You are on page 1of 7

Ikatlong Repleksyon

Matapos mabasa at masuri ang una at ikalawang repleksyon na mula sa mga inilahad na
karanasan ng aming mga kapwa mananaliksik, nandirito pa ang ilang pang nabuong pagninilay
na siyang magiging bahagi ng aming ikatlong repleksyon at eidetic insights.

1. Ang Pagkapit sa Tatsulok, Isang Paraan ng Panangga sa Kahirapan.


Ayon sa ginawang pag-aaral ng Philippine Inquirer Net (2016), halos 12M ng 26M ng
mga Pilipinong namumuhay sa kahirapan ay nakararanas ng matinding kahirapan; tulad na
lamang ang lubos na kawalan ng paraan upang mapakain ang kanilang mga sarili. Buhat nito,
madaming Pilipino na ang siyang pumapasok sa iba’t ibang raket upang mapakain lamang ang
kanilang mga pamilya. Libu-libo sa mga Pilipinong ito ay pumasok sa delikadong parte ng
underground economy ayon kay Toyoken noong 2012.

Ang naging pagkakaiba lamang ng aming mga nakapanayam sa karamihan ng 12M


kataong ito ay ang hindi nila pagkapit sa patalim, kung ‘di ang pagkapit sa tatsulok. Aming
nahinuha, galing sa mga narratives ng aming mga nakapanayam, na sila ay nasa lower class
standing kung tawagin ang estado sa buhay. Mapapansin na naging gabay at mismong paraan na
ng paghahanapbuhay ang nabuong relasyon ng aming mga nakapanayam sa kanilang mga
ginagamit at mga pinaniniwalaang agimat. Tulad na lamang ng mga nakapanayam, na siyang
ginamit ang paniniwala sa mga agimat bilang paraan ng hanapbuhay. Dulot na rin siguro ng
kahirapang nararanasan ng aming mga kapwa Pilipino, nabubuo ang paniniwala hindi lamang sa
Diyos kundi pati na rin sa mga naukit na rebulto o kapuwa estatwang hawig sa Panginoon. Sa
aming mga nakapanayam, naging proteksyon na rin nila ang kanilang pag-gamit sa mga agimat
laban sa mga sakit at problemang hatid ng kahirapan.

Sa kabuuan, ang paggamit o pagkapit nila sa ideya ng kapangyarihan ng agimat ang


siyang nagsisilbing panlaban nila sa bugso ng kahirapaan. Marahil nga ito’y hindi naman talaga
nakakatulong sa pagpapaunlad ng kani-kanilang mga estado, nabubuo naman nito at napapatibay
ang katatagan ng mga tumatangkilik rito. Masasabi rin namin na, mas mabuti nang magkaroon
ng matatag na loob at paniniwala sa mga hindi nakikita, kaysa naman hindi kumilos at umasa na
lang sa tulong na inaabot ng gobyerno.

