You are on page 1of 4

Olongapo City National High School

Lungsod ng Olongapo

BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO


Paaralan OCNHS Baitang/Antas Grade 8
Guro ROSILYN FERNANDEZ Asignatura FILIPINO
Araw/Petsa ENERO 24, 2018 1:00-7:15 Markahan IKAAPAT
I.LAYUNIN
A.PamantayangPangnilala Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang akdang pampanitikan
man na mapagkukunan ng mahahalagang kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang
suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan .
B.PamantayansaPagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio broadcast na naghahambing sa
lipunang Pilipino sa panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan.
C.MgaKasanayansaPagkatu a. Nakapagmamasid ng masuri sa paksang tinatalakay.
to
b. Nakasasaling masigasig sa talakayan at mga aktibidad.

c. Nakagagawa ng maikling pagbubuod hinggil sa paksang tinalakay.


II.NILALAMAN
Paksa Florante at Laura (Ala-ala ni Laura)
MgaKagamitan Marker, Kayumanggi sa Florante at Laura
Istratehiya Wag kang Nega! Interaktibong Talakayan
Sanggunian
III.PROSESO NG PAGKATUTO
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG - AARAL
A.Panimulang Gawain
1.Pagbati sa klase
Magandang umaga/tanghali sa inyong lahat. Magandang umaga/tanghali din po Bb.
Fernandez!
2.Pagsasaayos ng klase
Mangyaring pulutin ang mga kalat sa ilalim ng inyong Pupulutin ng mga mag – aaral ang mga kalat,
mga upuna at ayusin ang linya ng mga upuan at aayusin ang linya ng upuan at tahimik na
magsiupo kayo sa inyong itinalagang lugar. magtutungo sa nakatalagang upuan nila.
3.Pagtatala ng liban sa klase
Sabihin ang “Narito po” kung kayo ay present at Isa – isang tumutugon ang mga mag- aaral sa
mangyaring tumugon ang katabi kung liban ang inyong pagtatala ng liban ng guro.
kamag-aral.
B.Pagganyak
- ( Ididikit ng guro sa pisara ang mga negatibong
pahayag at ito ay gagawing positibo ng mga mag-
aaral)
- Kagaya ng nakikita niyo sa harapan, ito ay mga
negatibong pahayag, ito ay gagawin niyong
positibo.
- Ang pagiging positibo ay nakapagpapalakas ng
damdamin.
- Opo!
- Naunawaan ba ?
- ( Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
- Kung gayon tayo ay magsimula na?

- ( Tatawag ng mga mag-aaral upang sumagot)


C.Pagtalakay saAralin
- Napakasarap magmahal lalo nakung nasusuklian rin
ito ng pagmamahal .Wika nga ng mga
nakatatanda ,lalong nagiging matamis ang
pagtitinginan kung paminsan-minsan ay may
tampuhan.Kung ang pagmamahal ay may
kasamang panibugho ito ay magsisilbing lason sa
inyong pagmamahalan.

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG - AARAL


Pagbabalik Aral
- Kahapon ay tinalakay natin ang ikapitong na aralin
na pinamagatang “ Si Florante sa Di-Mabatang
Hirap”. Tungkol saan ba ito? Hijo?
- Ma’am ito po ay tungkol sa
nararamdamang sakit ni Florante dahil
iniisip niya na baka nagtaksil na sa kanya
si Laura at ipinagpalit na siya kay
- Tama ito ay tungkol sa panibugho na nararamdaman Adolfo.
ni Florante kay Laura.

Talasalitaan

- ( Ididikit ng guro sa pisara ang mga salitang


malalalim at ito ay bibigyang kahulugan ng mga
mag-aaral.)
- Hahanapin niyo sa kahon na nasa itaas ang
kahulugan ng mga salita at gagamitin ito sa
pangungusap.
- Nauunawaan ba ang gagawin? - Opo, nauunawaan po!

- Kung gayon ay magsimula na tayo. - ( Magtataas ng kamay)

- ( Tatawag ng mga mag-aaral na magtataas ng


kamay)

- Ngayon na nabigyan na natin ng mga kahulugan ang


mga malalalim na salita ay dumako na tayo sa aralin
6.

- Hahanap kayo ng dalawang kamag-aral niyo na


magiging kapareha niyo, bawat pares ay bubunot ng
papel sa kahon na aking hawak. Sa papel na inyong
mabubunot ay nakasulat ang bawat isang saknong na
inyong babasahin at sa likod nito ay may katanungan
na dapat sagutin. Kung sino ang pares na magbabasa
ay pipili sa kanilang mga kamag-aral na sumagot sa - Opo, nauunawaan po!
katanungan na napunta sa kanila.

- Nauunawaan ba? - Opo!

- Kung gayon ay magsimula na tayo. Nakapili na ba


kayo ng inyong mga kapares?
- (Sunod-sunod na tatayo ang mga mag-
- Tayo ay magsimula na. Sino ang nakabunot ng una aaral base sa numero ng saknong na
at ikalawang saknong basahin ito ng malakas? kanilang babasahin)

- Opo!

- Naunawaan ba ang inyong binasa? - Ma’am naaalala po niya yong nakaraan


nila ni Laur, kung paano po siya nito
- Kung gayon, ano ang iniikutan ng araling ito, hijo? alagaan at kung gaano po siya kamahal ni
Laura.

