi maikakaila na ang mga linya sa itaas ang naging kasukdulan ng talumpati ni
Pangulong Estrada, kung susuriin ang pahayag na ito na kanyang binanggit sa kanyang
talumpati ang tumatak at naging simbolo ng kanyang magiging pamunuan. Sa
pamamagitan ng “pagbibigay babala” para magsilbing motibasyon sa madla. Lumikha
ito ng patunay na ang mananalumapati ay may katatagan at kalakasan na magawa ang
lahat ng kanyang mga sinabi at ipinangako. Naging mabisa rin upang makuha ang
loob at magkaroon ng pag-asa ang mga tao na sawa na sa bulok na sistema ng
pamahalaan.

Bilang kongklusyon, masasabing malaki ang naging papel ng tamang pagpili ng mga
salita at wika upang mapagtagumpayang bulabugin ang isipan at haplusin ang
damdamin ng mga tagapakinig.

Mga Gabay na Tanong sa Talumpati ni Pangulong Pangulong Joseph Ejercito


Estrada:

1. Ano-ano ang mga suliraning binanggit ng Pangulo sa kaniyang talumpati?


2. Paano inilatag ni Pangulong Estrada ang kanyang mga plataporma sa kanyang
talumpati?
3. Ano ang reaksyon mo hinggil sa mga platapormang ipinahayag sa talumpati?
4. Ano ang mahalagang bagay na natutuhan mo sa talumpati? Bakit?
5. Nakatulong ba ng malaki ang mga pananalitang ginamit sa talumpati upang
mahikayat ang mga nakikinig o mambabasa?

PASINAYANG TALUMPATI SA BANSA NI PANGULONG BENIGNO SIMEON C.


AQUINO III 

127
Quirino Grandstand, Rizal Park, Manila
Hunyo 30, 2010

Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas. Hindi ko
inakala na darating tayo sa puntong ito, na ako'y manunumpa sa harap ninyo bilang
inyong Pangulo. Hindi ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at
tagapagmana ng mga suliranin ng ating bayan.

Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga magulang at sa
bayan bilang isang marangal na anak, mabait na kuya, at mabuting mamamayan.

Nilabanan ng aking ama ang diktadurya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para
tubusin ang ating demokrasya. Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang
pangalagaan ang demokrasyang ito. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na
ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawat isa. Namuhunan na po kami ng
dugo at handa kong gawin ito kung muling kinakailangan. 

Tanyag man ang aking mga magulang at ang kanilang mga nagawa, alam ko rin ang
problema ng ordinaryong mamamayan. Alam nating lahat ang pakiramdam na
magkaroon ng pamahalaang bulag at bingi. Alam natin ang pakiramdam na
mapagkaitan ng hustisya, na mabalewala ng mga taong pinagkatiwalaan at inatasan
nating maging ating tagapagtanggol.

Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako


rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-
hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa
pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong
pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.

Katulad ninyo ako. Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa - nilisan na
nila ang ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan. Tiniis nila
ang hirap, sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti
na dito sa atin ay hindi nila nakikita. Sa iilang sandali na sarili ko lang ang aking
inaalala, pati ako ay napag-isip din - talaga bang hindi na mababago ang pamamahala
natin dito? Hindi kaya nasa ibang bansa ang katahimikang hinahanap ko? Saan ba
nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino?
……………………………………
 
Ngayon, sa araw na ito - dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng
taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit
ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman po ang umpisa ng

128
kalbaryo ko, ngunit kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito,
gaano man kabigat.

Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami
nating problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat
taon pabawas ng pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may
kasiguruhan sila na magiging tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.

Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay
pagbabago - isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa
pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng
mamamayan ang pinangangalagaan.

Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para
sa pagbabago - isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap
ninyo noong araw ng halalan.

Sigaw natin noong kampanya: "Kung walang corrupt, walang mahirap." Hindi lamang ito
pang slogan o pang poster - ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan
ng ating administrasyon.

Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa
kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa
pamahalaan.

Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno.
Magsisimula ito sa akin. Sisikapin kong maging isang mabuting ehemplo. Hinding hindi
ko sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin.Sisiguraduhin ko na ganito rin
ang adhikain ng aking Gabinete at ng mga magiging kasama sa ating
pamahalaan. ………………………………………...
 
Naniniwala akong hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt. Sa katunayan, mas
marami sa kanila ay tapat. Pinili nilang maglingkod sa gobyerno upang gumawa ng
kabutihan. Ngayon, magkakaroon na sila ng pagkakataong magpakitang-gilas.
Inaasahan natin sila sa pagsupil ng korapsyon sa loob mismo ng burukrasya.

Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: sisimulan natin ang
pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga "midnight appointments."
Sana ay magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na
kalakarang nakasanayan na ng marami.

129
Sa mga kapuspalad nating mga kababayan, ngayon, ang pamahalaan ang inyong
kampeon. ……………………………………………………………………………………….
 
Hindi natin ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante, kaya't
sisikapin nating punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan.

Unti-unti din nating babawasan ang mga kakulangan sa imprastraktura para sa


transportasyon, turismo at pangangalakal. Mula ngayon, hindi na puwede ang "puwede
na" pagdating sa mga kalye, tulay at gusali dahil magiging responsibilidad ng mga
kontratista ang panatilihing nasa mabuting kalagayan ang mga proyekto nila.

Bubuhayin natin ang programang "emergency employment" ng dating pangulong


Corazon Aquino sa pagtatayo ng mga bagong imprastraktura na ito. Ito ay magbibigay
ng trabaho sa mga local na komunidad at makakatulong sa pagpapalago ng kanila at
ng ating ekonomiya.

Hindi kami magiging sanhi ng inyong pasakit at perwisyo. Palalakasin natin ang
koleksyon at pupuksain natin ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at
Bureau of Customs para mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat,
tulad ng:

· dekalidad na edukasyon, kabilang ang edukasyong bokasyonal para makapaghanap


ng marangal na trabaho ang hindi makapag-kolehiyo; 
· serbisyong pangkalusugan, tulad ng Philhealth para sa lahat sa loob ng tatlongtaon;  ·
tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad.

Palalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan, hindi


para tugunan ang interes ng mga naghahari-harian, ngunit para proteksyunan ang
mamamayan. Itinataya nila ang kanilang buhay para mayroong pagkakataon sa
katahimikan at kapayapaan sa sambayanan. Dumoble na ang populasyong kanilang
binabantayan, nanatili naman sila sa bilang. Hindi tama na ang nagmamalasakit ay
kinakawawa.

Kung dati ay may fertilizer scam, ngayon ay may kalinga ng tunay para sa mga
magsasaka. Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services, at sa pagbenta ng
kanilang produkto sa pinakamataas na presyong maaari. 

Inaatasan natin na ang papasok na Secretary Alcala ay magtayo ng mga trading


centers kung saan diretso na ang magsasaka sa mamimili - lalaktawan natin ang gitna,
kasama na ang kotong cop. Sa ganitong paraan, ang dating napupunta sa gitna ay
maari nang paghatian ng magsasaka at mamimili.

130
Gagawin nating kaaya-aya sa negosyante ang ating bansa. We will cut red tape
dramatically and implement stable economic policies. We will level the playing field for
investors and make government an enabler, not a hindrance, to business. Sa ganitong
paraan lamang natin mapupunan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga
mamamayan.

Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailanganin
ang mangibang-bansa para makahanap lamang ng trabaho. Ngunit habang ito ay hindi
pa natin naaabot, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA at ng OWWA at iba
pang mga kinauukulang ahensiya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga
hinaing at pangangailangan ng ating mga overseas Filipino workers.

Papaigtingin namin ang proceso ng konsultasyon at pag-uulat sa taumbayan. Sisikapin


naming isakatuparan ang nakasaad sa ating Konstitusiyon na kinikilala ang karapatan
ng mamamayaan na magkaroon ng kaalaman ukol sa mga pampublikong alintana.
…………………………………………………………………
 
Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya. Ipagpatuloy natin ito tungo
sa tuwid at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa
kapwa at hindi sa sarili. …………………………………………
 
Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin at pinapatawad ko na kayo. Sa
mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga
kasalanan.

To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to
simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to
say: there can be no reconciliation without justice. Sa paglimot ng pagkakasala,
sinisigurado mong maulit muli ang mga pagkakasalang ito. Secretary de Lima, you have
your marching orders. Begin the process of providing true and complete justice for all.

Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario
Davide Jr. sa hamon ng pagtatatag at pamumuno sa isang Truth Commission na
magbibigay linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang
kasagutan at resolusyon.

Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy


ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi.

My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao. We are
committed to a peaceful and just settlement of conflicts, inclusive of the interests of all -

131
may they be Lumads, Bangsamoro or Christian. 
 
We shall defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform, and equitable
governance leading to a better life. Sa tamang pamamahala gaganda ang buhay ng
lahat, at sa buhay na maganda, sino pa ang gugustuhing bumalik sa panahon ng pang-
aapi?

Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay
ang pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga
pananagutan. ………………………………………………………………………
 
Kamakailan lamang, ang bawat isa sa atin ay nanindigan sa presinto. Bumoto tayo
ayon sa ating karapatan at konsensiya. Hindi tayo umatras sa tungkulin nating
ipaglaban ang karapatan na ito. ………………………………………………………
 
Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan.  
 
Ito ang kahalagahan ng ating demokrasya.Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa.
Nangampanya tayo para sa pagbabago. Dahil dito taas-noo muli ang Pilipino. Tayong
lahat ay kabilang sa isang bansa kung saan maaari nang mangarap muli.
………………………………………………………………………………………….
 
To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a
reliable member of the community of nations, a nation serious about its commitments
and which harmonizes its national interests with its international responsibilities.

We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone
will say, "it all works." …………………………………………………………………
 
Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan,
WALANG MAIIWAN. ……………………………………………………………...
 
Walang pangingibang-bayan at gastusan na walang wastong dahilan. Walang
pagtalikod sa mga salitang binitawan noong kampanya, ngayon at hanggang sa mga
susunod pang pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon. 
 
Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw.Walang wang-wang, walang
counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawanggawa.

Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa.

132
The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a
reality. Sa inyong mga nag-iisip pa kung tutulong kayo sa pagpasan ng ating krus, isa
lang ang aking tanong - kung kailan tayo nanalo, saka pa ba kayo susuko?

Kayo ang boss ko, kaya't hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will
design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively
respond to the people's needs and aspirations.

Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito - ang ating mga volunteers - matanda, bata,
celebrity, ordinaryong tao, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang
aking mga kasambahay, na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na
pangangailangan; ang aking pamilya, kaibigan at katrabaho, na dumamay, nag-alaga at
nagbigay ng suporta sa akin; ang ating mga abogado, na nagpuyat para bantayan ang
ating mga boto at siguraduhing mabilang ang bawat isa; ang aking mga kapartido at
kaalyado na kasama kong nangahas mangarap; at ang milyun-milyong Pilipinong
nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa - nasa inyo ang aking taos-pusong
pasasalamat.

Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang, at kayong mga nagdala sa
akin sa yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga
binitawang salita sa araw na ito.

My parents sought nothing less and died for nothing less than democracy, peace and
prosperity. I am blessed by this legacy. I shall carry the torch forward.

Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang


narating natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang
ipapamana natin sa susunod na henerasyon. Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng
laban na ito. Tayo na sa tuwid na landas.
 
Maraming salamat po at mabuhay ang sambayanang Pilipino! 

Pasinayang Talumpati sa Bansa


ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III
(Panimulang Pagsusuri ni Mayluck A. Malaga)

Ang pasinayang talumpati ay isang uri ng talumpati na ginagawa ng pinuno ng


isang samahan o ng isang bansa kapag naluklok sa mataas na posisyon tulad ng

133
Pangulo ng Pilipinas. Dalawang taon na ang nakalilipas nang gawin ito ni Pangulong
Benigno Simeon C. Aquino III matapos na mahalal bilang pangulo ng bansa.

Nilaman ng kanyang talumpati ang mga pagbabagong nais niyang gawin sa


pamahalaan. Nagsimula siya sa pagbibigay parangal sa kanyang magulang na sina
dating Senador Benigno Aquino Jr. at Dating Pangulong Corazon C. Aquino na
nagbuwis ng buhay para sa demokrasya ng bansa kasunod ang pangakong magiging
tapat sa paglilingkod sa bayan.

Pinaksa rin ng kanyang talumpati ang kanyang mga plataporma tulad ng pagbuo
ng tinatawag na “Truth Commission” sa pangunguna ni dating Punong Hukom Hilario
Davide Jr. na magbibigay linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon
ay wala pa ring kasagutan. Ang pag-uutos kay Kalihim Leila de Lima, Kagawaran ng
Hustisya para umpisahan ang proseso ng makatotohanan at nararapat na hustisya para
sa lahat. Ang pagpapalakas ng turismo, pagsasaayos ng imprastraktura, edukasyon,
sandatahang lakas at pabahay sa mga Pilipino ay tinalakay rin sa kanyang talumpati.

Ang talumpati ni Pangulong Aquino ay may layuning himuking mapanumbalik


ang pagtitiwala ng mga tao sa pamahalaan na halos nagsawa na rin sa paulit-ulit na
pangangako. Ang mga sitwasyong ibinigay na halimbawa sa talumpati ay tulad ng
pahayag na:

“Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok


sa puwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang
masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada?
Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na
magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan
at tiisin? Ako rin.”
Nagpapakita ang pahayag ng pakikiisa ng mananalumpati sa hinaing na
nararanasan ng mga ordinaryong Pilipino. Ginamit niya bilang isang motibasyon ang
mga nasabing karanasan upang maging palatandaan na siya ay magiging iba sa mga
nagdaang Pangulo ng bansa. Naging instrumento ang pagpapatawa bilang paraan ng
paghahatid ng mensahe sa madla, nagpapatawa subalit may himig na panunudyo,
pananakot upang gisingin ang kaisipan ng mga nakikinig. Kakikitaan din ng paggamit
ng simbolismo ang mga pahayag na ginamit sa talumpati gaya ng “Walang wangwang”
na lagi nating maririnig sa kalye kapag may dumadaan ang sasakyan ng taong may
mataas na katungkulan. Maaaring iugnay ito sa pagkakapantay-pantay ng lahat sa
paningin ng batas; walang mayaman, walang mahirap, walang special treatment.

Pagdating naman sa pagpili ng mga salita, matatamis na pananalita at magaan


ang mga salita na tila ikaw ay nakikipag-usap sa isang kaibigan. Sa wikang ginamit
134
naman, mapapansin na katulad ni dating Pangulong Estrada ang mananalumpati ay
gumamit ng wikang Filipino upang higit na maintindihan ng mas nakararami ang
kanyang talumpati, ito rin ay nagpapahiwatig na ang mga platapormang inihain ng
Pangulo ay para sa masang Pilipino.

Sa katapusan, hindi nga malayong mangyari na marami ang humanga sa


nasabing talumpati. Paghanga na makikita sa dami ng palakpak na naibigay rito at
paggising sa kaisipan dahil umani ng iba’t ibang tugon. Ano nga ba ang hatid ng
bagong pamunuan - pagkakaroon ng pag-asa at kaginhawaan o isa na namang
pangako na lilipad sa kawalan?

Mga Gabay na Tanong sa Talumpati ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III:

1. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang wikang ginamit ng may-akda upang


ipahayag nang malinaw ang mensahe ng talumpati?
2. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng talumpati sa naunang talumpating
binasa?
3. Paano ipinakita ng may-akda ang kanyang ideya ukol sa pagbabagong hatid ng
bagong pamunuan?
4. Paano nagpahayag ang mananalumpati? Naglahad ba siya? Nagsalaysay?
Naglarawan? Nanghikat? Nangatuwiran? Ipaliwanag.
5. Ano ang epekto sa iyo ng talumpating iyong binasa? Bakit?

ARALIN 3:

ANG TULA

Hindi mapapasubalian na marami nang tao o kilalang manunulat ang tumalaky at


nagbigay ng kahulugan tungkol sa tula. Kung kaya patuloy pa rin ang tao sa pagbibigay
ng sariling pagpapakahulugan sa tula na batay sa abot ng kanilang kaalaman ukol dito.
Madalas na kahulugan ng nakararami sa tula ay isang anyo ng panitikan na
nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong, ang mga
saknong ay binubuo ng mga taludtod.  

Ayon kay Eugene Evasco at Will Ortiz (2008), ang tula ay sinasabi ring uri ng
sining na may wikang nagsasaad ng higit pa kaysa sa ordinaryong pamamahayag.
Karaniwang paraan ng pagsasabi nito ay sa higit na kaunting salita at higit na kaunting
espasyo. Pinayayabong ang anyo ng tula sa pamamagitan ng paggamit ng talinghaga.

135
Nagpapahayag ang tula ng isang ideya o damdamin sa isang wikang matalinghaga.
Kapag sinabing matalinghaga, may higit itong kahulugan kaysa sa literal nitong
sinasabi. Halimbawa, sa pahayag na “kumukulo ang dugo,” hindi ito literal na
nangangahulugang nakikita ng nagsabi ang pagkulo ng dugo. Ibig nitong sabihin na
nagagalit ang isang tao, o di kaya’y nawawala ang pasensiya, maaaring kaugnay nga
ito sa literal na pagtaas ng presyon ngunit sa matalinghagang pakahulugan.

Nagbigay din ng kahulugan si Rufino Alejandro at ito ang kaniyang


pagpapakahulugan. “Ang tula ay nangangahulugang likha at ang makata ay tinatawag
na manlilikha.” Sinabi naman ni Amado V. Hernandez na ang tula ay hindi pulos na
pangarap at salamisim, hindi pawang halimuyak, silahis, aliw-iw at taginting. Ang tula ay
walang di nagagawang paksain.

Mga Bahagi ng Tula

Narito ang mga bahagi ng tula ayon kina Evasco at Ortiz (2008):

1. Talinghaga – “kung walang talinghaga, walang tula.” Karaniwang binabanggit ang


ganitong pahayag ng mga guro ng panitikan. Sinabi ni Virgilio Almario na ang
talinghaga ay ang buod ng pagtula. Ito ang utak ng paglikha at disiplinang
pumapatnubay sa haraya at sa pagpili ng salita habang isinasagawa ang tula.
Ipinakakahulugan nito na may mga karanasan (panlabas) ang isang tao o manlilikha
ng tula na kailangan nitong iproseso sa kaniyang sarili (panloob) upang magamit sa
kaniyang paghaharaya o paggamit ng imahinasyon. Kailangang pandayin ang
anumang panlabas na karanasan tungo sa loob (utak at damdamin) upang
maihayag ang talinghaga. Dito makikita na sa pagtula at paggamit ng talinghaga,
hindi lamang damdamin ang ginagamit kundi isip at kamalayan upang mapahusay
ang pagtula.

2. Persona – ang tawag sa nagsasalita sa loob ng tula. Maaaring ang makata rin ang
persona subalit maaaring maging magkaiba ang dalawa. Sa loob ng tula, maaaring
lumikha ng iba’t ibang persona ang makata. Maaaring ang makata ay lalaki subalit
ang kaniyang persona ay isang babae. Maaaring may gulang o edad na ang makata
subalit ang persona na nagsasalita sa kaniyang tula ay isang bata. Maaaring walang
asawa ang makata subalit ang persona sa loob ng kaniyang tula ay isang taong may
asawa’t anak. Maaari rin namang maging sahig ang persona ng tula o iba pang mga
bagay na walang buhay na bibigyang-buhay ng makata sa pamamagitan ng
kaniyang imahinasyon.

3. Tugma – pagkakapare-pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit pang taludtod sa


isang saknong ng tula. Pag-uulit ang namamayaning prinsipyo sa pagtutugma.
136
Nauulit ang dulong tunog ng panghuling salita ng sinundang taludtod. Tandaan:
tunog o ponema ang inuulit, hindo titik. Sa mas payak na pagsasabi, mga salita (sa
dulo ng dalawa o higit pang taludtod) ang pinagtutugma. Magkatugma ang anumang
dalawa o higit pang salita kung ang mga ito ay nagtatapos sa iisa o
magkapamilyang tunog o ponema.

4. Sukat – pagkakapare-pareho ng bilang ng pantig ng dalawa o higit pang taludtod sa


isang saknong ng tula. Tulad sa pagtutugma, pag-uulit ang namamayaning prinsipyo
sa pagsusukat. Bilang ng pantig na inuulit.

5. Imahen – hindi lamang ang detalye ng larawan sa loob ng isang tula kundi ito ay
anumang pandamang pisikal. Inilalarawan nito ang mga pandamdam tulad ng
pandinig, pandama, pang-amoy, biswal, panlasa na bumubuo ng isang imahen. Sa
pagtula, mahalaga ang pagpapakita at hindi paglalahad lamang. Ito ang panuntunan
ng makata na show, don’t tell. Kapag nais ipadama ng makata ang kalungkutan ng
tauhan o persona ng tula, hindi niya sasabihing “malungkot ang persona.” Bagkus,
iisip siya ng paraan kung paanong ipadarama sa pamamagitan ng imahen ang
karanasan ng kalungkutan ng tauhan o ng persona. Kailangang kongkretong
madama ng mambabasa ang isinusulat ng makata. Tingnan ang ilang halimbawa ng
pagpapakita at hindi paglalahad lamang.

6. Tono – Hindi lamang awitin ang may tono o himig. Maging ang ating paraan ng
pagsasalita ay mayroon ding tono. Maaaring ang tono ng pagsasalita ng isang tao
ay galit, nanunuya, sarkastiko, tapat, nagmumuni, o dili kaya nama’y masaya. Ang
tono ng tula ang siyang nagpapakita ng emosyon o damdamin ng persona sa tula.
Makatutulong ang pagbabasa nang malakas upang marinig ang tono ng persona.

Mga Uri ng Tula

1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (Lyric Poetry) – ito ay nagpapahayag ng


damdamin ng makata batay sa kanyang karanasan o likha ng malikhaing guniguni.
Nauuri ito sa soneto, elehiya, oda, pastoral at dalit.

2. Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry) – naglalarawan ng mahahalagang tagpo o


pangyayari sa buhay tulad ng kabayanihan o kagitingan, panganib sa pakikidigma,
kabiguan o suliranin partikular sa pag-ibig at suliraning pantahanan. Ang mga uri
nito ay epiko, awit , balad at korido.

3. Tulang Pandulaan (Theater Poetry) – itinatanghal ito sa entablado. Saklaw ng uring


ito ang komedya, trahedya, monologo, sarswela, melodramang tula at iba pa.

137
4. Tulang Patnigan (Joustic Poetry) – Ang tulang patnigan ay isang uri ng
pagtatalong patula na ginagamitan ng pangagatwiran at matalas na pag-iisip.
Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.

Mga Halimbawa at Panimulang Pagsusuri ng Tula

NAPAGAWI AKO SA MABABANG PAARALAN


Lamberto E. Antonio

Napagawi ako sa mababang paaralan


Na dating karnabal ng kambing, baboy at kalabaw,
At dating kubeta ng ilang kababaryo
Pag bakasyon grande o Sabado’t Linggo.
Di na ito ang ilang tiwangwang na kuwartong may tapal 5
Na sawali’t atip na kugong butas-butas, na ang klaseng
Nagdidiskas ng Pepe en Pilar at gudmaners
Ay tanaw na tanaw ng mga sabungerong naglalakad.
Ngayon, may arko nang bakal at alambre ang geyt;
May bakod na pader, magarang plagpol, entablado’t 10
Basketbolkort na kinauukitan ng nagdudumilat na
“Donated by Gov. Mokong delos Oros” at ng
“Alay nina Don at Doňa Pilipito Palpatok.”
Sa sementadong saydwok, sa pasimano’t haligi ng munting pasilyo
At ibabang panig ng kongkretong dingding, kundi nakapila 15
Ay nagsisiksikan ang mga pangalang karamiha’y
Patrong taga-ibang bayan: ilan dito’y mga nakaklaseng
Kabisote, mapangopya, tugain, nakalasprend o naiihi
Sa salawal sa pagkuha ng test —
Kundi may DR. o ENGR., may ATTY. 20
Bawat pinto, may karatula ng ngalan ng guro —
Narito pa rin si Mrs. Monay na mahilig manghinuli,
Si Mr. Pangan na laging ngumangata ng babolgam.
Sa likod ng gusali, ang marikotitos na lettering
Ng pagdiskarte sa babae’y nabasa ko sa haligi ng wari’y 25
Narseri; sa mga puno ng payapang bunga’y tambulukan;
Sa tambak ng retasong mga tablang may bakas ng anay.
Komo nabakante ako sa pandadayuhan bilang karpintero,
Naawitan akong gumawi sa mababang paaralang
Nagpautang sa akin noon ng musmos na karanasan; 30
Kasama ang aking martilyo, lagari’t radela’y nagpaunlak ako:

138
Wika nga’y ito lang ang kaya kong paraan ng paglingon
Sa pinanggalingan (na di ko napuspos nang mahinto ako’t
Maulila sa mga magulang). Gumawi ako
Rito para atipan at palitadahan ang mga komportrum, 35
Dahil nakabingit na naman ang pasukan — at para maiyukit ko,
Kahit papa’no, ang aking pangalan.

Napagawi Ako sa Mababang Paaralan


ni Lamberto E. Antonio
(Panimulang Pagsusuri ni Romeo P. Peña)

Resureksiyon ng gunita ang ibinubukal ng tulang Napagawi Ako sa Mababang


Paaralan ng tanyag na makatang si Lamberto E. Antonio. Resureksiyon sapagkat
nanumbalik sa personang karpintero-kantero ang mga gunita nang muli siyang bumalik
sa kaniyang pinanggalingang mababang paaralan. Masasabing kantero/mason rin ang
gawain ng persona pagkat may gawain ang persona na isa sa tiyak na gawain ng
mason sa larang ng masoneriya—ito ang pagpapalitada. Taluntunin ang buong tula:

Mahahalatang tunay ang laman ng puso’t isip ng persona nang isaad niya ang
mga naalala niya sa kaligiran ng kaniyang dating paaralan, na ito raw noong una ay
dating tubugan/koral/ulahan ng mga alagang hayop at nagsilbi ring pusali ng kaniyang
ilang kababaryo.

Ang lugar mula sa kalagayang pusali na tinukoy ng persona ay ginawang


paaralan. Napansin ng persona ang pagbabago sa dating tagpi-tagpi at sirang mga silid
base sa ilang taludtod ng tula. Ganito pa ang ilang nangyari—ang pagbabagong pisikal
sa ilang bagay sa paaralan: una, pagkakaroon/pagbabago sa tarangkahan, bakod, flag
pole, entablado at basketball court. Mahihinuha ang mga ito sa taludtod 9, 10, 11,
“Ngayon, may arko nang bakal at alambre ang geyt; / May bakod na pader, magarang
plagpol, entablado’t/ Basketbolkort…..” At ikalawa, ang pagkakaayos/pagkakaroon ng
side walk, pasilyo at dingding. Masisipat ito sa taludtod 14 at 15 “Sa sementadong
saydwok, sa pasimano’t haligi ng munting pasilyo / At ibabang panig ng kongkretong
dingding,….” At ang huli ay ang pagkakaroon ng pangalan ng guro sa bawat silid-
aralan. Mababasa ito sa taludtod 21 “Bawat pinto, may karatula ng ngalan ng guro —“
Hindi naman malinaw ang senyales sa tula kung nasiyahan o hindi ang persona sa mga
naganap na pagbabago. Sapat kaya o hindi ang pagbabago para kaniya lalo na’t
napakahabang panahon ang lumipas na hindi siya nakabisita/napagawi sa paaaralan?

