You are on page 1of 2

Araw ng mga Patay

Tauhan:
• Bagong Sapulturero
• Matagal ng Sapultero

Talasalitaan:
• Palatandaan – Katibayan o Patunay
• Dumadagsa – Dumarating
• Sapulturero – nagtra – trabaho sa sementeryo
• Umaalingasaw – paglabas ng baho
• Dumaranas – Napagdaanan

Buod :
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na
palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Lubhang
napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-araw at
nagpuputik naman kung tag-ulan. Mayroong isang malaking krus na nasa
gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na bato at nakatitik ang
INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan
ng libingan. Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang
humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na.
Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago sapagkat
hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo.
Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang
lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kanyang
hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin. Sumagot ang
kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang
kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang
nalilibing sa gitna ng kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang
malakas na ulan at namatay ang kanyang ilaw ay lalo siyang mandidiri at
kikilabutan ang buong katawan. Ang bangkay anya ay kailangang pasanin
at ilibing sa libingan ng mga Intsik. Gayunman, dahil nga sa malakas ang
buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na lamang na itapon
niya ito sa lawa.
Kanser ng Lipunan :
Kawalang galang sa mga patay

Pagsusulit :
1. Ang tawag sa nagtra-trabaho sa sementeryo?
2. Ano ang ginawa ng sapulturero sa bangkay ni Don Rafael?
3. Ano ang iniutos sa sapulturero?
4. Ano ang nasa gitna ng sementeryo ng San Diego?
5. Ano ang ibig sabihin ng umaalingasaw?

You might also like