2. Kulturang Nawawaglit, Hinahamok ng mga Modernong Jose Rizal.


Aming napagtanto na ang lahat ng mga nakapanayam ay taas noong ginagamit ang mga
agimat, hindi nila itinatago at hindi sila natatakot sa pambabatikos ng tao. Isa itong simbolismo
na sila, mga tumatangkilik ng anting-anting, ay kumakatawan sa isang pag-uugali ng mga
Pilipinong dinadala ang kultura nang walang pangamba. Sila ay maihahalintulad sa mga kilalang
mga Pilipino na namuhay noon na patuloy na dinala ang kultura na noong pa kinagisnan —ang
paggamit ng mga agimat. Ayon sa artikulo ni Anthony Lopez (1995), sina Andres Bonifacio at
Emilio Aguinaldo ay ibinalitang mayroong mga agimat na Santiago Apostol na nagbibigay ng
kalakasan sa kanila; si Macario Sakay, nagsuot ng banal na lampin na may ukit ng misteryosong
mga karakter na letra upang bigyang proteksyon ang sarili sa mga laban na kanyang
madadaluhan. Ipinagtitibay lamang ng pag-aaral ni Lopez (1995) na bago pa man naging
moderno ang pamumuhay, panahon pa lamang ng ating kanununuan, hindi nawala ang kultura
ng ating bansa sa paggamit ng agimat.
Ang mga nakapanayaman namin, sila ang bumubuhay sa unti-unti nang nawawalang pag-
alab ng kulturang dating mayabong. Napansin namin na ang bawat isa sa kanila ay may iba’t-
ibang kwento, iba’t-ibang mga pagsubok na naranasan, at hindi karaniwang mga paglagpas sa
mga problema sa paggamit ng agimat; sa lahat ng nabanggit, mayroong isang bagay na hindi
nawala sa kanila - ang pagpapatuloy sa buhay na kasama ang agimat, isa-isahin man sila,
ginagawang malaking parte ng buhay ang mahiwaga nilang mga anting-anting. Hindi sila
nagkakalayo sa mga nabanggit na bayani sa artikulo ni Lopez (1995). Samakatuwid, kaming mga
mananaliksik ay binibigyan sila ng pagkilala bilang mga modernong mga bayani —sapagkat
malaki ang gampanin nila sa pagpapanatili ng pagkilala sa kapangyarihan ng mga agimat na
kung saan ay isa na sa mga hindi gaanong napag-uusapan sa urbanisadong lipunan ngayon. Hindi
man sila sumasabak sa pisikal na giyera, katulad ng ibang modernong mga bayani, ang mga
tumatangkilik ng agimat ay nakikipagsapalaran upang tulungan ang mga nangangailangan sa
espiritwal na aspeto. Ito ang natutunan natin mula sa ating mga ninuno at ang mga anim na
kinapanayam ay isa sa mga sugo ng Patriyotismo dahil hindi sila natatakot sa kung ano mang
ibato sa kanilang batikos sa kabila ng pagpapahalaga sa ating kultura.

Sa kabuuan, nahinuha namin na dapat sila ay dapat bigyan ng karampatang pagkilala sa


katulad ng pagkilala ng ating lipunan sa mga sundalo. Sila ang isa sa karampot na konkretong
halimbawa na ang ating bansa ay may masaganang kultura. Sa paglipas ng panahon, maaaring
mabaon na ang mayabong na kultura ng ating bansa sa pagbilis ng urbanisasyon at
komersyalismo—sila na lamang ang ating pag-asa na ibahagi sa ating mga kababayan na ang
mga tumatangkilik ng agimat ay hindi mga katatawanan kung hindi ay mga modernong mga
tagapagsalba.

3. Taliwas sa Nakagisnan, Hindi Alintana sa Pagpupugay.


Sa lahat ng aming nakapanayam, lahat ay nagsasabi na ang tunay na kapangyarihan ng
kanilang agimat ay nagmumula sa Diyos. Isang instrumento lamang ang agimat na nagsisilbing
tulay mula sa Diyos patungo sa nangangailangan kung saan napapagaling, nabibiyayaan, o kaya
naman napoprotektahan ang gumagamit ng agimat. Ang Diyos na nababanggit ng mga taga-
tangkilik ng agimat ay hindi nalalayo sa Diyos ng mga Kristiyano. Ayon sa historya ng agimat sa
libro ni Pambid (2000) na “Anting-Anting”, ang pagkalikha ng mga Pilipino sa konsepto ng
anting-anting sa anyong medalyon ay buhat ng paniniwala na dinala sa atin ng mga Kastila ukol
sa Kristiyanismo. Ang Diyos Ama na kadalasang lumalabas sa mga agimat ay sumisimbolo sa
Diyos ng Kristiyanismo. Maraming paniniwala ang mga tumatangkilik ng agimat na katulad
lamang ng isang normal na Kristiyano; ang pinagbago lamang nito ay ang paraan nila ng
pagpapakita ng kanilang pananampalataya. Pagdating sa paniniwala ng mga Kristiyano, walang
katotohanan sa likod ng paggamit ng mga agimat sapagkat, para sa kanila, wala itong tunay na
kapangyarihan at hindi kahit kailanman isinaad sa Bibliya ang paggamit at pagtangkilik ng mga
ito. Ang mga tumatangkilik naman ng agimat ay mayroong sari-saring paraan ng
pananampalataya na taliwas sa tradisyonal na paraan na pinamamalakad ng mga tunay na
Kristiyano. Wala silang sinusunod na proseso pagdating sa pagpapahiwatig ng kanilang
paniniwala. Mayroon silang mga paniniwala na hindi nagkakatugma-tugma sa bawat indibidwal
na tumatangkilik at mayroon din silang mga sinusunod na sinasabing kailangang gawin upang
hindi mawala ang bisa ng agimat katulad na lamang ng pagsasagawa ng orasyon upang
mapanatili ang kapangyarihan ng agimat.
Mapapansin na ang paggamit ng agimat ay nakabatay pa rin sa mga prinsipyo at
paniniwala ng Kristiyanismo ngunit naipapakita lamang sa isang pisikal o materyal na bagay ang
kanilang pananampalataya na sinasabing nagbibigay ng hindi pangkaraniwang kapangyarihan sa
kung sino man ang gumagamit o ginagamitan nito. Mapapansin sa aming mga nakapanayam na
malakas ang paniniwala nila sa Diyos bagamat sa Kanya nila inaalay ang kanilang pasasalamat at
trabaho. Sa kabuuan, ang paniniwala nila sa Diyos ay nanatiling matibay at buo, kahit wala
silang pinapanigang relihiyon na siyang nagbubuklod sa sangkatahuan.

