You are on page 1of 7

Si Andrés Bonifacio y de Castro (30 Nobyembre 1863 – 10 Mayo

1897) ay isang Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo. Binansagan


siyang "Ama ng Katipunan". Siya ang nagtatag at lumaon
naging Supremo ng kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang
kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula
ng Himagsikang Pilipino. Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa
sa kasaysayan bílang unang Pangulo ng Pilipinas, subalit hindi siya
opisyal na kinikilala. Anak si Andres nina Santiago Bonifacio at
Catalina de Castro ng Tondo, Maynila, at panganay sa limang
magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid ay sina Ciriaco, Procopio,
Troadio, Esperidiona at Maxima. Mananahi ang kaniyang ama na
naglingkod bílang teniente mayor ng Tondo, Maynila, samantalang
ang kaniyang ina ay isang mestisang ipinanganak mula sa isang
Kastilang ama at isang inang may Pilipinong may lahing Tsino,
bílang kaugalian, isinunod ang pangalan niya sa kapistahan ng santo
ng araw ng kaniyang kapanganakan, si San Andres.
Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose
Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya
kasáma ni Apolinario Mabini. Ang La Liga Filipina ay
isang samahan na itinatag ni Jose Rizal sa Pilipinas
noong Hulyo 3, 1892. Binubuo ito ng mga taong
nagnanais na maputol ang pang-aapi ng mga Kastila sa
mga Pilipino. Ito ang nagpasimula ng pagkakaroon ng
nasyolisasyon ng mga Pilipino. Ang pangunahing
layunin nito ay maging malaya ang Pilipinas sa España
sa mapayapang paraan. Si Andres Bonifacio ay isa sa
mga kasapi nito.
Itinatag ni Bonifacio ang Katipunan o kilalá rin bílang
"Kataastaasan,Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak
ng Bayan" (KKK), noong 1892 isang lihim na
kapisanang mapanghimagsik, na 'di naglaon ay naging
sentro ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik. Kasama
ni Bonifacio ay sina Valentin Diaz, Deodato Arellano
(bayaw ni Marcelo H. del Pilar), Teodoro Plata (bayaw
ni Bonifacio), Ladislao Diwa, at ilang manggagawa sa
pagtatag ng Katipunan sa Calle Azcarraga (ngayon ay
Avenida Claro M. Recto) malapit sa Calle Candelaria
(ngayon ay Kalye Elcano).
Sa Katipunan, "Supremo" ang kaniyang titulo at di
naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang
Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulo ng Haring
Bayang Katagalugan". Dito rin niya nakilala si Gregoria
de Jesus na tinawag niyang Lakambini. Noong 23
Agosto 1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin
(ngayo'y Bahay Toro, Project 8, Lungsod Quezon) sa
Balintawak ay tinipon nya ang mga Katipunero at
isaisa'y pinunit ang kanilang mga sedula.
Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa
Tejeros, Cavite, sa kahilingan ng mga Katipunerong
Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lámang.
Nanalo sa pagka-pangulo si Emilio Aguinaldo, Lider ng
Katipunang Magdalo at ang Supremo ay naihalal sa
mabábang posisyong Tagapangasiwa ng Panloob
(Interior Director).
Dahil sa ang mga kasapi ng Magdalo ay mga may
kayang tao sa hilagang-kanlurang bahagi ng Kabite at
kanilang mga taga-sunod, ayaw nila kay Andres
Bonifacio sapagkat ito ay isang laki sa hirap at ayaw
nilang tanggapin na sila ay pinamumunuan ng isang
mahirap na kagaya ng Supremo kaya't minamaliit nila
ang kakayahan nito. Nang sinubukan ng mga kasapi ng
lupon ng mga Magdalo na usisain ang kakayahan ni
Andrés Bonifacio na gawin ang tungkulin ng isang
Tagapangasiwa ng Panloob, na ayon sa kanila ay gawain
lámang ng isang abogado, nainsulto si Bonifacio.
Idineklara ng Supremo, bílang pangulo ng Katipunan, na
walang bisa ang naganap na eleksiyon dahilan sa
pandaraya sa botohan ng mga Magdalo.
Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at
pagtataksil ng mga Magdalo. Habang hindi pa naka-aalis
ng Cavite, siya ay ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo
sa kaniyang mga tauhan. Iniutos kay Mariano Noriel na
ibigay ang hatol sa isang selyadong sobre kay Lazaro
Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio kasáma
ang kaniyang kapatid na laláking si Procopio Bonifacio
noong 10 Mayo 1897 malapit sa Bundok Nagpatong (o
Bundok Buntis).

You might also like