Sa mga namasdan at nabasa ng persona, nagbigay naman ito ng malinaw na


dastô kung bakit naganap ang mga pagbabago/pagkakaayos ng ilang bagay sa
paaralan. Una, bakit nagbago/nagkaroon ng tarangkahan, bakod, flag pole, entablado
139
at basketball court? Mababatid ang sagot sa taludtod 12 at 13 “Donated by Gov.
Mokong delos Oros” at ng / “Alay nina Don at Doňa Pilipito Palpatok.” At pangalawa
bakit nagbago/nagkaroon ng side walk, pasilyo at dingding? Mahihinuha naman ang
sagot sa taludtod 17 at 20 “Patrong taga-ibang bayan: ilan dito’y mga nakaklaseng….” /
Kundi may DR. o ENGR., may ATTY.” Marahil ang pagkakaroon ng pangalan ng mga
guro sa mga pinto ay nagmula sa gayunding pagkakataon. Sa puntong ito, ang lugar
kung saan hinuhulma ang musmos na isipan ay nagkaroon ng pagbabago dahil sa ilang
politiko at padrino na tinukoy ng persona. At ang kabilang sa mga padrino ay ang ilang
naging kamag-aral niya na ayon sa kaniyang paglalarawan na nasa taludtod 18 at 19
“Kabisote, mapangopya, tugain, nakalasprend o naiihi / Sa salawal sa pagkuha ng test
—” Ngunit sa kabila ng pagiging kabisote at ilan pang hindi kalugod-lugod na katangian
ng ilang naging kamag-aral ng persona na binanggit sa taludtod 18 at 19, mababasa
naman sa taludtod 20 ang kanilang karerang natapos. Isang bagay na kung lilimiin nang
husto, maaaring mula sa hindi kalugod-lugod na katangian dati, sila’y nagbago. Maaari
rin naman na ang ilan ay may maunlad na pamumuhay at may sapat na salaping
panustos sa pag-aaral.

Ngunit iba ang sinapit ng persona na hindi gaya ng sinapit na kapalaran


kaniyang mga kamag-aral. Masaklap ang dinanas niya na mababatid sa taludtod 33
hanggang 34 “….(na di ko napuspos nang mahinto ako’t / Maulila sa mga magulang)
….” Ang pangyayaring ito ang naging mitsa kung bakit hindi niya naipagpatuloy ang
pag-aaral. Naisip niya siguro, kung hindi lamang naganap ang mga bagay na iyon disin
sana’y nagawa niya ring tapusin ang gusto niyang karera. Masakit ito para sa persona
at ito na siguro ang bagay na ayaw niyang magunitang muli.

Ang tula ay malungkot na resureksiyon—muling paggunita ng persona sa dating


paaaralang itinuturing niyang nagpautang sa kaniya ng musmos na karanasan na
mababasa sa talutod 30. Napagawi lamang siya rito pagkat napaki-usapan na
kumpunihin ang mga palikuran. Pinaunlakan niya ito para kahit papaano ay magantihan
niya ng kawanggawa ang nagpautang sa kaniya ng karanasan at higit sa lahat, kahit
papaano ay maiyukit niya ang kaniyang pangalan sa palikuran man lamang ng
paaaralan na nakasaad sa dalawang huling taludtod.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Napagawi Ako sa Mababang Paaralan:

1. Ano ang paksa ng tula?


2. Ang pagkakasulat ba nito ay ginamitan lamang ng mga salitang may literal na
kahulugan? Ipaliwanag.
3. Anong imahen ang ipinakita ng tula? Bakit?
4. Sa iyong palagay, sinunod ba ng manunulat ang proseso ng pagsusulat kaya
siya nakabuo ng ganitong uri ng tula? Ipaliwanag.
140
5. Sa iyong pananaw, ano ang kahalagahan ng pagsulat ng tula sa kasalukuyang
panahon?

IN MEMORIAM
Jose F. Lacaba

I
Dumadapa ang talahib
sa hampas ng hangin at ulan,
nanginginig ang dahon ng kamyas.
Masuwerte ako’t may bubong sa aking ulunan
at masasarhan ko ang bintana 5
kung ako’y maanggihan.
Masuwerte, di tulad ng puno ng bayabas
na susuray-suray, parang babagsak;
di tulad ng mga hinahaplit ng lamig
sa bangketa, sa ilalim ng tulay, 10
sa loob ng mga dingding na yero’t karton,
o sawali’t kugon,
sa tubuhan at talahiban, sa gubat, bundok at parang.

Masuwerte ako’t nararamdaman ko pa ang lamig.


Marami na ang nilagom ng lamig, 15
at ang akingdibdib
ay parang niyog na pinupukpok ng mapurol na itak
ngayon, habang ginugunita
silang wala na sa ating piling:
Emmanuel, kapatid; 20
Leo, bayaw;
Dodong, inaanak;
Eugene, Tony, Lorena, Lerry,
Charlie, Caloy, Henry, Jun,
pati si Edjop na aking tinuya, 25
oo, pati na rin si Ninoy na pinagdamutan ko ng tiwala,
silang hindi lamang mga pangalan sa lapida
kundikakilala, kaibigan, kasama
sa litanya ng aking lumbay.

Hindi ko iniluluha ang kanilang pagkamatay 30


Ang kamatayan para sa layuning wagas
141
ay bulaklak ng tagumpay,
tanglaw sa mabatong landas.

II
Nagiging sentimental ba ako?
Pasensiya, ginoo, ganito siguro ang minumulto. 35
Ganito ang nangyayari kapag
bumabagyo sa labas at walang magawa sa loob ng bahay,
at sa kalooban ay dalawang bato ang nag-uumpugan:
tungkulin at hangarin,
hangarin at tungkulin. 40
O sabihin nating
tungkulin sa iba at tungkulin
sa sarili. O
sabihin nating hangaring
maging langgam, nangangalap ng makain 45
para sa kapwa langgam,
at hangaring maging tipaklong, salaginto,
kumakanta, nagniningning.

Marami na akong narating


sa mga oras na gising, 50
kung minsan ay nakikihalo
sa mga mano-mano at labulabo, kahit nangangalog
ang tuhod, at kung minsan,
namumulot ng lumot sa mga nalimutang ilog.
Kung saan-saan na ako nahiga’t natulog: 55
damuhan, batuhan, matigas na lupa,
makitid na bangko, malapad na mesa,
sahig na tabla, may banig, walang banig,
sahig na semento, natatakpan lamang ng diyaryo,
silat-silat na sahig na kawayan, 60
tinatagos ng alimuom,
kinakalawang na tarima
sa seldang wala pang isang dipa ang bintana.
Ngayon ay nakalatag ako sa kutson,
Nababalot ng kumot, nangangarap nang gising. 65

Hinahalinhan ng hininga
ang haginit ng hangin
habang ginugunita
142
silang wala na sa ating piling:
Emmanuel, kapatid; 70
Leo, bayaw;
Dodong, inaanak;
Eugene, Tony, Lorena, Lerry,
Charlie, Caloy, Henry, Jun,
pati si Edjop na aking tinuya, 75
oo, pati na rin si Ninoy na pinagdamutan ko ng tiwala.
Sila’y nangarap din nang gising
subalit ang mga pangarap nila’y matalim na bituin.
Ang mga berdugo’t panginoon
ay natakot sa kanilang mga pangarap. 80
Natakot na baka ang kanilang mga pangarap
ay magkatotoo.
At dahil dito sila’y wala na sa ating piling.

III
Alang-alang sa masaganang dugo
na bumulwak sa batok na pinasok ng punglo, 85
kaawaan, patawarin, Panginoon,
ang mga berdugo’t nagsasawalang-kibo.

Alang-alang sa sampal,
suntok, dagok, kulata, pangunguryente ng bayag,
kaawaan, patawarin, Panginoon, 90
ang mga berdugo’t nagkikibit-balikat.

Alang-alang sa masakit na hampas


ng batuta sa likod at tubo sa balakang,
kaawaan, patawarin, Panginoon,
ang mga berdugo’t nagtutulug-tulugan. 95

Alang-alang sa alambreng tinik


na iginapos nang mahigpit sa tuhod at hita,
kaawaan, patawarin, Panginoon,
ang mga berdugo’t nagwawalang-bahala.
Alang-alang sa pagkaladkad sa lansangan 100
ng bangkay na inihulog nang walang kabaong sa hukay,
kaawaan, patawarin, Panginoon,
ang mga berdugo’t walang pakialam.

143
Alang-alang sa nagitlang mukha
ng buntis na tinadtad ng bala ang tiyan, 105
kaawaan, patawarin, Panginoon,
ang mga berdugo’t nagmamaang-maangan.

Alang-alang sa damit na natigmak ng dugo


at pinaknit sa katawan ng ginahasang puri,
kaawaan, patawarin, Panginoon, 110
ang mga berdugo’t nagtataingan-kawali.

Alang-alang sa nilalangaw na katawan


at pugot na ulong itinulos sa libis ng nayon,
kaawaan, patawarin, Panginoon,
ang mga berdugo’t nag-uurong-sulong. 115

Alang-alang sa mga kamay na pinutol


para hindi na kailanman makapagpaawit ng gitara,
kaawaan, patawarin, Panginoon,
ang mga berdugo’t nagtatakip ng mata.

Alang-alang sa tagilirang binuksan 120


at pinagpasakan ng utak mula sa biniyak na bungo,
kaawaan, patawarin, Panginoon,
ang mga berdugo’t nakahalukipkip, nakayuko.

Kaawaan, patawarin, Panginoon,


ang mga berdugo’t lahat kaming 125
naglalambitin sa balag ng alanganin,
sapagkat ang bayang naghahangad ng katarungan,
pagdating ng panahon ng paniningil ng utang,
pagdating ng panahong uulan ng luha at dugo,
ay baka hindi na marunong 130
maawa’t magpatawad,
baka hindi na marunong maawa’t magpatawad.

In Memoriam ni Jose F. Lacaba


(Panimulang Pagsusuri ni Romeo P. Peña)

Kakaiba naman ang pagtahak ng tulang In Memoriam ng makatang si Pete


Lacaba na umabot ng 132 ang bilang ng taludtod na hinati sa tatlong (3) bahagi.
144
Una nang sinabi ng isang historyador ng panitikan na si Elmer A. Ordoňez na
tungkol sa state repression ang tulang ito ni Lacaba. i Hindi na bago ang ganitong tula ni
Lacaba na may kinalaman sa isyung panlipunan, ayon nga sa premyadong manunulat
na si Edgar B. Maranan,“Pete Lacaba's contributions to journalism, poetry, and
scriptwriting have become identified with both literary excellence as well as social
relevance (another pivotal phrase in the canon of protest literature).” ii

Paggunita ang tula sa mga taong sinasabing nasawi bunga ng pampolitikang


pamamaslang. Tila epitapyo ang tulang ito sa mga taong tinutukoy sa taludtod 27-29
na,“silang hindi lamang mga pangalan sa lapida/ kundikakilala, kaibigan, kasama/ sa
litanya ng aking lumbay.”Sa taludtod 20-26 at 70-76 inilagda ni Lacaba ang mga taong
iyon na sina,“Emmanuel, kapatid;/ Leo, bayaw;/ Dodong, inaanak;/ Eugene, Tony,
Lorena, Lerry,/ Charlie, Caloy, Henry, Jun,/ pati si Edjop na aking tinuya,/ oo, pati na rin
si Ninoy na pinagdamutan ko ng tiwala.”

Sa malayang taludturang tulang ito ni Lacaba, ang persona mismo ang


gumugunita sa kaniyang kakilala, kasama at kaibigan na sumakabilang buhay. Subalit
dama ng persona na may saysay ang pagkamatay ng kaniyang binanggit na mga
pangalan dahil sa pagsasabi niya ng ganito sa taludtod 30-34 “Hindi ko iniluluha ang
kanilang pagkamatay/ Ang kamatayan para sa layuning wagas/ ay bulaklak ng
tagumpay,/ tanglaw sa mabatong landas.” Itinuturing ng persona na tagumpay ang
pagkamatay ng mga tao na binanggit sa taludtod 20-26 at 70-76, na maaaring ang
naging utak sa pagkamatay ng mga taong ito ay ang ipinasilip sa atin sa taludtod 79-80,
ang tinatawag ng personang “berdugo’t panginoon” na ang maaaring maging katangian
ng berdugo ay ang pagiging malupit, at ang panginoon naman ay makapangyarihan—
maimpluwensiya.

Binigyang linaw naman sa ikatlong bahagi ang mga karaniwang kasapakat ng


berdugong nabanggit, sila ang mga nagsasawalang-kibo, nagkikibit-balikat, nagtutulug-
tulugan, nagwawalang-bahala, walang pakialam, nagmamaang-maangan,
nagtataingan-kawali, nag-uurong-sulong, nagtatakip ng mata, nakahalukipkip at
nakayuko.Ngunit takot ang berdugong ito sa mga pangarap ng mga pinangalanang
napaslang pagkat ganito ang sinasabi sa taludtod 79-82, “Ang mga berdugo’t
panginoon/ ay natakot sa kanilang mga pangarap./ Natakot na baka ang kanilang mga
pangarap/ ay magkatotoo.” Dahil sa mga pangarap, ito rin ang naging mitsa kung bakit
sila napaslang gaya ng nasabi ng persona sa taludtod 83 na, “At dahil dito sila’y wala
na sa ating piling.”

Nagtampok din ng anapora ang pangatlong bahagi ng tula dahil sa pag-uulit ng


salitang“alang-alang” sa simula ng magkakasunod na saknong. Anaporang tila
145
paggunita sa malupit, masakit at masaklap na maaaring sapitin sa buhay gaya siguro
ng sinapit ng mga pinangalanan ng makata na ito ay ang: masaganang dugo na
bumulwak sa batok na pinasok ng punglo, sampal, suntok, dagok, kulata,
pangunguryente ng bayag, masakit na hampas ng batuta sa likod at tubo sa balakang,
alambreng tinik na iginapos nang mahigpit sa tuhod at hita, pagkaladkad sa lansangan
ng bangkay na inihulog nang walang kabaong sa hukay, nagitlang mukha ng buntis na
tinadtad ng bala ang tiyan, damit na natigmak ng dugo at pinaknit sa katawan ng
ginahasang puri, nilalangaw na katawan at pugot na ulong itinulos sa libis ng nayon,
mga kamay na pinutol para hindi na kailanman makapagpaawit ng gitara, tagilirang
binuksan at pinagpasakan ng utak mula sa biniyak na bungo. Ang mga pangyayaring ito
ang hinihingan ng persona ng awa at tawad sa Panginoon—sa lumikha.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang In Memoriam:

1. Ano ang paksa ng tula?


2. Ang ang layunin ng may-akda? Naglalahad ba siya? Naglalarawan?
Nagsasalaysay? Nanghihikayat? Ipaliwanag.
3. Sino ang persona sa tula? Bakit?
4. Paano nilinang ng may-akda ang ideya niya sa kabuuan ng tula?
5. Paano ginamit ang wika? May mga hindi karaniwang paggamit ba ng mga salita?
May mga naitanghal bang kahulugan na lampas sa literal na antas? Ipaliwanag.

GUNITA
Mike L. Bigornia

Siyang namumutla sa gunita


Walang ugat, supling, aklat.

Siyang pumupusyaw sa gunita


Walang lawrel o palaspas.

Siyang lumalamlam sa gunita


Walang dila ni danas.

Siyang dumidilim sa gunita


Walang istorya, walang alamat.

Gunita ni Mike L. Bigornia


(Panimulang Pagsusuri ni Romeo P. Peña)
146
Sa tula ng premyadong makatang si Mike L. Bigornia na Gunita mismo ang
pamagat, naghahain ito ng mga nagiging kakulangan ng nilalang na dapat punan para
sa gunita.

Tila mahirap ngang galugarin ang laman ng mga tula ni Bigornia gaya nito. Hindi
na dapat itong pagtakhan, pagkat sabi nga ng isa ring premyadong makatang si
Roberto T. Añonuevo na kaibigan ng makata: “Mahirap na masarap ang pagtuklas sa
mga hiyas na tula ni Mike. Parang paggalugad yaon sa karimlan—kung karimlan ngang
maituturing ang lahat sa panitikang Filipino—na ang pinakapusod at esensiya ay
pagsisilang ng silahis na magpapamalay sa sarili at sa panulaang Filipinas.” Kung
mahirap man, susubukan namang lasapin ang sarap ng pagtuklas sa tulang nasa itaas
lalo na’t malinaw na kinakikitaan ito ng pagpapahalaga sa gunita.

Mayroong apat na saknong ang tula ng makata, ang bawat saknong ay may
dalawang taludtod at ang unang taludtod sa bawat saknong ay tigsasampu ang sukat.
Ang unang saknong ang naglatag ng unang maaaring kakulangan para sa gunita at
nagtampok at nagpakilala ng kawalan. Sa unang taludtod na ganito ang isinasaad:
Siyang namumutla sa gunita. Mapapansin na ang pamumutla na maaaring ang sanhi ay
ang kakulangan sa dugo ang unang kakulangan para sa gunita, na ang itatampok
naman na kawalan mula sa kakulangan ay nasa taludtod 2 na ganito: Walang ugat,
supling, aklat. Maituturing na ang kawalan ng una: ugat ay kawalan ng buhay, walang
pagdadaluyan ng anumang likidong hatid ay buhay. Ang kawalan ng pangalawa:
supling ay kawalan naman ng susunod na buhay, pagkaputol ng henerasyon. At ang
kawalan ng pangatlo: aklat ay kawalan ng kaalaman, pagdarahop sa karunungan para
mabuhay.

Sa pangalawang saknong nalaman ang pangalawang kakulangan para sa


gunita, masisilayan ito sa taludtod 3 na ganito: Siyang pumupusyaw sa gunita. Ang
kakulangan sa tingkad ng kulay na nagbubunsod ng pagiging mapusyaw ang
pangalawang kakulangan para sa gunita. Kulang ang tingkad at kintab ng gunita dahil
sa pagpapakilala ng kawalan ng lawrel at palaspas gaya ng nakasaad sa taludtod 4.
Kapagnawala ang lawrel gayundin ang palaspas namga bagay na nagtataglay ng
luntiang kulay at kakintaban, at kung ilalapat ito sa gunita, kulang sa kulay ang gunita—
walang tingkad at kintab o walang kabuluhan.

Hindi maaaring itatwa na may kinalaman sa liwanag ang pangatlong kakulangan


na nasa taludtod 5 na ganito ang pagkakakasabi: Siyang lumalamlam sa gunita.
Paghina ng liwanag o gaya ng pagbahid ng ulap sa araw ang paglamlam, na kung
pakasusuriing mabuti, ang mga lumalamlam o ang nagkukulang sa liwanag ang
pangatlong kakulangan para sa gunita. Matamlay kung kulang ang liwanag para sa
147
gunita malabo ang gunita kung lumalamlam ang nangangailangan nito, ibinabandila
lamang nito ang kawalan ng dila at danas gaya ng banggit sa taludtod 6. Ang kawalan
ng dila ay kawalan rin ng pagkakataong maayos na makapagsalita at lumasa, at kung
walang danas ay hindi nagkaroon ng pagkakataong tumikim sa anumang kaganapan sa
buhay.

Mas malupit ang kakulangan sa huling saknong. Kakulangan na nagsilbing


kawalan gaya ng nakasaad sa taludtod 7. Pagdilim ang kakulangan na kung tatahaki’y
ang dilim ay lambong na nagsasaklob ng laksang panimdim. Subukin mang umalala o
gumunita sa dilim kahit na ito pa’y taimtim, siguro’y kahit salamisim handa nitong saiirin
at burahin. Kaya tuwirang maipahahayag na kung ang pagdilim ay pagsaid at pagbura,
tumpak ang huling taludtod bilang kawalan, gaya ng banggit: Walang istorya, walang
alamat. Gunita na burado kung walang kakakayahang magtaglay ng liwanag para
panatilihin, alalahanin at pahalagahan ang nakalipas tulad ng istorya’t alamat.

Ang tula ng makata’y maaaring nagsiwalat ng mga nagiging kakulangan para sa


ating gunita at nagpakilala ng nagiging kawalan ng nilalang. Hindi man sinasabi sa tula
na punan ang kakulangan at lagyan ang kawalan, isa na sigurong gampanin iyon upang
lubos na mapahalagahan ang ating gunita.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Gunita:

1. Ano ang paksa ng tula?


2. Sa paanong paraan ipinahayag ng may-akda ang temang nais niyang iparating
sa mambabasa?
3. Sa anong akda mo maiuugnay ang tulang nabasa?
4. Anong uri ng tula ang “Gunita” ni Mike L. Bigornia?
5. Ano ang tono ng tula? Ipaliwanag.

MAKAPILI
Gandhi G. Cardenas
Noong panahon ng Hapon
Nagsuot siya ng bayong

Noong panahon ng liberasyon


Hindi siya naipakulong

Doon sa isang nayon


May –ari siya niyon

148
Doon sa sabungan
Bantog siya sa pustahan.

Makapili ni Gandhi G. Cardenas


(Panimulang Pagsusuri ni Mayluck A. Malaga)

Ang “Makapili” ni Gandhi Cardenas ay isang tula na nagpapakita at nag-uugnay


ng pag-uugali ng Pilipino at ang pag-iral ng problemang panlipunan sa mga nakalipas
na panahon hanggang sa kasalukuyan.

Ang salitang “makapili” ay nagkaroon ng iba’t ibang pakahulugan, maaaring ito


ay maiugnay sa pagiging “doble-kara” o pagiging balimbing ng mga Pilipino na sa
umpisa’y nagpapakita ng pagiging makabansa o “maka-Pilipino” sa harap ng iba subalit
ang totoo ay pilit na itinatago ang pagiging gahaman sa kapangyarihan at kayamanan,
ito ay ipinakita sa unang saknong, kung saan tinutukoy na “makapili” ang mga taong
naging ‘asset’ o tagaturo sa mga Pilipinong kabilang sa kalaban ng mga Hapon kapalit
nang kakarampot na salapi. Sa ikalawang saknong naman ang salitang “makapili” ay
umangkla sa mga Pilipino, na dala ng kayamanan at koneksyon ay hindi naparusahan
ng pagtataksil sa bayan noong panahon ng liberasyon – piniling ikanlong sa halip na
isakdal. Pinaksa naman ng ikatlong saknong ang pagkakaroon ng makauring lipunan o
di lebel na estado ng pamumuhay, mapapansin ito sa paggamit ng ‘nayon’ at ‘may-ari
siya niyon’. Ang ‘nayon’ na nagbibigay ng imahe ng simpleng pamumuhay, at kahirapan
at ang pahayag na ‘may-ari siya niyon’, nagpapahiwatig ng pagka-mayroon; maaaring
nagsasaad ng isang estruktura e.g malaking bahay, komersyo o negosyo. Kung pag-
uugnayin ay nagkaroon ng tinatawag na ‘paradox’ upang mapalitaw ang ideyang siya
ay pili o kaiba sa karamihan na nasa nayon dala ng pagkakaroon niya ng higit na
karangyaan o kayamanan. Ang huling saknong, ay nakapokus naman sa pag-uugali ng
mga Pilipino sa pagkahilig sa sugal partikular sa sabong at pustahan. Maaaring ang
pahayag na ‘bantog siya sa pustahan’ ay nagpapahayag ng kanyang kasikatan sa dami
ng perang kanyang ipinupusta o siya mismo mo ang paksa ng pustahan.

Maikli ngunit malaman ang pagtalakay ng manunulat sa pamamagitan ng piling


mga salita subalit ito ay naglalaman ng iba’t ibang imahe na madaling maunawaan ng
mambabasa. Nilayon ng may-akda na ilahad ang problemang panlipunan at pag-uugali
ng mga Pilipino gamit ang simbolismo at imaheng nabubuo sa pagbabasa ng tula.
Naging mabisa rin ang pag-uugnay ng mga pangyayari sa kasaysayan upang mas
lalong tumibay ang pundasyon ng tula sa pagtukoy sa suliraning panlipunan.

149
Tiyak na mamamangha at maaliw ang mga babasa ng tula sa kagalingan ng
may-akda sa paggamit ng wika bilang midyum sa paglalahad ng kaisipang ginamit sa
tula.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Makapili:

1. Para sa iyo, ano o sino ang tinutukoy na “Mapakali” sa tula?


2. Ano ang mensaheng nais ihatid ng tula?
3. Sang-ayon ka ba sa ideya o kaisipang inihatid ng may-akda?
4. Maiuugnay ba sa kasalukuyang panahon ang kaisipang inilahad
sa tula? Magbigay ng mga patunay.
5. Naging mabisa ba ang mga salitang ginamit sa tula?

MGA LIPAKING PALAD


Gandhi G. Cardenas

SILA, mga lipaking palad at likod na siningawan ng pawis-asin


mga manlilikha na inilibing sa limot.

Noon pa man sa matandang sibilisasyon, sila ang sama-samang bisig


na nagtayo ng Dakilang Piramide, Parola ng Alexandria, Halamanan
ng Babilonia, Musoleo sa Halicarnasus, Templo ni Diana sa Ephesus, 5
Istatwa ni Zeus sa Olympia, gayon din kay Helios sa Rhodes.

Sa makabagong sibilisasyon, sila pa rin ang sanlaksang kamao


Na nagtayo ng sementado’t bakal na mga kagubatan.

Sila, mga kalyo at balikat ng paggawa. Uring alipin na nagtayo


Maging sa pamantasang iyon sa burol 10

Sa simula, pinatag ng dambuhalang makinang may malapad na


pansuro sa unahan at may pangil sa puwitan ang dibdib ng
mala-adobeng lupa. Pagkaraan, nakahilerang mga pala’t piko ang
ipinanghukay sa sinukat na pundasyon. Nasundan ng pagtirik ng
matatabang kabilya hanggang sa humugis ang anino nagmamapuring 15
kalansay. Sa mga araw na nakapapaso at mga gabing sinlamig ng
lumot, walang patumangga ang makinang tila bibig na umiikot sa
pagnguya at paggaralgal. Hinahalo ang semento, buhangin, graba
at tubig upang palamnan ang balangkas. Dinamitan iyon pagkaraan
150
na masilya’t pinturang ipinahid ng masisikhay na mga kamay. 20

Sila, mga lipaking palad,


Di man lang napasalamatan ni naalaala
nang bendisyunan ang kanilang obra-maestra.

Sila, mga likod na siningawan ng pawis-asin,


gumagawa pa rin ng sanlibo’t isang obra-maestra 25
nang kahit walang papuring
ipinatutungkol para sa kanila.

Mga Lipaking Palad ni Gandhi G. Cardenas


(Panimulang Pagsusuri ni Mayluck A. Malaga)

Tula para sa masa, mahihirap, at manggagawa ang karamihan ng mga tulang


nasulat ni Prop. Gandhi Cardenas, isa na nga sa halimbawa nito ay ang tulang “Mga
Lipaking Palad” na iniaalay niya sa mga manggagawa. Pagpupugay at pag-alala sa
kabayanihan ng mga ordinaryong manggagawa ang tema ng nasabing tula, na kung
tutuusin ay limot o hindi pinahahalagahan ng karamihan sa atin. Marahil ang karanasan
bilang isang manggagawa ng persona ang nagbunsod sa kanya upang isulat ang tula,
makikita ito sa husay ng kanyang paglalarawan sa mga Gawain ng isang manggagawa
na mababakas sa taludtod 11 hanggang 20 ng tula. “Sa simula, pinatag ng
dambuhalang makinang may malapad na /pansuro sa unahan at may pangil sa puwitan
ang dibdib ng/ mala-adobeng lupa. Pagkaraan, nakahilerang mga pala’t piko
ang/ipinanghukay sa sinukat na pundasyon. Nasundan ng pagtirik ng’ matatabang
kabilya hanggang sa humugis ang anino nagmamapuring kalansay.

Isinalaysay rin ng persona ang mga kahangahangang gawa ng mga


manggagawa na noon pa mang sinaunang panahon ay sama-samang nagtayo ng mga
hinahangaang mga edipisyo, templo, kastilyo tulad ng Dakilang Piramide, Templo ni
Diana sa Ephesus, Istatwa ni Zeus at iba pa na naging simbolo ng kapangyarihan at
karangyaan ng bawat bansa at pinuno nito. Sa kasalukuyang panahon sila ay sama-
sama pa rin na nagtatayo ng mga gusali, ospital, kalsada maging paaralan subalit
nakalulungkot isipin na ang manggagawang ito ay kabilang pa rin sa mga mababang-
uri, may mababang pasahod, mababang pamumuhay at may mababang pagtingin sa
lipunang makauri na kanilang kinabibilangan.

Masisilat din ang kalungkutan sa himig na ginamit ng persona ukol sa


kalagayang sinapit ng ordinaryong manggagawa na mababakas sa kabuuan ng tula.
Ang mga pinagdadaanang paghihirap ng isang manggagawa sa kanyang trabaho na
151
makikita mula sa taludtod 16 hanggang 18 “Sa mga araw na nakapapaso at mga
gabing sinlamig ng lumot, walang patumangga ang makinang tila bibig na umiikot sa
pagnguya at paggaralgal. ang antas ng pagtingin sa mga manggagawa. Subalit hindi
naman siya ng solusyon sa problemang kinahaharap ng mga manggagawa.