4. Pagkamulat sa Bagong Kapangyarihan, ang Layunin ay Hindi Nag-iba.


Isa sa matutuklasan mula sa aming pananaliksik sa pag-aaral ng mga gumagamit ng
agimat ay ang pagbabago at pag-iba ng pananaw ng aming mga kapwa mananaliksik simula sa
panahon ng una nilang pagka-gamit. Ang kanilang pagbabago ay mauugat sa kanilang dating
pamumuhay noong hindi pa sila gumagamit o tumatangkilik nito. At nang simulan nila ang
kanilang pagtangkilik ay nakaramdam sila ng pagbabago sa kanilang paraan ng pamumuhay.

Ang pangyayari sa buhay nila sa kung paano nila nakuha ang kanilang mga agimat ay isa
sa mga halimbawa ng pagbabago mula ng paggamit ng agimat ng aming kapwa mananaliksik;
dahil ang kanilang mga dating paniniwala ay tila ba nabago ng paggamit nila ng agimat. Ngunit
ang kanilang pagbabago ay hindi lamang dahil sila ay nakaramdam ng kakaibang kapangyarihan
o kalakasan sa paggamit ng agimat. Ito rin ay nagdulot ng kanilang tumibay na pananalig at
paniniwala sa Panginoong Maykapal. Bunsod ng mga pagbabagong ito hindi parin natinag ang
iba’t ibang mga pananaw o perspektibo sa kanilang paggamit at paniniwala sa agimat. May mga
gumagamit ng agimat para sa kanilang pamumuhay o pinagkakakitaan, mayroong mga
gumagamit para sa proteksiyon nitong taglay, at mayroong gumagamit para sa pantanggal ng
masamang espiritu o panggamot.

Mahihinuha na ang mga paggamit ng agimat ay nagbubunsod ng iba’t ibang paniniwala


at perspektibo na nakapagpabago mula noong sila ay hindi pa gumagamit o tumatangkilik nito.
Naipapakita rin na kahit na ang kanilang perspektibo at pananaw sa buhay ay nag-iba o nabago
ng agimat, hindi pa rin nawala ang kanilang pagiging maunawain at mapagmahal para sa
kanilang kapwa. Ayon sa pag-aaral ni Alfred Schutz (1960) na Social Phenomenology, ang
interaksyon ang siyang nag-uugat ng karanasan na magdudulot ng mga makabagong kaalaman at
perspektibo sa buhay at siya naman ang nag-uugat kung paano ito mailalapat ng isang tao sa
kanilang buhay. Ngunit, kahit na iba’t iba ang kanilang mga perspektibo at nabago ito ng
paggamit nila ng agimat, hindi pa rin natinag ang kanilang pagmamahal para sa kanilang
pamilya, kostumer o kahit na sinong may nais para sa mga agimat.
Eidetic Insights
Ang bahaging ito ng aming pananaliksik ang siyang pinakamalalim na parte ng aming
isinasagawang pagninilay na nagbuhat mula sa una hanggang sa ikatlong repleksyon. Batay sa
masusing pagsusuri ng mga karanasan at kwento ng aming kapwa mananaliksik, naunawan at
naintindihan ko na ang pagtatangkilik sa anting-anting ay hindi hamak na may malaking bahagi
sa buhay ng gumagamit, ito ang nagbibigay ng lakas at pag-asa sa kanila sa lahat ng aspeto sa
buhay at walang kasamaan na namamamayagpag dahil ito ay sinasaalang-alang nila sa pangalan
ng Diyos. Buhat sa kaisipang ito, nahubog sa aming pangkat ang eidetic insights na:

