You are on page 1of 1

Ang karunungan ay patuloy na lumalago sa paglipas ng mga panahon.

Ang pagtuklas ng kaalaman ay


walang katapusan. Mula sa isang simpleng datos, maraming katanungan ang lumantad na siyang
tutulong sa pagpapalawak ng kaalaman.

Sinasabing ang karunungan ng Pilipino ay nagsimula noong panahon ng Plestosin na mahigit sa 2.6
milyon hanggang 11,700 taon nang nakalipas. Sa pagkiskis ng kamay sa dalawang bato, natuklasan ng
sinaunang tao ang apoy– na kalaunan ay siyang naging mahalaga sa pamumuhay ng mga tao hanggang
sa kasalukuyan. Nakatuklas ang sinaunang tao ng mga kaalaman dulot ng hatak ng pangangailangan. Ito
ang umpisa ng karunungan. Ang mga karanasan ng mga tagapanguna ay siyang ating naging pundasyon
tungo sa maunlad na karunungan ng modernong panahon.

Nang sakupin ng mga Kastilang mananakop ang Pilipinas, binura ang pundasyong inilatag ng mga
sinaunang Pilipino, kabilang ang mga kultura ng katutubi, maging ang sinaunang sistema ng pagsusulat,
pagbasa, at mga salita ng mga ito. Sa mga mata ng Kastila ay tayo’y mangmang, di sibilisado, at pagano.
Pinwersa ang patakarang Espanyol sa mga Pilipino habang pinapakinabangan ng dayuhang mananakop
ang yamang likas ng bansa. Idinikta sa mga katutubo ang pamumuhay ng kanluranin at ang doktrina ng
simbahan na siyang sumisira sa bait ng mga katutubong Pilipino.

Ang mga Pilipino ay naging sunud-sunuran sa lipunang kolonyal. Sa kabilang banda, may mga taong
lumilihis sa kalakaran: ang mga matitinong tao. Hindi nagpapakontrol sa mga aparato ng ideolohiya.
Taong 1896, sumambulat ang “natipong katinuan sa anyong sama ng loob.” Ito ang digmaang Pilipino-
Espanyol, na bunga ng pagnanais ng mga Pilipino na kumawala sa kasakiman at kalupitan ng mga
manlulupig. Sa kasalukuyan ay nananatili parin ang kulturang ungas. Nagbago na ang mundo ngunit
nakapako parin ang isip ng tao sa diwang kanluranin dulot ng mekanismo ng edukasyon at pabatirang
pang madla.

You might also like