Ginamit ng persona ang tula upang ilahad ang kabayanihang ginawa ng mga
ordinaryong manggagawa na hindi man maalala ni mapasalamatan o papurihan ay
patuloy pa ring gumagawa ng sanlibong obra na isinaad sa huling saknong ng tula.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Mga Lipaking Palad:

1. Bakit iniugnay ng may-akda sa lipaking palad ang mga manggagawa?


2. Ano ang naramdaman mo matapos mabasa ang tula?
3. Nagtagumpay ba ang may-akda na ihatid ang mensaheng nais niyang iparating
sa mambabasa? Sa paanong paraan?
4. Ano ang implikasyon ng tula sa pagtingin sa mga manggagawa ng mga
mambabasa?
5. Magbigay ng limang problema na kinakaharap ng mga ordinaryong manggagawa
sa kasalukuyan.

AWIT NG MALILIIT
Gandhi G. Cardenas

Tayong maliliit
kumakalantog ang pinggan
kumakalam ang sikmura.

Tayong maliliit
namimilipit 5
sa sakit

Tayong maliliit
unti-unting pinapatay
kumakalantog ang pinggan
kumakalam ang sikmura.

Tinig na aalingawngaw 10
tayong maliliit
kung sabay-sabay sa lahatang panig
kumakalantog ang pinggan
152
kumakalam ang sikmura.

Sige, sukdulang walang patlang 15


kumakalantog ang pinggan
kumakalam ang sikmura:
oras ng pagtutuos!
Awit ng Maliliit ni Gandhi G. Cardenas
(Panimulang Pagsusuri ni Mayluck A. Malaga)

Awit para sa paglaya ang ipinakikita ng tulang “Awit ng Maliliit” ni Gandhi


Cardenas. Paglaya sapagkat mahihinuha sa kabuuan ng tula ang pagtitimpi at pagtitiis
na ginawa ng mga maliliit sa kanilang kalagayan at sa katapusan nito’y hindi
masasawata ang pagnanais na makalaya o makaalpas sa pagpapahirap na kanilang
nararanasan. Inilarawan sa tula ang kanilang mga pagtitiis na makikita mula sa una
hanggang sa ikalabinlimang taludtod ng tula. Pansinin din na halos makatulad na
pahayag ang isinasaad ng tula, na animo’y sumisimbolo sa paulit-ulit na
pinagdadaanang kapalaran ng persona.

Ang tula ay kakikitaan din ng mga pagbabago sa galaw ng pangyayari sa buhay


ng persona. Sa una hanggang sa ikaltong saknong ito ay nagpapahayag na kaya pang
magtiis ng persona sa paghihirap na kanyang nararanasan. “Tayong maliliit
kumakalantog ang pinggan
kumakalam ang sikmura./ Tayong maliliit namimilipit sa sakit. / Tayong maliliit unti-
unting pinapatay kumakalantog ang pinggan kumakalam ang sikmura/ Pagdating
naman sa ikaapat na saknong, dala ng patuloy na kahirapang nadarama, kinakitaan ng
puwersa at pagkakaisa ang hatid ng tula. “Tinig na aalingawngaw tayong maliliit kung
sabay-sabay sa lahatang panig . . .) At ang huling saknong ay nagbigay sulyap sa
hakbanging nabuo ng pagsasama-sama ng maliliit at api. Malaki ang naging epekto ng
huling taludtod; “oras ng pagtutuos” para limiin kung ano ang susunod na mangyayari
sa tula.

Mahahalata na pagtitimpi at poot ang tunay na damdamin ng persona na


kalauna’y napalitan ng paghahangad sa paglaya at pagkakaisa upang solusyunan at
para wakasan ang pagpapahirap.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Awit ng Maliliit:


1. Ano-ano ang mga hinaing ng mga maliliit ang inilahad sa tula?
2. Paano nasolusyonan ng persona ang kanyang hinaing na isinaad sa tula?
3. Bilang isang mag-aaral, ano ang nakikita mong kasagutan na maaring gawin
para sa paglutas ng problemang inilahad sa tula.
4. Anong mensahe ang inilahad ng tula para sa mambabasa?

153
5. Ano ang implikasyon ng tulang ito sa iyo bilang isang mamamayang kabilang sa
isang lipunan?

KABANATA 3

MGA TEORYA /
PANANALIG
PAMPANITIKAN

154
Layunin:
Inaasahan na sa pagtatapos sa pag-aaral ng Modyul na ito na:

1. Nababatid ang iba’t ibang mga teorya o pananalig pampanitikan.

2. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang akdang pampanitikan sa pamamagitan ng


mga teorya / pananalig pampanitikan.

3. Natutukoy ang mga teorya / pananalig pampanitikan na napapaloob sa mga


akda.

4. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang wika

5. Nakapag-uugnay ng mga kasanayan mula sa iba’t ibang larang at disiplina tungo


sa pagsusuri at pag-unawa sa iba’t ibang akdang pampanitikan.

6. Nakapagsusuri at analisa ng mga akdang pampanitikang likha ng mga


manunulat na Pilipino mula sa iba’t ibang wika – Filipino, Banyaga at Bernakular
tungo sa kaisipang Filipinolohiya.

7. Nakababasa at nakauunawa ng mga kontemporaryong akdang pampanitikan


tangan ang Malaya at progresibong kaisipan.

8. Kritikal na nakapagsusuri ng mga akdang pampanitikan gamit ang lente ng


maka-Pilipinong pananaw.

Mga teorya / pananalig pampanitikan:

Hindi lamang natatapos sa pagsulat at pagtukoy sa iba’t ibang klase ng akda


ang pag-aaral ng panitikan, bahagi rin nito ang matalinong pagkikritika sa akda,

155
pagbibigay ng pagpapakahlugan sa mga imahe o simbolo at talinghaga na nakapaloob
dito. Kinakailangan din ang pagdama sa mga karakter na binuo at binigyang-buhay sa
akda.

Kabilang din sa pag-aaral nito ang pagsusuri at pagbibigay puna. Tumutukoy ito
sa pagbanggit sa mga kagandahan o positibong bagay na nabasa sa akda, gayon din
ang mga negatibong taglay nito. Sa malalim na pagsisid sa mga akdang pampanitikan,
malaki ang ginagampanan ng mga teorya o pananalig pampanitikan na ginagamit dito.
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: (San Juan et. al : 2007)

1. Romantisismo – sa teoryang ito, higit na nangingibabaw ang damdamin ng mga


tauhan kaysa sa kaisipan.

Ang mga halimbawa nito ay ang ga nobelang nasulat pa noong panahon


ng Amerikano na ang karaniwang paksa ay tungkol sa pag-ibig ng mahirap sa
mayaman at magpahanggang sa ngayon ay paborito pa ring paksa ito ng mga
akdang natutungkol sa pag-ibig. Higit na nananaig ang damdamin kaysa
kaisipan sapagkat hindi pinahahalagahan ang agwat nila sa isa’t isa kung ang
nakapangyayari ay ang pag-ibig nila sa isa’t isa.

2. Realismo – pinalulutang dito ang katotohanang nangyayari sa tunay na buhay.

Isang halimbawa nito ang kwentong Impeng Negro na sinulat ni Rogelio


Sikat. Dito ang pangunahing tauhan ay nagngangalang Impen na laging inaapi
ni Ogor. Ipinakikita rio ang katotohanang kapag ang tao’y mahirap, inaakala ng
iba na sila’y walang kakayahang lumaban o magtanggol sa sarili.

3. Simbolismo – ito ay pamamaraan ng paglalahad ng mga bagay, kaisipan at


damdamin sa pamamagitan ng mga sagisag.

Halimbawa sa kwentong Mabigat ang Bandera ni Ave Perez Jacob,


sinasagisag ng bandera ang suliraning pampamilya na di makayang ipagtapat sa
batang kapatid ang tunay na dahilan kung bakit di na uuwi ang kanilang ama.

4. Eksistensyalismo – sa teoryang ito hinahanap ang kahalagahan ng personalidad


ng tao at ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran.

Sa maikling kwentong Parusa ni Genoveva Edrosa Matute, pinahigitan


ng tauhang si Big Boss ang kanyang pasya na di pabigyan ng perang pambayad

156
sa kapital ang bata kundi lalapit sa kanila si Neneng. Dapat ay pinagbigyan niya
si Ventura nang lumapit ito sa kaniya kung katwiran ang pag-uusapan. Ang
desisyon niya ay laban sa katwiran o social norms.

5. Feminismo – inilalahad ng teoryang ito na ang kalakasan at kakayahn ng mga


kababaihan. Naglalayon itong iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.

Sa akdang Paninindigan ni Teresita C. Sayo, binibigyang-diin dito ang


mga karanasan ni Miss Dinos bilang empleyado ng gobyerno, sa ilalim ng
pamamahala ng isa pa ring babae sa katauhan naman ni Mrs. Neido na isang
tiwaling tauhan ng gobyerno, na nagkakainteres sa mga de lata at iba pang
ipinamimigay ng gobyerno sa mga nasalanta ng kalamidad. Sinalungat ni Miss
Dinos ang mga pinag-uutos ng opisyal na ito kahit pa ang magiging kapalit nito
ay ang kanyang pagbibitiw. Masasabing bihira na sa ngayon ang makagagawa
ng ganitong uri ng paninindigan subalit ito’y nagawang isang babae.

6. Naturalismo – ito’y pananlig na mailarawan ang kalikasan nang buong katapatan,


kaya’t malimit na maipagkakamali sa realismo. Layunin nito ang siyentipikong
paglalarawan ng mag tauhang pinagagalaw sa mga puwersang impersonal,
pangkabuhayan at panlipunan. Binibigyang pansin ang kapaligirang sosyal at hingi
ang indibidwal na katauhan.

7. Modernismo – tumutukoy ang teoryang ito sa paghihimagsik sa isang tradisyon,


relihiyon, kaugalian o paniniwala upang magkaroon ng puwang ang mga
pagbabago.

Sa kwentong Paninindigan ni Teresita C. Sayo, naipahayag ni Edna kay


Mrs. Neido ang kanyang damdamin tungkol sa di pagsunod sa kagustuhan
nitong angkinin ang mga dapat sana’y mapupunta sa mga nasalanta ng bagyo.
Nasabi niyang magbibitiw siya sa punong tanggapan pagkat di maikakaiang ito
ang nagtalaga sa kanyang tungkulin.

8. Idealismo – paniniwala sa pinakamahusay na dapat gawin.

Sa dulang Mr. Congressman ni Clodualdo del Mundo, napagpasyahan ni


Dinasto na dapat siyang magbitiw dahil sa pag-aakalang baluktot ding politiko
ang kanyang pinaglilingkurang Congressman, subalit nang di nito pirmahan ang
isang batas na ikapapahamak ng bayan, nabago ang pasya ni Dinasto at inisip
niyang dapat din siyang maging matapat lalo sa sa mabait , matapat at may
pusong Congressman.

157
9. Klasisismo – pinangingibabaw ang isipan laban sa damdamin.

Makikita rin sa dulang Mr. Congressman ang pinangibabaw ni MR.


Congressman ang kaniyang isipan nang di pirmahan ang batas na papabor sa
mga Hapon. Kung papanaigin ang damdamin, pipirmahan niya iyon para
magkamal ng salapi at tuloy matutulungan din siyang maaprobahan ang ipinasok
niyang batas.

10. Moralistiko – sa ganitong pananaw, ipinalalagay na may kapangyarihang


maglahad ang akda, di lamang ng mga literal na katotohanan kundi ng mga
panghabambuhay at universal na katotohanan at mga di mapapawing
pagpapahalaga. Higit na pinahahalagahan sa pananaw na ito ang mga aral o
leksyong ibinibigay ng akda sa mga mambabasa at di ang mga katangian nito
bilang akda na may sinusunod na mga batas o prinsipyo.

11. Marxismo – hindi lamang ang larangan ng pagsusuri ang sinasaklaw nito kundi
gayundin ang larangan ng kultura, politika, ekonomiya at pilosopiya. Siansagupa
nito ang namamayaning pananaw sa buhay at pilosopiya noong siglo labingsiyam.
Naglalahad ito ng mga pag-aaral kung bakit labis ang pagkakaiba ng mga uri ng
lipunan, na nagbubunga ng alyenasyon ng tao sa kanyang sarili. Nagbibigay ito ng
malawakang solusyon sa ganitong kawalan ng katarungan sa pamamagitan ng
isang masalimuot na programa.

12. Surealismo – nangingibabaw sa teoryang ito ang katotohanan sa kabila pa ng


katotohanan.

Sa maikling kwentong Mga Aso sa Lagarian ni Dominador Mirasol,


isang katotohanan na ang mga manggagawa ay api-apihan at sa kabila ng
kanilang kagipitan ay marami ang nagsasamantala sa kanila tulad ng mga
gahamang kapitalista.

13. Historikal - Binibigyang-diin sa teoryang ito ang pinagmulan at pag-unlad ng


wikang ginamit sa akda. Makikita sa mga akda ang mga pagbabago sa paggamit
ng wika, partikular sa mga salitang naaayon sa panahon at sa kultura kung kailan
nila naisulat ang mga akda. Makikita rin dito ang kaugnayaan sa mga
pagbabagong naganap sa lipunan, ekonomiya, edukasyon, pananampalataya ng
isang bayan. (Arias et.al : 2015)

158
14. Pormalismo – pinalulutang sa teroyang ito ang tahasang pagpaparating ng may-
akda sa kanyang mga mambabasa. Samakatwid, kung ano ang sinasabi ng may-
akda sa kanyang obra, lantad itong makikita ng mambabawsa – walang labis at
walang kulang, Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang
pagsusuri at pag-unawa.

15. Arketaypal – May mga akdang pampanitikan na kakikitaan ng mahahalagang


bahagi sa pamamagitan ng simbolismo, ngunit hindi ito agarang nasusuri.
Mabuting unawain muna ang kabuuang konsepto at tema ng akda sapagkat ang
ma simbolismong nakapaloob ay magkakaugnay sa isa’t isa.
PAGTATASA:

1. Inaasahang ang mga mag-aaral ay makapagsusumite ng pagsusuri ng mga


akdang pampanitikan gamit ang balangkas na nasa ibaba:

I. Saligan
II. Buod (Maikli lamang)
III. Kahulugan ng pamagat
IV. Mga Teorya / Pananalig Pampanitikang Napapaloob sa Akda
V. Implikasyon

2. Mga akdang nararapat na suriin


A. maikling kwento (1)
B. nobela (1)
C. pelikula (1)
D. dula (1)

3. Ang mga suri ay dapat isumite isang linggo matapos ang pag-aaral sa modyul
na ito.

Sanggunian:

Arias, Suzette Marie A. at Pelonio, Edwin G. Jr. “Mga Teoryang Pampanitikan” Central
Bicol State University of Agriculture, Camarines Sur. 2015

Mag-atas, Rosario U. et. al. MASINING NA PAGPAPAHAYAG (RETORIKA).


Grandwater Publications and Research Corp. Makati City . Copyright 2007

159
KABANATA 4

MGA PARAAN SA
PAGTALAKAY SA
AKDANG
PAMPANITIKAN
160
161
Layunin:
1. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang wika

2. Nakapag-uugnay ng mga kasanayan mula sa iba’t ibang larang at disiplina


tungo sa pagsusuri at pag-unawa sa iba’t ibang akdang pampanitikan.

3. Nakapagsusuri at analisa ng mga akdang pampanitikang likha ng mga


manunulat na Pilipino mula sa iba’t ibang wika – Filipino, Banyaga at Bernakular
tungo sa kaisipang Filipinolohiya.

4. Kritikal na nakapagsusuri ng mga akdang pampanitikan gamit ang lente ng


maka-Pilipinong pananaw.

162
KABANATA 5

PAGPAPAHALAGA
SA AKDANG
PAMPANITIKAN

163
Layunin:

1. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang wika.

2. Nakapag-uugnay ng mga kasanayan mula sa iba’t ibang larang at disiplina


tungo sa pagsusuri at pag-unawa sa iba’t ibang akdang pampanitikan.

3. Nakapagsusuri at analisa ng mga akdang pampanitikang likha ng mga


manunulat na Pilipino mula sa iba’t ibang wika – Filipino, Banyaga at Bernakular
tungo sa kaisipang Filipinolohiya.

4. Nakababasa at nakauunawa ng mga kontemporaryong akdang pampanitikan


tangan ang Malaya at progresibong kaisipan.

5. Kritikal na nakapagsusuri ng mga akdang pampanitikan gamit ang lente ng


maka-Pilipinong pananaw.

6. Nakabubuo ng papel/artikulo hinggil sa panunuri ng mga akdang pampanitikan.

7. Responsableng nakagagamit ng iba’t ibang platform para sa pagtatanyag sa


iba’t ibang panitikang Pilipino.

8. Naisasabuhay ang mga aral sa akda para sa mabuting paglilingkod.

164
AWITIN

Kabuuang Talakay

165
Sa mga serye ng pananakop, naging mabisa ang awitin upang indirektang maituro
ang kolonyal na kaisipan. Ang awitin ay panitikang salamin ng buhay ng indibiduwal at
kanyang kinapapamuhayang komunidad. Sa modyul na ito, ibabahagi ang iba’t ibang
anyo ng awiting nabuo simula proto-Pilipino hanggang kasalukuyan, sa dulo
inaasahang makapagsuri ang mag-aaral ng isang awiting alternatib at maisakonteksto
ito sa mga kasalukuyang isyung panlipunan.
Layunin
1. Maisa-isa ang bawat uri ng awiting nabuo sa bawat yugto ng kasaysayan
sa Pilipinas.
2. Makita ang bisa ng awitin sa pagbihag at pagpapalaya ng kaisipan.
3. Makapagsuri ng awitin batay sa konteksto at uring panlipunan.

Nilalaman ng Modyul:
Mga Katutubong Awitin

Hitik sa awiting bayan ang imahe ng bansa. Kung babaybayin ang kasaysayan,
pasaling-dila ang pamamaraan nang pag-aambag sa literatura ng ating mga ninuno.
Mababakas sa mga awiting bayan ng mga pangkat etnikong grupo kung gaano
kayabong ang ating kultura.

Bugayat- awiting inaawit ng mga Igorot sa panahon ng kanilang pakikidigma.

Tagumpay at kumintang- Ito naman ang bersyon ng mga Tagalog na kanilang inaawit
rin sa panahon ng digmaan.

Sambotani-isa itong awiting bayan na nagpapahayag ng kasiyahan matapos ang


pakikidigma.

An-naoy- awiting bayang inaawit ng mga Igorot na patungkol sa pagtatayo ng palayan


sa gilid ng bundok.

Tub-ob- tawag sa awitin ng mga Manobo na inaawit naman tuwing panahon ng tag-ani.

Oyayi- awiting bayang ginagamit sa pagpapatulog ng bata.

Ambahan- inaawit ng mga Bisaya patungkol sa pagdiriwang na pinaghanguan ng mga


Mangyan na Hanunoo ng Mindoro ng sarili nilang ambahan. Ito ay may
dalawangtaludturan at ang isa ay binubuo ng pitong pantig.

Balac- inaawit ng mga Cebuano. Inaawit ito sa proseso ng panliligaw. Nagkakaroon ng


sagutan ang lalaki at babae na sinasaliwan ng instrumentong may bagting tulad ng
coriapi at corliong.

166
Kundiman-awiting bayan na tumatalakay sa pag-ibig. Ito ang ginagamit ng mga
kalalakihan upang mahuli ang puso ng mga kababaihan sa pamamagitan ng
panghaharana.

Dung-aw- awiting bayan ng mga Ilokano na inaaalay nila sa mga kamag-anak na


yumao.

Panahon ng mga Kastila

Noong panahon ng pananakop ng mga kastila Ang bawat gawain, okasyon, at


pagtitipon ay kinapapalooban ng musika na umaalala sa kanilang mga dios kayat
ipinagbawal nila ang mga ito. Sa pangunguna ni Padre Juande Garovillas, noong 1606
ay naitayo ang isang seminaryo upang sanayin ang 400 na binatilyo sa pag-awit ng
maka-kanluraning awitin naglalaman ng doktrina patungkol sa Kristyanismo na naging
simula ng pagkabura ng sariling pagkakakilanlang Pilipino.

.Habanera- nangangahulugang awit o sayaw ng Havana. Ito ang pinaka-popular na


awitin at sayawin sa Cuba noong ika-19 na siglo.

.Polka- ito ay orihinal na nagmula sa Czech at kilala ito sa buong Europa at Amerika.
Galing sa salitang Czech n pulka na ang ibig sabihin ay mkiliit na hakbang na makikita
sa pagsayaw nito.

.Villancico- ito ay matulaing musika na nagmula sa Iberian Peninsula at Latin Amerika


at popular ito noong ika-15 hanggang ika-18 na siglo.

Jota- ito ay uri ng sayaw na kilala sa buong Espanya na nagmula sa luar ng Aragon. Ito
ay inaawit at sinasayaw na may kasamang castanet na popular ring instrument sa
Espanya.

Ang mga itinanim na awitin ay siyang ginaya ng ting mga katutubo at naging hulmahan
ng mga bagong kantang naglalaman ng kanluraning mga pananaw. sa pagkakataong
ito mas lalong naging tiim at bulag ang mga Pilipino sa pang-aaping ginagawa sa kanila

Panahon ng mga Amerikano

Sa panahong ito ay naging kagamitan ang musika sa mabilisang pagtanggap ng


edukasyon sa Pilipinas. Gamit ang awiting mula sa Amerika na may pilosopiya at
talinong maka-Amerikano, mas lumabnaw ang damdaming makabayan dahil sa awit.

167
Noon pa lamang 1900 ay isinama na ang musikang pantinig sa kurikulum na ipinakilala
nila (Report of the Philippine Commission 31-2). Sa panahong ito puspusan ang
paghimok, pagsasanay at pagbibigay ng aensyon sa erya ng musika.

Sandugong Panaginip- Ito ay itinanghal sa Zorilla Theater at kauna-unahang operang


nilikha ng mga Pilipino. Ang teksto ay isinulat ni Pedro Paterno at nilapatan ng musika
ni Ladislao Bonus. Umikot ang kwento sa pagtutulungan ng mga Pilipino at Amerikano.
Nagwakas ang kwento sa pagyakap ng mga Pilipino sa estatwa ng liberty.

Itinuro ang mga awiting “A Sleigh Ride,” “Jacky Frost,” “The Apple Tree,” na hindi
pamilyar sa dila at diwa ng ating mga katutubo.

Naging popular rin ang awiting “Oh! Worship the King” upang ipalaganap naman ang
relehiyong prostante sa mga mag-aaral.

Upang mapalakas naman ang maka-amerikanong patriotism ay itinuro ang “The Star-
Spangled Banner,” “The American Hymn,” “Amerika,” Hindi alam ng mga Pilipino na
ang mga awiting ito ang siyang nagpalabnaw sa maka-Pilipinong pamamaraan at
paniniwala na mababakas sa panahon ngayon sa mukha ng unti-unting pagkawala ng
kulturang atin.

Panahon ng Hapon

Sa panahong ito ay hinubog sa ideolohiyang Greater East Asia Co- Prosperity Sphere
(GEACPS). Sapagkat naniniwala ang mga hapones na ang bawat asyano ay nalimutan
na ang kulturang kanilang pinagmulan dahil sa pagpapalawak ng mga Kanluraning
bansa sa kanilang nasasakupan.

Awit ng mga Hukbong Hapon sa Filipinas-sa awit na ito inilarawan kung gaano kabilis
nasakop ng mga hapon ang bansang Pilipinas.

No Mama, no Papa, no Uncle Sam-ang awit na ito ay patungkol naman sa pagkawalay


ng mga ama sa kanilang pamilya upang makilahok sa giyera kontra hapon dahil sa
lubos na pagka-Amerikano ng mga Filipino.

The Song of the Japanese Forces in the Philippines-ipinagbunyi naman sa awiting ito
ang pagtatagumpay ng mga Hapon na sakupin ang buong bansa.

168
Narito ang “AIUEO No Uta” o ang “Awit ng AIUEO na itinuro sa mga Filipino upang
madaling maalala ang kana ng mga hapones.

Larawan din ng awiting “Tayo’y Magtanim ni Felipe de Leon ang pagpapanumbalik ng


kaugaliang asyano upang mas mapalakas pang lalong ang pananakop ng mga hapon.

Musika Bilang Instrumento ng Paglaya

Bagaman nagamit ang musika bilang inrtumento ng pagsakop, may malakas itong
kapangyarihang magpaalab ng damdamin at magpakilos. Naging malakas na sandata
laban sa pagsikil ng karapatan ang paglikha ng mga awitin at pagsasalin nito. Ito ang
nagsilbing boses sa lipunang sinilensyo.

Bayan Ko-matapos ang pagpatay kay Benigno Aquino, binigyang buhay ang awit na ito
ni Fredie Aguilar na siyang nagpaalab ng damdamin ng mga Pilipino sa panahon ng
batas Militar. Kasabay rin nito ang mga awiting Araw na Lubhang Mapanglaw at Awit sa
Mendiola.

Utol Buto’t Balat Ka Na’y Natutulog Ka Pa- isinulat ni Heber Bartolome na nagsilbing
boses ng masa sa pasistang pamamahala, gutom at kahirapang nararanasan ng
mamamayan sa ilalim ng pamahalaang Marcos.

169
Annie Batungbakal-ang popular na awiting ito ng Hotdog ay patungkol sa isang sales
lady na nasira ang buhay matapos tanggalin sa trabaho na umuusig sa pera-perang
pananaw na nagpalakas sa eksena ng rock n roll sa bansa.

Huling Balita-Sa awiting ito ni Jess Santiago inilarawan ang walang awang ni walang
warrant na panghuhuli at pagpatay sa panahon ng diktatorya.

Ako’y Pinoy-Inawit ng kilalang mang-aawit na si Kuh Ledesma na nagpalakas sa pagka-


Pilipino noong panahon ng diktatorya. Naging dahilan ito ng pagkakabigkis-bigkis ng
paniniwala sa sariling kakayahan ng bawat mamamayan ng bansa.

Awit Ko-Sa awiting ito naman ni Heber Bartolome makikita ang pagkuwestiyon sa
imperyalista at pagpapalawak ng soberanya ng mga amerikano.

Maraming makabayang awitin ang nagpanumbalik ng diwang makabayan. Nagtangka


rin ang komunidad ng mga makabayang kompositor na tahakin ang kalakarang pop
music upang mas lalong mailapit sa masa ang diwa ng mga awiting mapagbigkis. Isa
itong patunay na may malaking papel ang musika sa paghubog ng kamalayan ng bawat
mamamayan. Maari itong magsilbing boses sa lipunang nais isilensyo ng mga ganid sa
kapangyarihan at kaban ng bayan.

I. Gawain
Pakinggan ang awiting Un Potok na likha ni Fr. Oliver Castor. Maaaring puntahan ang
link https://www.youtube.com/watch?v=dajOvBL9ZPQ na ginawan ng rendisyon ng
Talahib People’s Music.

Un Potok
Talasalitaan:
Un potok nayenade naayenade nimakijapat On Potok- Ang Lupa
Un potok nayenade naayenade nimakijapat Nayenade nimakijabat- Nilikha ni
Un potok nayenade naayenade nimakijapat Makijapat
Makijapat- Maylikha ng mga Dumagat
Un potok ng lupa nilikha nimakijapat Sierra Madre- Pinakamahabang
gak mukati Agta Bulubundukin sa Pilipinas. Mula sa
para sa mga Dumagat Cagayan (Hilaga) hanggang sa Probinsya
sa pusod ng Sierra Madre tahimik ang aming daigdig ng Quezon (Timog).
nang dumating ang mga gahaman dala ay ligalig

Un potok nayenade naayenade nimakijapat

170
Un potok nayenade naayenade nimakijapat
Un potok nayenade naayenade nimakijapat

Un potok ng lupa nilikha nimakijabat


binulabog na ng ingay ng lagareng dimakina
Angg yaman ng kagubata’y kanilang kinukuha
panaghoy ng Sierra Madre aming ina

Un potok nayenade naayenade nimakijapat


Un potok nayenade naayenade nimakijapat
Un potok nayenade naayenade nimakijapat

Un potok ng lupa libingan ng aming ninuno


lalamunin na ng tubig ng dam na itatayo

Un potok nayenade naayenade nimakijapat


eyan yanade para de orat
Un potok nayenade naayenade nimakijapat
Un potok nayenade naayenade nimakijapat
Un potok nayenade naayenade nimakijapat
eyan yanade para de orat.