Ang pagtangkilik ng mga anting-anting ng mga tao sa Quiapo, Maynila ay bagaman


sila ay nakakaani ng batikos - ito ang nagpapalapit sa kanila sa Diyos, nagbubukas sa mga
mata ng mga taong tiklop at hindi mulat sa lipunan na sila ay mga taong nararapat na
bigyan ng pantay na tingin, nagpapanatili ng mayabong na tradisyonal na kultura ng
bansa, at nagbibigay sa kanila ng konkretong paalala na ang pagbabahagi ng kabutihan ay
sapat na upang bigyang pasasalamat ang Diyos sa biyayang natanggap nila (agimat) sa
kabila ng hirap ng buhay.

Nais naming bigyang simbulo ang nabuo naming eidetic insights na makikita sa pigura
bilang___.

Figure ___. Ang aming Eidetic Insight


Iginuhit Ni: Bea Patricia DR. Llose ng X-Einstein
Ang mga simbolong nagamit ay ang mga sumusunod: agimat sa gitna, mapagbigay na
kamay, ang krus na may nakapulupot na telang kulay bughaw, matingkad na kulay kahel, nailaw
na mata (kasama nito ang yin-yang, puso, at simbolo ng kapayapaan), mukha na puno ng agimat,
at ang watawat ng Pilipinas.

Ang nais ipabatid ng kumikinang na agimat sa gitna ay ang agimat ang parte ng kanilang
buhay. Ito ang puno’t dulo kung bakit sila ay may bukas na kamay sa lahat ng pagkakataon na
mayroong nangangailangan, sila rin ay may pagka-makabayan at sinasaalang-alang ang mga
pamana ng ating mga ninuno sa kanila. Isa pa, sinasabi rin dito na ang agimat ang ay isang
paraan nila upang maging mas malapit sa Diyos, at ito ang nagbukas sa kanila sa iba’t ibang
perspektibo sa mundo. Sa kabuuan, sinasabi lamang na mayroong apat na distinkto na epekto sa
buhay nila ang agimat–kung kaya’t may pagkahati-hati ang aming larawan.

Ang nais ipabatid ng mapagbigay na kamay na tilang nagaabot ng isang agimat ay ang
ideya ng pagbibigay para sa kapuwa ng mga taong aming nakapanayam. Ang pinakaugat ng
pagyabong ng kanilang pagtangkilik sa mga agimat at iba pang mga uri nito ay ang kagustuhang
makatulong sa iba. Kamay na tila nagdurugo ang siyang aming ipinapakita sapagkat buhat ng
lubos na kagustuhang makatulong sa iba, ang pagbuo ng paniniwala sa mga agimat ang siyang
nagbibigay din ng problema at pagkasira sa nakakarami ng mga tumatangkilik dito. Pagkasira
tulad ng pambabatikos sa kanila ng iba’t ibang tao dahil sa kanilang paniniwala at ang
pagkakaroon ng bagong tingin sa mundong hindi nating inaakalang totoo pala: ang ispirituwal na
mundo.

Ang nais ipabatid ng krus na may nakapulupot na telang kulay bughaw ay ang pagkabuo
ng ibang pamamaraan ng paniniwala na siyang naiiba sa nakasanayan nating lahat. Kahit na
nagkakaroon ng pagkakaiba ang mga Pilipino pagdating sa paniniwala ay nagkakaroon pa rin
tayo ng kapayaan sa loob ng komunidad. Oo, marahil nga’y binabatikos ng iba ang mga taong
naniniwala sa mga agimat pero kinakaya naman nating mamuhay ng mapayapa kahit na
nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan patungo sa paniniwalang nais sundin.

