Local Media 2

You might also like

You are on page 1of 1

Cornelio, Raymond Z.

BSA-IIB

Ang Pananaliksik sa Panahon ng Corona Virus

Sa kabila ng matinding hamon na ating kinakaharap, naniniwala tayong ito ay ating


malalampasan sa pamamagitan ng ating patuloy na pagtutulungan. Habang ginagawa ng
frontliners ang kanilang bahagi sa pag-aalaga sa mga positibo sa COVID-19 at pagprotekta sa
mga Pilipino, kinakailangang gawin din ng mas nakararami ang kontribusyon para sa laban na
ito. Bagaman, maraming mamamayan ang hindi makaunawa sa mga mensahe ng kampanyang
pangkalusugan at ang mga pamamaraang pangmilitar na ginawa dito.

Ang COVID-19 ay hindi kailan pa man nakita or naranasan ng sangkatauhan, sa


kasalukuyan wala pang mga bakuna upang maiwasan o gamot na lunas sa sakit na ito. Subalit
gumagawa ng mahusay na pamamaran ang ating pamahalaan upang makaiwas tayo sa
nakaambang na panganib dulot ng COVID-19. Ayon sa pag-aaral, malaki ang naitutulong at
nagiging ambag ng wastong pagsunod sa alituntuning ipinatupad ng sangay ng pamahalaan para
sa pangkalusugan. Halimbawa nito ay; ang wastong paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa
matataong lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo, at manatili sa
bahay kung sakaling may sakit. Ang pagtupad sa isang tungkulin bilang isang indibidwal ay
napakalaking bagay, kahit na may mga pagsisiyasat para sa bakuna sa COVID-19 at mga pag-
aaral sa pagsusuring medikal, ang mga produktong ito ay nasa bagong yugto palang ng
pagdedebelop. Ang mga gamot na ito ay hindi pa ganap na subok para sa kaligtasan o pagiging
epektibo, o nakakatanggap ng ganap na pag-apruba mula sa awtoridad.

Gayunpaman, kailangan nating magtulungan upang malabanan ang COVID-19 dahil hindi
pa sapat ang kakayahan ng ating bayan na labanan ng lubusan at pawiin ng panandalian ang
pandemikong sakit na nararanasan.

You might also like