Matapos pakinggan ang awitin, basahin ang susunod na artikulo.

In the Philippines, A Dam Struggle Spans Generations, Inspires Songs of Unity


For the Environment
By Marya Salamat | December, 2018

MANILA — Two proofs stand out today showing how long and how determined  the
people of Sierra Madre have defended its rivers from private mega-dam projects. One,
over the years, they have generated what’s shaping up into a soundtrack of the
indigenous people’s defense of the rivers and forested ancestral lands in Rizal and
Quezon. Two, they have leaders and organizers of environmental defenders today who
were youth activists or kids going with their parents in protest actions of the past.

A Dumagat spokesperson of Imaset, Wilma Quierrez, is one of such leaders. As early


as when she was six months old, her mother was organizing the Dumagat seeking to
stop the Laiban dam project then of the Marcos administration.

171
Wilma grew up watching
her mother, Marilyn
Quierrez, working
actively for the cause.
She is grateful to her
mother. “She raised me
mindful of the plight of
the indigenous people,
of our right to self-
determination, and
inextricably linked to
that, the need to protect
the environment.” As a
child she had gone to
rallies with her mother.
Dumagat Wilma Quierrez with son at the launch of the Network Opposed to the New
With her are other
Centennial Water Source Project (NO to NCWS) October 2018 (Photo by M. Salamat /
Bulatlat) second-generation
defenders of the
environment, like Lodima Doroteo, who recalls having joined protests with her
grandfather in the 90s. She is now in her early 20s and also active in continuing the
Dumagat elders’ defense of the river and forests.

The children of Nicanor delos Santos are also actively uniting calls  to continue
defending the rivers from the renewed drive to dam big parts of it under different names.
Nicanor delos Santos was the Dumagat leading the tribe’s opposition to Laiban Dam
when he was murdered at the
beginning of former President
Gloria Macapagal-Arroyo’s
term.
Delos Santos’ murder did not
stop the struggle which
eventually succeeded in
stopping the project again.

One of his sons, Arnel, said the


government has repackaged
the Laiban dam project, calling
it the New Centennial or One of the second-generation opponents of the (repackaged) dam project stands
before the gates of the stalled Laiban Dam project by the river in Tanay, Rizal.
(Photo by M. Salamat / Bulatlat.com)

172
Kaliwa or Kanan dams, “because the Laiban Dam project has been thoroughly rejected
by the people.”

Wilma herself seems to be passing on the tradition to her children. A breastfeeding


mom, wherever she goes her youngest son is in tow. Her son goes with her in forum,
mass delegation and lobbying, street rallies, or conferences. Wilma could be seen
carrying her son sometimes even on stage when she’s addressing the public.

Wilma’s mother passed away 10 years ago at the age of 48. “It’s very hard to no longer
have your mother with you,” the daughter admits. She’s intent on continuing what her
mother helped her realize needs doing. She’s being like her, she said. While active at
campaigns for saving the river and the forest, Wilma’s mother had also worked to bring
food to the table. Like her, Wilma is also a farmer. She works the land with her husband,
and that they are both raising their children consciously avoiding the feudal mindset –
they are seeking equality and both strive to respect and support each other at work, at
home and in the struggle against dislocation from their ancestral land.

The need to protect the forest and its river  as well as their right to ancestral domain and
self-determination has prompted both the Dumagat men and women to act. They also
seem to have arrived at a setup they can best work with.

The men handle the heavier work or stay longer in the fields; the women who also work
at the field also find the time not just to attend to their homes, children and selling or
storing their produce, but to also attend to building community, unity and spreading the
news with other Dumagat, Remontado and others who would be adversely affected by
the dam projects.

This is the flag of Imaset, the Dumagat women’s organization working to save the
environment and the Sierra Madre from destructive projects.
173
Last August 3 to 4, Wilma and other Dumagat women established Imaset, the Dumagat
and Remontado women’s assembly.

Imaset means the people uniting the “Kadumagetan” or the indigenous peoples of


Sierra Madre uniting against exploitation and oppression. This, to them, is exemplified
by “development aggression” inherent in the dam projects, and what they described as
false ‘national greening program.’

After forming Imaset, the women worked to establish a network of broad supporters to


the call to save the Quezon and Rizal river and the Sierra Madre. In the first week of
October, they formed such a network from a college in Metro Manila.

They also launched their new song, another contribution on top of another Dumagat
song popularized in the Laiban dam struggle since the 80s.

Singing, Dancing In Prayer for People’s Unity to Save the Environment

What is remarkable among the Dumagat is their affinity to music and dance. On the day
they formed Imaset, their workshop produced the text to a new song also entitled
“Imaset.” Supportive priest Alex Bercasio composed the music to accompany the text
and in playing it with the Dumagat, the community singing invariably led to
the Imaset dance.

In the song, they pour their calls to each other and to the public, in alternate Filipino and
Dumagat, literally telling everyone: “Defend the ancestral land; bolster our ranks, defeat
the projects of the oppressors; we are not afraid, we are united; and defend Sierra
Madre.”

The Imaset theme song
is now being introduced
to urban listeners and
supporters as one of
the songs of a group
called Reds Pangkat
Sining. The name is
newly coined, but the

174
priests and other musicians comprising it have long been supportive of the Dumagat’s
struggle.

If the Dumagat have second generation activists joining the elders now, they and their
supporters also have new songs to accompany it. The Imaset theme song is another
product of this generation’s struggle to save anew the Sierra Madre rivers and forest.
From the time the Dumagat were opposing the Laiban dam project, priests such as Fr
Oliver Castor had immersed with the Dumagat and from that composed the song
entitled “Un Potok.”

Here is a version of Un Potok on Youtube, as recorded by the Talahib People’s


Music. (nasa itaas ang link)

Here, too, is a version of Un Potok featuring Fr Oliver and the Dumagat women.
https://www.youtube.com/watch?v=SYx5Mz7who4
This is how they usually sing it in communities, accompanied only by one or two ukulele
and any available indigenous percussion instruments:

“Un Potok” (The Land) is a song on the indigenous Dumagat praying to their god,
Makijapat, asking why the natural resources and the fertile lands are to be submerged
and taken away from the people just for the profit of a few, and why the lush forest had
to be denuded. Written by Fr Oliver Castor in 1985 and revised up to 1989, it’s been a
unifying song whenever the Dumagat and supporters for the defense of Sierra Madre
and the environment were gathered.

Castor said he wrote the song inspired by a folk song of the Dumagat children of Gen.
Nakar, Quezon. In 1985 he wrote that he had a young friend “who was imprisoned and
tortured until he died in the hands of the fascist military.”

For years, only the Dumagat knew the song “Un Potok” was his composition. With the
Duterte government’s drive to revive the dam projects, Un Potok reverberates once
more, and Fr Castor has amped up also the way they sing Un Potok.

Now, add to Un Potok is Imaset, their latest crowd-drawing Dumagat song for unity. It is
encouraging friends and allies to the dance floor, to join the Dumagat and other
indigenous peoples in various gatherings.
The Dumagat especially the women first sang together the Imaset during the solidarity
night and bonfire of the Dumagat women’s assembly. They made a circle and declared
their unity through the song.

175
Now that song is the Imaset’s way also of capping a day or a program of gathering with
increasing number of supporters. Be they part of the Kadumagetan or allies supporting
the calls to save the soil, water and natural resources of Sierra Madre, they sing and
dance it together in an ever-widening circle of prayerful activists.

Mga Tanong.

. A. Sagutin ang hinihiling ng bawat tanong. Maaaring i-send via messenger (personal
message), email o text message. Nakalagay sa bawat numero ang puntos.

B. Sumagot sa wikang pinaka-komportable ka (Filipino man o English, o halo).

1. Mula sa mga serye ng mga pananakop, paano ginamit ang mga awitin upang
mahulma ang kaisipang kolonyal? Ipaliwanag. (10 points)

2. Paano nakatutulong ang awitin sa paglalahad ng danas ng isang tao o kabuuang


komunidad? (10 points)

3. Ibigay ang dalawang gahum ng nagtatalaban sa awitin. Ipaliwanag. (10 points)

4. Ipaliwanag ang kontekstuwal na kahulugan ng linya sa awitin; (10 points)

176
sa pusod ng Sierra Madre tahimik ang aming daigdig
nang dumating ang mga gahaman dala ay ligalig

5. Ipaliwanag ang kontekstuwal na kahulugan ng linya sa awitin; (10 points)


Un potok ng lupa libingan ng aming ninuno,
lalamunin na ng tubig ng dam na itatayo

6. Sa awiting Un Potok, anong isyu o penomenong panlipunan ang tinatalakay?


May kinalaman ba ang Cultural genocide sa isyu o penomenong tinatalakay sa
awitin? Ipaliwanag. (10 points)

7. May halaga ba ang modernisasyon sa mga katutubo kung banta ito sa kanilang
kultural at ekonomikong seguridad? Ikatuwiran ang iyong sagot. (10 points)

8. Ipaliwanag ang kahalagahan ng lupa sa mga katutubo. Bakit banta ang Dam na
proyekto ng gobyerno kasapakat ng dayuhan at malalaking korporasyon? (10
points)

9. Isipin na ikaw si Makijapat. Gumawa ng sariling tula na ang persona ay si


Makijapat at kinakausap niya si Pangulong Rodrigo Duterte. (10 points)

10. Isipin na ikaw ang Sierra Madre. Gumawa ng sariling tula na ang persona ay ang
Sierra Madre at kinakausap niya ang mga Malalaking Korporasyon. (10 points)

177
KOMIKS

178
MAIKLING
KUWENTO

179
Layunin:

1. Naiisa-isa ang katangian ng relasyon ng tao sa lipunang inilahad sa akda.

2. Nauunawaan ang kahulugan ng diskurso batay sa nabasang akda.

3. Nakapagbibigay-katwiran kaugnay ng napapanahong paksa.

4. Natutukoy at nailalarawan ang sektor ng lipunang kinabibilangan ng

pangunahing tauhan.

5. Natutukoy ang mga tugong ginawa ng pangunahing tauhan sa tungalian.

6. Nagbibigay-paliwanag ang mga ideya ng tauhan ayon sa sitwasyong

kinabibilangan.

Introduksyon

Ang Maikling kuwento ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang


pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauha. Isa itong masining na anyo ng
panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong pagsasalamin ng realidad na esensyal
sa pag-unawa sa ating ginagalawang lipunan.

Ayon kay Edgar Calabia Samar (2020) may tatlong kahalaga at bisa ang maikling
kuwento o ang pagkukuwento sa kabuoan:

Pagbabahagi

Mahalaga ang pagkukuwento dahil isang uri ito ng pagbabahagi at ang pagbabahagi ay
may kakabit na kamalayan na hindi ka nag-iisa, na kung ano man ang iyong makatha o
makatha ng iba ay meron itong patutunguhan-- merong nakikinig. Nakatutulong ito
luminang ng sensasyon na tayo'y kabahagi ng isang malawak pang komunidad. Ang
pakiramdam na ikaw ay hiwalay o mag-isa ay winawasak ng konsepto ng
pagkukuwento. Ang pagbabahagi sa pamamagitan ng pagkukuwento at pagbabasa o
pakikinig sa kuwento ay isang oportunidad at rekognisyon na tayo ay kabilang sa iisang
lipunan, sa iisang reyalidad.

Pagbubuo ng Kaayusan

180
Ang pagkukuwento ay oportunidad din sa pagbubuo ng kaayusan, sa dami ng
nangyayari sa mundo na kadalasan ay nagbibigay sa atin ng kalituhan ang paglikha at
pagbabasa ng kuwento ay isang pagninilay upang maunawaan ang nais mong
maunawaan sa mundo, at pamamagitan ng buhay mong diwa’t haraya maaari mong
subukang magbigay ng kaayusan sa mga bagay na ito. Bakit ba may krisis, paano ba
dapat tignan ang krisis, ano ba ang dapat kaayusan sa gitna ng krisis o ano mang
tagpo, bagay, panahon o konsepto.

Sandata sa paglimot at manipulasyon

Ang pagkukuwento na naitala o recorded ay isang sandata sa paglimot at


manipulasyon. Napakahalaga ng paggunita dahil sa mga aral at makabuluhang mga
napagtatanto sa mga bagay na ginugunita, at sa kasaysayan ng mundo hindi bago ang
pagmamanipula ng mga nasa kapangyarihan sa katotohanan, pagmamanipula ng kung
ano ang dapat matandaan at makalimutan, kaya ang pagkukuwento na naitala ay isang
ebedensya na maaaring gamiting sandata sa manipuladong katotohanan.

Kasaysayan ng Maikling Kuwento sa Pilipinas:

KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTO PANAHON NG KATUTUBO

Kuwentong bitbit – dito nag-ugat ang maikling kwento, maiikling salaysay na


pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng
guniguning di kapani-paniwala. Karamihan sa mga Panitikan nila’y pasalin-dila gaya ng
mga bulong, tugmang bayan, bugtong, epiko, salawikain, at awiting bayan na anyong
patula; mga kwentong bayan, alamat, at mito na anyong tuluyan at mga katutubong
sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa. May mga
panitikan ding nakasulat sa pirasong kawayan matitibay na kahoy at makikinis na baro
ngunit ilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo sapagkat batay sa
kasaysayan pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa
paniniwala na ang mga ito ay gawa ng demonyo.

PANAHON NG PANANAKOP NG KASTILA

Kakana – sumulpot pagdating ng Espanyol, naglalaman ng mga alamat at engkanto,


panlibang sa mga bata. Mga kuwento ay tungkol sa buhay ng mga santo at santa
layunin nila ay mapalaganap ang Kristiyanismo. Parabula- naglalaman ng mga
181
talinghaga at nagtuturo ng aral. Hal. Ang Mabuting Samaritano & “Makamisa” ni Dr.
Jose Rizal. Lalo’t lalong sumigla ang mga kilusang pampanitikan sa partikular ay sa
kwento. Nang lumabas ang Taliba at Liwayway. “Bunga ng Kasalanan”ni Cirio
Panganiban napiling pinakamahusay na kwento sa timpalak-panitik ng Taliba. Ito’y
itinuturing na nagsanhi ng unang hakbang sa pagsulat ng mga kwentong may banghay.
Sa gitna ng kasiglahan ng panulat sa loob ng panahon ng “Ilaw at Panitik” lumitaw ang
mga pampanitikang kritiko na kinabibilangan nina Clodualdo del Mundo at Alejandro
Abadilla na naglathala ng mga 25 piling maikling kwento mula 1929- 1935 na
pinamagatang Kwentong Ginto.

PANAHON NG PANANAKOP NG AMERIKANO

Sa larangan ng panitikan, isang malaking ambag ng mga Amerikano ang pagkakaroon


ngayon ng Maikling Kwento bilang bahagi ng ating panitikan. Kapansin-pansin ang
pagkahilig ng mga mambabasa sa mga akdang madaling basahin ay
naimpluwensyahan ng mabilis na galaw ng buhay- kosmopolitan. Ang mga kathang ito
ay hindi lamang naisulat sa wikang Filipino kundi pati narin sa wikang Ingles. Ang
pagdating ng mga Thomasites ang nagbigay-daan sa pagkakaroon ng pampublikong
Edukasyon na kung saan ipinasok ang kurikulum ng pagtuturo sa Ingles. Itinatag ang
Unibersidad ng Pilipinas noong 1908 at simula noon ay kinilala ito sa mahusay na
pagtuturo ng Ingles. Sa pamantasang ito nahasa ang mga manunulat upang linangan
ang kanilang kakayahan na sumulat ng mga sanaysay,dula, tula, kwento, at ng lumaon
pati na rin ang mga nobela gamit ang wikang ingles. Ang maikling kuwentong Tagalog
ay naisulat noong mga unang sampung taon ng mga Amerikano.

Mga unang anyo nito ay ang dagli at pasingaw. dagli -maikling- maikling salaysay na
gayong nangangaral nang lantaran ay namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa.

Hal:“ Sumpain Nawa Ang Mga Ngiping Ginto” ni Cue Malay

Nagsisulat ng dagli sina Valeriano Hernandez Pena, Inigo Ed Regalado, Patricio


Mariano, Pascual Poblete atbp. na inilathala sa pahina ng pahayagang “Muling
Pagsilang” noong 1903. Yumabong ang uring ito ng salaysay sa tulong pa rin ng
pahayagang Democracia, Ang Mithi, Taliba hanggang 1921.

Halimbawa ng dagli ni Salvador R. Barros: "Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa


pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba. "Ang
pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila. "Ang pumapasok sa
dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig. "At ang pumapasok sa dalawang
tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan." (Sampagita, 8 Nobyembre 1932)

182
pasingaw-patungkol sa mga paralumang hinahangaan, sinusuyo, nililugawan at kung
anu-ano pa.

Sa mga dahon ng pahayagang Kaliwanagan at Ang Kapatid ng Bayan ito kumita ng


liwanag. Madalas na ang mga may-akda nito ay gumagamit o nagtatago sa kanilang
mga sagisag panulat. Napatanyag at namalasak ang pagsulat ng dagli at naging katha
at sa bandang huli ay tinawag na maikling katha hanggang 1921. Noong 1910,
nagtagumpay ang “Elias” ni Rosauro Almario sa pahayagang Ang Mithi sa bisa ng
14,478 na boto ng mga mambabasa.

Mga Samahang Pampanitikan

1. Ang “Aklatang Bayan” nagsimula ang maikling katha nang hindi pa ganap ang
banghay at nakakahon pa ang karakterisasyon.

2. Ang “ Ilaw at Panitikan” (popularisasyon) Isinilang ang Liwayway na naging tahanan


ng mga akdang Filipino.

3. Parolang Ginto ni Del Mundo- katipunan ng mga pinakamahusay na kuwento sa


bawat gawain at sa bawat taon. Pumagitna rin sa larangan ng pamumunang
pampanitikan si Alejandro Abadilla sa kanyang Talaang Bughaw.

4. Panitikan- sa panahong ito sinunog ng mga kabataang manunulat ang mga akdang
pinalagay na hindi panitikan.

5. “Ilaw ng Bayan” Sa panahong ito ay nangibabaw ang bisa ng mga kabataang


manunulat sa panitikan sa Wikang Ingles.

Aklat- Katipunan o Antolohiya ng Maikling Kuwento

1.Ang “Kuwentong Ginto” (1925-1935) 20 “ kuwentong ginto.”nina Abadilla at Del


Mundo

2. Ang “50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista (1939) ni Pedro Reyes.


Katipunan ng mga pinakamahusay na katha ni Hernando R. Ocampo at ang mga
manunulat sa Ingles na sina NVM Gonzales, Narciso Reyes, Cornelio Reyes at Mariano
C. Pascual.

Deogracias A. Rosario Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, Amang


Maiikling Kwentong Tagalog Kapansin-pansin ang pagkagiliw ng mga manunulat sa
matamis, mabulaklak at maindayog na pananalita. Karaniwang paksa’y pag-ibig na
inaaglahi, hinahdlangan o pinapagdurusa, hindi makatotohanan ang mga sitwasyon at

183
pangyayari at waring nangungunyapit pa rin sa tradisyon ng romantisismo hanggang sa
pagdating ng 1930.

PANAHON NG PANANAKOP NG HAPON

Sa pagpasok ng mga Hapones ay unti-unting nanlamig ang pagsulat ng kahit anong uri
ng akda. Nagkaroon ng kalayaan sa pagsulat ngunit ang lahat na akda ang dadaan
muna sa “Manila Shimbun- sha”. Gintong Panahon ng Maikling Kuwento
Pansamantalang napinid ang mga palimbagan sa panahon ng mga Hapones ngunit
pagkaraan ng ilang buwan ay muli itong nabuksan. Pinahintulutang makapaglathala ang
Liwayway kaya’t biglang nakapasok dito ang mga akda na dati ay hindi tinatanggap ng
naturang babasahin. Dahil dito ang mga manunulat na dating nagsusulat sa Ingles ay
nangagtangkang magsulat sa Tagalog. Nagdaos ng timpalak ang Liwayway at pinili ang
mga pangunahing kuwento noon na tinipon sa isang aklat. “Ang 25 Pinakamabubuting
Maikling Kathang Pilipino ng 1943. Nanguna sa timpalak ang sumusunod na apat na
kuwento.: Pangunahin- “Lupang Tinubuan” Narciso Reyes Pangalawa –“ Uhaw Ang
Tigang na Lupa” Liwayway A. Arceo Pangatlo- “Nayon at Dagat-dagatan” NVM
Gonzales Pang-apat- “Suyuan sa Tubigan” Macario Pineda

PAGLAYA SA HAPON

Ang Gantimpalang Carlos Palanca, isang timpalak pantikan ay nagdulot ng bagong


hamon sa mga manunulat sa Ingles at Pilipino. Nagsimula ang patimpalak sa maikling
katha noong 1950. Naitatag ang Kapisanang KADIPAN (aklat, diwa at panitikan) na
itinatag sa pamamahala nina Ponciano B. Pineda at Tomas Ongoco ng MLQU. Ang
Diwa at Panitik (1965) ay nagpalabas ng magasing Sibol na ang nilalaman ay tuntunin
sa panitikan, wika at pagtuturo. Noong Enero 1962, ang magasing Akda ang naging
kaakit-akit na babasahing naglalathala ng mga orihinal na akda at salin saTagalog ng
mga manunulat sa Ingles Ang magasing Panitikan ay muling pinalabas ni Alejandro G.
Abadilla noong Oktubre, 1964 at tumagal hanggang 1968 Nagtaguyod ang Pamantasan
ng Ateneo ng Urian Lectures na pinamahalaan ni Bienvenido Lumbera. Ang Gawad
Balagtas ay patimpalak ng pamahalaan noong 1969. nilahukan ng katipunan ng
sampung akda. Nagwagi si Wilfredo Virtusio ng unang gantimpala sa kanyang “ Si
Ambo at Iba Pang Kuwento”. Ang huling taon sa dekada 60 ang panahon ng protesta.
Ang mga manunulat ay pumaksa sa kaawa-awang kalagayan ng iskuwater, sa mga
suliranin ng magbubukid at manggagawa.

184
PANAHON NG BATAS MILITAR

Sa kadahilanang halos lahat ng kuwentista sa Pilipinas sa panahong Batas Militar ay


kasangkot sa kilusang makabayan, tampok sa kanilang mga akda ang mga suliraning
tulad ng paghihikahos ng marami sa pagpapasasa ng iilan, kabulukan sa pagpapatakbo
ng pamahalaan, kawalan ng katarungan sa mga limot na mamamamayan at pang-
aalipin ng negosyanteng dayuhan at ng sabwatan ng mga burgis. Lantad ang poot sa
mga akdang ito. Sagisag- isang magasing inilathala ng Kagawaran ng Pabatirang
Madla upang magkaroon ng mapaglalathalaan ng mga akdang hindi tinatangkilik ng
mga popular na babasahin. Nagtaguyod din ito ng Gawad Sagisag at nakatuklas ng
mga bagong manunulat. Ang iba’t ibang kuwentong lumabas at naisulat sa panahong
ito ay pawing sumasaling sa ugat ng lipunan. Nakilala sa panahong ito ang mga
kuwentistang sina Alfredo Lobo, Mario Libuan, Augosto Sumilang, Lualhati Bautista,
Reynaldo Duque, Benigno Juan, Benjamin Pascual, Domingo Landicho, Edgardo
Maranan, Wilfredo Ma. Virtusio at Pedro S. Dandan. Sa panahong ito, naging palasak
ang pagpunta ng mga Pilipino sa bang bansa lalo na sa Estados Unidos, ito ang naging
batayan ni Domingo Landicho upang isulat ang kuwentong ”Huwag mong Tangisan Ang
Kamatayan ng Isang Pilipino sa Dibdib ng Niyebe” na siyang pinagkalooban ng
gantimpalang Palanca noong 1975. Samantala, noong 1979-1980, isang simple subalit
pinakamakahulugang kuwento ang napili ng Palanca upang gawaran ng gantimpalang
pinakamahusay para sa taong iyon ang kuwentong “Kandong “ ni Reynaldo Duque.

MAIKLING KWENTO SA PANAHONG KASALUKUYAN

ANG MAIKLING KWENTO ang dahilan kung bakit noon pa mang unang panahon ay
mayroon na tayong maikling kathang nagsasalaysay tulad ng alamat, kuwentong bayan
at kuwentong akda, kaya hanggang ngayon , buhay na buhay ang maikling kwento
bilang mahalagang bahagi ng panitikang Filipino. Nakilala bilang mahuhusay na
manunulat ng maikling kwento sina Genoveva Edroza Matute, Efren Abueg, Rogelio
Sikat, Pelagio Cruz, Benjamin Pascual, Edgardo Reyes, Benigno Juan at iba pa.
Patuloy pa rin sa kasigasigan sa pagsusulat ang ating mga manunulat sa hangaring
higit pang mapaunlad at maitaas ang uri ng maikling kwentong Filipino. Kabilang din sa
mahuhusay nating kwentista sina Domingo G. Landicho, Rogelio Ordonez, Dominador
Mirasol, Ricardo Lee, Wilfredo P. Virtusio, Gloria Villaroza Guzman at iba pa. Masipag
ang panitik at mayaman ang diwa ng ating mga kwentista kaya’t hindi sila nauubusan
ng paksang susulatin. Isa lamang ito sa pagpapatunay ng pagkamalikhain ng mga
Pilipino na unti-unti ng nakilala sa buong mundo.

185
Babasahin

Basahin at unawain ang maikling kuwentong “Kapayaan sa madaling araw” ni Rogelio


Ordoñez.

Mga gabay na tanong para sa pag-unawa sa pagbabasa:

1. Sa anong sector nabibilang pangunahing tauhan o mga pangunahing tauhan.


2. Ano ang mga nagtutulak sa pangunahing tauhan sa kaniyang mga desisyon at
aksyon?
3. Anong bahagi ng realidad ng lipunan ang sinasalamin ng akda?
4. Ano ang kahalagahan sa lipunan ng akda?

Kapayapaan Sa Madaling-Araw
ni Rogelio L. Ordonez

(Maikling Kuwento — sinulat noong 1961 at ayaw ilathala ng komersiyal na mga


magasin dahil brutal daw at hindi makatao ngunit malimit nang nangyayari ngayon.)

KANGINA, nang nakaupo pa si Andong sa harap ng simbahan ng Quiapo at nakalahad


ang kanyang mga kamay sa naglisaw na mga taong waring nangalilito at hindi malaman
ang patutunguhan, hindi niya naisip, kahit saglit, na lubhang nakahahabag ang kanyang
kalagayan. Hindi dumalaw sa kanyang pang-unawa na sisimulan niya ang kinabukasan
at marahil ang maraming-marami pang kinabukasang darating sa pagpapalimos sa
pook ding iyon mulang umaga hanggang hapon.

Ngunit ngayong sibsib na at nagsisimula nang pumikit-dumilat ang neon lights sa mga
gusali, at ang mga taong dati-rati’y huminto-lumakad sa mga bangketa, pumasok-
lumabas sa mga restawran, sa mga tindahan, sa mga sinehan, ay nagmamadali nang
umaagos patungo sa abangan ng mga sasakyan, saka iglap na lumatay sa diwa ni
Andong ang katotohanang iyon; at bigla ang nadama niyang pagnanasa na ang gabi ay
manatiling gabi magpakailanman at, kung maaari, ang kinabukasan ay huwag nang
isilang.

Iniahon ni Andong sa kanang bulsa ng kanyang halos gula-gulanit nang pantalong


maong ang mga baryang matagal din bago naipon doon; at wala siyang nadamang
kasiyahan nang bilangin niya iyon, di tulad noon, di gaya kahapon, na kapag sumapit na
ang gayong oras, ang kalansing ng mga baryang iyon ay nagdudulot sa kanya ng lakas
at ng pananabik na makita agad ang magpipitong taong gulang na si Totong sa
barungbarong na nakikipagsiksikan sa kapwa mga barungbarong na nangakalibing sa
makalabas ng lungsod sa gilid ng kalawangin at malamig at mahabang-mahabang
daangbakal na iyon.