- Mahusay, hijo. Dito ay inalala niya kung gaano siya


kamahal ni Laura at kung paano siya nito
alagaan.Gayon pa man hindi pa rin nawala ang
kanyang agam-agam na baka si Laura ay nasa
kandungan na ni Adolfo. Ayon nga sa kanya na
lubos pa niyang pasasalamatan si Adolfo kahit na
sinaktan siya nito basta’t huwag lamang aagawin si
Laura.
- Kung ikaw ang nasa katayuan ni Florante paano mo - Ma’am para po sa akin, kung may
haharapin ang mga pagsubok na darating sa iyong pagsubok na darating sa akin kagaya ni
buhay, hijo? Florante ay hindi ako mawawalan ng
pag-asa at patuloy akong mananalig sa
Panginoon.

- Ma’am para naman po sa akin haharapin


- Mahusay, ikaw naman hijo? ko ito ng buong tapang at hindi po ako
mag-iisip ng kung ano-ano lalo na kung
hindi naman po ito makatutulong sa akin.

- Magaling. Hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa at


manalig sa Panginoon dahil hindi niya tayo
pababayaan at mahalaga na sa oras ng pagsubok ay
maging positibo tayo.
- Bakit kailangang magkaroon ng positibong pananaw - Para po sa akin ma’am, importante po ito
kahit sa gitna ng paghihirap? Hija? dahil hindi naman po makatututlong sa
akin pag-iisip ng mali.

- ( Magpapakita ng isang tula ang guro na


pinamagatang “ O , Babae” at babasahin ito ng guro) - Ma’am tungkol pos a babae.
- Ano ba ang nilalaman ng tula? Hijo?

- Tama , ito ay tungkol sa babae kung gaano nga ba


kahalaga ang mga babae, na kagaya ng mga ala-ala
ni Florante kay Laura kung gaano ito kabait at
kaalaga, ito ay natural na sa mga babae.

- Sa inyong pananaw, ano ba ang mangyayari sa - Ma’am malungkot po.


daigdig kung walang mga babae?
- Ma’am magiging malungkot po ang
- Bakit malungkot? daigdig kung walang babae dahil sila po
ang nagbibigay kulay sa mundo.

- Ma’am kung wala pong babae,


- Mahusay. Ikaw hijo? malungkot po ang mundo dahil wala
pong maingay.

- Sabi nga sa tula pano ang daigdig kung ikaw ay


wala? Hindi ba at si Florante ay halos takasan rin ng
tamang pag-iisip kapag si Laura ay nawala sa kanya.
Siguro nga ay hindi magiging masaya ang mundo
kung wala ang mga babae.
- Ano ba ang mensahe na nais iparating ng araling ito?
Hijo? - Magtiwala po tayo sa mga minamahal
natin.
- Mahusay. Ano pa, hijo?
- Ma’am wag pong mawawalan ng pag-asa
at manatiling positibo.
- Magaling. Ang Diyos ay hindi natutulog magkaroon
lamang tayo ng positibong pananaw kahit na sa gitna
ng paghihirap.
- May mga katanungan pa ban a nais bigyang linaw?
- Wala na po!
- Kung gayon ay magkakaroon tayo ng aktibidad.
SINTESIS
- (Hahatiin sa apat na grupo ang mga mag-aaral at bawat
grupo ay bibigyan ng manila paper)
- Sa inyong manila paper ay nakasaad ang mga
gawain na napunta sa inyo.
- Makinig ng mabuti at ipaliliwanag ko ang gagawin
ng bawat grupo.
- Para sa unang grupo gawin niyong positibo ang
isinasaad sa saknong na nakasulat sa pamamagitan
ng pagbuo ng pahayag.
- Sa ikalawang grupo naman bumuo ng isang
panalanging magagamit sa panahong pinanghihinaan
ng kalooban at maging positibo sa kabila ng mga
paghihirap na nararanasan.
- Sa ikatlong grupo naman Bakit kailangang
magkaroon ng positibong pananaw kahit na sa gitna
ng paghihirap at iugnay ito sa sariling karanasan.
- At para sa huli grupo sumulat ng mga mungkahi ng
iba’t-ibang paraan upang maiwasan ang depresyon
sa mga panahong dumaranas ng labis na paghihirap
ng kalooban.
- Malinaw na ba ang gagawin ng bawat grupo?
- Opo!
- Kung gayon ay magsimula na. mayroon lamang
kayong limang minuto upang gumawa at pagkatapos
ng limang minuto ay ilalahad niyo sa harapan ang
gawa ng inyong grupo.

- ( Pagkatapos ng limang minuto ay ipaliliwanag ng


bawat grupo ang kanilang gawa)

- Bawat isa sa inyo ay bigyan ng limang palakpak ang


inyong sarili.
- ( Papalakpakan ang sarili)
KASUNDUAN/TAKDANG-ARALIN

- Basahin ng mabuti ang susunod na aralin na ( Isusulat sa kwaderno ang sinasabi ng guro)
pinamagatang “ O, Pagsintang Labis”

- May mga katanungan pa ba?


- Wala na po!
- Kung gayon ay paalam na sa inyong lahat.
- Paalam na rin po Bb. Fernandez!

Inihanda at ipinasani:

ROSIELYN FERNANDEZ
Student Teacher – Filipino

Itinala ni:

EMILY S.ALIP
GuroIII – Filipino
Cooperating Teacher

Iniwasto ni:

LOVELLA JAROBEL
ULONG GURO III – FILIPINO

You might also like