Ang nais ipabatid ng matingkad at kahali-halina na kahel ay ang pagkakaroon ng


pagtanggap sa pagkakaiba-iba nating mga Pilipino. Tulad na lamang ng mensahe ng krus,
makikita sa aming ginawang pag-aaral ang pagiging bukas ng ilang mga mamamayang Pilipino
sa ideya ng mga agimat, anting-anting, medalyon, at iba pa. Nagiging bukas at unti-unting
natatanggap ng ating mga kababayan ang ideya ng mga sinasabing gabay mula sa kabilang dako
ng mundo, ito rin ay dahan-dahan nang nauukit sa ating kultura at pamumuhay. Halimbawa na
rito ang pagiging bukas ng ibang mga Pilipino sa pagbili ng mga “bracelet” sa Quiapo upang
maka-iwas sa usog ang mga bata, na kahit hindi ito ang tunay nilang paniniwala ay tintanggap pa
rin nila ang pag-asa ng pagiging panatag laban sa mga masasamang espiritu.

Ang nais ipabatid ng mga matang may ilaw na nagpapakita ng yin-yang, puso, at simbolo
ng kapayapaan ay ang pagkabukas ng aming mga mata sa mga bagong pananaw na dala-dala ng
kwento ng aming mga nakapanayam. Buhat ng kanilang mga naging kwento, tuluyang nabuksan
ang aming mga mata sa totoong kalagayan ng mga kababayan nating natangkilik sa mga agimat.
Yin-Yang para sa pagkakaroon ng pagkakaisa at balanseng walang pagpanig sa mga taong
tumatangkilik at ng mga hindi. Simbolo ng Kapayapaan para sa pagkakaroon ng kaayusan at
paggalang sa bawat paniniwala ng isa’t isa Huli, puso para sa pagpapalaganap ng pagmamahal sa
kabila ng pagiging iba ng bawat isa, at pagbukas ng puso at pagtanggap sa kung ano ang
pinaniniwalaan ng ibang tao.

Ang nais ipabatid ng mukha na puno ng agimat ay ang mga kinapanayam, sila bilang tao
ay niyakap na ang buhay na kasama ang agimat; ano man ang pananagutan nila harapin, buong
puso nila at taas noong gumagamit ng agimat. Sila ay hindi buo kapag walang agimat,
ipinapakita rin nito na nakikita nila ang agimat bilang isang biyaya at hindi bilang isang pabigat
sa kanilang buhay. Naipapakita rin na ang mga nakapanayam ay may pagpapahalaga sa biyayang
natatanggap mula sa Diyos, sila ay may kusa na bigyang pagmamahal ang agimat na
ipinagkaloob sa kanila.

Ang nais ipabatid ng watawat ng Pilipinas ay ang pagiging makabayan ng aming mga
nakapanayam. Makikitang mayroong katabi ang watawat ng isang katauhang ang mukha ay
nababalot ng iba’t ibang agimat, hatid nito ang persona ng mga taong tumatangkilik sa mga
agimat na siyang nagpapakita pa rin ng magandang pangarap para sa ikabubuti ng bansa.
Ipinapakita rin nito ang pangangalaga ng mga Pilipino sa kultura ng mga agimat hanggang sa
ngayon at ang patuloy na pagsasabuhay ng kulturang nabuo pa man bago dumating ang mga
Espanyol sa ating bansa.
MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG MAYNILA
Taft Ave. Cor Padre Faura St. Ermita, Manila

PAG-AARAL UKOL SA MGA GUMAGAMIT NG MGA AGIMAT AT


ANTING-ANTING SA QUIAPO, MAYNILA : ISANG
PENOMENOLOHIYANG PANANALIKSIK

KABANATA 4: 3rd Reflection and Eidetic Insights

Mga Mananaliksik
Hadassah Leigh R. Medalla
Shannen Shane C. Ramos
Avelino Genaro A. Basco
Bea Patricia DR. Llose
Diniel Keith Labendia
Cedric Reine Lopez

X-Einstein

Guro
G. Edgar V. Sarmiento

Petsa: Enero 19, 2018

Rubrics RS HPS

Pagsunod sa format 10

Paglalahad ng ikatlong repleksyon 20

Larawan ng eidetic insights 40

Paglalahad ng eidtic insights 30

Kabuuang presentasyon 10

Kabuuang Puntos 110

You might also like