186
Hindi niya malaman ngayon kung ano ang gagawin sa kanyang napagpalimusan. Dati-
rati, inilalaan niya ang apat na piso sa kanilang hapunan at almusalan ni Totong kung
hindi siya makahingi ng tira-tirahang pagkain ng mga nagpapakabundat sa mga
restawran. Ibinibili niya ng pansit ang dalawang piso sa maliit na restawran ng Intsik na
malapit sa palengke ng Quiapo at pandesal naman ang piso sa panaderyang nasa gilid
ng tulay. Naitatago pa niya ang natitirang piso kung nahahabag ang konduktor ng bus
na sinasasakyan niya na siya’y singilin pa. At ang labis sa kanyang napagpalimusan ay
isasama niya sa mataas-taas na ring salansan ng mga barya sa loob ng munting baul
na nasa pinakasulok ng kanyang barungbarong. Kung malaki-laki na ang halaga ng
laman ng baul na iyon, nagtutungo siya sa Central Market at bumibili ng pinakamurang
damit na itinitinda roon — para kay Totong, para kay Aling Petra na kalapit-
barungbarong niya na tagapag-alaga ni Totong kung siya’y wala.

Tinungo niya ang kaliwang sulok ng simbahan; at umupo roon, at isinandal ang butuhan
na niyang katawan sa makapal, marusing at malamig na pader nito. Naisip niya, laging
madilim ang gabi sa daangbakal; halos anag-ag na lamang ang sinag ng pag-asa.
Tinatanglawan lamang iyon ng nag-indak-indak na ningas ng mga gasera sa pusod ng
mga barungbarong. Parang nais niyang sa bakuran na ng simbahan magpahatinggabi,
panoorin ang unti-unting paglugmok ng gabi — ang pagkikindatan ng mga neon lights
sa mukha ng mga gusali, ang pagnipis ng magulong prusisyon ng mga sasakyan sa
kahabaan ng Quezon Boulevard, at ang pagdalang ng mga nilikhang lamunin-iluwa ng
mga bunganga ng underpass. Mabuti pang doon na siya hamigin ng gabi, doon na siya
bayaang matulog at makalimot at, kung maaari nga lamang, ang iluluwal na umaga ay
huwag na niyang makita magpakailanman.

Lumalamig ang gabi, at sa kalangitan ang maiitim na ulap ay naghahabulan. Alam


niyang maaaring biglang umulan, at alam din niyang masama siyang maulanan at
malamigan. Mula noong sumuka siya ng dugo nang pasan-pasan niya sa palengke ng
Paco ang isang malaking tablang kahon na puno ng patatas, malimit na siyang dalahitin
ng ubo na naging dahilan ng pagkumpis ng dati’y bilugan at malaman niyang dibdib, ng
paghumpak ng kanyang pisngi, at pagiging buto’t balat ng kanyang mga braso, at siya’y
hindi na nakapagkargador. At marahil, dahil napaggugutom na si Tasya at hirap na
hirap na sa paglalabada, at malimit pa silang mag-away, nilayasan siya nito isang gabi,
iniwan ang noon ay mag-aanim na taong gulang lamang na si Totong. At
magdadalawang buwan na, nabalitaan niya, mula sa isang kakilala, na ang kinakasama
ngayon ni Tasya ay isang tsuper ng bus na nagyayao’t dito sa Maynila at Laguna.

MATAGAL na namalagi si Andong sa sulok na iyon ng simbahan, hanggang sa


mapansin niyang ang sementadong bakuran nito ay inulila na ng mga paang kangina ay
langkay-langkay na nagsalasalabat at nangagmamadali. Sinalat-salat niya ang mga
baryang nasa bulsa ng kanyang pantalon. Malamig na malamig ang mga baryang iyon.
Kasinglamig ng malapit nang pumanaw na gabi, kasinglamig ng pangungulila niya kay

187
Tasya, at kasinglamig din ng pagdaralitang matagal nang nakayakap sa kanya. At
naramdaman niyang nagiginaw ang kanyang kaluluwa, naghahanap ng timbulan, ng
saglit na kaligayahan, at saglit na kapayapaan.

Humihiwa sa kanyang kamalayan ang katotohanan na mga ilang oras pa at madaling-


araw na at, hindi niya maunawaan, tumitindi ang kanyang pagnanasang huwag nang
makita ang umaga, at ang mga baryang nasa kanyang bulsa ay huwag nang sikatan ng
araw na nasa bulsa pa rin niya. Ibig niya ngayong galugarin ang lungsod, lumakad nang
lumakad, at mapadpad siya kahit saan. Ibig niyang matagpuan ang kapayapaan, kahit
sa dilim ng naghihingalong gabi, kahit sa tabi ng umaalingasaw na mga basurahan,
kahit sa madidilim at makikipot at mababahong mga eskinita, o kahit sa nagbabanta
nang mga patak ng ulan.

Madilim na madilim na sa kalangitan, at walang maaninaw si Andong ni isa mang bituin.


Lumabas siya sa bakuran ng simbahan. Parang wala sa sariling tinumbok niya ang
kalye Evangelista. Saglit siyang huminto sa panulukan, at inaninaw niya ang mga
mukha ng dalawang batang lalaking magkasiping sa loob ng munting kariton. At
naalaala niya si Totong. Kangina pa naghihintay si Totong… natutulog na marahil si
Totong.

Ginaygay niya ang bangketa, at sa suluk-sulok, hindi iilang pagal na katawan ng mga
bata at matanda ang inilugmok ng gabi sa pira-pirasong karton at pinagtagni-tagning
diyaryo. Lalong humihiwa sa kanyang kamalayan ang kahabag-habag niyang
kalagayan. At, naisip niya, hindi na marahil magtatagal, igugupo siya ng kanyang
karamdaman.

Bakit kinakailangan pa niyang mangarap nang mangarap? Masarap mangarap, ngunit


mapait kung alam mong hindi na matutupad. Paano si Totong kung wala na siya?

At nang lumiko siya sa isang panulukan, isang binatilyo ang sumulpot sa dilim, lumapit
sa kanya, at may inianas. At bigla ang pagbabangon ng damdaming sumuno sa kumpis
nang dibdib ni Andong.

Bakit wala si Tasya?

At hindi niya maunawaan kung bakit sa kalagayan niyang iyon, nakuha pang sumuno
ang damdaming iyon. Marahil, sapagkat siya’y may puso, may utak, may laman at buto
at dugo. Huminto siya at inaninaw niya sa manipis na karimlan ang mukha ng binatilyo.
Sinalat-salat niya ang mga baryang nasa kanyang bulsa at nang maisip niyang
pinagpalimusan niya iyon, iglap na lumusob sa kanya ang di mawaring paghihimagsik.

“Magkano?”

Ngumisi ang binatilyo at itinaas ang kanang palad na nakatikom ang hinlalaki at
nakaunat ang apat na daliri.

188
Iniahong lahat ni Andong sa bulsa ng kanyang pantalon ang mga baryang naroroon,
dalawang ulit niyang dinaklot at iniabot sa binatilyo. Nagkislap-kislap ang mga baryang
iyon nang bilangin ng binatilyo sa tama ng liwanag ng bombilya ng posteng malapit sa
panulukan.

“Sobra ho ito,” sabi ng binatilyo.

“Iyo na.” Paos ang tinig ni Andong.

Magkasunod na nilamon ng madilim at makipot na eskinita na nasa pagitan ng


dalawang lumang aksesorya ang yayat na kabuuan ni Andong at ng binatilyo.
Tinalunton nila ang nagpuputik na eskinitang iyon hanggang sa sumapit sila sa
kalagitnaan. Huminto ang binatilyo, at huminto rin si Andong.

Sa manipis na karimlan, nabanaagan niya ang ilang babaing magkakatabing nakaupo


sa bungad ng isang pinto ng aksesorya. Pumako ang tingin ng mga iyon sa kanya at
naghagikhikan.

Bakit wala si Tasya? Ibig niyang makita, himasin ang mukha ni Tasya. Ibig niyang
madama ang init ng katawan ni Tasya.

Itinuro niya ang babaing nasa gilid ng pinto. Tumayo ang babaing iyon. Payat iyon,
mataas, manipis ang labi, singkit, pango. Sumunod siya nang pumasok ang babae sa
aksesorya at, sa ulunan ng radyo-ponograpong hindi tumutugtog, nakapako sa dinding
ang karatulang tisa na may pulang mga titik na GOD BLESS OUR HOME.

At dinalahit ng ubo si Andong nang lumabas siya sa silid na iyong marusing at marumi
at may kakaibang alingasaw at nakakalatan ng lukut-lukot na tissue paper ang mahina
nang suwelong tabla. At sumanib sa sunud-sunod na pag-ubo ni Andong ang matinis
na halakhak ng mga babaing nasa bungad ng pinto ng aksesorya.

MALAMIG at madilim at malungkot ang daangbakal at, sa langit, ang bunton ng


makakapal at maiitim na ulap ay bibitin-bitin na lamang sa kalawakan. Ang madaling-
araw ay nailuwal na ng gabing nagdaan, ngunit madilim na madilim pa at waring hindi
na daratal pa ang umaga.

Kumislot si Totong nang pumasok si Andong sa barungbarong. Ibig pa niyang lumakad


nang lumakad hanggang sumisigid sa kanyang kaluluwa ang lamig ng pagdaralitang
hindi niya matakasan, at isasama niya si Totong upang hanapin nila ang kapayapaan,
kahit sa malalaki at masinsing patak ng ulan na ngayon ay naglagi-lagitik sa
kalawanging bubong ng mga barungbarong.

“Totong,” paos ang tinig ni Andong.

Dumilat si Totong, kinusut-kusot ang mga mata, tumingin sa malamlam at waring


namamaalam na ningas ng gasera.

189
“Totong,” lumuhod si Andong sa tabi ng anak at hinimas ang payat na kabuuan ni
Totong.

Bumangon si Totong.

“Me uwi kang pansit, ‘Tay?” Iginala ni Totong ang tingin sa kabuuan ng nagiginaw na
barungbarong, lumungkot ang mukha nito nang mapansing walang nakapatong na
supot sa mesitang yari sa pinagputul-putol na tabla.

Nangilid ang luha ni Andong.

“Ba’t ‘ala kang uwing pansit ngayon, ‘Tay? Kahapon, saka noon pa, lagi kang me uwi.
Ba’t ‘ala kang uwi ngayon, ha, ‘Tay?

“Bibili tayo.”

“Senga, ha, ‘Tay?” Namilog ang mga mata ni Totong.

Tumango si Andong.

“Kelan?” Nangulimlim ang mukha ni Totong.

“Ngayon.”

Napalundag si Totong.

“Saka pandesal, ha, ‘Tay! Saka ‘yong tulad nang uwi mo noong ‘sang gabi, ‘yon bang
masarap, ‘yong me lamang keso!”

Hinawakan ni Andong ang kamay ni Totong. Inakay niya ito palabas ng barungbarong.
Sa labas, ang ulan ay patuloy sa malakas na pagbuhos. Ang mga barungbarong ay
nagiginaw, nagsisiksikan, at waring hindi kayang bigyang-init ng nag-indak-indak na
ningas ng mga gasera. Sa diwa ni Andong, nagtutumining ang isang kapasiyahan.

Masarap mangarap, ngunit mapait kung alam mong hindi na matutupad.

“Umuulan, ‘Tay. Maliligo tayo sa ulan, ‘Tay? Tuwang-tuwa si Totong.

Dinalahit ng ubo si Andong paglabas nila ng barungbarong, sunud-sunod, mahahaba.


Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Totong. Nagsayaw-sayaw sa kanyang
katawan ang malamig na malamig na patak ng ulan. Waring nananangis ang mga
bubungang yero ng mga barungbarong, tumututol sa sunud-sunod, nagmamadaling
mga patak ng hindi masawatang ulan.

Uubu-ubo, pahapay-hapay na inakay ni Andong si Totong. Sumampa sila sa


daangbakal. Lumuksu-lukso pa si Totong, nilalaru-laro ang masinsing mga patak ng
ulan,. Tinalunton nila ang riles na iyong hindi alam ni Andong ang puno at dulo.

“Malayo pa, ‘Tay? Sa’n me tindang pansit, ha?” mayamaya’y tanong ni Totong.
190
“Ma…malapit na, Totong.” Pamuling dinalahit ng ubo si Andong, at lalong humihiwa sa
kanyang kamalayan ang kahabag-habag niyang kalagayan.

Nagpatuloy sila sa paglakad. Lalong lumalakas ang ulan. Lalong tumitindi ang
pagnanasa ni Andong na huwag nang makita ang umaga, at ang maraming-marami
pang umagang darating.

Darating na ang kapaypaan… darating na iyon.

“Malayo pa ba, ha, ‘Tay?” pamuling tanong ni Totong. “Gutom na ‘ko, ‘Tay. Pansit, ha,
saka ‘yong me palamang keso.”

Hindi sumagot si Andong. Naramdaman niya na waring hinahalukay ang kanyang


dibdib, nagsisikip. Nangangati ang kanyang lalamunan. Muli siyang inubo, tuyot, sunud-
sunod, mahahaba, at waring hindi na niya kayang magpatuloy sa paglakad. Napaupo
siya sa riles, hawak-hawak pa rin niya ang kamay ni Totong at, kahit nanlalabo ang
kanyang paningin, nababanaagan niya ang malungkot nang mukha ni Totong;
nagtatanong ang mga mata nito, kukurap-kurap.

Yumayanig na ang riles, naramdaman ni Andong, at humigpit ang pagkakahawak niya


sa kamay ni Totong. Tumingin siya sa pinagmumulan ng dagundong ngunit madilim pa,
kahit mag-uumaga na. Ang kalawakan ay lalong pinadidilim ng masinsin at malalaking
patak ng ulan na waring galak na galak sa pagbuhos.

Sa malayo, ang dagundong ng tren ay papalapit, papalakas. Yumupyop na si Totong sa


tabi ni Andong.

‘Tay, uwi na tayo! ‘Yoko na sa ulan. ‘Yoko na ng pansit,” parang maiiyak si Totong.

Rikitik…rikitik…rikitik…wooo… wooo!

Papalapit iyon, papalakas, papabilis.

Dumapa si Andong sa riles ng tren. Patuloy siyang dinadalahit ng ubo. Naramdaman


niyang nagwawala si Totong sa kanyang pagkakahawak.

Rikitik…rikitik…rikitik…rikitik…woooo…woooo!

“‘Tay!”

Nilamon lamang ng malakas na malakas nang dagundong ng tren ang sigaw ni Totong.
Nagdudumilat sa harapan ang dalawang ilaw ng rumaragasang tren.

Sintesis:

191
Kung lilikha ng maikling kuwento, tungkol saan ito at paano ito makakatulong upang
mas lalong maunawaan ng mambabasa ang kaniyang lipunan, kapwa at/o sarili.

192
NOBELA

193
I. Kahulugan, Kasaysayan at Kabuluhan ng Nobelang Filipino

Layunin:

Inaasahan ang mga mag-aaral na matugunan ang mga sumusunod:

1. Matukoy ang kahulugan ng nobela


2. Malaman ang kasaysayan ng nobelang Filipino at kasalukuyang kalagayan nito
3. Makilala at mabasa ang ilang katangi-tanging nobelang Filipino
4. Mabigyang pansin ang halaga ng nobela sa paghahanap para sa pambasang
pagkakakilanlan

Dapat basahin: Where in the World is the Filipino Writer? ni Resil Mojares

Maikling Talakayan

Ano ang nobela?

Pinakilala ni Lukacs sa libro niyang “Theory of the Novel” ang terminong


“transcendental homelessness,” alienasyon. Ito ang nararamdaman natin ngayon, iisa
lang ang uri ng buhay sa ilalim ng argina. Ito ang nagbibigay sa mga nobela ng argina
ng pagiging unibersal. Sabi ulit ni Lukacs, “the novel is the epic in a world abandoned
by God.”

Sa epiko, bilang naunang genre, sinusukat ang bawat kilos natin ng mga diyos.
Magtatagumpay tayo o hindi base sa pabor na ibibigay ng mga diyos sa atin.
Nagtagumpay sina Hercules, Odysseus, Achilles, etc dahil sa mga diyos. Pero wala ng
diyos sa panahon ng modernong nobela, napalitan na ang mga diyos ng kapitalismo at
alienasyon.

Ayon naman kay Frederic Jameson sa kanyang essay “‘Third World Literature in the
Era of Multinational Capitalism” tinawag niya ang nobela bilang modelo ng “national
allegory” o pambansang alegorya. Para kay Jameson, ang third-world literature ay mga
panitikan na ginawa ng mga manunulat mula sa mga bansang postcolonial. Ito raw ay
“nationalistic” o nagpapakita ng “nasyonalismo”:

This argument rests on the idea that all “third-world” literatures are nationalistic in a way
that has been surpassed in the West with its ‘global American postmodernist culture’.
And that this nationalism can be problematic for Western readers as it has a ‘tendency
to remind us of outmoded stages of our development.

194
Pinapakita ni Jameson na ang karanasan ng isang indbidwal sa apektong kultural,
ekonomiyal at pulitkal ay alegorya nang kabuaang kalagayan ng bansa. Sa madaling
sabi, ang personal ay pambansa:

The story of the private individual destiny is always an allegory of the embattled
situation of the public third-world culture and society.

Kasaysayan ng Nobelang Filipino

Sa pangkalahatan, ang nobelang Filipino o Nobela sa Pilipinas ay ang mga nobelang


nalimbag sa Pilipinas na inakdaan ng mga may-akdang Pilipino tungkol sa mga Pilipino
at sa Pilipinas. Maaari itong nasusulat sa wikang Tagalog, wikang Pilipino, o wikang
Filipino, iba pang mga wika sa Pilipinas, at mga wikang dayuhan na katulad ng Ingles at
Kastila.

Ayon kay Virgilio S. Almario, naging impluwensiya sa ilang mga nobelistang Pilipino ang
sumusunod na mga akdang banyaga: ang Hudeo Errante (1844) ni Eugene Sue, ang
Conde de Montecristo (1844–46) at ang La Dama de las Camellias (1848) ni Alexandre
Dumas, ang Les Miserables (1862) ng mga Kastila.

Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong Panahon ng Kastila na


may paksain tungkol sa relihiyon, kabutihang-asal, nasyonalismo, at pagbabago.
Nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyang panahon.

Panahon ng Kastila:

Ang Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan


na nilalathala upang siguraduhin na walang ano mang paglaban sa pamahalaang
Kastila.

Mga uri ng nobela sa panahon ng Kastila:

 Nobelang panrelihiyon: nagbibigay diin sa kabutihang-asal


 Nobelang mapaghimagsik: nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, pagbabago, at
diwang nasyonalismo

Halimbawa ng nobela noong panahon ng Kastila:

 Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal na tungkol sa


paghihimagsik
 Doctrina Christiana (1593) ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva
na tungkol sa relihiyon

195
 Urbana at Felisa ni Padre Modesto de Castro na tungkol sa kagandahang-asal at
relihiyon
 Barlaan at Josaphat (1703) ni Padre Antonio de Borja na tungkol sa relihiyon
 Ninay ni Pedro Paterno (unang nobela)
 Ang Bandido sa Pilipinas ni Graciano Lopez-Jaena noong panahon ng
propaganda na tungkol sa paghihimagsik at pag-aaklas

Panahon ng Amerikano:

Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela noong panahon ng Amerikano,


ang Panahon ng AklatanBayan (1900–1921), Panahon ng Ilaw at Panitik (1922–1934)
at Panahon ng Malasariling Pamahalaan (1934–1942). Noong Panahon ng Akalatan,
naging maunlad ang nobela na tumatalakay sa mga paksain tungkol argin-ibig,
paghihimagsik, buhay lalawigan at karanasan. Inilalathala sa mga pahayagan ang mga
nobela na payugtu-yugto o hinahati sa parte ang nobela sa mga kabanata. Si Lope K.
Santos, ama ng Balarilang Tagalog ang nagsimula ng ganitong paglalathala.

Halimbawa ng mga pahayagan:

 Ang Kapatid ng Bayan


 Muling Pagsilang
 Ang Kaliwanagan

Halimbawa ng nobela na nilathala sa pahayagan:

 Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos


 Unang Bulaklak ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kaliwanagan
 Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kapatid ng
Bayan
 Mag-inang Mahirap ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Muling
Pagsilang
 Sampaguitang Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado

Noong Panahon ng Ilaw at Panitik, hindi naging maunlad ang nobela at nahalina ang
mga nobelista na sumulat tula at maikling kuwento.

Halimbawa ng nobela sa pahanon na ito:

 Mutyang Itinapon ni Rosalia Aguinaldo


 Magmamani ni Teofilo Sanco

Noong panahon ng Malasariling Pamahalaan, bumaba ang uri ng nobela dahil sa


pagkakahilig ng mga tao sa mga tula at maikling kuwento at pagbabago ng panahon.

196
Panahon ng Hapon

Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan sa
materyales (papel) at niliitan ang mga letra (sa Liwayway)

Halimbawa ng nobela sa panaho ng Hapon:

 Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz


 Sa Lundo ng Pangarap ni Gervacio Santiago
 Lumubog ang Bitwin ni Isidro Castillo
 Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo

Panahon ng Republika (1946–1972)

Noong panahon ng Ikatlong Repulika ng Pilipinas, walang pagbabago sa argina ng


pagsulat ng nobela at naging tradisyunal. Tumatalakay ng mga paksain tungkol sa
nasyonalismo, isyung panlipunan at naglalayong mang-aliw ng mambabasa.

Halimbawa ng nobela sa panahon ng Republika:

 Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo Reyes


 Binhi at Bunga ni Lazaro Francisco
 Dekada 70 ni Lualhati Bautista
 Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez
 Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
 Daluyong ni Lazaro Francisco

Bagong Lipunan (1972-kasalukuyan)

Noong panahon ng batas arginal hanggang kasalukuyan, tumatalakay ang mga nobela
ng mga paksain tungkol sa reporma, pag-ibig, ugaling Pilipino, pamilya, pangaraw-araw
na pamumuhay. Nagbalik ang nobela sa romantisismo na nailalathala sa Liwayway at
nasa pamantayang pangkalakalan (commercial).

Halimbawa ng nobela sa panahong ito:

 Ginto ang Kayumangging Lupa ni Dominador Mirasol


 Maling Pook, Maling Panahon, Dito, Ngayon ni Lualhati Bautista
 Tubi-tubi Wag kang Magpahuli Sa Mamang Salbahe ni Jun Cruz Reyes
 Ficcion ni Edel Garcellano

197
 May Tibok ang Puso ng Lupa ni Bienvidio Ramos
 Hulagpos ni Mano de Verdades Posadas
 Sebyo ni Carlos Humberto

Ano ang nangyari sa kasalukuyang panulat?

Matapos balikan ang maikling kasaysayan ng nobelang Filipino, maiging makita rin
kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng panitikan sa Pilipinas arginal i ang nobela.
Bilang panimula, magandang balikan ang sanaysay ni Resil Mojares, “Where in the
World is the Filipino Writer?”

Binigyang pansin ni Resil ang ideya ng “invisibility” ng mga Pilipinong manunulat sa


“world literary spaces” kahit na binabasa ang mga nobela ni Rizal at ng iba pang mga
akda ng mga Pilipinong manunulat sa iba’t-ibang dako ng daigdig. Para sa kanya,
problematiko ang kalagayan ng patikan sa Pilipinas dahil sa sosyo-politakal, sosyo-
ekonomikal at sosyo-kultural na problema ng ating bansa. Bukod pa rito, tila napako
ang karmihang manunulat na ang pasaporte tungo sa panitkan ng daigdig ay
pagsusulat sa ingles. Sa huli pinapaalalahan ni Resil ang mga Pilipinong manunulat
kung paano maaaring maipapakita ang karanasan at maririnig ang boses ng Pilipino
gamit ang panulat:

The important thing is not to wonder whether we are visible to the world but to ask how
fully visible we are to ourselves. It is by becoming fully visible ourselves that, I trust, we
shall be visible to others.

Sabi ni Rolando Tinio sa aklat ni Soledad Reyes “From Darna to ZsaZsa Zaturnah:
Desire and Fantasy”:

We continue to use English in all our literary exercises, apparently unaware that a
foreign language can only express foreign thoughts, and that the richness in the
deepest portions of our minds remains untapped even by our most felicitous turns of
phrases. We remain as disoriented as before, since we cannot really see or feel what
we ought to see or feel. The Filipino world becomes translated into a glossary of
English terms. Filipino relationships are forced into logic of English sentences: the world
—we tend to forget—is never anything to us except as it becomes a world of words.

Sa kritisismo, sa tingin siguro nila, ay katanggap-tanggap ang lenggwaheng ingles. O


ito pa nga ang lenggwaheng dapat tanganan; ang larangan kung saan dapat ilunsad
ang mga atake sa kadahilanang ito ang mismong lenggwaheng sinasalita ng mga
kaaway ng ating wika na nangyaring naroon sa mga metropole ng kanluran. Subalit

198
hindi maitatanggi na marami na ring “sumita” sa ginagawang ito ng mga intelektwal at
kritiko, halimbawa na lamang ay si Zeus Salazar. Samantala, ang pinapatungkulan
siguro ni Tinio sa sipi ay ang “creative” na aspeto ng arginal i na mangyaring
dinodomina ng mga nagsusulat sa Ingles. Ang mga tula, nobela, at ano mang anyo ng
malikhaing pagsulat bilang repleksyon ng siko-kultural na konstitusyon ng isang bayan
ay dapat ilahad sa katutubong lenggwahe ng argin iyon, kung hindi, mangyayari ang
sinasabi ni Tinio.

Nabanggit na rin ni Homi Bhabha ang naturang problematiko sa kanyang “on mimicry
and man” isang konstitutibong sanaysay ng librong “location of culture.” Ang tawag niya
sa phenomenon na ito ay “mimicry,” kung saan:

Within that conflictual economy of colonial discourse which Edward Said describes as
the tension between the synchronic panoptical visions of domination—the demand for
identity, stasis and the counter pressure of the diachrony of history—change, difference
—mimicry represents an ironic compromise. If I may adapt Samuel Weber’s formulation
of the marginalizing vision of castration, then colonial mimicry is the desire for a
reformed, recognizable Other, as a subject of a difference that is almost the same, but
not quite. Which is to say, that the discourse of mimicry is constructed around an
ambivalence; in order to be effective, mimicry must continually produce its slippage, its
excess, its difference.

May interbensyong nagaganap sa mimesis, proseso ng mimicry, ang naturang


interbensyon ay upang arginal ing “perfect-Other (iyong may parehas na siko-kultural
na konstitusyon)” ng colonial “I” ang mga katutubo. Binanggit ni Bhaba na ang diskurso
ng mimicry ay itinatag sa palibot ng isang “ambivalence” ang ambivilance rito ay ang
estado ng simultanyong pag-iral ng katutubong kultura at bago/mananakop na kultura
na siyang gumugulo sa utak ng isang manunulat at siyang nagiging dahilan ng
“disorientation” na sinasabi ni Tinio, na “disturbance” naman ayon kay Fanon.

Nang dumating ang dekada sisenta, ito marahil ay ibinunga ng politikasisasyon ng mga
manunulat sa Inggles, na idinulot ng pag-lakas ng kilusang nananawagan para sa
pambansang demokrasya na nanawagan rin ng pagbubuo ng panulatang proletaryo, na
sa katutubong lenggwahe lamang maisusulat. Ito marahil ang patunay sa sinasabi ni
Resil na sa katutubong lenggwahe o “homeland” lamang makikita ang kaluluwa ng
bayan.

Narito ang ilan sa mga inirerekomendang nobelang Filipino na maaaring basahin:

1. Maikling Imbestigasyon ng Isang Mahabang Pangungulila ni Edel Garcellano


2. Etsa-pwera ni Jun Cruz Reyes
3. Ang Dugo sa Bukang-Liwayway ni Rogelio Sikat
4. Lila Ang Kulay ng Pamamaalam ni RM Topacio Aplaon

199
5. Makina ni Mang Turing ni Ramon Guillermo
6. The Woman Who Had Two Navels ni Nick Joaquin
7. Stainless Longganisa ni Bob Ong
8. Ang Banal na Aklat ng mga Kumag ni Allan Derain
9. Walong Diwata ng Pagkahulog ni Edgar Calabia Samar
10. Sa Amin sa Dagat-Dagatang Apoy ni Mayette M. Bayuga
11. Para kay B ni Ricky Lee
12. It’s a Mens World ni Bebang Siy
13. Makinilyang Altar ni Luna Sicat Cleto
14. Ang Aso, Ang Pulgas, Ang Bonsai at ang Kolorum ni Joey Munsayac
15. Canal de la Reina ni Liwayway Arceo
16. Colon ni Rogelio Braga
17. Gerilya ni Norman Wilwayco
18. Aklat ng Mga Naiwan ni Amado G. Mendoza III
19. Mga Ritwal, Sumpal at Panata: Kalipunan ng Tatlong Maikling Nobela ni Levy
Balgos Dela Cruz
20. Hari Manawari ni German Gervacio

Where in the World is the Filipino Writer?

