You are on page 1of 1

Kahit maliit na eskwelahan, mayroon ding ibubuga, ‘yan ang mga taga- Sta. Lucia.

Lubos na natuwa nag


mga taga- Sta. Lucia High School dahil sa naiuwing mga panalo sa ginanap na Municipal Press
Conference nito lamang ika-28 at 29 ng Agosto 2018.
Inuwi ni Ivan Reyes ang 5t place sa Editorial Cartooning English category at ni Renzo Cortes ang 5
th th

place sa Feature writing Filipino category. Kapwa sila susulong sa darating na DSPC 2018.
 
Nasungkit ni Xabry Red Pacheco ang 10 place sa Photojournalism English category. Sa kabila ng
th

magagaling na kalaban, nakuha parin ni Genesis Agustin ang 10 place sa Editorial Wri-ting Filipino
th

category. Lubhang natuwa naman si Jessa Santos dahil sa pagkapanalo bilang 10 place sa Editorial
th

Cartooning English category. Dumugo naman ang ilong nina Kristine Czarina Zamora at Danica
Quibuyen sa pagkapanalo bilang 9 at 10 place sa Science Writing at Editorial Writing English category.
th th

Iniuwi ni Ashley Mae Tuazon ang 10 place sa Sports Writing Filipino category. Kahit ngayon palang
th

nakipagpaligsahan, nasungkit parin ni Kim Imfante ang 10 place sa Feature


th

Writing Filipino category.

Sa kabila ng pagiging abala ng mga estudyante at guro dahil ang Sta. Lucia High School ang
naatasang maging host ng paligsahan, masaya ang ang mga Lucian dahil sa mga nasungkit na tagumpay.
Kaya naman, lubos na natuwa si Gng. Agnes P. Baladhay, Punong-guro ng SLHS, sa pagkapanalong ito.

Nagsilbing mga inspirasyon ang mga estudyanteng ito. Kung kaya nila, kaya mo din. Itanong mo
sa sarili: “Nagbigay ba ako ng inspirasyon o konsumisyon sa aming paaralan?”
 

You might also like