Dr. Resil B. Mojares


National Artist for Literature
Professor Emeritus, University of San Carlos

{1} In a remarkable book entitled The World Republic of Letters (2004), French scholar
Pascale Casanova traces the historical formation of what she calls “world literary
space.” World literary space, she says, has its own capital(s), its provinces and borders,
its forms of communication, its systems of reward and recognition. It is a world
dominated by “big” languages and “big” literatures, with capitals like Paris, London, New
York, Barcelona – and, on the other hand, “small” languages, “small” literatures that
have either been annexed to dominant literary spaces or are invisible outside their
national borders.1 A world constituted through competition, hierarchy, and inequality,
what the French idealized in the eighteenth century as a “world republic of letters” is in
fact (in Casanova’s telling) more an empire than a republic.

{2} One can ask: Where in this empire of letters is the Filipino writer?

While Casanova’s book has been criticized as too Eurocentric, it is quite


remarkable for the international breadth of its material. I have not read a book of literary

200
scholarship as broadly “international” as this one. Casanova ranges through an
impressive mix of writers: from Argentinian Julio Cortazar, Portuguese Antonio Lobo
Antunes, Kenyan Ngugi wa Thiong’o, Serbo-Croatian Danilo Kis, and Japanese
Kenzaburo Oe, to others less well-known, like the Algerian Kateb Yacine, Somali
Nuruddin Farah, and Iranian Sadiq Hidayat.

Southeast Asia and the Philippines do not appear in Casanova’s book. I am not
complaining. Examples, in a field so vast, are necessarily selective; or perhaps she has
not simply traveled this far. Yet, one cannot but be nudged by the thought that, indeed,
we may be among the arginal and the invisibles, even more marginal, more invisible.

What does being “small” or “marginal” mean? “Smallness” is not a simple matter
of size or number, the size of a territory or population, the numbers of speakers and
readers in a language. The Philippines has a territorial size equal to that of Poland, but
we do not have contemporary writers of the stature of Czeslaw Milosz, Witold
Gombrowicz or Wistawa Szymborska. We have a population five times larger than that
of Chile, but we cannot claim as remarkable a roster of writers—Nobel Prize winners
Gabriela Mistral and Pablo Neruda, Nicanor Parra (considered the best living poet in the
Spanish language), the novelist Jose Donoso, today’s literary sensation Roberto
Bolano, and (if you wish) Isabel Allende, whose novels have sold more than 50 million
copies worldwide. There is twice the number of native speakers in Tagalog than in
Catalan, but I do not think we have matched the vitality and reputation of Catalan
writing.

This is not to say that size does not matter. V.S. Naipaul abandoned his small
island of Trinidad for the glory that is England, believing (as he says rather
superciliously) that “small countries breed small imaginations.” And then there is the
case of the writer E.M. Cioran, who left his impoverished Romania, moved to France,
and at the age of thirty-six decided to switch language from Romanian to French.

But it is, as I have said, not just a question of physical and demographic size.
Obviously, we have to think of the whole historical process (political, economic, as well
as cultural) to explain how centers and margins, “big” and “small,” the dominant and the
dominated, the visible and the invisible, are created. It is a history I do not have the
appetite to rehearse, and one you don’t really want to hear again.

{3} I would rather ask: How does the Filipino writer escape invisibility?

The examples of Naipaul and Cioran point to one way: writing in a “big”
language.

201
Colonized by Spain and the United States, we are no strangers to writing in big
languages. Our greatest writer, Jose Rizal, wrote in Spanish. Self-published in Berlin,
his Noli me Tangere would be reprinted in Spanish in Spain and Latin America,
published in French in Paris, in English in England and the United States, and, in the
Philippines, in Spanish, English, and various Philippine languages. Recently, Penguin
consecrated Rizal’s two novels by publishing them in its “world classics” series, and this
December, the Spanish government is staging a Rizal Exhibition in Madrid to showcase
Rizal as one of the great writers of “the Spanish-speaking world.”

We appreciate the wondrous possibilities of writing in another language, but we


also know its cost and consequence, or lack of consequence. Rizal was perfectly
aware of cost and consequence. He did not choose Spanish because he wanted to
crash into the international market. He chose Spanish because (as a well-educated
colonial subject) it was the language he knew best, and, more important, because he
aimed to speak to power in its own language (addressing Spain and Europe, for which
reason he also considered writing the novel in French) – even as he sought, in the
mode of `double address’, to speak to his own people as well. And, in the end, when he
decided it was politically more important to speak to his own people, he attempted to
write his third novel in Tagalog. The novel was not finished. Rizal realized he did not
know his own language enough; more decisively, he ran out of time; the Spaniards
executed him.

Rizal’s keen sense of the politics of language was not to be found in the first
generation of writers who, now under the spell of U.S. colonial rule, wrote in English. In
their early twentieth-century romance with the English language, Filipino writers saw
English as their ticket to the world (which, at the time, mostly meant the United States),
claimed themselves “heirs to Shakespeare,” dreamed of “making it” in the American
book market, and hankered for recognition in the United States. There is the story
(pathetic and comic, perhaps apocryphal) of the poet Amador Daguio, earnestly sending
samples of his poetry to the American critic Yvor Winters, who returned them with the
note dismissing Daguio’s creations as the sort that could be fashioned out of the pages
of the San Francisco telephone directory. The rejection sent Daguio to such a state of
depression he contemplated committing suicide.

{4} Writing in English (even writing in English well) does not guarantee that one will be
read ‘in the world’. (The Chinese and Japanese write in their own languages and have
a much larger international readership than Filipino writers in English have.) And writing
for an outside readership has its costs as well in the kinds of dependency or pandering
it fosters—as in the case of literature that bends and falsifies local realities to suit a
taste for the quaint, bizarre, or exotic in the foreign book market, or, at the other
extreme, the suppression, dilution, or loss of difference that results in a writer
202
disappearing from one’s homeland as he or she is incorporated or absorbed into other,
more dominant spaces. One is reminded of Naipaul’s acerbic remark on contemporary
Indian writing in English:

… no national literature has ever been created like this, at


such a remove, where the books are published outside,
judged by people outside, and to a large extent bought by
people outside.2

The remark is unfair: Naipaul is thinking of Indian writing in the diaspora rather
than the body of work produced in India itself. But his point is important. As Gabriel
Garcia Marquez, speaking of early Latin American writing: “The interpretation of our
reality through patterns not our own serves only to make us ever more unknown, ever
less free, ever more solitary.”3

{5} If “a writer’s language,” as it has been said, “is his homeland,” what homeland does
one, in choosing a language, inhabit or build?

Asked what homeland means to him, the novelist Roberto Bolano (who
loves to be contrary) replied: “… my children… maybe a few instants, a few
streets, a few faces or scenes or books that live inside me.” “It’s possible to have
many homelands… but only one passport, and that passport is obviously the
quality of one’s writing… which does not only mean writing well but incredibly
well.”4 Bolano is right, of course, about the passport (but then again, it is not
always true), and he is, in a way, right in suggesting that “homeland” means
something beyond language itself. It is that location from which we look at the
world, the place out of which we write and speak, the person we are, but also
that which, because we have chosen it as home, we call “nation.”

For the individual writer, there is a wide, diverse range of artistic positions,
strategies, and solutions to the problems of both language and location. It will all
come down to the choices the individual writer makes. But if we must speak of
the Filipino writer – with what that conveys of the distinctness of nationality – we
have to speak of the conjunction of choices Filipino writers, as a definable
formation, make.

{6} I know that there are many who think that notions of nationality are romantic and
outdated, citing, for one, hybridities of language use and the role of translation – writers
who write in two or more languages, merge languages, write between languages (or, as
Jimmy Abad puts it, from a language instead of in a language); writers who cross
language borders by being translated. Or one can cite the case of writers who have
203
become truly “international,” not only by virtue of being translated into many languages
but by becoming “world citizens,” traveling, maintaining residences in New York and
Buenos Aires, or London and New Delhi; writing authoritatively not only on their
homeland of Trinidad or Great Britain but Asia, Africa, and the rest of the world. But
how many writers enjoy or claim such a status?
I do not think we have to worry about the specter of a “narrow and insular”
nationalism. No one should speak to us as if we have not heard of “globalization.” The
first book authored by a Filipino was a Tagalog manual for learning Castilian (Tomas
Pinpin’s Libro, 1610); the first book of poetry written by a Filipino was a book of verses
in Latin (Bartolome Saguinsin’s Epigrammata, 1766); and the first novelist in Tagalog
(Gabriel Beato Francisco, writing between 1890 and 1910) wrote in a pastiche of
journalism, historical chronicle, and metrical romance, that, at a time when the “modern”
had just began, was already “post-modern.”

And we have been a moving, migrating people, and not just in recent
times. A fact that may not be known to many (but the idea of which is not
surprising at all): In the 1860s, there was a small Filipino community in Cape
Town (South Africa), that started with a Filipino crew member of the U.S.
Confederate vessel Alabama who jumped ship when that which visited Cape
Town in 1863.5

We are, historically, a people open to the world – although a world that,


over the past century, has been heavily mediated by the English language and
the United States. Consider, for instance, what percentage of the inventory of
local bookstores and libraries are produced in the United States. What come to
us from Europe and the Middle East come by way of the United States?

Browsing in a country’s bookstores is a quick introduction to its people’s


mental environment. Walk into a big bookstore in Barcelona, and one finds that
roughly seventy percent of the books is in Spanish (a substantial part being
translations from non-Spanish works), and the rest sections for works in Catalan,
English, French, German, and even Italian. What the shelves convey is the
sense of a cosmopolitan literary space, but one that is also autonomous in the
dominance of local languages and the control exercised in the translation of
outside literature.

What impression would one have of the intellectual life of the Philippines
browsing in the National Book Store?

204
{7} We need to escape bias in our cultural formation by drawing more fully from
transnational influences, as we need to deepen our connection not only to a local or
national heritage but to a more broadly regional one as well.

The Latin American example is interesting. While Latin America can be


reckoned as one of the world’s dominated spaces, politically and economically,
its literature is dominant. This is occasioned, first of all, by its sheer size and its
use of a “world language” (Spanish). But this is also because of its creative
appropriation of a vast and rich indigenous tradition, its historical connections to
Europe and the United States, and the dramatic realities of its contemporary
history.

The “Latin American boom” that began in the 1960s did not well out of the
Andes but out of Latin America’s encounter with the world – whether we think of
Alejo Carpentier dreaming in Paris of creating a Carribean version of French
surrealism; Gabriel Garcia Marquez finding inspiration from early European
narratives of discovery and conquest, or Mario Vargas Llosa reading Spanish
metrical romances in Madrid.

What it has drawn from the outside has been fermented within the region
itself – in its deep collective memory of its past as well as its shared experience
of contemporary violence, corruption, and dictatorship. (Thus, Garcia Marquez,
combining the two, would find in the fabulous monsters of the European literature
of discovery a way of speaking of the monstrous marvels of modern dictatorship
itself.)

Then there is the fact that Latin American writing, for reasons of history
and geography, has become truly “continental,” rather than strictly “national.”
Typically, Latin American writers crisscross national borders, speak the same
language, publish in each other’s countries, and read each other’s works. Thus,
we do not think of Garcia Marquez or Jorge Amado as Colombian or Brazilian,
but, simply, “Latin American.” This is not just a case of outside perception but of
self-identification as well. When Roberto Bolano was asked, shortly before his
death, whether he considered himself Chilean (since he was born in Chile), or
Mexican (since his early career was spent in Mexico), or Spanish (since it was in
Spain that he eventually settled), he confidently replied: “I’m Latin American.” 6
(Blurring national boundaries, his Savage Detectives has been called “the great
Mexican novel.”)

How many of us can say, with equal confidence, that we are “Asians” or
“Southeast Asians”?
205
The comparison, of course, is grossly unfair. History consigned us to the outer
periphery of the Spanish Empire, and (despite current efforts of the Spanish
government to reincorporate us into the “Spanish-speaking world”), we are not, cannot
be, Latin America. History consigned us as well to being a small, distant, best-forgotten
outpost in the early days of the American Empire (even if that empire, though no longer
quite recognizable as the old one, is still with us). Three centuries of history disengaged
us from fully participating in the region we are in (call it “Asian” or “Malay”), and it is a
region that, in literary terms, we have not quite claimed as our own. Yes, the
comparison is unfair, but there are here lessons to be learned.
{8} How does Filipino writing become visible in the world? Where does one begin?

One or two books or writers winning international recognition will not


suffice (though, of course, it helps). The process must begin with (to use
Casanova once again) building “national literary space,” a space defined by its
claim to a different, autonomous literary identity, and one that is built up through
the accumulation and concentration of intellectual or literary capital, in the form of
a professional milieu of schools and academies, publishing houses, a large and
active community of writers and readers, its own systems of recognition and
reward, and, most important, a truly distinctive body of work. It requires the
articulation and expansion of a tradition that is, first of all, local, but one that
appropriates foreign and transnational influences as well.

Such accumulation does not come easy, and it is dependent on other forms of
capital, economic as well as political. Yet, this is the way by which “national literary
spaces” are built.

The important thing is not to wonder whether we are visible to the world but to
ask how fully visible we are to ourselves. It is by becoming fully visible ourselves that, I
trust, we shall be visible to others.

{9} If I have sounded too harsh and prescriptive, I ask for your indulgence. I shall draw
my excuse from the knowledge that writers feed on discontent as much as joy, and that,
in the pit of writing, there is really no difference between the two.

206
Mga gabay na tanong:

1. Ano ang ambag ng nobela sa paghahanap ng pambasang pagkakakilanlan?


2. Gaano kahalaga ang mga nobelang rehiyunal sa pagbubuo ng pambansang
panitikan?
3. Talakayin ang pahayag: “The interpretation of our reality through patterns not our
own serves only to make us ever more unknown, ever less free, ever more
solitary”
4. Sa iyong palagay, ano ang kinabukasan ng nobelang Filipino?

II. Pagninilay-nilay at Pagsusuri (Kritikal) ng Nobela


Layunin:
Inaasahan ang mga mag-aaral na matugunan ang mga sumusunod:

1. Malaman ang kahulugan ng ideolohiya sa kasalukuyang lagay ng lipunan sa bisa


ng pagtuturo ng panitikan sa bansa.
2. Masuri ang mga puwersang humuhubog sa ideolohiya ng mamamayang Pilipino.
3. Mabigyang katuturan ang paglulunsad ng pagbabago sa pedagohiya ng
pagtuturo ng panitikan sa edukasyon.

Dapat basahin: Panitikan, Ideolohiya, Rebolusyon: Edukasyon at Pedagohiya sa Bisa


ng Nobelang ‘Desaparesidos’ ni Lualhati Bautista ni E. San Juan Jr.

Maikling Talakayan

Tinalakay ni E. San Juan Jr. sa kanyang sanaysay ang politika ng ideolohiya na


makikita sa sistema ng edukasyon partikular sa pagtuturo at pag-aaral ng panitikan sa
bansa. Binigyang-diin niya ang banking system o sistemang pagbabangko sa
edukasyon kung saan ang guro ang umaaktong ‘depositor’ ng kaalaman sa klase at ang
mga mag-aaral naman ang ‘depositories’ o ang tumatanggap ng kaalaman mula sa
awtoridad. Ngunit hindi nagtatapos dito ang ganitong sistema, laging may umaaktong
‘investor’. Sa kaso ng sistema ng edukasyon, manipulado ng estado at iba’t ibang
institusyon nito ang kurikulum na ipamamahagi sa mga paaralan na siyang susundin sa
loob ng klasrum. Kaya naman, nalilimitahan ang mga paksang maaaring ituro sa klase.
Tulad na lamang sa asignaturang panitikan, mula elementarya hanggang sa kolehiyo,
itinuturo ang panitikan sa iba’t ibang antas tulad ng pambansa, panrehiyon o panitikan
sa iba’t ibang dako ng daigdig. Ngunit kung mapapansin, saan nga ba ito nakatuon?
Lagi’t laging tinuturuan ang mga mag-aaral ng panitikan na nakatuon sa moralidad o
yaong ano nga ba ang kabuluhan o aral ng kuwento. Kung pangangatwiranan, nasa
207
pormalismo nakaugat ang pagtuturo ng panitikang ibinabandila ng sistema ng
edukasyong mayroon tayo – sino ang mga tauhan? Saan ginanap ang mga
pangyayari? Ano ang climax? Sa huli nga ay ano ang aral na makukuha sa bawat
kuwento? Kaya naman, tulad nga ng sinabi ni San Juan, mabigat ang layuning ninanais
ng sistema ng K-12 na pagkintal ng kritikal na kamalayan sa mga mag-aaral sa lipunan
upang magkaroon ng transpormasyon o pagbabago sa kasalukuyang kalagayan ng
mamamayan. Hindi ito makatotohanan kung susuriin sa sistema ng edukasyong
mayroon ang bansa lalo na at lagi’t laging may paglilimita sa dapat matutuhan ng mga
mag-aaral. Ikinukulong tayo ng sistema na maging makasarili at mawalan ng
pagpapahalaga sa kapwa kaya naman nagiging layunin din maging ng pag-aaral per se
ay ang maging matagumpay sa buhay at matutuhan ang mga esensyal na bagay para
sa pagkamit ng sariling katagumpayan. Maging ang wika ay apektado sa
manipulasyong ito higit lalo na malawakang tinatanggap ang paggamit sa wikang Ingles
kaysa sa wikang Filipino sa pagtuturo maging sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan
ay higit na kinababaliwan ng mga mambabasa ang mga naisusulat sa Ingles na
kadalasan pa ay may tonong kanluranin o western.

Bukod sa estado at edukasyong manipulado ng nauna na humuhubog sa ideolohiya ng


mamamayan, may ambag din sa manipulasyon ang relihiyon na siyang humuhubog sa
moralidad, media na kumokontrol sa mga tunay o ‘facts’ ng mga pangyayari na dapat
lamang paniwalaan at pamilya na siyang pinaniniwalaang gabay sa paghubog ng
pagkatao. Ayon nga kay Chomsky, “how is it that oppressive ideological systems are
able to instill beliefs that are firmly held and widely accepted although they are
completely without foundation and often plainly at variance with the obvious facts about
the world around us?” o tinawag niyang Orwell’s Problem. Paano nga ba tayo
napapaniwala ng mga opresibong ideolohiyakal na sistema na tanggapin ang
kasalukuyang kalagayan ng lipunan na malinaw na walang basehan at salungat sa
tunay na mga nangyayari sa kapaligiran. Kung ipapaliwanag, ayon nga kay Rolando
Tolentino, paano nga ba tayo nasisiyahan sa danas ng malling kung alam naman nating
paglabas ng mall, naghihintay sa atin ang matinding trapiko? O kaya naman ay paano
nagiging katanggap-tanggap ang paglabag sa batas ngayong dumaranas ng Enhanced
Community Quarantine ang bansa ng mga tulad nina Koko Pimentel, Mocha Uson at
Debold Sinas samantala, hindi kayang patawarin ng batas ang mga lumabas ng walang
quarantine pass o kaya naman ay nag-angkas sa motorsiklo ng isang frontliner na nasa
hanay ng ordinaryong mamamayan?

Ano ang posisyon ng manunulat at mambabasa sa pagtatransporma ng kasalukuyang


sistema ng pagtuturo at pag-aaral ng panitikan na nakatuon sa layuning pagkintal ng
kritikal na kamalayan sa mga nagaganap sa bansa? Kung sa manunulat, kinakailangan
ang pagpapalawig sa Resistance Literature, binigyang kahulugan ito sa sanaysay ni
Tolentino na Pag-aklas, Pagbaklas at Pagbagtas: Politikal na Kritisismong

208
Pampanitikan bilang panitikan na nagpapahayag ng tunggalian ng mga uri o class
struggle ng bawat indibidwal na nasasabad sa iba’t ibang porma ng inhustisya sa
lipunan na isinusulat sa nakawiwiling pamamaraan ngunit naikikintal sa mga
mambabasa ang pagkakaroon ng kritikal na kamalayan upang masuri ang kasalukuyan
nilang kalagayan o sitwasyon. Ayon din kay Tolentino, posisyon naman ng isang
mambabasa ang maging (1) readerly at (2) writerly, nangangahulugan na hindi lamang
mambabasa ang isang nagbabasa kundi may layon din na makapagsulat kung saan
binabaklas nito ang awtor, akda sa lenteng panlipunan, historikal at (post)modernismo,
at ang proseso sa pagbuo ng akda bilang isa na ring kritiko. Sa ganitong pamamaraan,
hindi lamang itinatali ang pag-aaral sa panitikan sa pormalidad ng pagsusuri sa mga
akda. Tulad nga ng paghihimay ni Lualhati Bautista sa kanyang akda na Desaparesidos
ng mga suliraning panlipunan partikular ng panahon ng batas militar, kinakailangan ng
panitikan ang mga ganitong klaseng akda upang masugpo ang kawalan ng inhustisya
sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kritikal na kamalayan na magbubunsod sa
paghimok na magkaroon ng progresibong pagbabago sa aktuwal na kalagayan ng
lipunan.

Panitikan, Ideolohiya, Rebolusyon: Edukasyon at Pedagohiya sa Bisa ng


nobelang ‘Desaparesidos’ ni Lualhati Bautista

E. San Juan Jr.

1. Sa unang malas, umaayaw na o natatabangan ang marami sa pagkasulyap sa


salitang “ideolohiya.” Ano ba ito, propaganda o chika tungkol sa politika na hindi bagay
sa okasyong itong pagsunod sa binagong K-12 curriculum. Kung inyong nabasa ang
Batas at Memo ni Dir. Licuanan, nais daw hasain ang estudyante sa kritikal at
malikhaing pag-iisip upang itransporma ang sarili at kapaligiran. Naku, bigating layunin
ito. Idiniin din na kailangan daw iakma o iayon ang turo’t aralin sa global istandard.

2. Isa sa required reading sa mga kolehiyo sa Europa & mga bansa sa Aprika at
Amerika ang The German Ideology nina Marx at Engels. Tiyak na alam ng lahat na
bawal ang komunistang lathalai’t usapan sa mga klasrum, laluna sa panahon ng “Cold
War.” Tapos na ito sa buong mundo, pero patuloy pa rin tayo sa mentalidad ng
pagbabawal. Kung sa bagay, ngayon ang panahon ng “total surveillance,” & hanggang
ngayon, ang premyadong pelikulang “Orapronobis” ni Lino Brocka ay hindi
pinahihintulutang maipalabas sa publiko.

209
Sa ano’t anuman, ang “ideolohiya” ay salitang laganap na sa iba’t ibang sangay ng
aralin sa humanidades at siyensiyang sosyal. Hindi na dapat pagtalunan kung bakit
mahalagang siyasatin ang kaugnayan nito sa pagtuturo. Halimbawa na nga ang inyong
pagtaka o pagkamangha, kung nangyari nga, sa paglitaw nito sa programa.

3. Isa pang halimbawa: Malimit nating pasalamatan ang mga burokratang upisyal sa
pagtustos sa pagpupulong tulad nito. Sa katunayan, ang dapat pasalamatan ay mga
manggagawa, magbubukid at empleyadong tulad ninyo na siyang yumayari ng
kayamanan ng bansa. Ang lakas-paggawa ng karaniwang mamamayan ang
nagbubuwis ng halaga upang mangyari ang miting na ito, kaya sa kanila ang
pasasalamat natin–hindi sa mga politiko at kanilang “pork-barrel” na nakaw sa pagod ng
mga anak-pawis, bukal ng anumang kabihasnan.

4. Sa gayon, ang ideolohiya ay hindi lamang pumapatnubay na ideya o paniniwala


kundi kilos, gawi, praktika. Ito’y mga institusyong siyang gumagawa ng sabjek sa bawat
indibidwal. Ang sabjek ang siyang aktor na kinikilala, nagpapasiya, kumikilos, may
pananagutan.

Makikita sa relasyon ng titser at estudyante: “Hoy, makinig kayo!” giit ng guro.


Awtoridad ang titser, kinatawan ng Estado at siyang nagdedeposito ng kaalaman sa
basyong utak ng mga kabataan. Ito ang “banking method” ng edukasyon na tinuligsa ni
Paulo Freire. Galing ito sa mahabang karanasan natin sa disiplinang pedagohikal ng
kolonyalismong Espanyol at Amerikano.

Sa pagsakop ng ekonomiyang nakaangkla sa “exchange value” ng trabaho, wikang


Ingles ang instrumento sa paghulma ng sabjek ng malayang pamilihan–ipagbili ang
lakas-paggawa kung may bibili. Bagamat ang hangarin ng makabagong sistema ay
indibidwal na may nagsasariling katwiran (“autonomous rational mind,” naisaad ni
Immanuel Kant), kaiba ang resulta: ginagawang masunuring sabjek ang indibidwal sa
posisyon niya sa istruktura ng lipunan.

5. Ang lipunan ay katumbas sa ugnayan o relasyon ng mga sabjek. Hindi ito kumpol
lamang ng hiwa-hiwalay na inbidwal. Bawat identidad/kaakuhan–halimbawa, sabjek
bilang awtor, mambabasa, guro, atbp.–ay nabubuo lamang sa loob ng ugnayang
panlipunan. Samakatuwid, ang sabjek ay produkto ng pagkilala, pagtawag,
interpelasyon ng diskurso, praktika, institusyon.

Hindi kaakuhan/identidad ng awtor ang pinagmumulan ng kahulugan ng akda. Iyon ay


bunga ng diskurso, ng tekstong binubuo ng magkasalungatang puwersang nagsusulong
sa kasayaysan. Ang indibidwal ay ginagawang sabjek ng wika sa diskursong gamit ng
mga institusyong ideolohikal. Makapangyarihan ang asignatura sa panitikang Filipino sa
paglalantad ng sitwasyon kung saan ang wikang Ingles ay dominante pa rin, tanda ng

210
poder ng modernisadong oligarkiya, na bunyag nga sa paggamit ng “mother tongue” sa
unang baytang ng iskwela. Pahiwatig na sa kompitensiya ng wika, nananaig pa rin ang
poder ng bangko’t korporasyong global ng U.S., Europa, Hapon, at sirkulo ng
industriyalisadong bansa. Ang poder ay naisakatawan sa wikang Ingles, o sa mga
“englishes,” na bumubuhay sa gahum o hegemonya nito sa buong daigdig.

Sa pamamagitan ng mga institusyon at operasyong praktikal nito, kinikilalang sabjek


ang sinuman upang makaganap ng takdang tungkulin sa isang tiyak na lugar sa
kasaysayan ng lipunan. Gayundin ang awtor: batay sa institusyonalisadong praktika,
ang identidad ng awtor at gawa niya ay nakasalig sa pagtawag at pagkilala sa kanya ng
namamayaning pananaw–ang normatibong paniniwalang operasyonal sa gawi, batas,
atbp. kung saan nakasandig ang kapangyarihan ng dominanteng uri sa hinating
lipunan.

6. Walang sitwasyon na permanente sa kasaysayan. Lapatan natin ng historikal na


panimbang ang pabago-bagong pagtingin sa awtor at akdang itinuturo natin.

Namihasa tayong ipalagay na ang isang akda ay bunga ng henyo o talino ng awtor. Iba
noong sinaunang panahon: ang awtor ng epiko, korido, pasyon, atbp. ay kabilang sa
pangkat na naglilingkod sa lider ng tribu, ng simbahan o aristokrasya (tulad ni
Balagtas). Ginagabayan sila ng kombensiyon, determinadong kodigo, at panuntunang
institusyonal.

Nag-iba ito paglipas ng Renaissance; tuluyang humiwalay ang artisano’t naging


negosyante ng kanyang dunong sa sinumang bibili nito. Malaya na siya sa malas, pero
alipin naman ng pamilihan. Ganito pa rin ang sitwasyon ng awtor o sinumang
intelektwal (guro, peryodista, atbp) na walang pag-aari ng kailangang kagamitan upang
mabuhay.

Noong ika-19 siglo, umaklas ang mga artista laban sa burgesyang orden ng
kapitalismong industriyal. Batay sa romantikong pananaw, ang awtentikong galing ng
manunulat ay tiwalag sa burgesyang lipunan at indibidwalistikong pamantayan nito.
Itinuring na doon nagmumula ang kahulugan at katuturan ng akda. Kalaunan,
pinatingkad ito ng ideolohiya ng sistemang kapitalismo, bagamat ang normatibong
mapang-angkin ay tinuligsa nina Flaubert, Zola, Dostoevsky, Gorki, Dreiser,
Hemingway, atbp.

Ang rebelyon nina Villa, Abadilla, Amado Hernanez, at mga modernistang sumunod ay
sintomas ng krisis ng sitwasyon ng petiburgesyang intelektwal sa neokolonyang
predikamentong tumitingkad at lumalala ngayon.

Mga Gabay na Tanong:

211
1. Ano ang mga puwersang humuhubog sa ideolohiya ng mamamayang Pilipino?

2. Sa paanong paraan hinuhubog ng mga aparatong ito ang sistema ng lipunang


Pilipino?

3. Bakit kinakailangang kontrolin ng estado ang ipinapasang kaalaman sa mga


mag-aaral sa loob ng klasrum na isang kasangkapan sa paghubog ng
ideolohiya?

4. Ano ang dapat na maging pokus sa pagtuturo at pag-aaral ng panitikan sa


paaralan kung saan tinutugunan ang pagkakaroon ng kritikal na pag-unawa ang
mga mag-aaral sa mga suliranin ng bansa?

III. Pagbabasa ng Nobela

Videos hinggil sa proseso ng pagsusulat ng nobela

1. https://www.youtube.com/watch?v=qk-
Ih0y_O6o&feature=share&fbclid=IwAR2t5autbnzwpxt_vFaDxH4JaYGmINKQktq
0ieHbxe6enwF7YfbJDag4tkw
2. https://www.youtube.com/watch?v=kW-
sqe1wMrw&feature=share&fbclid=IwAR3ePno2IAFZ0t0C1Z7vJL-
N1onOrh8HMg0QFJY4d1o8CkfPfAYF9k6fyec
3. https://www.facebook.com/watch/?
v=966336313542434&external_log_id=eeacafce709b77cf9d4ed09238e3702b&q
=ricky%20lee%20bahay%20ni%20marta

Basahin ang nobelang Migrantik ni Norman Wilwayco

*Humingi ng epub/pdf file ng nobela sa instruktor

Paunang Salita sa Migrantik

Isang panibagong mundo, at sa pinakaunang pagkakataon, umahon mula sa


underground si Tony. Sa mga dating mambabasa ni Norman, mararamdaman, makikita,
at malalasahan ninyo ang pamilyar at bago, at mga bagay na tuwirang yayanig sa
inyong mga paniniwala.

Pagtataya

212
Magsulat at magpahayag ng damdamin, palagay, puna at pagsusuri sa nobelang
Migrantik ni Norman Wilwayco sa pamamagitang ng isa o hanggang dalawang
Teoryang Pampatinikan.

213
PELIKULA

214
PELIKULA BILANG TEKSTONG PAMPANITIKAN

PANIMULA

Matuturing na tekstong pampanitikan ang pelikulang Pilipino bilang bahagi ng


mga kalipunan ng mga akda o koleksiyon ng mga teksto na nilikha kahit saan ng mga
Filipino tungkol sa karanasan ng mamamayan, nabubuhay, kabahagi, o kaugnay sa
lipunang Pilipino. Ayon kay Lumbera (1994), ang panitikan, parehong nakasulat man o
oral at gamit ang kahit anong wika para lumikha ng akdang maglalahd ng buhay at
mithiin, ay maaaring nasa katutubong porma o hiram sa ibang kultura. Saklaw nito ang
popular na anyo para sa malawak na audience maging ang mga akdang para lamang
sa iilang intelektuwal. Sa ganitong katuturan, pasok na pasok ang pelikula sa
katuturang ito, kasama na ang batayan na hinahalaw ang awdyo-biswal na anyong ito
mula sa mga dulang pampelikula. Binabasa rin ang sine, ayon nga kay Lumbera (2000).

Sa Sining ng Sineng Filipino ng Young Critics Circle (YCC), ayon kay Patrick
Flores (2009), dapat nating pinag-aaralan ang pelikulang Filipino. Ayon sa kaniya:

Kung sisipatin ang mahahalagang yugto ng kasaysayan ng Filipinas, magpag-


aalaman na hindi hiwalay ang pakikisangkot ng sining ng pelikula sa pagbuo ng
pagbabago. Bagaman hindi matataguriang katutubong artikulasyon ng kulturang
Filipino ang sine, yamang ang teknolohiya ay inangkat sa Europa at Amerika,
nakaugat ang pelikula sa buhay ng Filipino. Mainam marahil sabihing
ipinapahayag ng pelikula ang diksurso ng transpormasyon: ang lipunan at
kasaysayan ay nagbabago, binabago, at nakapagpapabago (Flores & YCC,
2009a, p.4).

Ayon pa kay Flores at YCC (2009a, p. 9) na dapat “unawain ang sining ng


pelikula ay nakikibahagi sa potensiya ng ibang sining tulad ng pintura, eskultura, sayaw,
teatro, video, arkitektura, potograpiya, musika, at iba pang makabago at tradisyonal
ngunit kontemporaneong anyo.” Sinasabi niya na “mayabong at mayaman ang sining
ng sine dahil naaangkin nito ang samot-saring metodo at pilisopiya ng mga naturang
sining” (p. 9).

LAYUNIN

Layunin ng modyul na ito na bigyan ng partikular na pagpapahalaga ang pelikula


bilang tekstong pampanitikan sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga elementong bahagi
ng likhang sining na ito at pagsasagawa ng panonood ng mga pelikula upang bigyan
tayo ng kongkretong danas ng pagpapahalaga rito. Tulad ng tinukoy ng Young Critics

215
Circle, ang mga usaping teknikal sa sine ay “hindi nahihiwalay sa pagbubuo ng
kahulugan” ng panonood nito (Flores & YCC, 2009, p. 15).

9.1. PELIKULA BILANG ANYO

GAWAIN 9.1. (2 oras). BASAHIN ang “Ang sine bilang anyo” mula sa Sining ng sineng
Filipino na isinulat din ni Patrick Flores para sa YCC (2009b). Tukuyin ang mga
elemento ng pelikula na inihanay sa babasahin.

PAGTALAKAY 9.1.

Sa babasahing ito, tinalakay ng Young Critics Circle ang mga sumusunod (pp.
15-23):

1. Pagdederehe (directing) (sa orihinal na teksto, mas tinawag itong


"pelikula" ngunit nakalilito dahil sinasabing ang elemento ng pelikula ay pelikula):
Tumutukoy sa bisyon na nagbibigay ng sensitibo at matalas na atensiyon
kapuwa sa wika ng pelikula (“presentasyon”) at panlipunang realidad
(“representasyon”) upang sa proseso nito'y mabigyan ng bagong ayos ang mga
posibilidad ng pelikula; nakaatang ang pagbuo ng pelikula sa maraming tao pero
maaaring ituring ang direktor bilang giya o tagapanday ng direksiyong tinatahak
ng produksiyon pero hindi maaaring ipagpalagay na ang direktor ang kaisa-isang
may-akda o auteur o ang sentral na dunong sa pelikula (Flores & Young Critics
Circle, pp. 17-18).

2. Dulang pampelikula: Bunga ng malikhaing proseso ng pakikipagtuos sa


pagitan ng sumulat ng istorya at sa nagsasalin ng istorya patungo sa anyo ng
dulang pampelikula; katangian ng mahusay na dulang pampelikula ang pag-alam
at pagtuklas sa matalik na ugnayan ng salita o diskuro sa iba pang elemento ng
pelikula tulad ng ilaw o tunog o pagganap (Flores & Young Critics Circle, pp. 18-
19).

3. Sinematograpiya at disenyong biswal: Tumutukoy sa mise-en-scene at mga


katangiang biswal – disenyong pamproduksiyon, pagiilaw, direksiyon ng sining
ng mga biswal na epektos; mahuhusgahang masinop ang sinematograpiya at
disenyong biswal hindi lamang kung tapat ito sa kahingian ng teknik at
teknolohiya, kundi listo at magilas din itong inoorganisa ang mga motif o
simbolismong nag-uugnay sa mga elementong biswal; sa huli, hindi lamang ito

216
background, ito mismo ang produksiyon ng lunan ng kasaysayan sa pelikula
(Flores & Young Critics Circle, p. 20).

4. Editing: Pagtatagni-tagni ng mga eksena hindi lamang sa linear na lohika ng


umpisa, gitna, at katapusan, kundi sa masalimuot na mga ugnayan ng panahon
at espasyo, mga adhika ng karakter, pangyayari, at imahinasyon, bugso ng
damdamin, at hinahon ng kalawakan (implikasyon ng mga paraan kung paano
nasasalansan ang mga bahagi at ang kabuuan ng pelikula: sunuran o sabayan
ng eksena, paglukso ng mga imahen, pagputol ng kaganapan, pagbitin ng
resolusyon, paglaan ng pokus) (Flores & Young Critics Circle, p. 21).

4. Tunog: Tumutukoy sa paglinang sa mga aspektong may kinalaman sa tunog


sa pelikula – musika, likas na tunog, sound effects – habang isinasalunggat o
inaayon ang mga ito sa wika ng imahen upang maging makabuluhang sistema
ng pananagisag; hindi kinakailangang sabayan ng tunog ang imahen o saliwan
lahat ng eksena ng musika – minsan tahimik lamang ang pangyayari at walang
maririnig na tunog, ang kawalang ito ay singmakahulugan ng pagkakaroon ng
tunog o musika (Flores & Young Critics Circle, pp. 21-22).

5. Pagganap: Tumutukoy sa pag-arte, sa pagganap ng isang papel o tauhan na


nagsasangkot sa emosyon, damdamin at karanasan sa panlipunang kondisyon;
naisasabuhay ng lahat ng gumaganap – lalaki o babae, matanda o bata, sa
isang pangunahin o pansuportang papel, sa indibidwal o kolektibong pagganap;
isinasapuso ng gumaganap ang papel na kanilang ginagampanan at nakikibagay
sa ibang elemento ng pelikula, alintana na ang kanilang pagganap ay magiging
makabuluhan lamang sa diskurso ng sining ng sine (Flores & Young Critics
Circle, p. 22).

9.2. PELIKULA BILANG KARANASAN

GAWAIN 9.2.1. (dalawang oras)

PUMILI NG ISA SA TATLONG POSIBLENG GAWAIN:

1. PANOORIN ang pelikulang Himala (Carballo & Bernal, 1982/2014) sa iWant app
(premium account). Nasa dalawang oras at apat na minute ang pelikula.

2. PANOORIN ang dokumentaryong Himala Ngayon (Arguelles, Dalena, & Sicat, 2014)
sa YouTube (libreng panonood). Nasa dalawang oras.

217
3. BASAHIN ang iskrip ng pelikulang Himala na matatagpuan sa libro ni Ricky Lee
(2009). Maaari ding BIGKASIN ito ng klase mala-stage reading para mas bigyang-
buhay ng boses ang iskrip na binabasa.

GAWAIN 9.2.2. (isang oras)

BASAHIN ang artikulo kaugnay ng paggawa ng pelikulang Himala na makikita sa libro


ni Ricky Lee (2009).

PAGTALAKAY 9.2.

Mahahalaw sa napanood o nabasa ang kongkretong karanasan kung paano ang


pelikula ay matuturing na tekstong pampanitikan na malamin na kaugat sa kontekto at
lipunang Pilipino. Sinasalamin nito ang sinasabi ni Flores na “diksurso ng
transpormasyon” na nagpapakita na “ang lipunan at kasaysayan ay nagbabago,
binabago, at nakapagpapabago”. Hindi rin nakakaduda bakit nanalo ito bilang CNN
APSA Viewers Choice Award for Best Asia-Pacific Film of All Time kung saan nasa
ikalawang puwesto ang klasik ding pelikulang Seven Samurai ni Akira Kurosawa (CNN,
13 November 2008). Sa IMDB (2020), makikita rin na nakapagtala ito ng mga
nominasyon at panalo ito sa usapin ng kahusayan sa direksiyon, paggganap, dulang
pampelikula, tunog, disenyong pamproduksiyon, sinematograpiya, at editing, sa lahat
ng mga elementong mayroon sa isang pelikula.

Magandang halimbawa ang Himala (Carballo & Bernal, 1982/2012), maging ang
dokumentaryo kaugnay nito na Himala Ngayon (Arguelles, Dalena, & Sicat, 2012),
upang patotohanan ang tinukoy ni Rolando Tolentino (2009) sa kaniyang sanaysay na
“Domeyn ng panitikan: Kung hindi ngayon, kalian? Kung hindi tayo, sino? Kung hindi
rito, saan?” kung saan sinabi niya na:
Kaya kapag sinabing pagbasa o pagsusuri, hindi lamang usaping resepsiyon ang
ating pinagtutuunan, pati na rin ang usaping produksiyon. Sinusuri natin di
lamang ang ating pakiramdam, pagkilos, at pag-iisip batay sa karanasan sa
produktong kultural; kabilang din ang pagsusuri sa kung bakit nalikha ang
ganitong produkto at karanasan. Sa pagsusuri, magkakasalikop na usapin ang
produksiyon at resepsiyon, at indibidwal at kolektibong karanasan. Samakatuwid,
ang pagsusuri ng anumang produktong kultural ay pagsusuri sa kung anong
sinisiwalat na pahiwatig na praktis (signifying practice) nito, na may sinasabi at
hindi sinasabi ukol sa mga sistema ng produksiyon at resepsiyon ng mga
produktong kultural.

218
Ang tao, panltikan, · at lipunan ay hinubog at binibigyang-laman ng tatlong
puwersa: ang kasaysayan, heograpiya, at modernidad. Ang mga ito ang
nagbibigay ng pangkalahatang karanasan, nagsisiwalat ng magkahalintulad o
magkakatunggaling paraan ng pag-iisip, pakikiramdam, at pagkilos sa lipunan.
(Tolentino, 2009, p. 35).

Sa karanasan ng paggawa ng Himala patunay ito bilang produktong kultural na


hinubog ng tatlong puwersa ng kasaysayan, heograpiya, at modernidad. Sa mga
karanasan sa paggawa ng pelikula makikita ang magkakatunggaling pagkilos sa
lipunan lalo na ang pelikulang ito ay likhang-sining ng isang direktor at mga artista na
kilalang bumabatikos sa diktadurang Marcos ngunit naprodyus din ito ng isang
ahensiyang umiral sa panahon ng diktadura, ang Experimental Cinema of the
Philippines (ECP) (i.e. nasa Himala Ngayon, Arguelles, Dalena, & Sicat, 2014).

GAWAIN 3. (dalawang oras)


REPLEKSIYONG PAPEL
Sa libro ng Young Critics Circle (Flores & YCC, 2009, p. 23), naihanay ang mga
sumusunod na tanong:

1. Paano nagkakaugnay ang iba’t ibang element ng pelikula? Pumili ng isang


pelikula at suriin ito ayon sa mga elementong tinalakay.
2. Ipaliwanag kung bakit ang pelikula ay hindi isang teknikal na usapin lamang.
Paano halimbawa nagiging makabuluhan ang sinematograpiya at editing sa
paglahad ng saysay ng isang pelikula?
3. Tumukoy ng isang paboritong eksena sa pelikula o di kaya’y paboritong artista.
Tuklasin kung bakit naantif ang damdamin kapag naaalala o natutunghayan ito.

Sagutin ang isa sa mga tanong na ito.

PANGWAKAS

Sa Sining ng Sineng Filipino, tinalakay rito (Flores & YCC, 2009, p. 3) ang
pangangailangan ng “pagiging malay” nating sa “proseso ng pagdanas ng sine” at
“pagmumuni sa pagdanas na ito” kasama ng “matalik na ugnayan ng pagsasakatawan
ng sine at ang lugar natin sa mundo ng sine at sa mundo kung saan bahagi lamang ang

219
sine”. Binabanggit din niya ang pangangailangan sa “pagbatid sa sine bilang karanasan
na nakaugat sa saloobin at pagkilos ng manonood ng sine” (Flores & YCC, 2009, p. 3).

Ayon naman kay Lumbera (2000), kung maaari nga lamang sana na maging
kritiko ang bawat manonood, bakit hindi. Pero para sa kaniya, hindi naman kailangang
pakabusisiin ng manonood ang isang palabas, gaya ng ginagawa ng mga kritikong
isinusulat ang kanilang pagsusuri para sa mga publikasyon. Para kay Lumbera (2000,
p. 101), ang kailangan lamang ay “maging gising ang kamalayan” ng manonood sa
panahong sumusubaybay siya sa kuwentong inilalahad sa pelikula. “Gising, upang hindi
siya mapaglalangan, upang hindi siya mailigaw, upang maging kapaki-pakinabang ang
kaniyang paglilibang,” sa loob man ng sinehan o, sa ating kontemporaneong kalagayan,
hawak ang mga mobile phone o kaharap ang kompyuter.

220
SANAYSAY

221
PANIMULA

Sa modyul na ito, tatalakayin ang kalahagahan ng isa pang akdang pampanitkan—ang


Sanaysay. Mula sa sanaysay ng pagpapakilala sa sarili noong elementerya, sanaysay
na pagbibigay ng reaksyon sa mga napanood na pelikula o nabasang teksto noong
sekondarya, hanggang sa sanaysay ng pagbibigay ng obserbasyon o kritiko ngayong
kolehiyo, marahil pamilyar ka na sa kung ano nga ang sanaysay.

Layunin ng modyul na ito na mas mapalalim ang pag-unawa ng mag-aaral sa kung ano
ba ang sanaysay at bakit ito mahalaga lalo na ngayon sa mga panahon na tulad nitong
pandemya.

MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO:

Matapos ang modyul na ito, inaasahan na ang mag-aaral ay:

1. Maipaliwanag kung ano ang kahalagahan ng Sanaysay noon at ngayon;


2. Makapagsuri ng mga sanaysay at maipahayag kung ano ang impak nito sa
mambabasa; at
3. Makabuo at makagawa ng sariling sanaysay.

a. Ang Sanaysay: Introduksiyon ni Bienvenido Lumbera


 
Araw-araw ginagamit ang wika para sa komunikasyon, at sa paggamit ng wika na iyan
ay nakabubuo ang indibiduwal ng sanaysay na hindi niya namamalayan.
Nagpaliwanag ang maybahay sa katulong kung bakit dapat pakaingatan ang paggamit
ng cholorox sa paglalaba. Nakipagtalo ang estudyante sa kaklase tungkol sa mga
katangiang dapat isaalang-alang sa pagpili ng kandidatong iluluklok sa Student
Council. Nagkita ang magkaibigang matagal nang nagkahiwalay, at ang isa sa kanila
ay nalulong sa paggunita sa mga araw nang palagi pa silang magkasama. Ang tatlong
okasyon ay nagbunga ng sanaysay bagamat hindi sinadya ng tatlong taong gumamit
ng wika. Kung ang mga salitang binigkas sa tatlong okasyon ay nailimbag, madaling
naunawaan ng tatlong tao na ang bawat isa sa kanila ay nakaakda ng sanaysay.
Marahil kakailanganing kinisin ang kaayusan ng mga talata o kaya ay patingkarin ang
bias ng pagkakasabi sa pamamagitan ng maiangat na pamimili ng lalong epektibong
mga salita, nang sa gayin ay lalong maging karapat-dapat sa tawag na “sanaysay”
ang tatlong paggamit sa wika. Sa pagkikinis na iyan, dumadako na tayo sa usapin ng
sining sa pagsulat ng sanaysay.
 

222
Kung kikilalanin ang tatlong paggamit sa wika bilang sanaysay, masasabing mula pa
nang unang siglo ng pananakop ng mga Espanyol, mayroon ng ilang halimbawa ng
sanaysay sa wikang katutubo. Kaya nga lamang, mga prayleng Espanyol ang autor ng
mga halimbawang iyon. Nagpaliwanag si Padre Francisco Blancas de San Jose
tungkol sa doktrina sa Memorial de la vida christiana (1605). Gayundin ang ginawa ni
Padre Alonso de Santa Ana sa Explicacion de la doctrina cristiana (1628). Pinukaw ni
Padre Pedro de Herrera ang konsensiya ng mga Kristiyano sa kanyang Meditaciones,
cun manga mahal na pagninilay na sadia sa Santong Pageexercicios (1645). Ang
pagpapaliwanag, pagsusuri, at paglalahad ng nasabing mga autor ay mga halimbawa
ng sanaysay sa wikang Tagalog na inakda ng mga dayuhan. Ang mga orden
relihiyoso ang siyang nagmamay-ari ng mga naunang imprenta, kaya't sa mga
dayuhang pari matutunton ang mga unang akda sa kasaysayan ng sanaysay sa
wikang katutubo.
 
Ang maitatanong natin ngayon ay kung bakit hanggang sa kasalukuyan wala pa
tayong komprehensibong koleksiyon ng mga sanaysay na isinulat ng mga katutubong
Tagalog?
Ang kasagutan sa tanong mahahanap ay mahahanap sa introduksiyon sa kinikilalang
kauna-unahang koleksiyon ng mga sanaysay, ang Mga Piling Sanaysay (1950) na
pinamatnugutan ni Alejandro G. Abadilla. Ayon kay Abadilla, noon lamang 1938
lumitaw sa bokabularyong Tagalog ang sanaysay, galing sa mga salitang “sanay” at
“salaysay” na pinagsanib ni Abadilla upang magamit sa pagtukoy sa anyong
pampanitikan ng tinatawag sa Ingles na “essay”. Ang mga pangalang kinilala ni
Abadilla bilang autor ng mga sanaysay sa Kanluran ay kinabibilangan nina Montaigne,
Bacon, Addison, Macaulay, Emerson, Mencken, at Spingarn. Batay sa mga pangalang
nabanggit, agad nating mahihinuha kung saan hinango ang mga pamantayang
ginamit ni Abadilla sa pagtiyak kung aling akda sa wikang Tagalog ang ibibilang niya
sa mga sanaysay na pinili niya para sa kaniyang antolohiya.
 
Sa introduksiyon ng nasabing antolohiya, inugat ni Abadilla ang kasaysayan ng
sanaysay sa isinulat nina Marcelo H. del Pilar, Emilio Jacinto, at Andres Bonifacio
noong panahon ng Rebolusyong 1896. Tinunton niya ang pagkaunlad ng anyo
matapos ang Siglo 19 sa mga simulat ng mga peryodistang sina Pascual H. Poblete,
Lope K. Santos, Carlos Ronquillo, Julian Cruz Balmaseda, Iñigo Ed Regalado, atpb.
Pero nagkasya na lamang ang patnugot sa pagbanggit ng mga pangalan ng itinuturing
niyang naunang mga autor ng sanaysay. Wala siyang sanaysay na isinali mula sa
dalawang panahong nabanggit. Ang kaniyang koleksiyon ay naglaman ng dalawa
lamang na akda mula sa panahong bago sumiklab ang Digmaang Pasipiko; ang
malaking bilang ng mga akdang naisama ay “nasulat at nalathala sa pagitan ng 1945
at 1950. Ang idinahilan ni Abadilla ay ang pagkawasak ng mga aklat at publikasyong

223
mapagkukunan ng mga sanaysay ng panahon bago dumating ang Digmaang
Pasipiko.
 
Bagamat mainam na antolohista si Abadilla, gaya ng pinatutunayan ng iba pang mga
antolohiyang pampanitikan na kaniyang pinamatnugutan, wala sa kaniya ang
kakayahan at kasanayan ng masinop na mananaliksik sa kasaysayan ng panitikan.
Na may iba pang aklatang katatagpuan ng mga publikasyong mapaghahanguan ng
mga akda ng mga autor na binanggit niya ay hindi sumagi sa isipan ng makata,
palibhasa’y hindi likas sa kaniya ang pagiging iskolar. Sa ganitong dahilan nagkasya
ang pagtnugot ng Mga Piling Sanaysay sa pagtitipon ng mga sanaysay ng kaniyang
panahon.
 
Bukod sa limitasyon ni Abadilla bilang iskolar, may isa pang dahilan kung bakit naging
makitid ang saklaw ng kaniyang antolohiya. Malinaw ang pagkiling niya sa anyo ng
sanaysay na pinaunlad ng manunulat na Pranses na si Michel de Montaigne. Ito ang
sanaysay na may nilalamang mga obserbasyon at kuro-kuro, pati na ang estilo, ay
tigmak sa personalidad ng may-akda. Batay sa ganiyang pagkiling sa personal na
sanaysay, naglatag si Abadilla ng mga pamantayang tinanggap bilang di-mababaling
batas sa pagtatampok ng mahusay na sanaysay.
 
Sabi ni Abadilla:
 
“Kung may masasabing pangangailangan sa isang naghahangad maging
mananaysay ay tila wastong hinggin sa kanya ang daloy na halos walang gatol na
pagpapahayag ng kaniyang sarili. Hinihingi sa kanya ng maayos na pagdadala sa
sarili at ng kung tawagi'y mabuting tuluyan ang bisa ng pagsasadamdamin at
pagsasakaisipan ng mga karanasang ibig niyang pakinabangan ng iba.”
 
Pansinin na ang diin ay nasa“pagdadala ng sarili.” Maalala na sa pagtula man ay
ganiyan din ang iginigiit ni Abadilla, isang kahingian na mahirap tugunin kung ang
gagamiting sukatan ay ang mga akda na makata mismo. Sabi pa ng patnugot ng Mga
Piling Sanaysay: “Ang sanaysay ay kahawig ng isang taong walang pagkukunwari ni
pagpapanggap at sa pagharap sa kaniyang Bathala, kung araw ng Linggong
pinagkagawian, ay di man lamang maganyak ang kaloobang magbihis ng bago at
magarang damit gaya ng pinagkagawian na rin ng kaniyang mga kapanahon.”
 
Hindi layunin dito na puwingin ang depinisyon ni Abadilla sa anyong sanaysay at ang
kaniyang paggigiit ng pansariling pamantayang pansining sa pag-akda ng sanaysay.
Hangad lamang nating unawain kung bakit nakapag-iwan ng negatibong epekto ang
kaniyang makitid na pagtingin sa sanaysay at sa pagsukat sa kahusayan ng
sanaysay. Kapansin-pansing nauna ang depenisyon at ang paglalatag ng pamantayan
224
sa pagtitipon ng mga halimbawang akda. Ang resulta ay ang pagkaiwan sa labas ng
kategoryang sanaysay ng napakarami at iba-ibang halimbawa ng mga akda na dapat
napabilang sa mga maituturing na sanaysay.
 
Ngayon nakapagpapalawak sa kategoryang sanaysay ang pagbabalik ng mga
mananaliksik sa mga tekstong pampanitikan na makakalap sa mga aklat at iba pang
publikasyon mula sa nakaraan. Noon ang tanggap lamang bilang sanaysay ay iyong
katulad ng mga sanaysay na nasa antolohiyang Mga Piling Sanaysay at ang mga
pormal na sulatin gaya ng panunuring pampanitikan, panayam, at pag-aaral bunga ng
pananaliksik. Ngayon, maaari na nating ipasok sa nasabing kategorya ang mga
sermon ng mga paring katutubong tulad ni Padre Modesto de Castro, ang alinmang
klase ng talumpati, ang mga editoryal at kolum sa mga diyaryo at magasin, ang mga
lathaing tinatawag na feature article, ang mga liham at talaarawan, napalathala man o
hindi.
 
Tungkol sa pamantayang pansining, hindi naiiba ang sukatan ng mahusay na
sanaysay sa sukatan para sa iba pang anyo. Unang-una ang matatag at matinong
paghawak sa wika, na hinihinging maging mabisa sa pagpapaabot sa mambabasa ng
layon nitong sabihin. Ang bisang iyan ay karaniwang natatamo kapag ang mga
kaisipan/damdamin/obserbasyon ay maingat na naisaayos ayon sa layunin ng
sanaysay. Gayundin, ang mga salita ay pinili upang maipalaman sa mga ito nang
hustong-husto ang nais sabihin tungkol sa paksain. Hindi hinihingi na lagging maging
seryoso ang nilalaman ng akda; ang hinihingi ay maging makabuluhan ito sa
pagtalakay sa paksain bilang pagkilala na nakikisingit lamang ito sa panahon at
kamalayan ng mambabasa.
 
Ang kasalukuyang pagbasa sa sanaysay ay umiba na sa pagbasa ni Abadilla. Hindi
na ang tatak ng personalidad ng autor ang pangunahin nating hinahanap kundi ang
kabuluhang nais ibahagi ng akda sa mambabasa.
 
Upang maging kapaki-pakinabang ang pagbasa ng sanaysay, mahalagang hawanin
muna ang sapot ng pagkailang sa isipan ng estudyante tuwing mahaharap siya sa
isang sanaysay. Naiilang siya, kung hindi man nababagot na kaagad, dahil tinitingnan
niya ang sanaysay bilang mga salita lamang na nangingitim sa pahina, na kailangang
himay-himayin upang maintindihan ang sinasabi. Sa maikling sabi, akdang walang
pintig ng buhay ang sanaysay. Paano nalikha ang ganitong sapot sa isipan ng
kabataang mambabasa?
 
May panahon na itinanghal ang isang partikular na anyo ng sanaysay bilang
pinakamainam na halimbawa ng matimbang na babasahin. Ang nasabing anyo ay ang
sanaysay na ang layunin ay magpaliwanag ng matatayog na isipan, ang sanaysay na
225
namimilosopo. Diumano ang ganitong sanaysay ang sanaysay na nakasapit na sa
rurok ng pagkaunlad. At maiintindihan natin kung bakit nakaiilang ang pakikiharap sa
ganiyang babasahin. Mahirap naman talagang arukin ang malalim na kaisipan. Subalit
hindi dapat panatilihin ang sagot na lumagom sa isipang naging biktima ng lisyang
paghahalimbawa.
 
MAY BOSES ANG SANAYSAY. Paano ba ang tamang pakikiharap sa sanaysay?
Mahalagang  magsimula sa pagkilala na may boses ng taong kumakausap sa atin sa
likod ng mga salitang nakalimbag sa pahina. Kadalasan, ang autor mismo ang
kumakausap sa atin. Maaaring may isinisiwalat sa atin na mga diwa at damdaming
personal na inantig ng isang pangyayari o tanawin. Maaari namang ang  autor ay
tagapamagitan, may mga bagay na gusto niyang ipaunawa dahil ipinapalagay niyang
mahalaga ang idudulot sa atin ng pagkaunawa. May pagkakataon naman na sabik
ang kumakausap sa atin na ibahagi ang isang karanasang ayaw niyang siya lamang
ang dumanas. At kung minsan, may mga karanasang nakabagabag sa autor na
kailangan niyang ikumpisal sa atin.
 
MAY TONO ANG SANAYSAY. Kapag natutuhan na nating makinig sa boses ng
sanaysay, masisimulan na nating kilalanin ang tono ng nagsasalita. Iba-iba ang tono
ng sanaysay. Kung minsan ang boses ay nag-uutos, kung minsan ay sumasamo. May
sanaysay na ang nagsasalita ay tila walang pakialam, mayroon din namang
pinapahanga o pinapaibig ang mambabasa. Ang pamimili ng mga salita, ang
pamamaraan ng pag-uugnay-ugnay ng mga salita, ang paghahanay-hanay ng mga
parirala at sugnay, ang pagtuhog ng mga pangungusap - iba-ibang pamamaraan ito
para linawin ang tono ng nagsasalita sa sanaysay. Kadalasan nakasalalay sa
kahusayan ng mambabasa sa pagtukoy ng tono ang wastong pagsapol sa sinasabi ng
sanaysay. Samakatuwid, napakalahalaga na maging sensitibo ang mambabasa sa
mga kulay at pahiwatig na nilikha ng pagkakaayos ng mga salita at pangungusap
upang lubos ang kaniyang pagkaunawa sa pakay ng kumakausap sakaniya.
 
MAY UGNAY ANG SANAYSAY. Ang pagkilala sa boses ay pag-alam sa nilalaman.
Ang pagkilala sa tono ay pag-alam sa estilo ng sanaysay. Kapwa kailangan ang mga
ito upang mapahalagahan nang husto ang sanaysay. Subalit hindi dapat magtapos
ang pag-aaral ng sanaysay sa pag-alam sa boses at tono lamang. Kailangang
matutuhan din ng mambabasa na ang sanaysay ay anyong pampanitikang laging
umuugnay sa mga tao sa lipunan at sa mga usaping panlipunan. Lalong nagiging
kasiya-siya ang pagbasa ng sanaysay kung ito ay nagiging tulayan ito patungo sa
mga kaugnay na isyu.
 
MAY KURO-KURO SA SANAYSAY: Upang maging ganap ang kasiyahang dulot ng
mahusay na sanaysay, kailangang paraanin ito sa palitang-kuro na sasalihan ng iba
226
pang nakabasa ng akda. Mahalagang alalahanin na ang talakayan ay hindi lagging
itutuon sa mga idea ng autor. May mga sanaysay na walang bago o masalimuot na
idea ang ibinabahagi. Iba-iba ang anyo at layunin ng sanaysay. Samakatwid, ang
palitang-kuro ay maaaring isentro sa paksain at ang mga implikasyon ng sinabi
tungkol sa paksain. Maaaring ang implikasyon ay sa mga usaping kaugnay ng
tinalakay ng manunulat, maaari din namang sa personal na buhay ng mambabasa o
ng iba pang kasali sa palitang-kuro. Maaari din namang ituon ang palitang-kuro sa
paglilinaw ng iba-ibang aspekto ng pamamaraan ng pagkakasulat upang matutuhan
kung paano mapapakinabangan ng mambabasa ang estilo ng autor. Walang iisang
tunguhin sa pagtalakay ng nilalaman at estilo ng sanaysay. Maituturing na ang akda
ay isang bintanang bumubukas, nagsasaboy ng liwanag, at nag-aanyaya sa
mambabasa na magmasid sa kaniyang paligid at kilalanin kahit bahagya ang buhay at
karanasan ng ibang tao, sa pag-asang ang pira-pirasong dilim sa danas ng tao ay
mahahalinhan ng kamunting tanglaw na maglalapit sa atin sa ating kapwa.
 
Aktuwal na teksto mula sa:
Lumbera, B. Ang Sanaysay: Introduksyon. Sa B. Lumbera. R. Villanueva, R.
Tolentino, & J. Barrios (Eds.) Paano Magbasa ng Panitikang Filipino (pp. 3-9).
Lungsod Quezon: University of the Philippines Press.

GAWAIN 1
Batay sa tekstong Ang Sanaysay: Introduksiyon ni Bienvenido Lumbera,
1. Ano ang kasaysayan sa pagakaroon ng sanaysay sa Pilipinas?
2. Paano masasabing mahusay ang isang sanaysay?
3. Paano magiging kapaki-pakinabang pang pagbasa ng sanaysay?
4. Ano ang mga katangian at kahalagahan ng Sanaysay?

PAGTALAKAY

Sa teksto ni Bienvenido Lumbera, malinaw na tinalakay kung ano ang Sanaysay mula
noon hanggang ngayon.

 Sa ikalawang talata, malinaw na naipaliwanag ni B.Lumbera na umpisa pa


lamang ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, masasbing mayroon nang
umiiral na sanaysay ang ating mga katutubo. Naipahayag din dito kung ano ang
naging papel ng sanaysay sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa
Pilipinas. Ito ay ang pagpapahayag ng damdamin ng mga Prayle upang
mapalaganap ang ideya ng kristiyanismo.
 Nabasa rin sa teksto, ikalabing-apat na talata, kung paano nadebelop ang
depinisyon ng sanaysay mula kay Bayani Abadilla hanggang sa kasalukuyan.
Mula sa pagbilang lamang sa mga pormal na sulatin bilang mga sanaysay,
hanggang sa kasalukuyang pagtanggap sa mga sermon ng pari, talumpati,
227
editorial, magasin, feature article, liham at talaarawan bilang bahagi sa kategorya
ng sanaysay.
 Malinaw rin na nailatag sa teksto ang ga katangiang dapat taglayin ng sanaysay.
May boses ang sanaysay, may tono ang sanaysay, may ugnay ang sanaysay, at
may kuro-kuro sa sanaysay.

GAWAIN 2
Basahin ang “Tungkol kay Angel Locsin” p. 101-107, at “Pangmomolestiya sa
Pabrika” p. 113-116 mula sa Peryodismo sa Bingit: Mga Naratibong Ulat sa Panahon
ng Digmaan at Krisis ni Kennenth Roland A. Guda, at sagutin ang mga sumusunod
na tanong:
1. Suriin ang mga tekstong binasa sa pamamagitan ng mga katangian nito.
(Boses, Tono, Ugnay, at Kuro-kuro)
2. Ano ang impak ng mga teksto sa iyo bilang mambabasa?

PAGTALAKAY

 Ang mga tekstong Tungkol kay Angel Locsin at Pangmomolestiya sa Pabrika na


parehong isinulat ni Kenneth Roland A. Guda ay nabibilang sa ika-limang bahagi
ng kanyang librong Peryodismo sa Bingit: Mga Naratibong Ulat sa Panahon ng
Digmaan at Krisis na tumatalakay sa kahalagahan, lakas at kapangyarihan ng
kababaihan. Nais ng parehong sanaysay na na tumindig at ipakita na mayroong
boses at kayang lumaban ng kababaihang inaapi. Naipakita rin sa mga sanaysay
na mayroong puwang ang kababaihan sa lipunang kanilang kinabibilangan.
________________________________________________________________

PANGWAKAS:

 Sa simula pa lamang ginagamit na ang sanaysay upang makapagpahayag ng


saloobin, opinion, at obserbasyon. Ayon kay Jamilosa-Silapan (1995), nagsimula
ang Sanaysay kay Michel de Montaigne sa Pransya noong 1571. Naglaman ang
kanyang mga sanaysay ng mga pangyayaring nasaksihan niya sa kanyang
paligid. Gaya nang sinabi ni Lumbera (pp. 3-9) hindi lingid sa ating kalaaman na
kung itatala at ilalathala ang ating araw-araw na pakikipag-usap, ito ay
maituturing na sanaysay. Likas sa mga Pilipino ang pagiging madaldal o pala-
kuwento at mayroon tayong kanya-kanyang pamamaraan sa pagpapahayag ng
ating kasipan o damdamin. Samakatuwid, ang sanaysay ang may malaking
bahagi sa ating lipunan. Ito ay nakatutulong para maipahatid sa ating kapwa ang
ating mga danas at obserbasyon. Nais lamang bigyang diin ang sinabi ni

228
Lumbera (pp.3-9) na may boses ang sanaysay. Lalo na ngayon sa panahon ng
pandemya at hindi natin personal na nakikita ang ating mga kaklase, kaibigan,
guro, at araw-araw nating nababalitaan sa telelibisyon man o sa social media
ang paghihirap ng mga mamamayang Pilipino dahil sa kasalukuyang krisis na
dinaranas ng bansa. Malaki ang gampanin ng sanaysay upang makatulong at
makapagpamulat ng ating kapwa.

GAWAIN 3
Gumawa ng sanaysay sa kung ano sariling danas sa mga sumusunod:
4. Kalagayan ng pamilya sa ilalim ng ECQ.
5. Obserbasyon sa Freedom of Expression sa panahon ng pandemya.
6. Kalagayan ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng Online Class.

229
TULA

230
Paksa: Pagsulat ng Tula
Habi ng Salita: Pagsibol ng Tula

Mga Layunin:

Inaasahan ang mga mag-aaral na sa pagtatapos ng modyul na ito ay magagawa


nilang:

1. Matukoy ang katuturan ng tula batay sa mga dalubhasa at makata.


2. Mailatag ang mga katangian ng tula.
3. Makapagbigay ng ilang mga panimulang gabay sa pagsusulat, na maghihikayat
pa ng sigasig sa proseso ng paglikha ng akda.
4. MaIpakilala ang halaga ng pagpapahusay ng akda at ang proseso ng panunuring
masa sa panitikan at sining.
5. Maibukas sa mga manunulat ang mas malawak pang pagpipilian ng mga paksa
bukod sa kinasanayang mga paksa.
6. Maituro ang mga mungkahing gabay sa pagtatanghal ng tula o Spoken Word
Performance.

I. Yugto ng Pagkatuto

A. Motibasyon: AutoWriting

Mag-isip ng kahit anong imahe. Pagnilayan sa loob ng sampung (10) segundo.


Matapos pagnilayan, kumuha ng panulat at papel. Magsulat sa loob ng limang (5)
minuto na walang angatan ng panulat. Sumulat lamang nang malaya at tuloy-tuloy
habang sinasagot ang tatlong katanungan:

1. Bakit napili ang imahe?


2. Ano ang pagkakatulad ng imahe sa sarili?
3. Ano ang ‘di pagkakatulad ng imahe sa sarili?
Pagkalipas ng limang (5) minuto, itabi ang naisulat na resulta ng gawain para ipasa
sa guro sa itinakdang araw ng pasahan ng mga akibidades. Mula sa naisulat,
sagutin ang mga sumusunod na gabay na tanong:

1. Ano ang naramdaman bago magsulat, habang nagsusulat, at pagkatapos


magsulat?
2. Ano ang positibo sa karanasan? Ano ang negatibo sa karanasan?

231
Dagdag kaalaman:

• Ang materyal para sa pagsusulat ay nasa paligid lang - kailangan lang itala!
• Ang pagsusulat ay nagsisimula sa pag-upo at pagsusulat ng bagay na nakikita,
nararamdaman, natitikman, naririnig, naamoy sa paligid.
• Malaya lang munang dumanas at magtala ng danas.
• Saka itahi ang materyal – ang danas, sa sisidlang porma ng panitikan: maging ito
man ay sanaysay, maikling kuwento, o tula.
Matapos masagot ang mga tanong, basahin ang mga sumusunod upang
maunawaan ang katuturan ng tula.

Talakayan (Unang Bahagi)

Mga Kagamitang Pampagkatuto:

KATUTURAN NG TULA

May malaking gampanin ang tula sa proseso ng pag-unlad ng panitikan sa Pilipinas.


Lalo na at nagsimula ang panitikan sa tradisyong oral ng mga katutubo. Binigyan ng
katuturan ang tula ng mga makata na inisa-isa sa Sulyap sa Panulaang Filipino batay
sa mga sumusunod:

Inilahad ni Arrogante ang ss.:

Larawan ng kasaysayan ng bayan, ng pagtulak ng panahon tungo sa pag-


unlad ng daigdig at ng lahat, matatayog man; karaniwan o kababaan ng
nararating ng kaisipan at naisasaloob sa dibdib ng tao tungkol sa kanyang
pananalig sa Diyos, tungkol sa kanyang pagkakilala sa batas, tungkol sa
kanyang pakikipagkapwa-tao, tungkol sa kanyang sarili at iba pang
kaugnayan o sumasaklaw sa kanyang pagkatao, ang tula. Ang ipinahayag
ay hindi katuturan. Ito’y isang tangkang paglalarawan lamang sapagkat
mahirap bigyan ng isang tiyak na katuturan lamang, ang tula. (sinipi sa
Macaraig, 2004,p.141)

Gayundin, ipinakilala nina Sauco, Consolacion P.et.al sa kanilang libro na Panitikan


para sa Kolehiyo at Pamantasan ang tula sa ganitong paraan.

Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, “Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng
kagandahan, kariktan, ng kadakilaan; tatlong bagay na kailangan magkatipun-tipon sa
isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.”

232
Ayon naman kay Iñigo Ed Regalado, “Ang tula’y kagandahan, diwa, katas, larawan
at kabuuang tanang kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.” (sinipi sa
Macaraig, 2004,p.141)

Sa kabilang banda, ganito pinakahulugan ng UP Diksyunaryong Filipino ang tula


(sinipi mula sa Andang Juan, 2013, w.p):

1. akdang may mga taludtod, lalo na ang may nalinang na anyong pampanitikan,
natatangi sa masidhing gamit ng salita at ritmo upang ipahayag ang isang malikhaing
pagtingin sa isang paksa;

2. akda na bagaman malayang taludturan ay natatangi sa napakagandang wika at


kaisipan.

Mula sa iba’t ibang pananaw ng makata, napag-alaman natin na ang tula ay may
iba’t ibang paraan ng pagkilos at pagproseso ng kahulugan batay sa pananaw ng
tumitingin. Upang lubos na maunawaan at maging tiyak, kung gayon, maaari gamitin na
“working definition” sa klase sa pagtukoy ng kahulugan ng tula ang binigay ng UP
Diksyunaryong Filipino.

Matapos ang unang bahagi ng talakayan, isagawa ang sumusunod na gawain.

Gawain 1: Bugtungan Challenge

Lumikha ng bugtong gamit ang mga sumusunod na salita. Isulat sa papel at


sabay na ipapasa sa iba pang naatas na gawain.

1. Covid19
2. Ayuda
3. Online classes

Talakayan (Pangalawang Bahagi)

KATANGIAN NG TULA

Paano makilala na tula ang tula? Ito ay sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga


ispesikong katangian nito. Inisa-isa ito ni Gappi (2013) sa kanyang artikulo na “Hinggil
sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino”.

233
 Taludtod – katumbas ito ng “line” o “verse”. Binubuo ito ng mga salita at pantig.
 Saknong – binubuo ito ng apat na mga taludtod. Nangangailang pare-parehas ang
bilang ng taludtod sa bawat saknong 6/upang hindi pabago-bago. Mayroong
dalawang uri batay sa bilang ng taludtod kada saknong:
a. Gansal – (5,7,9,11)
b. Pares – (4,6,8,12,16,24)
 Caesura – masining na pagkakahati/paghihiwalay sa linya. May sukat din ito,
maaari maging:
4/4/4 = 12 6/6/6 = 18
6/6 = 12 8/8/8 = 24
8/8 = 16 6/6/6/6= 24

*Sa pagsusukat ng linya, iwasan ang paggamit ng apostrophe (‘) para sumakto
ang sukat. Tinatawag din itong ‘sungay’. Kung kaya na buuin ang sukat, gawin
hangga’t maaari.

 Tugmaan – ito ang pagkakapareho ng huling pantig sa bawat dulo ng taludtod.


Mayroong dalawang uri:
Tugmaang katinig

c. Tugmaang malalakas - binubuo ng “b,” “k,” “d,” “g,” “p,” “s,” at “t.” Kaya
magkakatugma ang mga salitang “talab,” “batak,” “tulad,” “dalag,” “sapsap,”
“basbas,” at “salat.”
d. Tugmang mahihina - binubuo ng mga titik na “l,” “m,” “n,” “ng,” “r,” “w,” at “y”. Kaya
magkakatugma, halimbawa, ang mga salitang “dasal,” “alam,” “ulan,” “sayang,”
“sayaw,” at “away.”
Tugmaang patinig – inasaalang-alang dito ang paggamit ng tuldik

a. Malumay
- binibigkas nang mabagal
- walang impit Halimbawa:
- hindi ginagamitan ng tuldik Pa-ta
- maaaring magtapos sa patinig at Bu-ko
katinig

b. Malumi
- binibigkas nang mabagal - may impit

234
- ginagamitan ng tuldik na paiwa (\) Halimbawa:
(à,è,ì,ò,ù) Ba-tà
- nagtatapos sa patinig Ba-hò

c. Mabilis
- binibigkas nang mabilis
- walang impit Halimbawa:
- ginagamitan ng tuldik na pahilis Gandá
(/) (á,é,í,ó,ú) Akó
- maaaring magtapos sa patinig at
katinig

d. Maragsa
- binibigkas nang mabilis
- may impit
- ginagamitan ng tuldik na pakupya
(/\) (â,ê,î,ô,û)
- nagtatapos sa patinig

Halimbawa:
Bahâ
Tahô

235
Antas ng Tugmaan

-Payak o karaniwan
Ang antas ng tugmaan kung simpleng sinusunod lamang ang natalakay nang
panuntunan sa pagtutugma sa itaas. Maaaring magtugma ang malumay at mabilis, ang
malumi at maragsa.

-Tudlikan
Isinasaalang-alang na ang bigkas ng salita. Tutugma lamang ang malumay sa
malumay, mabilis sa mabilis, malumi sa malumi, at maragsa sa maragsa.

-Pantigan
Bukod sa bigkas, isinasaalang-alang na rin ang pagkakapareho ng huling
dalawang titik ng salita.

-Dalisay
Bukod sa pagkakapareho ng bigkas, isinasaalang-alang ng rin ang pagkakapareho
ng huling tatlong titik ng salita.

 Imahen – katumbas ng “metaphor”. Ito ang imahe o bagay na sentral na


iniikutan ng tula. Sa pamamagitan ng mga salita, katangian at iba pang kaugnay
na konotasyon at denotasyon dito na ikakabit sa sentral na imahen,
naipapahiwatig sa ibang pamamaraan ang gusting iparating na mensahe.

 Persona – ito ang nagsasalita sa tula. Malinaw dapat ang karakterisasyon sa


tula nang matukoy agad ng mambabasa at hindi nagdadala dapat ng kaguluhan
sa kabuuan.

 Talinhaga - May ibibigay na pagdidiin sa gampanin ng talinghaga. Mababasa ito


sa artikulo na “Kahulugan ng Talinhaga” na isinulat ni Roberto Añonuevo
(2009).
Pinagpakahulugan ito ni Almario na:

Buod ng pagtula. Ito ang utak ng paglikha at disiplinang pumapatnubay


sa haraya at sa pagpili ng salita habang isinasagawa ang tula. Sa
gayon, napaghaharian nito ang pagbukal at pagdaloy ng diwa gayundin
ang kislap ng tayutay at sayusay na isinasangkap sa pagpapahayag.
(w.p)

236
Sa madaling salita, ang talinhaga ang nagpapatingkad sa ideya. Ito ang
nagsisilbing tulay para lalong maunawaan at madama ang tula.

Sa akda naman na “Language Poetry: Saan ang Mambabasa” ni Rebecca


Añonuevo (2014), may idinagdag na katangian ng tula. Tinukoy niya dito ang:

 Hawak sa Wika- ito ang paglalaro ng makata sa wika sa paraang lalong


nagpapaganyak sa mambabasa para makapasok sa loob ng imahen ng tula.

MUNGKAHING GABAY SA PAGSULAT NG TULA

Mula sa palihang KM64 Patikim Workshop: 24/7 na Karinderya ang Tula na


pinangunahan ng lecture speaker ni Montalban (2018) ay inilahad ang mga sumusunod na
mungkahing gabay:

• Malaya lang muna na dumanas, at magsulat.


• Kilalanin ang paligid, ang lipunang ginagalawan, upang higit pang makasulat ng
makabuluhang mga akda na may pinagsisilbihan.
• Huwag matakot sa mga pagpuna. Lahat ng puna ay tanggapin. Ngunit matutong
salain at alamin ang makatutulong.
• Ang bagong tula ay parang isang bagong putol na kahoy, kahit anong ganda ng
materyales, may proseso pa din ng pagpuputol, pagliliha, pagpapako,
pagpipintura o varnish, bago maging kagamitang mapakikinabangan

Basahin naman ang artikulo na isinulat ni Guillermo (2013) na tumatalakay sa silbi


ng makata.

Ano ang silbi ng mga makata?

Ano ang silbi ng mga makata? Bilang isang panlipunang katanungan, dapat itong
sagutin batay sa pampulitikang pangangailangan ng ating lipunan sa kasalukuyang
panahon. Sa ating lipunang hati ayon sa nagtutunggaliang interes ng mga uring
panlipunan, ang pampulitikang batayang ito ng pagsisilbi ng mga makata, gayundin ng

237
mga kabilang sa iba’t ibang uri at sektor ng lipunan, ay umaalinsunod sa ganitong
malaking hidwaan. Halimbawa, ang tindig pampulitika ng mga makatang binasbasan
ang sarili noon pang 1990 bilang “world-class poets” at kailan lang ay nag-aleluyang sila
na ang nasa tuktok ng panulaan sa Pilipinas sa bagong dantaon ay nakikinabang sa
mga palisiya at programa ng malalaking komprador at panginoong maylupa at
burukratang kapitalista tungkol sa imperyalistang globalisasyon at ibayong pagpapatindi
ng kalagayang malakolonyal at malapyudal sa ating bansa. Ang mga pinuno ng
pangkating ito ay may mahabang kasaysayan ng pangangayupapa sa nangakaraan at
kasalukuyang rehimeng pang-estado, ng panlilinlang sa mga bagong makata sa
pamamagitan ng mga oportunistang teoryang pampanulaan (tulang pulitikal na walang
pinapanigan), pusisyon at pabuya, ng paghihiwalay ng mga makata at kanilang likha sa
sariling lipunan batay sa mga latak ng New Criticism na hinimud sa pusali ng Cold War.
Sa kabilang banda, ang tindig pampulitika ng mga makata ng pambansa-demokratikong
rebolusyon (34 taon na nga ang itinatagal, at mangyayaring tumagal pa) ay akma sa
pangangailangan ng mga uring api’t pinagsasamantalahan mga manggagawa’t
magbubukid, kabataan, kababaihan at bata, mababang panggitnang uri, pambansang
minorya, atbp. Nasa tula’t kilos nila ang dakilang pakikibaka at mithi ng sambayanang
Pilipino.

Noon lang ikalawang bahagi ng dekada sisenta natutunang itanong ng mga


makata sa sarili sa paraang publiko: Ano ang silbi? Sino ang pagsisilbihan? Paano?
Mainam ngayong ulitin ang tanong.

Matapos ang pangalawang bahagi ng talakayan, gawin ang sumusunod na


gawain.

Gawain 2: Tula

Sumulat ng
maikling tula na may
dalawang saknong
at may
sinusundaang
tugmaan. Pumili ng
isa mula sa apat na

238
larawan bilang batayan sa pagsulat. Lagyan ng pamagat. Ipasa sa itinakdang araw ng
pasahan.

Talakayan (Pangatlong Bahagi)

PANUNURI AT PALIHAN

Matapos ang pagsulat, suriin ang sariling tula. Sagutin ang mga ss. na gabay na
tanong:

1. Alin sa mga linya ang matingkad? Bakit?


2. Alin sa mga linya ang mahina? Hindi kinakailangan? Pwede na ba alisin? O
anong puwedeng ipalit?
3. Ano ang mensahe ng akda? Para kanino?

PAGTATANGHAL NG AKDA

Ilan ang mga sumusunod sa mungkahing gabay sa pagtatanghal ng akda mula sa


isinagawang palihan na “Karapatang Sumulat, Sumulat para sa Karapatan” na
pinangunahan ni Montalban (2020):

1. Hindi ka tutula ng hindi mo pinapaniwalaan. Ang entablado ang pagsasadula ng


realidad. Cause not applause.
2. Magplano ng atake. Alamin saan ang diin, ang pahinga, ang paglakas at paghina
ng boses. Magsanay. Humingi ng opinyon sa iba.
3. Walang problema kung kailangan basahin. Lalo kung hindi inaasahan ang
pagtatanghal. Tiyakin na nabasa na ang itatanghal na tula. Planuhin ang sulyap
sa sipi at ang interaksiyon sa nakikinig.
4. Gamitin ang buong katawan. Gumamit ng bagay labas sa katawan. Ang iba, may
sinasabayan pa na musika. Puwede rin ang may projection ng imahe sa likod ng
nagtatanghal. Depende pa ito sa hinihingi ng akda. Tiyakin na anumang paraan
o taktika sa pagtatanghal ay dapat na magsilbi sa paghahatid ng mensahe ng
akda.
5. Tandaan ang mga sumusunod: Eye contact, Projection, Enunciation Facial
Expression at Gesture.
6. Lahat ay hindi sapat kaya dapat lalo pang umunlad (kritik).

Pagtatasa:

239
Bilang sintesis: sasagutin natin ang sumusunod na katanungan:

1. May kakayahan ba ang tula sa pagbabago ng lipunan?

Babasahin: Mga Tula ng Iba’t ibang Makata

240
i
Elmer A. Ordoñez, “Protest Literature” nasa Manila Standard Today, Pebero 3, 2007.
ii
Edgardo B. Maranan, “Against the Dying of the Light: The Filipino Writer and Martial Law” binasa ng may-akda sa
mga estudyante at mga guro sa University of London’s School of Oriental and African Studies noong Setyembre
1999 na inilagay sa website na, http://www.oovrag.com/essays/essay2007b-1.shtml.

You might also like